You are on page 1of 39

Scene 1 : Sa kubyerta

Donya Victorina: Ang bagal-bagal naman ng takbo nitong bapor! Hay naku, at
iyang nagdaraang kasko, bangka, balsa at mga indiong nagsisipaligo at
nagsisilaba, nakakasira ng ganda ng kalikasan! Bibilis sana ang takbo ng bapor
Tabo kung walang mga Indio sa ilog, sa pampang.  Sa alinmang lipunan o sa
alinmang bahagi ng daigdig!

Ben Zayb: Ang katalinuhan ng mga siyentista ang gusto kong bigyan ng
pagpapahalaga. Dahil kapag walang mga ekspertong siyentista, wala tayong
pag-unlad kaya kailangan ‘yon pag-aralan ng mga tao rito.

Padre Camorra: Magtigil ka Ben Zayb! Karanasan lamang ang kailangan upang
mapaganda ang Ilog Pasig. Kaya hindi na dapat sila mag-aral ng syensiya!

Ben Zayb: Hindi. Matalinong pag-iisip ang kailangan. Dapat mong isiping
malaking suliranin ang liku-liko at mabuhangin na Ilog Pasig.

Simoun: Mga simpleng problema lang yan na nangangailangan ng simpleng


lohika.  Dapat lang humukay ng isang malalim na kanal mula sa bunganga ng
ilog Pasig hanggang sa labasan na maglalagos sa Maynila, at ang lupang
mahuhukay ay itatabon sa dating ilog. Kapag nagawa ito, tiyak na mapapaikli
ang paglalakbay.

Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ipambabayad sa mga manggagawa?

Simoun: Walang magugugol sapagkat pipiliting gumawa ang mga mamamayan,


bata man o matanda!

Don Custodio: Walang magandang ibubunga ‘yan kundi kaguluhan!

Simoun: Kaguluhan? Bakit, nag-alsa na ba ang mga taga-Ehipto? At nag-alsa rin


ba ang mga bilanggong  Hudyo laban kay Tito?
Don Custodio: Ngunit, hindi taga-Ehipto, ni Hudyo ang iyong kaharap! At ang
mga Pilipino ay hindi miminsang naghimagsik.

Simoun: Ang panahong tinutukoy ninnyo ay nakalipas na. Hindi na muling


maghihimagsik ang bansang ito, dagsaan man sila ng mga Gawain at patawan
man ng higit na mataas na buwis.

Ben Zayb: Indiong Ingles!

    Scene 2. Sa Ilalim ng Kubyerta

Kapitan Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?

Basilio: Mabuti po naman ang kanyang kalagayan.

Kapitan Basilio: Mabuti naman, tungkol naman sa Akademya ng Wikang Kastila,


natitiyak kong hindi ninyo iyan maisasakatuparan.

Isagani: Nagkakamali po kayo. Kung hindi po ngayon ay bukas na namin


matatanggap ang pahintulot. Si Padre Irene na binigyan namin ng dalawang
kastanyong kabayo ay nangakong tutulungan kami sa Kapitan Heneral.

Kapitan Basilio: Saan naman kayo kukuha ng pera?

Isagani: Nag-ambag-ambag na po ang mga estudyante. May mga propesor na


rin po. Ang kalahati ay Pilipino at ang iba naman ay mga Kastila. Kilala niyo ba si
Makaraig? Bukas palad po niyang inalok ang isa nilang bahay para gawing
paaralan.
Kapitan Basilio: Sana’y magtagumpay kayo. Maiwan ko muna kayo at pupunta
pa ako sa itaas.

Basilio: Ano nga pala ang sabi ng amain mo tungkol kay Paulita?

Isagani: Pinapaalalahanan ako sa pagkilatis ng mapapangasawa, ngunit pinuri


ko sa kanya si Paulita. Sinabi kong walang makakapantay sa kanya sa Maynila,
at lahat na yata ng M ay nasa kanya na.

Basilio: Oo nga, maganda na’t mayaman pa. Kaya lang…

Isagani: A-ano?

Basilio: O, ‘wag kang kabahan, ang nais ko lamang sabihin ay kaya lang, palagi
niyang kasama ang tiya niyang napakamasungit.

Simoun: Kamusta senyor Basilio? Ikaw ba’y papauwi na at magbakasyon? At


sino naman itong kasama mo, isang kababayan?

Basilio: Hindi po pero magkalapit lamang ang aming bayan. Siya nga po pala si
Isagani, don Simoun.

Simoun: Kamusta ang lalawigan ninyo? Balita ko na dahil sa mahihirap ang mga
tao roon kaya hindi  raw nakakabili ng alahas.

Isagani: Hindi nga po bumibili sapagkat hindi naman kailangan.

Simoun: Uminom tayo ng serbesa, ako ang taya.

Basilio: Pasensya na po ngunit hindi kami umiinom ng alak.


Simoun: Hindi umiinom? Ayon kay Padre Camorra, makakasama kung puro
tubig lang ang iniinom.

Basilio: Kung tubig lang sana ang iniinom ni Padre Camorra, tiyak na marami na
siyang naitabing pera.

Isagani:  ‘Di tulad ng alcohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy.


At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaaring lumawak at maging dagat na
handang magwasak at pumatay. Kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay
handang tumunaw.

Simoun:  Bweno, mauna na ako sa inyo at itutuloy ko pa ang pag-inom ng


serbesa.

Isagani: Nakakapangilabot ang taong iyon.

Basilio: Hindi mo ba alam na siya ang tagapayo ng Kapitan Heneral?

Isagani:  Talaga?

(Sa kabilang dako…)

Kapitan: Padre Florentino! Hinahanap na po kayo ng mga kasama ninyo sa itaas.

Padre Florentino: Susunod na ako. Kakausapin ko muna ang aking pamangkin.

Padre Florentino: Huwag kang aakyat sa kubyerta habang ako’y naroroon.

Isagani: Opo!Ang totoo, ayaw lamang niyang makausap ko si Donya Victorina.


Scene 3.  Sa Kubyerta

Don Custodio: Saan kayo galing, senyor Simoun?

Simoun: Sa ibaba. Nagtanong-tanong sa mga pasahero kung may alam silang


alamat.

Kapitan: Kung sa alamat, ang Ilog Pasig ay mayaman. Isa na rito ang Alamat ng
malapad na bato. Bukod doon, may isa pa pong alamat na tumutukoy naman sa
isang kweba. Ito ang alamat ni Donya Geronima.

Simoun: Alamat ni Donya Geronima? Magandang pangalan, sige kapitan,


ikwento mo nga ang alamat na ‘yan.

Padre Sibyla: Si Padre Florentino, Senyor Simoun ang higit na nakakaalam sa


alamat.

Padre Florentino: May isang binata raw ang nangako sa isang paraluman na
pakakasalan ito pero dahil sa labis na pag-aaral ng binata, ang pangako niyang
ito ay nawala sa kanyang isipan. Ang dalaga naman ay patuloy pa ring
naghihintay sa iniirog niya, siya ay si Donya Geronima. Nagulat na lamang siya
nang mabalitaan na naging arsobispo na pala ang binata. Nagmakaawa ang
dalaga na siya’y pakasalan, upang hindi mapahiya, nagpagawa ng kweba ang
binata para sa Donya. Dahil sa karangyaan ng Donya, gabi-gabing nagkakaroon
ng handaan sa kanyang kweba. Isang araw, umupaw ang tubig sa ilog at
pinasok ang kweba, kasabay rin nito ang biglang pagkawala ng nasabing Donya.
Nilimot na ng panahon ang kwento ni Donya Geronima at iilan nalang sa mga
mamamayan ang nakakaalala nito.

Ben Zayb: Napakagandang alamat! Napakasentimental. Isusulat ko iyan sa


pahayagan.

Simoun: Hmm, Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba’t mas mainam na
ipinasok ang  Donya sa beateryo, halimbawa, doon sa Sta. Clara. Doon ay
pwede niyang dalawin ang donya na hindi pinaghihinalaan ng mga tao. Sa
nasabing monesteryo rin, maaaring kumpisalin ng arsobispo ang dalaga at
magkomunyon sa kanya. 

Padri Salvi: Mga alamat ang pinag-uusapan natin, bakit na-napunta sa kumpisal
at komunyon? Bweno, may alam akong isang alamat na talagang walang
kalamat-lamat at sa ganda ay walang katapat. Ito ay ang milagro ni San Nicolas.
Tungkol ito sa isang Intsik na sakay sa isang bangka. Nang dumaan ang
sinasakyan sa harap ng simbahan ay biglang lumabas ang isang dimonyo na
nagkatawang buwaya. Inihampas nito ang mahabang buntot na ikinataob ng
bangka, natakot ang Intsik at nagbigkas nang malakas ang pangalan ni San
Nicolas kaya naging bato ang buwaya. 

Ben Zayb: Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, alam niyo ba kung saang
dako ng lawa napatay ang isang pilibusterong nagngangalang… ano nga ‘yon…
Cuevarra, Navera o… Ibarra?

Kapitan: Tumingin kayo roon Ayon sa mga guwardiya-sibil na humabol sa mga


tulisan, si Ibarra, nang makitang wala na siyang ligtas ay tumalon mula sa
bangka at lumangoy. Sa tuwing lilitaw ang kanyang ulo ay pinauulanan siya ng
bala. Doon sa malayo ay hindi na siya makita, ngunit ang tubig sa dakong iyon
ay nagkulay dugo. Iyan ang nangyari, labingtatlong taon na ngayon ang
nakararaan.

Ben Zayb: Kaya ang kanyang katawan ay…

Padre Salvi: Ay sumama sa kanyang ama. Sa bangkay na isa pang Pilibustero.

Ben Zayb: Ano ang nangyayari sa inyo, senyor Simoun? Namumutla ka yata.
Ikaw, na isang manlalakbay, nahihilo sa isang patak ng tubig na ito?

Kapitan: Ang lawang ito ay hindi ninyo dapat tawaging isang patak lang ng tubig.
Ito’y mas malaki pa sa kahit anong lawa sa Suwisa, at kahit pagsama-samahin
pa ang lahat ng lawa Espanya. Marami na akong nakitang marinerng nahihilo
rito.
Scene 4. Sa Tahanan ni Kabesang Tales

Huli: Ama! May dumating na po bang sulat galing kay Basilio?

Tales: A, oo

Huli: Ano kaya ang pakiramdam na makapag-aral sa Maynila tulad ni Basilio,


ama nuh?

Tales: Huwag kang mag-alala, sa isang taon ay makakapag-aaral ka na sa


Maynila at makakabihis na tulad sa mga babae roon.

Juli: Talaga, ama? Salamat! Sige, babasahin ko muna itong sulat.

Tata Selo: O, ano ang problema anak?

Tales: Ang mga prayle ama. Tumaas na naman ang renta sa pinagsasakahan
kong lupa.

Tata Selo: Magtimpi ka! Higit na malaki ang magagastos mo kung lalaban ka sa
inihaharap nilang kaso. Bayaran mo nalang ang hinihingi nilang renta.

Tales: Ngunit ama, sila’y umaabuso na!

Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na lamang na ang iyong salapi ay


nahulog sa tubig at sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang kamag-anak
ay sumama sa kanya.

Tales: Hindi ko hahayaang makuha nila ang lupa, ama. Hindi! Walang sinumang
dayuhan ang makakakuha ng aking lupang sinasaka! Lupa ko ito. Binungkal,
tinamnan, sinaka, inalagaan, minahal at pinagyaman. Walang dinala rito ang
mga dayuhan, kahit isang dakot man lamang ng lupa. Sapagkat wala silang
ibinigay, wala rin silang karapatang kumuha ng anuman! Ibibigay ko lang ang
lupa sa sinumang handang magdilig ng sariling dugo! Buhay ang pinuhunan ko,
ama sa lupang ito. Kaya dapat lang na buhay din ang ibayad sa akin!

Tata Selo: Ano na ngayon ang plano mo?

Tales: Dadalhin ko ito sa hukuman, ama.

Tata Selo: Ipinaaalala ko lang sa iyo na ang sino mang mananalo sa korte ay
nahuhubaran sapagkat naipagbili ng nasasakdal ang lahat ng kasangkapan pati
na ang kahuli-hulihang kasuotan.

Tales: Hubad tayong ipinanganak, Itay, kaya hubad din tayong mamamatay.

(kinaumagahan.)

KabesangTales: Anong kailangan mo?

Guwardiya sibil: Sinusundo ko po ang anak niyong si Tano upang magsilbi sa


depensa military.

Tano: Alam ko namang tanging si Huli lamang ang mahalaga sa bahay na ito.

Scene 5. Sa Lupa na Sinasakahan


(Tinutukan ng isang tulisan si kabesang tales)

Tulisan: Sumama ka nang matiwasay sa amin kung gusto mo pang mabuhay.

Scene 6. Sa Bahay ni Kabesang Tales


Tata Selo: Kailangan mo ba talagang magpakaalila kay Hermana Penchang?

Juli: Wala na pong ibang paraan, ingkong. Kahit lumusot sa butas ng karayom,
gagawin ko. Kung iyon lang ang tanging paraan upang mailigtas lamang si ama
sa kamay ng mga tulisan.

Tata Selo: Pero… may iba pa sigurong-

Juli: Naisanla ko na po ang lahat ng aking mga alahas pwera lang sa agnos na
ibinigay ni Basilio, kaso… kulang pa rin po. Wala nang ibang paraan kundi ito.

Juli: Ingkong, malalim na ang gabi. Matulog ka napo. 

Scene 7. Sa Sementeryo

Basilio:  Kamusta na ina? Matagal-tagal na rin po ah. Labingtatlong taon na rin


pala ang nakakaraan. Pero sariwa pa rin ang lahat… dito sa isipan ko. Matagal
na ngunit ramdam na ramdam at naaalala ko pa rin ang sakit na dulot ng 
nakaraan.

(Natigilan nang may marinig na ingay ng yapak ng tao.tumingin sa paligid)

Basilio: N-Nanay? Nanay---! Hindi! Hindi! Hindi maaari! Na-nay!      

(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.)

Simoun: Anong ginagwa mo sa gubat na ito?

Basilio: Kung naaalala niyo pa, sa mismong pook ding ito tayo nagkita, may
labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang
pakikiramay.
(Itinutok ni Simoun ang rebolber kay Basilio.)

Simoun: At sa palagay mo’y sino ako? (humakbang paurong.)

Basilio: Kayo po si Crisostomo Ibarra na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na.

Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari
mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa
aking kamay?
Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang
maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong
paghihiganti! Sa plano kong matagal ko nang pinaghandaan!

Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.

Simoun: Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan,
upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang
karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako
upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na
naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng
ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!

Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng


wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang
magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.

Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa!


Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating
mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!

Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.


Simoun: Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alam kong ang nakataya
dito ay ang katuparan ng aking mga plano. Hahayaan kitang mabuhay, sumama
ka sa akin, sabay nating isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga
mapang-api!

Basilio: Salamat sa pagtitiwala ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto
kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na doktor.

Simoun: At ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita


mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At
ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim
ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?

Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kaya ko bang silang
ipaglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante,
wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang
kanyang bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.

Simoun: At kung ibibigay ko sa’yo ang aking tulong?

Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na silang
magagawa. Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking
ina at kapatid. Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong
mapapala sa aking paghihiganti.

Simuon: Gabi na, bumalik ka na sa inyo. Hindi ko hinihiling na iyong itago ang
aking lihim, dahil kahit ihayag mo ito’y tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan.
Gayon man, kung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang
aking bahay sa may Escolta.

(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang


kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamatay na ang mahihina at
matira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong
magtagumpay. Kaunting tiis na lang.

Scene 8: sa bahay ni hermana penchang

Huli: Santo Dios Santo Fuerte santo inmortal libraños señor de la peste y de toso
mal

Hermana Penchang: (binatukan ng pamaypay) hay naku bata ka! Hindi ko alam
kung ano ang itinuturo sa iyo sa bahay ninyo at hindi ka marunong magdasal!
Santo Dios Santo Fuerte santo inmortal libraños señor de la peste y de toso mal

Huli: pasensya na po

Hermana penchang: pasensya? Haynaku Santo Dios Santo Fuerte santo


inmortal libraños señor de la peste y de toso mal (kinurot si huli)

Huli: aray, aray opo Santo Dios Santo Fuerte santo inmortal libraños señor de la
peste y de toso mal

Hermana penchang: sabagay wala rin namang babae sa bahay niyo Santo Dios
Santo Fuerte santo inmortal libraños señor de la peste y de toso mal

Huli : Santo Dios Santo Fuerte santo inmortal libraños señor de la peste y de
toso mal

Hermana penchang: kapag hindi mo nakabisado ang dasal nabiyan hindi ka


papatawarin ng diyos sa iyong kasalan Santo Dios Santo Fuerte santo inmortal
libraños señor de la peste y de toso mal

Scene 9. Sa Tahanan ni Kabesang Tales


Mga Tao: Ang gaganda!

Simoun: Dating pagmamay-ari ang kwintas na iyan ni Cleopatra na natagpuan sa


mga piramide. Ang katabi naman niyan ay mga singsing na gawa sa ametista na
pagmamay-ari ng mga senador ng Roma at magigiting na kawal ng Cartaga.

Kapitan Basilio: Yan siguro ang mga ipinadalang singsing ni Hanibal matapos
magkagyera sa Cana!

Simoun: Nagdala rin ako ng mamahaling hikaw na dating pag-aari ng mga


babaeng taga-Roma na nakuha sa mga villa ni Annius Mucius Papilinus sa
Pompei, Italya.

Simoun: Tingnan ninyo, Dahil sa maliit na batong bughaw na ito, ay maaaring


ipatapon ng isang tao ang kanyang kaaway at maaaring makauwi ang isang tao
sa kanyang tahanan upang maibalita ang anak sa kanyang ama.

Isang ina: Bumibili po ba kayo ng mga lumang  hiyas?

Simoun: Opo.

Simoun: Kayo po Kabesang Tales, may naitago ba kayong alahas?

Tales: Na-naipagbili na po lahat ng anak ko ang lahat ng alahas niya at ang mga
natira ay wala namang halaga.

Sinang: Teka, Kabesang Tales, nasaan po ang lacket ni Maria Clara?

Tales: Laket ni Maria Clara?


Sinang: Opo, isang magandang laket na may mga diyamante at Esmeralda. Suot
po iyon ng matalik kong kaibigan bago siya pumasok sa monasteryo. Ma-
maganda! Magkano po kung bibilhin?  Nagustuhan ko ang disenyo nito, ipagbibili
mo ba ito ng limandaang piso? Isang libo? Li… mang libo? Sabihin ninyo. O
baka gusto ninyong ipalit ito sa ilang mga alahas na dala ko? Mamili na po kayo!

Hermana Penchang: Kung ako ang masusunod, hindi ko ipagbibili ang laket na
yan. Itatago ko na lang yang para maging relikya sapagkat ipinagpapalagay ng
lahat na si Maria Clara ay mamamatay na Santa. Iyan siguro ang dahilan kung
bakit ayaw ipagbili ni Juli ang laket at piniling maging alila.

Tales: Kung papayagan ninyo, hihingin ko muna ang permiso ng anak ko.
Hintayin po ninyo ako.

Natulpg si simon at pagkagising ay hinahap ang rebolber ngunit ang nakita niya
ay ang laket ni maria clara na may sulat at binasa niya iyon

Boses ni Kabesang Tales: Patawarin niyo po ako sa kapangahasang ginawa ko.


Ipinalit ko sa inyong rebolber ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko
ang sandata sapagkat ako’y sasama sa mga tulisan. Pinapayuhan ko kayong
mag-ingat. Ikalulungkot ko kung magkita tayong muli dapagkat makatitiyak
kayong huhulihin namin kayo at ipatutubos sa malaking presyo tulad ng
pagbebenta sa  mga alahas ninyo.
Pagbaba ninyo sa hagdan ng bahay ko, makakasiguro kayong hindi na ninyo ako
maituturing na isang kaibigan kundi isang kaaway na dapat pangilagan.
----Telesforo Juan de Dios.

Simoun: Natagpuan ko na rin ang taong aking hinahanap. (Tumawa ng


malakas.)

Scene 10. Sa Bahay ng Kapitan Heneral

Kapitan Heneral:  Talagang napaka bait sa akin ng tadhana! Sineswerte talaga


ako
Simoun, halika’t sumali ka sa amin

Kapitan Heneral: Ano ang naririyan ngayon?

Kalihim: Hu…humihingi po Kamahalan ng pahintulot ang mga kabataan na


makapagpatayo ng isang paaralan ng Wikang Kastila.

Kapitan Heneral: Ano ang palagay ninyo?

Gwardya sibil 1: Makatarungan po ang kahilingan.

Padre Sibyla: May mga bagay na dapat isaisip. Bukod sa hindi napapanahon
ang kahilingan…

Simoun: May sapantaha akong, masama ang layunin ng mga kabataan

Padre Sibyla: Iya’y isang tahimik na pag-aalsa, isang paghihimagsik na ang


sandata ay papel.

Kalihim: Ang kahilingan ay pinamumunuan ng ilang binata na pawing kilala sa


pagkamabago at kapalaluan. Si Isagani, na pamangkin ni Padre Florentino.
Isang binata na nagngangalang Macaraig.

Padre Irene: Isang binatang napakaganda ng ugali at nakakalugod. Iyan ang


sinasabi ko sa inyo, mayaman at iniluluhog ng Kondesa na inyong tingnan..

Kalihim: At isa pang nag-aaral ng medesina, si Basilio.

Kapitan Heneral: Gayon pala, itala ang pangalan niyan.


Gwardya sibil 1: Ngunit, Heneral, hanggang ngayon ay wala pang sumbong
laban sa mga binatang iyan. Ang kanilang kahilingan ay makatuwiran at dapat
lang na pahintulutan sila at bawiin ang permiso kung talagang aabuso

Padre Camorra: Ngunit ang mga indiyo ay hindi nararapat matuto ng Kastila!

Padre irene: Nararapat na tayo ang unang magalak sa tagumpay ng mga nag-
aaral. Ang bayan ay mangmang at mahina pa ngayon, ngunit bukas ay iba na.
Ang kanyang paglakas ay hindi mapipigil sapagkat minamahal nila ang
katuwiran. Bakit hindi tayo magbago samantalang siya ay wala pang muwang?
Ang kabataan ay tamad, ngunit nagsusumigasig kapag sumasalungat.

Kapitan Heneral: Mga ginoo, ipagpaliban natin bukas ang talakayan. Gusto ko
nang mag-almusal.

Gwardya sibil 1: Kamahalan, ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay nagbalik.


Hinihiling na palayain ang kanyang lolo na hinuli bilang kapalit ng ama.

Kapitan Heneral: Siya, padalhan ang kalihim ng tinyete ng Guwardiya Sibil upang
pakawalan.

   Scene 11.  Sa Silid-aralan ng Pisika

Padre Millon: Aba, hoy tamad! Nakatulog ka na e di ka pa natatawag!

Estudyante 1: Tinatawag na salamin ang lahat ng ibabaw na pinakinis na inilaan


upang gumawa sa pamamagitan ng tilamsik ng liwanag, ng mga larawang nasa
tapat ng nasabing ibabaw na pinakinis. Ang mga bagay-bagay na bumubuo sa
mga ibabaw na pinakinis ay nahahati sa mga salaming metal at salaaming
kristal.
Padre Millon: Kung bibigyan kaya kita ng pinutol na kahoy, sabihin na nating
kamagong na pinakinis na mabuti at pinahiran ng barnis o ng isang pirasong
marmol na pininturahan ng itim at pinakinis din, o isang azabache na kasisinagan
ng mga larawan ng mga bagay-bagay sa kanyang harapan. Paano mo mauuri
ang mga salaming nabanggit?

Juanito: (pabulong) Ang salaming kamagong ay kasama ng salaming kahoy!

Padre Millon: Hala Juanito, sagutin mo ang tanong ko.

Padre Millon: Ikaw. (Itinuro si Placido.) Huli ka pa nga sa klase, nag-iingay ka


pa!  Hindi kita tinatanong ngunit ibig mong sagipin ang iba. Ano ang pangalan
mo?

Placido: Placido po.

Padre Millon: Ah! Placido Penitente, mas mabuti kung ang tawag sa iyo ay
Placidong bulong!  Labinlimang araw na pala ang liban mo! Isa pa at
magbabakasyon ka na!

Placido: Ngunit apat na araw pa lang akong liban.

Padre Millon: Sa tuwing liliban ka ng isang araw, lima ang katumbas. Kapag
lumiban ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng isang guhit dahil
di mo alam ang leksyon ngayon.

Placido: Kung lalagyan po ninyo ng guhit ang pangalan ko dahil sa di pagkaalam


ng liksyon ay dapat pong tanggalin ang guhit na hindi ko pagdalo sa klase
ngayon.

Padre Millon: Aba! At bakit?


Placido: Hindi ko po maisip kung paano ang wala rito ay makapag- uulat ng
leksyon.

Padre Millon: Hindi mo ba alam na ang isa ay maaaring magsabay na


magkulang sa pagpasok at sa di pagkaalam ng liksyon? Diyata’t ang iyong
pagliban ay nangangahulugan ng karunungan? Ano ang ikakatuwiran mo riyan,
pilosopastro?

Placido: Tama na, Padre! Ilagay na ninyo ang lahat ng ekis na gusto ninyo! Pero
wala kayong karapatang tapak-tapakan ang pagkatao ko! Diyan na kayo,
matalino at makatarungang propesor. Sa inyo na ang klase ninyo, sa akin naman
ang karangalan ng pagiging Pilipino ko!

Scene 12. Sa Bahay ng mga Estudyante


(Nag-uusap sina Pecson, Isagani, Macaraig at Juanito sa sala.)

Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at sinabi niya
ang nangyari sa Los Banos. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na
ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.

Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!

Macaraig: Yan din ang sinabi ko kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don
Custodio, isang kasangguni ng lupon ang magdedesisyon.

Pecson: Ngunit, kung hindi sang-ayon si Don Custodio?

Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at sinagot niya ako na malayo na
raw ang ating narating, nagawa na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang
kapasyahan. Kung makukuha natin si Don Custodio sa ating panig ay makakamit
natin ang tagumpay.

Sandoval: Sa papaanong paraan?


Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.

Pecson: Ang intsik na si Quiroga!

Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!

Isagani: May isang paraan pa. Maaari tayong lumapit kay Ginoong Pasta.

Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?

Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang
ay kung papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na
paburan tayo.

Macaraig: Hindi ba’t si G. Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.

Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga


kalaguyo?

Pecson: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang


magagawa noon. Kilala ko ang babae, si Matea.

Isagani: Huwag mga ginoo, gumamit muna tayo ng mabuting paraan. Ako ang
kakausap kay G. Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang
ibang paraan.

Scene 13. Sa Opisina ni Ginoong Pasta

Ginoong Pasta: Ah, kaya pala, umupo ka. Kamusta ang iyong amain?
Isagani: Maayos naman po ang kanyang kalagayan.
G. Pasta: Ah.. ganoon ba?

Isagani: Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming


panig. Naniniwala ang mga kabataan, na labis kayong nagmamahal sa inyong
baying sinilangan. Kaya nais naming humingi ng tulong upang mapakiling sa
amin si Don Custodio.

G. Pasta: Ayaw ko makialam sa ganyang mga usapan! Oo nga’t mahal ko ang


lupang sinilangan at naghahangad ng pag-unlad ngunit hindi maaaring sumulong
nang basta-basta. Maselan ang aking kalagayan at maraming ari-arian kaya
kailangan ko ng ibayong pag-iingat.

Isagani: Di po namin hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit, kahit napaka-


kaunti ang nalalaman ko sa mga batas at mga pagpapasya sa ating bayan,
ipinagpapalagay ko na hindi masamang makiisa sa mga adhikain ng
pamahalaan at sikaping siya’y maalinsunod ng mabuti. Iisa lamang po ang aming
layunin, nagkakaiba lamang ng pamamaraan.

G. Pasta: Kahanga hangang kasagutan. Ngunit hindi niyo pa rin ako


mapapapayag. Binata, isantabi mo na lang ang hakbang na iyan sapagkat 'yan
ay sadyang mapanganib. Ang maipapayo ko ay pabayaan mo na lang gumawa
ang pamahalaan.

Isagani: Kung gayo’y… (Tumayo na) Mauuna na po ako.

G. Pasta: Kaawa-awang binata. Ako man ay nagkaroon rin ng ganoong kaisipan.


Pero... kaawa-awang binata, kawawang Florentino.

Scene 14.   Sa Bahay ni Quiroga

Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na iyong inutang?


Quiroga: Wala na akong pela. Empleyado, opisyal, tinyente, sundalo. Lahat sila
utang akyen pelo wala bayad. Hindi akyen alam kung paano bayad utang.
Tulong ka ke Quiroga.

Simoun: Ngayon ko pa naman kailangan ng salapi pero alam mo namang


kaibigan kita. Kung gusto mo, gawin na lang nating pitong libo ang utang mo.
Kayo’y nakapagpapaok ng aduana ng lahat ng inyong naisin, mga kahon ng
lampara, bakal, porselana at mga baril para sa mga kura. O, ano, papayag ka
ba?

Quiroga: Si…sige, payag ako basta kikita pela. Pe..pelo delikado kontlabando.
Ba…baka huli tayo sundalo?

Simoun: Shh… huwag kang maingay. Ngayong gabi, may darating na ilang
kahong baril. Gusto kong tulungan mo akong itago ang mga ito sa iyong bodega.

Quiroga: Takot si Quiloga. Meron ako balil. Pelo pak hawak ko, pikit ko mata.

Simoun: Kung ayaw mo madali akong kausap. Pero magbayad ka ngayon din sa
utang mo.

Quiroga: Sige, sige, ako hindi na takot. Tulong na Quiloga sa kaibigan. Pelo ikaw
ingat. Huwak damay Quiloga, ha?

Simoun: Huwag kang mag-alala. Sagot kita.

                      Scene 15.  Sa Bulwagan

Mr. Leeds: Deremof! (Bumukas ang kahon at nalantad sa paningin ng mga


naroroon ang isang ulo. Idinilat ng ulo ang mga mata at iginala ang paningin at
napatitig kay Padre Salvi.)

Mr. Leeds: Espinge, sabihin mo sa amin kung sino ka.


Imuthis: Ako ay si Imuthis. Ipinanganak sa panahon ni Amasis. Galing ako sa
paglalakbay sa Gresya, Assyria, at Persia. Sa pagdaan ko sa Babylonia ay
nakatuklas ako ng isang lihim. Sa takot nila na ibunyag ko ang kanilang lihim ay
kinasangkapan nila ang banal na batang saserdote.

Mr. Leeds: Paano ka ipinahamak ng batang saserdote?

Imuthis: Umibig ako sa anak ng isang saserdote. Ang batang saserdote ng


Abydos ay umibig din dito. Gumawa ito ng kaguluhan at ako ang idiniin na may
kasalanan. Ikinulong ako ngunit tumakas at nagpunta sa lawa ng Moeris pero
doon ay pinatay ako. Nabigyan ako ng pagkakataon na bangunin ang kaluluwa.
Naririto ako upang isigaw sa lahat ang mamamatay taong naglibing sa akin sa
hukay! Mamamatay taong, lumapastangan sa aking kasintahan! Mamamatay
taong alagad ng kadimonyohan! Kadimonyohan! Kadimonyohan! Kadimonyohan!

Padre Salvi: Huwag! Hindi ako! Hindi ako! Hindi ako

Imuthis: Oo, ikaw nga kurang may maitim na buto! Ikaw na mapagparatang sa
kapwa! Ikaw na lumapastanganan sa Diyos! Ikaw na pumatay sa kapwa! Ikaw na
dimonyo! Dimonyo! Dimonyo! Pinatay mo ang dalaga! Pinatay mo siya! Pinatay
mo siya!

Padre Salvi: Pa…patawad. Buhay pa siya! Buhay! Mahabag ka!

Scene 16. Sa Bahay ni Kapitan Tiyago

Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Mahina na ang pulso, walang ganang kumain. Kumalat na nang tuluyan
ang lason sa kanyang katawan.
Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong
hindi mo binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal sa
bayan. Huwag na, sa loob ng isang oras, magsisimula na ang himagsikan, at
bukas ay wala nang mga unibersidad, wala nang mga mag-aaral at
magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang
iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?

Basilio: Hindi ko alam.

Simoun: Magpasya ka.

Basilio: Ano ang nararapat kong gawin?

Simoun: Pamunuan ninyo ang isang pangkat at salakayin ang kumbento ng Sta.
Clara at dooy ilabas ang isang taong maliban sa inyo at kay Kapitan Tiago ang
nakakaalam, si Maria Clara.

Basilio: Huli na kayo! Patay na si Maria Clara.

Simoun: P-patay na?  Hindi! Hindi totoo ‘yan!

Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento


upang makibalita nang sabihin nila sa akin ang lahat. Narito ang sulat ni Padre
Salvi na dinala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito kung kaya’t
naghihinagpis ngayon si Kapitan Tiyago.

Simoun: Namatay! Namatay nang hindi man lang kami nagkitang muli. Namatay
nang hindi man lang nalalaman na nabuhay ako nang dahil sa kanya. Na…
namatay na nagtitiis. (umalis)

Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis ng napakamahabang


panahon para sa iniibig. Ngunit heto ang nakuha niyang ganti. Sadyang
nakakalungkot ang tadhana nilang dalawa.
    Scene 17.  Sa Dagat

Donya Victorina: Ano na ang balita sa pinapahanap ko sayo, Isagani?

Isagani: Wala pa pong nakapagbalita sa akin tungkol sa inyong asawa.

Donya Victorina: Ipaalam mo lamang sa kanya na ipahahanap ko siya sa mga


Guwardiya sibyl. Buhay man o patay ay gusto ko siyang makita sapagkat
kailangang maghintay ng sampung taon ang isang tao upang makasal muli.

Isagani: At sino naman po ang maswerteng ginoo? Hahaha! Malas kamo.

Donya Victorina: Sino pa e di si Juanito!

Alalay: Isagani! Isagani! Nahulog sa malalim ng batuhan ang pamaypay! Baka


mabasa Isagani! Baka matangay! (Napatakbo si Isagani papunta kay Paulita.)

Paulita: O, bakit naririto ka? Bakit hindi mo sundan sa Luneta ang


nakakahalinang mananayaw at manganganta? Mga Pranses na sobrang kayputi
at sobra rin sa ganda!

Isagani: Teka, hindi ba ikaw ang nagpatawag upang tayo ay magkita?

Paulita: Oo, ako na kung ako. Mabuti naman po at nakarating kayo. Kagabi ay
parang hindi man lang ninyo ako nakita. Tingin po ako ng tingin sa inyo pero
parang lumuluwa na ang mga mata ninyo sa kasusunod sa imbay ng katawam
ng mga mananayaw na pakembot-kembot sa tanghalan.

Isagani: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi. At saka, wala akong nalalaman sa
sinasabi mo tungkol sa mga mananayaw na iyan.
Paulita: Gayon, ako pa ang mali ngayon? Hmph!

Isagani: (yayakapin si paulita) Paulita, alam mo namang para sa iyo lamang ang
aking mga mata. Ikaw lamang ang pinakaninanais nitong masdan at titigan.
Lubos ang pagmamahal ko sa aking lalawigan bago pa lamang kitang makilala.
Ngayon ay masasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan kung wala ang
iyong kagandahan. Darating ang panahon at magiging malaya  na ang Pilipinas
at pagdating ng panahong iyon saka lamang makukumpleto ang aking
kaligayahan at mga pangarap.

Paulita: Pangarap! Pangarap! Sinabi ni Tiya na lagi raw alipin ang baying ito!
Paano kung mabigo kayo sa inyong pakikipaglaban?

Isagani: Kung magkatotoo iyon, matutuwa pa rin kami kung may maghahanap sa
aming bangkay at ituturo ninyo an gaming puntod sabay ang pagmamalaking,
“Diyan inilibing ang mga bayaning nagmahal sa aming kalayaan!  Langit Paulita.
Langit an gaming madarama kung kayong mangabubuhay ay magpapahalaga.
Isang katotohanang lubos na mapapatunayan ang kabayanihan oras na inialay
an gaming buhay para sa lupang tinubuan.

Scene 18.   Sa Pansiteria


(Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon.)

Sandoval: Masarap ang pagkain na ito! Ano ika ang tawag dito?

Tadeo: Pansit lang-lang. Kakaiba yan sa pansit na ating kinagisnan.

Sandoval: Napakahirap namang tandaan! Sa ngalan ni Don Custodio,


binibinyagan kita bilang proyekto ng mga sopas.

Tadeo: Para kay Don Custodio ang “Panukalang sopas”


Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang
alimango ay sa mga prayle.

Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng
mga Intsik, tayo ang tumatangkilik pero sila ang nakikinabang. Tulad ng ating
pamahalaan ngayon.

Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa


pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas.

Estudyante1: Dapat ang Eminencia Negra kay Simoun!

Makaraig: Maghinay-hinay kayo mga kaibigan. Posibleng may mga nagmamasid


sa kanila at posible ring may pandinig ang mga dingding. Ibaba ninyo ang inyong
mga tinig at magingat sa mga salitang sasabihin.

Pecson: Lalabas lang ako upang ipalabas ang iba pang mga ulam
(umalis si pecson at bumalik rin agad)

Pecson: Nakita ko ang paboritong tao  ni Padre Sibyla na umalis agad nang
mapuna na napansin ko siya.

Makaraig: May nagmamasid nga sa atin!

   Scene 19.  Sa Paaralan

(Basilio naglalakad)
Basilio: (kausap ang sarili) Pagkatapos kong pumunta sa ospital ay tutungo
naman ako kay Makaraig upang mangutang ng pera upang matustusan ang mga
gastusin sa nalalapit kong pagtatapos ng medisina.Tila ata kakaiba ang kinikilos
ng mga tao.
Estudyante 2: Ginoo, alam mo ba ang planong paghihimagsik ng mga
estudyante?

Basilio: Walang akong nalalaman at kinalaman sa inyong mga sinasabi.

Estudyante 2: Mukhang hindi ito natuloy, maraming mga mag-aaral ang


nasangkot. Mabuti pa’t sunugin mo ang lahat ng kasulatang may kaugnayan sa
paksang ito na meron ka upang hindi ka madamay.

(lalayo si Basilio at makikita ang propesor)

Propesor: Nasa hapunan ka ba kagabi, Basilio?

Basilio: Hindi po. Ako’y inanyayahan ngunit hindi ako nakapunta sapagkat
kailangan kong bantayan si Kapitan Tiyago.

Propesor: Mabuti na nga rin at hindi ka dumalo sa piging. Basilio, pilitin mong
lumayo sa mga mag-aaral na may kinalaman sa akademiya.

Basilio: Kasama po ba si Simoun, sa mga napagbintangan?

Propesor: Hindi, subalit siya ay sinaktan ng isang di-kilalang tao

Basilio: Mabuti kung ganoon, ang mga tulisan, may kasama ba sa kanila?

Profesor: Puro mag-aaral lamang, panay pagbabala, pagpatay at pagtuligsa sa


mga prayle ang nilalaman ng mga paskin na kagagawan ng mga estudyante.

Basilio: Ganoon po ba? Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo.

Propesor: Ikaw din.


Tadeo: (naglalakad) Matutuwa ka Basilio! Wala na namang klase! Pahinga na
naman tayo. Magaling, di ba? Bakasyon na! Bakasyon na!

Basilio: Ano ba talaga ang nangyari na dapat ikabahala?

Tadeo: Dapat ikabahala? Wala naman. Ipadadala lang daw tayong lahat sa
kulungan!

Basilio: Ikinatutuwa mo ba yan?

Tadeo: Aba, e kung walang klase, di ba dapat na magsaya? Sige, mauna na


ako.

Basilio: Akala ko naman kung bakit siya masaya. Juanito! Mabuti at nakita kita.
May itatanong lang sana ako sayo tungkol sa mga paskil na sinasabi nila.

Juanito: Wala! Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon!

Basilio: Teka, huminahon ka. Namumutla ka na o.

Juanito: Wala akong kinalaman sa mga mag-aaral, kasapi lamang ako upang
gabayan sila, inosente ako. Tandaan mo, hindi ako kasama sa mga kilos ng
kapisanan. (umalis)

Isagani: Mas mabuti na ang ganito dahil sa ganitong paraan masusubok ang
ating pagmamahal sa bayan, sa Pilipinas. Sa panganib dapat pumaroon
sapagkat naroon ang karangalan.

Propesor: Kasama ka ba kagabi?


Basilio: Hindi ho, may sakit si kapitan tyago at kailangang kong tapusin ang
pagbabasa ng libro..

Propessor: Mabuti‘t wala ka roon, pero kasapi kayo ng samahan ng mga


estudyante?
Basilio: Nag-ambag ho ako..

Propesor: Naku! Umuwi kana agad at sirain ang lahat ng papeles na maaaring
magsangkot sa inyo!

Basilio: Si Senyor Simoun ho?

Propesor: Wala syang kinalaman at nakaratay ngayon. Sinaktan sya ng


masamang tao. Mga estudyante lamang ang
sangkot; may mga nakitang paskin na masama! Mag-ingat ka ngayon!

(Papasok sa loob ng klinika ang isang propesor sa patolohia na hinihinalang


espiya ngunit mas mukha itong sacristan)

Propesor: (Kikindat kay Basilio) alam ko na kung bakit amoy bangkay ba si k.


tyago: dinadalaw na sya ng mga uwak at buwitre.
Scene 20. Sa Bahay ni Macaraig

Gwardya sibil 2: Sino ka at bakit ka pumanhik dito?

Basilio: Nais kong maka-usap si Makaraig, kaibigan niya ako

Gwardya sibil 2: Maghintay ka sa iba, Indio!

(pababa ng hagdan si Macaraig kasama ang isa pang sibil.)

Macaraig: (nagulat) Bakit ka naparito Basilio?


Basilio: Gusto sana kitang makausap.

Gwardya sibil 2: Indiyo, sino ka?

Basilio: Basilio po.

Gwardya sibil 2: Salamat naman at hindi mo na kami pinahirapang hanapin ka. Dinarakip ka rin
namin.

Basilio: Wala naman akong ginagawang kasamaan, anong dahilan at ako’y inyong dadakpin?

Macaraig: Huwag ka nang umalma pa, Basilio. Sa karwahe ko naman tayo sasakay.

Scene 21.  Sa Bahay ni Kapitan Tiago

Padre Irene: Muntik nang dumanak ang dugo sa lansangan, mabuti na lang at napigilan ko ang
kapitan. O, ba…bakit tila namumutla ka yata. Ka…kapitan Tiago, okay lang po ba kayo?

Kapitan Tiago: Si… si Basilio, may ibaba…lita ba kayo sa kanya?

Padre Irene: Ah, iyong ampon mo? Hindi mo ba alam na isa siya sa mga kabataang dinakip?

(Hinabol ni Kapitan Tiago ang hininga. Pinapawisan siya. Kumapit siya sa bisig ni Padre Irene at
nagpupumilit bumangon. Nanginginig ang katawan nito at ilang sandali pay bumula ang bibig. At
napahiga ito sa kama, patay na.)

Scene 22. Sa Panenderya

May-ari: Inaresto ba si Tadeo?

Estudyante 2: Oo at kababaril lang sa kanya.


May-ari: Binaril? Inang! Paano na ngayon ang utang niya!

Estudyante 1: Hinaan niyo po ang boses ninyo at baka madamay kayo. Ako nga eh sinunog na
ang librong hiniram ko sa kanya.

May-ari: Totoo bang inaresto rin si Isagani?

Estudyante 3: Bobong Isaganing yan. Hindi naman siya dinakip kung bakit na pumunta sa
tanggapan ng Kapitan Heneral at magprisinta!

May-ari: Paano na si Paulita?

Estudyante 1: Marami siyang tagahanga diyan. Maaaring magdamdam siya nang bahagya,
ngunit hindi magtatagal ay magpapakasal sa isang Kastila.

Scene  23.   Sa Kumbento


Malalim ang gabi, isang nakakasindak na tili ng babae ang narinig sa paligid. Umiiyak itong
naglalakad at tumalon sa bintana ng simbahan.

Tata Selo: Mga walanghiya kayo! Buksan ninyo itong pinto! Apo ko! Ang kaawa-awa kong apo!

Scene 24.  Sa Bahay ni Simoun

Ben Zayb: Natitiyak kong isang magarbong handa ang iyong ihahandog G. Simoun.

Simoun: Iyon nga sana ang aking balak ngunit wala naman akong malaking lugar upang
pagdausan ng isang malaking piging.

Ben Zayb: Sayang naman pala. Di sana’y kayo na lang ang nakabili ng bahay ni Kapitan tiago at
hindi sana napunta kay Don Timoteo Pelaez ng libre. At ngayon! Ikakasal ang kanyang anak sa
mayamang si Paulita Gomez!

Simoun: Ganoon talaga, may mga tao talagang swerte.

Ben Zayb: Kung sa bagay. Mabuti na rin at si Juanito ang kanyang pakakasalan kaysa naman sa
isang hamak na makatang si Isagani! Marunong din mag-isip ang babae. Alam niyang hindi niya
kaya ang buhay mahirap.

Scene 25. Sa Lupain ni Kabesang Tales

(Patakbo si Basilio sa isang puntod. Napaluhod siya roon at napaiyak.)


Kabesang Tales: Sino iyan! (pinaputukan ngunit hindi natamaan. Tumakbo siya papunta sa
puntod ng anak at nakita si Basilio.)
Basilio: Hu..Huli, (nanginginig ang boses, at umiiyak.) mahal ko. Bakit mo ako iniwan.
Kabesang Tales: Nagpunta siya sa kumbento upang hingin ang pagpapalaya sayo, ngunit hindi
namin aakalain na iyon ang magwawakas sa kanyang buhay.

Scene 26. Sa Silid ni Simoun

(Tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun. Kumatok ito sa pinto.)


Simoun: Tuloy.

Basilio: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid. Nakalimutan


kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayo’y
pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at
paghihiganti.
(Hindi kimubo si Simoun.)

Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y
nakulong kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa
labas nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol
ang bayan.

Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga
desisyon, dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng
dahilan para umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y
magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya,
ikaw nama’y gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito


ang kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratory ay
makikita ang isang lampara na may kakaibang hugis.)

Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?

Simoun: Hintayin mo.


(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na
nitrogliserina, isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Basilio: Dinamita!

Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang
naimbak, mga kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngzyong gabi,
makakarinig ng pagsabog ang Pilipinas at mapaparusahan ang mga
makasalanang hindi magawang parusahan!
(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito


sa gitna ng handaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit
pansamantala lang. Pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng
lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang bomba!

Basilio: Kung gayoo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga
artilyero at iba pang kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na
kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang
lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw
ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon
nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay
susubukang agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng
hindi handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang
magsimulang muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi!
Isang bagong lipunan na kahit kailan ay hindi na magpapa-api!
Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?

Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!

Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung
pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko kailangang lingapin ang mundong kailan man
ay hindi lumingap sa akin!

Simoun: Tama ka!

(Inabot ni Simoun ang isanng rebolber kay Basilio.)


Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng
gabi. Lumayo kayo sa Daangan Analoague sa alas-nuwebe.

Basilio: Kung gayo’y magkita na lamang tayo mamaya.


(At tuluyan nang umallis si Basilio.)

Scene 27. Sa Bahay ni Kapitan Tiago

(Dumagsa ang mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago. Sa harap ng bahay ay
naroon si Basilio at nagmamasid.

Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa


naman sila. Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi
madamay.
(Papalapit na siya sa bahay.)

Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat
sirain ang pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa
loob ang pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang
lahat ay may hangganan din!
(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan
Heneral ay isa si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita
niyang pinaligiran ng mga taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)

Basilio: Hindi sila dapat madamay!


(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)

Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!

Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyang suot mo!

Basilio: Papasukin ninyo ako!

(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!
(At tuluyan nang umalis si Simoun)

Basilio: Ililigtas na niya ng kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.


(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa
daan, patungo sa pista.)
Isagani: Anong ginagawa mo dito?

Basilio: Isagani! Tara na! Umalis na tayo dito!

Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang
makita.

Basilio: Gusto mo na bang mamatay?


Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon
ano mang oras ngayon! Tara na!

Isagani: Bukas ay iba na siya….

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.


(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay
nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.

Bisita1: Nakasulat dito, “Mane thecel, pares” – Crisostomo Ibarra


.
Bisita2: Isang biro lang iyan!

Bisita3: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal
nang namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!

Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang


kwenta ang ganyang biro.

Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?


(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)

Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.

Padre Irene: Isang saglit lamang.


(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa
lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!


(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang
lampara. Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)

Scene 28. Sa Bahay ni Padre Florentino

(Palakad-lakad ang mga sibyl, tangan ang mga baril, pinaghahanap si Simoun.
Uminom ng lason si Simoun at pinilit nitong magpunta kay Padre Florentino.
Nakahiga si Simoun habang may hawak na rosaryo.)

Padre Florentino: Matitiis ba ninyo ang paghihirap, Senyor Simoun?

Simoun: Matitiis ko pa, padre.  Mawawala rin ang lahat pagkaraan ng ilang
sandali. Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan. A…Alam kong
hindi na magtatagal at darating na ang walang hanggang kapayapaan.

Padre Florentino: Diyos ko! Napatalikod lang ako sandali, wa…wala nang laman
ang botelya!
Simoun: Wala nang lunas. Bago mag-alas ocho ay dadakpin ako rito buhay man
o patay. Pero hindi ako makapapayag na kunin nilang buhay.
Padre Florentino: Panginoon ko, bakit kailangang mangyari ito?

Simoun: Huwag kayong matakot. Ang nagawa ay nagawa na. Lumalalim na ang
gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim. Pe…Pero bago yan, may gusto
lang sana akong itanong sa inyo.
Padre Florentino: Ano iyon senyor Simoun? Itanong ninyo at lilinawin ko.
Simoun: (Nangingilid ang mga luha.) To…totoo ba na may isang dakilang Diyos
na… na gumagabay sa ka…kapalaran ng sangkatauhan?

Padre Florentino: May iba pa akong gamit na maibibigay sa inyo, Senyor


Simoun. May morpina, may eternal, may chloroformo.

Simoun: Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon. Ma…malapit na malapit na


ang saglit nang pamamaalam. Padre, tulungan mo ako, ayokong mamatay na
may dalang kasamaan!
(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling
siya ng Europa hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Tandaan mong alam ni Bathala
na may mga kahinaan tayong humihila sa atin pababa. Subalit ang Panginoon
natin ay Panginoong nakatunghay sa mga krus na ating dinadala rito sa matiryal
na sandaigdigang ating ginagalawan. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na
ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat na
nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat
alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man


ay hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng kadakilaan.

Simoun: Tinatanggap ko ang… paliwanag . Makasalanan ako, padre, pero bakit


ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang
dulot kundi kasamaan? Bakit nagbibingi-bingihan ang tinutukoy ninyong Diyos sa
malakas na hinaing ng mga inaalipin? Bakit nagbubulag-bulagan siya sa hirap na
dinaranas ng mga pinarusahan sa loob at labas ng mga kulungan?

Padre Florentino: Kailangang makaranas ng paghihirap ang mga karapat-dapat


sa pagpapala ni Bathala, senyor Simoun.  Kailangan din naming kiskisin ang
mga bato upang mag-init at magningas, Isang katotohanang may nang-aalipin at
may nagpapaalipin.

Simoun: Kung gayo’y ano ang nararapat gawin?

Padre Florentino: Magtiis at gumawa.

Simoun: Kung ganyan ang kalaking hinihingi ng Diyos sa tao na hindi makaaasa
sa kasalukuyan at nag-aalinlangan sa hinaharap. Magtiis at gumawa! Anong
diyos iyan?!

Padre Florentino: Isang Diyos na makatarungan, ginoong Simoun. Isang Diyos


na nagpaparusa sa ating kawalan ng pananalig, sa ating mga masasamang hilid
at di-gaanong pagpapahalaga sa kabutihan.

(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa


pinisil ni Simoun ang kamay ng pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.


(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florntino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Ipapakita ang krus.)

Padre Florentino: Nasaan ang mga kabataang naghahangad sa kanilang


ginintuang panahon, ng kanilang pangarap at kasigasigan sa ikakabuti ng
bayan? Nasaan ang mga kabataang magbubuwis ng buhay upang mabayaran
ang gayong karaming kahihiyan, ang gayong maraming krimen? Malinis at
walang dungis ang buhay na kailangang alay upang ang handog ay maging
karapat-dapat? Nasaan kayo, kabataang may mga pusong pinag-iinit ng layuning
makapag-ambag sa lalong ikadadakila ng sangkapuluan? Hinihintay namin kayo!

(Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa


talampas. Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.)

Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit kung


kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng
Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Samantala, diyan ka muna,
hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.

Padre Florentino: (malungkot) Ang kayamanan ang siyang ugat ng lahat ng


kasamaan.

You might also like