You are on page 1of 2

CANDLE’S BURNING CEREMONY: SCRIPT

1. BAGO MAG-SIMULA: Ihanda ang lahat sa pwesto (malaking bilog), hintayin na makaayos ang
mga kawan leaders
2. PAGSISIMULA: Sabihin ang Unang script, bago sindihan ang unang Kandila ( Sir Ranjit)

1st Script: Katulad ng isang kandila ang buhay, matapos magliwanag ay mamatay
Ang liwanag na iyong tinataglay, Biyaya ng Diyos ngayon at kailanpaman

Ipamahagi mo, ang iyong liwanag, Magsilbing ilaw sa landas ng iyong


kapwa
Tulad ni Hesus, Liwanag niyay’ tanglaw hanggang wakas

Liwanag ng kandila’y di masasayang, Kapag ito’y ginamit sa katwiran


Ang buhay ng tao’y sandali lamang,
Gamitin sa Diyos na may lalang.

3. Tugtuging ang awiting – ANG KANDILA or ITONG ILAW NG SCOUTING


4. PAGSISINDI NG KANDILA: Sisimulan ni Sir Ranjit mag-sindi ng kandila, (habang tumutugtog
ang awit)
2nd Script: Sindihan ang Kandila ng Buhay, na may biyayang taglay at ipamahagi
ang liwanag na ito na magsisilbing ilaw sa landas ng kapwa ninyo iskawts.

5. NAKASINDI NA ANG LAHAT NG KANDILA: Itataas ang Kandila…. At sabihin ang mga katagang
ito.

3rd Script: Itaas natin ang ating mga kandila na sumisimbolo sa taglay na liwanag,
pag-ibig at biyaya ng Diyos na buhay na magsisilbing ilaw sa landasin ng buhay. At
magwika ng mga katagang aking sasambitin..

“ Ako si Iskawt ________________(sabihin ang Kumpletong Pangalan) na ngangakong


gagawin ang makakaya; Upang maging liwanag sa karamihan, mahalin ang Diyos at ang
aking bayan, nang buong puso at isipan.
Ang taglay kong ilaw na ito ay magsisilbing tanglaw para gumawa ng mabuti sa araw-araw.
Ako ay nanampalataya gamit ang liwanag na ito na ang Panginoong Hesus, ay gayon na
lamang ang pagmamahal sa sanlibutan, kaya ang liwanag ng pag-ibig niya ang nagsilbing
kaligtasan upang ako ay magkaroon ng buhay na ganap at walang hanggan. Sa ngalan ng
scouting ang liwanag na angkin ay biyayang taglay na magiting.

6. ATING AWITAN ANG MGA SUMUSUNOD:


a. Candles’ Burning
b. Give me oil in my Lamp
c. Itong ilaw ng scouting..

7. HIHIPAN NG SABAY-SABAY ANG KANDILA


8. Uupo ang lahat PARA Makining sa Mensahe.
-

You might also like