You are on page 1of 14

Magandang umaga mga ginoo at ginang, ngayon ay narito kami upang bigyang buhay ang kalahating bahagi

ng el filibusterismo.

KABANATA 21 “Ibat-ibang anyo ng Maynila”

Narrator (Alampayan): Maraming tao ang nakapila sa Teatro de Variedades dahil may pagtatanghal ang isang
nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ay isang dulang pranses na pinamagatang "Lee Cloches de corneville.

Mamamayan 1 (Amoyan): Nabalitaan niyo na ba na mahuhusay umawit at magaganda ang mga mukha at katawan
ng magsisiganap ngayon sa opera?

Mamamayan 2 (Guial): Nabalitaan ko nga, halinat tayo ay pumasok dahil tiyak akong mas higit pa riyan ang ating
masasaksihan sa tanghalan.

Narrator (Yosores): Bandang alas syete pa lamang ay naubos na ang ticket at may mahabang pila para makapasok
ang mga tao.

Nagtitinda ng ticket (Caspe): Paumanhin, ngunit maari na kayong umuwi dahil naubos na ang ticket.

Mamamayan 3 (Abunda): Kanina pa kami nakapila rito at ito lang ang sasabihin niyo samin? Papasukin niyo kami
kung wala kayong maipagbibiling ticket saamin.

All: Oo nga papasukin niyo nalang kami

Narrator (Alampayan): Sa kabilang dako, isang kastilang nagngangalang Camaroncocido ang Hindi alintana ang suot
at itsura

Mamamayan 4 (Sarmiento): Sino sya? Mukang ngayon ko lamang siya nakita

Mamamayan 5 (Roselyn B.): Hindi ako sigurado ngunit balita koy siya ay nagmula pa sa mayaman at kilalang
angkan.

Tiyo Kiko (Gapud): Binigyan nila ako ng mataas na pabuya dahil maganda ang aking pagkakadikit ng mga paskil
dahilan upang dumami ang manonood ng dula (masayang tugon nito).

Camaroncocido (Cardona): Kung anim na piso ang ibabayad sayo, magkano kaya ang ibibigay nila sa mga prayle na
nagbabawal ng palabas? Alam mo bang ang kikitain ng palabas na ito ay iaabuloy nila sa kumbento?

Camaroncocido (Cardona): Nakita mo na kung sino ang humahakot ng mga manonood? Hindi ang kartil kundi ang
pastoral . Ang kalahati ng manonood ay ayaw sumunod sa kautusan ng mga prayle,at ang kalahati ay inaalam ang
dahilan kung bakit ipinagbabawal ng mga prayle ang isang palabas. Tila higit na mabisang pang akit sa mga tao ang
pagbabawal ng mga prayle.

( nagtatakang napatingin na lamang si Tiyo kiko kay Camaroncocido at umalis na ito)

Narrator (Alampayan): Muling naglakad si camaroncocido ng makaalis si Tiyo kiko. Napansin nya ang isang taong
nakasuot ng Amerikana subalit halatang may iniiwasan.

Camaroncocido (Cardona): Ano kaya ang mayroon? Magnanakaw o manininiktik? Ah, bahala sila sa mga buhay nila
!

Narrator (Yosores): Habang patuloy sa paglalakad, isa nanamang kawal ang nakita nyang kinausap ang hindi
kilalang tao, pagkuway umalis ito at pinuntahan ang isang karwahe kung saan nakasakay si simoun.

Kawal (Lagana): Isang putok ang hudyat. Ito ang utos ng Heneral (pabulong)

Narrator (Alampayan): Dahil sa narinig ay nagkaroon ng hinala si Camaroncocido

Camaroncocido (Cardona): May binabalak sila!

(Ang isa ay may hawak na rosaryo)


Tauhan 1 (Aivie): Ang mga prayle ay malakas sa Kapitan Heneral. Ang Kapitan Heneral ay umaalis samantalang ang
mga prayle ay naiiwan. Yayaman tayo! Basta't isang putok ang hudyat!

Camaroncocido (Cardona): Doon ay ang kapitan heneral, dito naman ay tungkol sa mga prayle. Ano bang
nangyayari sa bayan?!

( nagkibit balikat at umalis)

Narrator (Yosores): Nasa labas ng Teatro ang bulakbol na si Tadeo. May kausap itong isang kababayan na bagong
salta ng maynila kaya sinamantala nitong kausapin upang maipakitang mas marami syang kilala at nalalaman.

Tadeo (Ciara): Nababatid kong narito ka upang manood ng isang palabas, nais ko lamang ipaalam sayo na tiyak na
magugustuhan mo ito sapagkat ang mga artistang gaganap ay isa sa aking mga kaibigan.

Panauhin (Café) : Ganun ba? Nagagalak akong makilala ka kung gayon

Tadeo (Ciara): At hindi lamang iyan, nais ko ring malaman mo maski ang mga prayle ay aking nakakausap at maging
ang mga taong may matataas na tungkulin sa pamahalaan

( pinagtatakhan ng mga panauhin ang binata sa tuwing babatiin sila nito sapagkat hindi naman nila kilala ang binata)

Narrator (Alampayan): Ang mag tiyang sina Paulita Gomez at Donya Victorina ay dumating, at maging si Padre Irene
ay nakilala nito sapagkat hindi nito naitago ang mahabang ilong kasama si Don Custodio sa kabila ng pagtutol nito sa
nasabing palabas.

( Nagsidatingan ang ilang mga artista na sinundan at pinagkaguluhan ng ilang mga tagahanga)

Narrator (Yosores): Nang makita ni Tadeo ang mga tulad nyang mag aaral na sina Makaraig, Pecson, Sandoval at
Isagani ay nilapitan niya ito at kinausap.

Tadeo (Ciara): Narito pala kayo, hindi ko inaasahang magkikita kita tayo dito

Makaraig (Alota): Manonood ka ba?

Tadeo (Ciara): hindi ako nakabili ng ticket

Makaraig (Alota): Hindi nakasama si Basilio samin ngayon kung kayat may sobra kaming isang ticket, nais mo bang
sumama?

Tadeo (Ciara): Kung inyong mamarapatin.

Pecson (Osila): oh sya, tayo na.

KABANATA 22: “ANG PALABAS”

Narrator (Yosores): Ang loob ng teatro ay punong-puno. Alas otso y medya ang takdang oras at kahit lagpas na sa
oras ay hindi pa rin makapagsimula sapagkat hinihintay ang kapitan heneral.

Narrator (Alampayan):Nakatawag ng pansin sa mga tao ang pilosopong si Don Primitivo dahil sa pag-angkin nito ng
upuan sa iba.

Nagmamay-ari ng Upuan (Dalina): Maaari po bang ika’y umiwas sa aking upuan Don Primitivo?

Don Primitivo (Roselyn B.): Maaaring maghanap ka nalang ng ibang upuan? Iyo namang nakikita na ako’y maayos
na nakaupo rito.

Narrator (Alampayan): Dahil sa di magawang paalisin ng may-ari si Don Primitivo namagitan na ang tagapamahala
ng teatro.

Narrator (Yosores): Ang mga tao ay tumahimik na sapagkat dumating na sa wakas ang kanilang pinakihihintay na si
Kapitan Heneral
Narrator (Yosores): Naupo na si Kapitan Heneral sa nakareserbang upuan sa kaniya at nagsisunuran na rin ang mga
tao sa pag-upo.

Manonood 1 (Bausin): Tinitikis lamang ng Heneral ang mga prayle.

Manonood 2 (Manale): Malay natin, gusto lamang ng Heneral mapanood ang dula at makita ang magagandang
artista.

Narrator (Alampayan): Si pecson ang nag-balita sa lahat na pinagtibay na ng mga lupon ang kahilingan nila.

Pecson (Osila): Makinig kayong lahat! Ang kahilingan natin ay pinagtibay na ng mga lupon at anumang oras ay
ilalabas na ang resulta.

Narrator (Yosores): Nagsimula na ang palabas at nagsimula na ring sumayaw si Gerturde, ang babaeng Pranses.

Manonood (Manale): Nakita ko sa loob ng teatro si simoun na nakikipag-usap kay Mr. Jouy at nagbigay pa ang
kwintas sa isang artistang babae kaya nakapagtatakang wala rito si simoun.

Dinalahit ng ubo si Juanito at narinig niya ang malakas na sigaw na…

Don Custodio (Barbo): “Palabasin ang Tisiko.”

Juanito: “Kung hindi ko lamang sana kayo kasama…”

Narrator (Yosores): Natapos ang unang yugto ng dula at nagkaroon ng intensiyon. Lumabas si Ben Zayb na walang
ginawa kundi ang pintasan ang nasabing palabas.

Ben Zayb (Montallana): Hindi kayo mga ganap na artista sapagkat hindi ito marunong sumayaw.

Makaraig (Alota): kailangang maging kalahok tayo sa pamamahala ng akademya at para mangyari iyon ay tayo ang
kukuha at hahanap ng pondo. Mayroong tesurero na maghahawak ng ating pananalapi at anuman ang ating
pangangailangan ay ibibigay na lamang sa atin.

Tadeo (Ciara): Kung ganoon, lalabas na tayo ang Kabesa de barangay.

(sa matinding panlulumo ay naihagis ni pecson ang guwantes kay Sandoval)

Makaraig (Alota):Magdiwang tayo at magkaroon ng isang salu-salo sabi ni Padre Irene.

Sandoval (Mesiona): Tama! Pagkaraang tumanggap ng palo ay kailangang magsaya.

Pecson (Osila): Magdiwang tayo sa pansiteryang pinaglilingkuranng mga hubad na intsik.

KABANATA 23: BANGKAY

( Si Simoun ay dahan-dahang papasok)

Simoun (Duane): ano ang lagay ng may sakit?

Basilio (Gapud): Halos hindi na tumitibok ang pulso. Walang ganang kumain, pinagpapawisan siya ng malamig kung
madaling araw, talamak na ang lason sa buong katawan. Maaring bukas makalawa ay mamatay siya na parang
tinamaan ng lintik. Isang munting dahilan,tulak ng kalooban o pagkainis ay ikakamatay niya.

Simoun (Duane): Gaya ng Pilipinas?

Basilio: ang lalong nagpapahina sa kanya ay ang pananaginip ng masasama at ang pagkatakot.
Simoun: tulad ng pamahalaan. Basilio, pakinggan mo ako sapagkat mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng isang
oras ay sisiklab na ang himagsikan sa pamamagitan ng hudyat ko. Bukas ay wala ng pag-aaral. Ang Pamantasan ay
wala na rin. Wala kundi dugo at patayan!.Nakahanda na kami at tiyak ang tagumpay, kapag kami’y nag wagi, lahat ng
hindi tumulong sa amin ay ipapalagay naming sa kalaban. Basilio, naparito ako upang ihandog ang iyong kamatayan
o isang kinabukasan!

Basilio: G-ginoong Simoun

Simoun: nasa aking kamay ang kalooban ng pamahalaan. Magpasya ka basilio. Kasama ko si kapitan tales, nasa
ibaba siya at naghihintay. Pinamumunuan ko ang himagsikan ito sapagkat ibig kung iguho ang pintuan ng santa clara
at ikaw ang mamumuno nito upang kunin sa kumbento si maria clara.

Basilio: Si Maria Clara?

Simoun: oo si Maria Clara. Nais kong iligtas siya, nabuhay ako upang iligtas siya tanging himagsikan lang ang
makapagbubukas sa pintuan ng mga kumbento.

Basilio: Ngu-ngunit huli na kayo, nahuli na kayo.

Simoun: At bakit?

Basilio: Sapagkat si Maria Clara ay patay na!

( biglang titindig si Simoun)

Simoun: kasinungalingan!

Basilio: Totoo ang sinasabi ko ginoong Simoun!

Simoun: Hindi totoo yan! Buhay pa si Maria Clara, kailangang mabuhay si Maria Clara. Naduduwag ka lang kaya
sinasabi mo yan. Hindi siya patay at ngayong gabi ililigtas ko siya o bukas ay mamamatay ka!

Basilio: (yuyuko) ito ang liham ni padre irene tungkol sa nangyari kay Maria Clara.

(iaabot ang liham)

Simoun: namatay? Namatay nang hindi ko man lang Nakita. Namatay siya nang hindi nalalaman na nabuhay ako
para sa kanya.

(biglang umalis).

Basilio: kaawa-awang lalaki.

Kabanata 24: Mga Pangarap

Narrator (Alampayan): Nakatakdang makipagkita si Isagani sa kasintahan netong si Paulita. Naglalakad ito sa Paseo
de Maria Cristina bago paman lumubog ang araw.

Isagani (Regie): Magandang hapon po, mga mahal kong guro.

Guro 1&2 (Arre & Da vinci): Magandang hapon din sa iyo, Isagani.

Ben Zayb (Montallana): Ano nga ba kaya ang dahilan at biglaang nagkasakit ang senyor simoun. Ni hindi ito
nakadalo para makapanood sa pagtatanghal sa treatro?

Kausap (Bausin): Sa akin pang pagkakaalam ay ni sino ay ayaw nitong paunlakan sa kanyang tahanan. Maging ang
mga tauhan ng kapitan heneral.

Ben zayb (Montallana): Nakakapagtaka ang biglaan nitong pagkakasakit gayong mabuti naman ang pangangatawan
neto noong nakaraan.

Isagani: Ang tao Talaga!


Isagani: Kung ang mga liberal sa espanya ay gaya ng mga nandito sa Pilipinas, mabibilang lamang sa daliri ang tapat
sa inang bayan.

Narrator (Yosores): Dumidilim na ang paligid ngunit wala pa rin si Paulita. Tila nawawalan na siya ng pag-asang
darating pa ang kasintahan nang marinig niya ang karwaheng hila ng dalawang kabayong puti.

Donya Victorina (Amoyan): Pakisabi buhay man o patay nais ko parin siyang makita. Napakatagal ng sampung
taong paghihintay upang makapag asawa ulit ang isang tao.(Nanggigigil)

Donya Victorina: Ano ang palagay mo kay Juanito?

Paulita (Calim): Tiya, mukhang nahulog po ang aking abaniko sa dalampasigan akin lamang sisilipin.

Donya Victorina: O siya, siya. Ika’y mag-iingat mahal kong pamangkin.

Paulita: Kaya lamang ako pumunta doon at sumama kay Juanito ay upang makita ka ngunit hindi mo ako pinapansin
tila napako ang iyong mga mata sa magandang babae.

Paulita: Ang aking tiya ang may gusto kay Juanito. Tila ibig niya itong mapangasawa.

Isagani: Satuwing aking namamasdan ang kabundukan ay nakakaramdam ako ng kaligayahan. Ilang libo mang
lungsod ay hindi ko ipagpapalit ang aking lalawigan. (Masigla netong pagsasabi)

Isagani: Totoong mahal ko ito nang higit pa sa anumang bagay bago paman kita nakilala. Nakakawili ang mga
ginawa kong paglilibot at pagsasaya sa piling ng kalikasan ang aking pagtatampisaw sa dalampasigan. Bago pa kita
nakilala ay iyon ang aking mundo… ang aking pag-ibig… isang pangarap sa akin na makita ang ganap na kalayaan at
kaunlaran ng aking bayan. At batid kong iyon ay magkakaroon ng katuparan sa malao’t madali. Punong-puno ng pag-
asang sambit neto.

Isagani: Darating din ang panahon na magkakaroon ng daang-bakal sa aming lalawigan.

Paulita: Kaylan pa? Baka matanda na ako

Isagani: Hindi mo ba alam na maari itong magawa sa loob lamang ng isang taon? Masigla Lilingapin tayo ng Espanya
Sapagkat araw-gabing kumikilos ang mga kabataan. Darating din ang katarungan para sa isang magandang
kinabukasan. Totoong nabigo kaming mag -aaral sa pagsusulong ng isang interes ngunit nagpapatuloy naman ang
tagumpay ng ibang hanay. Nasa atin ang hinaharap.

Paulita: Pangarap! Pangarap! Sabi ni Tiya Torina, kaylanman ay hindi na mahahango sa pagkabusabos ang bayang
ito.

Isagani: Sapagkat isa siyang hangal na hindi maaring mabuhay ng walang alipin. Nabibilang na ang mga araw ng
mga taong katulad niya sapagkat nabubuwag na ang kastilyong pinaghaharian ng mga mapaniil. Totoong maraming
tututol, maraming kakalaban sa amin. Ngunit magwawagi pa rin kami. Pasiglahin nawa ang iyong puso sa aming mga
adhikain hango sa bayang ito.

Paulita: Ngunit paano kung walang mangyari sa inyong mga hangarin?

Isagani: Makinig ka sa akin, Paulita. Alam mo kung gaano kita kamahal. Kung walang mangyari at namatay ako sa
aking paniniwala, mamamatay akong maligaya sapagkat magniningning sa iyong mga mata ang pagmamalaki.
Sasabihin mo sa buong daigdig habang tinuturo ang bangkay ng iyong minamahal, namatay ako naipinaglalaban ang
aking inang bayan.

Donya Victorina: Paulita, kailangan mo nang umuwi at baka sipunin ka.

Donya: Sumakay kana, iho.

Kabanata 28: Ang Mga Katatakutan

Sa bahay ni Kapitan Tiyago


Padre Irene (Irish): kung hindi ako dumating at nagsabing magpa-kahinahon ay dumanak na sana ang dugo ngayon.
Ang mapupusok na pangkat ay walang napala sa Heneral. Nanghihinayang sila na wala roon si Simoun, kung hindi
sana nagkasakit si Simoun.

Kapitan Tiyago (Lobina): (kakapit kay Padre Irene upang bumangon) hindi ko na kaya lalo pa't ng dakpin nila si
Basilio at halughugin ang mahalagang aklat at aking papel. Hindi ko na kaya. (Bigla itong malalagutan ng hininga)

Padre Irene: Kapitan Tiyago gumising ka! (biglang tatakbo sa takot)

*Sa Pamantasan*
Tauhan 1 (Montallana): Nagsimula na ang himagsikan, ang dami ng napipinsala at nasasaktan.
Tauhan 2 (Bausin): Pati sa Ermita, nag-uumpisa ng sumiklab ang himagsikan. Nagkaroon din ng putulan sa
Dulumbayan.
Tauhan 3 (Manale): Nahuli ba si Tadeo?
Tauhan 2: Aba, nahuli na siya.
Tauhan 1: Huwag kayo magsalita ng malakas baka isiping tayo ay kasabwat, kaya sinunog ko ang aklat na
ipinahiram niya sakin.
Tauhan 3: Nabilanggo daw si Isagani?
Tauhan 2: Eh kasi luko-luko yang si Isagani, hindi naman sana mahuli kung 'di nagprisinta, mabuti nga sa kaniya!
Tauhan 1: Ngunit paano si Paulita?
Tauhan 2: Hindi siya mawawalan ng kasintahan. Marahil iiyak lang sandali, hindi magtatagal ay papakasal din siya sa
isang kastila.
Tauhan 3: Kagagawan ni Padre Salvi ang kaguluhan.
Tauhan 1: Ngunit sa palaga'y ko'y kagagawan ng intsik na si Quiroga.
*Biglang dumating si Placido*
Placido (jirah) : Hindi ko makausap ang mga bilanggo. Maghanda na lamang tayo, maraming pwedeng mangyari.

KABANATA 29: KAMATAYAN NI KAPITAN TIYAGO

Narrator (Alampayan): Nagkaroon ng marangal na libing si Kapitan Tiyago, bagamat may mga pari ang pumunta sa
kanya dahil hinde ito nakapag-kumpisal bago mamatay. Pinagtanggol naman ito ni Padre Irene.

Pari 1 (Wilmark): Isang kahihiyan at kalapastanganan ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Ni hinde manlang
nakapagpa-kumpisal bago ito mamatay.

Pari 2 (Barbo): Tama, Hinde naging banal ang kanyang pagkamatay.

Padre Irene (Irish): Paumanhin. Rinig kung hinde man banal ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago buhat ng hinde
pagpa kumpisal, ngunit ang paghihigpit ay ginagawa lamang sa hinde nagbabayad.

Padre Irene: Sa akin inihabilin ni Kapitan Tiyago ang mga paghahati-hatian ng kanyang ari-arian. Sa Santa Clara, sa
papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyon ng mga prayle at ang dalawampung piso ay iniwan niya sa matrikula ng
mahihirap na mag-aaral. Ipinawalang bisa nya ang dalawampu’t-limang piso para kay basilio dahil sa masamang
inasal nito.

Narrator (Yosores): Usap-usapan na nagpikita umano ang kululuwa ni Kapitan Tiyago habang ito'y naghihingalo.
Dala ng namatay ang kanyang sasabunging manok at ang pisngi nito ay naka umbok dahil sa paghihithit ng hitso.

Don Primitivo (Roselyn B.): Naniniwala akong parehong mananalo Sina san Pedro at Kapitan Tiyago sa
pagsasabong

Martin Arostirenas (J. Borje): Paumanhim, ngunit hinde ako sang ayon sa iyong sinabi, Meron talagang mananalo at
meron ring matatalo. Ang maaari lamang ay maging tabla ang laban.

Narrator (Alampayan): Sa kabilang dako naman ay pinagtatalunan nila kung ano ang klaseng damit ang susuotin ni
Kapitan Tiyago.
Kapitan Tinong (Café): Maluwag sa aking puso na ipagamit ang obito na nasa look ng aking baol. Bilang handog na
rin sa mga tinitingala kung mga Pransiskano.

Sastre (Moyano): Hinde sa pinapahalagahan ko ang iyong mungkahi, pero prak ang damit ni Kapitan Tiyago ng
nagpakita siya sa mongha. Prak ang dapat na ipagamit dito. Hinde bat lagi itong nakaprak tuwing may mga okasyon?

Padre Irene: Hinde, lumang damit ang ipasuot Kay Kapitan Tiyago. Hinde sa kasuotan nasusukat ang kadikalaan,
kundi sa mga listahan ng nagawang kabutihan.

Narrator: Tatlong pari ang nagmisa sa libing. Maraming kamangyang sinunog at agua bendita ang ipinandilig sa
kabaong.

Donya Patrocinio (amoyan): Mabuti pa sana't ako yung namatay, upang ako yung makaranas ng pinaghahandaan
na lamay
Kabanata 30: Si Huli

Narrator (Alampayan): Matapos mabalitaan ni Huli ang pagkakabilanggo ni Basilio labis niya itong ikinalungkot. Ang
ilan ay pinagtsismisan ang nangyari. Isa na rito si Hermana Penchang.

Hermana Penchang (Baldonaza): Dapat Lang Yan sa binatang walang kabanalan!!!!

Hermana Bali (Abenis): May kakilala akong makakatulong sa atin. Si Padre Camorra lamang ang makakatulong sa
iyo. Siya Ang nagpalaya sa Lolo mo at siya rin ang susi upang makalaya ang iyong kasintahan.

Huli (Dalina): ayoko Hermana

Hermana Bali: Siya na lamang ang makakatulong kay Basilio.

Huli: Hinding Hindi ako pupunta kay Padre Camorra ( galit na umingos ang hermana at nagsalubong Ang kilay)

Narrator (Yosores): Kinabukasan, sina Juli at Hermana Bali ay patungo sa kumbento

HULI: Umuwi na Tayo Hermana, Hindi ko Kaya natatakot ako

Hermana Bali: Magtigil ka hangal!! Ngayon kapa tatalikod narito na tayo. Mabait siya, sundin mo lang Ang gusto niya.

Huli: Huwag po. Ayokong makipagkita sa kanya. Parang awa na niyo!! ( Nanlilisik Ang mata ni Herman Bali)

Hermana Bali: Huwag kang mag eskandalo, Mapapasama ka!! Pumasok kana! Pasok!
(Itinulak ni Hermana si Huli papasok sa kumbento)

Huli: huwag po hermana, huwag (humagulgol)

Hermana Bali: At papaano si Basilio? Hahayaan mo na Lang ba siya namailibing sa sarili niyang hukay.

Camorra attempted rape scene

Narrator (Alampayan): Kinagabihan isang nakakatakot na balita Ang gumimbal sa lahat. Isang dalaga ang tumalon sa
bintana ng kumbento sa hapong iyon.

Tandang Selo: Apo ko! Ang kaawa- awa kong apo. (Makadurog puso ang pag nguyngoy ng matanda)

KABANATA 32: ANG BUNGA NG MGA PASKIL

Narrator (Yosores): Makaraan ang ilang linggo, buwan nang abril ay napabalitaan na ikakasal na si Paulita Gomez
kay Juanito Pelaez.

Tauhan 1 (J. Borje): sadya nga yatang may taong ipinanganak na suwerte.
Tauhan 2 (R. Borje): akalain mo iyon nabili ni Don Timoteo sa napakamurang halaga na bahay ni kapitan tiyago,
nakapagbinta ng mga kalakal na yero at naging kasosyo pa si simoun at ngayon ikakasal pa ang kaniyang anak sa
isang maganda at mayamang babae.

Tauhan 3 (Osila): Tama na'yan, Hindi niyo alam Kong ano ang pinggalingan ng magandang kapalaran ni Don
Timoteo.

(May dumating, isang tauhan)

Tauhan 4 (Fernandez): Totoo ngang ikakasal si paulita Kay juanito?

Tauhan 1: naging praktikal si Paulita kaya naglahong tuluyan Ang pagtingin Kay juanito.

Tauhan 3: bakit Hindi Niya pipiliin si juanito? Isang mahusay, bihasa, masaya, anak ng mayamang negosyante at
isang mestisong kastila na sanay mamuhay sa maynila.

Tauhan 1: at Kung ikukumpara natin siya Kay isagani na isang probinsyano at may malaking pangarap sa lalawigang
animo'y gubat na tigib ng linta.

KABANATA 33: Ang Huling Matuwid

Narrator (Alampayan): Abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Ang mga kayamanan ay
inilagay sa loob ng maleta.

SIMOUN (Duane): Kapag dumating ang isang lalaking nagngangalang Basilio, ay patuluyin mo agad.

Utusan (Guial): Masusunod. Ginoong Simoun.

(Pumasok si Simoun sa kanyang silid at doo'y nagnilay-nilay.)

Narrator (Yosores): Ilang minuto lamang ang nakalipas ay biglang may kumatok sa kanyang silid.

SIMOUN: Pasok.

BASILIO: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid sapagkat nilimot ko ang karumal-dumal at
paghihirap na kanilang dinanas kaya ako ay pinarusahan ng Diyos. Ako'y tumangging makiisa nang kausapin ninyo
ako tungkol sa inyong plano apat na buwan na ang nakalipas ngunit isa pa lang pagkakamali ang aking ginawang
pagtanggi. Narito ako upang humingi ng sandata at hangaring sumiklab na ang himagsikan. Handa na akong gumanti,
ipagtanggol at bigyang katarungan ang mga ginawan ng kasamaan.

SIMOUN: Nasa panig ko ang katwiran at katarungan para sa mga naapi. Salamat, at binawi mo ang iyong pag-
aatubili. Binigyan mo ako ng pag-asa at dahilan upang ipagpatuloy ang aking binabalak na himagsikan.

Narrator (Alampayan): Nagpunta sila sa laboratoryo at doon ipinakita ni Simoun ang kanyang produkto.

BASILIO: Pampasabog!

SIMOUN: Tama ka, nitroglicerina. Ngunit hindi lang ito basta-basta pampasabog. Ito'y tinipong luha ng mga api, mga
galit at kawalan ng katarungan. Mga naghihintay ng pagganti! Pasasabugin nito ang mga mandarahas at
mapagsamantala. Isang malaking kasayahan ang magaganap. Ilalagay ko ang ilaw na ito sa kinaroroonan ng mga
panauhin. Magbibigay ito ng liwanag sa buong paligid, pagkalipas ng dalawampung minuto may lalapit upang itaas
ang mitsa nito. Sa oras na itaas ang mitsa, sasabog ang lampara at walang sinumang makakaligtas.

BASILIO: Kung ganoon ay wala na pala akong maitutulong.

SIMOUN: May iba kang gagawin. Alas nuwebe ng gabi sasabog ang bomba. Sa oras na marinig nila ang pagsabog
ay magsisilabasan ang mga armado na pinagbabantay, mga inapi at mga kapuspalad upang makipagtagpo kay
kabesang Tales sa may Sta. Mesa. Sa kabilang dako ay lalabas ang mga sundalong pinaniwala kong may
magaganap na pag-aalsa, magkakaroon ng dahilan ang kapitan Heneral na manatili. At babarilin nila ang ituturo ko.

Pupunta sila sa tindahan ng Intsik na si Quiroga upang kunin ang mga baril.

BASILIO: Lahat?
SIMOUN: Oo, patayin ang lahat ng mga duwag dahil sila ay magsisilang ng lahing mahina at alipin. Kailangang
baguhin ang lahi. Kailangang malipol ang masasama. Magsisilang ng bagong lahi na hindi na kailanman magpapaapi
at magpapa-alipin.

BASILIO: Ano ang sasabihin ng buong mundo sa kagimbal-gimbal na pangyayaring ito?

SIMOUN: Pupuruhin ng mundo ang pangyayaring ito. Mas mahalaga ang bunga kaysa sa sanhi. Pupurihin tayo ng
daigdig!

BASILIO: Sang-ayon ako. Ang mundo ay walang malasakit sa mga taong api, mga kawawa at babaing mahina. Bakit
ko pagmamalasakitan ang lipunang hindi nagmalasakit sa akin?

SIMOUN: Iyan ang gusto kong marinig sa iyo, Basilio! (sabay kuha ng rebolber sa isang kahon). Hintayin mo ako ng
alas diyes sa harapan ng simbahan San Sebastian upang bigyan kayo ng huling tagubilin. Tandaan mo Basilio, sa
oras pa lamang ng alas nuwebe ay dapat malayong-malayo ka na sa kalye Anloague.

(kinuha ni Basilio ang rebolber, kinargahan ng bala at itinago sa bulsang panloob ng suot na amerikana).

BASILIO: Hanggang mamaya!

Kabanata 34 ANG KASAL NI PAULITA

Narrator (Yosores): Sa kabilang dako, idinaraos ang kasal nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez.

PARI: Juanito, tinatanggap mo ba si Paulita bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa at hanggang sa kamatayan?

JUANITO: Tinatanggap ko po, Padre.

PARI: Ikaw Paulita, tinatanggap mo ba si Juanito bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa at hanggang sa
kamatayan?

PAULITA: Opo padre!

PARI:Kung gayon, Juanito, maari mo nang halikan ang iyong kabiyak.

(Nagpalakpakan ang mga tao)

Basilio: Kaawa-awang Isagani! Ano kaya ang nangyari sa kanya? Tama bang isama ko si Isagani sa binabalak namin
ni Simoun?

Basilio: Kung hindi lang sana namin sinapit iyon ay natapos na sana ako sa kursong Medisina, isa nang
manggagamot at marahil ay kasal na rin kami ni Juli at nagsasamang matiwasay.

KABANATA 35 ANG PIGING

Narrator ( Alampayan): Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang mga may
kababaang katayuan. Sunod naman ang may mataas na katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay
pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria.

(Batian, kamayan)

LOOB

Don Timoteo Pelaez (Lobina): Magandang gabi sa inyong lahat. Ikinagagalak kong narito kayo sa piging ng aking
anak na si Juanito, at si Paulita Gomez.

(Palakpakan)

Don Timoteo Pelaez: Mga panauhin, batiin natin ang bagong kasal. Mabuhay sa inyo.

Lahat: Mabuhay!

Kapitan Heneral (Morales): Magandang gabi sa inyong lahat. Magandang gabi sa ating bagong kasal na sina Juanito
at Paulita. Mabuhay ang bagong kasal.
Narrator (Yosores): At dumating na nga si Simoun dala dala ang lampara.

Simoun: Magandang gabi sa inyong lahat, at lalo na sa bagong kasal. Nawa’y maligayahan kayo sa aking simpleng
handog.

Paulita (Calim): Maraming salamat, ginoong Simoun.

Juanito (Cardona): Maraming salamat.

LABAS

Basilio: Tilay mali ito. Maraming mamamatay sa paghihigmagsik na ito. Pipigilan ko sila.

Guwardya sibil (De los Santos): Bawal pumasok!

Basilio: Papasukin moa ko!

Guwardya sibil: Bawal ka rito.

Basilio: Kailangan ko silang iligtas!

Guwardya sibil: Umalis ka!

dumating si Isagani

Basilio: Isagani, anong ginagawa mo rito? Tayo na! Halika na, lumayo na tayo sa bahay na ito.

Isagani: Bakit ako lalayo? Bukas ay hindi na sya ang dati.

Basilio: Ibig mo bang mamatay? Isagani, making ka sa akin. Ang bahay na iyon ay may mina at maaaring sumabog
sa kahit anumang saglit dahil sa isang kapangahasan, sa isang kalikutan. Isagani, ang lahat ay mamamatay sa ilalim
ng kanyang durog na labi

LOOB

Donya Victorina: Saan ka ba pupunta, Ginoong Simoun?

Simoun: Pasensya na. Kailangan ko nang umalis.

LABAS

Isagani: Hindi. Ibig kong manatili rito. Ibig kong makita si Paulita sa huling pagkakataon. Dahil bukas, ay sa iba na
siya.

LOOB

Panauhin 1 (Abenis): Mga ginoo at ginang, tignan nyo! Isang putting papel.

Padre Irene (Irish): Tignan mo kung may nakasulat.

Panauhin 1: Mene Thecel Phares. Juan Crisostomo Ibarra?

Panauhin 2 (Osila): Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya?

Don Custodio (Abunda): Isang masamang biro! May lagda ng pangalan ng isang pilibustero, na sampung taon nang
namatay.

(Nanghihina si Padre Salvi)

Padre Irene: Anong nangyayari sayo, Padre Salvi? Nakikilala mo ba ang lagda ng iyong kaibigan?

Padre Salvi (Sarmiento): Iyan ay sulat-kamay niya! Sulat kamay ni Crisostomo Ibarra!

Kapitan Heneral (Morales): Magpatuloy tayo, mga ginoo. Huwag nating bigyang halaga ang mga birong ito.
Don Custodio: Sa aking palagay, ang Mene Thecel Phares ay hindi nangangahulogan na tayoy papatayin ngayong
gabi!

(Katahimikan)

Kapitan Heneral: Namamatay na ang lampara. Maaari niyo bang hilain ang mitsa, Padre Irene?

(Dumating si Isagani at kinuha ang lampara)

KABANATA 36: ANG MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

Narrator (Yosores): Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ng kapitan at hindi makatulog. Dito’y naisip niyang
gawin ang balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi, Irene, at Don Custodio.

Zayb: Kailangan ko na agad mailathala ang pangyayari sa naganap na kasalan! Ang pagkabayani ng Kapitan
Heneral ay hindi matatawaran gayundin ang katapangan ni Padre Irene, sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara.

Narrator (A): (Kinabukasan...)  

Narrator (Alampayan): Gayunpaman, ibinalik ng patnugot ang kanilang dyaryo ang kanyang sulat dahil ipinagbawal
daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon.

Extra (morales): Pasensiya na Ginoo, hindi pinayagan na ilathala ang inyong pahayagan sapagkat ayaw nang
Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong balita ukol sa nangyari sa nakaraang gabi ng kasalan.

Ben Zayb: Hindi maaari! Ang ganoong dahilan ay maihahantulad sa pagpatay sa isang anak na maganda at
matapang na dalaga! Ang gayong karaming paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa Diyos!

Narrator (Yosores): Maya maya ay dumating ang mga Guwardiya sibil at tila ba'y may pinag uusapan

Guwardiya Sibil 1 (sarmiento): Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang lalaking
kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan.

Guwardiya Sibil 2 (Irish): Kailangang mahanap ang mag aalahas na si Simoun. Siya ang may pakana ng
kaguluhang ito.

KABANATA 38: ANG KASAWIAN

Narrator (Alampayan): Naglalakad sa gilid ng bundok ang anim o pitong magsasaka na dinakip ng mga guwardiya
sibil, Binabantayan sila ng sampung sundalo na nagpapahirap sa kanila sa gitna ng mainit na sikat ng araw.

Carolino (Cardona): Pabayaan mo silang maglakad ng malaya, Mautang!

Mautang: Baguhan ka ano? Ano ba’ng ginagawa ninyo sa mga bilanggo ninyo sa digmaan?

(Nilapitan ni Mautang si Carolino at binulungan)

Mautang (Amoyan): Huwag kang hangal! Sinasadya ko silang pagmalupitan at saktan para galitin.

(Isang bilanggo ang nakiusap na magpahinga)

Bilanggo (Montallana): Maari bang magpahinga na muna tayo?

Guwardya Sibil (Abunda): Hindi. Masyadong mapanganib ang lugar na ito.

Mautang: Hala, sulong!

(Hinampas ng mga guwardya sibil ang mga bilanggo gamit ang sanga) (Galit na tinignan ng isang bilanggo si
Mautang)

Bilanggo (mesiona): Mas malupit ka pa kaysa sa mga panginoon.

Mautang: Ano ano?


(Biglang napahinto ang lahat nang makarinig ito ng malakas na putok) (Tinamaan si Mautang at bumagsak ito sa
lupa)

Korporal (sarmiento): Tigil!

(Binaril sa binti ang Korporal) (Nakatago ang namamaril sa isang malaking bato na nasa bandang itaas)

Korporal: Carolino, gamitin mo ang pagiging asintado mo!

(Nanginginig sa takot si Carolino)

Korporal: Barilin mo! Kung hindi ay ikaw ang babarilin ko!

(Lumitaw si Tandang Selo sa malaking bato)

Korporal: Barilin mo!

(Nilapitan ni Carolino si Tandang Selo at iyon ay kanyang binaril) (Humandusay si Tandang Selo)

Narrator: Napagtanto ni Carolino na iyon pala si Tandang Selo na kanyang lolo.

(Nilapitan niya ito at humagulgol sa iyak)

KABANATA 39: ANG KATAPUSAN

Narrator (Alampayan): Kumakatok si Simoun sa pinto ng bahay ni Padre Florentino dala dala nya ang isang maleta

Simoun: Padre! Padre! Padre!

(Binuksan ni Padre Florentino ang pinto. Nanghihina si Simoun)

Padre Florentino (Mesiona): O, Simoun? Anong nangyari?

(Inalalayan ni Padre Florentino si Simoun papuntang sala at itoy kanyang pinahiga)

Padre Florentino: Humiga ka muna.

(Dumating si Don Tiburcio)

Don Tiburcio (Guial): Anong nangyayari dito? Hayaan mong galingin kita.

(Tinignan ni Don Tiburcio ang kalagayan ni Simoun) (May dumating na guwardya sibil)

Guwardya sibil (Abunda): Padre Florentino? Padre Florentino? Padre?

(Narinig ito ni Padre Florentino)

Padre Florentino: Sandali lamang (Lumabas si Padre Florentino upang tignan ito)

Guwardya sibil: Magandang araw, Padre. Ito po ay pinabibigay ng teniente ng guwardya sibil.

(Iniabot ang sulat)

Narrator (Yosores): Tinanggap ito ni Padre Florentino at bumalik na sa loob ng bahay

Padre Florentino: Ako’y nakatanggap ng mensahe.

Don Tiburcio: Anong nakalagay?

Padre Florentino: Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte. Baka si Simoun ay ang
tinutukoy dito sa telegrama na tumakas at tinutugis ng mga kawal sa Maynila.

(Kinuha at tinignan ni Don Tiburcio ang sulat)


Don Tiburcio: Padre Florentino, ako'y aalis na. Sa tingin ko ako ang tinutukoy ng Kastila sa telegramang darating
ngayong gabi. Baka natunton nako ni Donya Victorina.

Padre Florentino: Kung iyan ang gusto mo, malaya ka nang umalis, Don Tiburcio. Nawa’y gabayan ka ng Panginoon
sa iyong paglalakbay.

Don Tiburcio: Maraming salamat po, Padre.

(Umalis na si Don Tiburcio) (Linapitan ni Padre Florentino si Simoun)

Padre Florentino: May dinaramdam po ba kayo?

(Iinom ng lason si simoun) (Nakita at kinuha ni Padre Florentino ang walang laman na botelya ng gamot)

Padre Florentino: Diyos na mahabagin! Ano’ng ginawa ninyo, Senyor Simoun?

Simoun: Wala na kayong dapat ikabahala! Huli na rin naman ang lahat. Buhay o patay ay kailangan nila akong
hulihin. Hindi ko ibig na mahulog sa kanilang mga kamay. Ayokong maagaw nila sa akin ang aking lihim. Makinig na
lamang kayong mabuti at wala ng panahon. Nalalapit na ang itinakdang oras. Kailangang malaman ninyo ang aking
lihim at sasabihin ko sa inyo lahat. Nais kong sabihin ninyo sa akin kung tunay na may Diyos.

Padre Florentino: May pangontra sa lason, Ginoo. Ang apormorpina, may eter, may kloropomo.

Simoun: Huwag na ninyong sayangin ang oras. Ayokong mamatay na baon ang aking lihim.

Padre Florentino: Simoun, hayaan mong ihanap kita ng lunas.

Simoun: Padre, wag ka pong masindak sapagkat, ngayo’y ibubunyag ko ang aking totoong pagkatao. Ako po si
Crisostomo Ibarra Labintatlong taon na akong nakatira sa Europa. Upang magaral saka bumalik sa Pilipinas nap uno
ng pangarap at pag-asa. Tinangka kong maghiganti. Nagpunta ako sa ibang bansa dala ang bahagi ng kayamanan
ng aking mga magulang. Sumali ako sa himagsikan sa Kuba. At roon, nakilala ko ang Kapitan Heneral na
komandante pa lamang. Sa tulong umano ng salapi, nakuha niyang maging kaibigan ang Kapitan Heneral at nagging
sunod-sunuran sa kanya. Padre, bakit hindi ako tinutulongan ng Diyos sa aking layunin?

Padre Florentino: Sapagka’t masama ang iyong pamamaraan.

Simoun: Inaamin ko po. Ako’y nagkamali. Dahil bas a pagkakamaling iyon ay ipagkakait na ng Diyos ang Kalayaan
ng isang bansa at iligtas sa napakaraming higit sa salarin kaysa sa kanya?

Padre Florentino: Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang mga adhika nila’y makilala at lumaganap.
Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa.

Simoun: Madali lang po sabihin ang magtiis, at gumawa sa mga taong hindi pa nakararanas ng ganyan. Anong
klaseng Diyos po ba ang humingi ng ganoong kalaking pagpasakit? Padre

Padre Florentino: Ito ang isang Diyos na makatarungan at nagpaparusa sa kakulangan ng tao, ng pananalig at mga
gawang masama. Gumawa tayo ng mabuti, tapat at marangal, hanggang mamamatay tayo dahil sa karangalan.

Hinawakan ni Simoun si Padre Florentino at ito ay namatay

(Lumuhod si Padre Florentino at pinagdasal si Simoun)

Padre Florentino: Kaawaan nawa ang taong nagbuyo sa kanya na maging masama

Narrator (Alampayan): Tumayo si Padre Florentino at nagmasid sa bintana. At di nagtagal ay kinuha niya ang
maletang dala ni Simoun na may kayamanan.

Padre Florentino: Manatili ka sana sa kailaliman ng karagatan na walang hanggan, kasama ang mga korales at
perlas... Kung dumating ang isang paffahon na kakailanganin ka para sa isang dakilang mithiin, iluwa ka sana ng
dagat sa pamamagitan ng utos ng Diyos. Samantala, diyan ka muna upang hindi maging kasangkapan ng kabuktutan
at upang hindi maging tagapag-udyok ng kasakiman.

You might also like