You are on page 1of 2

Scripture Reading

Matthew 7:1-5
v.1 “Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan.
v.2 Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa
panukat na ginagamit ninyo sa iba.
v.3 Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang
trosong nasa iyong mata?
v.4 Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso
ang nasa mata mo?
v.5 Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang
mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

Message

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat! Magandang buhay! Ang Diyos ang nagbibigay!
Salamat sa ating Panginoong Diyos na patuloy na nag bibigay sa atin ng pag-asa, kalakasan,
proteksyon at gabay sa araw-araw. Tunay nga na Siya ay mabuti, tapat at dakila. Sa pag-aaral po
natin ng mga Salita ng Diyos ay patuloy nating unawain ito at magamit natin nawa sa ating
araw-araw na pamumuhay.

Ayon po sa ating nabasa sa scripture reading, pinamagatan ko po itong “DO NOT JUDGE” huwag
tayong manghusga o humatol sa ating kapwa, Isa ito sa mga utos ng ating Panginoong Jesus,
huwag tayong maging instrumento ng panghuhusga. Madalas, aminin man natin o hindi, hindi
nating maiwasang husgahan ang isang tao.

Ngayon ay Pag-aralan po natin ang konteksto kung bakit nasabi ito ng ating Panginoong Jesus.
Kung babasahin nating maigi ang Matthew 7:1-5, may pinapatukuyan Siya sa mga sinasabi Niya.
Ang kausap Niya dito ay ang mga Pariseo, sino nga ba sila? Sila ang mga guro ng Kautusan na
binigay ni Yahweh kay Moses. Ibig sabihin tagapagturo sila ng kautusan, which is yung 10
commandments at iba pang mga utos upang maging maayos ang kanilang pamumuhay ayon sa
kalooban ng Diyos. eto ang nagiging dahilan kung bakit ganun kadali sa kanila na husgahan ang
mga taong nagkakamali. Isang halimbawa nga diyan ay yung isang pangyayari na nahuling
nangangalunya ang isang babae na matatagpuan natin sa Juan 8:7-11, “7 Patuloy sila sa
pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang
siyang maunang bumato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. 9 Nang marinig
nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa
harap ni Jesus. 10 Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang
humahatol sa iyo?” 11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita
hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.” Sa twing
babasahin ko po ito, ramdam ko kung gaano ang pagmamalasakit ng ating Panginoon sa mga
taong nagkakamali. Alam naman nating nagkamali yung babae, pero mas nangibabaw parin
ang pag-ibig ng Diyos sa mga taong makasalanan, at alam ng ating Panginoon na hindi na mula
siyang magkakasala.
Lahat po tayo nagkakamali, walang perpekto sa mundong ito, pero po hindi tinotolerate ng
ating Panginoon ang mga maling gawain. Ang Diyos na ang bahala sa mga taong ito at huwag
natin hayaan na tayo po ang maging dahilan ng pagpaparusa sa ibang tao.

Ano po ba ang dapat nating gawin upang hindi tayo manghusga ng ating kapwa?

MAGKAROON NG PANINGIN GAYA NG PAGTINGIN NG DIYOS SA MGA TAO sa v.1 hanggang v.5,
yung lense na meron tayo, nawa yung pagtingin natin sa mga taong nagkakamali ay may
kasamang pag-ibig. para maiwasan nating humatol. Kung ayaw natin mahusgahan ng iba,
huwag tayong manghuhusga batay sa kanilang mga ginawa. Alam naman po nating masakit
kapag may nasasabing mali ang isang tao sa atin, pero baka mamaya ganun din ang ating
ginagawa, ang Diyos lamang ang may karapatang humusga ng isang tao dahil Siya lamang ang
nakakaalam ng lahat ng bagay. Ito po ay isang paalala sa atin, sabi sa “v.3 Bakit mo pinapansin
ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?
TROSO ang ginamit dito, hindi po ito literal na kahoy, ibig sabihin baka mamaya puna tayo ng
puna sa ating kapwa ng mga mali nilang ginagawa pero isa pala tayo sa mga gumagawa noon.
At sa v.4 “Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong
troso ang nasa mata mo?” magkaroon tayo ng pagsisiyasat sa ating mga ginagawa, kung
karapat dapat po ba tayong mag alis ng puwing ng ibang tao, baka hindi natin napapansin, tayo
pala ang gumagawa nito at puro kamalian lang ng ibang tao ang nakikita natin. At sabi sa v.5,
“Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang
mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.” AMEN?! Be an example to others, kung
ayaw po nating mahusgahan, wag tayong maghuhusga, sa halip, palitan natin ang ating
paningin gaya ng paningin ng Diyos, yung mayroong pag-ibig upang mapalaganap ang
pagmamahalan ng bawat isa. Isabuhay natin ang utos ng Diyos, mahalin ang Diyos at mahalin
ang ating kapwa. upang sa ganoon maiiwasan nating humatol o humusga ng pagkakamali ng
ibang tao. Ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa mga taong hindi alam ang kanilang ginagawa,
paalalahanan sila na MAHAL sila ng Diyos.

Nawa napagpala po tayo ng Salita ng Diyos, ito po ay isang paalala sa atin upang mas
mapadama natin sa iba ang pagmamahal ng Diyos. salamat po, pagpalain po tayo ng ating
Panginoon!

You might also like