You are on page 1of 8

Pagdiriwang sa Araw ng Linggo kapag walang Pari

I. PANIMULANG RITU
1. PAMBUNGAD NA AWIT

Commentator: Tayo po’y magsitayo para sa pasimula ng pagdiriwang.

2. PAGBATI

Namumuno: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen

Namumuno: Sumaatin nawa ang pagpapala n gating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng
Diyos Ama at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen

Namumuno; Mga Kapatid, binabati tayo ng pagmamahal n gating Panginoong Hesukristo. Siya
ay naririto ngayon sa ating piling, sapagkat winika Niya, “Kapag ang dalawa o tatlo ay natitipon
sa Aking pangalan, Ako’y nasa kanila.

3. PAGSISISI NG KASALANAN

Namumuno: Mga Kapatid, bilang paghahanda natin sa pagdiriwang na ito, magsisi tayo’t
humingi ng kapatawaran para sa ating mga kasalanan,

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sainyo mga kapatid, na lubha akong


nagkasala, sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na
Birheng Maria, at sa lahat ng mga Anghel at mga banal, at sa inyo mga kapatid, na ako’y
ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Namumuno: Kaawaan nawa tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin ang ating mga
kasalanan, at patnubayan tayo hanggang sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen
4. PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI (Aawitin)

5. AWIT NG PAPURI

Namumuno: Tinipon tayo ni Hesukristo bilang bahagi ng kanyang katawan upang papurihan
ang Ama sa langit. Sa ating sama-samang pagdiriwang ng Araw ng Panginoon, tayo’y magpuri
sa kanyang kadakilaan at kabutihan.

Lahat: (Aawitin o bibigkasin ang Papuri, nasa Sambuhay po ang papuri kung hindi kabisado)

6. PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Namumuno: Manalangin tayo…. Ama naming makapangyarihan….

Lahat: Amen

II. LITURHIYANG SALITA NG DIYOS

1. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Namumuno: Mga Kapatid, parangalan natin ang banal na Kasulatan, upang ang mga aral na
tumatanglaw sa ating buhay ay tumimo sa ating puso at isipan.

Namumuno: Purihin at ipagdangal an gating Poong Maykapal, Ama na bukal ng buhay, Anak
na siya nating daan, Espiritung ating tanglaw.
2. UNANG PAGBASA

Commentator: Umupo po ang lahat at making sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

(Pagkatapos ng pagpaparangal, ang lahat ay uupo. Sisimulan ang pagbasa sa pamamagitan ng


pahayag)

Lector: Ang salita ng Diyos mula sa ….

(Pagkatapos ng pagbasa, tatahimik sumandali)

Lector: Ang Salita ng Diyos

Lahat: Salamat sa Diyos

3. SALMONG TUGUNAN

(Ang salmo ay tulong upang mapagmuni-muni natin ang Salita ng Diyos, mas magiging
kalugod lugod kung ito ay aawitin. Ang salmo ay makikita sa sambuhay)

4. IKALAWANG PAGBASA

(Pagpapahayag tulad ng unang pagbasa)

Lector: Ang salita ng Diyos mula sa ….

(Pagkatapos ng pagbasa, tatahimik sumandali)

Lector: Ang Salita ng Diyos

Lahat: Salamat sa Diyos

Commentator: Tayo po’y magsitayo.


5. PAGBUBUNYI SA MABUTING BALITA

(Ang lahat ay tatayo at aawitin ang Aleluya)

6. PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA

(Ipapahayag ng Namumuno ang mabuting balita sa ganitong pananalita)

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoong Hesukristo ayon kay San…

Lahat: Papuri sa iyo Panginoon

(Pagkatapos ng pagbasa, sasabihin ng namumuno)

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.

Commentator: Tayo po’y magsi-upo at makinig sa pagninilay.

7. PAGNINILAY O HOMILIYA

(Pakiramdaman ang Lay minister kung patapos na ang sasabihin, at kapag tumalikod na at
bumalik sa altar, ang lahat ay tatayo)

Commentator: Tatayo po ang lahat.

8. PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

(Dasalin ang sumasampalataya. Ang dasal ay nasa sambuhay)

9. PANALANGING PANGKALAHATAN

(Ito ang panalangin ng bayan, pagkatapos basahin ng lay minister ang part niya, tatayo ang
isang lector para basahin ang panalangin, at ang commentator ang tutugon. Ito ay nasa
sambuhay)

(Pagkatapos nito, komunyon na)


III. BANAL NA KOMUNYON
1. PAGSAMBA SA KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO

Commentator: Luluhod po ang lahat

(Ang lahat ay luluhod. Kukunin ng namumuno ang Banal na Ciborium, ilalalgay ito sa ibabaw
ng altar at sasabihin ang mga sumusunod)

Namumuno: Mga Kapatid, sambahin natin ang Panginoong Hesukristo na naririto sa Banal na
Sakramento na tanda ng pag-ibig at pagkakaisa.

(Itataas ng namumuno ang ciborium ang mga tao ay tatahimik, pagkatapos ay await ng Great
Amen.)

Lahat: Amen

Commentator: Tatayo po ang lahat.

2. PANALANGIN NG PAPURI AT PASASALAMAT

TUGON: PAPURI AT PARANGAL SA IYO, PANGINOONG DIYOS

Namumuno: Nagpapasalamat kami sa iyo Panginoon naming Diyos…. At sa pamamagitan


ng iyong mga gawa ay hinangad mong lalo pang pagbutihin.

Lahat: PAPURI AT PARANGAL SA IYO, PANGINOONG DIYOS

Namumuno: Nilikha mo ang tao na iyong kawangis… sa buhay n gaming kapatid.

Lahat: PAPURI AT PARANGAL SA IYO, PANGINOONG DIYOS

Namumuno: Ayaw mong mawalay kami sa iyo…. Kahangahangang kasaysayan ng iyong


pagmamahal.

Lahat: PAPURI AT PARANGAL SA IYO, PANGINOONG DIYOS

Namumuno: Sa pamamagitan ng iyong anak na si Hesukristo…. Dinulutan mo kami ng


kagalakan sa mga hindi malilimutang pakikipagniig sa iyo.
Lahat: PAPURI AT PARANGAL SA IYO, PANGINOONG DIYOS

Namumuno: Pakibahaginan mo kami ng iyong buhay…. Sa kapangyarihan ng espiritu santo


na sa ami’y kaloob mo.

Lahat: PAPURI AT PARANGAL SA IYO, PANGINOONG DIYOS

Namumuno: Kaya kasama ng lahat naming kapwa-kristiyano sa buong mundo….. bilang


iisang angkan mo.

Lahat: PAPURI AT PARANGAL SA IYO, PANGINOONG DIYOS

3. PANALANGIN NG PANGINOONG JESUS

Namumuno: Manalangin tayo mga kapatid sa ating Ama, sa pamamagitan ng panalanging


itinuro n gating tagapagligtas.

Lahat: Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo po kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad
namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya mo
kami sa lahat ng masama. Amen

(Pagkatapos ng ama namin…. Ay maaring gawin ang batian ng kapayapaan sa mga sumusunod
na pananalita)

Namumuno: Sumaatin nawa ang kapayapaan sa isa’t isa.

Lahat: Amen

Commentator: Luluhod po ang lahat.


4. BANAL NA KOMUNYON

(Ang lahat ay luluhod)

Namumuno: Ito ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad
ang mga inaanyayahan sa Kanyang piging.

Lahat: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo
lamang ay gagaling na ako.

(Gagawin na dito ang komunyon at sasabayan ng awiting naaangkop. Kapag natapos na ang
komunyon, hintaying matapos mag-ayos ang lay minister bago magpatayo)

Commentator: Tatayo po ang lahat

5. PANGWAKAS NA PANALANGIN

Namumuno: Manalangin tayo. Ama naming mapagmahal………………

Lahat: Amen

Commentator: Tayo po’y magsi-upo at ihanda ang sarili sa pag-aalay.

6. PAG-AALAY

(Aawit ng naaangkop sa pag-aalay)

IV. PANGWAKAS

(Dito maaaring sabihin ang mga paalala o patalastas)


1. PANALANGIN NG PAGPAPALA

Namumuno: Pagpalain nawa tayo ng kapayapaan ng Diyos na pinagmulan ng tanang kasiyahan


sa buhay, ngayon at magpasawalang hangga.

Lahat: Amen

Namumuno: Pagkalooban nawa tayo ng Diyos ng kalayaan mula sa takot at pangamba,


palakasin ang ating loob sa pagpapadama niya sa atin ng pag-ibig na walang hanggan.

Lahat: Amen

Namumuno: Pasaganahin nawa niya sa atin ang kaloob niyang pananampalataya, pag-asa at
pag-ibig upang ang lahat n gating Gawain araw-araw ay magbunga ng kaligayahan sa buhay na
walang hanggan.

Lahat: Amen

(kukurusan ng bawat isa ang sarili)

Namumuno: Pagpalain nawa tayong lahat ng Makapangyarihang Diyos, Ama, anak at espiritu
santo.

Lahat: Amen

2. PAGPAPALISAN

Namumuno: Tapos na ang ating pagdiriwang. Humayo tayong lahat sa kapayapaan upang ibigin
at paglingkuran ang Panginoon.

Lahat: Salamat sa Diyos

3. PANGWAKAS NA AWIT

You might also like