You are on page 1of 5

KABANATA- SA KUBYERTA

Isang umaga ng Disyembre, ang Bapor Tabo ay hirap na hirap sa pagsalunga


sa agos ng paliko-likong ilog Pasig. Naghahatid ito ng maraming manlalakbay
na patungo sa lalawigan ng Laguna.

Ito'y isang bapor ngunit di ganap na bapor, di nagbabago, may kapintasan,


ngunit di matuligsa. Di mapag-aalinlanganan na katutubong Pilipino ang
bapor. Ito ay matatawag na Daong ng Pamahalaan sapagkat niyari sa ilalim ng
pamamahala ng mga Reverendos (mga inordinang diyakano, pari, at obispo) at
Ilustrisimos (na tawag sa mga Obispo at arsobispo at matataas na opisyal ng
pamahalaan).

Naroon sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at may maitim na


buhok, mga Indio, mga Intsik, at nga mestiso. Samantalang ang mga nasa
itaas ng kubyerta ay mga mangilan-ngilang manlalakbay na nakasuot-
Europeo, mga prayle, at mga opisyal na nakaupo sa mga maginhawang silyon.

Si Donya Victorina ang tanging ginang na nasa pangkat ng mga Europeo, ang
makapagsasabi kung ang bapor Tabo ay sumpungin, di masunurin, at tamad

Donya Victorina: Ay! Totoong hindi maabala sa paglakad ang Tabo kung
walang mga Indio sa ilog, kung walang Indio sa Pilipinas o ni isa Mang Indio sa
mundo.

Maari itong masabi ni Donya Victorina na nakakalimutan na mga Indio ang


mga timonero, mga Indio ang mga marinero sa itaas at ibaba ng kubyerta, at
maging siya ay isang Indio kung kakaskasin ang maputing pulbos at kolorete
sa kanyang mukha at huhubaran siya ng kanyang kasuotang Europeo.

Donya Victorina: Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?

Kapitan: Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang


Napagtuonan nila ng pansin ang pagtutuwid ng paliko-likong Ilog Pasig. Si Ben
Zayb, ang manunulat na mukhang prayle ay nakikipagtalo sa isang batang
prayle na mukhang artilyero na si Padre Camorra.

Ikinayayamot naman ito ng isang may edad nang Pransiskano na payat at


mukhang may sakit na si Padre Salvi, at ng isang magandang lalaking
Dominika na si Padre Sibyla.

Padre Salvi: Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong


dalubhasa sa mga agham, Ben Zayb. Hayan sa lalawigan ang Puenta Del
Capricho. Hindi na natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga
taong dalubhasa sa agham. Ayon sa mga pinagbabatayan nilang teorya, ang
tulay ay may kahinaan, di matatag at mapanganib. Tignan ninyo ngayon.
Nariyan pa rin ang tulay.

Padre Camorra: Iyan! Iyan nga talaga ang sasabihin ko! Iyang Puente Del
Capricho, ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin
ko, Padre Salvi!

(Nangiti si Ben Zayb pero di kumibo. Pinutol din naman ni Padre Salvi ang
katahimikan)

Padre Salvi: Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran


na gaya ni Padre Camorra. Ang samà ay nasa lawa

Donya Victorina: Mangyari'y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang


ito

Simoun: Ang lunas ay napakadali

(Napatingin ang lahat kay Simoun)


Simoun: Ang lunas ay napakadali at walang magugugol kahit isang pera.

(Nanabik ang mga manunuod sa sunod niyang sasabihin)

Simoun: Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila.


Sa madaling sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating Ilog Pasig.
Makatitipid ng lupa, mapadadali ang paglalakbay, at maiiwasan ang pagtaas
ng buhangin na babara sa ilog.

(Nagtanguan sila bilang pag-sangayon maliban kay Don Custodio. Umubo siya
at hinaplos ang bigote)

Don Custodio: Ipagpaumanhin mo, Ginoong Simoun, ang iginagalang kong


kaibigan, na di ka sang-ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At
bukod pa rito, maraming nayon ang masisira.

Simoun: Pwes Sumira! At ang saliping ibabayad sa mga mangagawa? Hindi sila
kailangan bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.

Don Custodio: Hindi makasasapat ang mga bilanggo

Simoun: Kung ganon, pakilusin ang buong bayan, ang matatanda, ang mga
kabataan, at mga bata. Pagtrabahuin sila mg tatlo, apat, o limang buwan at
pagdalhin ng kanilang sariling pagkain. Sa ganyang paraan nayari ang mga
piramide, ang Lawa ng Moses, at ang Koliseo ng Roma.

Don Custodio: Ngunit, Ginoong Simoun, lilikha ng gulo ang ganyang hakbang

Simoun: Ha-Ha! Nag-alsa ba ang mga taga Ehipto? Nag alsa ba ang mga
bilanggong Hudyo? Akala ko'y may kaalaman kayo sa tungkol sa kasaysayan?
Don Custodio: Ngunit hindi mga taga Ehipto at Hudyo ang iyong
pakikitunguhan.

Padre Sibayla: Ang lupaing ito'y dati nang naghimagsik dahil sa sapilitang
paggawa.

Simoun: Malayo na ang panahon na iyon. Ang mga pulong ito ay hindi na
muling naghimagsik kahit sapilitang silang pagawain o patawan ng buwis.

Padre Sibayla: Ngunit naghimagsik na silang minsan. Ad actu ad posuvalet


ilatio, na ang ibig sabihin ay kung ano ang nangyari noon ay maaring
mangyari ngayon.

Simoun: Kabuluhan! Kabuluhan! Ang nasabi ko'y nasabi ko na. At kayo Padre
Sibyla, huwag na kayong magsalita ng inyong Latin na puro kabalbalan. Ano
ang kabuluhan ninyong mga prayle kung makapag-aalsa rin lang ang mga tao?

(Bumaba na si Simoun sa ilalim ng kubyerta)

Don Custodio: Isang Amerikano. Sa palagay ko si Simoun ang nagpahiram sa


Heneral ng perang kinailangan niya upang makuha ang tungkuling iyon sa
Pilipinas. Kaya bilang utang na loob ay pinahintulutan siya na pumunta rito at
malayang kumilos at magpalago ng negosyo. Walang utang na loob! Matapos
makuha ang mga salapi ng Indio ay ibig pa niyang. . . Hu! (Tinapos niya ito sa
pamamagitan ng makahulugang kumpas ng kamay)

Don Custodio: Nagharap na ako ng isang panukala na orihinal, madaling


gawin, makabuluhan at matipid

Ben Zayb: Maari bang malaman kung ano iyon?

Don Custodio: Pipilitin ko ang mga bayang magkakanugnog at malapit sa


gulod-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita ninyo kung
paano magpapalalim sa gulod-guluran ng buhangin ang mga itik. Sisirin nila
ang mga suso. Iyan ang panukala ko.
Donya Victorina: Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik,
darami ang balut. Nakadidiri!

You might also like