You are on page 1of 2

Kabanata 2:

SI CRISOSTOMO IBARRA

Scene: Nakatayo si Padre Damaso, Kapitan Heneral at mga karakter sa gitna ng entablado.
Nag uusap-usap ang mga tauhan. Magkakasama ang mga babae sa isang sulok, magkakasama
rin ang mga lalaki sa isang sulok. Biglang papasok si Kapitan Tiago.

NARRATOR: Napatigagal si Padre Damaso hindi dahil sa magagandang dalaga at kay Kapitan
Heneral, kundi sa pagpasok ni Kapitan Tiago na hawak ang kamay ng isang nakaluksang
binata.

KAPITAN TIAGO: (lalapit kay padre Damaso at hahalik sa kamay nito) Magandang gabi po sa
inyo mga ginoo. (tatanggalin ni padre Damaso ang suot na salamin at magugulat) Siya po
si Don Crisostomo Ibarra, anak ng namatay kong kaibigan. Kararating lang po niya sa Europa
at sinalubong ko po siya.

NARRATOR: Hindi naikaila ang paghanga ng mga panauhin.


Scene: Nilapitan ni Tenyente Guevarra si Ibarra at sinapat mula ulo hanggang paa.
NARRATOR: Si Ibarra ay mataas kaysa karaniwan, malusog, mukhang edukado, magiliw ang
mukha, kasiya-siyang kumilos at kayumanggi ang kulay na kabakasan ng lahing kastila.

IBARRA: (nagtataka ngunit masaya) Ah! Sila ang kura sa aking bayan. Matalik na kaibigan ng
aking ama si Padre Damaso.
Scene: Titinggin lahat kay Padre Damaso. Makikipag-shake hands si Ibarra kay Padre Damaso
pero dahil sa sinabi nito, inurong na niya ang kanyang kamay.

PADRE DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Pero, kailanman ay hindi ko naging matalik na


kaibigan ang iyong ama.
Scene: Pagkaurong ng kamay, tatalikod si Ibarra para harapin si Tenyente Guevarra sa likod
niya. Lalakad unti.

TENYENTE GUEVARRA: Kayo nga ba ang anak ni Don Rafael Ibarra?


Scene: Yuyuko si Ibarra
TENYENTE GUEVARRA: Maligayang pagdating! Sana higit kayong maging mapalad kaysa sa
inyong ama. Nakausap ko ang iyong ama at masasabi kong napakarangal niya. (lalakad palayo)
Scene: Naiwang mag isa si Ibarra. Kung kaya nilapitan niya ang mga babae sa sulok. Titingin
ang mga babae kay Ibarra ng may pagaalinlangan. Di nila bibigyan ng reaksyon si Ibarra.
Walang kikibo sa kanya.
IBARRA: Ipagpaumanhin niyo mga binibini. Pitonh taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko
ay di ko matiis na hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae.

NARRATOR: Sapagkat walang kumibo kay Ibarra, nilapitan na lamang niya ang mga lalaki.
(habang naglalakad si Ibarra)
Scene: Lalakad si Ibarra papunta sa tumpok ng mga lalaki sa kabilang dako.

IBARRA: Mga ginoo (nakangiti). May kaugalian sa Alemanya na kung walang magpapakilala sa
panauhin ay siya na mismo ang nagpapakilala sa kanyang sarili. Hayaan niyong gayahin ko ang
kanilanv kaugalin at ipakilala ang aking sarili. Juan Crisostomo Ibarra Y Magsalin po ang aking
pangalan.

CUT/ TURN-OFF LIGHTS/ CURTAINS UP

You might also like