You are on page 1of 18

SIKLAB : LIRIO

written by

Maureen Delos Reyes


LIRIO : PLOT
Si Annie\Barbara ang bida ng kwento isa siyang Indio at
alipin sa Casa ni Don Carlos. Si Don Carlos ang pinaka
mayaman sa baryo galing itong espanya at isa nang biyudo,
magkakaroon ng isang papupulong, ipapakilala si Ricky bilang
matalik na kaibigan at ang supplier ng karne sa baryo at si
Anne ay magiging si Barbara sa gabi ng
pagpupulong,nakamaskara at upang patayin si Don Carlos ngunit
hindi lamang si Barbara ang may galit kay Don Carlos .
{Si Don Carlos ang babastos kay Barbara,Si Don Carlos rin ang
nananakit kay Annie, na hahantong sa tutulungan ni Ricky si
Barbara sa pagpatay dito {Teagok si Don Carlos , unang
biktima}}
Si Ricky ang pangalawang bida ng kwento matagal na niyang
iniibig si Annie, nang mapagdikit dikit niya ang mga iniwang
ebidensya ni Annie na siya rin ay si Barbara ay mas lalo
lamang itong nahumaling kay Annie , at dahil sa pinagdaanan
nila sa pamilya ni Don Carlos sa kanilang lupa ay
pinagplanuhan rin ni Ricky na patayin si Don Carlos.
Sa araw ng pagpupulong chinop chop ni Barbara at ni Ricky ang
katawan ni Don Carlos, Itinago nila ang katawan sa kusina na
kung saan ay hindi masyadong pinapakialaman ng mga ibang
trabahador sa loob ng Casa.
Si Josefina ang kerida ni Don Carlos ,ang nakatuklas na si
Ricky at Annie nga ang pumatay kay Don Carlos, nalaman ito
ni Ricky at pinatay ni Ricky si Josefina ilang araw na ang
nakalipas ay napagkasunduan ni Annie at Ricky na ibenta ang
kanilang laman {Don Carlos at Josefina}bilang karne sa isang
kilalang kainan sa baryo. At magiging sikat ang kainan na
iyon dahil kay Annie at Ricky.
Nalaman ni Annie na si Josefina ang pangalawa nilang biktima
, nakonsensya si Annie ,hindi pagpatay ang sagot sa kanilang
paghihiganti , walang boses ang katulad nilang mahihirap sa
harap ng gobyerno , wala silang laban sa mga taong may pera
at naipapagalaw ang may mga kapangyarihan sa taas at hindi
magkakaroon ng hustisya ang mga biktima na katulad nila Annie
at Ricky na naging suspect rin nang dahil sa kabulagan at
kabingihan ng mga may kapangyarihan
Sa Dulo magkakaroon ng realization si Annie na hindi
matatapos ang cycle ng pagpatay nang dahil sa kawalan ng
hustisya sa nakatataas , at ang mataas na standard pagdating
mga bagay bagay . Papatayin ni Annie si Ricky
2.

Open Ending kung paano sosolusyunan ng mga audience ang


sitwasyon.
Dapat ba na si Annie ay sumuko nalang sa prisinto ?
Dapat ba ay maging isa si Annie sa mga pinuno upang
mabaligtad ang tatsulok sa kapangyarihan ?
Nagpakamatay nalang ba si Annie kasi wala na siyang magagawa
sa bulok na sistema ?
Si Annie ba ang magiging daan , para mamulat ang iilan sa
lipunan na mahalaga ang boses nila para sa karapatan ng lahat
sa bayan ?
Si Annie ba ang magiging pangalawang Rizal at Bonifacio na
may pinaglalaban ?
Mabibigyan pa kaya ng boses ang mga taong katulad ni annie na
naging biktima at suspek nang dahil sa sistema ?
ISA LANG BA SI ANNIE SA MGA BIKTIMA NG KARAHASAN?
MUSICS :
SYNOPSIS
'Pamantayan nga ba talaga ang kagandahan, at ang karangyaan
sa buhay ?' iilan lamang yan sa katanungan ng bawat isa sa
ating lipunan, tila ba at tayo'y laging nasa
paligsahan,bulaan ang madlang balitang prinsesa kung sa
yama't ganda'y makahihigit pa.At nang humantong na sa
kasukdulan agad na itinarak ang kampit sa dibdib ni Barbara
Ezperanza.

BARBARA EZPERANZA | ANNIE "ANITA"


MONSANTO
26| Ang Bida ng kwento , may
kalmadong expression, Twisted kung
magisip , katulung sa casa ni don
Carlos ,
Mga maaring inspirasyon :
Maja Salvador ng Wildflower
Janella\Maja Salvador ng The Killer
Bride
Janine Gutierrez ng Dirty Linen
Mia Goth ng Pearl , X , Infinity
Pool
'RICKY'RICHARDO BUENAFE
27|Kababata ni Annie , Matipuno,
May kalmadong ekspresyon ,
obsessive ,ang pagpatay at
mistulang kanyang joy time
Mga maaring inspirasyon :
Jeffrey Dahmer
Brahms Heelshire
Henry — Henry: Portrait of a Serial
Killer
Joker {killing spree}
Anton Chigurh — No Country for Old
Men
"Severino" ni Dennis Trillo at
Piolo Pascual

DON CARLOS AZARRAGA


40's|Boss ni Anita, matipuno ,
mayaman, masyadong mataas ang
tingin sa sarili. Arrogante
Mga Maaring Inspirasyon:
Eddie Garcia
John Arcilla
Bembol Roco
(MORE)
2.
DON CARLOS AZARRAGA (CONT'D)
Cesar Montano
Jake Cuenca

JOSEFINA
26| Kaibigan ni Anita sa trabaho
ang kalaguyo ni Carlos. Nakakainis
yung ugali
Mga inspirasyon :
Buong Cast ng Ten Little Mistresses
Kate Alejendrino
Adrianna So
Iana Bernandez
Carmi Martin {Best Reference}
Kris Bernal
Arci Munoz
Cherry Pie Picache
Agot Isidro
Angie Castrence
3.

ACT 1 : THE DELIRUM

SHADOW SCENE : {ENTER MUSIC 1} MAY ITINATAGANG KATAWAN ,


LIGHTS OUT : MUSIC : CHOP CHOP BLUES BY BITA AND THE BOTFLIES

UNKNOWN CHARACTER : PASIGAW NA


HUMAHATAW
KILLER
"Kung sana lamang ay
nakinig ka !!" {Ricky}
"Panginoon !!
Oh Panginoon , Pahingi naman"
{Anita}
"HAHAHAHAHA PANGINOON!!
POR FAVOR !!!" {Ricky}
"BIGYAN MO AKO NG SAPAT NA
KALAKASAN!!"{Anita}

RANDOM WOMAN SCREAM : LIGHTS OUT : MUSIC FADE OUT

YOUNG ANITA : RED LIGHTS


BARBARA | ANITA
"Bilang tao, may karapatan tayong
mamuhay ng may dignidad at
paggalang. Hindi ako ang lipunang
ito , hindi ako naglalagay ng
mataas na halaga sa mga pangunahing
pamatayan tulad ng kung ang katawan
mo'y kasing tulad ng ting ting,
kasing puti ng langit ang mga
balat, at mga mataas na pisngi ,
isa itong hamon na aking
pinagdaanan ang hindi pagtanggap sa
sariling repleksyon at kagandahan"
LIGHTS OUT : END MUSIC {1}
:INGRESS:
PRESENT: NAKAPULONG NA ANG IILAN SA SA ISANG MAKALUMANG CASA
{bahay}
4.

BARBARA | ANITA (CONT'D)


"Buenas Dias {magandang umaga} "
Papasok si Anita't hindi mapapansin ang kanyang presensya,
Lilingon si Don Carlos at titingin sa mga mata ni Anita
DON CARLOS AZARRAGA
"Oh magandang umaga rin sayo,sa
susunod na mga araw ay may
pagpupulong tayong magaganap sa Mi
Casa{bahay}, marapat na'y naka
handa na ang mga pagkain at naiayos
na ang mga kubyertos at por favor
[pakiusap] huwag kang magpapakita
sa ating mga bisita Annie , kahit
pa'y ang pagpupulong na iyon ay
matatakpan ng mga maskara"
TATANGO LAMANG SI ANITA AT MULING PUPUNTA SA SILID NI
JOSEFINA
JOSEFINA
"Anita, alingasngas [usap-usapan]
pala ngayon sa baryo natin ang
pagkakaroon ng querida ni Don
Carlos ano?"
Tatango lamang si Anita habang inaasikaso ang mga kubyertos
ANITA\BARBARA
"Ayoko nang kinakatigan
{pinapakinggan] ang mga ganyang
bulalas [pahayag] sapagkat di
masusupil [mapipigil] ang kalat na
iyan , mga lapastangan!,
Nakaririmrim {nakapandidiri}
kapapanaw lamang ni Donya Catalina
ngunit nagawa pa rin nilang bahidan
ang prinsipyo ng casa ng kanilang
kalaswaan "

Itatakip ni Josefina ang kanyang pamaypay sa kanyang


kalahating mukha
5.

DON CARLOS AZARRAGA


"Pagpugay, siya nga pala isa sa
magiging katuwang niyo sa ating
pagpupulong ay si Don Gabriel
Buenafe , siya muna pansamantala
ang mangunguna sa inyo habang ako'y
nasa kabilang baryo, maliwanag ba?"
titingin si Ricky kay Annie
RICKY
" ANITA ?"
6.

ACT 2 : HYPNOSIS
RED LIGHTS : MUSIC : HIGH TOLERANCE BY BITA AND THE BOTFLIES
IPAPAKITA DITO YUNG SCENES NA SINASAKTAN SI ANNIE NI DON
CARLOS SA CASA

DON CARLOS AZARRAGA


"Wala ka nang takas pa Anita , akin
ka , akin ka lang !!"
Maririnig ang mga hiyaw at pagpupumiglas ni Anita
ANITA \BARBARA
" Don Carlos Tama na po !!!"
DON CARLOS AZARRAGA
" ANONG TAMA NA SINO KA AT PARA
MAGSALITA !! SA CASA NA TOH AKO ANG
SOBRESALIENTE AKO ANG BATAS !!
HINDI KITA BIBIGYAN NG BOSES PARA
LUMABAN PA "
LIGHTS OUT : SCENE PAGPUPULONG {MASK SCENE}
MUSIC: SISIKAT KA IHA BY BITA AND THE BOTFLIES
ENTRANCE NI ANNIE NA NAKA MASKARA KASUNOD NI JOSEFINA , DON
CARLOS , AT RICKY , MANGGAGALING SILA SA LIKOD NG MGA
AUDIENCE PAPUNTA SA STAGE
[INTERPRETATIVE DANCE] : END OF MUSIC 2

LIGHTS OUT: MUSIC 3 ENTRY


RANDOM CITIZEN
"Kay Ganda ng iyong postura
Binibini , ano ang iyong ngalan ?"
ANITA \BARBARA
"Barbara po ginoo"
DON CARLOS AZARRAGA
"Paumanhin , maari ko bang masaglit
ang binibining ito ?"
hihilain ni Don Carlos si Anita sa kusina nang galit

DON CARLOS AZARRAGA (CONT'D)


"Anita , anong sinabi ko sayo't
hindi ka pwepwedeng magpakita dito
sa pagpupulong na toh ?"
7.

ANITA \BARBARA
"Mawalang galang na po Don Carlos ,
at ako'y nauubusan na talaga nang
galang sayo . Ilang taon mo na
akong ginawang hayop , punong puno
na ako sa mga kalaswaan mo ,
tinalunton {Hinarap} ko lahat ng
pasakit mo , kahit kailan hindi ako
nagkaroon ng boses laban sayo ! Isa
kang demonyo isa kang delubyo na
nagbabalat anghel sa harap ng mga
mamamayan , nakakasulasok ang isang
katulad mo!"

Hihilain ni Don Carlos si Anita sa ulo at kukuha ito ang


kampit ngunit nagpumiglas si Anita at pilit na isinasakal si
Don Carlos

BARBARA | ANITA
"Jusmiyo!! Anong ginawa ko ?!,.
Hindi ito yung napagplanuhan ko ,
hindi kasama toh sa plano!!"
Magiging hysterical si Annie at hind niya malaman ang kanyang
gagawin , hindi na humihinga si Don Carlos

ANITA \BARBARA
"Don Carlos !!"
Matutuklasan ni Ricky ang eksena at lalapitan si Annie nang
may kalmadong ekspresyon

RICKY
"Nagawa mo na pala ang dapat na
trabaho ko."
Magugulat si Anita at magmamakaawa kay Ricky
ANNIE \BARBARA
"Parang awa mo na hindi ko
sinasadya ang nangyare hindi ko
intensyon na patayin siya nang
ganyan."
RICKY
"May iba ka pang intensyon maliban
sa lagutan siya nang hininga ?"
8.

ANITA \BARBARA
"Teka, saglit lamang at pamilyar ka
sakin , ang iyong mga mata, hindi
ba't ikaw si ??"
RICKY
"Richardo Buenafe , galing rin ako
sa lugar kung saan naghimagsik ang
pamilya niyan ni Don Carlos ,
magkababata tayo pero sa tingin
ko'y hindi mo na matandaan ang
tagal na rin ng panahon , hindi ko
inaakala na ika'y nagtratrabaho
dito sa hijo de pu"

ANITA\BARBARA
"Kailanggan natin maitago itong
katawan niya Ricky "
RICKY
"Ricky na pala ang palayaw ko sayo
Binibining Anita , Huwag ka
magalala , ako ang bahala "
Bubuhatin ni Ricky ang katawan ni Don Carlos sa silid ni
Ricky at doon gagawin ang paggrigrind ng katawan nito

MUSIC 3 FADE OUT

MUSIC 4 IN
MUSIC: Guillotine Drops By Bita and The Botflies
Shadow Scene Murder : Red Lights

RICKY (CONT'D)
" Aking pinagmamalaki ang pagiging
malaya at bukas para sa mga naging
biktima ng karahasan. Hindi madali
ang maging biktima, subalit ito'y
isang kwento ng katapangan, pag-
asa, at pag-angat mula sa dilim.
Nakatanim sa puso't isipan namin
ang mga karanasang iyon. Kami ang
mga nagdusa, kami ang mga sumubok
na bumangon mula sa pagkabasag ng
aming kalooban. Kami ang mga
biktima, pero hindi kami ang
nagkulang. Kami ay mga indibidwal
na matapang na tumayo sa aming mga
paa .
(MORE)
9.
RICKY (CONT'D)
Nakakasiguro akong hindi natutuwa
ang aking pamilya sa aking
tinatahak,Ngayon pa lamang ay
kailanggan ko na sila bigyan ng
hustisya , Naglagalag sa iba't
ibang lugar mahanap ko lang ang
nagtulog ng tanikala sa aking
pamilya.
Lights out
Lights in
MUSIC 4 FADE OUT
RICKY (CONT'D)
"Naiayos ko na ang dapat na ayusin,
sinabi ko na rin sa iba na pumunta
si Don Carlos sa ibang lugar kasama
ang kanyang kerida , mabilis rin
namang kumalat ang chismis , Ganun
lang pala kadali ang tapusin ang
buhay ng isang tao , at ayun
napaniwala naman ang iba "
ANITA \BARBARA
"At nasaan naman tayo ngayon?"
RICKY
"Eto sa kung saan ako nag
tratrabaho , ang bentahan ng mga
karne , hindi nila mahahalata na
ibang karne ang dala natin sapagkat
naiayos ko na ang mga dapat at
hindi dapat isama , ang ibang parte
ay ibinenta ko na sa itim na
palengke"
ANITA \BARBARA
"Nawawala ka na ba sa katinuan ?!,
ipapakain mo ang laman ni Don
Carlos sa mamamayan ang bayan natin
?!, Isa ka rin ba sa mga anak ng
Demonyo ?!"
RICKY
"May naiisip ka pa bang ibang
paraan ?"
Hindi sasagot si Anita at titingin lamang sa mga mata ni
Ricky
RICKY (CONT'D)
"Sinabi ko naman na sayo , Huwag ka
nang mag aalala ako na ang bahala "
10.

Music 5 : Annie and Ricky By Bita and Botflies


Contemporary Movements : Ibibigay ni Ricky ang bitbit na sako
sa isang butcher.
MUSIC 5 FADE OUT
11.

FINAL ACT 3 : CONTORTION

Lights out
Lights In
Papasok si Josefina sa silid ni Ricky , siya'y magtataka kung
bakit ilang araw na't hindi pa rin nakakauwi ang kanyang
asukal de papa
JOSEFINA
"Duda na talaga ako kay Anita at
RIcky , ilang araw na silang
magkasama at tila ba sila'y sobrang
magkasundo na , nagkakaroon na rin
ako ng hind magandang kutob dito "
May maamoy na kung anong masangsang si Josefina sa silid ni
Ricky
JOSEFINA (CONT'D)
"Ano ang amoy na iyon ?? , anong
meron dito ?!!"
Pupunta sa likod si Josefina ng mga manonood at doon ay
bubuksan ang isang aparador na naka tad tad ang kalahating
katawan ni Don Carlos
Music 6 in: Tagu-taguan by bita and the botflies {mahina
lang}
Titili si Josefina at mapapaupo.

RICKY
"Nandito ka pala Josefina, ang
kerida ng Don Carlos Azaragga ,
Nakakatawa kasi , pinagkakalat mo
na si Anita ang kerida pero sa
katunayan ikaw ang totoong ahas sa
loob ng Casa"
JOSEFINA
"Ricky! Ano toh ,bakit mo ginawa
toh, isa kang demonyo !!! At
papaano mo nalaman na ako ang"
RICKY
"Hindi ba't ang lagkit mong
tumingin kay Don Carlos ,ang mga
namumuo mong dugo sa mga leeg , mga
pasa mo sa hita at ang pisngi mo ,
anong sarap ng init ng laman at ang
sakit ng kamay na bakal Josefina ?"
12.

JOSEFINA
DEMONYO KA RICKY , MAGSAMA KAYO NI
ANITA !! MAKUKULONG KA RIN !!,
TULONG !! TULUNGAN NIYO KO!!!!1
TATAWA SI RICKY AT KAKALADKARIN SI JOSEFINA PAPUNTA SA
ENTABLADO
RICKY
"WALANG TUTULONG SAYO DITO
JOSEFINA!, SAGRADO ANG INGAY MO
HINDI KA NILA MARIRINIG , WALANG
MAKAKARINIG SAYO !!!. WALA NA ANG
MGA TRABAHADOR NI DON CARLOS DITO
KANINA PA SILANG UMAGA NAKA ALIS!!
HAHAAHAHA "
JOSEFINA
"PAKIUSAP RICKY!! RICKY !! AYOKO
PANG MAMATAY !!"
Ihaharap ni Ricky si Josefina sa mga manonood habang
nakapulupot ang mga braso ni ricky sa leeg ni Josefina ,
magmamakaawa si Josefina sa mga manonood

RICKY
" Patawad Josefina , Biktima lang
rin kami ng panahon na kahit anong
bulyaw namin sa nakakataas ay
magbibingibingihan kayong may mga
kapangyarihan , pasok sa isang
tenga , labas naman sa kabila ,
sinasayang lang namin ang mga laway
sa kawalan ng hustisya "

JOSEFINA
"Pa..ta..patawa.. patawarin ..
mo...k..ko Rick.."
Babaliin ni Ricky ang leeg ni Josefina at lalabas sa likod
nila si Annie
ANITA \BARBARA
"RICKY !!! ANO TOH???!! BAKIT MO
BINAWIAN NG BUHAY SI JOSEFINA ?!!!
HINID SIYA KASAMA SA MGA PLANO
NATIN ???"
KALMADONG TATAYO SI RICKY AT YAYAKAPIN SI ANITA
13.

RICKY
"Kung kalayaan at katarungan lang
rin ang hihilingin natin , ubusin
na natin ang mga taong umalipusta
sa atin , hindi ba't hindi
matatapos ang sirkulasyon kung
hindi natin papatayin ang mga ugat
ng ito?"
Matutulala lang si Anita sa katawan ni Josefina
ANITA \BARBARA
"Ricky...."
Hahagkan ni Annie si Ricky at siya'y uupo habang si Ricky
naman at nakahiga sa mga hita ni Anita

ANITA\BARBARA
"Sama ng loob , pilit na Kinukubli
, takpan ko man ng pekeng mga ngiti
takbong kay tulin, palayong
nagmamadali, saradong isip tamad
kung umintindi , Isa kang itak na
tinarak sa kalamnan ko , isa kang
panaginip bangungot ito , isa kang
malabo na piyesa, walang kwenta,
isa kang magulong kasama, walang
hiya ka,
Itak , Tarak , kinamumuhian kita
hanggang sa balat
Itak, Tarak Dalangin hindi pa rin
sapat
Itak , Tarak hindi ako maamo
Itak,Tarak galit and humahayo "
Gigilitan ni Annie si Ricky sa leeg ng dahan dahan habang
naka tingin sa mga manonood , tatayo si Annie at titingin sa
mga manonood

ANITA \BARBARA
"Ganito ba ?!, ganito ba ang gusto
niyong mangyari ? Gusto niyo bang
malaman kung bakit ako’y naging
ganito? Naging walang kaawa-awang
mamamatay tao? Gusto mong malaman
ang katotohanan? Kung bakit ko
ginawa ‘yon? Kung
bakit ko sila pinatay?

(MORE)
14.
ANITA \BARBARA (CONT'D)
Simple lang.
Dahil sa gusto ko makamit ang
katarungan , ang kapayapaan , at
ang mga sagot sa napakaraming bakit
, paano at kailan. Hindi
ko naman inaasahang intindihin
ninyo kung ano ang pinagdadaraanan
ko dahil wala kayong alam. Wala
kayong alam kung gaano kasarap
hawakan ang buhay ng isang tao sa
iyong sariling kamay. Na parang
ikaw ang pinakamakapangyarihan sa
lahat.
Tinuturing akong matalino pero
hindi ang pinakamatalino. Maganda
ngunit hindi ang pinakamaganda.
Magaling pero hindi ang
pinakamagaling. Sa kabila ng lahat,
palagi kong iniisip na ako’y
kakaiba. Espesyal. Alam kong may
nakatagong talento sa kaloob-looban
ko na magagawa akong pinakamagaling
sa mata ng tao. Kailanman, hindi
ako naging kuntento
sa ideyang mamuhay ng simple at
mamamatay lang na hindi naaalala ng
tao.
At alam ko kung ano ang iniisip
ninyo ngayon. Nakikita ko lahat sa
mga pagmumuka ninyo. Akala ninyo
ako ay isang bratinella na kulang
sa pansin. Hindi. Gusto ko lang na
mapansin sa mga nagawa ko.
Buong buhay ko, nakatago ako sa
dilim.
Palaging may isang
estudyante na nakakakuha nang
mataas na grado keysa sa akin.
Isang guro na pinaparamdan na
iko’y isang tanga.
Isang kaibigan na palagi akong
binabalewala.

At wala lahat silang pakealam.


Gusto ko ngayon na isipin mong
mabuti ang mga
(MORE)
15.
ANITA \BARBARA (CONT'D)
sinasabi ko. At huwag kang umasta
na hindi mo ito ginagawa sa iba
dahil alam kong ginagawa mo dahil
nagawa mo na sa akin…
At sa susunod may idididiin ka na
Gagawing tanga.
Mamaliitin.
Pagtatawanan.
At ipapamukha sa kanya ang lahat na
kamaliang nagawa niya sa
kanyang buhay.
Isipin mo ako at pagkatapos ay
isipin mo siya. Isipin mo kung ano
ang magagawa niya sa’yo. Gaano mo
kaya siya igagalang kung ang kamay
niya ay nakapalibot na sa
leeg mo?
At may dalawang natitirang
pagpipilian:
ang palayain ka o tuluyang patayain
ka sa bulok na sistema ?

Pagisipan mong mabuti nasayo ang


susi

LIGHTS OUT ENDING MUSIC 7


END

You might also like