You are on page 1of 4

Title: Ang Maliit na Liwanag ng aking Puso

Text: Matthew 5:14-16

INTRODUCTION:

* Dito sa Sermon ng Panginoong Jesus, gumamit Siya ng dalawang malakas na salita para
idescribe ang kaniyang mga tao.

* Tinawag Niya na Asin at Ilaw ang mga taong naglilingkod sa Kaniya. Ang dalawang bagay na ito
ay mahalaga at kagamit-gamit. Subalit kung ating titignan, napakalaki ng pagkakaiba nila sa kung
saan sila ginagamit.

* Halimbawa, ang asin ay nakatago pero ang ilaw ay nakikita. Ang Asin ay ginagawa ang kaniyang
purpose secretly pero ang ilaw ay ipinapakita ang kaniyang purpose. Ang asin ay gumagawa sa
loob pero ang asin gumagawa sa labas.

* Noong sinabi ng Panginoong Jesus na tayo ay ang Asin at Ilaw ng Sanlibutan, sinasabi niya na
tayo ay pinagkatiwalaan na maging isang magandang influence sa mundong ito para sa
kapurihan ng Dios.

* Sa umagang ito, gusto ko na ifocus natin ang ating mga sarili dun sa pangalawang bagay ang
maging ilaw.

* Ano ba ang ibig sabihin ng ilaw, sabi ni Mr. Webster ang ilaw daw ang isang bagay na ginagamit
upang maging malinaw ang ating pagkita.

* Kung paanong ang dalawang bagay na ito ay nagdudulot ng malaking impact sa mundo, tayo
din naman bilang mga anak ng Dios ay dapat na maging magandang halimbawa sa mundo.

* Siguro ito ang dahilan kung bakit ginamit ng Panginoong Jesus ang Asin at Ilaw dahil
napakasimple at common sa lahat ng tao sa ating pang-araw araw na buhay. Nais kong ibahagi sa
inyo kung paanong ang mga anak ng Dios ay magiging ilaw sa mundong ito. NAis ko na ibahagi sa
inyo na ang DIos ay may sinabi kung saan, kailan at paano dapat maging ilaw ang kaniyang mga
anak sa mundong madilin na ito para sa kaniyang kaluwalhatian.

BODY:

I. ANG KAPANGYARIHAN NG LIWANAG (v.14a)

- Ang liwanag ay isang bagay na kamangha mangha.


- Kahit na wala itong physical properties ay nagagawa niya ang purpose niya sa mundong
ito.

A. Ang Liwanag na tumatalo sa Dilim - Sa tuwing mayroong liwanag kahit na maliit na


liwanag ay nakapagaalis ito ng dili. Kahit na tayo ay nasa pinakamadilim na bahagi ng isang lugar
isang maliit na ilaw lamang ay magdadala ng malaking liwanag.

Application: Ang bagay na ito ay tunay din sa spiritual na buhay. Sinasabi ng Awit
119:130 "Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala
pang karanasan"

B. Ang Liwanag na nagbibigay buhay - Alam natin na ang Liwanag ng Magandang Balita
ang nagbigay ng panibagong buhay sa ating mga patay na kaluluwa. Ang ating mga puso ay
nasinagan ng katotohanan ng mga Salita ng DIos at tayo ay nailigtas sa kamatay dahil sa liwanag
na dala ni Cristo sa ating puso.

Application: Kaya nga, kung ating pagliliwanagin ang ating mga ilaw sa madilim
at patay na mundong ito, gagamitin tayo ng Dios para maging Tanglaw sa mga taong nadidiliman,
at ang liwanag na ito na mula sa Dios ang magbibigay ng panibagong buhay sa isang tao sa
mundong madilim na ito.

II. ANG KINALALAGYAN NG LIWANAG (v.14b-15)

- Dahil ang liwanag na ito ay napakahalaga at napakamakapangyarihan, saan at paano natin ito
gagamitin para sa kapurihan ng DIos?

A. ANG LIWANAG NG IGLESIA - Ang tinutukoy ng Panginoong Jesus dito ay ang isang
lungsod na nasa itaas ng burol. ang isang lungsod ay koleksyon ng madaming ilaw upang hindi
siya maitago, upang kahit gaano pa kadilim ang lugar na ito ay makikita dahil sa liwanag na taglay
ng lungsod.

Application: Ang larawang ito ng Panginoong Jesus ay patungkol sa kabuoan ng Iglesia sa


bawat lugar. Sinasabi niya na dapat ang Iglesia sa isang lugar ay maging magandang impluwensya
sa mundong ating ginagalawan. At bilang isang Iglesia ay dapat na ang liwang na mula sa
Panginoong ay maipakita sa bawat lugar na ating kinabibilangan bilang isang grupo ng
mananampalataya, sa pamamagitang ng ating katuruan, ng ating pagsamba, at higit sa lahat ng
ating pamumuhay.

B. ANG LIWANAG NG BAWAT ISA - At pagkatapos niyang tukuyin ang kabuoan na dapat
magliwanag, tinukoy naman niya ang isang kandila.
Illustration: (Houses with no WIndow)

Application: Mga kapatid, hindi natatapos sa Pagsamba ang ating tungkulin bilang mga
anak ng Dios. Tayo ay nagpupunta sa Kapilya para maging handa tayo sa gawain natin sa labas ng
Sambahan at ito ay ang maging liwanag sa mundong ito ibalita sa madilim, patay at
naparusahang mundong ito ang liwanag ng Mabuting Balita, na may Dios na nagmamahal sa
kanila at sila ay ililigtas kung sila ay mananampalataya.

- Illustration: (Christian na nagtrabaho sa malayo) *Alam niyo pastor, wala ngang


nakaalam na Cristiano ako eh!

- Minsan bilang mga kabataan nahihiya tayo na ipakita ang liwanag na ito sa ating mga
buhay. Kaya ano ang ating ginagawa? itinatago natin ito at hinahayaan nalamang natin na ang
mundong nakapalibot sa atin ay tuluyang maparusahan dahil hindi natin ito ibinalita.

- Huwag nating itago ang ating mga liwanag. Dahil kung gagawin natin ito, dalawang
bagay ang posibleng mangyari. Una, Mamatay ang liwanag sa ating mga kandila o pangalawa ay
masunog ang ipantatakip mo sa ilaw.

- Sa Luke 8:16 sinabi ng Panginoon, itinatago sa ilalim ng higaan. Dalawang bagay ito,
una Ang Banga ay ang mundo ng pagpapagal sa trabaho ang Higaan naman ay ang mundo ng
paglilibang sa ating buhay. Parehong negatibo ito, kaya hindi mo pinagliliwanag ang ilaw na
ipinagkaloob sa iyo ng DIos, una dahil busy ka sa trabaho mo, at pangalawa naman ay tinatamad
ka na gawin ito.

III. ANG KAHALAGAHAN NG LIWANAG (v.16)

- ang sinasabi ng Panginoong Jesus bakit dapat nating pagliwanagin ang ating mga ilaw ay
mayroong dalawang dahilan.

A. SAKSI SA MGA TAONG NALILIGAW - kapag ang mga taong ito na naliligaw ay nakita
nila ang Panginoong Jesus sa pamamagitang ng ilaw sa iyong buhay kanilang mauunawaan na
kailangan din nila ito.

B. SAKSI PARA SA DIOS - Ang ating mga gawa ay hindi para sa kapurihan ng ating mga
sarili kundi para purihin ang DIos na naglagay ng ilaw sa iyong buhay.

CONCLUSION:
- ang liwanag na dala mo ay mahalaga. tinangap mo sa iyong puso ang unconditional love ng
DIos kaya ka niya binigyan ng liwanag sa iyong buhay.

- ang responsibilidad naman natin bilang isang lingkod ng Dios ay huwag itago ang ilaw na ito.
Kailangan na palakasin pa natin, at lalo pa itong mag liwanag.

- Be revived, Be Ignited!

You might also like