You are on page 1of 9

Colegio de Santa Catalina de Alejandria

Bishop Epifanio B. Surban St., Dumaguete City

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN

MGA AKDANG PAMPPANITIKAN


NG APRICA AT PERSIYA

WEEK 1
Kompetensi:

Mitolohiya:

 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia


 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
- suliranin ng akda
- kilos at gawi ng tauhan
- -desisyon ng tauhan
 Nabibigyang-puna ang napanood na video clip.
 Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo)

Ano ang Mitolohiya?

Ang mitolohiya ay kalipunan ng iba’t ibang paniniwala at mga tradisyunal na


kuwento tungkol sa diyos at diyosa at bathala na may taglay na kapangyarihan’
nagpapaliwanag din ito tungkol sa mga likas na kaganapan.

Anumang bansa ay may kinagisnang kultura at ang bawat kulturang ito ay may
mitolohiya. Kagaya sa ating bansa, bago pa man dumating ang mga mananakop ang
ating mga ninuno ay naniniwala na sa mga espiritung mabubuti at masasama. Na ang
espiritung mabubuti ay tumutulong sa mga tao samantalang ang masasama ay
nagdudulot ng kapamahakan.

Karaniwang sa mitolohiya ng Africa at Persia ay naglalarawan ng pinakaugaliang


mga kuwento noong unang panahon. Tumatalakay sa mga kahanga-hanga at mga
pambihirang nilalang na nagtataglay ng kakaibang galling ang karaniwang paksa.
Ipinakikita nito ang kaugalian ng kinabibilangang pamayanan, gawi at asal din ng mga
diyos at hindi diyos, gayundin ang kabayanihang ipinamalas ng mga bayani at iba pang
pambihirang nilalang.

ARALIN 1

Sagbata at Sogbo
Ang mitong ito ay mula sa Hilagang Africa ay tungkol sa nakatakdang
pamumuno ng magkapatid na Sagbata at Sogbo, ngunit nagkaroon ng suliranin dahil sa
magkaiba nilang katangian.

Inihabilin ni Mawu (Ang Dakila) sa kanyang mga anak na lalaki na sina Sagbata
at Sogbo ang pamamahala ng kalawakan at daigdig matapos niyang likhain ito. Hindi
magkasundo ang dalawa, maraming bagay silang hindi pinagkakasunduan.

Nagkaroon sila ng matinding pagtatalo. Sinabi ni Sagbata, ang nakatatanda,


“Buo na ang aking pasya, pupunta na ako sa daigdig na aking pamumunuan. Dahil
ditto, kukunin ko ang lahat ng dapat sa akin. Doon na ako sa daigdig at doon na ako
titira. Sinasabi ko sa iyo, Sogbo na aking kapatid, na kailangang kunin ko ang lahat ng
yaman ni Ina. Karapatan ko iyon dahil ako ang nakakatandang anak.”

“Sige, gawin mo ang gusto mo,” tugon ni Sugbo.

Nang marinig ni Mawu ang pagtatalo ng kanyang mga anak, tinawag niya ang
mga ito. “Hindi ako sumasang-ayon sa inyong pagtatalo. Hindi ko kakampihan ang kahit
sino sa inyo,” ang sabi niya sa dalawa. “Kailangang magtutulungan kayo tulad ng mga
baging na puno. Magkatali at matibay na magkabigkis. Pamumunuan ninyo ang
kalawakan at daigdig na magkasama.”

“Sagbata, bilang panganay, ikaw ang mamumuno sa daigdig. Sa iyo mapupunta


ang lahat ng aking kayamanan, At sa iyo, Sogbo, bilang bunso, ikaw ang mamumuno
sa kalawakan. Tataglayin mo naman ang hindi matatawarang kapangyarihan at lakas.
Ngayon humayo kayo’t pamunuan ang kalawakan at daigdig nang mapayapa,”
paliwanag ni Mawu.

Isa-isang isinilid ni Sagbata sa isang malaking lalagyan ang lahat ng para sa


kaniya at lahat ng kayamanan ng kanyang ina. Habang inilalagay ang mga ito, naisip
niya, tama ang kanyang pasya. Iniisip din niya na siya ang panganay at bakit ayaw
magpaubaya ni Sogbo. Sabi pa niya, “Wala nang maaaring pumigil sa aking nagging
pasya na tumira at pamunuan ang daigdig.”

Pagkatapos ayusin ang mga dadalhin, sinimulan na niyang maglakbay


patungong daigdig. Ngunit habang naglalakbay, naisip niya na sobrang layo pala ng
kalawakan sa daigdig. Samantala, naiwan naman sa kalawakan si Sogbo na kasama
ang kanyang ina. Iniisip niya na darating ang panahon na makukuha rin niya ang tiwala
ng kanyang ina. At kapag malaki ang tiwala ng kanyang ina sa kaniya, madali na ring
makuha ang tiwala ng ibang mga diyos sa kalawakan.

Lumipas ang mga taon at ganoon nga ang nangyari. Habang nagninilay-nilay,
naisip ni Sogbo, “Ngayon, naganap na ang nais kong mangyari. Ang nais ko na lang
makamit ay ang walang hanggang kapangyarihan. Para sa gayon, magagawa ko ang
nais kong gawin, walang makapipigil sa akin! At patutunayan ko sa aking kapatid na
ako ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan sa lahat! Titiyakin ko na mula sa
araw na ito, hindi uulan sa daigdig. Tingnan ko lang ang gagawin ng aking kapatid.”
Sabay tawa at nagmamalaki sa kanyang naisip na gagawin.

“Kung hindi pa rin umulan ikamamatay ito ng lahat ng nabubuhay sa daigdig.”


Naganap nga ang nais ni Sogbo na bunga nito ay tumangis ang mga tao kay Sagbata.
“Mula nang pinili mong mabuhay kapiling namin at maging hari namin, hindi umulan sa
buong kapuluan. Unti-unti nang matutuyo ang aming pananim. Namamatay na sa
gutom at uhaw ang aming pamilya!” daing ng isa.

“Huwag kayong mag-alala,” tugon ni Sagbata. “Uulan din sa ilang mga araw.”

Subalit, hindi pa rin umulan sa mga sumusunod na araw. Lumipas ang isa,
dalawa at tatlong taon hindi pa rin umulan. Ganap na nagkaroon ng tagtuyot.

Dalawang nilalang mula sa langit ang bumaba sa lupa upang sabihin sa mga tao
ang kapalaran ng daigdig. Pagdating sa kaharian ni Sogbo, agad tinanong ang
kapalaran ng daigdig. Agad binato ng dalawang nilalang ang mga buto ng propesiya sa
harapan ng hari at upang makuha ang sagot, biglang humanay ang mga buto. Sinabi ng
mga nilalang ng kalawakan kay Sagbata, “Malinaw sa hanay ng mga butong ito na
nagkaroon kayo ng alitan ng iyong nakababatang kapatid. May mga bagay kayong hindi
pinagkakasunduan. Malinaw sa sinasabi ng mga buto na kung nais mong mabuhay
nang mapayapa ay kailangan mong sumunod sa kanyang mga nais.”

“Hindi ko Makita kung paanong nangyari iyan. Napakalayo ng kalawakan sa


daigdig,” tugon ni Sagbata. “Napakalayo ng mga ulap at wala akong sapat na lakas
para umakyat doon. Bago ko lisanin ang kalawakan, pinayagan ako ng aming ina na
dalhin ang lahat ng kaniyang yaman ditto sa daigdig dahil iyon ang aking karapatan
bilang panganay na anak. Dinala ko naman ang lahat. Ano ang dapat kong gawin?
Tiyak na hindi maganda ang idudulot ng tagtuyot sa mga nilalang na aking
pinamumunuan. May maimumungkahi ka ba?
“Oo mayroon,” tugon ng mga nilalang sa langit. “Tawagin ninyo ang ibong si
Wututu, ang mensahero ni Sogbo. Sa kaniya sabihin ang inyong mensahe na iaalay kay

Sogbo ang kalahati ng kayamanan ng daigdig kapalit ng tubig. Natitiyak naming na may
paraan ang ibon na mapapayag si Sogbo dahil malapit ang ibon sa kaniya.”

Tinawag ni Sagbata ang ibong si Watutu. “Sabihin mo sa aking kapatid na


pumapayag na kong pamahalaan na niya ang daigdig. Sa kanya at hindi sa akin
tatangis ang bawat pamilya. Siya na ang mamamahala sa bawat bayan,” ang bilin ni
Sagbata sa ibon.

Pagkarinig ng mensaheng ito, agad na lumipad ang ibon kay Sogbo. Sinabi niya
ang mensahe ni Sagbata sa kaniya. Inutusan ni Sogbo si Wututu na sabihin sa kanyang
kapatid, “Bumalik ka sa kaniya at sabihin na nang magpasya siyang kunin ang lahat ng
kayamanan ni Ina, hindi na niya naisip na mas makapangyarihan ako. Kaya kong
kontrolin ang buong kalawakan at daigdig. Ngayon, kaya ko nang kontrolin ang lahat
ng yaman niya. Naisin man niya o hindi. Subalit, sige tatanggapin ko ang kaniyang alay.
Pauulanin ko na sa daigdig,” ang pahayag ni Sogbo.

Agad na lumipad si Wututu upang ibalita ang mensahe ni Sogbo kay Sagbata.
Nasa kalangitan pa lang ang ibon nang biglang dumagundong ang napakalakas na
kulog. Pumuhit naman sa langit ang matalim na kidlat. Bumuhos ang napakalakas ang
ulan. Pagdating ng ibon sa kaharian ni Sagbata, alam na niya na tinanggap na ng
kaniyang kapatid ang kaniyang alay. Sinabi rin niya sa kaniyang mga nasasakupan na
huwag papatayin ang ibon dahil ito ay banal.

Mula sa mga araw na iyon, naging magkaibigan na sina Sagbata at Sogbo.


Patuloy na ipinagkaloob ni Sogbo ang ulan sa daigdig. Dahil dito’y naging masagana na
muli ang buong kalupaan.

(Sanggunian: Rosenberg Donna. “WORLD


MYTHOLOGY.” Illinois: Contemporary Group Inc.)

Subukin Mo!

1. Maituturing bang isang panlalamang ang ginawa ni Sogbo kay Sagbata?


2. Kung isang ka sa magkakapatid na Sogbo at Sagbata, ano ang iyong
mararamdaman na hindi mo kasundo ang iyong kapatid? Kung ikaw naman ang
ina ng magkapatid, ano ang iyong mararamdaman na hindi magkasundo ang
iyong anak?
3. Sa iyong palagay, anong solusyon ang makalulutas upang ang mga hidwaang
namamagitan sa magkakapatid ay maiiwasan?

Pagkakaiba at Pagkakatulad ng mitolohiya ng Aprika at Persiya”


https://www.youtube.com/watch?v=ZVdacCGj6nM
BUOIN NATIN

Pagkatapos mong matunghayan ang kuwento tungkol kina Sagbata at Sogbo,


magsasaliksik ng isa pang halimbawa ng mitolohiya ng Aprika o Persiya at subuking
ikompara ito sa pamamagitan ng napansin mong pagkakaiba at pagkakatulad nito.
Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.

ELEMENTO Sagbata at Sogbo Pamagat ng iyong napiling


mitolohiya
Pagkakaiba

Mga tauhan
Pagkakapareho

Pagkakaiba
Tagpuan

Pagkakapareho

Paksa at Mensahe Pagkakaiba

Pagkakapareho

Aral na taglay Pagkakaiba

Pagkakapareho
Ano ang debate?

Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura


at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may
magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay:
Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat. May
isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang
daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng
debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na
nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilngan
sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag-
usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang
maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t-isa.

Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa pakikipagtalong


ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang
makapaglahad ng kani-kanilang mga patoto gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May
nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat
tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa
isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig
para sa kani-kanilang mga argumento.

Ang debate ay isang pamamaraan ng komunikasyon na binubuo ng


paghaharap ng iba`t ibang mga ideya o opinyon sa isang tiyak na paksa. Ang
salita, tulad nito, ay nagmula sa pandiwa mag debate, at ito naman mula sa
Latin debate, na nangangahulugang 'talakayin', 'away'.

Ang layunin ng isang debate ay upang itaas, ilantad at malaman ang tungkol sa iba't
ibang mga posisyon at argumento sa isang paksa, upang makarating sa isang
konklusyon. Sa puntong ito, ang mga debate ay dapat na maramihan.

Ginagamit din ang debate bilang diskarteng pang-edukasyon, at, tulad nito, inilalapat
ito kapwa sa paaralan at akademiko, sa mga unibersidad.

Mga katangian ng isang debate

Mayroong iba't ibang uri ng debate. Sa isang generic na paraan, ang isang debate ay
dapat na likido, na may kalidad na impormasyon at mga argumento, balansehin (kung
saan maririnig ang iba't ibang mga posisyon) at may makatuwirang tagal.

Nakasalalay sa kanilang kusa, ang mga talakayan ay naiuri sa pormal, alin ang mga
mayroon nang paunang itinatag na format, pati na rin ang isang tukoy na paksa na
tatalakayin, at mayroong isang moderator; at impormal o kusang-loob, kung alin ang
mga kung saan ang paksa ng debate ay hindi pa napagkasunduan, walang direktang
moderator at kalayaan ng pagtatalo ang nananaig.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga debate na maaaring mayroon, may ilang mga


elemento na hindi nag-iiba: karaniwang mayroon silang isang serye ng mga kalahok,
isang istraktura, isang tema at isang dayalogo na may mga argumento.
Mga Pangangatwiran

Sa isip, ang ipinagpalit na impormasyon ay dapat na batay sa layunin at totoo na data,


at sa mga makatuwiran at mahusay na naitatag na opinyon upang ipagtanggol ang
isang posisyon.

Ang ganitong uri ng argument ay kilala bilang ebidensya. Katulad nito, sa isang debate
mayroong mga pagtutol o argumento laban sa impormasyong ipinakita ng ibang
debater.

Mga kalahok sa isang debate

 Mga debater o kalaban. Sila ay dalawa o higit pang mga tao na mayroong mga
katunggali na posisyon. Maaari silang maging indibidwal o tao na nagsasalita sa
ngalan ng isang pangkat ng mga tao, kaya't hindi sila nakatuon sa mga personal
na ideya ngunit sa mga ideya ng pangkat. Sa isip, alam ng mga debatador ang
paksang pinagtatalunan, mga dalubhasa sa larangan at inihanda ang debate sa
mga argumento, posibleng mga counterargumento at tugon. Sa panahon ng
debate, dapat nilang sundin ang itinatag na mga patakaran at ang mga pahiwatig
ng moderator, makipagtalo sa kanilang mga posisyon, makinig sa mga opinyon
ng natitirang mga debater at tumugon sa kanilang mga argumento.

 Tagapamagitan. Ang figure na ito ay hindi laging mayroon (lalo na sa impormal


na mga debate). Ang kanilang gawain ay upang itaas ang isyu, simulan ang
debate, magpalit-palit ng pagsasalita, panatilihin ang paggalang at pagiging
objectivity sa mga debater, gabayan at i-redirect ang talakayan, at tapusin ang
debate. Ang isang mahusay na moderator ay may kaalaman tungkol sa paksang
pinag-uusapan, may mga kasanayan sa komunikasyon at panteknikal, magalang
at mapanatili ang walang kinikilingan.

 Pampubliko. Sa isang debate maaaring mayroon o hindi maaaring isang madla.


Sa ilang mga okasyon ang publiko ay tagapanood lamang at sa iba ang publiko
mismo ay lumahok na aktibong nagpapahayag ng kanilang opinyon at
nagtatanong. Kapag mayroong isang tagapakinig (kahit na hindi ito lumahok) at
depende sa konteksto, inangkop ng mga kalahok at moderator ang kanilang
pagsasalita upang maituro ito sa publiko. Halimbawa, sa isang debate sa isang
pangkalahatang daluyan ng komunikasyon, ang ginamit na bokabularyo ay hindi
dapat masyadong panteknikal o dapat gawin ang mga paglilinaw.

Mga paksa ng isang debate

Sa pangkalahatan, ang paksang tatalakayin ay dapat maging kawili-wili at, sa isang


paraan, kontrobersyal, iyon ay, isang paksa kung saan maaaring mayroong
magkakaibang posisyon, opinyon at interpretasyon. Ang isang talakayan ay maaaring
tungkol sa iba't ibang mga paksa, ngunit sa pangkalahatan ito ay tungkol sa isang
solong paksa na kung saan maaaring lumitaw ang iba pang mga subtopics. Halimbawa,
sa isang debate tungkol sa pagpapalaglag, maaaring lumitaw ang mga isyu ng isang
relihiyoso, pilosopiko, sosyolohikal, pampulitika at legal na kalikasan.
Istraktura ng isang debate

Ang isang debate, lalo na sa larangan ng akademiko, ay karaniwang mayroong


a pagsisimula o pagbubukas kung saan ipinakilala ang mga kalahok at ang paksa at
ilan sa mga puntong tatalakayin ay tinalakay; ang katawan ng debate, kung saan
nangyayari ang pagpapalitan ng impormasyon at mga argumento; at ang konklusyon,
kung saan maaaring buod ng mga kalahok ang kanilang mga posisyon at kumuha ng
mga konklusyon mula sa debate mismo. Minsan, bago ang pagtatapos, ang isang
panahon ng mga katanungan ay binubuksan din ng publiko patungo sa mga nagtatalo.

Pagtatalo at disertasyon

Ang debate ay isang pamamaraan na nakikipag-usap para sa paghaharap ng mga


ideya at posisyon, sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao, upang maipakita ang
isang paksa o isyu mula sa iba't ibang mga pananaw.

Ang disertasyon sa kabilang banda, ito ay ang komunikasyong kilos na kung saan
inilalantad ng isang tao, sa isang pangangatwiran at pamamaraan na pamamaraan, sa
ilang paksa. Sa puntong ito, ang disertasyon ay hindi nagpapahiwatig ng isang pabagu-
bago ng debate, ngunit ang paglalahad lamang tungkol sa posisyon ng isang tao sa
isang tiyak na paksa.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging


mapanghikayat kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater.

1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater


patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang
paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon sapat na panahon upang
mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak na
pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa
paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang
ipinahahayag.

2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang


salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na
kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting
ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.

3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga


argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon.
Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng
magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang
magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay
susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.

Mga Uri o Format ng Debate


Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng
mga mag-aaral ay ang mga debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.

Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban


na lang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng
isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig ng
bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang
patotoo at pagpapabulaan.
Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang
magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad ang
kanyang pagpapabulaan.

May iba pang uri ng debate, kagaya ng mock trial, impromptu debate, turncoat
debate at iba pa.

Ang mock trial ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap
bilang mga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na merong
mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag-roleplay.

Ang impromptu debate ay isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa
ibang klase ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago
magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng dalawang panig ay
bibigyan ng limang minuto para magsalita. Pagkatapos magsalita ang isang miyembro
ng isang pangkat, isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang
proseso hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo.

Ang turncoat debate ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng
isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa proposisyon ng dalawang
minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto.

GAWAIN

 Bilang isang kabataan, ilahad ang iyong opinyon o pananaw sa naganap na


kamakailan na Presidential debates sa pamamagitan ng isang replektibong
sanaysay.
 Ang magiging format ng inyong gagawin ay:
- Encoded / 2-3 pages
- Font style: Times New Roman
- Font size – 12

Sanggunian: Hiyas ng Lahi

https://tl.warbletoncouncil.org/debate-4101

https://www.slideshare.net/eves121/debate-ppt

https://unangaralin.wordpress.com/unangaralin/ang-debate-o-pakikipagtalo/

You might also like