You are on page 1of 5

Kabanata 1: Sa Kubyerta Isang umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay hirap na hirap sa pagsalunga sa agos ng paliku-likong ilog ng Pasig.

Naghahatid ito ng maraming manlalakbay na patungo sa lalawigan ng Laguna.Totoong mabigat ang bapor, halos mabilog tulad ng isang tabo na pinaghahanguan ng pangalan nito. Ito ay matatawag na Daong ng Pamahalaan sapagkat niyari sa ilalim ng pamamahala ng mga Reverendos at Ilustrisimos. Narooron sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at maitim na buhok, mga Indio, mga Intsik, at mga mestiso. Samantalang nasa itaas naman ng kubyerta na naliliman ng lona upang hindi mainitan ng araw ang mga mangilan-ngilan na manlalakbay na nakasuot ng Europeo, mga prayle, at mga opisyal na naka-upo sa mga maginhawang silyon at ang nag-iisang ginang na si Doa Victorina. Kapitan: Babor!..Estribor! Doa: Ngunit kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na timonero? Kapitan: Sapagkat nakapababaw po roon ginang. (sabay kindat) Donya: Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan? Kapitan: Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang. Ang iba namang mga kasakay ay naging abala sa paghuhuntahan ng kahit na naong paksang pumasok sa kanilang isip upang maiwasan ang pakikipag-usap sa ginang. Salvi: Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham, Ben Zayb? Hayan sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa agham. Ayon sa pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay ay may kahinaan, di matatag at mapanganib. Tingnan nyo ngayon, nariyan pa rin ang tulay. Hindi pa nagigiba ng baha at lindol. Camorra: Iyan, putris!. Iyan talaga ang sasabihin ko (sabay suntok sa hangin). Iyang Puente del Capricho, ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin ko, padre salvi!. Salvi: Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni Padre Camorra. Ang sama ay nasa lawa. Dona: mangyariy wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito. Simoun: Ang lunas ay napakadali. Totoong nagtataka ako kung bakit walang sinumang nakaisip nito. Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na kahit isang pera Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating ilog Pasig. Makatitipid ng lupa. Mapapadali ang paglalakbay. At maiiwasan ang pagbabara ng buhangin sa ilog. Ben: Isang panukalang Yankee!

Custodio: Ipagpaumanhin mo Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibigan, na di ka sang-ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon ang masisira. Simoun: Pwes, sumira! Custodio: At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa? Simoun: Hindi kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo. Custo: Hindi makasasapat ang mga bilanggo, G. Simoun. Simoun: Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga bata. Pagtrabahuin sila ng tatlo, apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw sa sapilitang paggawa, Papagdalahin sila ng sariling pagkain at kagamitan. Custo: Tingnan ninyo, bago simulan ang mga sawain sa daungan, nagharap ako ng isang panukalang orihinal, madalin gawin, makabuluhan, at matipid upang linisin ang putik at buhangin sa gulud-guluran ng lawa. Ngunit hindi tinanggap sa dahilang hindi ito makapagbibigay.nito! Salvi: Maaari bang malaman ang inyong ang inyong panukala? Custo: Kung walang panganib ay ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon ay tahimik kayoNakakita na ba kayo ng pato? Ben: Palagay koy nakapamaril ng mga iyan sa lawa. Custo: Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay mga itik na inaalagaan sa Pateros at Pasig. Alam mo ba ang ipinapakain sa mga ito? Camorra: Mga suso, mga susong maliliit! Hindi mo kailangang maging Indio upang malaman yan! Kailangan mo lang gamitin ang iyong mga mata! Custo: Tama, maliliit na suso! At alam nyo ba saan nakukuha ang mga ito?...Kung matagal kang namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong nakukuha nag mga iyon sa gulud-gulurang kahalo ng mga buhangin. Camorra: At ang inyong panukala? Custo: Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga baying magkakanugnog at malapit sa gulud-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita nyo kung paano magpapalalim sa gulud-guluran ng mga buhangin ang mga itik. Sisisirin nila ang mga suso. Iyan ang panukala ko. Ben: Mapapahintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol ditto? Kakaunti an gang nag-iisip sa baying ito. Donya: Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, dadami ang balut! Hu! Nakakadiri! Bayaan na lamang ninyong matuyo ang gulud-guluran.

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng ibat ibang uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay ang mga prayle, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio. Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago? Basilio: Tulad ng dait, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiyago. Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang gamot na iyan. Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio? Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama) Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit itoy hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila? Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga mag-aaral. Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sanay magtagumpay kayo sa inyong plano . Paano, mauna na ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo. (Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.) Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon? Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun. Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya? Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila? Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon. Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming kailangan. Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

Kabanata 7: Si Simoun Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa

bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego . Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng ibat ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego , lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio. Basilio: Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina? (Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking nagngangalang Crisostomo Ibarra ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Ditoy pinakiusapan siya n ito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.) Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun? (Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.) Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito? Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, at kung hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra, na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na! (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.) Simoun: Isang nakmamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil ditto ay maaari kang masawi sa aking kamay? Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun. Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti! Sa plano kong matagal ko nang pinaghandaan! Basilio: G. Simoun! Nooy hinatulan kayong filibustero at dahil dooy kayoy napakulong, muli ba ninyo itong hahayaang mangyari? Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan sa loob ng gubat na ito. Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo. Simoun: Totoong akoy naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayoy nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan! Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino. Simoun: Isang pagkakamali!Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiakng ito ang ating mga karapatan!

Ang ating mga pagkatao! Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip. Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang bese ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na akoy nasisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alanm kong ang nakataya ditto ay ang katuparan ng aking mga plano . Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabya nating isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api! Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na duktor. Simoun: at ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila? Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kayak o bang silang iapglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila. Simoun: At kung ibibigay ko sayo ang aking tulong? Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na sinag magagawa. Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid. Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking paghihiganti. Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon. Ipinagwalang bahala ko ang lahat. Ngunit, sa pagwawalang bahala na ito, ikaw pa ang masama! Ikaw pa ang kanilang kamumuhian! Basilio: Ako pa ang kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin? Simuon: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahi kahit ihayag mo itiy tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon nam, kkung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta. (Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang kinatatayuan.) Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay ang mahihina at matira na ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.

You might also like