You are on page 1of 3

El filibusterismo Script:

Narrator: Kinabukasan ay kumalat at nagkaroon ng maraming usap-usapan tungkol

sa pagkatalo at sa kakulangan ng mga bandido laban sa mga Kastila at sa buhay ni

Crisostomo ibarra na akala ng iba ay PATAY NA!

Sa Bapor Tabo

Makikita sa bapor ang hindi pantay na pagtingin sa mga mamayan. Sapagkat ito ay nahahati sa dalawang
bahagi- ang ilalim at ang ibabaw. Makikita sa ibaba ang mga Indio, mga Chino at mga Mestizo na
pawisang nagsisiksikan kasama ng mga baul at kalakal. Sa bandang itaas naman ay makikitang prenteng
nakaupo ang ilang prayle at iba pang may sinasabi sa lipunan.

Narrator: Samantala, sa kubyerta ng isang bapor na nagngangalang Bapor Tabo na inahintulad sa


pamamahala ng Kastila ay nagsasakay ng mga indiyo at Maharlika…..

Donya Victorina: Jusmiyo! Ang kupad kupad ng takbo ng bapor na ito (reklamo ng donya habang
ikinukumpas ang kanyang abaniko matapos niya rin itong sabihin ay lumapit siya sa kapitan at sinabing...)

Donya Victorina: Kapitan wala na bang itutulin ang bapor na ito? Kebagal-bagal! Ah! Ang mga salot sa
lipunang ito! Mga Indyong wala namang lugar sa pamayanang ito, nakakasira lamang sila ng paligid. Mga
basura lamang sila na kakalat-kalat sa daan (Tinig ng donya habang kinukumpas ang kanyang abaniko ng
tila walang pumapansin sa kanya ay natigil sa pag-imik at nanahimik na lang sa isang tabi. Hanggang sa...)

Ben Zayb: (Nakahawak ang isang kamay sa kanyang baba; tila nag-iisip siya) Mga ginoo at donya naisip ko
lamang na mas kailangan nating bigyang pagpapahalaga ang pag-aaral ang siyensya dahil ang mga
eksperto o mga nakapag-aral ng siyensya ang magbibigay ng pag-unlad sa ating pamayanan.

Padre Camorra: Tumahimik ka Ben Zayb! Hindi na kailangang magpunta sa eskwelahan upang magtuto
ng siyensya. Sapat na ang karanasan ng mga mamamayan upang mapaganda ang Ilog Pasig.

Ben Zayb: Nguni—


(Ang kaninang tahimik lang na si Padre Salvi ay nakisingit na rin sa usapan.)

Padre Salvi: Alam mo ba ang kung ano ang kakayahan ng mga sinasabi mong dalubhasa sa agham?
(Sasagutin na sana siya ni Ben Zayb ngunit inunahan na niya itong magsalita)...Para sabihin ko sa iyo mga
wala doing yang alam. Tingnan mo na lamang ang tulay ng Obras Del Puerte, ang sabi ng mga bihasa sa
Agham ay may kahinaan at sadyang mapanganib. Ngunit tingnan mo hanggang ngayon ay andyan pa din
ang tulay. Hindi ito natitinag ng baha man o lindol. (mapapatungo na lang sa hiya si Ben Zayb dahil alam
niyang may punto ang mga kausap niyang pari.)

Padre Camorra: Sang-ayon ako sa iminungkahi ni Padre Salvi, isa pa wala na rin atang maayos na ilog sa
kapuluang ito. Ito ang isa sa mga pinoproblema ng ating pamayanan ngayon.

Ben Zayb: Kung gayo'y kailangan nating makaisip ng solusyon upang maisantabi na ang lumalalang
suliranin na ito.

Donya Victorina: Ano namang solusyon ang dapat nating gawin?

(Bago pa man may makapagsalita sa isa sa mga grupo ay sumulpot na lang biglang si Simoun-isang mag-
aalahas.)

Simoun: Ang solusyon ay napakadali, hindi ko nga lang mawari kung bakit walang sinuman ang nakaisip
nito.

(Napatingin kay Simoun ang grupo maging si Donya Victorina ay nagulat sa presensiya nito, napataas ito
ng kilay at...)

Donya Victorina: Ano naman ang nais mong ipahiwatig ginoo? (Mataray na tanong ng donya habang
nakataas pa din ang kanyang isang kilay, kasabay nito ay ang pagkumpas sa kanyang abaniko)

Simoun: (Sumilay sa mukha nito ang isang ngisi) Naisip ko lamang na magandang rimedyo sa ating
problema kung magbubukas tayo ng panibagong ilog sa pamamamagitan ng paghukay ng mga kanal na
buhat sa bunganga ng ilog Pasig hanggang sa labasan ito ng tubig na pararaanin sa Maynila at ang
lupang mahuhukay ay itatabon sa dating ilog napaka-simple hindi ba? (Nakangiting pahayag ni Simoun
ngunit tila di sang-ayon sa kanya ang kanyang mga kasama.)

Padre Salvi: Ngunit ang salaping gagastahin sa mga manggagawa, saan tayo kukuha? Ginoong Simou---
Simoun: Hindi problema iyan, gamitin natin ang mga bilanggo bilang manggagawa. Kung di ito sapat ay
gamitin ang mga mamamayan, bata man o matanda ay pagawain. Sa ganoong paraan ay wala tayong
mawawaldas na pera.

Don Custodio: Pagsisimulan lamang iyan ng pag-aalsa ng mga tao. Mas mainam pa ang aking ideya.
Kailangan lamang mag-alaga ng mga mamamayang nakatira sa may ilog ng itik, sa ganitong paraan ay
mas lalalim ang lawa. Sapagkat kapag sumisid na ang mga itik sa ilalim ng tubig upang kumuha ng suso-
na kanilang pangunahing pagkain, ay pati burak na nasa ilalim nito ay kanilang nakakain. Ats---

Donya Victorina: Sandali! Ayoko! Hindi! Di ako sang-ayon sa iyong panukala Don Custodio. Kapag
dumami ang nag-aalaga ng itik ay dadami na rin ang balot at ayoko sa nakakadiring balot.

Simoun: Kung wala na kayong maisip na solusyon sa problemang ito ay maaari niyo namang pag-isipan
ng mabuti ang aking suwesyon, wala rin namang mawawala kung susubukan natin ito hindi ba?
(Mapapangiti ng bahagya si Simoun dahilan upang magkatinginan ang lahat na animo'y nag-uusap sila sa
kanilang mga isip...) Sana'y isipin niyo ng mabuti kung ano ang dapat at tama, mauna na ako sa inyo mga
ginoo at donya.

You might also like