You are on page 1of 6

REGION IV-B

AWITING BAYAN

“O Kapalaran”
(Romblon, Island of Talbas)
Sanny Tendilla

Palad ko, palad ko,


Marikit, maganda.
Palad kong matamis
Mahirap makita.

Palad kong nagisnan


Sa dapit umaga,
Palad kong sa gabi'y
Natuyo't nalanta!

“ANG HARDINERO”
(Oriental Mindoro Folk Song)
Felipe de Leon

Di bagamaraming bulaklak saan man!


Makakapili ka Sarisaring kulay
Kung ang mapili mo'y ang bulaklak ng rosal
Di ibig pitasin sa sanga at tangkay Di bagama.

Di mo ba gatanto na ako'y asusena


Ang hardinero ko'y si Ama't si ina?
Bago ka pumitas bulaklak sa sanga
Sa hardinero'y magsabi ka muna

“Magtanim ay Masaya”
(Marinduque)

Magtanim ay masaya
Lahat ay maligaya
Katawa’y masisigla
Hirap di alintana
Masaya ang magtanim
Marami ang aanihin
Halina sa bukirin
At ating pagyamanin

-FELIPE de LEON “ANG HARDINERO”


Si Felipe Padilla de León (Mayo 1, 1912 - Disyembre 5, 1992) ay isang Pilipinong kompositor,
konduktor, at iskolar. Kilala siya sa pag-aangkop ng iba't ibang anyo ng Kanluraning musika at
kilala rin sa paglikha ng iba't ibang sonata, martsa at konsiyerto na sumasalamin sa
pagkakakilanlang Pilipino.

Bugtong (Region IV-B)

Dulong naging puno,


Punong naging dulo
Sagot: Tubo
Kung kailan tahimik
saka nambubuwisit
Sagot: Lamok
Walang itak, walang kampit,
Gumawa ng mahal na ipit
Sagot: Gagamba

Salawikain (Region IV-B)

Ang taong mapanaglihi, lumiligaya man ay sawi.


Mayanab ka ma't marikit, Maganda ang pananamit,
Pag wala kang taong bait, Walang gahanip.
Kapag ang tubig ay matinig, asahan mo at malalim.

EPIKO (Region IV-B)

Buod ng Kudaman (PALAWAN)


Sinalin ni Edgar B. Maranan
Nagsisimula ito sa istorya kung paano napangasawa ni Kudaman si Tuwan Putli, at pagkaraan,
ang tatlo pang asawa na nagturingang magkakapatid at nagsáma-sáma sa isang tahanan.
Sinundan ito ng pagdalo sa isang pagdiriwang ng mga Ilanun upang manggulo. Ilang taóng
naglaban si Kudaman at ang pinunòng Ilanun at sa ganitong labanan ay nagwawagi sa dulo ang
bayani upang kaibiganin ang nakalaban.
Anupa’t malimit magtapos ang mga bahagi ng tultul sa malaking inuman ng tabad, ang alak ng
Palawan, at pagkonsumo ng mahigit sandaang tapayan ng alak.
Dili kayâ’y nagsisimula ito sa malaking inuman na nauuwi sa labanan kapag nalasing ang mga
panauhin. Sa dulo ng mga nairekord na tultul, sampu na ang asawa ni Kudaman na nakatagpo sa
iba’t ibang abentura.
Gayunman, mapapansin diumano ang taglay na hinahon at paghahangad ng kapayapaan ni
Kudaman. Maraming tagpo ng sigalot na tinatapos sa kasunduang pangkapayapaan at
pagpapasiya alinsunod sa tradisyong Palawan.
Nakapalaman din sa tultul ang mga kapaniwalaan ng Palawan at ang konsepto nilá ng
sandaigdigan.

Mga tauhan:
Kudaman – Bayani ng epiko
Tuwang Putli – Punong asawa ni kudaman
Binibini ng saytang dagat- ang ikalawang asawa ni kudaman
Binibini ng Lunting Punay- ikatlong napangasawa ni kudaman
Binibini ng Punong Ginuu- ikaapat na asawa ni kudaman
Binibini ng mga Binata –ikalimang asawa ni kuadman
Binata ng Alapaap - Ang Nakakuha at nakakita ng Kuko ni Tuwan Putil
Binibini ng Umbok ng Buhangin – Ikaanim na asawa ni Kudaman
Binibini ng muling Antas ng santinakman - Ikapitong asawa ni kudaman, Napaibig sa ibon
Binibini ng Langis ng Daigdig – Ikawalong asawa ni kudaman. Nabighani sa kanyang ibon
Binibini ng sangkalawakan – Ikasiyam na asawa ni kudaman.
Binibini ng mga kawit - Ika sampung asawa ni kudaman
Linggisan -Makapangyarihang ibon ni Kudaman
Muta – muta - Unang Asawa ni Tuwan Putli

Si Edgardo B. Maranan (Nobyembre 7, 1946 – Mayo 8, 2018) ay isang Pilipinong makata,


sanaysay, manunulat ng fiction, manunulat ng dula, tagasalin at manunulat ng mga kwentong
pambata. Sumulat siya sa Filipino at sa Ingles.
Ipinanganak siya sa Bauan, Batangas, Pilipinas noong 1946. Lumaki siya sa Baguio, kung saan
natapos niya ang kanyang pag-aaral sa high school. Noong 1985, siya ang Philippine fellow sa
Iowa International Writing program.

Buod ng Manimbin (PALAWAN)


- Edgar B. Maranan
Ang binatang si Manimimbin na naglakbay sa paghahanap ng asawa. Nakatagpo siyá ng isang
babae na inibig niya ngunit tumutol sa kaniyang panunuyò. May kapatid ang babae, si Labit, na
naging kaibigan ni Manimimbin.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina Manimimbin at Labit. Dahil kapuwa may
mahiwagang kapangyarihan, tumagal ang kanilang paglalaban at walang manalo.
Naisip niláng lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan. Natagpuan nilá ang Kulog at
bumalik silá sa lupa.
Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa tulong ng mga mahiwagang ibon at ng Binibini ng
mga Isda, nagwakas ang epikong-bayan sa sabay na pag-iisang-dibdib nina Manimimbin at Labit.
Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit at si Labit sa kapatid ni Manimimbin.

Mga tauhan:
Maninimbin
Kapatid ni maninimbin
Labit
Kapatid ni Labit
Ibon
Binibini ng Ibon

Si Edgardo B. Maranan (Nobyembre 7, 1946 – Mayo 8, 2018) ay isang Pilipinong makata,


sanaysay, manunulat ng fiction, manunulat ng dula, tagasalin at manunulat ng mga kwentong
pambata. Sumulat siya sa Filipino at sa Ingles.
Ipinanganak siya sa Bauan, Batangas, Pilipinas noong 1946. Lumaki siya sa Baguio, kung saan
natapos niya ang kanyang pag-aaral sa high school. Noong 1985, siya ang Philippine fellow sa
Iowa International Writing program.

ALAMAT (Region IV-B)


Ang Alamat ng Bayan ng Odiongan ( Romblon)
Ang bayan ng Odiongan ay matatagpuan sa Romblon sa katimugang bahagi ng isla ng Luzon sa
Pilipinas. Ang Romblon ay kilala sa industriya ng marmol. Sinasabing ang nme ng Odiongan ay
nagmula sa kwentong ipinasa ng mga katutubo sa henerasyon.
Noong unang panahon, bago ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang mga Moro at mga pirata
mula sa hilaga ay naninirahan sa bayang ito. May isang lawa na hugis tatsulok sa bayang ito kung
saan nakatayo ang isang napakalaking puno sa gitna. Doon itinayo ng mga pirata ang kanilang
kampo dahil lahat ng manlalakbay ay dumadaan sa rutang iyon. Sa kampong ito din nila iniimbak
ang kanilang mga gamit at armas. Pinalibutan nila ng matataas na pader ang kanilang kampo
upang protektahan sila sa anumang hindi kanais-nais na mga pangyayari. Sa kanilang mahabang
panahon doon, ang mga Moro at mga pirata ay hindi nakararanas ng anumang pinsala at sa
gayon, sila ay namumuhay ng matiwasay.
Hanggang isang araw, naabutan sila sa isang sorpresang pag-atake ng isang banda ng Chinese.
Wala silang choice kundi makipaglaban sa kanila para sa kapakanan ng mga taong-bayan. Ang
mga palaso at sibat ay nasa lahat ng dako. Marami mula sa mga Intsik ang nasugatan at gayundin
sa mga Moro. Umatras ang mga Intsik at bumalik sa kanilang pinanggalingan. Ang tanging natitira
sa labanan ay isang malaking palaso na tumama sa puno sa gitna ng lawa. Hindi ito tinanggal
dahil itinuturing ito ng mga pirata bilang simbolo ng kanilang tagumpay laban sa mga mananakop
na Tsino.
Mula noon, nakilala ang bayan sa “Odiong” (palaso), at ang punong tinamaan ng palaso ay
tinawag na Odiongan. Sa paglipas ng panahon, ang bayang ito ay tinawag na Odiongan,
Romblon.
Mga Tauhan:
Mga katutubo
Mga tsino

Ang Alamat ng Mindoro (Mindoro)


Ang Mindoro ay mula sa salitang kastilang "mina de oro; na ang ibig sabihin ay mina ng ginto.
Bagaman and pulong ito ay hindi nagtataglay ng ginto, itinuturing itong minahan dahil sa angking
likas na yaman.narito ang alamat tungkol sa isla ng Mindoro na matatagpuan sa katimugang
Luzon.Noong unang panahon ay walang pangalan ang iba·t ibang lugar sa kapuluaan ng
Pilipinas. Karaniwang itinuturo lamang ang isang lugar sa pamamagitan ng; sa kabilang ibayo, sa
paanan ng bundok, sa kabilang pulo, at iba pa.Sa isang malayong pulo ay may nakatirang mag-
asawa na ang pangalan ay Mina at Doro. Sila ay may malaking tahanan sa may pampang ng ilog.
Marami silang alagang hayop. mayroon din silang malawak na palayan. Masasabing nakaaangat
sa pamumuhay ang mag-asawa. Ngunit ang nakahihigit na katangian ng mag-asawang ito ay ang
kanilang kabutihan. Sinuman ang nangangailangan ay kanilang tinutulungan.Bukod sa mag-
asawa ay may isa pang naninirahan sa pulo. Tulad nila, pawang mayayaman ang mga ito at
naglalakihan ang mga bahay.Ngunit kaiba kina Mina at Doro, ang mga kapitbahay nila ay pawang
makasarili. Wala silang panahon upang tumulong sa kanilang kapwa dahil para sa kanila ay isang
kaabalahan ang pagtulong sa anak- dalitang kababayan.Minsan ay naiisip ni Bathala na subukin
ang taong naninirahan sa pulong iyon. Bumamaba siya sa langit at nag-anyong pulubi.Kumatok si
Bathala sa tahanan nina Mina at Doro. "palimos po", ang kanyang wika. " Ako·y
nagugutom"."Pumasok na po kayo," ang wika ng mag-asawa at kaagad itong hinainan ng
makakain.Nasiyahan si Bathala. Kinain niya ang mga pagkain sa hapag-kainan.Natutuwang
pinananood siya ng mag-asawa habang kumakain ngunit nagtaka ang mga ito nang mapansing
habang patuloy na kumakain ang matanda ay tila hindi nababawasan ang pagkain sa hapag
Matapas kumain ay nagpakilala si Bathala. "Kapuri-puri kayong mag- asawa. Humiling kayo at ito
ay aking ipagkakaloob.
Nagpasalamat ang mag-asawa. Ang tangi po naming kahilingan ay pagsamahin kaming mag-
asawa hanggang kamatayan, ang wika nina Mina al Dors
Sumunod ay nagtuloy st Bathala sa mga katabbing bahay. Siya ay kumatok Tao po," ang kanyang
tawag, palimos po
A' Alis diyan, alis, 'pabulyaw na sigaw ng maybahay.
"Sulong! Hampas-lupa! Layas!" ang sabi naman ng iba.
Bukod kina Mina at Doro ay wala nang nagpatuloy pa sa matandang pufubi sa ganotoy nagalit si
Bathala. Noon din ay kumulog at kumidiat nang malakas. Tinamaan ng kidlat ang mga kabahayan
at mga punungkahoy, natakot ang mga tao at hindi malaman ang gagawin. Tanging ang tahanan
nina Mina at Doro ang nakaligtas,
makaraan ang ilang sandating pag-unos ay muling tumahimik ang pulo
Nagbalik sa magasawa si Bathala at nagwika. Mula ngayon ay magkakaroon ng saganang likas
na yaman sa pook na ito. At mula rin ngayon ay tatawagin ang pulong ito ng Mindoro bilang alaala
ng inyong pangalang Mina at Doro.

Mga tauhan:
Ang mag asawang sina Mina at Doro
Ang bathala

Ang Alamat ng Marinduque (Marinduque)


- José Cecilio Corazón de Jesús
Sa isang kaharian sa Timog Katagalugan, isang hari ang kinabibiliban sa husay ngunit
pinangingilagan naman dahil sa kaniyang pagiging malupit. Maging sa pag-ibig ng anak na si
Marin ay nangingialam siya.
Nais ipakasal ng ama ni Datu Batumbakal ang anak na si Marin sa isang dugong bughaw. Ngunit
nahulog ang loob niya sa isang mang-aawit at tagasulat ng tula. Napaibig siya ng mabuting puso
ni Garduke.
Hindi nagustuhan ni Datu Batumbakal ang nalaman na may relasyon ang anak sa isang mahirap
na nilalang. Iniutos niya sa kaniyang mga kawal na pugutan ng ulo si Garduke. Sinabi ni Marin sa
nobyo ang plano ng ama.
Gumawa sila ng paraan upang matakasan ang nakatakdang kamatayan ni Garduke. Sumakay sila
sa isang bangka upang magpakalayo-layo. Ngunit nasundan sila roon ng mga tauhan ng Datu
kasama pa ang maharklikang nais ipakasal kay Marin.
buod ng alamat ng marinduqueDahil malapit nang maabutan ng mga kawal sina Marin at
Garduke, napagpasiyahan na lamang nilang tumalon sa tubig. Hindi na nakita pa ang dalawa
matapos tumalon. Ngunit isang malaking isla ang sumibol sa lugar na pinangyarihan ng habulan.
Kalaunan ay tinawag nilang Marinduke ang lugar bilang pag-alala sa dalawang nag-iibigan na
hinamak ang kamatayan maipaglaban lang ang wagas na pagmamahalan.

Mga tauhan:
Mutya Marin. Anak ni Datu Batumbakal.
Garduque. Mang aawit, makata, dukha, mandaragat sa bunbon.
Datu Batumbakal. Datu ng Batangan/Batangas.
Datu Kawili. Datu ng Camarines.
Datu Sagwil. Datu ng Laguna.
Datu Bagal. Datu ng Mindoro.

Si José Cecilio Corazón de Jesús y Pangilinan, na kilala rin sa kanyang pangalang panulat na
Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino na gumamit ng panulaang Tagalog upang ipahayag
ang pagnanais ng mga Pilipino ng kalayaan noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa
Pilipinas, isang panahon na tumagal mula 1901 hanggang 1946. Wikipedia
Ipinanganak: Nobyembre 22, 1894, Santa Cruz, Maynila
Namatay: Mayo 26, 1932 (edad 37 taon)

You might also like