You are on page 1of 1

“Kalunos-lunos na Pandemya”

ni Camille V. San Gabriel

Sa pagsisimula ng taong dalawang libo’t dalawang pu, alam natin na mayroong tinatawag na “virus” na
kumakalat na naging dahilan ng pandemya na atin hanggang ngayon ay nararanasan. Ang kumakalat na
sakit ay tinatawag na coronavirus disease (COVID-19) na isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng impeksyon ay nakararanas ng hindi malalang
sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay nakararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at
mga may dati nang karamdaman. Humigit dalawang taon ang itinagal ng nakakapanindig na
pangyayaring ito na higit kailanman ay naging lingid sa ating mga isipan na maari pala itong mangyari
muli. Ang mga nagdaang taong ito ay nakaranas tayo ng pataas na pataas na bilang ng mga taong
naimpeksyon ng COVID-19, kaya ang gobyerno noon ay paulit ulit na sinasabing alagaan natin ang ating
sarili at matuto tayong maging disiplinado sa mga bagay na ating gagawin. Nagbigay rin sila ng mga
tuntunin at regulasyon para sa kaligtasan at upang maiwasan natin ang pagkakahawa mula rito. Sinasabi
rin dito na matuto tayong mag suot ng face masks or face shield sa tuwing tayo ay lalabas ng ating mga
tahanan. Dahil sa ganitong paraan ay maiiwasan natin ang paglanghap o pagkahawa ng virus. Isa pa,
tayo rin ay inabisuhan na gumamit ng alcohol o maghugas ng kamay sa bawat sandali, lalo na kung tayo
ay lumabas ng tahanan, dahil mapapatay nito ang mga virus na dumampi sa ating mga kamay. Kumain
ng mga masustansyang pagkain na magpapalakas ang ating sistema upang maiwasan pa lalo ang
pagkakahawa. Sa madaling salita ng aking mga sinabi, tinuruan tayo ng pandemyang ito na alagaan ang
ating mga sarili. Alam natin kung gaano kadelikado kung mahawaan tayo nito, marami ang binago sa atin
ng COVID-19 na ito, simula sa ating pangkabuhayan, edukasyon pati na rin sa paraan ng ating
pamumuhay. Tinuruan tayo nito na maging disiplinado at maging malinis sa ating mga sarili.

Tatlong taon ang lumipas simula ng pumutok ang COVID-19 na naging dahilan ng pagkakaroon ng
pandemya sa buong mundo ay masasabi kong tayo ay muli ng nag-uumpisang bumangon. Bumangon sa
nakakatakot na pangyayaring hindi malilimutan ng bawat isa sa atin. Ngayon ay atin ng nararanasan muli
ang mga bagay na hindi natin maranasan noon, katulad na lamang na tayo ay nakakalabas na ng ating
mga tahanan na face mask na lamang ang suot. Kung noon ay umiikot lamang ang ating isang araw sa
loob ng ating mga tahanan, ngayon ay hindi na rin tayo nililimitahan sa paglabas. Tayo rin ay unti-unting
nakakabalik na sa mga normal na nakagawian natin noong wala pang pandemya mula sa pagpasok sa
paaralan at trabaho. Kahit paunti-unti, ay nagpapasalamat ako sa Diyos na makapangyarihan sa lahat
dahil nagagawa na muli natin ang mga bagay na ating gusto. Hiling ng bawat isa sa atin ang tuloy tuloy
na pagbangon natin sa nakakatakot at nakakapanindig balahibong panaginip na ito. Pero palagi pa rin
nating tandaan ang mga bawat tuntunin at regulasyon na kailangan pa rin gawin upang maiwasan
muling mangyari ang kalunos-lunos na pandemya na ayaw na nating maulit muli.

You might also like