You are on page 1of 2

Scripture Reading

Isaiah / Isaias 9:6


v.6 Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang
pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos,
Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

Message

Magandang buhay! Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat! Nalalapit na po ang pasko,
alam ko ay excited na ang bawat isa ngunit dahil sa pandemya na meron tayo sa lugar natin
mukhang hindi natin ito masyadong aabangan. Wag po natin itong masyadong isipin at
problemahin dahil hindi nasusukat ang ating kaligayahan sa mga materyal na bagay. Ngayon ay
simula natin ang pag-aaral kung ano ba ang pasko at ang kahalagahan nito sa bawat
mananamplataya ni Kristo. Ito po ay isang pagbubulay-bulay dahil para mas maunawaan natin
ang kahulugan nito kung bakit ba tayo nagcecelebrate ng Christmas.

Pinamagatan ko po itong SI JESUS ANG DAKILANG DIYOS. sa pagsisimula po ng pag-aaral natin


patungkol sa pasko, ito po ay isang propesiya ng mga propeta na mayroong isang sanggol na
isisilang upang maging tagapagligtas ng mga tao, hndi maging bayani, kundi maging sariling
Diyos na tagapagligtas sabi po ito sa Lucas 2:10:11 “10 NGUNIT SINABI SA KANILA NG ANGHEL,
“HUWAG KAYONG MATAKOT! AKO'Y MAY DALANG MAGANDANG BALITA PARA SA INYO NA
MAGDUDULOT NG MALAKING KAGALAKAN SA LAHAT NG TAO. 11 ISINILANG SA INYO NGAYON
SA BAYAN NI DAVID ANG TAGAPAGLIGTAS, ANG CRISTONG PANGINOON.” That’s it, ang ating
Panginoong Jesu-Cristo ang tinutukoy ng mga anghel ng Paninoon. Ganito po kadali ang ating
tagapagligtas, lahat ng bagay dito sa mundo ay kaya Niyang ibigay sa atin.

anu-ano po ba ang katangian ng pagiging dakilang Diyos ng ating Panginoong Jesus?

Una po ay Siya ang KAHANGA-HANGANG TAGAPAYO, sa bawat buhay ng tao hindi po nawawala
ang pagbibigay ng payo sa mga bagay na kung saan kailangan nating ng tulong sa tamang pagdi-
disisyon. Madalas nahihirapan po tayong mag-isip kung ano ba talaga ang tama at mali. Bilang
mananampalataya, dapat po naka-inline ang ating pagdidisyon sa Salita ng Diyos, dahil ito po
ang ating basehan ng ating pamumuhay at pananampalataya. lagi natin isama ang Diyos sa
lahat ng aspeto ng ating buhay. Hindi po masamang humingi ng payo sa ibang tao,
nakakatulong po ito sa mga karanasan nila kung parehas natin itong naranasan, pero ang pinaka
the best na humingi ng payo ay sa ating Panginoon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng Salita ng
Diyos, dito natin matututunan o mababasa ang mga payo ng Diyos kung ano ang mas
nakakabuti sa atin. Sabi nga po sa Kawikaan 3:5-6, “KAY YAHWEH KA MAGTIWALA, BUONG
PUSO AT LUBUSAN, AT HUWAG KANG MANANANGAN SA SARILING KARUNUNGAN. 6 SA LAHAT
NG IYONG GAWAIN SIYA NGA'Y ALALAHANIN, UPANG IKA'Y PATNUBAYAN SA IYONG MGA
TATAHAKIN.” He is the best counselor in our lives.
Pangalawa, Siya ang MAKAPANGYARIHANG DIYOS. walang imposible sa ating Diyos, sabi po sa
Lucas 18:27, “27 “ANG MGA BAGAY NA HINDI KAYANG GAWIN NG TAO AY KAYANG GAWIN NG
DIYOS,” TUGON NI JESUS.” Kaya niyang ibigay lahat ng ating pangangailangan, sabi po sa Mateo
6:33, “33 NGUNIT HIGIT SA LAHAT AY BIGYANG-HALAGA NINYO ANG KAHARIAN [NG DIYOS] AT
ANG PAMUMUHAY NANG AYON SA KANYANG KALOOBAN, AT IBIBIGAY NIYA SA INYO ANG
LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO.” Ano pa bang hindi kayang gawin ng Diyos sa buhay natin?
Wala dahil Siya ang may likha ng langit at ng lupa at lahat ng bagay dito sa mundo, ganyan
makapagyarihan ang ating Diyos. ano pa bang ipapangamba natin, we are secured because we
have a might God.

Pangatlo, Siya ang WALANG HANGGANG AMA. Kung minsan feeling natin na kulang tayo sa
pananampalataya, kulang tayo sa pagmamahal, andyan ang Diyos bilang AMA natin. Sabi po sa
mateo 11:27, “IBINIGAY NA SA AKIN NG AKING AMA ANG LAHAT NG BAGAY. WALANG
NAKAKAKILALA SA ANAK KUNDI ANG AMA, AT WALANG NAKAKAKILALA SA AMA KUNDI ANG
ANAK AT ANG MGA PINILI NG ANAK NA PAGPAHAYAGAN NIYA.” Kilalang kilala tayo ng Diyos at
dapat kilala din natin Siya. Kung may problema, pagsubok at pangangailangan tayo, andyan Siya
palagi upang gabayan tayo sa araw-araw. Kung sa mundong ito ay puno ng sakit at kapighatian,
hinding hindi tayo tayo iiwan ng Diyos, sabi sa Josue 1:5 “5 WALANG MAKAKAGAPI SA IYO
HABANG IKAW AY NABUBUHAY. SASAMAHAN KITA GAYA NG PAGPATNUBAY KO KAY MOISES.
HINDI KITA IIWAN NI HINDI PABABAYAAN MAN” ayan ang pangako ng Diyos sa atin, habang
buhay Siyang magiging Ama natin. Napakasarap pagbulaybulayan ang mga pangako ng Diyos, sa
pamamagitan nito mas magkakaroon tayo ng malalim na pagkakakilala sa ating Panginoon.

Pang apat, Siya ang PRINSIPE NG KAPAYAPAAN. Kung ang Panginoong Jesus ang ating Diyos na
sarili nating tagapagligtas, magkakaroon tayo ng kapayapaan sa buhay. Ilalayo Niya tayo sa
kapahamakan, iiwas Niya tayo sa mga bagay na hindi makakatulong sa atin. Ang paggalang at
pagsunod sa Diyos ay nagreresulta ng kapayaan sa buhay. Sabi po sa James/Santiago 3:18,
“NAMUMUNGA NG KATUWIRAN ANG BINHI NG KAPAYAPAANG ITINATANIM NG TAONG
MAIBIGIN SA KAPAYAPAAN.” Kapag nagtanim tayo ng kapayapaan, aani tayo ng kapayapaan,
kung gusto natin ng kapayapaan sa buhay, ibigin natin ang pinagmumulan ng kapayapaan, ang
Panginoong Jesu-Cristo. Masarap mabuhay sa mundo ng may kapayapaan, yung wala kang
iniisip na kasamaan ng loob, kaaway at hindi pagkakaintindihan, basta sundin natin ang mga
prinsipyo sa biblia kung paano tayo magkakaroon ng kapayapaan sa buhay, dahil isa ito sa mga
pangako Niya sa atin.

Maraming salamat po, nawa naunawaan natin ang mga bagay na ito kung gaano kadakila ang
Diyos sa ating mga buhay. Pagpalain po tayo ng ating Panginoon!

You might also like