You are on page 1of 5

EL FILIBUSTERISMO (Script: Kabanata: 1-20)

Kabanata 1: Sa Kubyerta

Narrator: Isang umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay hirap na hirap sa pagsalunga sa agos ng paliku-
likong ilog ng Pasig. Naghahatid ito ng maraming manlalakbay na patungo sa lalawigan ng
Laguna.Totoong mabigat ang bapor, halos mabilog tulad ng isang tabo na pinaghahanguan ng pangalan
nito. Ito ay matatawag na Daong ng Pamahalaan sapagkat niyari sa ilalim ng pamamahala ng mga
Reverendos at Ilustrisimos.

Narooron sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at maitim na buhok, mga Indio, mga
Intsik, at mga mestiso. Samantalang nasa itaas naman ng kubyerta na naliliman ng lona upang hindi
mainitan ng araw ang mga mangilan-ngilan na manlalakbay na nakasuot ng Europeo, mga prayle, at mga
opisyal na naka-upo sa mga maginhawang silyon at ang nag-iisang ginang na si Doña Victorina.

Kapitan: “Babor!”…..”Estribor!”…

Doña: “Ngunit kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na timonero?”

Kapitan: “ Sapagkat nakapababaw po roon ginang.” (sabay kindat)

Donya: “Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?”

Kapitan: “Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.”

Narrator: Ang iba namang mga kasakay ay naging abala sa paghuhuntahan ng kahit na naong paksang
pumasok sa kanilang isip upang maiwasan ang pakikipag-usap sa ginang.

Salvi: “Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham, Ben Zayb? Hayan
sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi natapos sapagkat pinintasan
ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa agham. Ayon sa pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay
ay may kahinaan, di matatag at mapanganib. Tingnan nyo ngayon, nariyan pa rin ang tulay. Hindi pa
nagigiba ng baha at lindol.”

Camorra: “Iyan, putris!. Iyan talaga ang sasabihin ko (sabay suntok sa hangin). Iyang Puente del Capricho,
ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin ko, padre salvi!.

Salvi: “Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni Padre Camorra. Ang
sama ay nasa lawa.”

Dona: “mangyari’y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.


Simoun: “Ang lunas ay napakadali. Totoong nagtataka ako kung bakit walang sinumang nakaisip nito. Ang
lunas ay napakadali at walang magugugol na kahit isang pera Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa
lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating ilog Pasig.
Makatitipid ng lupa. Mapapadali ang paglalakbay. At maiiwasan ang pagbabara ng buhangin sa ilog.

Ben: “ Isang panukalang Yankee!”

Custodio: “Ipagpaumanhin mo Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibigan, na di ka sang-ayunan.


Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon ang masisira.”

Simoun: “Pwes, sumira!”

Custodio: “ At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”

Simoun: “Hindi kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.”

Custo: “Hindi makasasapat ang mga bilanggo, G. Simoun.”’

Simoun: “Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga bata. Pagtrabahuin sila
ng tatlo, apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw sa sapilitang paggawa, Papagdalahin sila ng
sariling pagkain at kagamitan.”

Custo: “Tingnan ninyo, bago simulan ang mga sawain sa daungan, nagharap ako ng isang panukalang
orihinal, madalin gawin, makabuluhan, at matipid upang linisin ang putik at buhangin sa gulud-guluran
ng lawa. Ngunit hindi tinanggap sa dahilang hindi ito makapagbibigay….nito!”

Salvi: “Maaari bang malaman ang inyong ang inyong panukala?”

Custo: “Kung walang panganib ay ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon ay tahimik kayo……
Nakakita na ba kayo ng pato?”

Ben: “Palagay ko’y nakapamaril ng mga iyan sa lawa.”

Custo: “Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay mga itik na inaalagaan sa
Pateros at Pasig. Alam mo ba ang ipinapakain sa mga ito?”

Camorra: “ Mga suso, mga susong maliliit! Hindi mo kailangang maging Indio upang malaman yan!
Kailangan mo lang gamitin ang iyong mga mata!”

Custo: “Tama, maliliit na suso! At alam nyo ba saan nakukuha ang mga ito?...Kung matagal kang
namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong nakukuha nag mga iyon sa gulud-gulurang kahalo ng
mga buhangin.”

Camorra: “ At ang inyong panukala?”


Custo: “ Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga baying magkakanugnog at malapit sa gulud-guluran
ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita nyo kung paano magpapalalim sa gulud-guluran ng mga
buhangin ang mga itik. Sisisirin nila ang mga suso. Iyan ang panukala ko.”

Ben: “Mapapahintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol ditto? Kakaunti an gang nag-iisip sa
baying ito.”

Donya: “Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, dadami ang balut! Hu! Nakakadiri!
Bayaan na lamang ninyong matuyo ang gulud-guluran.”

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta


Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t ibang uri ng tao. May
mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong Laguna mula Maynila.
Ilan sa mga lulan ng bapor ay ang mga prayle, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya
Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor
makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio.

Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?

Basilio: Tulad ng dait, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiyago.

Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na
iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang gamot na iyan.

Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na
katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba,
Basilio?

Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)

Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit ito’y hindi
gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag
ninyong Akademya ng Wikang Kastila?

Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga mag-aaral.

Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano . Paano, mauna na ako sa
inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.

(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.)

Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?

Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun.

Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?


Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo
nakakarating sa bayan nila?

Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi naman bumibili
ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.

Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming kailangan.

Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay
naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

Kabanata 3: Mga Alamat


Custo: “ Saan ka nagtatago? Himdi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa paglalakbay!”

Simoun: “Ay, naku, marami na akong nakitang mga ilog at mga tanawin. At ngayon ang may kabuluhan na
lang sa akin ay ang mga alamat.”

Kapitan: “Ang Pasig ay may ilang alamat. Nariyan ang malapad na Batumbuhay noon bago pa man
dumating ang mga Kastila at diumano’y tinitirhan ng mga espiritu. Subalit nang mawala ang pamahiing
iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan. Mayroon pang isan alamat, ang tungkol sa
kwento ni Donya Geronima. Ikukwento ito sa inyo ni Padre Florentino.”

Flor: “Noong unang panahon ay may mag-aaral na nangakong magpapakasal sa kanyang dalagang
kababayan. Subalit ang mag-aaralk ay nakalimot at ang dalaga’y naghihintay habang lumilipas ang
panahon. Hanggang sa mabalitaan ng dalaga na naging arsobispo na ng Maynila ang kanyang hinihintay
at dahil sa ang kanyang pangako ay mahirap ng mangyari, nagpagawa ang arsobispo ng kweba para sa
kanya. Dito sya nanirahan hangga’t mamatay at ditto na rin siya inilibing.”

Ben: “Napakagandang alamat! Isusulat ko iyan! Napakasentimental!”

Simoun: “Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba’t mas mainam na inilagay ng kanyang kamahalan si
Donya Geronima sa beateryo, halimbawa gaya ng sa Sta. Clara, sa halip na bigyan siya ng isang
kweba?...Dahil hindi pagiging maginoo ang pagbibigay ng tahanang bato sa isang binigo ang pag-asa.
Higit na mabuti pa siguro kung ikulong siya sa Sta. Clara at dalawin na lamang ng paminsan-minsan. Ano
sa palagay ninyo? Kayo na humalili sa arsopbispo. Ano sa ang gagawin nyo kung mangyaring sa inyo ito
mangyari?

Salvi: “Ah Hindi ko mahahatulan na di dapat hatulan ang ugali ng arsobispo at pagsasayang lamang ng
oras ang pag-iisip sa mangyayari. Ngunit dahil sa pinag-uusapan natin ay mga alamat, hindi nyo dapat
limutin ang nauukol na milagro ni San Nicolas na pinakamaganda at pinakatotoo na marahil ay hindi pa
naririnig ni Ginoong Simoun. Tila noong unang panahon nag ilog, ganoon din ang lawa, ay pinaninirahan
ng mga malalaki at masisibang buwaya na tinataob ang mga Bangka sa pamamagitan ng pagpalo lamang
ng buntot. Isang araw, may isang demonyo na nag-anyonh buwaya ang nagpataob sa Bangka ng isang
intsik. Sa takot ng intsik, nanalangin sya kay San Nicolas. Dininig naman ng Santo ang panalangin ng intsik
at ginawang bato ang buwaya.”

Ben: “Kahanga-hanga, talagang kahanga-hangang alamat! Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, saan
dyan sa lawa napatay ang isang nagngangalang Geuvarra – Navarra – Ibarra?”

Kapitan: “Tumingin kayo roon. Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na syang masukol
ay tumalon sya mula sa Bangka at sumisid nang mahigit dalawang milya. Nang lumitaw ang kanyang ulo
ay itinataguyod siya ng mga bala hanggang sa makita nila na pumula ang tubig dahil sa dugo. Hustong
labintatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon.”

Ben: “Kung gayon ang kanyang bangkay?”

Sibyla: “Nakasama na sa kanyang ama. Hindi ba’t isa rin syang pilibustero, Padre Salvi?”

Ben: “Yan ang masasabi kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra?”(nakatawa)

Camorra: “ Lagi ko ngang nasasabi, na hindi mo maaasahang ang pilibustero ay magkakaroon ng


marangal na libing.” (habang tumatawa din)

Ben: “ Anong nangyayari sa iyo Ginoong Simoun? Huwag ninyong sabihin na kayo ay maysakit?! Kayo na
datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lamang?”

Kapitan: “Kailangan ninyong malaman, na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat maliitin. Ang
lawang ito ay higit na malakisa alin mang lawa sa Switzerland o lahat ng lawa sa Espa

You might also like