You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Araw Noong unang panahon, ang mundo ay nababalot ng kadiliman.

Ang mga tao ay kailangan pang gumawa ng apoy gamit ang mga kahoy o bato upang magkaroon sila ng liwanag at init. Ngunit hindi ito sapat kaya humungi sila ng tulong sa kanilang mga diyos. Ang diyos ng apoy ay bumaba mula sa langit at dininig ang kanilang hiling at gumawa ng isang malaking bolang apoy na magbibigay ng liwanag at init sa mga tao. Ngunit ito ay sobrang laki at mainit kaya ang mga tao ay hindi na lumalabas sa mga kweba para hindi sila masunog. Nakita ito ng diyos ng apoy kaya itinapon niya ang bolang apoy pataas hangang sa maabot nito ang kalangitan at doon na nanatili ang bolang apoy. Dahil sa init na taglay nito, hindi ito nagtatagal sa kalangitan at tinatago ito ng diyos ng apoy. Hangang ngayon ay nakikita natin ang bolang apoy sa kalangitan at nararamdaman ang init nito. Ito ay tinawag na araw ng mga tao. Kapag ito ay nasa kalangitan, tinawag nila itong umaga at gabi naman kapag wala ito.

Basahin at isulat ang mga salita

ang ____________ mga ____________ ito ______________ sa_______________ na ______________ ng_______________ ay_______________ at_______________ kapag___________ kanya___________ ako_____________ sila______________ ikaw_____________ kami_____________ tayo_____________ pero_____________

Ang Alamat ng Buwan Noong unang panahon, ang buwan ay isang bato na umiikot sa ating mundo. Napansin nya na malungkot ang araw. Tinanong niya ito kung bakit siya malungkot. Sinabi sa kanya ng araw na minsan ay kailangan niyang pumunta sa kabilang panig ng mundo upang magbigay ng init at liwanag. Ayaw niyang iwan ang isang panig na walang liwanag. Tinanong ng buwan kung ano ang maitutulong niya. Ang sabi ng araw, bibigyan nya ng liwanag ang buwan para siya ang magbigay ng liwanag sa bahagi ng mundo kung saan wala ang araw. Ngunit ang buwan ay masyadong maliit para magbigay ng liwanag. Ang sabi ng araw ay kahit maliit siya, maaari pa rin siyang magbigay ng kahit konting liwanag habang nasa kabilang bahagi ang araw.

You might also like