You are on page 1of 5

EL FILIBUSTERISMO

kabanata 1: Sa kubyerta
Narrator: Umaga ng Disyembre ng maglayag ang Bapor Tabo, patungong Laguna,
sakay ang napakaraming pasahero, habang binabagtas ang paliku-likong Ilog
Pasig. Maituturing na ngang barko ng lahing pilipino ang Bapor tabo o mas kilala
sa tawag na daong ng pamahalaan dahil pinamunuan ang mga Reverendos at
Ilustrimos. Ito’y gawa sa bakal at animo’y hugis tabo, kung saan nakuha ang
pangalan nito. Nahahati ito sa 2 bahagi, sa itaas ay ang kubyerta at dito
matatagpuan ang mga manlalakbay na nakasuot- Europeo, mga prayle at mga
kawani ng pribadong tanggapan na nananabako habang tumitingin sa tanawin.
Ang tanging babae lamang dito ay si Doña Victorina na kahalubilo ang mga
Europeo.
Doña Victorina: ( inis + taray+ pasosyal) Ang bagal naman ng bapor na ito! Hmpf!
(makakakita ng
small boats & indios) Hay! Ano ba naman ang mga maliliit na bangkang iyon?!
Mga sagabal sa daanan! Pati ang mga Indiyo! Dito pa sa ilog naliligo at naglalaba!
(inis~!) Mga perwisyo sa mundo! Umagang-umaga, sinisira na nila ang araw ko!
Mga Pesteng Indiyo!
>>mga tao nakatingin sa kanya, Doña Victorina deadma lang<<
Donya Victorina: Kapitan! (pupuntahan ang kapitan) Kapitan! Bakit sa bahaging
iyon pumupwesto ang mga hangal mong tauhan?
Kapitan: Dahil napakababaw roon, Señora (close eyes)
Donya Victorina: At bakit napakamahinahon ng takbo ng bapor na ito?! Hindi ba
pwedeng bilisan ang takbo ng makina?!
Kapitan: Sapagkat sasadsad tayo sa palayan, Señora (ituturo ang palayan through
his lips)
Narrator: Abala sa pagkukwentuhan ang mga pasahero sa kubyerta na sinadya
nila upang hindi makahalubilo si Donya Victorina, dahil sa kanyang kayabangan.
Ben Zayb: Hay nako !! Ang Ilog Pasig ay masyadong paliku-paliko! Dapat ituwid
ito! Dapat itong ituwid! Dahil dito, mabagal ang pag-usad ng bapor!
Padre Camorra: Tama! Dapat hanapan nila ng paraan para palalimin ang ilog
Pasig! Diba? Para naman bumilis ang usad ng bapor at mga sasakyang pandagat!
>>adlib, Ben Zayb & P. Camorra sigawan<<
>>P. Salvi intervenes, quiet na sila<<
Padre Salvi: May Alam ka ba tungkol sa pantas ng agham, ha? Alam mo ba kung
sino sila? (sabay smirk) May isang tulay sa Puente del Capricho na hindi natapos
dahil sa sinabi nilang mahina at marupok daw ito? (parang matalino ang dating)
Pero tingnan niyo buo parin ito hanggang ngayon kahit anong dumaan lindol at
bagyo, hindi parin ito nabubuwag!
Padre Camorra: Yan din ang nais kong sabihin! A- ang Puente del Capricho at ang
mag pantas ng agham, y-yan din ang aking sasabihin Padre Salvi.
>>Ben Zayb, tahimik lang & nakangiti; Padre Irene tahimik lang din, tumatango<<
Padre Salvi: (natutuwa) Ngunit hindi ibig sabihin ay wala kayo sa katwiran dahil
ang problema ay ang lawa (singit Doña Victorina)
Donya Victorina: (taray + pasosyal) Dahil walang maayos na lawa rito sa Pilipinas
>> nagkatinginan ang mga nag-uusap, enter simoun<<
Simoun: Madali lamang yan! At hindi ko mabatid kung bakit walang nakaisip nito!
Dapat ito simulant sa paghuhukay ng isang tuwid na kanal mula sa bunganga ng
Ilog Pasig hanggang sa labasan nito sa lagusan ng Maynila. Ang tuwid na kanal na
ito ay magsisilbing ilog at ang lupng nakuha dito ay itatambak sa luma. Hindi ka na
nagsayang ng lupa, napaikli pa ang oras ng paglakbay, Oh diba? Simple lang?
Ben Zayb: Ah! Isang planong yankee ang iyong naisip (tango lahat except for Don
Custodio)
Don Custodio: Ipagpaumanhin ninyo, Señor Simoun, ngunit hindi ako sumang –
ayon. Tila yata masyadong magastos at mapaminsala ang inyong panukala
(mayabang ang tono ng boses)
Simoun: Eh di, sumira kung kailangan! (Mahinahon ngunit nag iinsist ang dating)
Don Custodio: At saan naman kukunin ang salapaing ibabayad sa manggawa? (inis
+ yabang+ abit powerful)
Simoun: Pagtrabahuhin ang mga bilanggao at hindi sila babayaran. (nag iinsist pa
rin)
Don Custodio: Ngunit hindi sapat ang kanilang bilang, Señor simoun.
Simoun: kung kukulangin ay pagawain natin ang taong bayan, ang mga
matatanda, kabataan, bata- pagtrabahuhin sila. Sa halip na sapilitang 15 araw,
pagawain sila ng tatlo, apat, limang buwan at pagdalhin sila ng sariling pagkain at
gamit. Para ito sa bayan, diba?!
[nagulat si Don Custodio, then iterrupts]
Don Custodio: Subalit, S- Señor Simoun..
Simoun: Wag na kayong tumutol, Don Custodio, Sa ganyang paraan lamang
maisasakatuparan ang mahalagang proyekto nang walang kahit anong gastos. Sa
ganitong sistema rin naitayo ang mga tanyag na istruktura sa iba’t ibang bansa.
Gaya ng piramide, Lawa ng Maoris at ang coliseo sa Roma. Sa tingin ko ay isa itong
magandang ideya. At isa pa pumupunta tayo sa roma at sa ehipto, sinasamba ang
mga Faraon at ang pamilya Antonina. Huwag na tayong maglokohan, ang patay ay
nananatiling
patay at tanging malalakas lamang ang kinikilala.
Don Custodio: Ngunit, Señor Simoun, ang panukalang iyan ay maaring magdulot
ng kaguluhan.
Simoun: Kaguluhan? Ha!Ha!Ha! naghimagsik ba ang mga taga-ehipto kahit
minsan? Lumaban ba ang mga bilanggong Hudyo kay Tito? Ginoo, akala ko’y
marami kayong nalalaman sa kasaysayan?
Don Custodio: Hindi mga taga ehipto o mga hudyo ang kakaharapin ninyo!
[Pasok si P. Sibyla]
P. Sibyla: At ang mga taong ito ay minsan ng naghimagsik, nang obligahin silang
magbuhat ng malalaking troso para sa paggawa ng isang barko.
Simoun: Ngunit lumipas na ang mga panahon na iyo. Ha!Ha! Ang bansang ito ay
hindi maghihimagsik kahit pagawain man ng mabigat o patawan ng mataas na
buwis. Maari silang..(lingon kay P. Salvi) hindi ba’t nabanggit ninyo sa akin, Padre
salvi, ang bahay-pagamutan sa Los Baños kung saan naroon ngayon ang kanyang
kamahalan? Hindi ba’t kayo mismo ang nagsabing naitayo ang bahay pagamutan
na iyon dahil sa sapilitang pagpapagawa sa taong bayan sa pamumuno ng isang
relihiyoso at sa mando ng latigo? Maaring sa ganitong paraan din itinayo ang
Puente del Capricho, ngunit nag-aklas ba ang taong bayan? [magsasalita na sana
si P. Salvi ngunit sumingit sai Simoun]
Simoun: Hindi! Ang sinabi ay sinabi na. Kaya’t huwag na kayong bulong ng Latin,
Padre Sibyla. Para ano pa nandiyan kayong mga prayle kung mag-aaklas din lang
ang mga taong bayan? [napahiya si P. Salvi, Don Custodio, at namutla sa galit]
Don Custodio: Amerikanong Mulato! (inis + galit)
Ben Zayb: Isang indiyong ingles. Nakilala siya ng kapitan-heneral sa Havana at sa
aking palagay ay pinahiram niya ito ng pera. Dahil dito, nag babayad-utang ang
kapitan Heneral kaya’t pinahintulutan siyang makaparito at gawin ang naisin.
Magpayaman sa pagbebenta ng mga alahas na maaring hindi totoo.
Napakawalang- utang na loob na matapos perahan ang mga Indiyo! Pwe!
Don Custodio: ang mga panukalang hindi isinasangguni sa mga taong matagal
nang naninirahan dito sa Pilipinaas ay hindi magdudulot ng maganda. Isang
panukalang nangangailangang pag-ukulan ng malaking halaga.
May isang bagay akong imumungkahi sa inyo (sasabat sana si Ben Zayb but
nagpatuloy si D. Custodio) Bago ang ano pa man, may nais akong ipanukala na
mas payak, kapaki- pakinabang at para sa ikalilinis ng lawa. (Ben Zayb interrupts)
Ben Zayb: At ano naman ang proyektong ito???
Don Custodio: Nakakita na ba kayo ng itik?
Ben Zayb: Sa inyong palagay hinuhulinnamin iyon sa lawa. (naguguluhan + medyo
nagulat)
Don Custodio: Hindi, Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang tinutukoy ko ay tulad
ng inaalagaan.
Pasig at Pateros. Alam ba ninyo ang kinakain nila? (nagmamayabang)
Padre Camorra: Ngunit, ano naman ang kinalaman nito sa proyektong ito?
Don Custodio: Papag-alagain ko ng itik ang lahat ng naninirahan sa baybayin ng
lawa at makikita ninyo ang palalalimin ng mga itik ang ilog sa paghuhuli ng
makakaing suso. Ganyan ka-simple ang aking panukala.
Ben Zayb: Papahintulutan po ba ninyo akong ilathala ang kanyang panukala?
Doña Victorina: Ngunit, Don Custodio... kung ang lahat ng tao sa baybayin ng
lawa ay mag-aalaga ng itik ay dadami ng balot. Nakakadiri! Mabuti pang taburan
na lang yang lawang iyan! Hay naku! END OF KABANATA I

NARRATOR- CHERRLYN BINAS


DONA VOCTORINA- BARBIE MAURILLO
KAPITAN- JAY DAN OCAY
BEN ZAYB- ROEVANNE LlOYD MAHILOM
PADRE CAMORRA- NOEL TIMTIM
PADRE SALVI- KIAN LAGRIMAS
SIMOUN- ANGELO MORENO
DON COSTUDIO- KIM IVAN SUMAGAYSAY
PADRE SIBYLA- NASH TIGUELO
PASIG AT PATEROS- BARBIE MAURILLO & ANGELICA PETILLA
EDITOR- SHEENA MAE AXALAN

You might also like