You are on page 1of 3

EL FILIBUSTERISMO, THE MUSICAL (MINI)

*Mula sa akdang El Filibusterismo sa panulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
(Scene 1) Sa Bapor Tabo
Setting - Bapor Tabo
Props needed:
*Ocean Backdrop
*Manibela ng barko
*Ilalim at ibabaw ng kubyerta Divider

Inroduction song playing.... "Bayan ko" (First Intro and Chorus only)

Characters:
*Ibabaw ng Kubyerta
Simoun
Basilio
Padre Camorra
Sibyla
Irene
Salvi
Quiroga (Negosyanteng Intsik)
Donya Victorina

*Ilalim ng Kubyerta
Padre Florentino
Pilipinong Pari
Isagani
Basilio

(Scene 2) Pagkikita sa Libingan


Setting - Kagubatan (Libingan)
Props needed:
*Forest Backdrop
*Lapeda
*Lupa
*Pala
*Rebolber/Baril

Characters:
Simoun at Basilio
Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego .
isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio.
Basilio: Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun? (Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.)
BySimoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo
po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, at kung hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra, na sa
pagkakaalam ng lahat ay patay na! (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak.
(Ibababa ang baril) akin ring nabalitaan ang inyong balak na pagpapatayo ng akdemya ng wikang kastila. Kayo'y hibang na nga!
Walang duda! Lalong titindi ang hindi pagkakaunawaan.
Basilio: Sa kabaliktaran, ang pagkakaroon ng wikang kastila ay maaaring makapagisa satin ng gobyerno, na siya namang
magbubuklod sa buong kapuluan. (Pagkukumbinsi niya)

(Simoun singing) (Basilio join in Chorus)

Music playing... "Ipagdiwang natin ang wikang sarili"

(Scene 3.1) Paniningil


Setting- Bahay ng Pamilya ni Kabesang Tales.
Props needed:
*House Backdrop,
*Upuan,
*maliit na kabinet o kahon,
*alahas (kwentas)
*mesa,
*armas (Riffle)

Characters:
Padre Camorra
Kabesnang Tales
Padre Sibyla
Tandang Selo
Guwardiya Sibil
Padre Camorra:
Kami ay naparito
Upang ipahayag sa inyo
Ang buwis ninyo
Ay dalawandaang piso!

Kabesang Tales:
Hah? Napakalaki!

Padre Sibyla: Magbayad kayo! Kung hindi’y ibibigay ito, Sa mga kasambahay ko!

Kabesang Tales: Ako ang nagtanim, Hindi ba’t para kayong sakim? Hindi ako payag!

Padre Sibyla: Patay ang karapatan mo, Dahil pag-aari ito ng korporasyon!

Kabesang Tales: May kasulatan kayo?


Padre Camorra: Oo!

Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?

Padre Sibyla: Hindi kailangang makita mo!

Kabesang Tales: Ni piso hindi ko babayaran. Kapag wala akong makikitang katibayan!

Tandang Selo (bumulong sa anak): Anak huwag ka nang magmatigas...

Padre Camorra: Siya nga ay tama! Telesforo, making ka sa iyong ama. Mahihita mo ay wala Kapag ikaw ay magmamatigas

Kabesang Tales: Handa akong makipag-usapin. Maipag-laban lamang ang karapatan namin! (bahagyang lumapit upang sugurin ang
dalawang prayle) (pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riffle)

Freeze (Pupunta sa harapan si Tandang Selo at kakanta)

Music playing... TATSULOK (INTRO)

(Scene 3.2) Juli

Characters: Tandang Selo and Juli

Tandang Selo: Ibinilanggo nila ang iyong ama at humihingi sila ng limang daan kapalit ng kanyang kalayaan. Wala tayong ganung kalaking
pera.

Juli : Napakalaki naman ng kanilang hinihingi lolo. (Kukunin ang dalawang daan mula sa nakaipit sa libro) Kulang pa ito. (Kukunin ang
lalagyan ng alahas) Hindi ko alam kung sasapat na ito upang mabawi natin si Tatay. Sana, sana.

Juli : (kakanta)

Music Playing.... TATSULOK (Chorus)

(Scene 4) Kasal

Setting: Sa Bahay ni Kapitan Tiyago

Props needed:

*House Backdrop
*Lampara
*Mga Upuan
*Mesa
*Pintuan

Characters
Mga Bisita sa Kasal ni Juanito at Paulita
Paulita
Juanito
Isagani
Simoun
Basilio
(Maliban kay Paulita ay lahat masayang naguusap patungkol sa kasalang naganap)
(Nasa labas sa malayo sila Basilio at Simoun samantalang nasa labas lamang ng bahay (harap ng pinto) si Isagani)

Isagani: Aking susulyapan,ang aking iniirog, ngayon ay may kabiyak na. (Tila naiiyak)

(Sa kabilang Banda)


Simoun: Maisasakatuparan na natin ang ating minimithi. Mabubura na sa bayan na ito ang mga hindi nararapat rito.
(Kajang kasama si Basilio)

Music playing... Awit ng Rebolusyunaryo

(Lilipat ang mga bisita sa bahay sa may kainan) (maiiwan ang lamapara sa isang maliit na mesa o kabinet)

Basilio: Si Isagani ba iyon?

(Lalapitan ni Basilio si Isagani)


Basilio: Isagani! Mas makabubuti kung lumayo ka muna sa tirahang ito. Baka ikaw pa ay madamay sa pagsabog na magaganap rito.
Maguumpisa na ang himagsikan at malapit ng sumabog ang lampara. Puno ng dinamita ang bahay na ito.

Isagani: Hindi! (Iiling-iling nyang tugon)

(Pagkalaoy patakbong pumasok at kinuha ang lampara at hinagis sa ilog.)


(Explosion sound)

Padre Camorra: May pumasok na magnanakaw. Hulihin nyo!


(Tatakbo sila Simoun at Basilio)

(Scene 5) Pagpanaw ni Simoun


Setting: Sa bahay ni Padre Florentino
Props needed:
*House Backdrop
*Ocean Backdrop
*Kama o Higaan(Sapin)
*Lason
*Pinto
*Armas

Characters:
Padre Florentino
Simoun
Guwardiya Sibil

Music playing.... Sad piano


(Uminom ng lason si Simoun) (Uubo ng tila nasasaktan)

Padre Florentino: Nahihirapan ba kayo Ginoong Simoun?


Simoun: Kaunti po, ngunit matatapos na rin ito sa loob ng ilang sandali.
Padre Florentino: Diyos ko! Anong ginawa nyo?
S: Bago ako mawala ay nais kong ipagtapat saiyo kung sino ako. Ako si Crisostomo Ibarra. (Masindak ang Pari) Bakit nyo po ako
pinagkaitam ng tulong?
PF: Sapagkat pinili nyo ang paraang hindi pinahihintulutan ng Diyos.
S: Paliwanag niyoy aking tinatanggap, ako nga ay magkamali. Ngunit dahil ba sa aking pagkakamali'y ipagkait na ng Diyos ang kaligtasan
ng Bayan. Bakit niyapinapabayaang magdusa ang maraming karapa dapat at minamasdang payapa ang kanilang mga paghihirap?.
PF: Ang mga karapat dapat ay kailangang magtiis upang malaman at lumaganap ang kanilang adhikain.
(Pumikit na si Simoun bilang tanda na siya ay pumanaw na)
PF :(lalapi kay Simoun at Bubulong) Nasaan na ang kabataang maglalaan ng kanilang magagandang sandali? Mga pangarap at kasiglahan
sa ikabubuti ng kanilang bayan.? Hinihintay namin kayo o kabataan... Hinihintay namin kayo.

(Kakatok ang mga Guwardiya sibil sa pinto)


(Dali daling kukunin ni PF ang isang kahon ni Simoun )
(Close curtains) Music playing... "Kabataan para sa kinabukasan" (Chorus) 00:37-00:55

(Open curtains)
(Ihahagis sa dagat ang kahon) (Splash sound effect)
PF: Naway ingatan ka ng kalikasan, walang hanggang karagatan. Kung dahil sa isang banal at magandang layunin ay kailanganin ka ng tao,
pahintulutan ka ng Diyos na makuha sa sinapupunan ng mga alon. Samantala'y diyan, hindi mo ililiko ang katarungan at hindi ka maguudyok
ng kasakiman.

(Scene 6) Ending Scene

(Lahat aawit)
Music playing... "Bayan Ko" (Ending Chorus)

You might also like