You are on page 1of 8

BERNARDO CARPIO

TAUHAN:
1. Bernardo Carpio – Adrian
2. Danilo – Tupe or Jude
3. Liwayway – Andrea
4. Dolores – Jhean
5. Ernesto – Claro
6. Imelda – Camille

TAGPUAN:
1. Sakahan
2. Pahingahan ng mga magsasaka
3. Dalawang Bundok

PROPS:
1. Mga pananim
2. Sakahan
3. Lamesa at Bangkito (Pahingahan)
4. Prutas (Alay)
5. Bigas (Alay)
6. Kandila (Alay)
7. Trigo

TYPE OF PLAY:
 Acting
 Dancing

SCENE NUMBER 1: Sa sakahan


Sound Effects: Bird Chirping
Narrator: Sa isang paanan ng bundok may isang nayon sa Montalban na mayroong mga
naninirahan na ang tanging hanap-buhay ay ang pagsasaka. Ngunit dahil sa hindi inaasahan na
pangyayari, ang mga magsasaka ay kumaharap sa tagtuyot.

Actions: Habang nagna-narrate, lahat ng magsasaka ay naroon na bukod kay Danilo.

1
Magsasaka 1 (Danilo): Hanggang kailan ba natin mararanasan ang tagtuyot na ito?
Magsasaka 2 (Liwayway): Paano ang ating hanap-buhay?
Magsasaka 3 (Dolores): Napakahirap ng ganitong sitwasyon. Gutom ang abot natin dito!
Magsasaka 4 (Ernesto): Kailangan pang tumawid sa kabilang bundok, makakuha lang ng
tubig.
Magsasaka 5 (Imelda): Kay hirap naman kumuha ng tubig! Hindi na sana tayo mahihirapan
kung magkahiwalay lang ang dalawang bundok na ito.
Lights: Off

SCENE NUMBER 2: Sa dalawang bundok


Lights: On
Actions: Papasok si Bernardo sa part na sinabi na ng narrator yung “ang kanilang kahilingan
ay dininig ni Bernardo Carpio - isang higanteng lalaki na tangan ang pagiging isang bantog,
makisig, malakas at may matapang na personalidad kaya't pinaghiwalay niya ang dalawang
bundok na pumipigil sa daloy ng tubig sa nayon ng mga magsasaka.”

Narrator: Dahil sa mahabang tagtuyot, dumanas ang taong bayan ng kagutuman at nasira ang
kanilang mga pananim. Sa patuloy na hinaing ng taong bayan, ang kanilang kahilingan ay
dininig ni Bernardo Carpio - isang higanteng lalaki na tangan ang pagiging isang bantog,
makisig, malakas at may matapang na personalidad kaya't pinaghiwalay niya ang dalawang
bundok na pumipigil sa daloy ng tubig sa nayon ng mga magsasaka.
Lights: Off

SCENE NUMBER 3: Sa sakahan


Sound Effects: Chicken sound
Narrator: Kinaumagahan, ang mga magsasaka ay nagulat sa kanilang nadatnan.
Lights: On
Magsasaka 5 (Imelda): O jusko, ako ba ay nanaginip?
Magsasaka 2 (Liwayway): Ang dalawang bundok na dating magkadikit ay ngayo'y
magkahiwalay!
Magsasaka 4 (Ernesto): Kung sino man ang may gawa ng himalang ito, ako ay taos pusong
nagpapasalamat.
Magsasaka 1 (Danilo): Hindi ba't may mga kumakalat na sabi sabi na mayroong naninirahan
sa ating bayan na isang higante na nagngangalang Bernardo Carpio.

2
Magsasaka 3 (Dolores): Oo, alam ko rin ang kwentong bayan na ito, kaya naniniwala akong si
Bernardo ang may kagagawan nito.
Lights: Off

SCENE NUMBER 3: Sa sakahan


Narrator: Dahil sa himalang pangyayari, ang mga magsasaka ay naghandog ng isang ritwal
bilang pasasalamat sa kanilang mga naani.
Lights: On
Background Music: Ritual (Pasasalamat sa Ani)

Actions: Dadaan si Bernardo Carpio habang nagri-ritwal, tapos may dalawang makakakita na
sumasayaw rin at magugulat sila sa nakita nila..

Narrator: Habang ang mga magsasaka ay nag-aalay ng ritwal, may dalawang magsasaka na
nakakita ng isang higanteng naglalakad.

Actions: Punta sa harapan yung dalawang mag-uusap habang ang iba ay patuloy na
sumasayaw.

Magsasaka 2 (Liwayway): Isang higante!


Magsasaka 5 (Imelda): Si Bernardo! Tunay ngang may higante.
Magsasaka 2 (Liwayway): Siya talaga ang nag-usod ng dalawang bundok.
Magsasaka 5 (Imelda): Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakita natin
siya.

Actions: Ang dalawang magkausap ay babalik na ulit sa pagsasayaw kasama ng iba.


Narrator: Simula ng pangyayaring ito, ang kwentong bayan na Bernardo Carpio ay nagpasalin-
salin na sa bibig ng mga taong bayan at patuloy na mananatili sa mga isipan ng mga taong
naninirahan sa bayan ng Montalban.
Lights: Off

- END -

3
KUNDIMAN

TAUHAN:
1. Lalaking bida - Ambrocio (Apawan)
2. Babaeng bida - Ligaya (Doreen)
3. Mga kaibigan ng lalaki
● Kaibigan 1 – Narding (Palaña)
● Kaibigan 2 – Arturo (Alag)
4. Mga kaibigan ng babae
● Kaibigan 1 – Soledad (Marzo)
● Kaibigan 2 – Thelma (Andrea)
● Kaibigan 3 – Carmela (Camille)

TAGPUAN:
1. Bayan
2. Bahay

TYPE OF PLAY:
1. Acting
2. Singing

PROPS:
1. Pinamili
2. Upuan
3. Gitara
4. Iba pang gamit sa panliligaw
5. Pamaypay sa babae

SCENE NUMBER 1: Sa Bahay


Sound Effects: Crowds Noise
Narrator: Maririnig ang iba't ibang ingay mula sa mga tao sa bayan. Ang isang binatang
nagngangalang Ambrocio ay nautusan ng kaniyang ina na mamili ng gulay at isda.
Lights: On

4
Ambrocio: Anong klaseng putahe kaya ang lulutuin ni nanay?
Actions: Susulyapan ang mga pinamili at muling maglalakad-lakad.

Actions: May mga kababaihang naghaharutan sa daan at natabig si Ambrocio

Ambrocio: Naku po, ang mga pinamili ko!


Actions: Pupulutin ni Ambrocio ang mga plastic bag.

Ligaya: Ginoo, paumanhin po.


Actions: Akmang tutulong.

Actions: Pagyuko ni Ligaya ay lilingunin siya ni Ambrocio.

Background Music: Romantic (Instrumental)

Actions: Natulala si Ambrocio kay ligaya na tila na love at first sight

Actions: Iniabot ni Ligaya ang iba pang nalaglag na plastic bag habang si Ambrocio ay hindi
maalis ang tingin kay Ligaya.

Ligaya: Paumanhin, hindi ko nais na matabig ka.

Ambrocio: Ah…. binibini ayos lang, maaari ko bang malaman kung anong ngalan mo?
Ligaya: Ako si Ligaya.
Ambrocio: Ligaya
Actions: Pabulong na sambit

SCENE NUMBER 2: Sa Bahay ni Ambrocio


Narrator: Simula nang masulyapan ni Ambrocio si Ligaya ay hindi na mawala sa kaniyang
isipan ang dalaga. Paulit-ulit niyang binubulong sa hangin ang pangalan ng dalaga at hindi
maitatago ang ngiti sa kaniyang mukha.

5
Actions: Nakatulala sa kawalan ng kanilang bahay si Ambrocio at madadaanan siya ng
kaniyang mga kaibigan.

Narding: Huy Ambrocio! Tila naman kay lalim ng iyong iniisip?


Arturo: Baka dahil hindi sinagot ng kaniyang nililigawan.
Actions: Magtatawanan ang magkakaibigan

Ambrocio: Kayo talaga, sadyang mapagbiro at ayan talaga ang ibubungad ninyo sa akin?
Actions: Lalabas si Ambrocio sa bahay at sasalubungin ng mga kaibigan nito)

Ambrocio: May kakaibang pangyayari lamang ang naganap sa araw na ito.


Actions: Nakangiti na tila kinikilig

Arturo: Aba…kaibigan kuwento mo na yan at napapaisip na kami ni Narding dito.


Narding: Oo nga Ambrocio, ano nga bang nangyari?
Ambrocio: Kanina kase inutusan ako ni ina sa bayan na mamili at may nakabangga sa akin.
Kakaiba ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon, halos hindi ko maalis ang tingin ko sa
marikit at mayuming dalaga...pakiramdam ko ay iniibig ko na siya.
Arturo: Ngayo'y batid na namin kung ano ang dahilan ng iyong pagtulala sa kawalan.
Actions: Tatawa

Narding: Anong balak mo ngayon kaibigan? Manliligaw ka na ba?


Ambrocio: Nais kong umakyat ng ligaw. Ngunit, nauunahan ako ng hiya.
Actions: Mapapakamot ito sa batok

Arturo: Naku! ‘Wag kang mag-alala, sasamahan ka naming umakyat ng ligaw.


Narding: Suportado ka namin kaibigan! Sagot na namin ang gitara.
Actions: Magtitinginan ang tatlo sabay tango sa isa’t-isa
Lights: Off

6
SCENE NUMBER 3: Sa Bahay ni Ligaya
Narrator: Magkakasamang nagtungo ang magkakaibigan sa tahanan ni Ligaya upang umakyat
ng ligaw at handugan ang dalaga ng isang kundiman.

Actions: Sisilip sa bintana si Ligaya habang umaawit ng Kundiman si Ambrocio.


Background Music: Ikaw ang Ligaya Ko

“Ikaw ang Ligaya Ko”


Lyrics

Ikaw ang ligaya ko


Panaligan mo o giliw ko
Ngayon at kailanpaman
Ang aking pag-ibig di magbabago

Ikaw ay umasa rin


Sa suyuan ay ‘di magtataksil
Kahit buhay ay makitil
Ang aking pagsuyo’y di magmamaliw

Actions: Sa labas ng bahay ay naghaharutan ang mga kaibigan ni Ligaya na parang kinikilig
para sa kaibigan.

Actions: Pagkatapos ng pag-awit ay lalabas si Ligaya ng kanilang bahay at lalapit kay


Ambrocio.

Ambrocio: Aking irog, o aking Ligaya... Maaari ko bang makuha ang iyong mga kamay at
maging kasintahan?
Actions: Aabutin ang kamay ni Ligaya at hahawakan.
Background Music: Romantic (Instrumental)

7
Narrator: Dahil sa pagpupursigi ni Ambrocio sa panliligaw kay Ligaya ay ibinigay na ng dalaga
ang pinaka-hinihintay na sagot ni Ambrocio - ang kanyang matamis na oo.

Ligaya: Oo, Ambrocio. Ikaw ay aking sinasagot na.


Actions: Magyayakapan ang dalawa
Lights: Off

- End -

You might also like