You are on page 1of 5

KABANATA 1:

IBABAW NG KUBYERTA
Sa Kabanata 1 (Isang Pagtitipon) ng Noli Me Tangere
ay nagawa ni Rizal na ipunin ang ilang mga mahalagang
tauhan ng nobela sa unang kabanata pa lamang at
matalakay ng pahapyaw ang basehang suliranin na iikutan
ng kaniyang nobela. Sa Kabanata 1 ng El
Filibusterismo ay inipon ni Rizal ang kaniyang magiging
pangunahing tauhan sa nobelang ito sa pamamagitan ng
isang bapor na sa mismong pagsasabi ni Rizal ay larawan
ng kolonyal na estado ng kaniyang kapanahunan. Ang
itaas ng kubyerta ay ang mga tauhan na nagtataglay ng
kapangyarihan sa kolonyal na pamahalaan at simbahan,
na rito ay ipinakita ni Rizal sa mga usapan ang mga
kapakanan/interest ng mga naghaharing uri na binalutan
naman niya ng maskara ng katatawanan upang
palambutin ang subersibong elemento ng kaniyang
paglalarawan.

Isyung Panlipunan:
Sa unang kabanata ng kanyang akda, ipinakita ni Jose
Rizal ang mabagal na pag-unlad ng pamahalaan ng
Pilipinas, ang malaking pagkakaiba ng mayayaman at
mahihirap sa lipunan, at ang mga Pilipinong itinatatwa
ang kanilang lahi na nagiging sanhi ng pagpigil sa ating
pag-unlad.

Isyung Panlipunan:
Mabagal na pag-unlad ng pamahalaan ng Pilipinas
Ang malaking pagkakaiba ng mayayaman at
mahihirap sa lipunan
Ang mga Pilipinong itinatatwa ang kanilang lahi na
nagiging sanhi ng pagpigil sa ating pag-unlad.

Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay


sa liku-likong daan ng Ilog Pasig patungong Laguna.
Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don Custodio,
Benzayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Camorra,
Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa usapan nila ang
pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang mga gawain ng
Obras del Puerto.
Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang
tuwid na daan mula pagpasok hanggang sa paglabas
ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay siyang
gagamitin upang takpan ang dating ilog.
Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-
aksaya ng malaking halagang pera.
Kung hindi sapat ay pagtatrabahuhin din ang
mamamayan ng sapilitan at walang bayad.
Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang
iminungkahi ni Simoun dahil maaari itong
magsimula ng himagsikan. Sa halip, pilitin na mag-
alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog
Pasig.
Sa gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng
susong pagkain ng pato.
Ito’y hindi rin sinang-ayunan ni Donya Victorina
dahil dadami ang balot na pinandidirihan niya.

MGA TAUHAN:

Simoun:
napakayamang mag-aalahas at tagapayo ng kapitan
heneral.

Ben Zayb:
isang manunulat na naniniwalang sa Maynila ay siya
lamang ang nag-iisip.
Don Custodio:
sa kasaysayan ay di marunong mapagod, mahimbing sa
pagtulog at nasisiyahan sa kanyang mga panukala.

Padre Irene:
namumukod sa mga pari dahil sa kanyang mukhang
namumula, mabuti ang pagkakaahit at may magandang
ilong na hugis hudyo.

Padre Salvi:
Isang paring pransiskano na pinakikinggan at iginagalang
ng iba pa niyang kasamahang prayle.

Padre Camorra:
Isang batang paring pransiskano na mahilig
makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong
bagay na maibigan.

Donya Victorina:
Ang tanging ginang na nakaupo sa pangkat ng mga
Europeo, siya ay nerbiyosa kaya nagbibitiw ng mga
panlalait sa mga kasko, sa Bangka, balsa ng niyog,
Indiyong nagsisipamangka, mga labandera, at
nagsisipagligong nakayayamot sa kanya dahil sa ingay. 
Lalakad nang mahusay ang bapor kung walang Indiyo. 
Yamot na yamot ang ginang dahil sa walang pumapansin
sa kanya.

You might also like