You are on page 1of 8

Bakit mas

Maliwanag
ang Araw
kaysa sa Buwan?

By: Danie Rose E. Gonzales


Noong unang panahon,
may dalawang magkapatid
na babae. Si Araw at si
Buwan. Si Araw ay may
magandang kalooban
samantalang ang kanyang
nakababatang kapatid ay
kabaliktaran nito.
Isang gabi,
nanaog ang
Diyos mula
sa langit.
Nagbigay
siya ng brilyante
kay Araw.
.
Galit na galit si
Buwan. Dahil dito,
pumunta si Buwan
sa langit at
nagnakaw siya ng
isang brilyante.
Noong bumalik siya
sa lupa, natuklasan
niya na ang kanyang
brilyante ay hingdi
kasingliwanag bg
brilyante ni Araw.
Mas lalong nagalit si
Buwan.
Nang nalaman ng Diyos
ang tungkol sa pangyayari
inutusan niya ang
dalawang anghel sa lupa
para kunin ang mga
brilyante na pinagmulan
ng kaguluhan.
Ibinato nila pataas
ang dalawang
brilyante sa
langit. Ang mas
maliwanag na brilyante
ay tinawag na Araw
at ang pangalawang
brilyante ay tinawag
na Buwan.

You might also like