You are on page 1of 10

Balangkas para sa Puppet Show

Ikatlong Pangkat

Itatanghal sa:
Marso 01, 2024

*/Opening of curtains
/SCENE 1/

OPEN SCENE: Patag na bundok na may mga tao, palakad-lakad.

CUE: *Magical BG Sound*

Narrator: Magsisimula ang ating kwento noong unang panahon kung saan masaganang-
masaganang namumuhay ang mga tao. Ang mga kagubatan at bulubundukin ay puno ng
makakain.
ENTER: (mag-emerge ang bundok nga naay mga fruits)

Iba’t-ibang hayop ang makikita mula himpapawid, kalupaan,


ENTER:( mag-emerge sabay ang mga at hayop sa lupa, at birds)

at maging sa mga katubigan


ENTER:(mugawas ang dagat nga naay isda plus mangingisda) OUT…

Lahat ng pangangailangan ng mga tao’y ibinibigay ng mga diyos at diyosa.

ENTER: *Mga taong nagsasaya, may nagbebenta, may nagtatanim,may nangangaso,


maraming prutas, gulay and karne, mayamang kalikasan* OUT…

/SCENE 2/

CUE: *Thunderstorm*

Narration: Ngunit, ang mga tao’y naging bihag ng mga kasalanan. Napuno ang kanilang puso
ng kasakiman. Kanilang inabuso ang mga biyayang bigay ng diyos. Pinasabog at sinira ang mga
kabundukan upang mga yamang mineral ay makuha.
ENTER: Pagbomba ng kabundukan, Paggamit ng dinamita sa dagat. OUT…

Sa paggamit ng lambat sa pangingisda’y di nakuntento’t gumamit ng dinamita.


ENTER: SCENE #2: Paggamit ng dinamita sa dagat. OUT…

Pagmamalabis at pang-aabuso sa kapwa ay kanila ring ginawa.

*Rape scene: babaeng humihingi ng saklolo nagsisigaw*

Makanungan: Bakit ganito ang mga tao. Binigay mo na ng lahat ay sumasama pa rin
/SCENE 3/

CUE: *Loud Thunder*

PRESENT SCENE #3: *Mga taong napatingin sa kalangitan: gulat, takot, sigawan, at
nagtatakbuhan*

Narration: Sa mga pagmamalabis nilang ito, nagalit ang mga diyos at diyosa. Ang mga tao’y
kanilang pinarusahan

CUE: *Intense thunder, flood, typhoon sound*

Ang kalangita’y nagdilim, maliliit na butil ng patak ng ulan ay isa-isang nahulog mula
kalangitan, unti-unti itong dumami, (slowly nagataas ang tela)

*Sa bandang last part ng scene na ito, gusto ko na ma-emphasize ang pag-aakap ng
dalawang magkapatid. Sisigaw sila ng pagkalakas lakas at magsisitakbuhan sa
magkabilang direksyon. Maging sa pag akyat ng bundok ng bida, gusto ko mapakita
talaga*

(Si Wigan habang paakyat sa bundok Amuyaw)


Wigan: *Nahihirapan*

(Si Bugan habang paakyat sa bundok Kalawitan)


Bugan: (Nahihirapan) Ugh… ugh… Kataas man nitong bundok Kalawitan, oi! Di man to carry
ng beauty ko. AaaAaaA!!!!

ang ulan ay unti-unting lumakas hanggang sa nagkaroon ng malaking baha (nagtabon na jud
ang tela)

CUE: *Sigawan ng mga tao, kaguluhan*


Tao A (oa): (Basta mag oa-oa diri)
Tao B (taubi): TULONGGGG!! (fading)

PRESENT SCENE #4: *Lumulutang, nalulunod, maraming namatay*

PRESENT SCENE #5 *Ang paligid ay magiging makalat, mahangin, puno ng tubig, mga
tao’y nalulunod */tulonggggg.
(Isang malakas na bagsak ng thunderstorm, malakas hanggang sa paghina ng ulan)
*fade out*
CUE: (then pagbaba sa tela gubot na dayon)

Narration: Delubyo. Delubyo sa buong daigdig ang naging kaparusahan. Kaparusahang wawasak
at mag-aalis sa mundo ng sangkatauhan.

PRESENT SCENE: Ipapakita ang wasak, sira-sira, at makalat na kapaligiran, nagkalat na


mga bangkay.)

/SCENE 4/

CUE: (Mahinang BG sound: Huni ng ibon)

ENTER SCENE: Magbubukas sa Bukid.

Narration: Humupa na ang bagyo. Wala nang ulan. Dalawa. (Cue to enter Scene) Dalawa
lamang ang nakaligtas sa pagbaha: ang magkapatid na Wigan at Bugan.

ENTER SCENE: Ipapakita ang paglabas ng dalawang magkapatid mula sa kweba ng


dalawang magkaibang bundok. Ipapakita ang araw at sinag nito. Ang mga hayop na
nakaligtas ay unti-unti na ring magsisilabasan, maririnig ang mga huni ng ibon — makalat
pa din ang paligid (Dapat mahati ang screen nito para sabay mapakita ang dalawang pov)

Narrator: Si Bugan ay nanatili sa bundok Kalawitan. Nanginginig, nilalamig, hindi mawari kung
ano ang gagawin. Nababalot ng takot. Takot, na siya na lamang ang naiiwan ang mundo.

Bugan: (mangiyakngiyak) Buhay pa ba ang pamilya ko? Kuya Wigaaan? Nasaan ka na?

Narration: Sa kabilang dako naman, napadpad si Wigan sa bundok Amuyaw. Pabalik-balik


siyang naglalakad, nag-iisip kung ano ang kaniyang susunod na hakbang.

Wigan: Kailangan kong mahanap ang aking kapatid!

Narration: (unti-unting mag-exit ang bundok Amuyaw) Nagmadaling pumana-og si Wigan sa


Bundok Amuyaw, nagbabaka-sakaling makahanap ng buhay pang natitira. Sa kanyang pagbaba
naratnan niya ang mga patay na katawan. Bakas sa mga mukha nito ang takot at paghihirap na
naranasan. Siya’y napaisip….

Wigan: Oh kay lupit ng kalikasan!


Narration: Sa kaniyang paglalakad ay nakarating siya sa bundok Kalawitan. (bundok kalawitan
nalang ang mabilin/nakafocus). Lingid sa kaniyang kaalaman, sa bundok na ito nanatili si
Bugan.

Narrator: Natatakot ma’y pinaibabaw ni Bugan ang kaniyang katapangan. Tinipon niya ang mga
kahoy sa tabi-tabi at sinindihan ito upang makabuo ng apoy.

Bugan: Oh Bathala! Tulungan mo akong makita ang aking kapatid (*/umiiyak). Hindi ko na
alam ang aking gagawin (*/sobs)

Narrator: Sa kalagitnaan ng paglalakbay, sa di kalayua’y nakakita si Wigan ng banaag ng apoy.


Ang kaniyang pag-asang makita ang kapatid ay tila’y nagliyab rin. Dali-dali niya itong
pinuntahan.

Wigan: Sana ay si Bugan na iyon.

Narrator: Nang makarating sa pinaroroonan ng apoy ay nakita niya ang isang pamilyar na babae.

Wigan: BUGAN!! AKING KAPATID!!

Bugan: KUYA! (umiiyak) akala ko ay hindi na kita makikita. Nasaan na ang iba?

Wigan: Patay na (sad tone)

Narration: Mangiyak-ngiyak na nag-akapan ang dalawang magkapatid. Labis ang tuwang


nararamdaman dahil natuklasang kasama na nila ang isa’t-isa. Sila ay nagpahinga, nag-ipon ng
lakas sa paglalakbay na tatahakin bukas. (music for morning)

/SCENE 5/

Narration: Maagang naglakbay ang magkapatid kinabukasan. Naglakad-lakad (changing of


backround) sila upang tingnan kung may iba pang nakaligtas ngunit sa kasamaang-palad, wala
silang nakita. Napagpasyahan nilang doon na manirahan. Sila’y nagtayo ng barong-barong, sa
pag-asang doon na madadatnan ang panimulang buhay at malimot ang malagim na kahapon.
Pagkatapos nito ay sinimulan nila ang paglibing sa mga patay na katawan ng mga tao. Ngunit
kalaunan ay nakaramdam sila ng pagod.

Bugan: Kuya, napapagod na ako. Mamatay na tayo sa gutom. Maaari ka bang maghanap ng
makakain?
Wigan: Sige, ako ay papalaot at maghahanap ng isdang makakain.

Bugan: May isda pa bang makikita sa dagat?

Wigan: Sa aking palagay, ay pinatawad na tayo ng Bathala. Tingnan mo ang paligid unti-unti ng
tumutubo ang mga halaman.

Narration: Naiwan si Bugan sa kubo. Ang kapatid naman niyang si Wigan ay naghanap ng
makakain.

ENTER SCENE: DAGAT NAGAPANGISDA SI WIGAN…… OUT…

Narration: Lumipas ang ilang oras ay nakabalik na si Wigan sa kubo kung nasaan ang kanyang
kapatid. May dala na siyang isda,(ENTER Bugan with isda) niluto nila at pinagsaluhan ito.
Nabusog sila sa kanilang pagkain (OUT ang isda) at napadpad sa malalim na usapin.
Napagtanto ni Wigan na sila na lamang dalawa ng kapatid nya ang natitira sa daigdig.

Wigan: Wala na akong ibang tao pang nakita. Tayo na lamang ang natitira sa mundo.

Narration: Naging tahimik at walang imik ang dalawang magkapatid matapos mapagtanto ang
nakakalungkot na kinahihinatnan. Si Wigan ay patuloy na nag-iisip at nakatunganga sa
dalampasigan. Unang sinira ni Bugan ang katahimikan.

Bugan: Paano pag namatay tayong dalawa, Kuya?

Wigan: Ang mundo ay magpapatuloy sa pag-ikot nito. Ngunit, ang buhay ng mga tao ay tuluyan
nang mawawala.

Narration: (pwede paki-read slowly ng mga lines dito^^)


Mabigat na atmospera ang bumalot sa dalawa. Katahimikan ay muli na namang namutawi. Ini-
angat ni Bugan ang kanyang ulo, tiningnan at tinitigan ang kanyang kapatid na mukhang
nababahala at malalim pa ring nag-iisip. Sinalubong ni Wigan ang mga titig nito at saglit na
pinagmasdan ang mukha ng dalaga. Nagdesisyon na ang binata. Saka unti-unting binitawan ang
mga katagang…

Wigan: Kailangan nating magparami. (Authoritative voice) (creepy sound) (horny sound)

Bugan: Ano?! (scared)

Narration: Unti-unting (Cue to shadow part) nilapitan ni Wigan ang dalaga. Siniil ng maiinit na
halik ni Wigan ang kanyang kapatid. Kita ang hesitasyon sa mga mata ng dalaga ngunit wala
siyang magawa. Nadadala siya sa mga mapupusok na kilos ng kanyang kapatid. Napuno sila ng
mga ingay na sila lamang ang nakakarinig (sounds of you know). Nagtapos ang gabing sila ay
magkasama.

Narration: Ngunit dumating ang araw…..

Bugan: *act na magsuka*

Narration: Napagtanto ni Bugan ang kinahantungan ng kanilang kapusukan.

Bugan: Hindi! Hindi maaari! (naratol moments)

Narration: Labis ang kahihiyang naramdaman ni Bugan. Hindi niya matanggap na ang nangyari
sa kanilang magkapatid ay nagbunga sa isang kasalanan.

ENTER SCENE: pagtakbo papuntang dalampasigan. (Thrilled music)

Narration: Pumunta si Bugan sa dalampasigan at tinangkang lunurin ang sarili. Sya’y papalapit
na sa malalim na parte ng tubig nang biglang…

(*Slow fade in* magical or something powerful sound epek hudyat sa pagpapakita ni
Makanungan)

Bugan: AaaAa!!! Sino ka!!

Makanungan: Ako si Makanungan, huwag kang matakot sa akin.

Bugan: Oh Diyos ko! Ako’y patawarin nyo sapagkat ako’y nagkasala. (Si Bugan ay luluhod sa
harap ng bathala. Aatungal sa pag iyak.)

Makanungan: Itigil mo ang iyong ginagawa. Ang nangyari’y hindi ninyo kasalanan. Iyon lamang
ang natitirang paraan upang dumaming muli ang mga tao sa daigdig.

/SCENE 6/
(Ikakasal si Wigan at Bugan)
Narration: Ang pagtangkang pagpapakamatay ni Bugan ay itinigil. Ipinatawag ang binatang si
Wigan. Ang magkapatid ay ikinasal ng diyosang si Makanungan.
Makunangan: Sa ilalim ng aking kapangyarihan. Kayo ay aking pinahintulutan na mag-iisang
dibdib.

Narration: Ilang taon matapos maikasal, nagkaroon ng siyam na anak ang magkapatid. Limang
lalaki at apat na babae.
(ishow ang mga anak, ipakita ang 5 boys and 4 girls)

/SCENE 7/

ENTER SCENE: TAGTUYOT (dapat may patay na mga halaman, nangangayayat na


hayop, bitak na lupa, gusto ko makakita ng madaming brown, desert-like scene)

Narration: Nagkaroon ng malawak na tag-gutom. Kumonti ang ani.

Bugan: Wala na tayong makain. Wala na rin tayong maaani.

Wigan: Sa tingin ko ay kailangan nating mag-alay ng buhay. Isang handog para kay
Makanungan, para maawa siya at ibalik ang masaganang palay.

Bugan: Maghanap tayo ng maiaalay sa Bathala.

Narration: Humuli at pumatay sila ng daga. Inihandog ito kay Makanunggan. Ang akala’y
tagtuyo’t taggutom ay matitigil na, ngunit nagpatuloy ito.

( start na mahimong insane)


Wigan: Ano na ang ating gagawin?

Wigan: Ialay na natin ang baboy, o di kaya ang mga ibon, (from murmurs to sudden outburst)
humanap tayo ng ibang paraan! Mamamatay na tayo!

Bugan: Marahil ay hindi niya nagustuhan ang dagang inihandog natin sa kanya.

Wigan: (MORE CRAZYYY) Bakit hindi natin ihandog ang ating anak na si Igon? (grim
atmosphere)

Bugan: Si Igon?! Ang ating bunsong anak?!

CUE: SHADOW PUPPETRY


(dark music)
ENTER SCENE: *iyak ng baby. Gipatay si Igon then gialay sa Bathala
(Dark scene, walang kulay, tanging liwanag lamang na kukunin na si Igon)

/SCENE 8/

Narration: Ang tagtuyot ay natigil. Sigla ng mga halaman ay bumalik. Ang mga ani ay parami
nang parami. Natuwa ang mag asawa, sa tingin nila’y tama lang ang desisyong kanilang ginawa.
Ang kanilang mga dasal at hiling ay unti-unti nang nangyayari. Sila ay naghanda ng magarbong
piging. Sila’y mas lalong nagsaya nang dinaluhan sila ng (diyosang/ diyos na) si Makanungan.

Bugan: Mahal naming bathala, mabuti’t nakadalo ka (*/warm welcoming)

ENTER SCENE: NAGLIPAY

Narration: Ngunit/ parang may mali


(Malakas na sound epek: Dagundong sa paligid)

Makanungan (Galit na galit): Anong klaseng mga magulang kayo?!! Karumal-dumal ang ginawa
ninyo sa inyong anak na si Igon!! Dahil diyan, ilalayo ko sa inyo ang inyong mga anak!!
(Malakas na Kulog)

Ang lahat ng inyong mga anak ay magkakahiwa-hiwalay at kakalat sa buong daigdig. At kung
mangyaring sila'y magkakalapit sa isa't-isa, isinusumpa kong sila'y mag-aaway-away at
magpapatayan!

(Pabagsak na sound epek. Si Makanungan ay susuntukin ang lupa at lahat ng mga anak ni Wigan
at Bugan ay matatapon sa bawat sulok ng kwadrado)

Narration: Ang buong angkan ay isinumpa. Ikinalat ng diyos na si Makanunggan ang buong
angkan sa magkakaibang lugar; sa silangan, sa kanluran, sa hilaga, at sa timog. (PWEDE MA-
SHOW DITO ANG NSE&W?) Isinumpa sila dahil sa karumal-dumal na ginawa. Sumpang
magpahanggang ngayon ay patuloy na nasasaksihan at nararanasan. Sumpang nagtutulak sa mga
magkakapatid, mag-aama, magpipinsan, o magkakamag-anak na magpatayan.

(nagtutulak sa mga magkakapatid, mag-aama, magpipinsan, o magkakamag-anak — pwede


ipakita sa part nito ay mga groups? Like sa mag-aama, ipakita dalawang tao. Magpipinsan- 3-4
person, magkakamag-anak as many as you can, bawat group na bigkasin kay isa isa din
maglabasan ang mga characters. Then, sa “magpatayan” tatalsik ang mga dugo.)

*/ CLOSING OF CURTAINS
— THE END —

You might also like