Professional Documents
Culture Documents
Ani Hermana Penchang ay ‘di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Huli ang
paalila kaysa ipagbili iyon. Isasangguni raw muna ni Kabesang Tales sa kaniyang anak
ang bagay na iyon at tumango naman si Simoun. Ngunit nang nasa labas na ng bahay
ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa.
Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Naalala niya ang sumpang
binitawan na walang sinomang maaaring umangkin ng lupain maliban sa mga taong
magdidilig ng sariling dugo.
Huminto siya at tinutop ang noo. Pumikit siya at pagmulat ay nagbalik ang lahat
ng kaniyang alaala, ang bangkay ng asawa’t anak habang nakikita niya ang mga
nagtatawanang lalaki. Nabigo si Simoun sa paghihintay kay Kabesang Tales.
Kinabukasan ay natagpuan niyang bukas ang katad na pinaglalagyan niya ng rebolber.
Wala na ang rebolber dito ngunit natagpuan niya ang relikaryong may kalakip na sulat.
Iniutos ni Simoun sa mga utusan na dalhin ang malaking sisidlan ng hiyas sa Los
Baños at hintayin siya roon. Sa ilog niya pinaraan ang mga ito. Samantalang siya, taglay
ang lalong mahalagang hiyas ay sa katihan nagdaan.
Apat na guwardiya sibil ang dumating upang hulihin si Kabesang Tales. Nang
hindi nila ito dinatnan, si Tandang Selo ang dinala.
Nang gabing yaon, tatlo ang pinatay. Ang prayleng tagapangasiwa ng asyenda, ang
lalaking pinagbigyan ng bukirin ni Kabesang Tales at ang asawa nito. Basag ang bungo
ng mga lalaki at gilit ang lalamunan ng babae. Puno ng lupa ang bibig at sa tabi ng
bangkay ay may kapilas na papel na may pangalang “Tales” na nasusulat sa dugo.