[KABANATA 1]
Sa Kubyerta
NARRATOR(1): ang kwento ay nagsimula sa paglalakabay ng bapor Tabo, ang bapor tabo ay hirap na hirap sa
pagsalunga sa agos ng paliku-likong ilog pasig, naghahatid ito ng maraming manlalakabay na patungo sa lalawigan ng
Laguna. Nahahati ito sa 2 bahagi ang ilalim at ang ibabaw , sa ibabaw nng kubyerta ay dito matatagpuan ang
mgamanlalakbay na nakasuot- Europeo, mga prayle at mga kawani ng pribadong tanggapan nanananabako habang
tumitingin sa tanawin. Ang tanging babae lamang dito ay si Doña Victorina nakahalubilo ang mga Europeo.at Makikita sa
ibaba ng kubyerta ang mga Indio, Chino at mestizo na pawisang nagsisiksikan katani ng mga baul at kalakal.
SA IBABAW NG KUBYERTA:
Kapitan(2): babor!..........estribor!
Doña Victorina(3): Bakit gumagawi sa dakong iyon ang mga hangal na timonel?
Kapitan(4): Mababaw po sa bahaging iyon, ginang.
Doña Victorina(5): Buenos días a todos ustedes! Kay bagal – bagal! Ang kupad –kupad! Usad pagong! Wala na bang
ibibilis itong bapor" Parang isang dekada natayong naglalayag sa sobrang bagal! Kaunting tulin naman ng makina
Kapitan!
Kapitan(6):.Paumanhin Donya Victorina may mga sasakyan ng mangingisda na maari nating mabangga at isa pa’y
maaring sumadsad ang bapor sa malawak na palayang iyan
NARRATOR(7): (Itinuro ng Kapitan ang gawi kung nasaan ang mga palayan)
Doña Victorina(8): haayyy… jusko! Kung wala lamang sanang indiyo sa pilipinas …sa daigdig ay marahil bibilis ang takbo
ng bapor..malas!malas! wala na talagang mabuting lawa ditto sa pilipinas
NARRATOR(9): (Padabog na tinalikdan ni Doña Victorina ang Kapitan)
Simoun(10): Napakadali lamang solusyunan ng problemang iyan, ni hindi kailangan gumasta ng salapi
NARRATOR12(Napatingin ang lahat kay Simoun dahil sa kanyang nasabi)
Simoun13: Humukay ng tuwid na kanal simula sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan na daraanan patungo Maynila.
Ang ibig kong sabihin ay magbukas ng panibagong lagusan at sarhan ang dating lagusan sa Ilog Pasig para sa paglalakbay.
Ben Zayb14: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun subalit ang inyong naisip ay nangagailangan ng napakalaking halaga
at nangangahulugan ng pagsira ng ilang kabayanan.
Simoun15: Ang pagsira ay maano?
Don Custodio16: Ngunit paano ang perang gugugulin?
Simoun17: Gamitin ang mga bilanggo sa pagtatrabaho. Huwag bayaran ang kanilang trabaho nang sa ganoon ay
makakamenos ang pamahalaan.
Don Custodio18: Ngunit hindi ito sasapat.
Simoun19: Kung ganoon ay gamitin natin pati bata’t matatanda.
NARRATOR20(Nagulat si Don Custodio sa sinabi ni Simoun)
21(Napaismid si Simoun)
Simoun22: Huwag na nating lokohin ang ating mga sarili. Alam ko namang alam ninyo na ito ang tanging paraan. Ang
mga mahihina ay mananatiling mahina at ang malalakas ay mananatiling malakas kahit lumipas pa ang panahon.
Don Custodio23:Señor Simoun, ang naisip ninyong paraan ay magbubunga lamang ng kaguluhan.
Simoun24: Kaguluhan?
25(Natawa ng kaunti si Simoun)
Simoun26: Bakit? Nag-alsa ba ang bayang Ehipto? Ang Hudyo laban kay Titus? Akala ko ba’y may nalalaman kayo sa
kasaysayan
27(Lahat ay nagulantang sa isinagot ni Simoun)
Padre Salvi28: Makailang ulit nang naganap ang paghihimagsik sa bayang ito.
Simoun29: Matagal nang nangyari iyon, isa pa Padre Salvi hindi ba’t ipinagmamalaki ninyo sa akin ang pagkakagawa ng
ospital sa Los Baños na siya namang tinutuluyan ng Kanyang Kamahalan sa
ngayon. Isa pa, naipagawa ito sa pamamagitan ng sapilitang
pagtatrabaho sa ilalim ng latigo ng isang uldog.
Padre Salvi30: Ang nangyari noon ay pwedeng mangyari ulit ngayon.
Simoun31: Hindi! Ang nasabi ko ay nasabi ko na! At Padre Salvi, pwede ba itigil
niyo ang pagsasalita ng mga kahangalan. Anong halaga ninyong mga
prayle sa bayang ito kung magkakaroon ng himagsikan?
32(Hindi na pinansin ni Simoun ang mga tumutol at nanaog sa maliit na
hagdanang papasok sa loob ng kubyerta)
(Namutla si Padre Salvi sa mga sinabi ni Simoun at hindi natinag sa
pagkakatayo si Don Custodio)
Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!
Ben Zayb: Indiyong Ingles!
(Pabulong nitong sabi)
Don Custodio: Isang Amerikano! Porket malapit siya sa Kamahalan kung
maka-asta akala mo kung sino! Walang utang na loob!
Manghuhuthot ng salapi ng mga Indiyo! Mag-aalahas ng
brilyanteng huwad!
Sa Ilalim ng Kubyerta
NARRATOR: Masikip sa ilalim ng kubyerta dahil sa dami ng mga pasahero at mga kargamento. Abala ang mga tao sa
kani-kaniyang mga gawain at hindi alintana ang ingay na dulot ng ugong ng makina. Karamihan sa mga pasahero ay
nakaupo sa mahabang bangko atmga tabureteng kahoy. Nasa gitna ang mga kargamento at kagamitang tulad ng maleta,
tampipi, at bayong. May ilang kabataan na nagsisipaglaro ng mga baraha, ang iba nama’y nag-uusap, may iba rin namang
nakahanay at nakahambala na tila mga patay dahil sa himbing ng pagkakatulog, mangangalakang Intsik na nakanganga
habang nakahiga at naglalaway at mga estudyanteng pinagtatalunan ang andar ng makina na kanilang iniaayon sa
napag-aralan sa Pisika. Sa kabila ng kasikipan sa ilalim ng kubyerta, may tatlong lalaking nag-uusap…
SA ILALIM NG KUBYERTA
Kapitan Basilio: Ano nang kalagayan ni Kapitan Tiago?
Basilio: Ayaw niyang magpagamot. Inutusan niya akong pumunta ng San
Diego para tingnan ang kanyang mga paupahang bahay. Palagay kong
sulsol iyon ni Padre Irene. Pinaalis niya lamang ako upang siya’y
malayang makahithit ng opyo.
Kapitan Basilio:Ang salot na opyo! Kasalanan ito ng mga Tsino! Mga Tsino na
walang alam na kahit isang Latin na salita. Sayang,
itinuturing pa naman itong gamot noon, kung hindi lamang
sa pagmamalabis na paggamit ng mga Tsino…
(Napa-iling na lamang si Kapitan Basilio)
Kapitan Basilio: Siya nga pala, kamusta na ang inyong mungkahing
magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila? Sa palagay ko’y
mahihirapan tayo sa isang yan.
Isagani: Huwag kayong mag-alala, matutuloy po ito. Hinihintay na lamang
namin ang permiso ng Kapitan Heneral matapos makipagkita sa
kanya si Padre Irene.
Kapitan Basilio:Tutol si Padre Sibyla kaya’t balewala rin iyan.
Isagani:Tutol nga po, kaya nga po siya’y narito upang makipag-usap din sa
Kapitan Heneral sa Los Baños.
Kapitan Basilio:Naiintindihan ko subalit kahit pa bigyan kayo ng permiso
saan naman kayo kukuha ng pondo?
Isagani:Sa ambagan po. Maging ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila.
Kapitan Basilio: Kaninong bahay ang gagamitin ninyo?
Isagani:Sa mayamang si Makaraig po. Ihahandog niya ang isa sa kanyang mga
bahay.
Kapitan Basilio:Hindi naman masama ang gusto niyong mangyari. Ang
panahon ngayon ay paurong na. Noong panahon namin,
kami’y nag-aral kahit paano ng Wikang Latin sapagkat ang
aming aklat ay nasusulat sa Wikang Latin. Nasa Wikang
Kastila ang inyong mga libro subalit hindi itinuturo sa inyo
ang wikang ito. Mas masama ang panahong ito kaysa
panahon ng ating mga magulang. Aetas parentum pejor avis
tulit nos nequiores!
(Pagkasabi noon ay umalis si Kapitan Basilio at napangisi sina Basilio at
Isagani)
Isagani:Ang mahirap sa mga matatanda puro masama ang kanilang nakikita,
ni hindi man lang nila nakita ang magandang maidudulot nito sa atin.
Gusto nila makuha kaagad ang pakinabang nito na walang kahirap-
hirap.
Basilio: Maiba ako, anong sabi ng tiyo mo tungkol kay Paulita?
Isagani: Pinagalitan niya ako sa napili kong mapapangasawa. Kako, wala
naman siyang maipipintas kay Paulita. Maganda, mayaman at mabait
kahit na siya’y isang ulila.
Basilio: Oo nga naman! Napakayaman, marangal, magiliw, at walang
kapintasan liban lamang sa isa.
(Natawa silang pareho dahil pareha sila ng naiisip)
Isagani:Ang kanyang Tiya, si Doña Victorina.
Basilio: Tama!
Isagani:Alam mo bang hiniling niya sa akin na hanapin ko ang asawa niyang si
Don Tiburcio?
Basilio:Siguradoakong nangako ka upang hindi mawala sayo si Paulita.
(Pabirong sabi ni Basilio)
Isagani:Oo na!
(Tawang sabi naman ni Isagani)
Isagani: Ang problema kasi sa amin mismo nagtatago ang kanyang asawa.
(Sabay na bumulalas ng tawa ang dalawang binata)
Isagani: Iyon ang dahilan kung bakit ayaw umakyat ni Tiyo sa itaas ng
kubyerta. Siguradong uusisain sa kanya ng Doña ang tungkol kay Don
Tiburcio.
(Nadatnan ni Simoun ang dalawang binata habang nagkukuwentuhan)
Simoun: Narito ka pala, Basilio. Magbabakasyon ka na ba?
(Napatingin kay Isagani)
Simoun: Kababayan mo ba siya?
(Tiningnan ni Simoun ulo hanggang paa si Isagani at napangisi)
Simoun:Kamusta ang probinsiya?
Basilio:Hindi niyo po ba alam?
Simoun:Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na iyon lalo’t wala namang
namimili ng alahas. Marahil ay mahihirap ang mga tao doon.
Isagani:Hindi kami bumibili ng mga bagay na hindi namin kailangan.
Simoun:Huwag kang magalit binata, wala akong masamang ibig sabihin doon.
May nakapagasabi sa akin na ang mga parokya dito ay hawak ng
isang klerigong Indiyo. At kapag hawak ito ng isang paring Indiyo,
tiyak na mahirap ang bayang ito. Ang mabuti pa siguro’y uminom na
lamang tayo ng serbesa para sa ikauunlad ng inyong lalawigan.
(Tumanggi si Isagani sapagkat siya’y hindi umiinom)
Simoun: Mabuti sa katawan ang serbesa. ‘Ika nga ni Padre Camorra,
kapansin-pansin ang kawalan ng sigla ng bayang ito dahil sa dami
ng tubig na iniinom.
(Gumuhit sa mukha ni Isagani ang pagkainis)
Isagani: Ang tubig ay nakakapatay ng apoy. Ang tubig ay maaring makapuksa
ng sangkatauhan o lumunod ng mundo kapag naging dagat.
Simoun:Napakainam na sagot! Ngunit pagtatawanan lamang ni Padre
Camorra ang inyong mga sinabi. Hindi siya naniniwala sa mga
ganyang bagay.
(Bago pa magsalita ang dalawang binata ay umalis na si Simoun na walang
paalam)
Simoun: Iinumin ko na ang aking serbesa.
***
Basilio: Bakit yata palaban ka ngayon, kaibigan?
Isagani:Hindi ko alam kung bakit, pero nakakatakot ang lalaking iyon.
Basilio: Hindi mo ba alam, siya ang tinatawag na Kardinal Moreno? Siya yung
tao na minumura kapag nakatalikod at pinupuri kung nakaharap.
Isagani:Dumadalaw ba siya kay Kapitan Tiago?
Basilio:Mula pa nang siya’y dumating.
(Lumapit ang katulong para sabihing hinahanap si Isagani ng kanyang Tiyong si
Padre Florentino)
***
(Nakita ng Kapitan si Padre Floretino at inanyayahan sa kubyerta)
Kapitan Basilio: Baka isipin ng mga prayle na ayaw ninyo silang
makahalubilo.
Padre Florentino: Ganoon ba? O, siya sige susunod ako sa inyo Kapitan sa
makailang sandali.
Kapitan Basilio: Aasahan kita Padre.
(Nang umalis si Kapitan Basilio ay agad niyang ipinatawag si Isaganisa
katulong)
Padre Florentino: Donselya.
Donselya: Po Padre?
Padre Florentino: Tawagin mo ang aking pamangking si Isagani. Magmadali
ka.
Donselya: Opo. Masusunod po.
***
Isagani: Ipinatawag niyo raw po ako Tiyo Padre?
Padre Florentino:Mabuti at narito ka na. Napilitan akong pumayag sa
kahilingan ng kapitan na pumanik ng kubyerta. Kaya ikaw,
iwasan mong makipagkita sa kapitan upang hindi ka
maanyayahan sa kubyerta.
Isagani: Opo, Tiyo Padre.
Padre Florentino:O, siya sige at aalis na ako baka akalain ng iba na inaabuso
natin ang kagandahang loob ng kapitan.
(Napangiti at napailing na lamang si Isagani)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 3]
Mga Alamat
NARRATOR: Wala na ang init ng pagtatalo nang umakyat si Padre Florentino
sa kubyerta. Sa halip ay nagkakasiyahan na ang umpukan ng
mga pari’t mahahalagang tao sa lipunan. Habang
pinagmamasdan nila ang ang magandang kapaligiran ay
nagkukuwetuhan sila na may kasamang tawanan at biruan.
Kanilang pinag-usapan ang Alamat ng Malapad na Bato
hanggang sila’y makapasok na sa lawa.
SA ITAAS NG KUBYERTA:
Ben Zayb: Oo nga pala, Kapitan. Alam mo ba kung saang dako ng lawa
napatay ang isang nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra?
(Lahat ay napatingin kay Ben Zayb, maliban kay Simoun na sa malayo ang
tingin)
Doña Victorina: Siya nga! Saan nga ba dito Kapitan? May naiwan kayang
bakas dito sa tubig?
Kapitan: Tumingin kayo sa dakong roon…
(Itinuro ni Kapitan ang isang dako sa lawa)
Kapitan: Ayon sa kwento, labintatlong taon na ang nakakalipas,tinutugis noon
ng mga kawal si Ibarra nang siya’y tumalon sa lawang ito at
pagbabarilin hanggang sa siya’y maglaho sa kanilang paningin at sa
dakon iyon sa may pampang, ang tubig ay nagkulay-dugo.
Ben Zayb: Kung ganoon ang kanyang bangkay ay…?
Padre Sibyla: Nakasama na ng kanyang ama sa lawang ito…
Padre Salvi: Hindi ba’t isang pilibustero ang kanyang ama?
Ben Zayb: Pinakamurang libing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Camorra: Ang isang pilibustero kalianma’y hindi magkakaroon ng
marangyang libing..
(Nakatawang tugon ni Padre Camorra)
Ben Zayb: Ayos lang po ba kayo, Ginoong Simoun?
KABANATA 4]
Kabesang Tales
NARRATOR: Si Selo ay isang mangangahoy, maputing-maputi ang kanyang
buhok ngunit malusog pa rin ang pangangatawan. Bagama’t ang
kanyang hanapbuhay ay ang paggawa ng walis, masasabing
maginhawa ang kanyang buhay. Anak niya si Telesforo na ang
palayaw ay Tales. Nagkakaingin sila sa dulong bayan sa isang
lupaing walang nagmamay-ari at sa panahong iyon ay nagkasakit
ang buong pamilya ng malaria hanggang sa namatay ang asawa
at panganay na anak na si Lucia. Sa panahon ng pag-aani, may
isang korporasyon na pag-aari ng mga pari ang umangkin ng
lupain at pilit silang pinagbabayad ng buwis sa halagang
tatlumpong piso.
TAHANAN NI KABESANG TALES:
Kabesang Tales:Mayroon akong magandang ibabalita sa inyo mga anak.
Juli: Ano po iyon ama?
Kabesang Tales:Dahil sa masagana ang ating ani at naipagbili ko ito sa
mataas na halaga napagdesisyonan namin ng inyong Ingkong
Selo na papag-aralin kayong magkakapatid.
Juli: Talaga po ama?!
Tano: Mabuting balita iyan ama!
Juli: Naaalala niyo po ba si Basilio? Naroon po siya ngayon sa Maynila at nag-
aaral. Balita ko’y napakagaling niya sa klase.
(Buong tuwang sabi ni Juli)
Tandang Selo: Sa isang taon ay magtutungo ka na ng Maynila. Makakapag-
aral ka na rin tulad ng ibang mga dalaga sa bayan.
Juli: Opo ingkong, masayang-masaya po ako sa ibinalita ni ama, hindi na po
ako makapaghintay.
(Kinuha ni Juli ang kamay ni Tandang Selo at paikot na sumayaw)
Juli: Makikita ko nang muli si Basilio.
(Sunod niya namang kinuha ang kamay ni Tano at muling sumayaw saka niya
ito hinila papalayo sa sala)
Tano: Sandali lang, madadapa naman ako sa ginawa mong iyan Juli.
***
(Naputol ang pag-uusap ng mag-ama dahil sa katok na kanilang narinig sa
pintuan)
(Ang pinto’y binuksan ni Tandang Selo)
Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nariyan ka. Ang anak mong si Tales,
nariyan ba?
Tandang Selo: Oho, eh narito po siya. Ano po bang kailangan ninyo sa kanya?
Padre Camorra: Hindi mo ba muna kami papapasukin?
Tandang Selo: Ah, ipagpaumanhin niyo po padre, tuloy po kayo.
Padre Camorra: Narito ako upang singlin siya ng buwis.
Kabesang Tales: Buwis? Eh kakabayad ko lang ho ng noong isang buwan ah?
Padre Camorra: Noong isang buwan pa yun! Kailangan mong magbayad ulit
ng buwis para sa buwang ito. Ang buwis ay dalawang daang
piso.
Kabesang Tales: Dalawang daang piso?! Aba’y sumusobra naman ho ata kayo
padre. Saan ho kami makakakuha ng ganyang kalaking
pera?
(Sumilip sina Tano at Juli mula sa pintuan ng azotea)
Padre Camorra: Magdahan-dahan ka sa iyong pananalita Tales, isa pa hindi
ko na problema yun. Kapag hindi niyo nabayaran ang buwis
sa tamang oras ay palalayasin namin kayo at ipapasaka
namin sa iba ang lupaing ito.
Kabesang Tales: Magagawa niyo ang lahat dahil ako’y mangmang at walang
sapat na lakas para lumaban…
Tandang Selo: Anak, tama na yan…
(Pag-aawat pa ni Tandang Selo sa anak)
Kabesang Tales: Hindi ama, dapat nilang malaman na ang lupaing ito ay
pinaghirapan natin. At hindi ko maibibigay ang lupaing ito sa
sinumang hindi kayang higitan ang aming nagawa. Diligan
niyo muna ng dugo’t pawis ang lupaing ito, saka ko lamang
ito isusuko sa inyo.
Padre Camorra:Eso es absurdo! Kung ayaw mong magbayad, mabuti pa gawin
na lamang nating Guwardiya Civil ang iyong anak na lalaki.
Dakpin siya!
(Turong sabi ni Padre Camorra kay Tano)
Kabesang Tales: Huwag! Huwag ang aking anak!
(Akmangtutulong siTales nang pigilan siya ng mga guwardiya sibil
Tano: Ama!
Juli: Bitiwan niyo siya!
Tandang Selo: Bitiwan niyo ang aking apo!
Guwardiya Civil: Huwag kang makialam dito tanda!
(Natumba si Tandang Selo)
Juli: Ingkong!
Tano: Ingkong! Bitiwan niyo ako! Anong ginawa niyo kay ingkong?!
Guwardiya Civil: Tumahimik ka!
(Sinikmuraan si Tano ng isang guwardiya sibil at ito’y nawalan ng malay)
Kabesang Tales: Ama!
Tandang Selo: Si Tano…aking apo…
(Nang subukang tanawin ni Kabesang Tales ang kanyang anak, ito’y wala na)
***
NARRATOR: Hindi ipinagbayad ni Kabesang Tales ng anumang halaga ang
anak upang hindi kunin ng hukbo at sa halip ay pinabayaang
umalis. Maraming tao ang hindi makapaniwala sa pangyayaring
ito. At sa kabila ng ibinabang utos ng Kapitan Heneral na
samsamin ang lahat ng mga baril ay patuloy pa rin sa
pagbabantay si Kabesang Tales ng kanyang mga pananim gamit
ang gulok at palakol. Nakarating kay Juli ang balita na nakuha
ng mga tulisan ang kanyang ama. Matutubos lamang ni Juli ang
kanyang ama kapag siya ay nakapagbayad ng limang daang
piso.Upang makabayad, pumayag si Juli na ibenta ang kanyang
mga alahas maliban sa isang agnos na may brilyante at
esmeralda na bigay sa kanya ng kasintahang si Basilio. Dahil s
kakulangan sa pera, hindi na siya nag-atubiling manghiram ng
pera kapalit ng paninilbihan kay Hermana Penchang.
Tandang Selo: Apo, huwag kang umalis.
Juli: Pero ingkong, kailangan ko ‘tong gawin. Sana po’y maintindihan ninyo.
Patawad.
Tandang Selo: Oh apo…
(Napayakap na lamang si Tandang Selo sa kanyang apo
[KABANATA 5]
Noche Buena Ng Isang Kutsero
NARRATOR: Bisperas ng kapaskuhan at kasalukuyang inililibot ang prusisyon
ng Noche Buena sa mga lansangan nang dumating ng San Diego
si Basilio sakay ng isang karomata. Naantala ang paglalakbay
nila ng ilang oras dahil hinarang sila ng mga guwardiya sibil.
LANSANGAN NG SAN DIEGO:
Guwardiya Civil: Alto!
(Napatigil ang karomatang sinasakyan ni Basilio)
Kutsero: Magandang gabi po sa inyo.
Guwardiya Civil: Baba diyan!
(Hinablot ng guwardiya sibil ang kutsero para pababain ng karomata)
Guwardiya Sibil: Bakit walang ilaw ang karomata mo?
Kutsero: Ah… eh…
(Napakamot sa ulo ang kutsero)
Guwardiya Civil: Sagutin mo ko!
(Binatukan ang kutsero)
Guwardiya Civil: Alam mo bang bawal yun? Nasaan sedula mo?
Kutsero: Wala po akong sedula.
Guwardiya Civil: Talaga namang!
Kutsero: Parang awa niyo na po mga ginoo, hayaan niyo po akong ihatid ang
aking sakay.
(Inupakan ng mga guwardiya sibil ang kutsero, saka dinala sa kanilang
komandante)
***
SA HARAP NG BAHAY NI KAPITAN BASILIO:
(Narinig ni Basilio ang ingay ng mga nagkakasiyahan sa tahanan ni Kapitan
Basilio)
Kapitan Basilio: Makakaasa kayong pupunta kami ng Tiani para tingnan ang
inyong mga alahas Ginoong Simoun.
Simoun: Aasahan ko kayo Kapitan Basilio.
(Saka naghalakhakan ang mga ginoo)
Basilio: Kakaibang tao talaga si Ginoong Simoun, wala siyang pinipiling
panahon, kahit pasko. Nakapagnenegosyo siya kahit saan..
TAHANAN NI KAPITAN TIAGO:
Mayordoma: Ah! Dumating ka na pala Basilio! Halika at ng matulungan kita
sa iyong mga dala.
Basilio: Nakapaghanda ka ba ng makakain?
Mayordoma: Ah, siyempre naman. Nakahanda na ang hapunan mo sa hapag.
Basilio: Anong nang balita habang wala ako?
Mayordoma: Ah eh… dalawa sa ating mga katulong sa bukid ay nakulong at
ang isa’y naipatapon sa isang malayong bayan. May ilan ding
namatay na kalabaw…
Basilio: Wala ka na bang ibang ibabalita sa akin kundi puro ganyan?
Mayordoma: Ang isa po nating katiwala ay namatay, yaong tagabantay ng
kaingin. Hindi ho siya mabigyan ng disenteng libing dahil siya’y
isang hamak na mahirap lamang.
Basilio: Ano ang kanyang ikinamatay?
Mayordoma: Namatay ho siya dahil sa katandaan.
Basilio: Wala na ba kayong ibabalita sa akin? Nakakawalang gana ang inyong
mga balita. Ano nang nangyari sa Sagpang?
Mayordoma: Naalala ko na! Alam niyo bang si Kabesang Tales ay ilang linggo
nang nawawala at napabalita sa bayan na hawak raw siya ng
mga tulisan. Kawawang Juli, para lamang matubos ang kanyang
ama, siya’y naninilbihan kay Hermana Penchang.
(Tumayo si Basilio at hindi na tinapos ang pagkain)
Mayordoma: Oh, saan ka pupunta Basilio? Akala ko ba’y kakain ka?
Basilio: Nawalan na ako ng gana
[KABANATA 6 at 7]
Si Basilio at Simoun
NARRATOR: Habang ang lahat ay nagsisipaghanda para magsimba, si Basilio
ay naglalakad sa kalye at makailang ulit na tiniyak na walang
sumusunod sa kanya, hanggang siya ay makarating sa isang
matandang gubat na dating pagmamay-ari ng mga Ibarra subalit
simula ng mapabalitang patay na ito ay kinumpiska ng
pamahalaan at naipagbili kay Kapitan Tiago.
(Umupo si Basilio sa isang malaking bato sa harap ng batis)
Basilio: Kamusta na kayo ina? Maligayang pasko po sa inyo. Naaalala ko pa po
ang mga araw na magkasama pa tayo nina Crispin. Ni minsan hindi ko
po kayo kinalimutan…
(Napatigil si Basilio sa pagmumuni-muni ng may napansin siyang liwanag na
nagmumula sa di kalayuan)
Basilio: Sinong nandyan?
(Nilapitan ni Basilio kung saan nagmumula ang ilaw at doon niya nakita si
Simoun)
SA LOOB NG MATANDANG GUBAT:
Basilio: Anong ibig sabihin nito? Nagpapanggap si Ginoong Ibarra bilang si
Simoun? Pero bakit? Papaano? Tandang-tanda ko pa noon, dalawa
silang lalaki….ang isa ay ang bangkay na sinunog na may dalawang
tama ng baril at ang isa naman ay siyang tumulong sa akin na ilibing
si ina. Kung ganoon sino si Ibarra sa kanilang dalawa? At sino ang
mag-aalahas na si Simoun?
(Natapakan ni Basilio ang isang tuyong sanga at gumawa ito ng ingay na
narinig ni Simoun)
Simoun: Sinong nariyan? Sumagot ka!
(Naglakas loob si Basilio na magpakita kay Simoun)
Basilio: Maari ko po ba kayong tulungan, Ginoo?
Simoun: Ikaw?!
Basilio: Labintatlong taon na ang nakakaraan ng tulungan ninyo akong
maglibing sa bangkay ng aking ina at sunugin ang bangkay ng isang
lalaki. Hayaan niyo namang makapagpasalamat ako sa inyong ginawa.
(Binunot ni Simoun ang kanyang baril at tinutukan si Basilio)
Simoun:Bakit? Sino ba ako sa palagay mo?
Basilio: Isa kang dakila. Marami ang nag-aakalang patay ka na, maski ako’y
nalungkot sa balita, pero heto ka ngayon nasa aking harapan.
Simoun: Ngayong alam mo na ang aking lihim, magiging sagabal ka lang sa
aking mga plano. Hinding-hindi ako makakapayag na sirain mo ang
aking mga plano. Kaya kitang patayin ngayon at wala ni isang may
makakaalam. Iisipin nilang mga tulisan ang may gawa noon sa iyo.
Pero hahayaan pa rin kitang mabuhay, alam kong naghirap ka rin
tulad ko at alam kong may utang ka ring dapat singilin.Magkatulad
tayo, pareho ang ating ninanais. Bakit hindi tayo magtulungan.
Basilio: Ngunit Ginoong Simoun…
Simoun:Ang hirap kasi sa inyong mga kabataan, wala kayong ginawa kundi
purihin ang mga Kastila. Masyado kayong mapangarapin. Akala niyo
ba makukuha niyo ang pantay na pagtrato na inyong inaasam?
Basilio:Gusto lang naman naming magkaisa tayong lahat
Simoun: Isang kahangalan! Kay dali ninyong malinlang ng matatamis nilang
pangako. Kailanma’y hindi magiging pambansang wika ang wikang
Kastila.Habang angkin ng bayan ang sarili nitong wika ay may sarili
itong pag-iisip. Basilio, kailangan ko ng tulong mo. Gamitin mo ang
iyong talino’t lakas upang maituwid ang naglilihis nilang landas.
Basilio: Salamat sa inyong pagtitiwala Ginoong Simoun. Ngunit ang nais ko
lamang po ay maging isang doktor.
Simoun: Kinalimutan mo na ba ang nangyari sa iyong ina’t kapatid?
Basilio:Hindi! Ni minsan hindi ko sila kinalimutan. Ngunit wala akong
magagawa, wala akong pera, wala akong pangalan.
Simoun: Tutulungan kita.
Basilio: Bakit, may mangyayari ba sakaling maghiganti ako sa kanila?
Mabubuhay pa ba sila? Maraming tao lamang ang madadamay!
Simoun:Isipin mo, kapag natuloy ang plano mabibigyan mo na ng katarungan
ang pagkamatay ng iyong mga mahal sa buhay.
Basilio: Pero, ang gusto ko lamang ay magkaroon ng tahimik na buhay. Hindi
ba pwedeng ipaubaya na lamang natin sa nakakataas ang suliraning
ito?
Simoun:Ang pagpapaubaya ay isang karuwagan! Walang maaalipin kung
walang magpapaalipin. Bakit sa tingin mo, kapag nagkaroon ka na ng
sariling pamilya at tahimik na buhay, masasabi mo ba na tuluyan ka
nang malaya?
Basilio:….
Simoun: Nasa sa iyo ang desisyon kung anong gagawin mo sa lihim ko. Ngunit
kapag nagbago ang isip mo laging bukas ang tahanan ko para sayo.
Basilio: Marami pong salamat sa inyong paunlak Ginoong Simoun, mauna na
po ako sa inyo.
(Pagkatapos magpaalam ni Basilio ay nagsimula na itong maglakad papalayo)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 8]
Masayang Pasko
Hermana Penchang: Juli pwede ka ng magsimula bukas.
Juli: Pero pasko po bukas.
Hermana Penchang: Kung ganoon, ibalik mo na lamang ang perang
pinahiram ko sayo.
(Nalungkot ito)
Juli: Sige po, pupunta po ako ulit dito bukas.
ARAW NG PASKO
Juli: Lo, aalis na po ako. Maaligayang pasko lo. (Nagmano ito bago umalis ng
kanilang tahanan)
(Nalungkot si tata selo at di nagtagal ay napipi)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 9]
Si Pilato
NARRATOR: Nagkaroon ng munting salu-salo sa tahanan nila Kabesang Tales
bilang paggunita ng pasko. Piling tao lamang ang mga dumalo at
kadalasan sila ay mga kaibigan o di naman kaya’y kamag-anak.
Dahil sa sobrang pag-aalala ni Tandang Selo sa kalagayan ni Juli
at sa labis na lungkot ay bigla na lamang itongnapipi. Agad na
naipamalita sa buong kabayanan ang nangyari, ang iba ay
nahabag at ang iba nama’y nagkibit-balikat na lamang.
Nakarating sa kaalaman ni Hermana Penchang ang pangayayari
at sa halip na hayaang maka-alis si Juli, upang makita ang
kanyang Inkong na may dinaramdam,ito’y pinaglinis niya pa ng
bahay at sinermonan dahil sa hindi ito marunong magdasal.
TAHANAN NI HERMANA PENCHANG :
(Lumapit ang katulong kay Hermana Penchang at ibinulong ang nangyari kay
Tandang Selo)
Hermana Penchang: Talaga!?
(Pinagmasdan si Juli habang ito’y naglalampaso ng sahig)
Hermana Penchang: Makakaalis ka na.
***
Hermana Penchang: Alam mo na ba ang nangyari sa Lolo mo?
Juli: Po? Bakit, ano po bang nangyari kay Ingkong? May nangyari po ba sa
kanyang masama
(Tiningnan ni Hermana Penchang si Juli taas-baba at nagtaas ng noo sabay
sabing..)
Hermana Penchang: Hmpt, alam mo Juli madalas pinararanas talaga sa atin
ng Diyos ang mga ganoong bagay para malaman natin na
tayo’y makasalanan.
Juli: Ano po bang ibig niyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan.
Hermana Penchang: Akalain mong isang dalagang malapit nang ikasal ay
hindi pa marunog magdasal! Napakalaking kasalanan at
kahihiyan iyon, hindi ba Juli?
Juli: O-opo.
Hermana Penchang: Mabuti naman at naintindihan mo na kung ano ang ibig
kong sabihin. Heto, basahin mo nang matuto kang
magdasal. Pero bago yan siguraduhin mo munang
malinis ang lahat dito sa bahay. Hindi ka makakaalis sa
pamamahay na ito hangga’t hindi mo natatapos ang
iyong mga gawain at ang pagbasa sa aklat na iyan.
NARRATOR: Nalaman ni Hermana Penchang ang pagluwas ni Basilio ng
Maynila upang tubusin si Juli sa pagpapaalila gamit ang naipon
nitong pera. Para sa kanya maihahalintulad niya si Basilio sa
isang demonyong nagbabalatkayo bilang isang mag-aaral. Sa
pag-asang maililigtas pa niya si Juli sa kamay nito, ipinabasa
niya kay Juli ang aklat na may pamagat na Tandang Basyong
Makunat. Sa kabilang banda, nagdiriwang naman ang mga prayle
sa pagkapanalo hingil sa pinag-aawayang lupain ni Kabesang
Tales.
***
TAHANAN NI KABESANG TALES:
(Naglakad patungo sa kanilang bahay si Kabesng Tales na nakayuko at
malungkot)
Kabesang Tales: Ama! Patawarin ninyo ako ama, natalo tayo sa kaso.
Tandang Selo: *Tinapik si Kabesang Tales at nagpakita ng kilos na
nagsasabing*“ayos lang ang lahat at hindi pa huli ang lahat”.
(Napaupo sila sa mahabang bangko nang bilang dumating si Simoun)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 10]
Kayamanan at Kagustuhan
NARRATOR: Nakituloy ang mag-aalahas na si Simoun sa bahay nina
Kabesang Tales nang isang araw at isang gabi dahil iyon ang
pinakamalaking bahay na nasa pagitan ng San Diego at Tiani
kung saan magmumula ang mamimili ng mga alahas. Marami
ang nagtaka sa ginawang ito ni Simoun ngunit hindi nawala ang
magandang kaugalian nang pagpapatuloy sa isang dayuhang
panauhin
TAHANAN NI KABESANG TALES:
Sinang: Maligayang paskopo Hermana Penchang.
Hermana Penchang: Aba’y maligayang pasko din sa iyo Sinang. Naparito ka
rin ba para mamili ng mga alahas?
Sinang: Opo, kasama ko nga po si ama at ina.
Hermana Penchang: Ganoon ba?
(Nakita si Kapitana Tika at agad itong binati ni Hermana Penchang)
Hermana Penchang: Kapitana Tika!
Kapitana Tika: Magandang araw sa iyo, Hermana Penchang. Oh, anong
balita?
Hermana Penchang: Buti at naitanong mo iyan. Diyos ko, si Juli? Lumaki ng
hindi alam kung paano basahin ng apatnapung ulit ang
pulyeto. Ang masaklap pa, ni isa doon ay wala siyang
matandaan.
(Inilabas ni Simoun ang mga kahon ng alahas at nagsimula na magtinda)
Simoun: Alam kong hanap niyo’y mga brilyante, sa katunayan marami akong
itinitindang antigong mga alahas
Sinang: Oo nga po, mga brilyante lalo na yung matatandang brilyante. Mga
antigo kasi ang hilig ni ama.
Simoun: Mayroon akong kwintas ni Cleopatra,
ALL: Ohhhh~
Simoun: Singsing ng senador at kabalyerong Romano, at hikaw ng mga dalaga
ng Roma.
ALL: Ahhhh~
Simoun: Narito ang mga antigong alahas
(Binuksan ang isa pang kahon)
Simoun: Singsing ng isang prinsesa ng Lambelle at hikaw ng dating dama ni
Maria Antoineta.
Sinang: Ang dalawang hikaw na iyon!
(Binuksan pa ulit ni Simoun ang pangatlong kahon)
Simoun: Narito naman ang mga relo, pitaka, relikaryo at lalagyan ng posporo.
(Sunod niyang binuksan ang panghuling kahon)
Simoun: At narito ang iba’t ibang uri ng mga bato. Brilyante na may iba’t ibang
hugis at laki, esmeralda galing Peru, rubi galing India, perlas na
galing sa silangan, sapiro na nagmula pa sa Ceylon at turkesang
galing pa ng Persya. Pagmasdan niyo ang dalawang brilyanteng itim,
itinuturing ito na pinakamalaki sa buong daigdig.
Sinang: Magkano niyo naman ipagbibili iyan G. Simoun?
Simoun: Hindi bababa sa tatlumpung libong piso.
Sinang: Huh? Ang mahal naman…
(Kinurot si Sinang ng kanyang ina)
Kapitana Tika: Hangal! Siyempre mahal yan!
Simoun: Meron pa namang iba, marami pa kayong mapagpipilian. Subukan
niyong tingnan.
(Habang ang lahat ay namimili kinausap ni Simoun si Kabesang Tales)
Simoun: Wala ba kayong nais ipagbili sa akin?
Sinang: Ang laket po ni Maria Clara?
Kabesang Tales: Siya nga ano? Bakit hindi ko agad iyon naisip!
(Agad hinalughog ni Kabesang Tales ang gamit ng anak sa kanyang kwarto
Sinang: Isa iyong relikaryong may brilyante at esmeralda, alahas iyon ng aking
kaibigang mongha.
Kabesang Tales: Heto, nakita ko na.
(Agad ibinigay ni Kabesang Tales kay Simoun ang alahas. Agad sinuri ni
Simoun)
Simoun: Nagustuhan ko ito. Magkano mo ito ipagbibili sa akin?
Kabesang Tales: Ah… ehhh…*nagkamot ng ulo*
Simoun: Maipagbibili niyo ba ito sa akin sa halagang … limang daang piso?
Kabesang Tales: Limang daang piso… limang daang piso… limang daang
piso….
Hermana Penchang: Kung ako sayo’y iingatan ko yan katulad ng isang banal
na alaala. Balita ko nangangayat na raw ang dating may-
ari niyang si Maria Clara sa kumbento at marami ang
naniniwala na mamamatay siyang isang santa.
Kabesang Tales: Pwede bang pag-isipan ko muna? Nais ko munang kunin ang
pahintulot ng aking anak. Babalik ako mamayang gabi.
Simoun: Sige, kung yon ang iyong nais.
***
NARRATOR:Nabigo si Simoun sa paghihintay kay Kabesang Tales sapagkat
hindi ito umuwi. Kinabukasan ay natagpuan niyang bukas ang
lalagyan ng kanyang rebolber at nawawala ito sa halip ang nakita
niya ay ang relikaryo ni Maria Clara na may kalakip na sulat.
Kabesang Tales: (*Dubbed*)
Patawarin ninyo ako at nagawa ko kayong pagnakawan sa loob
ng aking pamamahay. Ipagpapalit ko ang relikaryo sa inyong
rebolber. Kailangan ko ng sandata sapagkat ako’y mamumundok
at sasama na sa mga tulisan. Ipinapayo kong mag-iba kayo ng
landas upang hindi kayo mahulog sa aming mga kamay.
Telesforo Juan de Dios
Simoun: Natagpuan ko na ang aking hinahanap! Mapangahas ngunit lalong
mabuti. Marunong siyang tumupad sa kanyang pangako.
Hahahahahaha! (*evil laugh*)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 11]
Los Banos
NARRATOR: Mangangaso dapat ang Kapitan Heneral pero dahil sa natakot
siyang mapahiya pag wala siyang napaslang ay mas ginusto niyang umuwi na
lang at bumalik sa Los Banos.
Kapitan Heneral: Mabuti pa ang mga pangasuhan sa Espanya ay
napakaganda! Samantalang ang nandito sa Pilipinas ay pawang walang
kwenta!
SA BAHAY NG KAPITAN HENERAL
(Naglalaro ng baraha sina Padre Sibyla, Camorra , Irene at Kapitan Heneral)
Kapitan Heneral: Talagang napakabait ng tadhana! Napakaswerte ko naman!
Haha
(Nagkatingin sina Padre Sibyla dahil pinagbibigyan nila lamang ang kapitan
heneral)
(Sa salas ay nandoon sina Don Custodio, Padre Fernandez at isang kawani na
nagkukwentuhan)
(Nagbibilyar naman sina si simoun at ben zayb habang humahakhak)
Padre Camorra: Aba! Akala niyo ata namumulot ako ng pera! Nagagalit na ang
mga Indio sa pagbabayad ng buwis. *Umalis*
Kapitan Heneral: Simoun, halika’t sumali ka saamin.
Simoun: Mga ginoo, gawin nating mas mainam ang larong ito. Kapalit ng aking
mga hiyas. Ang mga pangako niyo sa pagkakagawang gawa, pananalangin at
kabaitan. Ikaw padre sibyla ay limang araw kakalimutan ang pagkakawang
gawa, karalitaan at pagkamasunurin. Ikaw naman padre Irene ay lilibutin ang
kalinisan ng ng ugali, ang pagkamaunawain, at iba pa. At sa inyo ho kapitan
ay ang pag uutos ng pagbabaril sa isang bihag habang pinaghahatid-hatiran.
Padre Irene: Ngunit Ginoong Simoun, ano ang mapapala ninyo sa mga panalo
ng kabaitan sa bunganga, at mga buhay ng tao, ang pagpapatapon at ang mga
pagpatay?
Simoun: Ah! Marami! Ako’y sawa na sa karirinig ng mga kabutihan at hangad
ko’y matapoon lahat ng nakakalat sa daigdig, mailalagay sa isang sako upang
itapon sa dagat kahit nagging pabigat ang aking mga brilyante. Lipulin ang
masama at linisan ang bayan!
Padre Irene: Ah, ika’y may galit sa poot sa mga tulisan di po ba?
Simoun: Wala sa mga tulisan sa bundok ang masama kundi nasa tulisan sa
loob ng bayan at mga lungsod.
Padre Sibyla: Hindi ba’t may nagpapanukala nag awing paaralan ang mga
sabungan? Pero merong tumututol dahil nagbabayad daw ng apatnaraan at
limmampung libong piso ang nagpapasabog ng walang kahirap hirap.
Kapitan Heneral: Isasara ang mga paaralan parapasugalan? Magbibitiw na
muna ako! May binabalak ako ukol diyan
Padre Sibyla: Iyon ay isang tahimik na pag-aalsa. Tsk.
Simoun: Kahina-hinalang kahilingan.
Kawani: Babanggitin niya ang tungkol kay hulo at sa kanyang ingkong.
Padre Camorra: Sinasabi ko nan gang mayroon akong bagay na dapat sabihin
sa Heneral kaya narito ako upang katigan ang pakiusap ng batang iyon.
Kapitan Heneral: Palayain ang matanda. Hindi nila masasabing hindi ako
marunong maawa.
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 12 at 13]
Si Placido Penitente at Ang Klase sa Pisika
NARRATOR: May isang mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na
nagngangalang Placido Penitente, likas siyang matalino at
itinuturing na pinakamahusay na mag-aaral ni Padre Valerio ng
Tanauan ngunit gusto na niyang huminto sa pag-aaral. Ang ibig
niya ay umuwi na lamang ng lalawigan at magsaka o
maghanapbuhay ng kahit ano. Isang araw si Placido Penitente ay
naglalakad sa Daang Escolta patungong Unibersidad ng Santo
Tomas, nasa bukana na ng Puerto si Placido ng may tumapik sa
kanyang lalaki, ito’y walang iba kundi si Juanito Pelaez. Si
Juanito Pelaez ay anak ng isang mestizo. Kahit na siya’y may
pagkakuba, siya’y mapaglaro at bolero kaya’t paborito siya ng
mga guro sa kabila ng pagiging bulastog at manloloko sa mga
kamag-aral na madalas pagmulan ng gulo.
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS:
Juanito: Oh, kamusta Penitente? Anong nangyari sa bakasyon mo?
Placido: Wala gaanong nangyari, at ikaw?
Juanito: Alam mo bang nagbakasyon kami sa Tiani? Inanyayahan kami ni
Padre Camorra. Hindi ko alam napakaliberal niya palang klase ng
pari. Mahilig siya sa mga kasiyahan katunayan nga niyan pulos
panghaharana ang aming ginawa.
(Lumapit ng kaunti kay Placido at pagkuwa’y bumulong ito)
Juanito: Hinarana din namin ang nobya ni Basilio.
(Pagkatapos ay natawa)
Juanito: Pero nagtataka lang ako, bakit nagustuhan ni Basilio ang ganoong
klase ng babae? Hindi siya marunong pumili ng babae. Aaminin ko
maganda at mahinhin ang kasintahan ni Basilio, eh ano naman
ngayon? Wala din dahil mang-mang at alila lang ito.
(Galit na tiningnan ni Placido and kuba)
Juanito: Ano nga palang leksiyon kahapon?
Placido: Walang pasok kahapon.
Juanito: Magaling kung ganoon! Eh, noong makalawa?
Placido: Pista opisyal ng paaralan.
Juanito: Eh, noong Miyerkules?
Placido: Umulan.
Juanito: Noong Martes?
Placido: Kaarawan ng isang guro, kaya’t binati namin siya at nag-alay kami ng
bulaklak at kanta.
Juanito: Hinanap niya ba ako?
Placido: Hindi ko alam.
(Sabay talikod sa kuba upang hindi na ito pansinin)
Juanito: Ano naman nangyari noong Lunes?
Placido: Unang araw ng klase.
(Umupo si Placido at binuklat ang aklat)
Placido: Pasensya na Pelaez, pero pwede bang iwan mo muna ako? May
kakabisaduhin pa akong aralin.
(Tinapik ni Juanito ang aklat kaya ito’y tumilapon)
Juanito: Hayaan mo na ang mga leksiyon. Mabuti pa magsaya na lang tayo!
(Galit na pinulot ni Placido ang aklat)
Juanito: Maglakwatsa na tayo!
Placido: Ayaw ko.
Juanito: Sige kung ayaw mong sumamang maglakwatsa, magbigay ka na lang
ng ambag para sa ipapatayong monumento.
Placido:Huh?... Magkano ba?
Juanito: Dalawang piso… Ah, hindi gawin mo nang apat na piso para isipin ng
mga prayle na galante tayo. Ibabalik ko rin naman sayo ang dalawang
piso eh.
Placido: Huh? Bakit hinihingi mo pa kung ibabalik mo rin naman?
Juanito: Oo nga ano?
(Napatawa na lang at napakamot sa ulo si Juanito sa katangahang naisip)
Juanito: Napakatanga ko talaga!
*DING DONG DING*
Juanito: Naku! Mahuhuli na tayo sa klase.
***
Kamag-aral: Penitente! Sandali lang! Penitente!
(Huminto sa paglalakad si Placido at hinanap kung saan nagmumula ang
pagtawag sa kanyang pangalan)
Kamag-aral: Lagdaan mo ito, Penitente.
Placido: Pero hindi ako basta-basta lumalagda sa mga bagay na hindi ko
nauunawaan.
Kamag-aral: Anong problema doon? Eh, ang dalawang carabineros celestiales
nga eh lumagda na.
(Narinig ni Placido ang pagdarasal ng kanyang mga kamag-aral)
Placido: Mamaya na lang, babasahin ko muna.
Kamag-aral: Napakahaba nito para maintindihan mo. Petisyon ito laban sa
hinihinging permiso ni Makaraig sa pagpapatayo ng Akademya
ng Wikang Kastila.
Placido: Nariyan na ang aming guro.
Kamag-aral: Huh? Eh, hindi ka naman niya tinatawag ah?
(Agad na napatakbo si Placido upang makarating sa kanyang silid-aralan)
***
(Nakarating nga si Placido sa loob ng kanyang silid-aralan ngunit nasa letrang Q
na ang pangalan ng mga estudyanteng tinatawag ng guro)
(Napansin ni Padre Millon ang pagdating ni Placido nguni hindi niya ito pinansin
bagkus ay nagpatuloy ito sa pagtawag ng mga pangalan ng mga estudyante sa
klase)
Padre Millon: Quintana, Villafuente…
(*DUBBED*) “Walang galang! Magbabayad ka sa akin!”
Padre Millon: Kung ang kapirasong kahoy ay pinakinis at nilagyan ng barnis
at ito ay magkakaroon ng repleksiyon sa anumang bagay na
ihaharap dito, anong uri ng salamin ito?
Juanito: Ito’y nauuri sa salaming kahoy!
(Natawa si Padre)
Padre Millon: Nagdudunung-dunungan! Tingnan natin kungkaya mong
ipaliwanag ito, Juanito. Ang salamin ay nasa ibabaw ng
pinagkakapitan nito’y isang substansiya na walang pinagbago at
di esensiyal na ibabaw, dahil ang ibabaw ay isang insidente
lamang ng substansiyang katawan nito? Anong masasabi mo
tungkol dito?
Juanito: Hindi ako sumasang-ayon…
Padre Millon: Kung ganoon, sinasabi mong anumang bagay na nasa ilalim ng
salamin ay makakaapekto sa ibabaw?
Juanito: Pst! Penitente anong sagot? *Pabulong nitong sabi*
(Hindi sumagot si Placido kaya tinapakan ni Juanito ang kanyang paa, dahil sa
sakit siya’y napasigaw at napatayo sa kanyang kinauupuan)
Placido: Aray! Walanghiya ka!
Padre Millon: Anong kaguluhan ito?! Ikaw, akala mo kung sino ka, bakit sa
tingin mo tagapagligtas ka niya? Tingnan ko lang kung
maililigtas mo ang iyong sarili. Sagutin mo ang tanong ko.
(Naupo at napaismid ng tawa si Juanito)
Padre Millon: Ang sabi sa aklat, ang salamin ay gawa sa tanso o sa iba pang
metal. Tama o mali?
Placido: Yan po ang sinasabi sa aklat, Padre.
Padre Millon: Huwag kang magmarunong! Hindi mo alam ang leksiyon, anong
pangalan mo?
Placido: Placido po.
Padre Millon: Ha! Ikaw pala ang Placido Penitenteng mahilig bumulong.
Labing limang ulit ka nang hindi pumapasok sa klase.
Placido: Ano ho? Labing limang ulit, Padre?
Padre Millon: Oo, bakit hindi mo ba ako narinig?
Placido: Eh Padre, apat na beses palang po akong lumiban sa inyong klase, at
kung isasama po ang araw na ito na nahuli po ako sa inyong klase,
bale limang araw lang po iyon lahat.
Padre Millon: Ang sinumang matiyempuhan kong wala sa klase ay
minamarkahan ko ng pagliban ng limang ulit. Pasalamat ka at
tatlong beses pa lang kitang minarkahan. Sige nga, sabihin mo
sa akin kung ilan lahat kung talagang marunong kang
magbilang.
Placido: Kung limang beses niyo akong nahuli, ito’y dalawampu’t lima sa
kabuuan, Padre.
Padre Millon: At ngayon ay dadagdagan ko pa iyan dahil hindi mo alam ang
leksiyon sa klase.
Placido: Kung ganoon po Padre, dapat ay bawasan niyo po ang aking naging
pagliban sa klase. Sapagkat hindi naman ho makapag-uulat ang
isang taong wala sa klase, hindi ho ba?
Padre Millon: Pilosopo! Hindi mo ba naiintindihan na ang isang mag-aaral na
maaaring wala sa klase ay hindi alam ang leksiyon?
Placido: Tama na Padre! Markahan niyo na ako kung iyon ang gusto niyo, pero
wala kayong karapatan na alipustahin ako. Inyo na ang klaseng to dahil wala
na akong balak na mag-aaral pa!
(Pagkatapos magalit ay saka ito umalis ng silid-paaralan dala ang kanyang mga
gamit)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 14]
Ang Tirahan ng Mag-aaral
(Nag-uusap sina Pecson, Isagani, Macaraig at Juanito sa sala.)
Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at sinabi niya
ang nangyari sa Los Banos. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na
ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Yan din ang sinabi ko kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don
Custodio, isang kasangguni ng lupon ang magdedesisyon.
Pecson: Ngunit, kung hindi sang-ayon si Don Custodio?
Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at sinagot niya ako na malayo na
raw ang ating narating, nagawa na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang
kapasyahan. Kung makukuha natin si Don Custodio sa ating panig ay
makakamit natin ang tagumpay.
Sandoval: Sa papaanong paraan?
Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.
Pecson: Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!
Isagani: May isang paraan pa. Maaari tayong lumapit kay Ginoong Pasta.
Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?
Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema
lang ay kung papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio
na paburan tayo.
Macaraig: Hindi ba’t si G. Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.
Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga
kalaguyo?
Pelaez: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang
magagawa noon. Kilala ko ang babae, si Matea.
Isagani: Huwag mga ginoo, gumamit muna tayo ng mabuting paraan. Ako ang
kakausap kay Ginoong Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin
gawin ang ibang paraan.
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 15]
Si Ginoong Pasta
(Pumasok si Isagani sa opisina ni ginoong Pasta. Ngunit abala ang ginoo kaya
naghintay siya. Nang mapansin na may nakatayo, napatitig si Ginoong Pasta
sa sapatos patungo sa ulo.)
Ginoong Pasta: Ah, kaya pala, umupo ka. Kamusta ang iyong amain?
Isagani: Maayos naman po ang kanyang kalagayan.
G. Pasta: Ah.. ganoon ba?
Isagani: Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming
panig. Naniniwala ang mga kabataan, na labis kayong nagmamahal sa inyong
baying sinilangan. Kaya nais naming humingi ng tulong upang mapakiling sa
amin si Don Custodio
G. Pasta: Ayaw ko makialam sa ganyang mga usapan! Oo nga’t mahal ko ang
lupang sinilangan at naghahangad ng pag-unlad ngunit hindi maaaring
sumulong nang basta-basta. Maselan ang aking kalagayan at maraming ari-
arian kaya kailangan ko ng ibayong pag-iingat.
Isagani: Di po namin hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit, kahit
napaka-kaunti ang nalalaman ko sa mga batas at mga pagpapasya sa ating
bayan, ipinagpapalagay ko na hindi masamang makiisa sa mga adhikain ng
pamahalaan at sikaping siya’y maalinsunod ng mabuti. Iisa lamang po ang
aming layunin, nagkakaiba lamang ng pamamaraan.
G. Pasta: Kahanga hangang kasagutan. Ngunit hindi niyo pa rin ako
mapapapayag. Binata, isantabi mo na lang ang hakbang na iyan sapagkat 'yan
ay sadyang mapanganib. Ang maipapayo ko ay pabayaan mo na lang gumawa
ang pamahalaan.
Isagani: Kung gayo’y… (Tumayo na) Mauuna na po ako. (Lumabas na at isinara
ang pinyo.)
G. Pasta: Kaawa-awang binata. Ako man ay nagkaroon rin ng ganoong
kaisipan. Pero… (napabuntong-hininga.) kaawa-awang binata, kawawang
Florentino.
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 16]
Mga Kapighatian ng isang Insik
(Nagsasaya ang mga tao, halakhakan. May nagtatabako.)
(Sa may silid ni Quiroga, nag-uusap sila ni Simoun.)
Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na iyong inutang?
Quiroga: Wala na akong pela. Empleyado, opisyal, tinyente, sundalo. Lahat sila
utang akyen pelo wala bayad. Hindi akyen alam kung paano bayad utang.
Tulong ka ke Quiroga.
Simoun: Ngayon ko pa naman kailangan ng salapi pero alam mo namang
kaibigan kita. Kung gusto mo, gawin na lang nating pitong libo ang utang mo.
Kayo’y nakapagpapaok ng aduana ng lahat ng inyong naisin, mga kahon ng
lampara, bakal, porselana at mga baril para sa mga kura. O, ano, papayag ka
ba?
Quiroga: Si…sige, payag ako basta kikita pela. Pe..pelo delikado kontlabando.
Ba…baka huli tayo sundalo?
Simoun: Shh… huwag kang maingay. Ngayong gabi, may darating na ilang
kahong baril. Gusto kong tulungan mo akong itago ang mga ito sa iyong
bodega.
Quiroga: Takot si Quiloga. Meron ako balil. Pelo pak hawak ko, pikit ko mata.
Simoun: Kung ayaw mo madali akong kausap. Pero magbayad ka ngayon din
sa utang mo.
Quiroga: Sige, sige, ako hindi na takot. Tulong na Quiloga sa kaibigan. Pelo
ikaw ingat. Huwak damay Quiloga, ha?
Simoun: Huwag kang mag-alala. Sagot kita. (Tinapik-tapik niya ang intsik.)
[KABANATA 17]
Ang perya sa Quiapo
Padre Camorra: Kay ganda ng mga kababaihan dito! Kailan kaya ako magiging
kura rito sa Quiapo?(kinurot si Ben Zayb)
Ben Zayb: *Napangiwi ito.
Padre Camorra: Ang ganda! Ang ganda! (nakita si Paulita Gomez)
(naglalakad sina Paulita Gomez, Isagani, at Donya Victorina)
Padre Camorra: Sobrang ganda talaga!
(pagkatapos nito ay pumasok sila sa isang tindahan ng mga eskultor)
Padre Camorra: Kamukha ni Ben Zayb ang isang iyon oh!
Ben Zayb: Kamukha mo naman ang isang iyon. Sino naman ang kamukha ng
larawang ito?(may ituturo na larawan)
Padre Camorra: “La Prensa Filipina!” Ito naman ay “Ang Bayan ng Abaka”
Don Custodio: Ang mga Indio ay may kakayahan din sa paglililok.
Padre Camorra: Nasaan nga pala si Simoun? Putris! Natakot ata pagbayarin
natin sa palabas ni Mr. Leeds!
Ben Zayb: Baka nama’y nangangambang mapatunayan na may daya ang
palabas. Makikita nyo pawang mga salamin lamang at ilusyon ang lahat.
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 18]
Ang Kadayaan
Mr. Leeds: Pumasok kayo sa aking tanghalan. Makikita niyo rito ang ulong
nagsasalita ng pawang katotohanan.
Ben Zayb: Nasaan kaya ang mga salamin?
(umupo na ang lahat at nagsimula na ang palabas)
(dumating si Mr. Leeds na may dalang kahon)
Mr. Leeds: Deremof! (Bumukas ang kahon at nalantad sa paningin ng mga
naroroon ang isang ulo. Idinilat ng ulo ang mga mata at iginala ang paningin at
napatitig kay Padre Salvi.)
Mr. Leeds: Espinge, sabihin mo sa amin kung sino ka.
Imuthis: Ako ay si Imuthis. Ipinanganak sa panahon ni Amasis. Galing ako sa
paglalakbay sa Gresya, Assyria, at Persia. Sa pagdaan ko sa Babylonia ay
nakatuklas ako ng isang lihim. Sa takot nila na ibunyag ko ang kanilang lihim
ay kinasangkapan nila ang banal na batang saserdote.
Mr. Leeds: Paano ka ipinahamak ng batang saserdote?
Imuthis: Umibig ako sa anak ng isang saserdote. Ang batang saserdote ng
Abydos ay umibig din dito. Gumawa ito ng kaguluhan at ako ang idiniin na
may kasalanan. Ikinulong ako ngunit tumakas at nagpunta sa lawa ng Moeris
pero doon ay pinatay ako. Nabigyan ako ng pagkakataon na bangunin ang
kaluluwa. Naririto ako upang isigaw sa lahat ang mamamatay taong naglibing
sa akin sa hukay! Mamamatay taong, lumapastangan sa aking kasintahan!
Mamamatay taong alagad ng kadimonyohan! Kadimonyohan! Kadimonyohan!
Kadimonyohan!
Padre Salvi: Huwag! Hindi ako! Hindi ako! Hindi ako! (Nagsusumigaw habang
umiiling.Napatingin lahat sa kanya, nanginginig siya.)
(ibinalik niya ang mata sa lamesa at nakita niyang nakatingin sa kanya ang
espinge habang pinandidilatan siya nang mata.)
Imuthis: Oo, ikaw nga kurang may maitim na buto! Ikaw na mapagparatang
sa kapwa! Ikaw na lumapastanganan sa Diyos! Ikaw na pumatay sa kapwa!
Ikaw na dimonyo! Dimonyo! Dimonyo! Pinatay mo ang dalaga! Pinatay mo siya!
Pinatay mo siya!
Padre Salvi: Pa…patawad. Buhay pa siya! Buhay! Mahabag ka! (nahimatay)
(naging abo ulit si Imuthis. Ang mga dalaga ay naghima-himatayan din ngunit
nang mapansing walang dumadamay sa kanila, nagsibangon kaagad at
naghilu-hiluhan sa upuan.)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 19]
Paglisan
Placido: Nakakasar na talaga! Hinding hindi na ako babalik doon! Sinusumpa
ko na ang pag-aaral!
(tapos nakita niya si Don Custodio at Sibyla)
Placido: E kung ihulog ko kaya tong mga to sa ilog?! Panira talaga ng araw oh!
(tas umuwi na siya)
Kabesang Andang: Bakit andito ka na? hindi ba’t may kalase ka pa?
Placido: hindi na ko papasok!pinahiya ako sa harap ng buong klase!
Kabesang Andang: Pero anak, nangako ako sa iyong ama na pagtatapusin
kitang abogasya.. anon a lamang ang sasabhin ko sa kanya kapag kami’y
nagkita?
Placido: Inay, lalabas muna ako saglit.
Placido: tatalon na lang ako sa dagat manunulisan bago ako bumalik sa
pamantansan.
(nakita niya si simoun at lumapit ito)
Placido: Ginoong Simoun, maari mo ba akong matulungang makarating sa
Hongkong?
Simoun: halika’t samahan mo muna ako sa kay iris.
(tas pupunta sila sa kastilyero
Simoun: ang mga pulbura?
Kastilyero: nasa mga sako.
Simoun: ang mga bomba?
Kastilyero: nakahanda na ang lahat.
Simoun: mabuti, lumalakd kayo ngayon ding gabi at makipag usap sa tinyente
sabihin ninyo ang kabesa at sasagot siya ng tales.
Kastilyero: bakit po? Mayroon po bang bagong mangyayari?
Simoun: Oo, mangyayari sa loob ng linggong papasok.
Kastilyero: subalit hindi pa handa ang distrito.. akala ko’y hihintayin
hanggang kwaresma.
Simoun: hindi na natin sila kakailanganin.. kapag ipinag paliban pa ay
marahil patay na si Maria Clara.
(umalis na ulit si Simoun at Placido)
Pumunta na sila sa bahay ni Simoun.Tapos pagkaraan ng 2 oras, umalis si
Placido.
Simoun: Sandali na lamang at magkikita na tayo.Himagsikan ang naglayo
saiyo saakin.. Himagsikan din ang maglalapit satin. Nasaakin na ang
tagumapay.. hindi na ako maaaring umurong
[KABANATA 20]
Ang nagpapasiya
(papasok si Don Custodio)
Don Custodio: mga indio nga naman. Tsk tsk.. wala nang ginawang maayos at
kahanga hanga! Walang angking talino ang mga Indio n adapt ipagmalaki dahil
pag ganon, siguradong masasawi lamang sila.
(nasa silid ni DC ang mga tauhan, kausap ang mga pulis)
Don Custodio: wag na nating pagdamitin ang mga bilanggo ats a halip ay
magbahag na lang sila para makatipid!
Kawal: tama nga ho. Napaka galing ng inyong panukala!
(nasa silid siya)
Don Custodio: ano ba yan.. anong gagawin ko? Paubos na ang aking oras sa
pagpapasya.. kailangang ko na itong mapagdesisyunan!
(nakita niya ang isang libro at binasa)
Don Custodio: Ah! Napakagaling ko talaga! ANG AKING PAGPAPASYA AY
NATAPOS NA!
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 21]
Mga Ayos ng Maynila
Narattor: Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les
Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-
mahaba ang hanay ng nagsipasok. Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok
sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na
isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod.
Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa
ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.
Camarroncocido to Tiyo Kiko: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga
prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga
kumbento. Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang
masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle.
Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, angkawani, at
maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang
walanama’y sang-ayon sa opera.
Narrator: Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong
tila hindi sanay mag-amerikanaat sa wari’y umiiwas mapuna.
Nagtago ito para di Makita
Camarroncocido: Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Sino sila at anong binabalak
nila?
Narrator: Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima
sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe atmasiglang
nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun.
Nakita si camarroncocido sa pinag uusapan
Simoun: Ang hudyat ayisang putok. *umalis ang karwahe
Camarroncocido: Aha! May binabalak sila.
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 22]
Ang Palabas
NARRATOR:Maraming tao ang nakapila sa Teatro de Variadades dahil may
pagtatanghal ng isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas
ay isang dulang Pranses na pinamagatang “Les Cloches de
Corneville” Naging usap-usapan and bantog na opera sapagkat
balitang mahuhusay umawit, at magaganda ang mga mukha at
katawan ng mga artistang nagsisiganap. Bandang alas siyete y
medya pa lamang ay naubos na ang mga tiket at may mahabang
pila para makapasok ang mga tao.
TEATRO DE VARIADADES:
Padre Camorra: Ang daming magagandang dilag!
(Kinurot si Ben Zayb dahil sa labis na gigil)
Ben Zayb: Ahh! Ano ba naman kayo Padre.
Padre Salvi: Magandang gabi sa inyo...*natalisod* A-aah..
(Hinawakan ang kamay ng isang dalaga)
Dalaga: Ayos lang po ba kayo Padre?
Padre Salvi: Ahhh.. abay siyempre naman.. salamat iha *sabay haplos sa
kamay at braso ng dalaga*
(Dumating ang karwahe sakay sina Paulita Gomez at Doña Victorina)
(Kinurot ulit ni Padre Camorra si Ben Zayb sa tiyan)
Ben Zayb: Araay!
Padre Camorra: Si Paulita..napakaganda niya ngayong gabi.
(Nakatawag pansin sa lahat ang pagdating ng dalaga dahil sa angkin nitong
kagandahan)
Padre Camorra: Napakaganda mo ngayong gabi Paulita.
Paulita: Marami pong salamat Padre.
(Inis na tiningnan ni Isagani si Padre Camorra)
Paulita: Isagani!
Isagani: Magandang gabi Paulita.
***
Padre Camorra: Hindi ako makapaniwala! Kasintahan ng lalaking iyon si
Paulita? Umalis na nga tayo rito, nasisira ang gabi ko.
(Agad na lumayo ang grupo nila Padre Camorra at sa halip ay naghanap ng
ibang dalagang mapagdidiskitahan)
Paulita: Naghintay ka ba ng matagal?
Isagani: Hindi naman... sa katunayan nga niyan ay.
Juanito: Oh, Paulita!
Paulita: Juanito...
Juanito: Kakarating niyo lang ba?
Paulita: Oo, eh ikaw?
Doña Victorina: Magandang gabi sa iyo Juanito.
Juanito: Ah, Doña Victorina kamusta po kayo?
Doña Victorina: Maayos naman mabuti at naitanong mo... narito ka rin ba
upang manood ng palabas?
Juanito: Oho.
Doña Victorina: Mabuti kung ganoon, sumabay ka na sa amin.
(Inakay palakad ni Doña Victorina si Juanito papasok ng teatro)
Doña Victorina: Halika na Paulita.
Paulita: Opo, tiya. Mauuna na ako sa loob, susunod ka ha?
Isagani:*nod*
(Pumasok na sa loob ng teatro sina Doña Victorina)
Sandoval: Isagani! Naghintay ka ba ng matagal? Ang haba kasi ng pila doon sa
palikuran. Patawad.
Isagani: Ayos lang, pumasok na tayo.
(Nagsimula na ang palabas at nagsimula nang kumanta si Gertrude)
Juanito: Doña Victorina, alam mo ba na ang kantang iyan ay sikat sa Europa?
Doña Victorina: Nakakabilib ka naman Juanito ang dami mong alam.
(Agad na hinanap ni Isagani sa lupon ng mga taong naroon sina Paulita at
nakita niyang nakikipagmabutihan ito ka’y Juanito dahil sa inis ay naisipan
niyang huwag nang umupo kasama ang kasintahan
Sandoval: Oh, andito din pala si Juanito? Hindi ba’t si Paulita yung kasama
niya? Isagani saan ka pupunta?
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 23]
Isang Bangkay
NARRATOR: Hindi nanood ng dula si Simoun. Malungkot siya at balisa. Hindi
rin nanood si Basilio matapos niyang tubusin si Juli sa
pagpapaalila kay Hermana Penchang. Wala siyang inatupag
kundi pag-aaral kundi nama’y pag-aalga sa may sakit na si
Kapitan Tiago.
SA TAHANAN NI KAPITAN TIAGO:
*TOK TOK*
Basilio: Napadalaw ho kayo Ginoong Simoun.
Simoun: Kamusta ang may sakit?
Basilio: Malubha ang kanyang kalagayan, mahina na ang kanyang pulso at
halos hindi na tumitibok ang kanyang puso. Wala na rin siyang
kaganaganang kumain. Kumalat na ang lason sa buo niyang katawan
at maaari na siyang malagutan ng hininga anumang oras.
Simoun:*buntonghininga* Makinig ka sa sasabihin ko Basilio, mahalaga ang
bawat sandali. Sa loob ng isang oras ay sisiklab ang rebolusyon sa
hudyat ko. Naihanda ko na ang lahat at natitiyak kong ako’y
magwawagi. Nandito ako para ialok sayo ang iyong kamatayan o ang
iyong kinabukasan. Kanino ka papanig? May panahon ka para
pumili.
Basilio:*nag-isip*
Simoun: Naghihintay sa iyo sa labas si Kabesang Tales. Sasama ka ba sa amin
o ituturing mo kaming kalaban? Anong pasya mo?
Basilio: A-ano ba ang maari kong gawin?
Simoun: Napakadali lang Basilio, mamuno ka sa pangkat na papasok sa
kumbento at kunin mo ang isang taong bukod tangi sa akin at kay
Kapitan Tiago.
Basilio: Si Maria Clara!
Simoun: Oo, nais kong iligtas mo siya.
Basilio: Pero... nahuli na po kayo ng dating..
Simoun: Bakit? Anong ibig mong sabihin?
Basilio: Si Maria Clara ay.... patay na.
Simoun: Anong patay na! *kinwelyuhan si Basilio*
Basilio: Kaninang hapon ho lamang, ganap na alas sais....
Simoun: Hindi yan totoo! Buhay pa si Maria Clara! Sinasabi mo lang yan dahil
ayaw mo siyang kunin.
Basilio: Ilang araw na siyang matamlay at maysakit. Nagpunta ako ng
kumbento para malaman ang kanyang kalagayan...Ginoong Simoun...
si Maria Clara ay...
Simoun: Aaaaaa!!!
(Sinapo ni Simoun ang dalawang palad sa kanyang ulo)
Simoun:Namatay siyang hindi ko man lang nakita. Namatay siyang hindi
nalalaman na nabubuhay ako para lamang sa kanya. Namatay
siyang nagdurusa...
Basilio: Ginoong Simoun.
(Umagos ang mga luha sa mga mata ng dalawang kalalakihan)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 24]
Mga Pangarap
NARRATOR: Sa sumunod na araw ay nagtakdang makipagkita ni Isagani sa
kasintahang si Paulita Gomez. Naglalakad siya sa Paseo de Maria
Cristina bago pa man lumubog and araw Dumidilim na ang
paligid subalit wala pa rin si Paulita. Tila nawawalan na siya ng
pag-asang darating pa ang kasintahan nang marinig niya ang
papalit na karwaheng hila ng dalawang kabayong puti.
SA PASEO DE MARIA CRISTINA:
(Bumilis ang tibok ng puso ni Isagani pagkakita kay Paulita. Ngumiti si Paulita.
Agad na lumapit si Doña Victorina kay Isagani at agad na nawala ang mga ngiti
sa kanyang labi)
Doña Victorina:Nasaan ang asawa ko?
Isagani: Ho?
Doña Victorina: Sabihin mo sa akin kung nasaan ang asawa ko?
Isagani: Pero hindi ko po alam kung nasaan si Don Tiburcio.
Doña Victorina: Sabihin mo sa kanyang patay man o buhay gusto ko pa rin
siyang makita. Matagal na ang sampung taong paghihintay
upang makapag-asawa akong muli.
(Halos masamid si Isagani sa narinig
Doña Victorina: Anong palagay mo kay Juanito?
Isagani: Uhh… masayahin siyang tao…mapagbiro at magiliw… Hahaha
Paulita: Tiya! Nahulog ho sa dalampasigan ang inyong abaniko.
Doña Victorina: Ano? Saan?
Paulita: Naroon po. *turo ni Paulita*
Doña Victorina: Naku! Bakit mo naman pinabayaang mahulog doon ang
abaniko ko.
(Agad tumakbo papalayo sa magkasintahan ang Doña para hanapin ang
abaniko)
Paulita:*sigh* Buti naman at nagkaroon din tayo ng oras na mapag-isa.
*tiningnan si Isagani* Galit ka ba sa akin?
Isagani: ….
Paulita: Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil sa pagsama ko kay Juanito? Ang
aking tiya lang naman ang may gusto kay Juanito eh. Ikaw nga diyan
eh kung kani-kaninong magagandang dilag mo na lang ibinabaling
ang iyong mga tingin. Ni hindi mo nga ako pinansin nuong palabas.
Isagani: Sa tuwing pinagmamasdan ko ang kabundukan ay nakakaramdam
ako ng kalayaan. Pangarap ko na makitang Malaya at maunlad ang
aking bayan.
Paulita: Pangarap! Pangarap! Ang sabi ni Tiya Torina, kalianma’y hindi na
mahahango sa pagkabusabos ang bayang ito.
Isagani: Isa naman kasi siyang hangal! Hindi siya mabubuhay ng walang
alipin.
Paulita: Paano kung walang mangyari sa inyong pinaglalaban?
Isagani: Makinig ka sa akin Paulita, alam mo kung gaano kita kamahal. Kung
walang mangyari at namatay ako sa aking paniniwala, mamamatay
akong maligaya ipinaglalaban ang karapatan ng Inang Bayan.
Doña Victorina: Paulita! Kailangan na nating umuwi maggagabi na.
Paulita: Sumabay ka na sa amin Isagani.
[KABANATA 25]
Tawanan at Iyakan
Narrator: Nagtipon-tipon sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto” ang labing
apat na binate upang idaos ang piging na iminungkahi ni Padre Irene at upang
ipagidwang ng kabiguan ng balak na pagtuturo ng wikang kastila sa kamay ni
Don Custodio.
Masayang nagtatawanan at nagbibiruan ang mga binate ngunit halatang pilit
na pilit lamang ang kanilang pagsasaya.
(dumating si Isagani, 2 intsik)
Tadeo: Sana’y si Basilio an gating inanyayahan sa halip na si Juanito.
Magandang may matutuklasan tayonglihim kapag siya’y ating lalasingin.
Lalaki1: May lihim bas i basilio? At mahahalagang lihim pa nga, tuald
halimbawa ng mga batang nawala, ang mongha.
Macaraig: Mga ginoo… Isang natatanging sopas ang pancit lanlang na
napakaraming halo, at ang mga buto ng manok na ito’y ihandog kay Don
Custodio.
(Tumawa sila)
Macaraig: Mayroon pa tayong tatlong ulam. Para kanino ang lumpiyang-intsik
na yari sa lamang baboy?
Tadeo: Para kay pare Irene, ngunit dapat ay alisin muna ang ilong.
Lalaki2: At ang tortang alimango ay ipatungkol sa mga prayle, tatawagin itong
tortang prayle.
Macaraig: Ang pancit ay sa mga intsik daw o sa mga hapon ngunit inaangkin
ng mga dayuhan at sila ang nakikinabang, tulad na tulad ng pamahalaan sa
Pilipinas. *sandaling tumingala ito*. Lahat ay nabubuhay at binubihay ng
baying ito ngunit pagkatapos ay walang pinakamasama kundi siya rin.
Lalaki1: Huwag kayong lubhang maingay. Alalahanin ninyong ang mga
dingding ay may pandinig at maaaring ngayon pa lang ay may mga lihim nang
nagmamanman sa atin.
Narrator: Hinihiling ni Macaraig si Taseo na magtalumpati at waring
mapapasubo sa pagkakataong ito, mabilis na kumilos ang utak nito habang
humihigop ng sabaw. Napahinto ito nang dumating ang ilang putahe. Nang si
pecson naman ang nagsalita ng tun gkolsa prayle at kanilang mga katakawan
Sumigaw ang lahat ng MABUHAY. Tumayo naman si Isagani sa kalagitnaan ng
pagsasalita at winikang huwag lahatin dahil may isang prayle siyang
iginagalang.
Sandoval: Mga kapatid, making kayong lahat sa akin. Sandali nating lingunin
an gating kamusmusan, suriin ang kasalukuyan at tanungin ang
kinabukasan. Ang mga prayle ay nagging bahagi na ng ating buahy buhat sa
ating pagsilang. Hindi ba’t sila ang nagbinyag, nagkumpil at unang
nagpakilala sa atin sa isang Diyos? Sa kanya natin ibubulong ang ating mga
lihim, inaakay nila tayo sa kabuhayan at kabanalan. Sila ang mga gurong
nagtuturo at nagbubukas n gating mga puso hanggang sa matutunan nating
umibig. Ang prayle rin ang magkakasal sa inyo at sa inyong paghihingalo ay
nariyan din siya sa iyong tabi at hindi ka iiwan hangga’t di ka namamatay.
Kung aalisin ang mga prayle ano ang mangyayari sa pamahalaan sa kamay ng
mga Intsik?
Isagani: Kakain ng tortang alimango.
1 lalaki: Tumpak, kumain na tayo at tama na ang mga talumpati.
(Sumang-ayon ang lahat)
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 26]
Mga Paskin
(Nasa San Juan de Dios si Basilio)
*Malalim ang iniisip habang naglalakad papuntang clinic.
*Nagkasalubong sila pati ng propesor dahilan ng pagpigil sa pagmamadali niya.
Propesor: Nasa piging ka ba kagabi?
Basilio: Este, sa dahilan pong masama ang lagay ni Kapitan Tiago at ako’y
kailangang… *nagkamot ng batok
Propesor: Mabuti kung gaon at hindi ka dumalo, ngunit hindi ba kasapi ka sa
kapisanan ng mga estudyante?
Basilio: Nagbigay lamang ako ng bitaw.
Propessor: Kung ganon ay dapat kang umuwi ngayon din at punitin ang lahat
ng pael na maaaring mapasangkot sa iyo.
Basilio: Wala po akong sukat ipangamba tungkol diyan, ngunit si Ginoong
Simoun po kaya’y wala…
Propesor: Sinugatan siya ng isang kung sino at salamat sa Diyos, hindi
maaaring may kinalaman siya roon, ang mga estudyante ang nasasangkot
dahil sa mga paskil na may masasamang sinasabi at sa unibersidad pa raw
natagpuan. Ang Vice Rector ang nagpatanggal at ipinadala sa pamahalaan.
(Naputol ang kanilang usapan nang dumating ang isang propesor na mukhang
sacristan at tagasumbong ng Vice-Rector.)
Nasalubong niya si Sandoval na waring naging bingi sa kanyang pagtawag.
Basilio: Sandoval!
Sandoval: *snob
Nakita rin niya si Tadeo na masayang-masaya, ito ang kanyang tinanong.
Basilio: Tadeo, bakit ano ba ang nangyari?
Tadeo: Napakabuti, biruin mong wala kaming pasok hanggang sa isang lingo
at tayong mga kasapi sa kapisanan ay ibibilanggong lahat. *masayang masaya
Basilio: At ikinatutuwa mo pa ang bagay na iyan?
Tadeo: Di nga kasi, walang klase, walang klase!
Sumunod na nasalubong ni Basilio ang namumutlang si Juanito.
Basilio: Pelaez, ano ba talaga ang nangyari?
Pelaez: Aywan ko, wala akong nalalaman at hindi ba, basilio na noon pa ma’y
talagang sinasabi ko nang ito’y kalokohan lamang, saksi ka, hindi ba?
Basilio: Ha aba’y… oo na nga, ngunit ano bang naganap?
Pelaez: Huwag mong kalilimutan na ako’y tutol na tutol at kay lamang
nakilahok ay upang pagpapaliwanagan kayo, tandaan mo iyan. *umalis ito ng
may nakitang tanod.
Nakasalubong na niya naman si Isagani
Basilio: Hindi ko kayo maunawaan, mga kasama, ano’t sa katiting na bagay na
ito’y para kayong mga libog nabulabog at mga buhag-buntot na magsisitakbo?
Lalaki1: Subalit sino kaya ang may kagagawan ng mga pasking iyon na
diumano’y natagpuan? *galit na sambit nito.
SA BAHAY NI MACARAIG
Macaraig: Basilio, marangal kong kaibigan, ngayo’y naparito ka samantalang
noo’y waring nilalayuan mo kami?
(Nagtanong ang kabo samantalang may isang talaang tinitignan.)
Guwardiya Sibil: Kayo ang taga-kalye Anloague at nag-aaral ng Medisina?
Mabuti at kayo na ang kusang naparito, kayo’y aming dinarakip. *at inakbayan
ito
Basilio: Bakit po pati ako’y…
Macaraig: Huwag kang mag-alala, kaibigan. Halina sa aking sasakyan at
ibabalita ko sa iyo ang nangyari sa piging na dinaluhan naming kagabi.
(Sa loob ng sasakyan)
Macaraig: Kaibigan, ang tulong ko’y maaasahan o at sa iyong pagtatapos ay
anyayahan natin ang mga ito. *tinuro ang kabo at alguacil.
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 27]
Ang prayle at ang Pilipino
Capista: Isagani, nais po kayong kausapin ni Padre Fernandez
Isagani: Ano kaya ang kailangan niya?
*Nagkibit balikat ang capista at sinundan si Isagani*
Narrator: Si Padre Fernandez ay isa sa mga prayle na kasama sa mga usapan
sa Los Banos. Nung pumasok si Isagani sa silid ay nakitang naghihintay ito.
*pumasok si Isagani sa silid ni Padre Fernandez. Si Padre Fernandez ay
malungkot, kunot ang noo, at malalimang iniisip. Tumayo nang nakita si Isagani.
Kinamayan ito at binati. Ipininid ang pinto at naglakad. Nanatiling nakatayo si
Isagani*
Padre Fernandez: Ginoong Isagani, mula sa aking bintana ay narinig ko kayong
nagtatalumpati. Marami naakong kabataan na naturuan ngunit wala pa akong
nakitang naglalakas-loob sa kanyang paninindigan tulad mo.May mga naninira
sa amin nang talikuran ngunit sa harapan ay humahalik sa kamay. Ano ang
ibig mong gawinnamin sa mga taong ganoon?
Isagani: Hindi n’yo po sila masisi, Padre. Naturuan sila ng maging
mapagkunwari at pigilin ang kalayaannamagsalita. Sapagkat, kapag
ang kanilang sinasabi ay hindi ninyo sinasang-ayunan, ito’y itinatak bilang
isang pag-aalsa.
Padre Fernandez (nagbubuntong-hininga): Hay. Ngayon matanong kita, ano ang
gusto ng mga mag-aaral naPilipino na gawin namin?
*Nagulat si Isagani at sumagot nang mabilisan*
Isagani: Tuparin ninyo ang inyong tungkulin
Padre Fernandez: Bakit? Hindi ba namin yun ginagawa?
Isagani: Padre Fernandez, kayong mga prayle, bilang mga guro, ay may
tungkulin na hubugin sa lalongmabuting paraan ang pangangatawan at pag-
uugali ng mga kabataan.. Ngayon, ako naman ay may tanong,natupad ba ng
mga prayle ang kanilang mga pinananagutan?
Padre Fernandez: Oo, tumutupad kami.
Isagani: Ngunit bakit hinahadlangan ang pagtuturo! Kahit ang mga bilanggo ay
tinutulungan at pinakikingganng pamahalaan ngunit kaming mga mag-aaral
ay napapabayaan!
Padre Fernandez: Lumalagpas ka sa ating pinagkasunduan, Isagani.
Isagani: Hindi, Padre. Tinatalakay ko pa rin ang mga suliranin ng mga mag-
aaral. Ang paghadlang ng mga prayle sa aming pagkatuto ang sanhi ng aming
kawalang kasiyahan.
Padre Fernandez: Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang
karapat-dapat pagkalooban. Angipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis
na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay lamang.
Isagani: Bakit may mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal?
Padre Fernandez: Iyan ang mga kasiraang nasanay mula pagkabata, na
nagmula sa kapaligiran ng pamilya.
Isagani: Hindi po, Padre Fernandez. Ayaw ninyong suriing mabuti ang ugat ng
suliranin. Kung ano man kami,ay kayo ang may gawa. Sumasang-ayon ako sa
inyo na kami’y mayroong mga kahinaan. Sino ang dapat sisihinsa mga ito?
Kayo ba na nagturo sa amin o kami na sumunod sa inyo?
Padre Fernandez: Nauunawaan ko. kayo at kami’y nagsasayaw sa himig ng
isang tugtugin. Naniniwala ka bana kaming mga prayle ay walang budhi at
hindi nagnanasa ng kabutihan? Ngunit gaya rin ninyo,kinakailangang
sumunod kami sa himig ng tugtugin. Kung hindi kayo ang magpapalayas sa
amin, ang pamahalaan ang gagawa niyan.
Isagani: Kung gayo’y, hinahangad ng pamahalaan ang aming kasamaan.
Padre Fernandez: Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay
may mga paniniwala, mga batasna mabubuti ang layunin, ngunit nagbubunga
ng di magandang pangyayari. “Corruptissima in republica plurimaeleges” ang
sabi ni Tacito. Ang bayan ay lalong sumasama kung napakaraming mga batas.
Ang pagkawala ng pagtitiwala sa kabaitan ng bayan ang mag-uudyok sa kanila
ng gumawa ng kasamaan.
*huminto si Padre Fernandez*
Padre Fernandez: Lumalayo na tayo sa paksa. Ngunit aking masasabi na hindi
nasa pamahalaan o sa amin angkasalanan, kundi sa aming lipunan mismo.
Ang lipunan, na puno ng mga kapinsanan, ay nagiging dahilan ngkanyang
sariling pagkasira.
Isagani: Ngunit hindi n’yo binibigyang pansin ang inyong sariling kasiraan at
nagbigay pokus sa pag-ayos samga kasiraan ng iba.
Padre Fernandez: Ang Pilipinas ay nasa kamay ng mga Kastila. Ito’y kailangan
mong tanggapin, Isagani. Ngunit, masyado na tayong napalayo sa paksa. Muli
kong itatanong, ano ba ang hinihiling ng mga mag-aaralmula sa aming mga
prayle?
Isagani:Huwag humadlang sa kalayaan ng pag-aral. At sa halip, itaguyod ito.
Padre Fernandez: Ito’y isang malaking hiling. Para mo na ring sinabing kami ay
magpatiwakal. Ang dapatninyong hilingin muna ay ang hindi napakabigat.
Isagani: Kung gayo’y tumungo tayo sa mga kasanhian. Ikabubuti ng mga mag-
aaral kung ayusin ng mga propesor ang kanilang mga ugali.
Padre Fernandez: Ano?! Mayroon ba akong inuugali na di naiibigan ng mga
mag-aaral?
Isagani: Padre, hindi ko po kayo tinutukoy. Pinag-uusapan natin ang
pangkalahatan. Marami sa mga mag-aaralay pumapasok sa silid-aralan at
umaalis nang walang natututunan at paggalang na rin sa sarili.
Padre Fernandez: Walang pumipilit naman sa kanila na mag-aral. Marami
namang trabahong mahahanap sakabukiran
Isagani: Tungkulin ng bawat tao ang kagalingang pansarili. Bukod dito, ang tao
ay may katutubong hangarin namatamo ang karunungan, lalo na kung ito’y
pinipigil. Oo, Padre, may nag-uudyok sa kanilang mag-aral, ngunitwalang tigi
Ang pagkawala ng pagtitiwala sa kabaitan ng bayan ang mag-uudyok sa kanila
ng gumawa ng kasamaan.
*huminto si Padre Fernandez*
Padre Fernandez: Lumalayo na tayo sa paksa. Ngunit aking masasabi na hindi
nasa pamahalaan o sa amin angkasalanan, kundi sa aming lipunan mismo.
Ang lipunan, na puno ng mga kapinsanan, ay nagiging dahilan ngkanyang
sariling pagkasira.
Isagani: Ngunit hindi n’yo binibigyang pansin ang inyong sariling kasiraan at
nagbigay pokus sa pag-ayos samga kasiraan ng iba.
Padre Fernandez: Ang Pilipinas ay nasa kamay ng mga Kastila. Ito’y kailangan
mong tanggapin, Isagani. Ngunit, masyado na tayong napalayo sa paksa. Muli
kong itatanong, ano ba ang hinihiling ng mga mag-aaralmula sa aming mga
prayle?
Isagani:Huwag humadlang sa kalayaan ng pag-aral. At sa halip, itaguyod ito.
Padre Fernandez: Ito’y isang malaking hiling. Para mo na ring sinabing kami ay
magpatiwakal. Ang dapatninyong hilingin muna ay ang hindi napakabigat.
Isagani: Kung gayo’y tumungo tayo sa mga kasanhian. Ikabubuti ng mga mag-
aaral kung ayusin ng mga propesor ang kanilang mga ugali.
Padre Fernandez: Ano?! Mayroon ba akong inuugali na di naiibigan ng mga
mag-aaral?
Isagani: Padre, hindi ko po kayo tinutukoy. Pinag-uusapan natin ang
pangkalahatan. Marami sa mga mag-aaralay pumapasok sa silid-aralan at
umaalis nang walang natututunan at paggalang na rin sa sarili.
Padre Fernandez: Walang pumipilit naman sa kanila na mag-aral. Marami
namang trabahong mahahanap sakabukiran
Isagani: Tungkulin ng bawat tao ang kagalingang pansarili. Bukod dito, ang tao
ay may katutubong hangarin namatamo ang karunungan, lalo na kung ito’y
pinipigil. Oo, Padre, may nag-uudyok sa kanilang mag-aral, ngunitwalang tigi
Pagkatakot
*Eksena: Sa may labas ng tindahan ni Quiroga at sa may kalye*
Ben Zayb: Ako lang naman ang nag-iisip sa Pilipinas! Ang pagpapaaral ay
masama, napakasama sa Pilipinas! Dahil dito, tignan ninyo ito ang
mga nangyayari ngayon… Ang Maynila ay punung-puno ng takot at
pagkabalisa. Ang balita ng napipintong paghihimagsik ay nagresulta sa iba’t-
ibang mga reaksyon mula sa mga mamamayan.
Quiroga: Hala! Hindi na napunta sa aking tindahan ang mga prayle! Meron pa
naman ako bago paninda! Anona ba itong nangyayari? Napakasama nito,
napakasama! Naku, kailangan na kausapin si Ginoong Simoun! Alam niya ano
gagawin ko sa aking tindahan! Alam niya ano gagawin sa nakatago na baul at
iba pa gamit! Ako ay takot na, baka mahuli ang itinatago sa aking tindahan!
Inihanda ni Quiroga ang kanyang tindahan para madaling isara kung may
mangyari mang kaguluhan o paghahanap. Magpapasama ito sa guardia civil
patungo sa bahay ni Simoun.
Guardia Civil: Nandito na po tayo sa tahanan ni Ginoong Simoun ngunit ayaw
niya makipagkita kahit kanino.
Quiroga: Eh si Don Custodio?
Guardia Civil: Si Don Custodio naman po ay ‘di tumatanggap ng panauhin.
Quiroga: Hay naku, Ben Zayb na lang…. Ako hingi balita.
Nang pumunta si Quiroga sa bahay ng batikang manunulat na si Ben Zayb,
katulad ng kanyang naunang dalawang binisita, ay naghahanda din ito.
Napakahanda nga, na may dalawang rebolber na nakalabas at ginamit pa itong
pamatong ng papel. Dahil marahil sa takot sa armas, umuwi at nagkulong si
Quiroga sakanyang bahay, at nagpalusot na masama raw ang pakiramdam.
*Nagbubulung-bulungan ang mga tao, tutunog ang relo na ikaapat na ng hapon
Bali-balita raw na kakaligtas lang ng kapitan heneral mula sa tila tiyak na
kapahamakan. Muntikan na daw mahulog sa mga kamay ng mga “batang
pilibustero” ang Kapitan Heneral, ngunit iniligtas daw siya ng Maykapal.
Dinakipi ang mga mag-aaral.
Mamamayan 1: Ang gulu-gulo na, walang kapupuntahan ‘to! Dapat kasi, barilin
na ‘yang mga ‘yan! Ang daminilang reklamo, ipatapon na silang lahat!
Mamamayan 2: Pakita lang naman nila yan! Kunwari daw matapang sila. Aba,
eh, tingnan natin. Maglagay kang isang batalyon ng mga kawal na may dalang
sable at kanyon, ilagay mo sa kalye. Magsisiuwi rin sa kani-kanilang bahay ang
lahat.
*Samantala, kinakausap ni Padre Irene Si Kapitan Tiyago.*Sa tagiliran ng kama
ni Kapitan Tiyago ay kinakausap si Padre Irene
Padre Irene: Magpakahinahon, ‘yan ang ipinayo ko. Ano na lang siguro kung
wala ako doon noong panahonna ‘yon, dumanak na sana ang dugo. Ngunit
naalala kita, kapitan. Walang napala ang pangkat nila sa
heneral. Nanghihinayang sila na wala si Simoun… kung ‘di lang sana siya
nagkasakit!
Pagkasabi nito ni Padre Irene at nalaman ni Kapitan Tiyago na nahuli si Basilio,
lumubha ang kalagayanng maysakit. Nagsimula itong maghingalo sinakmal ito
ng takot.
Kapitan Tiyago: *Nangangatal at hindi na makapagsalita, humawak sa bisig ng
prayle at sinubukang bumangon*
Uuuuhhhhhhh… *
Umungol ng makalawa at bumagsak sa unan*
Namatay na si Kapitan Tiyago. Sa takot at pagkataranta, dali daling lumisan si
Padre Irene at sa pagmamadali ay nakaladkad nito ang bangkay mula sa kama
papunta sa gitna ng silid, dahil sa nakakapit pa ito sa bisig.
*Mga mamayan na nagtatakbuhan, nagsisigawan, nag-uusap, nagdarasal, etc.
Sa kabilang dako ay may binyagan na nagaganap. Ngunit sa pagaakala ng isang militar na
nagdaraan namay nangyayaring pagpaplano ng himagsikan, nilusob niya ang kaganapan
sa pamamagitan ng kanyang sable. Ni napakaliit na bagay ay pinapalaki at dahilan ng
pagkaalarma, gaya na ang ng pagkatagpo ng mgaarmas sa isang bahay. Isang
guardia civil, isang bingi at isang baboy, ang namatay nang gabing
iyon.Maraming nahuli, maraming pinag-usapan at mga haka-haka.. Nagkalat
ang mga nagdarasal, mga guardiacivil at iba’t iba pang pangyayari na walang
kaugnayan, lalong dumagdag sa gulo.
*Sa platerya*
Sa platerya naman, kung saan naninirahan si Placido, ay pinag-uusapan ang
mga nangyari noong araw naiyon ng may katapatan
Platero: Hindi ako naniniwala na mayroong mga paskin. Sus, pilibustero daw!
Gawa-gawa lang ‘yan lahat niPadre Salvi.
Punong Platero: *Umuubo at natatakot sa paksang pinag-uusapan. Parang
nininerbyos*
Eskribyente: Hindi, totoo ‘yang tungkol sa mga paskin. Ipapaliwanag ko sa inyo.
Makinig kang mabutiChichoy… Pakana iyan lahat ng Instik na si Quiroga.
Maniwala ka sa ‘kin. ‘Yang Instik na yan ang nasa likodng lahat ng ito! Iyan
ang narinig ko sa tanggapan.
Chichoy: Ang kabanal-banalan kong Ina! Kung gayon, totoo nga pala!
Eskribyente: Ginawa niyang isyu ang mga paskin para hindi mahalata ang
kanyang ginagawa. Habang gulong-gulo ang lahat at abala doon sa mga mag-
aaral, eh ‘di sasamantalahin niya at manunuhol ‘yan doon sa Adwana para
makapasok ‘yung mga pilak niya.
Chichoy: Siya nga! *Susuntok sa mesa* ‘Yang Instik na si Quiroga…
Naputol ang usapan nang may narinig na mga yabag sa labas ang punong
platero na hindi nagsalita sausapan dahil sa kaduwagan. Dumating sina Placido
at ang dalubhasa sa paggawa ng paputok.
Placido: Hindi ko nakausap ang mga bilanggo. Mga tatlumpu sila
Dalubhasa: Magsipaghanda na kayo! Ngayong gabi raw magkakaroon ng
pagpatay.
Chichoy: Ano?! Lintik!
Punong Platero: *Takot na takot, nagsisimula nang umiyak*
Eskribyente: O, sige. Hindi magkakaroon ng pagpatay. Sa kabutihang-palad
maysakit ang tagapayo ngkanyang kamahalan. Si Simoun!
*Nagkatinginan si Placido at ang dalubhasa, umubo ulit ang punong platero*
Chichoy: Kung hindi nagkasakit ang taong iyan…
Dalubhasa: Gagawa-gawa wari ng isang himagsikan… At ano na ang gagawin
natin ngayon?
Chichoy: Baka nagkukunwaring maysakit lang iyan. Takot siguro lumabas! Pag
nakita ko siya…
Dalubhasa: Gayunman, magsipaghanda! Kung tayo’y pipiliting pumatay o
mapatay…
Platero: Mag-iingat kayo!
*Umalis na sila. Takot na takot na ang mga naiwan*
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 29]
ANG HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO
Narrator: Maganda ang naging wakas ni Kapitan Tiyago. Napagusapan ng
kura paroko at ni Padre Irene ang kanyang pagkamatay.
Kura Paroko:Ipinapaalala ko sa’yo Padre Irene, hindi nakapangumpisal si
Kapitan Tiyago bago siyamamatay.
Padre Irene: Hindi dapat ipagkait ang exequias sa lahat ng namatay na di
nakapangumpisal mas lalo na sa mgamakapagbabayad tulad ni Kapitan
Tiyago. Ang mahigpit na pagkakait ng exequias ay ginagawa lamang sa
mgahindi makapagbabayad.
Narrator:Ginawang tagapangasiwa at tagapagpatupad ng mga huling habiling ni
Kapitan Tiyago siPadre Irene.
Padre Irene:Nag-iwan si Kapitan Tiyago ng kanyang ari-arian sa Kumbento ng
Santa Clara, sa papa, saarsobispo, at sa korporasyon ng mga pari. Nag-iwan
rin siya ng dalawampung piso para sa matrikula ngmahihirap at masisipag
na batang mag-aaral. Tungkol naman sa pamanang dalawampu’t limang
piso kayBasilio na ibinawi ni Kapitan Tiyago ng mga huling araw niya.
Kukunin ko na lamang ang ganitong halaga sasarili kong bulsa upang
maibigay kay Basilio.
Narrator: Kinabukasan ay nagkatipun-tipon ang mga kakilala at kaibigan ni
Kapitan Tiyago sa bahayng namatay. Napagusapan nila ang himalang nangyari
sa kaluluwa ni Kapitan Tiyago noong mga panahongnanghihingalo na siya.
* Pagsasalaysay ng Nakaraan (tapagagsalaysay): Nagpakita ang kaluluwa ni
Kapitan Tiyago na naliligo saliwanag sa mga mongha. Siya daw ay nakasuot ng
prak at ang kanyang mga pisngi ay nakaumbok dahil sa sapal ng hitso. Meron
din daw siyang dalang kuwakong panghithit at manok na pansabong.
Sinasabing iniligtas ng Diyos ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago sa dami ng
pamisa at pamana niya sa mga banal na bagay.
Narrator:Napag-usapan rin nila ang mga haka-haka tungkol sa kabilang buhay.
Pinagtalunan ni DonPrimitivo at Martin Aristorenas ang tungkol sa
pagsasabong sa langit at kung sino ang mananalo kunghahamunin ni Kapitan
Tiyago si San Pedro kung walang kamatayan ang mga ibon sa langit.
Don Primitivo: Sinuma’y hindi maaring matalo. Ang pagkatalo ay lumilikha ng
kalungkutan, walang sinumanang maaring malungkot sa langi
Martin Aristorenas: Ngunit kinakailangang may manalo. Nasa pananalo ang
sarap!
Don Primitivo: O, di sige, kapwa sila mananalo! Gano’n kasimple!
Narrator: Hindi matanggap ni Martin Aristorenas na kapwa mananalo ang mga
manok. Patuloy nanangatwiran si Don Primitivo, nagsasalita siya ng Latin
habang umiiling si Martin Aristorenas sa kanyang mgasinasabi.
Don Primitivo: Makakasala ka, kaibigang Martin, mahuhulog ka sa isang
erejia! Cave ne cadas! Hindona ako makikipagmonte sa iyo, ni hindi na tayo
magkakabakas! Magdahan-dahan ka! Quicumque non cerederit anathema, sit.
Narrator: Sa ibang pulong ng mga bisita, napag-usapan ang tungkol sa patay.
Napagtalunan angisusuot ng bangkay ni Kapitan Tiyago.
Kapitan Tinong: Damit ng Pransiskano ang dapat isuot ng bangkay. Maililigtas
nito ang bangkay ni KapitanTiyago sa apoy ng impyerno.
Mananahi: Ngunit nakita ng mga mongha na naka-parak si Kapitan Tiyago
papuntang langit. Dapat prak angsuot ng bangkay. Meron akong nakahandang
prak na aking maibebenta sa halagang tatlumpu’t dalawang piso.Binabaan ko
ang presyo ng apat na piso sapagkat naging suki ko si Kapitan Tiyago nung
buhay pa siya.
Padre Irene: Dadamitan ang bangkay ng alin mang damit na luma nito. Hindi
napupuna ng Diyos ang damit naisinusuot.
Narrator: Napakaringal ng exequias ni Kapitan Tiyago. Tatlong prayle ang
nagdiwang ng misa para salibing at ginawang katulad ng isang katangi-tanging
palabas ang mga seremonya. Maraming sinunong nakamanyang, maraming
awit na Latin. Nagbendisyon ng agua bendita. Nag-alay rin ng awit si Padre
Irene atnagkaroon ng paulit-ulit na pagtugtog ng kampana para sa patay.Tunay
na kinainggitan ni DonyaPatrocinio
ang libing ni Kapitan Tiyago. Siya ang nakalaban ni Kapitan Tiyago sa pagkam
asamabahin. Ninais rin niyang mamatay kinabukasan upang masaksihan ng
mga tao ang seremonya ng kanyang paglibing
[KABANATA 30]
SI JULI
NARRATOR: Napakarangal ng libing kay Kapitan Tiago. Habang nakaburol
ang katawan ni Kapitan Tiago sa bahay nito napabalita naman
ang pagkakahuli kay Basilio. Higit na dinamdam ang balita
tungkol kay Basilio dahil maari ipatapon o patayin ang binata.
SA TAHANAN NI KABESANG TALES:
*TOK TOK TOK*
Juli: Napadaan kayo Hermana Bali. Pasok po kayo.
Hermana Bali: Kamusta?
Juli: Mabuti naman po.
Hermana Bali: Mabuti? Hindi mo pa siguro alam ang balita ano?
Juli: Ano pong balita Hermana?
Hermana Bali: Nakulong si Basilio.
Juli: Ho-o?
Hermana Bali: Ngunit hindi ako naniniwalang sangkot si Basilio sa nakasaad
sa paskil. Tahimik at mabait na tao si Basilio kaya’t hindi niya
yun magagawa.
Juli: *hinimatay*
Hermana Bali: Juli! Diyos ko Juli! Anong nangyari sayo?
(Kinurot-kurot ni Hermana si Juli at binasa ng agua bendita)
Hermana Bali: Julli? Naririnig mo ba ako?
Juli: *umiyak* Anon ang mangyayari kay Basilio.
Hermana Bali: Buti pa ay magdasal na lamang tayo para sa kanyang
kaligtasan.
Juli: Pero…
Hermana Bali: Huwag kang mag-alala kasama mo ako. Sige na, magbihis ka
na, madali.
(Agad na nagbihis si Juli pang-alis)
Hermana Bali: Gagabihin tayo Juli.
Juli: Po? Umuwi na lang tayo. Bumalik na tayo sa nayon.
(Mahigpit na hinawakan ni Hermana ang bisig at bahagyang kinaladkad si Juli)
Hermana Bali: Hindi ba sabi ko sayo kasama mo ako kaya’t huwag kang
matakot. Wala namang gagawin sayo si Padre Camorra,
dalagang tagabukid ka lang naman.
Juli: Parang awa niyo na po Hermana Bali, pauwiin niyo na po ako.
Hermana Bali: Nauubusan na ako ng pasensya sayo Juli ha! Huwag ka ngang
hangal!
Juli: Bitawan niyo ako! *kinalas sa pagkakahawak ni Hermana Bali ang kamay
nito*
Hermana Bali: Wala kang galang! Sige, pabayaan mong ipatapon si Basilio o
ipabaril sa daan!
(Naiyak na lamang si Juli dahil sa inis, wala siyang magagawa kaya’t sumunod
na lamang siya sa matandang babae)
[KABANATA 31]
Ang mataas na kawani
*Nag-uusap ang isang mataas na kawani at ang Kapitan Heneral
Narrator: Totoo ang sinasabi na nakalaya na ang mga mag-aaral. Gaya ng
inaasahan siguro ng lahat, siMakaraig ang unang nakalabas samantala’y si
Isagani ang huli. Ngunit mas malubha pa sa huling nakalabas, ayang
kaawaawang si Basilio, na nanatiling nakapiit.
Kapitan Heneral: Si Basilio daw ay isang estudyante at alipin! Huwag siyang
pakawalan!Mataas na Kawani: Paumanhin po Kapitan, pero isa raw po siyang
estudyante na nag-aaral ng medisina atmabuting mag-aaral batay sa kanyang
mga guro. Kailangan niya nalang ng isang taon na pag-aaral at patapos nasiya.
Sayang naman po.
Kapitan Heneral: ‘Di mas mabuti na mapanatili siyang nakakulong. Mas mabuti
ngang madagdagan ng isangtaon para maging mas mahusay siyang doktor. At
para hindi masabihin ng iba na wala akong pakialam para sa bansa!
Mataas na Kawani: Pero siya ang pinaka innocente sa lahat! At ang hawak
niyang mga libro ay para samedisina na sinulat ng mga Kastila. At wala siya sa
kainan at wala siyang ginawa.
Kapitan Heneral: Ito ay mas mabuti pa! Para ang parusa niya ay makakatakot
sa iba! Ganyan ang dapat na pamamahala! Isakripisyo ang isa para sa
ikabubuti ng lahat. Sa hakbang ko na ito, itinatama ko ang mali ngating mga
opisyal at iba pa
Mataas na Kawani:
Pero Kapitan, hindi ka ba natatatkot na sisihin
apitan heneral:
Bakit ako matatakot? Hindi ba’t ako’y may kapangyrihan? Hindi ako pwedeng
dalhin sakorte ng isang-alipin. Ang pinaka importante sa akin ay ang aking
konsensya at wala akong pake kung ano anginiisip ng iba.
Mataas na Kawani: Oo Kapitan ngunit ang bansa?
Kapitan Heneral: Psh! May responsibilidad ba ko sa bansa? May utang na loob
ba ako sa bansa para sa aking posisyon?
Mataas na Kawani: Hindi po ito importante. Nandiyan ka dahitl sa Espanya
kaya’t mas lalong bigyan mo nangmabuting pagtrato ang mga Pilipino para
hindi sila magalit sa Espanya. Pinangako ninyo noong dumating kayodito na
mamahala ng tama at mabuti.
Kapitan Heneral: Ano pa ba ang aking ginawa? Tinuturuan mo ba ako kung
paano gawin ang aking trabaho?Kung hindi mo ako naiintindihan, ako ba ang
dapat sisihin?
Mataas na Kawani: Wala po akong sinasabing ganon. Ayaw ko mawala sa
Espanya ang bansang sinasakupannito na puno ng mga taong masunurin at
matiisin. Ayaw ko maging masama na tao dahil sa pasasamantala sakanila.
Ayaw ko rin masabi kailanman, na bagaman hindi na ginagawa ang pagbibili
ng mga alipin, ay patuloy pa rin ang Espanya sa paggawa nito. Ang Espanya ay
hindi kailangang maging mapaniil upang maging dakila!Mas dakila pa ito
noong wala pa tayong sinasakupan na bansa. Patawad po kapitan pero
pinaglalaruan po natinang kalayaan at buhay ng mga Pilipino. Kapag hindi
magbabago ito ay siguradong maghihimagsik sila balangaraw. Pinapanigan ko
ang mga Pilipino kapag sila’y naapi, kaysa magtagumpay kapanig ng isang
bansa na anghangarin ay ikasasama lamang sa sarili, kahit ang bansang iyon
ay Espanya.
Kapitan Heneral: Alam mo ba kung kailan aalis ang susunod na barkong pang-
koreo?
*Nagbitiw na sa tungkulin ang Mataas na Kawani at bumalik sa Espanya
Mataas na Kawani : Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo, aalahanin
ninyo na sa Espanya ay may mga pusong tumibok nang dahil sa inyo at
nagtanggol sa inyong karapatan!
Kutsero: Sino po?
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 32]
Mga Ibinunga ng Paskin
Ipinapakita ang isang lalaking mag-aaral na nagbabasa ng isang liham na
galing sa kanyang ina
Ina: Minamahal kong anak, pakiusap, umuwi ka nalang at tulungan mo ang
itay sa pagsasaka. Galing samina mahal mong ina. *dub
Malungkot na binitawan ng lalaking magaaral ang liham at lumakad papalayo
Guro: Ito na ang iyong mga resulta sa inyong nagawang pagsusulit at sabay na
kinuha ng mga estudyante ang kanilang mga papel na nagdulot ng iba't-ibang
mga reaksyon samga magaaral.
Pecson: Kasi naman eh… hay naku! … Hindi, okay lang yan!
Si Tadeo naman ay masayang-masaya habang sinusunog ang kanyang mga
libro.
Tadeo: Sa wakas! Nandito na rin ang walang katapusang bakasyon!
Malungkot na naglalagkad si Juanito na nakakuba
Juanito Pelaez: Paano na ito, mapipilitan na ako na sumama sa tatay sa
kanyang pangangalakal
Si Macaraig naman ay pasikretong sinabi na…
Macaraig: Pupunta akong Europa
Isagani at Sandoval: Hay! Salamat! Nakapasa tayo! Ipapakita si Basilio na nasa
kulungan
Basilio: Ang lungkot-lungkot naman rito…
Ang mga guardya sibil ay pinipilit na itanong at saktan si BasilioSa kulungan
Sinong : Ginoo, mayroon po akong dalang bagong balita
Basilio: Ano yun Sinong?
Sinong: Balita po galing sa Tiyani
Basilio: Tungkol saan?
Sinong: Tungkol po sa mga mahal ninyo
Basilio: Sino?
Sinong: Sina Juli at Tandang Selo po
Basilio: Anong nangyari sa kanila?
Sinong: Si Tandang Selo po’y nawawala
Basilio: Ano?! Kailan pa? Anong nangyari?! Si Juli?!?!?!
Sinong: Si Juli po…
Basilio: Ano?!
Sinong: Si Juli po ay… patay na
Basilio: Ano?!?!?! Bakit?! Anong nangyari?!?! Paano?!?
Ben Zayb: Ano kaya ang dapat kong isulat na balita? Hmmm… aha! Alam ko
na! ang paggaling ni Simoun!
*Nagsimula magsulat sa papel at huminto sa pagsusulat upang magisip
Hmmm… totoo kaya ang mga sabi-sabing si Simoun ay magbibigay ng isang
malaking piging bilang pasasalamat sa kanyang paggaling at pamamaalam na
rin daw sa bayang magpalago sa kanyang kayamanan…kung sabagay, dahil
aalis na siya kasama ng kapitan heneral, maaaring may katotohanan nga ang
balitang ito...
Paulita: Hindi na maaaring ipagpatuloy namin ni Isagani ang relasyong ito.
Hindi matatawaran ang pagkakamali niya. Nabilanggo siya. Hindi ko kayang
umibig sa isang lalaking mali ang pagkakakilala salipunan at sinisisi ng lahat
*Lumabas si Juanito Pelaez at kinausap ang sarili
Juanito Pelaez: Ito na ang pagkakataon ko na mapaibig si Paulita sa akin.
*Pagdating ni Paulita
Juanito: Paulita! Paulita! Sana ay mapakinggan mo muna ang aking hiling.
Ako ay matalino, maliksi, masayahain at anak ng isang mayaman na
mangangalakal. Mas makabubuti para sa iyo kung ako ang pakasalan mo.
Paulita: Kung sabagay, mas komportable nga ang magiging buhay ko kung ikaw
ang pakakasalan ko
Juanito: Kalimutan mo na ang Indiong si Isagani. Ako na ang mahalin mo
Paulita: Oo, Ikaw nga ang mas nababagay sa akin.
*Maraming mga tao sa kalsada na masiglang nakikipag-usap sa isa’t- isa
Ale 1: Narinig n’yo ba ang tungkol sa salu-salong ibibigay ni Don Timoteo
Pelaez sa kasal ng anak niya?
Ale 2: Ang swerte naman niya, nakuha ang bahay ni Kap.Tiyago, kasosyo pa si
Simoun sa negosyo at ngayonikakasal ang anak sa isang maganda at
mayamang babae.
Ale 3: Ang sabi-sabi, napakaengrande daw ng mangyayaring pagsasalo
Lalaki 1: At ang Kapitan Heneral daw ang magiging ninong. Sigurado akong si
Simoun ang taong nag-aayosnit
Ale 2: Kailan ba mangyayari ang kasal nila?
Ale 1: dalawang araw bago umalis ang kanyang kamahalan.
Lalaki 1: Si Simoun raw ay magreregalo ng mga brilyante at perlas sa ikakasal
Lalaki 2: Bakit naman napakagrande ng regalo niya?
Lalaki 1: Ito raw ang paraan niya na gulatin ang mga tao sa kanyang
pamamaalam. Wala na namang natira para sa kanya dito sa Pilipinas.
Lalaki 2: Sana, maimbitahan ako sa kasal na ito
Ale 1: Pinipiliit ko na nga ang asawa ko na bumili ng bakal at zinc para
kaibiganin si Don Timoteo Pelaez
Ale 2: Tama ka diyan. Hindi maaaring hindi makasama sa okasyong ito!
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 33]
Ang Huling Matuwid
NARRATOR: Si Basilio ay nanatili sa kulungan at tuwing ikatatlong araw ay
sumasailalim siya sa pagsisiyasat at pagtatanong ng iba’t ibang
tao. Makaraan ang ilang linggo, buwan ng Abril napabalitang
ikakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez. Pagkaraan ng
buwan ng Abril ay tuluyan nang naglaho ang mga pangamba at
naging abala ang mga tao sa nalalapit na pagdiriwang para sa
kasal nina Paulita at Juanito.
SA LOOB NG BILANGGUAN:
Guwardiya Civil:Basilio! Laya ka na. May naghihintay sayo sa labas.
(Umalis sa loob ng selda si Basilio at kinausap ng taong hindi niya kilala)
Tao ni Simoun: Sumunod kayo sa akin, hinihintay tayo ni Maestro.
Basilio: Maestro? Sinong Maestro.
Tao ni Simoun:*smile* Makikilala mo siya kapag sumama ka sa akin.
(Walang nagawa si Basilio kundi ang sumunod sa lalaki)
***
SA TAHANAN NI SIMOUN:
Tao ni Simoun: Narito na po kami, Maestro.
Simoun: Iwan mo muna kami.
(Agad umalis ang utusan at pumasok ng silid si Simoun)
Basilio: Ginoong…. Simoun?
Simoun: Basilio, mabuti at laya ka na.
Basilio: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid, kinalimutan
kong sila’y pinaslang kaya ako pinarusahan ng Diyos. Ginoong
Simoun, nakahanda na akong maghiganti at bigyang katarungan ang
kanilang pagkamatay.
Simoun: Magaling! Tama yang gagawin mo. Halika sumunod ka sa akin.
(Sumunod si Basilio kay Simoun sa loob ng kanyang laboratory)
Basilio: Pampasabog!
Simoun: Tama! Nitro-gliserina! Hahahah! Isang malaking kasiyahan ang
magaganap at sa ganap na alas nuwebe ng gabi’y ay sasabog ang
bomba. BOOM!
(Nagulat si Basilio sa sinabi ni Simoun)
Basilio: Papatayin natin silang lahat?
Simoun: Bakit? Natatakot ka ba Basilio?
Basilio: Hindi, dahil ang mundo ay walang malasakit. Bakit ko sila
pagmamalasakitan? Nagmalasakit ba sila sa akin?
Simoun: Hahahah! Yan ang gusto kong marinig sayo Basilio! Hintayin mo ako
ng alas diyes sa harapan ng simbahan ng San Sebastian. Tandaan
mong sa oras pa lamang na alas nuwebe dapat ay malayong-malayo
ka na sa Kalye Analogue.
(Kinuha ni Basilio ang baril saka ito isinuksok sa panloob na Americana)
Basilio: Hanggang mamaya!
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 34 at 35]
Ang Pagdiriwang ng Kasal ni Paulita at Ang Piging
NARRATOR: Naglakad sa ganap na ikapito ng gabi si Basilio at naalala niya
ang biliin sa kanya ni Simoun na lumayo siya sa Kalye Analogue
kung saan naroon ang dating bahay ni Kapitan Tiago. May
magaganap na kasayahan sapagkat doon idaraos ang piging ng
kasal ni Paulita at Juanito. Nakita ni Basilio na dumating ang
karwahe lulan sina Paulita at Juanito
KALYE ANALOGUE:
Basilio:Kawawang Isagani, ano na kayang nangyari sa kanya?
(Nasa harapan na ng bahay si Basilio at nakikita niya ang pagdating ng mga
panauhin.)
Basilio: Dapat ay hindi ako magkulang sa pagtitiwalang ibinigay sa akin ni
Señor Simoun. At wala akong utang na loob sa mga taong narito.
Nagpakabuti ako, ngunit anong naging kapalit? Mabuti nga’t mamatay
at magkadurog-durog kayong lahat!
(Nakita ni Basilio na bumaba na ng bahay si Simoun dahil may ilaw na nag
lampara, agad na itong sumakay sa karwahe)
Simoun: Sa Escolta magmadali ka!
(Nagmadali rin sa paglalakad papalayo sa pook si Basilio ng makita niya ang
kaibigang si Isagani na paparoon)
Basilio: Saan ka pupunta?
Isagani: Bitiwan mo ako, kailangan kong makita si Paulita sa huling sandali!
Basilio: Gusto mo bang mamatay?
Isagani: Huh? Ano bang pinagsasabi mo Basilio?
Basilio: Makinig ka sa akin, huwag ka nang tumuloy dahil sasabog ang bahay
na yan!
Isagani: Ano?....Bitawan mo ako…
Basilio: Mas makabubuting umalis na tayo sa lugar na ito..
Isagani: BITIWAN MO AKO
(Agad na napabitaw si Basilio sa kaibigan, agad napatakbo si Isagani patungo
sa dating bahay ni Kapitan Tiago)
Basilio: Isagani! *nakita na niyang nakalayo si Isagani)
Basilio: Tsk! *tumakbo na rin papalayo si Basilio sa Kalye Analogue*
***
NARRATOR: Sa loob ng bahay ni Kapitan Tiago ay may nakita silang piraso ng
papel na ang nakasukat ay Mane thecel pares, na ang ibig
sabihin ay “tapos na ang kaangyrihan mo” At ito’y nilagdaan sa
ilalim ng pangalang Crisostomo Ibarra.
SA DATING TAHANAN NI KAPITAN TIAGO:
Padre Salvi: Sino bang hangal ang naisipang maglagay ng papel na ganito rito?
Don Custodio: *nagulat* Ito’y lagda ng isang pilibuterong may sampung taon
nang namamatay ah.
(Natakakot ang lahat)
Kapitan Heneral: I-Ipagpatuloy niyo ang kasiyahan, huwag nating hayaan
sirain ito ng isang masamang biro.
(Habang nagkakagulo ang lahat, walang may nakakaalam na ninakaw na ni
Isagani ang lampara at inihagis ito sa ilog.)
Don Custodio: Hindi ba’t ang kahulugan ng Mane thecel pares, ay papatayin
tayong lahat?
Kapitan Heneral: Magmadali, itaas ang mitsa ng lampara!
Don Custudio: Nasaan na ang lampara? Nandito lang iyon kanina? Sinong
kumuha?
Kapitan Heneral: Ano? May magnanakaw? Guwardiya Civil!
Guwardiya Civil: Po, Kapitan Heneral. *salute*
Kapitan Heneral: Sabihan ang lahat ng iyong mga kasama na hanapin ang
magnanakaw ng lampara, magmadali ka!
Guwardiya Civil: Masususnod po! *salute*
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 36]
Mga kagipitan ni Ben zayb
Nagsusulat ng ukol sa nangyari sa kasalan.
Narrator: Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga
kasinungaling inilagay at ginawa. Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan
Heneral at ng katapangan ni Pader Irene sapagkat ito ay dumaan sa ilalim ng
mesa sa paghahabol sa nagnanakaw ng lampara
Ben Zayb: *nag-iisip habang nagsusulat. Makabulubuhan na kaya ito? Hmm *
nagsulat ulit.
NEXT SCENE
Nalungkot ito ng di naimprint ang kanyang lathalain
Ben Zayb: Ang mga tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit sa dalawang
libong piso at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay nagkasira-
sira ang kamay sa paggamit ng isang silya bilang pananggol.
Nakatingin lang mga tauhan ng nasabing printed shop o pag-iimprinta ng mga
balita kay Ben zayb.
Ben Zayb: Apatnapu o limampung tulisan sa paraang pataksil, I mga rebolber,
itak, eskopeta, pistol, leong nananandata, silya, mga tatal, sinugatan ang
walang kaawa-awa… sampung libong piso.
Umalis ito…
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 37]
Ang Hiwaga
SA TAHANAN NG ORENDA
Narrator: Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpipigil sa balita, ang mga
pagbabangon at mga supot ng pulbura.
Nag uusap ang lahat ng panauhin sa sala
Nakikinig lang si Isagani sa mga pinagsasabi ng mga naroon
Isagani: *nagsmirk*
Chickoy: Ayon ditto, dumating daw ang mga sibil at wala naman silang
magpagpintangan kung sino man ang gumawa ng krimen na iyon. Si Don
Timoteo at Simoun lamang daw ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon.
Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon.
Nakikinig lamang ang mga panauhin sa sinabi ni Chickoy.
Isagani: Di niyo lang alam… *umalis
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 38]
Kasawian
(Lalabas si Tales at dalawang tulisan)
Kabesang Tales: Tiyak na ditto sila dadaan. Hindi tayo dapat mabigo sa lakad
nating ito!
Tulisan1: Ngunit, nasaan na si Simoun? Diba’t kelangan ay nandito siya?
Tales: Hindi na tayo maaring umaatras pa! (humarap sa mga tulisan) Pag
tayo’y di pa kumilos ay mamatay kaagad tayo rito!
Tulisan2: May tiwala akong susunod si Simoun! [Magnonod ang iba] Halika’t
sumugod na tayo!
(Lalabas ang mga tulisan at susuntukin ang sibil; Babarilin. Lalabas ang
ibang sibil at magkakalad lahat; Maraming tulisan ang mamatay at iisa
ang nahuli; Hihilahin ng dalawang sibil ang nahuli; sinusubukan
kumawala)
Sibil 3: Sino ang namamahala sa inyo?
Tulisan: Hindi ko alam!
Sibil3: (susuntukin; hahawakan ng maayos ang tulisan) Magsalita ka kung
ayaw mo mamatay!
(Duduraan ang sibil; Magagalit ang sibil; at susuntukin muli ang tulisan)
Sibil 3: Magsalita ka! (hahawakan ang buhok)
Tulisan: (mapapa-aray) Si—Si…
(kukuha ng baril sa likod ang sibil3; manlalaki ang mata ng tulisan)
Tulisan: Simoun…
Sibil3: Ang mag-aalahas?! (gulat) Mga kawal!
[Dalawang sibil ang lalapit]
Sibil 3: Ibalita na ang mag-aalahas ang may kapana nito! Bilis!
(Lalabas ang mga sibil na tila ay nagmamadali; Haharap muli ang
Sibil3 kay Tulisan)
Sibil3: Wala na akong gamit pa sayo. (babarilin)
(Bibitawan ng mga sibil ang bangkay)
Narrator: Naging madugo ang labanan. Iilan lamang ang nakaligtas sa mga
tulisan. Si Tandang Selo ay naging tulisan na rin subalit nahuli ito at napatay
ng sarili niyang apo, si Tano. Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may
kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang
armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli
ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang
mangumpisal. Malala ang mga sugat nito ngunit ayaw nitong magpaggamot sa
ibang doctor liban na lamang kay Tiburcio de Espandaña.
--------------------oOo--------------------
[KABANATA 39]
Katapusan
NARRATOR: Nasa tahanan ni Padre Florentino si Simoun. Sugatan ito ng
dumating may dalawang araw na ang nakakalipas at humihingi
ng tulong sa Pari. Walang pagaalinlangan itong tinanggap ni
Padre Florentino. May dala itong maleta, duguan at pagod na
pagod. Ang tanging nasa isip ng pari ay wala na ang Kapitan
Heneral, wala na itong padrino kaya’t tinutugis siya ngayon ng
bagong Kapitan Heneral upang makuha ang dala-dala nitong
mga kayamanan.
SA TAHANAN NI PADRE FLORENTINO:
Donselya: Padre, ipinapatawag raw ho kayo ni Señor Simoun.
Padre Florentino: Salamat. Nasa silid ba siya?
Donselya: Opo.
(Nagtungo ng silid ni Simoun si Padre Florentino)
Padre Florentino: May dinaramdam ka ba? *agad inalalayan si Simoun na
humiga*
Simoun: Mawawala din ito.
(Nakita ni Padre Florentino na walang laman ang isang botelya ng gamot)
Padre Florentino: Diyos na mahabagin! Anong ginawa ninyo Señor Simoun?
Simoun: Wala kayong dapat na ikabahala, huli na rin naman ang lahat.
Huhulihin rin naman nila ako buhay o patay. Hindi ko ibig mahulog
sa kanilang kamay. Makinig kayo Padre Florentino, sasabihin ko sa
inyo ang aking lihim. Nalalapit na ang takdang oras.. Ughh…
Padre Florentino: May mga pangontra sa lason Ginoo…
Simoun: Huwag niyo nang sayangin ang inyong oras… ayokong mamatay na
baon ang aking lihim.
(Ibinulong ni Simoun sa pari ang kanyang lihim at nahindik ang pari sa narinig.)
Padre Florentino: Ang Diyos ay mapagpatawad Ginoo… Sa kabila ng inyong
pagkakamali ay nakita niya ang inyong paghihirap..
Simoun: Kung ganoon ay bakit niya ako pinabayaan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang pamamaraan ninyo..Pag-ibig ang tanging
tagapagligtas, Ginoo.
Simoun: Kung ganoon ay nagkamali ako…
(Ginagap ni Simoun ang kamay ng pari at masuyong pinisil)
(Aga na naghari ang katahimikan, si Simoun ay pumanaw na)
Padre Floretntino: Nasaan ang mga kabataang handang magpakasakit sa
bayan? Nasaan ang kanilang mga pangarapat kasiglahan
alang-alang sa kabutihan ng bayan? Hinihintay naming
kayo, kabataan, kayong mga walang bahid ng dungis at
karapat-dapat ng isang karangalan!
Donselya: Padre? Magsisindi na po ba ng ilawan?
Padre Florentino: Tawagin mo ang iba at magdasal.
Donselya: Ahh.. opo..*agad na umalis ang donselya*
Padre Florentino: Kaawaan nawa ang taong nagbuyo sa kanya na maging
masama.
(Kinuha ni Padre Florentino ang maleta at nagtungo sa talampas, agad na
inihagis sa karagatan ang maleta)
Padre Florentino: Manatili ka na sana sa kailaliman ng karagatan na walang
hanggan, kasama ang mga korales at perlas…. Kung dumating man ang isang
panahon na kailanganin ka sa isang dakilang mithiin, iluwa ka sana ng dagat
sa pamamagitan ng utos ng Diyos.
------------------------------------------WAKAS--------------------------------------------