You are on page 1of 8

FILIPINO 10

‘’aNG dI mAg l0v3 s4 0wn L4ng0age ay w0rs3 pa sa st!nkY f!sh’’

– J. RIZ, Author of ‘’Noli Me Touch Me Not Pare’’ & ‘’El Feels’’

Ginawa ni: LIL D.M BAGS

Kabanata 3: MGA ALAMAT


Narrator: Ang pagtatalo ng mga nasa ibabaw ng kubyerta ay natapos, at ngayon sila na ay
mabuting naghahalakhakan.

(aakyat si simoun/)

Padre Sibyla(DWIGHT): Saan kayo nanggaling? Hindi ninyo naabutan ang pinakamagandang
bahagi ng byahe!

Simoun(KYLE): (habang paakyat) Tsk! Nakakita na ako ng napakaraming ilog at tanawin kaya
interesado lamang ako sa mga bagay na nagbibigay ng mga alamat.

Kapitan(TYRONE): (sisingit, murag mulingi tahay) mga alamat!? Mayaman ang ilog pasig
diyan... mayroong alamat ng “malapad na bato”.

(Ang mga peeps kay murag ma curios)

Donya Vicky (SHEILA): Ikwento mo nga Kapitan at ako’y sabik nang makinig!

Kapitan (TYRONE): Ito’y tungkol sa isang bato na sinasabing sagrado dahil tahanan daw ito ng
mga espirito. Pero nawala rin ang paniniwala na banal ang bato kaya ginawa itong kanlungan
ng mga tulisan at bandido. Mula sa tuktok ng bato, madali nilang nahaharang ang mga
dumadaan. Lumipas ang panahon, nagpatuloy ang kwento tungkol sa mga tumataob na
bangka...
(mura ug na shock or whatevs ang pepol)

Kapitan (TYRONE): Mayroon pang ibang alamat... tulad ng alamat ni donya Geronima. Di ba
padre Florentino? (nitan-aw ni Florentino) Maari mo bang ilahad ito sa amin?

Padre Florentino(VINCE): Naku! (shakes head) Wag na. Alam na yan ng buong mundo...
(gitan.aw si Simoun, Ben Zayb, Padre Irene at Padre Camorra)

Simoun(KYLE): (raise eyebrow) paumanhin.. pero di po namin (nitan-aw sa uban) alam ang
alamat na yan. (kukulitin si padre florentino na ikwento na)

Padre Florentino(VINCE): (Sigh) sige na nga... dati raw may isang estudyante na nangakong
magpakasal sa isang dalaga sa kanilang nayon, ngunit nakalimutan niya ito. Dahil sa tapat ang
dalaga ay naghintay siya para sa lalaki... lumipas ang panahon at inaksaya niya ang kanyang
kabataan sa paghihintay.

Ben Zayb(LOUIE): (interesado) Anong nangyari sa lalaking nangako sa kanya?

Padre Florentino(VINCE): Ayun! (insert hand gesture). Nabalitaan na lang ng dalaga na naging
arsobispo na ang kanyang minamahal sa Maynila... dahil dito, nagdamit ng panlalaki ang babae
at pumunta sa Maynila para hanapin ang lalaki. Nagpakilala siya dito upang hinging tuparin ang
pangako niya sa kanya.

(amazed ang pepol, OA si Donya Vicky)


Padre Florentino (VINCE): (nag look down) Imposible ang hiling na ito, kaya nagpatayo ang
arsobispo ng isang kweba kung saan maninirahan ang babae. Sa kwebang ito namatay at
inilibing si Donya Geronima. Dalawang taon na ang nakalipas at nabubura na ang alaala ng
mga Indiyo sa kanya.

(murag sad atmosphere)

Ben Zayb(LOUIE): ABA! (dali kuha notebook) Isang magandang alamat yan ha? Gagawa ako
ng artikulo tungkol diyan. (nagsuwat)

(sasabat sana si Donya Victorina(gracie) ngunit naputol siya ni Simoun)


Padre Sibyla(DWIGHT): Tutal ay mga alamat ang ating pinaguusapan, tayo ay pumasok sa
lawa.

Narrator (GEA): Narating na ng bapor ang lawa, at ang mga pasahero ay manghang-
manghang nakamasid sa tubig at sa repleksyon ng bulubundukin.

Ben Zayb(JAYLORD): Siya nga pala Kapitan, alam ba ninyo kung sang bahagi ng lawa
namatay ang isang nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra? (lahat titingin sa kapitan except
Simoun na parang may hinahanap dun sa mga baybayin)

Narrator (GEA): Sa pagkarinig sa pangalang Ibarra, ang mag-aalahas na si Simoun ay


natahimik. Kaniyang isinara ang kanyang bibig na para bang natatakot na mayroong sekretong
mabunyag. (sib ern kay mu close mouth then mag look around, tas mangurog ang kamot)

Doña Victorina(SHEILA): Ay oo! Saan kapitan? Maari bang may naiwang mga bakas sa
katubigan?

(napakurap ang Kapitan, ngunit nagpakita ng pagsusumamo ang mata ng lahat,


tumingin sa baybayin)

Kapitan(TYRONE): (nanghadlok unya mo tanaw sa paligid kung naa bay laing naminaw)
Tumingin kayo roon (point), ayon sa naghanda ng pagtugis, nang mapagtanto ni Ibarra na
napapalibutan na siya ng mga guardia ay tumalon siya mula sa bangka malapit sa kinabutasan.
Pagkatapos ay lumangoy siya ng distansiyang mahigit sa dalawang milya; pinauulunan siya ng
bala sa tuwing aangat ang ulo sa paghinga. Sa mas malayo pa ay nawala na ito sa paningin ng
mga tumutugis at sa kaunti pang distansiya, malapit sa baybayin, nakita nila ang tubig na
nagkulay dugo na. Ngayon ay eksaktong labintatlong taon na ang nakalipas nang maganap
iyon.

Ben Zayb(JAKE): at ang bangkay niya?

Padre Sibyla(OTCHO): kasama ng kanyang ama, hindi ba’t isa rin siyang Pilibustero, isang
rebelde, Padre Salvi?

Ben Zayb(JAKE): Iyan ay talagang walang kwentang libing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Salvi(): (habang tumatawa) Lagi kong napapatunayang ‘yang mga rebelde ang siyang
hindi nagbabayad ng marangyang libing.

Ben Zayb(JAYLORD): (ni tan.aw ni simoun nya nakita nyang way sturya2 unya makita nmo na
deep kaayo syag gi huna huna) Ano’ng problema, Señor Simoun? Nakakaramdam ba kayo ng
pagkahilo? Kayo na isang beteranong manlalakbay, at dito pa sa ilog na ito na tulad lamang ng
isang patak ng tubig?

Kapitan(TYRONE): (huminto sa pagmamasid ng tanawin then mutan-aw ni Thomas) Kung


ganoon, hayaan ninyong sabihin ko sa inyo, hindi ba’t tinatawag mo itong isang patak ng tubig
lamang? Nagkakamali kayo sapangkat ang lawang ito ay mas malaki pa sa anumang lawa sa
Swiza at sa pinagsama-samang lawa sa Europa. Nakakita na ako ng datihang manlalakbay na
sumama ang pakiramdam dito.

Narrator: Patuloy na naglayag ang Bapor Tabo at si Senor Simoun ay nanatiling takum-bibig.
Bern (voiceover kay inner monologue tahay ni ni Simoun): Walang nakakaalam. Hindi nila
malalaman na ang Pilibusterong kanilang pinag-uusapan ay naririto sa Bapor.

KABANATA IV: Si Kabesang Tales

Narrator(GEA): Sariwa pa sa alaala ni Tandang selo ang pagkalinga niya kay Basilio bagama’t
pumuti naang kanyang buhok. Gumanda na ang kanilang pamumuhay simula nang
pagkakaingin nila sa isang lupaing walang nag-mamay-ari, kaya’t hindi na siya nangangahoy
tulad ng dati; bagkus ay abala naman siya sa paggawa ng walis.

(papasok si Tandang Selo & Juli mula sa kanilang farm then makita nga murag nag wild
si Godwin)

Tandang Selo(JIMMY): O! Anak, bakit?.. Anong nangyari? (concern nga muduol sila)
Kabesang Tales(GODWIN): (galit & inis) Paano, yang mga prayleng iyan nais nila akong
pagbayarin ng Limampung piso taun-taon imbis na tatlumpung piso na siyang
napagkasunduan... sumosobra na talaga sila!

Tandang Selo(JIMMY): Magpasensiya ka pa! Isipin mo na lang na dumating ang mga kamag-
anak ng buwaya. (tapik sa shoulders ni K. Tales)

Juli(AIRA): (malungkot) Ngunit paano na ako makakapag-aral sa Maynila? Kailan ako


magkakaroon ng magagandang damit?

Tandang Selo(JIMMY): (mutan-aw ni Juli) Hayaan mo, sa susunod na taon ay makakapagsuot


ka na rin ng mahahabang bestida at makakapagaral sa Maynila tulad ng ibang kababaihan.
(smile kunohay si Selo) (Juli nods)

Narrator(GEA): ngunit dumating ang taong iyon ngunit wala pa ring nangyayari sa pangako kay
Juli. Lalo pang tumaas ang buwis sa lupa ni Tales kaya’t napakamot na lamang siya ng ulo.

Kabesang Tales(GODWIN): Hindi maari!.. kailangan gumawa ako ng paraan, hindi sapat na
magkamot lamang ako ng ulo.. ngunit paano ko mababayaran ang dalawang-daang piso na
hinihingi nila sa akin? (pailing-iling)

(papasok si tandang selo)

Tandang Selo(JIMMY): Anak, gaya ng magpasensya ka hangga’t kaya mo... huwag kang
sumuko ng basta- basta.

Kabesang Tales(GODWIN): (malungkot) Pero itay, kukunin nila lahat ng meron tayo kapag
hindi ako nakapagbayad... at ayokong masayang lang ang pinaghirapan natin sa loob ng ilang
taon…(ma sad ug samot)

Tandang Selo(JIMMY): Ano na ang balak mong gawin?

Kabesang Tales(GODWIN): (galit at inis) Magrerebelde ako!... hindi ako magbabayad ng kahit
isang sentimo at isusuko ko lamang ang lupaing ito sa sinumang magdidilig ng sarili niyang
dugo rito!
Tandang Selo(JIMMY): (nagmamakaawa & nagaalala) ANAK! Maghunos dili ka! Iyan huwag
na huwag mong gagawin... tandaan mo na ang sinumang nanalo sa korte ay naiiwang hubad.

Kabesang Tales(GODWIN): (galit) ipinanganak tayong walang saplot sa katawan, itay! At


kapag tayo’y namatay, babalik tayo sa pagiging abo! (nag walk out)

Narrator(GEA): Hindi pa rin nagbabayad si kabesang Tales at ipinaglaban ang karapatan niya
sa lupain. Nakasalalay ang kinabukasan ng kanyang pamilya sa kasong kanyang ipinaglalaban.

Narrator(GEA): Walang sinuman ang makaimpluwensiya kay Tales na umatras sa laban.


Maging ang Gobernador ay kinausap siya upang takutin ngunit hindi siya natinag nito.

Narrator(GEA): Natalo si kabesang Tales laban sa mga prayle ngunit umapela siya sa laban
dito. Dinala niya ang kanyang baril at nagpatrulya sa paligid ng lupain.

(I show si Godwin gadag pusil mag lakaw then nay mukalit ug singgit)

(Tano kinuha ng militar)

Tano(JAYLORD): (umiiyak & hinihila ng mga militar) Itay, Tulungan niyo po ako!
(too late na si Godwin musunod)

Juli(AIRA): (mugawas sa kubo mag dagan)TANO! (iiyak & titingin kay k. Tales) Itay, anong
gagawin natin?

Narrator(GEA): Marami na ang nangyari paglipas ng ilang buwan. Pinaghinalaan ding


mamamatay tao si Kabesang Tales dahil sa pagdadala niya ng baril. Dahil dito ay ipinag-utos
ng Kapitan-Heneral na ipagbawal ang pagdadala ng baril at kukumpiskahin ang mga ito sa
sinumang magtangkang lumabag sa kautusan. Isinuko naman ni Tales ang kanyang baril ngunit
nagdala pa rin ng itak.

(show a group of men nga nay baril maduuw ni Tales then mu attack niya)
(Juli & Tandang Selo naguusap)

Juli(AIRA): (nangangamba at sumisigaw) Lolo! Si Itay dinakip ng mga tulisan! Ano na po ang
gagawin natin? Natatakot po ako!

Narrator(GEA): Ibinenta ni Julia ng lahat ng kaniyang kagamitan maliban sa laket na bigay ng


kaniyang kasintahang si Basilip upang makalikom ng perang ibabayad sa mga tulisan kapalit ng
kalayaan ng kaniyang ama, ngunit hindi ito naging sapat. Narami naman ang tumulong sa mag-
lolo. Kabilang dito ay si Hermana Bali.

[Hermana Bali + Juli usap w/ other kapitbahays]

Hermana Bali(QUEENIE): Sa tingin ko Juli, isangla mo na lang ang inyong bahay sa halagang
dalawang daan limampung piso at bayaran mo na lamang ito kapag nanalo sa kaso.

Juli(AIRA): Ngunit hindi ko po ito maaring gawin... ito na lamang po ang natitirang pag-aari
namin.

[pasok si Hermana Penchang]

Hermana Penchang(WELLA): Nabalitaan ko ang inyong sinapit...papautangin kita sa isang


kundisyon.

Juli(AIRA): Maraming salamat po...kahit ano gagawin ko para sa aking ama.

Hermana Penchang(WELLA): Manilbihan ka bilang katulong sa akin.

Juli(AIRA): Po?! (teary eyed) s-sige po... pumapayag na po ako.

Hermana Penchang(WELLA): Magaling! Bukas ng umaga ay magsimula ka na... maliwanag


ba?!
Juli(AIRA): Opo... Maraming salamat po (malungkot)

Narrator(GEA): Di nagtagal ay nalaman ito ni Tandang Selo at lubha niya itong ikinalungkot.
Maging si Juli ay nalungkot sa sinapit ng kanyang pamilya. Lalo na at bukas na ang dating ni
Basilio galing Maynila.

Juli(AIRA): Hindi ko na maaring mahalin si Basilio... dahil malalaman niyang hinayaan kong
magdusa kaysa ibenta ang laket niya... Paalam mahal ko (mu cry then i-hug ang locket)

TO BE CONTINUED….

You might also like