You are on page 1of 2

Kabanata 1: Ang Kubyerta

Hirap na hirap na naglalayag ang Bapor Tabo sa llog Pasig. Umaga ito ng Disembre.
Patungo ang Tabo sa lalawigan ng Laguna. Ang bapor ay hugis tabo na napahiran ng pinturang
puti upang itago ang dumi nito sa loob. Mabigat, mabagal at mausok na rin ang pag-andar nito,
at tila nagpapapansin kapag bumubulahaw ang silbato.

Nahahati naman sa dalawang kubyerta ang bapor: ang itaas at ang ibaba. Nasa itaas
ang mga mga pasaherong nakadamit Europeo, ang mayayaman, prayle, at empleyado. Nasa
ibabang kubyerta naman ang mga Tsino, Indio, at ilang mestiso. Tunay ngang Pilipino ang
bapor na ito, maituturing na barko ng estado!

Lulan ng Bapor Tabo sa itaas na kubyerta ang matalinong si Don Custodio, ang
manunulat na si Ben Zayb, tatlong prayle, ang maluhong si Donya Victorina, ang Kapitan ng
bapor, at ang makapangyarihang alahero na si Simoun.

Dahil sa bagal ng galaw ng bapor, at sa dalas na pagliko-liko nito, napag-usapan ang


pagpapalalim sa ilog Pasig. Ani ni Simoun, na kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral: "Gumawa
ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Ibig sabihin, lilikha
ng bagong ilog. Bibilis pa ang paglalakbay." Nagkaroon ng pagtatalo tuloy sa paksang ito.

"Napakalaking gastos nito, Senyor Simoun. Kakailanganin pang sirain ang ilang
poblasyon," sabat ni Don Custodio.

"Sirain, kung ganoon," tugon ni Simoun, "pagtrabahuhin ang mga preso para wala nang
babayarang trabahador."

"Kukulangin pa rin ang mga gagawa."

"Kung ganoon, pagtrabahuhin ang lahat, kahit matatanda at mga bata. Utusan ding
magdala sila ng baon, para wala na kayong pakakainin."

"Pero, Senyor Simoun, ang ganyang panukala ay magdudulot ng kaguluhan.”


"Nag-alsa ba ang mga taga-Ehipsiyo nang sapilitan silang pinagtrabaho? Hindi
maghihimagsik ang bayang ito, Don Custodio. Patutunayan ito ng kasama nating sì Padre Salvi.
Di nga ba, Padre?"

Tumango si Padre Salvi.

Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng pato dahil kakainin ng mga pato ang mga
suso sa gilid ng ilog kaya ito na mismo ang magpapalalim sa ilog. Ayaw ni Donya Victorina na
matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.

You might also like