You are on page 1of 10

KABANATA 24:

ANG MGA PANGARAP


IUULAT NI: Dacty Dennis Lalong-isip Calderon
MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang sukatan ng totoong tagumpay?

MAHALAGANG KAALAMAN:
Ang pangarap ay nagsisilbing inspirasyon upang
maisakatuparan ang misyon sa buhay. Ito ang
nagtutulak sa tao upang ipagpatuloy ang
tinatahak na landas
Ngunit kailangan ang pagkilos at ibayong
pagsisikap dahil hindi matutupad ang isang
pangarap sa paghihintay lamang.
SALITA KAHULUGAN
Makipagtipan Makipagkita
Nagpugay Nagbigay-galang
Nagbibigkis Nag-uugnay
Piging Pagdiriwang
Karwahe Sasakyang pangharlika
Daang-bakal Riles
Busabos Hampaslupa
Pagsansala Pagpigil
nagpakipot Nagkunwari sa ayaw sa isang
bagay na gustong gusto
Kinabukasan, bago lumubog ang araw, si Isagani ay
nasa Paseo de Maria Cristina sa Luneta upang
makipagtipan kay Paulita. Makikipagtipan siya sa
dalaga upang hingan ito ng paliwanag

Habang naghihintay siya, pilit niyang inaalala ang


masasayang araw nila ni Paulita ngunit kalungkutan
at pagkainis pa rin ang nangingibabaw sa kanya.
Nais niyang paghigantihan si Juanito.
Nakita niya ang dalawang Heswita na nagging propesor
niya at walang kibo siyang nagpugay. Inagaw din ang
kanyang pansin ng tinig ni Ben Zayb na nagtatanong sa
kausap ukol sa pagkakasakit ni Simoun na ayon sa kanya
ay ayaw tumanggap ng bisita kahit pa tauhan ng Kapitan
Heneral. Sumagi tuloy sa isipan ni Isagani ang mga
sugatang kawal galing sa pakikidigma na wala man
lamang pumapansin samantalang halos lahat ay
nababahala sa kalagaynan ni Simoun kaya naisip niyang
mamatay para sa bayan. Ang bayang nasa isip ni Isagani
ay hindi lamang Pilipinas kundi pati Espanya.
Pinahahalagahan ng binate ang kasaysayan, ang
pananampalataya, at maging ang wika na nagbibigkis
sa dalawang bansa. Naalala ng binate ang gagawin
nilang piging sa pansiterya ng mga intsik sa gabing iyun
para sa pagkamatay ng Akademya ng Wikang Kastila.
Naudlot ang pag-iisip ni Isagani nang mapansin
niyang lumalalim na ang gabi at nawawalan na siya
ng pag-asang darating pa si Paulita. Halos wala
nang tao sa Luneta kaya lalo lamang siyang
nakadama ng kalungkutan ngunit nakarinig siya ng
ingay buhat sa malayo na unti-unting lumalapit. Siya
ay lumingon at nagging mabilis ang pintig ng
kanyang puso. Nakita niya ang isang karwahe na
sakay sina Paulita at Doña Victorina na kasama si
Juanito.
Mabilis na nakababa ng karwahe ang dalaga bago
pa siya naalalayan ni Isagani at buong giliw na
ngumiti sa binate. Ang galit at panibugho ni Isagani
ay biglang naglaho. Sa kasawiang-palad, mabilis
siyang hinatak ni Doña Victorina upang itanong si
Don Tiburcio. Sinabi ng donya na kailangan niyang
makita ang nawawalang asawa, buhay man o
patay, upang makapag-asawang muli. Ayaw raw
niyang maghintay pa ng sampung taon. Nabigla si
Isagani sa narinig. “Sino naman kaya ang gusto
niyang pakasalan? Kawawa naman,” ang
naibulong na lamang niya sa sarili.
Tinanong din siya ng donya tungkol kay Juanito. Lihim na
natuwa si Isagani at puro mga papuri lamang kay Juanito
ang kanyang mga isinagot nang lapitan sila ng kaibigan ni
Paulita upang sabihing nahulog ang pamaypay ng dalaga
sa dalampasigan. Ito ang nagbigay ng pagkakataon sa
magkasintahan na makapag-usap. Sinabi ni Paulita ang
kanyang hinanakit sa binate. Ayon sa kanya, panay ang
tingin ng binate sa mga artistang Pranses sa dulaan. Sinabi rin
niyang sumama siya kay Juanito upang makita si Isagani. Si
Doña Victorina raw ang may gusto sa binate. Natawa sila
pareho hanggang mauwi ang usapan sa kanilang mga
pangarap. Sinabi ni Isagani na sa nayon niya gusting
manirahan dahil sa mga kabundukan siya nakadarama ng
kalayaan at ang kanyang bayan ang nagsisilbing kanyang
kaligayahan ngunit nakaramdam siya ng kakulangan sa
bago niya nakilala ang dalaga at ngayon ay tiyak niyang
ang dalaga ang kabuuan ng kanyang mga pangarap.
Sa kasawiang-palad, hindi sumang-ayon si Paulita na tumira sa
bayan dahil ayon sa kanya, kailangan munang magdaan sa mga
bundok upang makarating doon t iyon ay lubhang nakakapagod
at sanay siyang magbiyahe na sakay ng sasakyan o kaya ng tren.
“Huwag kang mag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon din ng
daang-bakal kahit saan at hindi na magiging mahirap ang
magbiyahe sa bayan. At iyan ay sa tulong ng Espanya. Ang
Pilipinas ay magiging maunlad din”, ang pagmamalaking sabi ni
Isagani. “Naku, mananatiling pangarap nalng iyan! Mannatiling
busabos ang baying it,” wika ng dalaga. “Maniwala ka sana na ito
ay magkakaroon ng katuparan at kung hindi man, maligaya pa rin
akong mamamatay sa paggunita lamang ng iyong pag-ibig at
tiyak kong ipagmamalaki mo ang pagsasabing namaty ako sa
pagtatanggol sa bayan,” ang pansansala ni Isagani sa sinabi ni
Paulita nang lumapit si Doña Victorina at nagyaya ng umuwi.
Inanyayahan nila si Isaganing sumakay sa karwahe at hindi naman
nagpakipot pa ang binate. Siya ay umupo sa tabi ni Paulita
samantalang katabi naman ng donya si Juanito.
SALITA KAHULUGAN
1. Makipagtipan
2. Nagpugay
3. Nagbibigkis
4. Piging
5. Karwahe
6. Daang-bakal
7. Busabos
8. Pagsansala
9. Nagpakipot
10. IKAW, ANO ANG IYONG PANGARAP PARA SA BAYAN

You might also like