You are on page 1of 7

Kabanata 1

Kabanata 1: Sa Kubyerta
sic itur ad astra
Ganito ang landas ng mga Bituin

Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga
pasahero patungong Laguna:
Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito,
marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapitakapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor
na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo
ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong
kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.
Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik
at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan,
prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta.
Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat,
bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng
bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa.
Donya Victorina tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait
lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung
wala na lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga
timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya
rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na
damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang
asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila
sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok.
Mga Nasa Kubyerta:

Tatlong Fraile uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na
pumunta sila sa kanan
Don Custodio payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto
Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang
Maynila sapagkat siya ay nag-iisip
Simoun ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan
Heneral.
Ang Pagtatalo:
Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at
sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy
sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang
daw ito sa tibay at mapanganib.
Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi
wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas,
Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema
nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog,
na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at
sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at
mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.
Sumagot naman si Don Custodio sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking
pera diyan sa proyektong iyan.
Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay
magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong
hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa
Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng
panukala.

Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto


nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan
ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo
sa Roma.
Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung
hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon?
Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na
suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.
Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don
Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.

Kabanata I
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buod
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb,
P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.
Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang
tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.
Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil
darami ang balot na pinandidirihan niya.

Mga Tulong Sa Pag-aaral


1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniway Kastila.
2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Fili ay
may 13 taong nakapagitan.
3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamahayag.
4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas, kape o
ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang
tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.
Mga Tanong at Sagot
1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?
Tugon
a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan na may mga
taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at

indiyo.
b. Sa mabagal ngunit mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong
pamumuno sa Pilipinas.
c. Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis at marangal ngunitt makikita ang mga dumi sa likod ng
pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan
at simbahan.
d. Sa bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng
pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad.
e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong
pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang
sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin
ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at
di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang
mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.)
2. Bakit inis na inis si Donya Victorina?
Tugon
Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.
3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay
Simoun?
Tugon
a.
b.
k.
d.

Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal.


Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.
Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig.
Giginhawa ang paglalakbay.

4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio?


Tugon
a. Malaki ang gugulin
b. Maraming bayan ang kakailanganing sirain
k. Walang ibabayad sa mga manggagawa
5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito?
Tugon
a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.
b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo.
k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at
kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon kaugnay ng
pangalan ng mga paraon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na mangagawa roon.
Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon;
d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio.
6. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don Custodio, ano ang
naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta?
Tugon
a. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano.
b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw.
7. Bakit nangigilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun?
Tugon
Itoy kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba.

Dagdag na mga Tanong at Puna

1. Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan.


2. Si Don Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno sa Pilipinas.
3. Si Padre Sibyla ay pangalawang rektor ng UST.

El Filibusterismo
http://buod.elfilibusterismo.com
Kabanata 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta
Nagbubukas ang nobela sa paglalarawan ng bapor Tabo na naglalayag sa
ilog Pasig, papuntang LaLaguna isang umaga ng Disyembre. Pagmasdan
ang pagkakahalintulad ng bapor sa pamahalaan ngPilipinas noong
kapanahunan ni Jose Rizal: mayabang, mapang-api, ma-ere.Ipinakikilala
sa kabanatang ito si Donya Victorina, ang tanging babae sa grupo na
galing sa Europa. Sila aynasa ibabaw ng kubyerta (hulaan ninyo kung sino
ang mga nasa ilalim ng kubyerta). Si Donya Victorinaay mahilig magmura,
maluho, makapal ang meyk-ap, pintasera, at isang nakabwibwisit na Indio
nanagpapanggap na isang tagaEuropa sa pamamagitan ng kanyang mga wig at
pananamit.Sinasamahan siya ng kanyang mayaman at magandang
pamangkin na si Paulita Gomez. Si DonyaVictorina ay maybahay ni Don
Tiburcio de Espadaa. Iniwan siya ni Don Tiburcio pagkaraan ng
maramingtaong pagsasama bilang mag-asawa. Malamang nagtatago sa
Laguna si Don Tiburcio.Ang ibang mga tauhan sa kabanatang ito ay sina:
Don Custodio (isang opisal na konsehal), Ben Zayb(isang napakatalinong
manunulat sa kanyang sariling palagay), si Padre Irene, at ang alaherong
si Simounna may mahabang puting buhok na nakasuot ng kulay asul na
salamin.Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun, sapagkat alam ng
madla sa Maynila na naiimpluwensiyahanni Simoun ang Kapitan
Heneral.Pinag-uusapan nina Ben Zayb, Padre Camorra, at Padre Salvi
(isang Pransiskano) ang lawa at angkabagalan ng paglakbay ng kanilang
bapor.

Sumingit sa usapan si Simoun, at siyay nagpanukala ng isang radikal na


solusyon: Maghukay ng bagong
pagdadaluyan ng ilog Pasig, kahit maraming bayan ang mawawasak at ang
mga tao ay sapilitangpagtratrabahuhin nang libre (parang mga alipin).
Nakipagdebatehan sina Don Custodio at Simoun, at silay nagtalo kung
ang mga indio ay maghihimagsik
o hindi.Si Padre Sibyla (isang Dominikano) ay nag-aalala na baka
magrebolusyon ang taumbayan tulad nungdati. Binalewala ito ni Simoun
at sinabing para saan pa ba ang mga prayle kung kayang umalsa ang
mgatao.Nainis ang grupo kay Simoun. Iniwan ni Simoun ang grupo, at
si Don Custodio naman ang nagbigay ngkanyang solusyon: Kumbinsehin
ang mga taong mag-alaga ng mga itik. Kinakain ng mga itik ang mgasuso.
Huhukayin ng mga tao ang ilalim ng ilog upang makakuha sila ng mga suso
na ipapakain sa kanilangmga alagang itik.Hindi naibigan ni Donya
Victorina ang solusyon sapagkat nandidiri siya sa balut.

http://buod.elfilibusterismo.com/2011/08/el-fili-chapter-1-ondeck.html

http://www.kapitbisig.com/philippines/el-filibusterismo-ni-dr-joserizal-book-notes-summary-in-tagalog-kabanata-1-sa-ibabaw-ngkubyerta-ang-buod-ng-el-filibusterismo_93.html
http://thelifeandworksofrizal.blogspot.com/2011/04/elfilibusterismo-summary-and-analysis.html
http://en.wikipilipinas.org/index.php/El_Filibusterismo_Chapter_1_s
ummary

You might also like