You are on page 1of 3

Ang Huling Matuwid (1st Scene) Mga Tauhan: Simoun at Basilio Tagpuan: Sa bahay ni Simoun sa kanyang kwarto at laboratoryo

Iba pa: MALETA, MGA DAMIT, REBOLBER, AT LAMPARA (Binabasa ni Simoun ang liham na ipinadala ni Maria Clara noong siya pa si Crisostomo Ibarra) (Biglang darating sa kanyang kwarto si Basilio na kalunus-lunos ang itsura, payat na payat, at madungis dahil siya ay galling sa piitan.) Basilio: Ako y naging masamang anak at kapatis. Hindi ko naipaghiganti ang kamatayan ng aking kapatid at ang paghihirap ng aking ina. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi na ako makakalaya. Ngayon ay handa na akong maghiganti. Ako ay nakalaang maglingkod sa inyo. Simoun: Halos huli na ang pagmumulat ng iyong mata, kalapating walang apdo. Nagtagumpay n asana tayo noon. Ako, kumikilos sa itaas, ikaw ay sa ibaba. (Dinala ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo at ipinakita niya ang lampara.) (Kinuha ni Simoun ang lampara ) Simoun: Ito ang pinakaboma. Nitroglicerina! Dinamita! (Nangilabot si Basilio) Ngunit, higit pa ito sa nitroglicerina. Ito ay luhang natipon, mga poot na kinimkim, mga kasamaan, at pag-uusig. Ngayong gabi, magiging abo lahat ng mapaniil na nagtatago sa likod ng simbahan at pamahalaan. Sa gabing ito, maririnig ang putok na wawasak sa pamahalaang pinadali ko ang pagkabulok! Basilio: Samakatuwid, hindi na kailangan ang aking tulong. Simoun: May iba kang papel na gagampanan. Mamaya, sa ika-siyam ng gabi, pagsabog ng lampara, ang putok ay hudyat ng nagsilabas na ang sandatahan. Ikaw at ilang makakasama mo ay mamumuno sa kanila. Dalhin mo sila sa tindahan ni Quiroga na pinaglagakan ko ng armas. Papatayin mo ang lahat ng laban sa paghihimagsik at lahat ng lalaking tatangging sumama at humawak ng sandata! Basilio: Lahat? Simoun: Oo. Lahat! Mga indiyo! Espaol! Mestiso! Mga Tsino! Basilio: Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganyang mga pagpatay? Simoun: Ang daigdig ay papalakpak! Basilio: Kung sa bagay. Ano nga ba naman sa akin kung pumapalakpak man o hindi ang daigdig? Sa amg daigdig ay wala namang paglinggap sa akin? Simoun: Iyan ang nais kong marinig. (Iaabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio at tatanggapin ito ni Basilio.) Basilio: Hanggang mamaya!

Ang Kasal (2nd Scene) Mga Tauhan: Paulita, Juanito, Basilio, Huli, Tagpuan: Sa parke. Iba pa: KARUWAHE (Makikita ni Basilio si Juanito at Paulita na nakasakay sa karuwahe at bigla niyang maaalala si Isagani ngunit hindi na lamang niya ito pinansin.) Basilio: Ibig sabihin sa bahay nila Kapitan Tiago magsisimula ang pagsabog. (Makakapa ni Basilio ang rebolber at biglang sasagi sa kanyang isip ang kanyang minamahal na si Huli.) Basilio: Aking sinisinta, Huli, ikaw ay nasaan? (Ipapakita ang scene ni Huli ) (Susundan ni Basilio ang karuwahe at hinayaang makarating muna sa paroroonan at saka nalang muling hahanapin.)

Ang Piging (3rd Scene) Part 1 Mga Tauhan: Paulita, Juanito, Donya Victorina, Simoun, Basilio, Isagani, Huli, Mga panauhin sa piging: Kath and Nori. Tagpuan: Sa parke, sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago, sa loob mg bahay ni Kapitan Tiago. Iba pa: LAMPARA (Nagdaratingan na ang mga panauhin ng piging nang mag-iikapito na ng gabi.) (Dumating na ang bagong kasal na sila Paulita at Juanito kasama si Donya Victorina.) Donya Victorina: Napakaganda ng piging para sa iyong kasal, Paulita. Sadya nga nmang tama ang nagging desisyon mo na kay Juanito magpakasal kaysa sa kani-kanino lang. (Tinutukoy niya dito si Isagani.) (Napangiti na lamang si Paulita sa sinabi ng kanyang tiya.) (Nakita na ni Basilio ang pagdating ni Simoun sa piging.) (Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Basilio at nanlamig ang kanyang kamay at paa, Biglang nanaig ang kabutihan ni Basilio at napagdesisyunan niyang sabihin kay Isagani ang mangyayari.) (Hinanap ni Basilio si Isagani) Basilio: Isagani, ano ang ginagawa mo? Halika, lumayo na tayo sa bahay na iyan! Isagani: Bakit ako lalayo? Basilio: Ibig mo bang mamatay? Nakikita mo ba yung lampar? Iyon ay sasabog dahil puno iyon ng pulbura! Walang makakaligtas Isagani: Huwag! Hayaan mo akong Makita si Paulita sa huli kong sandali. (Naisip ni Isagani ang sinabi ni Basilio pumasok siya sa bahay, nagmamadali.)

Ang Piging (3rd Scene) Part 2 Mga Tauhan: Paulita, Juanito, Donya Victorina, Simoun, Basilio, Isagani, Huli, Mga panauhin sa piging: Kath and Nori. Tagpuan: Sa parke, sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago, sa loob mg bahay ni Kapitan Tiago. Iba pa: LAMPARA (Sa loob ng bahay habang nag-uusap si Basilio at Isagani sa labas Iniabot na ni Simoun ang lampara kay Paulita.) Simoun: Maligayang araw na iyong kasal Paulita! Paulita at Juanito: Maraming salamat po Don Simoun! (Nagmamadaling umalis ng bahay si Simoun matapos maiabot ang lampara.)

Ang Piging (3rd Scene) Part 3 Mga Tauhan: Paulita, Juanito, Donya Victorina, Simoun, Basilio, Isagani, Huli, Mga panauhin sa piging: Kath and Nori. Tagpuan: Sa parke, sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago, sa loob mg bahay ni Kapitan Tiago. Iba pa: LAMPARA (Pagkatapos na maiabot ni Simoun ang regalo, pinagmasdan ito ng dalawang panauhin: Kath at Nori at napansin nila ang kagandahan nito ngunit ng ito ang kanilang inusisa, ito y mayroong lagda sa loob na nasa sulat ni Ibarra.) Kath: Hindi ba t sulat iyan ni Ibarra? Nori: Ngunit, matagal na siyang patay. Sampung taon na. Hindi ba? Kath: Hindi kaya y mamatay tayong lahat ngayong gabi? Nori: Huwag na lang nating pansinin ang isang masamang biro. (Pinabayaan na lamang nila ang lampara.) (Biglang pumasok si Isagani at kinuha ang lampara. Ipinahabol siya t pinagkamalang magnanakaw. Bigla na lamang na narinig nila ang isang katawan na lumagapak sa ilog.)

Last Scene (Gawa-gawa lang) Tauhan: Basilio Tagpuan: Somewhere. Boses ni Basilio: Hindi dapat nangyari ang gano n kay Isagani kung hindi ko naisipang lumapit kay Don Simoun. Ano nalang kaya ang mangyayari? Ano na kaya ang balak niya?)

You might also like