You are on page 1of 12

Hulwarang Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

IKALAWANG MARKAHAN Aralin 1. El Filibusterismo Kabanata 6 - 20 Aralin 2. Ambo (Maikling Kwento) pp. 49 – 62 Tayutay pp. 63 – 66 Aralin 3. Kay Stella Zeehandelaar (Maikling Kwento) pp. 94 – 103 (Teoryang Feminismo) Aralin 4. Ito Pala ang Inyo (Dula) pp. 76 – 87 (Teoryang Sosyolohikal) Aralin 6. Pagsasalingwika pp. 275 – 282 Mungkahing Gawain: a. Sulatin - Pagsasalaysay b. Talumpatian IKATLONG TAON Aralin 1. Aanhin Ninyo ‘Yan? pp. 104 – 114 (Teoryang Eksistensyalismo) Matalinhagang Salita Aralin 2. Walang Panginoon (Maikling Kwento) pp. 165 – 179 (Teoryang Naturalismo) Aralin 3. Ang Mga Kayamanan ng Tao (Tula) pp. 267 – 274 Aralin 4. El Filibusterismo Kabanata 21 30

Kabanata 1: Sa Kubyerta sic itur ad astra Ganito ang landas ng mga Bituin Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna: - Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura. - Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta. - Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa. - Donya Victorina tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok. Mga Nasa Kubyerta:

Tatlong Fraile uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan Don Custodio payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat siya ay nag-iisip Simoun ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral. Ang Pagtatalo: Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib. Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas, Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho. Sumagot naman si Don Custodio sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa proyektong iyan. Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala. Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma. - Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon? Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa. Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.

Kabanata 2: Ibabang Kubyerta Basilio nakatatanda at nakasuot ng itim, estudyante ng Medisina , at kinikilala sa kaniyang mabuting panggagamot at kahanga-hangang pag-aalaga sa may-sakit. Isagani higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga makakata kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali, karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo. - Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano kung saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo para tumulong sa pagkumbinsi. Pondo? Magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral Propesor? Mga Filipino ang kalahati at mga Peninsular ang kalahati Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino. Pakikipag-usap ni Simoun: Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting uminom nito, ngunit

tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro ang iniinom ni Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni Isagani ay: napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo! - dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris ---si Simoun ng Kapitan Heneral Si PADRE FLORENTINO: Siya ang klerigo na tiyuhin ni Isagani Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan niya ang kanyang parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila. Kabanata 3: Mga Alamat Ich weiss nich was sol les bedeuten Dass ich so traurig bin! Hindi ko batid ang kahulugan kaya lubha kong ikinalulumbay MGA ALAMAT: 1. Donya Jeronima dati siyang kasintahan ng isang estudyante na nangakong magpapakasal sa kanya. Matagal siyang naghintay ngunit nakalimot ito kaya naman siya ay tumaba nang lubusan. Isang araw nakatanggap na lamang siya ng balita na arsobispo nap ala ang dating kasintahan at nang puntahan niya ito upang tuparin ang dating pangako, ngunit sa huli ay imposible na itong mangyari kaya naman nag-utos na lamang ang arsobispo na gumawa ng kweba para kay donya Jeronima. Sa sobrang katabaan daw nito, kailangan pang tumagilid para makapasok ito sa kweba at naging bantog din siyang engkantada, sapagkat may ugali daw itong maghagis sa ilog ng mga pinggan at kubyertos na pilak. 2. Buwaya na naging bato nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka niya at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya. 3. Alamat ng Malapad na Bato 4. Ang pagkamatay ni Ibarra Kabanata 4: Kabesang Tales * Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo kanyang asawa at 3 anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nilay wala naman itong may-ari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagamat hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na 20 o 30 piso. * Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay. * sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang. Kabanata 5: Ang Nochebuena ng Isang Kutsero Sinong ang kutsero ni Basilio na kinulata ng mga guwardiya SIbil sapagkat naiwan niya ang kanyang sedula. Mga Santo sa Prusisyon: Matusalem

Gaspar, Baltazar, Melchor San Jose Birheng nakasuot ng Divina Pastora Kabanata 6: Basilio Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman, makalipas ang kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig na tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat sa tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang banal para kay Basilio ang puntod ng kanyang ina. 13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding pagdaralita. Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nila. Hibang at tigib sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalaking nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha ng mga panggatong. Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di kilalang lalaki na nasa tabi ng bangkay ng nauna. Tinulungan siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila ng bangkay ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng kanyang ina. Matapos ay inabutan siya ng salapi at inutusang tumakas. History ni Basilio: Nilisan niya ang lugar na ito at nagtungong Maynila upang magpaalipin sa mga mayayaman upang sabay nito ay makapag-aral. Nakipagsapalaran siya sa pagpunta hindi alintana ang gutom. Dumating siya sa Maynila na nanlilimahid at may sakitnagbahay bahay siya upang ialok ang kanyng paglilingkod ngunit walang tumatanggap sa kaniya dahil nga naman isa itong paslit na probinsyanong may sakit na wala man lang alam ni isang salitang Espanyol. Nawalan siya ng pag-asa at ilang ulit siyang natuksong magpasagasa na lang sa mga karwaheng dumadaan. Isang araw, nakita niya ang karwahe nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel at dahil sa malungkot si Kapitan Tiago sa pagkakapasok ni Maria Clara sa Beateryo, tinanggap siya bilang utusan, walang upa ngunit makapag-aaral siya kailanman niya gustuhin sa San Juan de Letran. Pumasok siya sa unang taon ng pag-aaral ng Latin kahit na gusgustin at bihis dukha; pagkakita ng kanyang mga guro sa kanyang ayos, nilayuan na siya pati ng kanyang mga kaklase. Sa loob ng walong buwan ng pag-aaral, tangging ang pangalan niya lamang sa listahan ang masasabing palatandaan na parte siya ng klase sapagkat ni minsay ay hindi ito tinawag o tinanong ng guro. Pag darating ang pasko at babalik sa Sandiego si Kapitan Tiago, sinasama siya at doon niya sinasabi sa puntod ng kaniyang ina ang mga hinanakit niya at problema. Nagsikap siya at isinaulo ang lahat ng mga aralin kahit na hindi niya naiintindihan ito. Pumapasok kse noon ang mga bata sa kolehiyo hindi upang matuto kundi upang matapos ang kurso. At kung maisaulo nila ang mga aklat, wala nang maaari pang hingin kayat nakapapasa sa pagtatapos ng taon. Sa pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwang kuwit, nagtamo siya ng marking aprobado sa labis na pagkamangha ng mga tagasulit. Sa ikalawang taon niya, dahil nanalo ng malaki ang manok ni Kapitan Tiago na ipinalaga sa kanya ay binigyan siya nito ng malaking pabuya na agad naman niyang ibinili ng sapatos at sombrerong fieltro. Nabago ng bahagya ang kanyang palad pagtuntong niya sa ikatlong taon; Naging gurop niya ang isang dominikong masayahin, palabiro at mapagpatawa sa mga mag-aaral, may katamaran sapagkat sa ilang kinalulugdang mga mag-aaral niya ipinauubaya ang mga aralin. Isang araw napag tripan siya ng guro (sapagkat sa isip nito ay may pagka-kulangkulang si Basilio kayat tinangka niyang patunayan ito as pamamagitan ng pagtatanong dito tungkol sa aralin). Ang problema nga lang nasagot ito ni basilio nang walang pagkakamali kaya binansagan siyang loro ng guro, at nagbigay pa ng patawa sa klase at nagtanong pa ulit kay Basilio upang patunayan na maaliw nga sila. Mabuti na lamang at marunong na noon si Basilio ng Kastila kayat sumagot ito na hayag ang hangaring hindi magpapaphalakhak sa kahit sino. Dahil dito, hindi na siya tinawag pang muli. Noong ikaapat na niyang taon, naipasa parin niya ang Latin kahit na natukso itong isuko na ang pag-aaral May isang guro doon na itinuturing bilang pantas, dakilang makata, at may maunlad na pagkukuro. Isang araw na kasamang namamasyal ang mga mag-aaral, napaaway ito sa ilang kadete na humantong sa isang labo labo at hamunan. Sa pagkakataong ito, sinabi ng guro na ang mga sasali sa sagupaan sa darating na linggo na iyon ay bibigyan niya ng mga matataas na marka, at napatanggi si Basilio sa isa sa mga labanan na iyon. Dahil dito at sa kanyang pagsisikap nagtamo siya ng grading sobresaliente na may kasama pang medalya noong taong din yon. Sa nakitang ito, inudyukan siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal na nasa tugatog ng katanyagan noon. Tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa gitnan ng kasiyahan ng kanyang mga propesor, ipinagmalaki sya ng mga ito at inanyayahan pang daanin sa isang pagsusulit si basilio ng mga huradong Dominiko Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito bago ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipinas kaya naman pumayag na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na nakakapagtistis na si basilio ng mga bangkay kayat magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ng kanyang panabong na manok ( dugo ng Intsik na namatay sa sipili). Ipinagpatuloy ni Basilio ang kanyang pag-aaral at sa ikatlong taon ay nakapanggagamot na, kaya naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis ng marangal at upang makapag-impok ng kahit papaano. Huling taon na niya ngayon at dalawang buwan na lang ay magiging ganap na doctor na siya. Pakakasalan niya si Juli at siya rin ang magbibigay ng speech sa kanyang graduation

Kabanata 7: Simoun Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil

alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha. Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simounnapagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra. Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak. History of Simoun: Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa ibat ibang part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito. Kabanata 8: Maligayang Pasko Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya. Kabanata 9: Ang mga Pilato Naipatalo ang kaso ng asundo na isinampa ni Tales Laging pinagdadasal ni Hermana Penchang si Juli at pinag nonobena Lumuwas si Basilio ng Maynila para tubusin si Juli Kabanata 10: Karangyaan at Karalitaan -Hiniling ni Simoun na makituloy siya kina Tales upang doon maganap ang bentahan ng mga alahas niya. Kapitan Basilio, Sinang, Hermana Penchang mga bisita noong gabi na namimili sa samut saring mga alahas na ipinapakita ni Simoun. - Sumulat si Tales: Kinuha niya ang rebolber ni Simoun at ipinalit ang relikaryo ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio kay Juli. Sumali na ito sa mga tulisan at namundok -Dumating ang mga guwardiya sibil at dahil wala si Tales (Telesforo Juan de Dios) si Tandang Selo ang dinakip Kinagabihan, natagpuang patay ang asenderong fraile at ang bagong kasama, basag ang bungo at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman, natagpuang patay ang asawa ng kasama na ginilitan ng leeg at may lupa rin sa bibig. Sa papel na tabi nito may pangalang Tales na isinulat sa dugo na matatagpuan. Kabanata 11: Los Banos -Nangangaso ang Kapitan Heneral ngunit wala namang dumaraang hayop kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay upang makapag pahinga at gumawa ng trabaho. -naglalaro sila ng baraha, sina Padre Irene, Padre Sybila at ang kapitan heneral, nagpapatalo naman ang mga fraile. - Panukala ukol sa armas: Pahintulutan ang pagbili ng lahat ng hindi sais milimetrong armas de salon Titser sa Tiani: mareklamo daw ito at dapat suspendihin. Lahat daw ng hihingi ng tulong ay sususpendihin sabi ng kapitan heneral. -Proyekto ni Don Custodio: magkakaroon ng mga eskwelahan nang hindi gumagastos ng isang kusing ang pamahalaan kung gagamiting mga eskwelahan ang mga sabungan kahit lamagn Lunes hanggang Biyernes. Akademiya sa Wikang Kastila: sinabi ni Padre Sibyla na isa raw itong rebolusyon sa selyadong papel na ipinagtanggol naman ni Padre Fernandez (guro ni Isagani) at ni Padre Irene. Lumabas ang mga pangalan nila Makaraig, Isagani at Basilio sa usaping ito. - Padre Camorra: Hindi daw dapat matuto ang mga indio ng Kastila sapagkat pag marunong na sila makikipagtalo na ito sa kanila. Dapat lamang sa mga Indio ay sumunod at magbayad. Hindi sila dapat makialam sa interpretasyon ng kung ano ang sinasabi ng mga batas at mga libro. Nalaman ni Padre Camorra ang ginawang pag petisyon ni Juli para sa paglaya ni tandang selo at tinulungan ito. Kabanata 12: Placido Penitente -Mga taga Ateneo mabibilis lumakad, may hawak na aklat at kuwaderno, abala at iniiisip ang kani-kanilang mga leksyon, nakadamit ng parang europeo ang ilan. -Letranista nakadamit Filipino at higit na kaunti ang dalang aklat -Juanito Pelaez kaklase ni Placido na anak ng isang mestisong Espanyol na negosyante. Kaibigan ni Padre Camorra at kasama nitong nangharana noong bakasyon. -Dumating ang karwahe ni Paulita Gomez, lahat ay natulala at nakatingin at namumutla si Isagani. -Tadeo bagamat lakwatsero at mahilig magpalusot na may sakit o di kayay may gagawin para hindi lamang maka pasok sa klase ay pumapasa at sinasabing mahal ng mga propesor - Nahuli si Placido sa klase at nagdabog pa sa pagpasok kaya naman sinabi ng guro na magbabayad ito. Kabanata 13: Klase sa Pisika

- Padre Millon guro ni Placido noong umagang iyon; pinakakabisa ang lahat ng nsa libro. -May natutulog sa klase na nahuli ng guro kaya naman inulan ito ng tanong at noong minsay sumabat si Juanito, napasa ito sa kanya at humingi ng tulong kay Placido. Nahuli ni Padre Millon na tinutulungan ni Placido si Juanito kaya naman ito ang tinanong ng tinanong. Sa huli ay napuno na si Placido at sinabing walang karapatan ang pari na magsalita ng ganoon. Wala daw itong karapatang mang alipusta ng kapwa at bigla na lang umalis ito ng klase. Kabanata 14: Isang Bahay ng mg Estudyante -Ito ang bahay ni Makaraig: malaki, maluwang at may dalawang palapag na entresuwelong may mga eleganteng rehas. -Pinag-uusapan nila yung naging resulta nang petisyon nila kung nanalo ba si Padre Sibyla o si Padre Irene sa pagkuha ng panig ng kapitan heneral - Pecson pesimistiko; isang tabatsoy na may tawang sinluwag ng isang bungonagsasalita tungkol sa panlabas na impluwensya kung nasangguni nab a kay Obispo A, Padre B etc. -Sandoval peninsular at liberal; Nirerespeto ang mga Fraile at ang kapitan heneral -Iniwan sa Comision Superior de Instuccion Primaria ang petisyon nila na pamumunuan ni Don Custodio -Mga paraaan ng pagkumbinsi: ang bailarinang si Pepay o ang abogadong si Senyor Pasta (may burdadora). Pupuntahan daw muna ni Isagani itong si Senyor Pasta bago gawin ang Plan B. Kabanata 15: Si Senyor Pasta - Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang kanilang sitwasyon at ang naging reaksyon nito ay mapanganib daw ang ganyang uri ng mga petisyon, mas mabuting hayaan daw na gobyerno ang kumilos. Kabanata 16: Mga Hapis ng Isang Tsino - Naghahangad na magtatag ng isang konsulado para sa mga Intsik si Quiroga kaya naman nagdaos ito ng hapunan sa itaas ng kaniyang malaking bazaar sa Kalye Escolta. -Pumayag ito sa kasunduan nila ni Simoun sapagkat sa dami ng utang nito, kapag pumayag siya sa gusto ni Simoun, ang 9,000 piso na utang nito ay magiging 7,000 na lang. Papayag lamang siya na ilagay sa bodega ang mga armas na kakailanganin ni Simoun. Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo -Tuwang tuwa si Padre Camorra sa dami ng mga nag gagandahang mga babae kaya naman nakukurot na niya si Ben Zayb. Dumating si Paulita kasama si Donya Victorina. Nababalisa si Isagani sa dami ng nakatingin sa mga tao. Parang sa bawat pag titig ay nababawasan ang kagandahan ng kasintahan niya. -Mr Leeds may-ari ng palabas na kaibigan ni Simoun Kabanata 18: Mga Panlilinlang -Ninais na patunayan ni Ben zayb na optikal ilusyon lamang ang palabas na ulo. Sinabi niya na puro lamang ito salamin ngunit nang inspeksyunin ay walang nakita. -nagtatago si Padre Irene: nag suot ng bigote -Nagpakita si Imuthis (na nakaharap kay Padre Salvi) na isinilang daw sa panahon ng Amasis at pinatay sa panahon ng pananakop ng mga Persas. ( similar ang kwento kay Ibarra kaya naman nasindak si Padre Salvi at nahibang sa takot. Kinabukasan umalis na ng bansa si Mr Leeds patungong Hong Kong Kabanata 19: Ang Mitsa -Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay Placido at nagmamaka awa na bumalik ito sa unibersidad. - Yung dating Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura -Sinabi na ni Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa rebolusyon. Kabanata 20: Ang Ponente -Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo kilalang Buena Tinta ( Mapagkakatiwalaan ang sasabihin) - Kilala sa mga ideya nito: tulad na lamang ng panukala nito sa Maynila na gumamit na ilawang de gaas kapalit ng ilawang langis ng niyog. Dahil dito, namatay ang industriya ng niyog at kung may kumita man, isang konsehal lamang ito. Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang Les Cloches de Corneville. Ika-pito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kayat pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa entrada general ay may mahabang pila ng mga tao na nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at batian. Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at kulot sa dulo na wariy buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong hongo de arte. Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila isang pulubi. Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang kabaligtaran ni

Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ngt lebitang maluwang at napakahaba ngunit ang kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng marinero, may balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at pagbabalita ng mga palabas. Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mga naggagandahang babae sa pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga opisyal ng hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa Paris, mga lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses. Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb na nangangatal sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa kanyang pagbabasa ng salitang Pranses. Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro. Nakita niya rito ang isang pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang ang hudyat ay isang putok ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang. Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kayat hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo. Kabanata 22: Ang Palabas Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makakita. Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral. Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa ayuntamiento. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doa Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas. Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily. Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan. Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doa Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at maginoo. Kabanata 23: Isang Bangkay Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na nooy lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan. Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis. Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan. Kabanata 24: Mga Pangarap Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez. Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at si Paulita ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap. Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isat isa. Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doa Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez. Sa una, dahil sa kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa mga pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni

Doa Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si paulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si Juanito. Kabanata 25: Tawanan at Iyakan Ang mga kabataan ay nagtipon sa Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Dito ay nagkakatawanan sila at nagbibiruan ngunit halatang pilit sapagkat sila rin ay kinabakabahan sa maaaring maging katugunan ni Don Custodio sa kanilang hiling. Sa pangalawang pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo ay marami raw lihim na nalalaman.. May mga handang pagkain dito at ang mga ito ay inialay nila sa mga ilang taong kilala. Ang pansit lanlang ay inialay nila kay Don Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay maraming sahog. Ang ikalaw ay ang lumpiang intsik na inialay nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si Padre Irene ay hindi raw kumakain ng ilong ng baboy. Ang ikatlo ay ang tortang alimango na inialay naman nila sa nga prayle dahil daw sa kanilang pagka-alimango. Ang huli ay ang pansit gisado na inialay nila sa pamahalaan at bayan ng Pilipinas. Nararapat lamang daw na ito ay sa Pilipinas ipatungkol sapagkat hindi raw kilala sa Tsina ni sa Hapon ang pansit. Ang ilan ay nagmungkahi na ialay ito kay Quiroga na nagnanais magtatag ng konsul. Ang ilan ay nais itong ialay sa Eminencia Negra, na siya naming si Simoun. Dahil dito, ang mga kabataan ay nagkagulo kayat inatasan ni Macaraig si Tadeo na magtalumpati. Tinutulan naman ni Sandoval ang talumpati ni Tadeo sapagkat ito raw ay halaw sa talumpati ng Puno ng kanilang Liceo ngunit nagpatuloy parin si Tadeo. Nabanggit rin dito ni Pecson ang tungkol sa mga prayle na kung saan, ito raw ay kasa-kasama natin mula pagkabuhay hanggang pagkamatay sapagkat lahat daw ay pinamumunuan at pinanghahawakan nila. Sa huli, ay nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing ito raw ay ang tauhan ng Vice-Rector.

Dekada 70

Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae. Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari. Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar. Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."

Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran: "Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipagusap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa! At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'nTutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api? Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din." Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada. Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan. Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon. Sa mga panahong gaya ng dekada 70na dekada ng pagkamulat at pakikibakanatutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago. Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."

Uri ng Tayutay

Mga Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (simile) Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salitat pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anakiy, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Halimbawa: Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Pagwawangis (Metaphor) Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Halimbawa: Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Pagtatao (Personification) Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

4. Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole) Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Halimbawa:

Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

5. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. Halimbawa: Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.

6. Panghihimig o Onomatopeya Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. Halimbawa: Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.

7. Panawagan (Apostrophe) Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. Halimbawa: Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

8. Pag-uyam (sarcasm) Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Halimbawa: Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.

9. Paglilipat-wika o Transferred Epithet Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Patay tayo diyan.

10. Pagpapalit-tawag (Metonymy) Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Halimbawa: Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

You might also like