You are on page 1of 11

El Filibusterismo

Kabanata 24: Mga


Pangarap

Inihanda ni: Zendy P. Gavazan


TAUHAN
TAUHAN

Paulita
Isagani Simoun
Gomez
TAUHAN
TAUHAN

Don Doña
Juanito
Tiburcio Victorina
TALASALITAAN

Kabuluhan- Kahalagahan

Nagpahayag- nagsabi
Manibugho- magselos,
mainggit

Batid- Alam
Karwahe- sasakyang hila-hila
ng kabayo
BUOD
Nakipagkita si Isagani kay Paulita. Nainis si Isagani
dahil nakita niya sina Paulita at Juanito sa dulaan.
Binuo sa sarili na sakaling makita niya si Juanito ay
baka masuntok nya ito.

Nakasalubong niya sa paglalakad ang dalawang pari na


dating propesor niya ngit hindi sya nagbigay-galang
dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Nadaanan nya si Ben
Zayb na may kausap at narinig nya sa usapan na ang
alaherong si Simoun ay may sakit at ayaw tumanggap ng
dalaw kaninuman. Maging ang katulong ng Kapitan
Heneral ay kaniyang tinanggihan.
BUOD
Naisip ni Isagani ang pagkakaiba ng pagtrato sa
mayayaman at mahihirap. Sa mga sugatang kawal,
walang pumapansin, pero kay Simoun, marami ang
nababahala.

Nang dumating si Paulita, nagkangitian sila ni Isagani.


Biglang tanong ni Donya Victorina kung sa nayon ba
nagtatago si Don Tiburcio. Sinabi ni Isagani na hindi
niya alam.
Tinanong ulit ni Donya kung ano kaya kung pakasal siya
kay Juanito, pero pinuri pa rin ni Isagani si Juanito.
Nagbigay ng pagkakataon si Donya Victorina para mag-
usap sina Paulita at Isagani. Nagpalitan pa sila ng
pangarap para sa hinaharap.
Suliranin Panlipunan
Ang suliraning panlipunan sa kabanata 24 ay ang
kaibahan ng pagtrato sa mga mayaman at
mahirap. Ang mga sugatang kawal ay
pinababayaan at samantalang marami ang
nababahala sa mayaman na alaherong si Simoun.

Hindi pagpapatupad ng magagandang daang-


bakal para sa mas komportableng pagbiyahe
Nabanggit ni Paulita Gomez na ayaw niyang
tumira sa bayan dahil mahirap daw makarating
doon. Kailangan pang dumaan sa daang baku-
bako at nakakapagod.
ARAL
Ang lihim ay lihim. Kapag masyadong
masaya, huwag magpapadala sa emosyon
upang isiwalat ang mga nakatagong lihim.

Nagtuturo din ito ng kahalagahan ng


pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa
mga pangarap sa buhay. Sa kabila ng mga
pagsubok at pagkakaiba ng kagustuhan,
mahalaga na maging matapat sa isa’t isa at
suportahan ang mga mithiin ng bawat isa.
Maraming Salamat
sa pakikinig!

Inihanda ni: Zendy P. Gavazan

You might also like