Tagpuan: Sa bahay ni Simoun sa kanyang kwarto at laboratory Iba pa: MALETA, MGA DAMIT, REBOLBER, AT LAMPARA
(Binabasa ni Simoun ang liham na ipinadala ni Maria Clara
noong siya pa si Crisostomo Ibarra)
(Biglang darating sa kanyang kwarto si Basilio na kalunus-
lunos ang itsura, payat na payat, at madungis dahil siya aygalling sa piitan.)
Basilio: Ako y naging masamang anak at kapatis. Hindi ko
naipaghiganti ang kamatayan ng aking kapatid at angpaghihirap ng aking ina. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi na ako makakalaya. Ngayon ay handa na akong maghiganti. Akoay nakalaang maglingkod sa inyo.
Simoun: Halos huli na ang pagmumulat ng iyong mata,
kalapating walang apdo. Nagtagumpay n asana tayo noon. Ako,kumikilos sa itaas, ikaw ay sa ibaba.
(Dinala ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo at
ipinakita niya ang lampara.)
(Kinuha ni Simoun ang lampara )
Simoun: Ito ang pinakaboma. Nitroglicerina! Dinamita!
(Nangilabot si Basilio) Ngunit, higit pa ito sa nitroglicerina. Ito ayluhang natipon, mga poot na kinimkim, mga kasamaan, at pag-uusig. Ngayong gabi, magiging abo lahat ng mapaniil nanagtatago sa likod ng simbahan at pamahalaan. Sa gabing ito, maririnig ang putok na wawasak sa pamahalaang pinadaliko ang pagkabulok!
Basilio: Samakatuwid, hindi na kailangan ang aking tulong.
Simoun: May iba kang papel na gagampanan. Mamaya, sa
ika-siyam ng gabi, pagsabog ng lampara, ang putok ay hudyatng nagsilabas na ang sandatahan. Ikaw at ilang makakasama mo ay mamumuno sa kanila. Dalhin mo sila sa tindahan ni Quiroga na pinaglagakan ko ng armas. Papatayin mo ang lahat ng laban sa paghihimagsik at lahat ng lalaking tatanggingsumama at humawak ng sandata!
Basilio: Lahat?
Simoun: Oo. Lahat! Mga indiyo! Español! Mestiso! Mga Tsino!
Basilio: Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganyang mga
pagpatay?
Simoun: Ang daigdig ay papalakpak!
Basilio: Kung sa bagay. Ano nga ba naman sa akin kung
pumapalakpak man o hindi ang daigdig? Ang daigdig ay wala namang paglinggap sa akin?
Simoun: Iyan ang nais kong marinig.
(Iaabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio at