You are on page 1of 3

JESUS:THE LIGHT OF THE WORLD

(7 I AM OF JESUS SERIES)

Ang 7 I ams ni Jesus ay pagtugon din niya sa pinaka kailangan ng sangkatauhan.Nauna na nating pinag usapan
ang JESUS:THE BREAD OF LIFE. Ngayon naman ay pag uusapan natin ang JESUS: THE LIGHT OF THE WORLD.

Juan 8:12 MB 12Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Wika niya, "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod
sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman."

Napakaganda ng statement ni Jesus. SIYA ANG ILAW NG SANLIBUTAN. Napakahalaga ng ilaw. Sino dito yung
naabutan yung panahon na wala pang power sa mga baryo?Madilim. At may kakaibang hatid na takot ang
dilim ng gabi. Ganun din ang isang taong walang ilaw ni Kristo, namumuhay sa dilim, sa takot, sa kawalan.

ANG SULOSYON:ILAW NI JESUS.

Tignan muna natin ang sinasabi ng Biblia patungkol sa ILAW.

1.UNANG NILIKHA NG DIYOS ANG ILAW (LIWANAG)


 Unang nilikha ng Diyos sa Genesis ang Ilaw(Liwanag)
 Genesis 1:3 NIV 3And God said, "Let there be light," and there was light.
 Sa Liwanag kasi nagpapasimula ang pagkilos palagi ng Diyos.

2.ANG LIWANAG AY KALIKASAN(NATURE NG DIYOS)


 1 Juan 1:5 MB 5Ito ang aming narinig sa kanyang Anak, at ipinahahayag namin sa inyo: ang Diyos ay
ilaw, at walang anumang kadiliman sa kanya.
 God is light.Yun ang isa sa kanyang kalikasan bilang Diyos.Walang anumang kadiliman sa kanya, walang
bahid, walang katiting, walang ni anino sa kanya.

3.PUMARITO SA MUNDO ANG ILAW SA KATAUHAN NG PANGINOONG JESUS.


 Juan 12:46 MB 46Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang
nananalig sa akin.
 Nais ng Panginoon bilang ilaw na abutin tayo ng kanyang liwanag upang hindi na tayo mamuhay pa sa
kadiliman.

ANO ANG NAGAGAWA NG LIWANAG NG ILAW NG PANGINOON SA ATING MGA “DARK DAYS”?

1. JESUS LIGHT CAN ILLUMINATE (ANG ILAW NI JESUS AY NAGBIBIGAY KALIWANAGAN)


 Juan 8:12 MB 12Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Wika niya, "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang
sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman."
 Mahirap manirahan sa madilim na lugar. Mas lalong mahirap ang mabuhay ng walang ilaw at liwanag
ng Panginoon sa buhay.
 SI Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan. Siya mismo ang nagsabi at ito ay may nais siyang bigyang diin.
 “Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa
kadiliman."
 A)LIGHT THAT GIVES LIFE(ILAW NA NAGBIBIGAY BUHAY)
 Ang ilaw na tinanggap natin kay Jesus ay ilaw na nagbibigay buhay. Hindi pa tayo tunay na nabubuhay
kapag hindi pa ito nasa liwanag ng kanyang presensya.
 Yung iba, EXISTING lang, pero hindi talaga LIVING. Magkaiba kasi ang dalawang ito. Nais ng Diyos,na
hindi ka lang nag e exist, gusto niya tunay kang nabubuhay sa kanyang liwanag.
 B)LIGHT THAT HAS NO DARKNESS ( ILAW NA WALANG KADILIMAN)
 Sabi ng verse, “di na lalakad sa kadiliman”
 Ang tunay na nakaranas ng ilaw ng Panginoon, hindi mag aasam ng kadiliman, hindi na titikim ng
kadiliman at hindi na lalakad sa kadiliman.
 Ang buhay ng isang taong naliwanagan na ng Ilaw ni Jesus, tuloy tuloy na sa liwanag. Mas masarap pa
ring mabuhay sa liwanag. Wala na dapat itinatago o inaalagaang pagnanasa, desire, kaisipan o gawa
ang bawat tunay na naliwanagan na.
 Sa mga tila madidilim na pangyayari naman sa buhay natin (dark days) ano ang ating dapat gawin?
 In Dark Days, I Need the Light of Jesus When I Can't See the Way Forward
 Sa panahong may kadiliman, Kailangan natin ang liwanag ni Jesus kapag hindi natin Makita ang daan
patungo sa hinaharap.
 Isaias 50:10 MB 10Lahat kayong may pitagan kay Yahweh At tumatalima sa utos ng kanyang lingkod,
Maaaring landas ninyo ay maging madilim, Gayunma'y magtiwala at umasa, Kay Yahweh na iyong
Diyos,
 "Your words are a flashlight to light the path ahead of me and keep me from stumbling."Psalm.119:105
(LB)

2.JESUS LIGHT CAN DISINFECT (ANG ILAW NI JESUS AY NAGBIBIGAY KALINISAN)


 1 Juan 1:6-7 MB 6Kung sinasabi nating tayo'y kaisa niya, ngunit namumuhay naman sa kadiliman,
nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay sa katotohanan. 7Ngunit kung namumuhay tayo sa
liwanag, kung paanong siya'y nasa liwanag, tayo'y nagkakaisa at nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang
Anak sa lahat ng ating kasalanan.
 Napakabenta ngayon ng mga disinfectant.Alcohol, sabon,. Dahil sa Virus. Nung wala pa ang mga ito,
noong unang panahon ang pag disinfect ng mga tao ay ang liwanag ng araw. Ibinibilad sa araw ang
anumang kailangang e disinfect.
 Ang ilaw na hatid ng Panginoong Jesus ay may pang disinfect.Ang anumang kasalanan na ma expose sa
liwanag niya ay nalilinis ng kanyang dugo.
 Sa tuwing tayo ay nasa liwanag ng kanyang presensya, isa sa mga una nating ginagawa ay nagsisisi sa
ating mga karumihan.Na e expose sa kanyang liwanag ang ating karumihan hindi para e condemn tayo
kundi para e convict tayo tungo sa pagbabago.
 In Dark Days, I Need the Light of Jesus When I Want to be Cleanse from Sin.
 Sa panahong may kadiliman, Kailangan natin ang liwanag ni Jesus upang malinis tayo mula sa mga
kasalanan.
 Efeso 5:8-9 MB 8Dati, nasa kadiliman kayo, ngunit ngayo'y nasa liwanag sapagkat kayo'y sa Panginoon.
Mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga taong naliwanagan 9(sapagkat ang ibubunga ng pamumuhay
sa liwanag ay pawang mabuti, matuwid at totoo).
3.JESUS LIGHT CAN HEAL (ANG ILAW NI JESUS AY NAGBIBIGAY KAGALINGAN)
 Isaias 58:8 NPV 8Kung magkagayon, ang liwanag ninyo'y lilitaw na tulad ng bukang-liwayway, at
madaling magaganap ang inyong paggaling. Hindi maglalao't Gagaling ang inyong sugat sa katawan,
Ako'y laging sasainyo, ililigtas kayo at iingatan kaliit saang lugar
 Ang ilaw ay nagbibigay kagalingan.Matagal ng ginagamit ang Laser,upang pang tanggal ng mga bato o
anuman sa katawan. May bago ngayon yun LED light therapy.Nakakapag paganda dw ng dead skin
cells. Nakakapag rejuvenate daw ng cells.
 Pero ang ilaw na hatid ng Panginoong Jesus. His light can heal even the deepest wounds of our hearts.
 In Dark Days, I Need the Light of Jesus When I'm Wounded & in Pain
 Sa panahong may kadiliman, Kailangan natin ang liwanag ni Jesus upang gumaling sa mga sugat at
pasakit na dulot ng buhay.
 Hindi madali ang buhay sa mundo.Masasaktan tayo gusto man natin o hindi. Ang Ilaw ng Panginoong
Jesus ay nagbibigay kagalingan.
 May mga sugat sa puso natin na walang nakaka alam. Mga sugat na minsan ay lihim nating iniiyakan.
 May mga sugat na nilikha ng regrets. Mga bagay na hindi na natin magagawa kasi lumipas na. Maging
ang mga yun ay nais hilumin ng Diyos.
 Let the light of Jesus Heal every pain in your life.
 Colosas 1:12-13 MB 12At magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga
hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. 13Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng
kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak.

4.JESUS LIGHT CAN MAKE US GROW (ANG ILAW NI JESUS AY MAKAKAPAGPALAGO)


 May mga hayop,na kailangang ilawan para lumago.
 Ang bata kapag kulang ng araw, kailangang ilawan, o incubate para lumago pa at mabuhay.
 Tayo ay lalago sa ilaw at liwanag ng Panginoong Jesus.
 Efeso 1:17-18 MB 17At hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang dakilang Ama, na
pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. 18Nawa'y
liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang
pagkatawag sa atin. Ito'y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang,
 In Dark Days, I Need the Light of Jesus to Change Me for the Better
 Sa panahong may kadiliman, Kailangan natin ang liwanag ni Jesus upang baguhin tayo tungo sa mas
mainam na version ng ating sarili.
 Ang ilaw ng Panginoong Jesus ay makakapagbago,makakapagpalago, magiging katulad natin ang
wangis ni Kristo.

You might also like