You are on page 1of 5

Noli Me Tangere

SCENE 1

Narrator (1):

Mula nang si Maria Clara’y pumasok sa kumbento, ay iniwan na ni padre Damaso ang bayang
kinaroroonan niya upang manirahan sa Maynila. Si parde Salvi, may nasa Maynila na rin. Samantalang
naghihintay siyang maging Obispo ay manaka-nakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa
kumbento naman nito ay nanunuparan siya ng isang mahalagang tungkulin.

Narrator (2):

Di lubhang nagtagal at si padre Damaso ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial


upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Ibinabalitang malabis na dinamdam ang gayon,
kaya’t nang kinabukasan ay natagpuan ang pareng ito na patay na sa kanyang higaan.

(Padre Damaso nakahiga)

BINATA: Padre Damaso! Gising, Gising!

May nagsasabing nabangungot, ngunit ang medikong tumingin ang nagpaliwanag na biglaan ang
pagkamatay ng pare.

SCENE 2

Narrator (3):

Walang sinuman ang ngayo’y nakakikilala kay Kapitan Tiyago kung siya’y makikita. Ilang lingo
bago suutan ng abito ang pagkamongha si Maria Clara, siya’y biglang nakaramdam ng isang panlulumo
na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat, tangi rito siya’y naging lubhang malungkutin at
mapagisip.

KAPITAN TIYAGO: Isabel, Pakiligpit ang gamit ni Maria Clara at maaari ka ng magtuloy sa Malabon. Nais
ko munang mapag-isa

TIYA ISABEL: Masusunod kapitan..

Narrator (4):

Walang ginawa si Kapitan Tiyago nang mapag-isa na kundi maglaro ng baraha at magsabong
nang walang puknat at saka magsimulang humitit ng apiyan.

SCENE 3
Narrator (1):

Si Donya Victorina naman ay nagdagdag ng mga pustisong kulot sa kanyang pusod at bagong
nakahiligan niya rin ay ang pangungutsero sa kanilang karwahe.

DONYA VICTORINA: Tignan mo’ko Tiburcio, hindi ba’t napaka-ganda ko?

DON TIBURCIO: Oo mahal ko!

Narrator (2):

Si Linares na tanging tagapagtanggol ng abang duktor De Espadanya, ay maluwat ng nalibing sa


sementeryo ng Pako.

SCENE 4

Narrator: (3)

Tungkol Kay Maria Clara ay walang nakapagsabi hinggil sa kinahinatnan Ng sawimpalad na binibini.

Maria Clara:

(Papasok si Maria Clara na may hawak na lampara)

MARIA CLARA- Anong kailangan mo?!

PADRE SALVI- Maria... Kumalma ka.. sinasapian ka Ng masamang demonyo.

MARIA CLARA- Hindi! hindi dahil Ikaw Ang masamang demonyo!

PADRE SALVI- Maria, pagkatapos Ng lahat Ng sakripisyong ginawa ko, ito Ang igaganti mo?!

(Hinawakan si Maria Clara)

MARIA CLARA: Hindi bitawan Mo ako!

(CLOSE CURTAIN)

(OPEN CURTAIN)

(Maria Clara: Hinampas Ng bote si Padre SALVI-)

PADRE SALVI- Patawad Maria!


MARIA CLARA: Hindi Tayo karapat dapat sa pag-ibig. Lumayo ka sa akin kung hindi, papatayin ko Ang
aking sarili

PADRE SALVI-: Huwag Maria! Hindi kakayanin kung mawawala ka!

(Maria: Umiiyak habang tumatakbo)

(Sa Tore na si Maria)

MARIA CLARA: Ina! Ba't ako'y iyong isinilang na may kakambal na sumpa! Pinakikiusap ko sa inyo na
ako'y iyong kunin at dalhin sa inyong pinaroroonan Kasama Ang panginoong Diyos.

EL FILIBUSTERISMOkabanata 1: Sa kubyerta

Scene 5

Doña Victorina

( inis + taray+ pasosyal)

Ang bagal naman ng bapor na ito!

Hay! Ano ba naman ang mga maliliit na bangkang iyon?! Mga sagabal sadaanan! Pati ang mga Indiyo!
Dito pa sa ilog naliligo at naglalaba! (inis~!)

Mga perwisyo sa mundo!Umagang-umaga, sinisira na nila ang araw ko! Mga Pesteng Indiyo!

Donya Victorina:

Kapitan!

Kapitan! Bakit sa bahaging iyon pumupwestoang mga hangal mong tauhan?

Kapitan:

Pagkat napakababaw roon, Señora

Donya Victorina:

At bakit napakamahinahon ng takbo ng bapor na ito?! Hindi ba pwedeng bilisanang takbo ng makina?!

Kapitan:

Sapagkat sasadsad tayo sa palayan, Señora


SCENE 6

Ben Zayb:

Ang Ilog Pasig ay masyadong paliku-paliko! Dapat ituwid ito! Dapat itongituwid! Dahil dito, mabagal ang
pag-usad ng bapor!

Padre Camorra:

Tama! Dapat hanapan nila ng paraan para palalimin ang ilog Pasig! Diba? Paranaman bumilis ang usad
ng bapor at mga sasakyang pandagat!

Padre Salvi:

May Alam ka ba tungkol sa pantas ng agham, ha? Alam mo ba kung sino sila?

Pero tingnan niyo buo parin ito hanggang ngayonkahit anong dumaan lindol at bagyo, hindi parin ito
nabubuwag

Padre Camorra:

Yan din ang nais kong sabihin!

Padre Salvi:

Ngunit hindi ibig sabihin ay wala kayo sa katwiran dahil ang problema ayang lawa

Simoun:

Madali lamang yan! Dapat ito simulansa paghuhukay ng isang tuwid na kanal mula sa bunganga ng Ilog
Pasig hanggang sa labasan nito salagusan ng Maynila. Ang tuwid na kanal na ito ay magsisilbing ilog at
ang lupng nakuha dito ayitatambak sa luma. Hindi ka na nagsayang ng lupa, napaikli pa ang oras ng
paglakbay, Oh diba?napakadali?

Don Custodio:

Ipagpaumanhin ninyo, Señor Simoun, ngunit hindi ako sumang –ayon. Tila yatamasyadong magastos at
mapaminsala ang inyong panukala

Simoun:

Wag na kayong tumutol, Don Custodio, Sa ganyang paraan lamang maisasakatuparan angmahalagang
proyekto nang walang kahit anong gastos. Sa ganitong sistema rin naitayo ang mgatanyag na istruktura
sa iba’t ibang bansa. Huwag na tayong maglokohan, ang patay ay nananatiling patay at tanging
malalakas lamang ang kinikilala.
SCENE 7

"SA LIBINGAN NG MGA IBARRA"

(SIMOUN SA HARAP NG LIBINGAN)

BASILIO: May maitutulong Po ba ako sa inyo ginoo? (Namukhaan si SIMOUN) -Ginoong Ibarra?

(SIMOUN: TINUTUKAN NG BARIL SI BASILIO)

SIMOUN: Ang pagkatuklas mo sa aking lihim ay Isang malaking banta sa akin! Maari itong makasira sa
Plano ko'ng maghiganti. Ngunit.. (BINABA ANG BARIL) bubuhayin kita pagkat parehas Tayo ng
pinagdaanan. BASILIO sumanib ka sa akin...

BASILIO: Salamat Ginoo sa malaking tiwala, ngunit hindi ko Po iyan makakaya...

(SABAY ALIS NI BASILIO)

SCENE 8

You might also like