You are on page 1of 4

EL FILIBUSTERISMO

UNANG EKSENA (KABANATA 1)

Tagasalaysay: Umaga noon ng Disyembre ng pumalaot ang Bapor Tabo na sapagkat ito ay
hugis tabo sinasabing ito ay mapagpanggap daw. Subalit kahit ano pa ang ipintas rito,
sinasakyan pa rin ito ng mga pobreng mamamayan na labis na nakauunawang kung siya ay
may kapintasan, sila man ay mayroon ding kasiraan. Kapag nakita mo ang Bapor Tabo,
pabuga - buga ito ng itim na usok, malakas kung sumipol. Nahahati sa dalawang bahagi ang
Bapor Tabo, ang ilalim at ang ibabaw. Makikita sa ibaba ang mga Indio, Chino at mestizo na
pawisang nagsisiksikan katani ng mga baul at kalakal. Makikita naman sa itaas na
maginhawang nakaupo ang ilang prayle, ilang nakadamit pang Europeo at ang ilang kawani
na hititan ng hititan ng takbo habang kwentuhan ng kwentuhan at nagmamasid – masid sa
napakalinaw na tubig. Isa na rito sa nagmamasid ng magandang tanawin ay si Donya
Victorina, isang babaeng nagpapanggap na may lahing Europeo.

Donya Victorina: Ano ba naman ito? Kay ba-bagal ng takbo ng Bapor. Wala na bang ibibilis
ito kapitan? Tsk tsk tsk tsk… Bibilis sana ang takbo ng Bapor kung wala ang mga kasko at
mga bangka ng mga Indio. Nakasisira sa ganda ng kalikasan ang mga Indio na nagsisipagligo
at nagsisipaglaba. Dapat ay walang mga Indio sa pampang, dapat ay walang Indio sa lipunan,
dapat ay walang Indio sa alinmang bahagi ng sandaigdigan.

IKALAWANG EKSENA (KABANATA 17 AND 22)

Tagasalaysay: Isang gabi sa buwan ng Enero, ang mga tao ay natitipun-tipon sa perya upang
magsaya at maglibang. Sa perya, may nakaka-indayog na musika, at mayroong ding
magagandang dekorasyon at pailaw. Namamasyal sina Donya Victorina at ang pamangkin
nito na si Paulita. Tila naman may isang binata na nagkakainteres sa dalaga, at siya si Juanito.

Juanito: (Lalapit kina Paulita) Ang ganda mo! (Tila nahipnotismong bigkas nito) Este!
Magandang gabi sa iyo Paulita at Donya Victorina! (Iaabot ang kamay nito kay Paulita
ngunit hindi nito iyon papansinin)

Donya Victorina: (Aabutin ang kamay ni Juanito at nagpapa-cute na nagsalita) Magandang


gabi din Juanito (Kinikilig at di parin binibitiwan ang kamay ni Juanito)

Paulita: Tayo na ho Tiya! (Mahinhin na wika nito at nagpatwina na sa paglalakad kasama si


Isagani)

Donya Victorina: Sige Juanito kami’y mauuna na. Sa muling pagkikita! (Tatango lang si
Juanito)

Tagasalaysay: Kasamang nanonood sa entablado ang tatlo. Napapagitnaan si Juanito sa


dalawang babae. Panay naman ang pagpapakita ng interes ni Donya Victorina kay Juanito na
pumapalakpak at tumatango na wari’y nauunawaan ang napapanuod.

Juanito: (Lilingon kay Paulita) Alam mo Paulita..

Paulita: (Ngingiti ng pilit) Ano iyon? (Walang ganang wika nito)

Juanito: Di ko na kelangang tumingin o manuod ng palabas na ito upang makakita ng


maganda.

Paulita: Bakit? (Tataas ang kilay)


Juanito: Kasi aanhin ko pa ang mga kagandahan nila na sinusulyapan mula sa kalayuan kung
meron namang mas malapit at mas magandang nasa tabi ko. (Ngingiti ng kay tamis si Juanito
at mamumula si Paulita at tatakpan ang mukha)

Donya Victorina: Ika’y tunay na maginoo Juanito. (Malanding bigkas nito sabay
hahampasin si Juanito, matutumba si Juanito paharap) Nagmana lang sakin si Paulita pero
mas lamang pa rin ang aking kagandahan.

IKATLONG EKSENA (KABANATA 24)

Tagasalaysay: Sa tabi ng dagat sa Maynila ay naglalakad si Isagani habang inaalala ang pag-
iibigan nila ni Paulita. Palalim na ang gabi. Nanlumo si Isagani ng di pa rin makita si Paulita.
Ngunit mayamaya ay nakarinig sya ng papalapit na ingit ng mga gulong ng karwahe. Sakay
nito sina Paulita, Donya Victorina at isang alalay. Paghinto ng karwahe.. masiglang lumabas
si Paulita mula rito at nakangiting binati sya.

Paulita: Magandang gabi! (Nakangiting wika nito at ngunit bago pa makabati si Isagani ay
nagsalita si Donya Victorina at hinarangan si Paulita)

Donya Victorina: Ano ng balita mo sa walang hiya kong asawa?

Isagani: Wala pa po akong naririnig tungkol sa asawa niyo.

Donya Victorina: Bweno balitaan mo na lamang ako kapag may nalaman ka na (sambit nito
at agad na nagpaypay) Bakit kasi kailangan pang maghintay ng sampung taon para
magkapagpakasal uli.

Isagani: Kasal?... At sino naman ang maswerteng ginoo? Hah! Malas kamo. (Bulong lamang
niya ang huli nyang sinabi)

Donya Victorina: May sinasabi ka ba? (Tumikhim) Ano ang palagay mo kay Juanito Pelaez?
(Kinikilig na sambit nito)

Isagani: Sa tingin ko ho, bagay na bagay ho siya sa isang tulad nyong kaibig-ibig!

Tagasalaysay: Sa isang tabi naman ay makikitang may ibinulong si Paulita sa kasama nilang
alalay pagkatapos ay sadya niyang inihulog ang kanyang pamaypay kasabay nun ay ang
pagtakbo niya papunta rito.

Alalay: Ginoong Isagani! Ang pamaypay ni Paulita ay nahulog sa batuhan.


(Tumakbo na papunta rito si Isagani at nakita niya si Paulita na nakatayo doon sabay abot
ng pamaypay)

Paulita: Mabuti naman at naisipan mo pang makipag-kita sa akin. Kagabi lang ay parang
hindi mo ako kilala at titig na titig ka pa sa mga babaeng nagtatanghal sa entablado.

Isagani: Ipagpatawad mo ako aking Paulita, ang buong akala ko kasi ay kayo ni
Juanito ay nagkakamabutihan na.

Paulita: Napilitan lang naman akong sumama sa aking tiya at pumayag din ako sapagkat
nagbabakasakali akong makita kita duon sa dulaan, walang halaga sa akin ang Juanitong iyon.
(Tinalikuran niya ang binata)
Isagani: (Lalapitan niya si Paulita at yayakapin mula sa likod) Paulita alam mo namang ang
mga mata ko ay nakalaan lamang sayo. Hindi-hindi ako titingin ng iba. (Iniharap niya si
Paulita sa kanya) Ang pagmamahal ko sayo ay gaya ng pagmamahal ko sa aking bayan.
Hindi tuluyang mabubuo ang pagkatao ko kung hindi kita kapiling, pangarap namang
maituturing kung ang aking bansang sinilangan ay malaya na sa kapahamakan.

Paulita: Hindi titingin sa iba? Eh kung makatingin ka nga dun sa mga babae kagabi akala mo
yun na ang pinakamagandang nangyari sa mundo. (Lalakad ito palayo kay Isagani) Alam mo
dun ka na lang sa mga babae mo, mukha kasing lugmok na lugmok ka ng kasama ako.

Isagani: Pero Paulita ikaw lang talaga ang babae sa buhay ko, paniwalaan mo
naman ako.

Paulita: Heh! Wag mo kong kausapin, mainit pa din ang ulo ko sayo.

Tagasalaysay: May biglang dadaan na isang grupo ng magkakaibigan, kinausap ito ni Isagani
at hiniram ang dala-dala nilang gitara. Pagkaraa'y inilunod niya ang kanyang kanang binti at
ang kaliwa naman ay ang ginawa niyang pang- suporta sa gitara.

Isagani: (listrum ang gitara-Ikaw lang ang aking mahal) Itanong mo sa akin kung sino'ng
aking mahal. Itanong mo sa akin sagot ko'y di magtatagal. (Mapapalingon sa kanya si Paulita)
Ikaw lang ang aking mahal ang pag-ibig mo'y aking kailangan pag-ibig na walang hangganan
ang aking tunay na nararamdaman. Isa lang ang damdamin ikaw lang ang aking mahal
maniwala ka sana sa akin walang iba.

Paulita: (Lalapitan si Isagani at hahawakan sa magkabilang braso) Tumayo ka nga dyan.


(Tatayo naman si Isagani) Oo na, naniniwala na ako sayo.

Isagani: Talaga?! (Akmang yayakapin na ang dalaga ng...)

Paulita: Hep... Hep... Hep... Yung sinabi mo kaninang mga pangarap mo. Isagani hindi mo
man lang naisip na baka buhay mo ang maging kapalit ng mga kabayanihang ginagawa mo?!

Isagani: Kung gayo'y masaya akong mamamatay para sa bayan.

Paulita: At hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko?

Isagani: Mahal kita Paulita at gusto ko na maging masaya ka kahit na ako'y wala na. Wag
kang mag- alala mag-iingat ako para sayo (Hahawakan niya ito sa pisnge, saglit na
magkakatitigan ang dalawa. Nang biglang sumigaw si Donya Victorina)

Donya Victorina: Umuwi na tayo Paulita dahil akoy nilalamok na!

EKSENA NG DALAWANG DONYA SA NOLI ME TANGERE

Tagasalaysay: Si Donya Victorina ay namamasyal sa bayan na ang layunin ay masdan kung


paano namamahay at nagsasaka ang mga tamad na indio. Kasama niya ang kanyang asawang
si Don Tiburcio.

Donya Victorina: Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay dito? Kailangan ngang
maging indio. Mga walang pinag-aralan at nagmamalaki pa. Biruin mo, ang mga
nakakasalubong natin ay ni hindi man lamang nagbibigay pugay sa atin! Hoy! Tiburcio!!!
Turuan mo nga ng urbanidad ang mga iyon!

Don Tiburcio: Ngunit, baka ako'y kanilang balikan at mapa-away pa.


Donya Victorina: Hay naku! Isa ka pang indio!!! Tayo'y nakakaangat sa kanila! Dapat silang
magpugay sa atin!

Tagasalaysay: Dumaan sila sa harap ng bahay ng alperes kung saan ang asawa ng alperes na
si Donya Consolacion ay naroroon. Tulad ng nakagawian, siya'y nakapranela at nakatabako.
Tinignan ni Donya Consolacion si Donya Victorina mula ulo hanggang baba at matapos
ngusuan ay dumura at lumingon sa kabila.

Donya Victorina: Ngayon ano ang nangyari sa inyo Donya? Bakit ba ako ay tiningnan nyo
ng ganyan? Naiinggit ba kayo sa akin? Kung sabagay, sa histura mo, ako nga'y mas
nakakaangat.

Donya Consolacion: Ako naiinggit sa inyo? Hahaha Marahil nga. Oo nga, ako'y naiinggit sa
iyong mahabang buhok at napakagwapong kabiyak.

Donya Victorina: Usted está consiguiendo en mis nervios. ¡Le enseñaré una lección! (Aba,
nakakapag-init ka na ng dugo! Tuturuan kita ng leksyon!) ¡Apuesto que usted no sabe cuál
soy hablar estúpido! (Sigurado akong hindi mo ako naiintindiha, indio!)

Donya Consolacion: ¿Usted pensó que no puedo hablar español? (Akala mo ba hindi ako
nkakapagsalita ng Español?) ¿Ahora quién tiene estúpido? (Ngayon, sinong istupida?) Donya
Victorina. La esposa bochornosa, ostentosa con todo indolente que intenta difícilmente ser
español (Donya Victorina. Isang kaakit-akit, magarbo ngunit inutil na asawa na nagpipilit
maging español!). Siguro nga dapat kang kainggitan? ¿estúpido? ¿yo? ¿usted sabe lo que
usted está hablando de usted puta? (Stupida ako? Alam mo ba ang iyong sinasabi ha,
Escelentisima Señora puput!)

Donya Victorina: Hoy, Donya Consolacion! Ako'y nakukutya na makipag-usap sa inyo


sapagkat ikaw ay isang mababang uri ng babae. Bakit hindi mo ako ipaglaba at babayaran kita
ng malaking salapi?

Donya Consolacion: Aba, hinahamon talaga ako ng babaeng ito! Akala mo ba ay hindi kita
kilala? Akala mo ba ay uurungan kita? Nasabi ata sa akin ng aking kabiyak kung anong uri ka
ng babae! Baka naman hindi mo alam na alam ko na napilitan lamang pakasal sa iyo ang
iyong pilantod na asawa? Na gustong gusto mong magkaanak ngunit sadyang hindi ka
binibiyayaan marahil dahil na rin sa sama ng iyong budhi? At ngayon ay pumapapel ka pa sa
kasal ni Maria Clara? Ano? Sige! Maglabasan tayo ng nalalaman! (Sabay sindi ng tabako)

Donya Victorina: Hoy, hoy, hoy! Ikaw babaeng walang alam kundi humithit ng tabako
(Kinuha ang tabako mula sa bibig ng Donya) Matapang ka diba? Gusto mo ng away?

Don Tiburcio: Tama na. Halika na.

Donya Victorina: Pabayaan mo nga ako! Dapat turuan ng leksyon ang babaing ito!

Donya Consolacion: Anong leksyon? Kung paano mang-akit at makialam sa buhay ng may
buhay?

Donya Victorina: Aba, talagang ginagalit mo ako!

END

You might also like