You are on page 1of 2

August 30, 2023 / KICK – OFF MASS (MASS OF THE HOLY SPIRIT)

Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA 1 Tesalonica 2, 9-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-


Tesalonica

Tiyak na natatandaan pa ninyo, mga kapatid, kung paano kami gumawa at


nagpagal araw-gabi para hindi kami maging pasanin ninuman samantalang
ipinahahayag namin sa inyo ang Mabuting Balita.

Saksi namin kayo at gayun din ang Diyos na kami ay tapat, mabuti, at
ganap sa pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya. Tulad ng alam
ninyo, kami’y naging parang ama ng bawat isa sa inyo. Pinalakas namin
ang inyong loob, inaliw kayo at hinimok na mamuhay nang tapat sa
paningin ng Diyos na humirang sa inyo upang makahati sa kanyang
kaharian at kaluwalhatian.

Ito pa ang lagi naming ipinagpapasalamat sa Diyos: nang ipangaral namin


sa inyo ang kanyang salita, tinanggap ninyo ito bilang tunay na salita ng
Diyos, at hindi ng tao. Anupat ang bisa nito’y nakikita sa buhay ninyo
mga sumasampalataya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 138, 7-8. 9-10. 11-12ab


Ako’y iyong siniyasat, kilala mo akong ganap.

Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas?


Sa Banal mong Espiritu’y hindi ako makaiwas.
Kung langit ang puntahan ko, pihong ika’y naroroon,
sa Sheol ay naroon ka kung do’n ako manganganlong.
Ako’y iyong siniyasat, kilala mo akong ganap.

Kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan,


o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran;
pihong ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan,
Matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.
Ako’y iyong siniyasat, kilala mo akong ganap.
Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit,
padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid;
maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim,
at sa iyo yaong gabi’y parang araw na maningning.
Ako’y iyong siniyasat, kilala mo akong ganap.

ALELUYA 1 Juan 2, 5
Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng D’yos Ama
ang sumunod sa Anak n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Mateo 23, 27-32


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga
Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang
pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto
ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti
kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at
kasamaan.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw!


Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang
mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo,
‘Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi
namin ipapapatay ang mga propeta.’ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin
ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige!
Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

You might also like