You are on page 1of 1

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Bilang pagtupad sa kanilang misyon para sa Akademya ng Wikang Kastila,


tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng
kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang
manghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon.

Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais niyang


kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito.

Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan para sa
Akademya ng Wikang Kastila. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang
alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani
kung naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.

Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw
makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas
makabubuting ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Hindi na dapat
manghimasok ang mga mag-aaral. Nahulaan ni Isagani ang ibig sabihin ni Ginoong
Pasta na ang pamahalaang kolonya ay hindi lubos at wasto ang pagkakatatag at
nananalig lamang sa pala-palagay. Malungkot naman si Isagani sa naging pasiya ng
Ginoo.

You might also like