NAPAKAHALAGA ng ating mata! Sa pamamagitan nito, nakikita natin ang
kapaligiran—ang bawat detalye at mga kulay. At kung malusog ang ating mata makikita natin ng malinaw kahit ang mga bagay na nasa malayo. Mayroon itong cell (pixel) na 100 beses na mas marami kaysa cell (pixel) ng isang video camera. Mayroon din tayong visual cortex na nasa utak na nagsisilbing high tech na video receiver. Halimbawa! nakakita ka ng isang grupo ng mga tao sa di kalayuan, magpapadala ng electrical signal ang iyong mata sa utak, ipoproseso naman ito upang palinawin, at ihahambing ang detalye ng mga mukha na nasa iyong memoriya kaya agad mo nakikita kung may kakilala ka sa kanila. Kamanghamangha hindi ba. Oo Talagang magkaugnay ang ating paningin at ang ating isip, at marahil wala ng iba pang mas makaaapekto sa ating isip ng ganoon katindi kundi ang ating paningin lamang sapagkat lubusan itong nakakaempluwensiya sa ating damdamin at pagkilos, anupat ang mga nakikita natin ay maaaring pumukaw o magpasidhi sa ating mga ambisyon at hangarin sa ikabubuti o sa ikasasama. Mapapabuti tayo kung gagamitin natin ang ating paningin para pagmasdan at pahalagahan ang mga kahanga-hangang mga nilalang ng Dios, makita ang katibayan ng pag-iral at kaluwalhatian niya. At hangarin na sundin siya. Oo bilang tagapaghatid ng impormasyon sa ating isip, napakahalaga ng paningin para makakuha tayo ng kaalaman tungkol kay Jehova pag-aralan ang kaniyang salita ang bibliya at magkaroon ng pananampalataya sa kaniya.—Jos. 1:8; Awit 1:2, 3. Subalit puwede rin tayong ipahamak ng ating nakikita.. dahil nabubuhay tayo sa isang mapagpalugod-sa-sarili at masamang daigdig na pinamumunuan ni Satanas, kabi-kabila ang makikitang nating mga larawan at advertisement na madaling magpapahamak sa atin—kahit na sulyapan lang natin ang mga ito. Kaya naman, napakahalaga na kontrolin natin ang ating mga mata. Tignan natin ang sinabi ng salmista: sa (Awit 119:37.) basahin.“Ilayo mo ang paningin ko sa mga bagay na walang kabuluhan; palakarin mo ako sa iyong daan para manatili akong buhay”. Tamang tama iyan sa panahon natin ngayon diba. Paano ba tayo maaaring ipahamak ng ating mga mata Kumuha tayo ng tatlong halimbawa” Una.Tingnan natin kung ano ang nangyari sa unang babae, si Eva. Sinabi ni Satanas na ‘madidilat ang kaniyang mga mata’ kung kakain siya ng bunga mula sa “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.” Tiyak! nakadilat naman ang kanyang mata ng magsalita si satanas sa pamamagitan ng ahas, pero malamang na gustung-gustong malaman ni Eva kung ano ang ibig sabihin ng “madidilat” ang kaniyang mga mata. At lalong naghangad si Eva na kainin ang ipinagbabawal na bunga nang ‘makita niya na ang punungkahoy ay mabuting kainin at na iyon ay kapana-panabik sa kaniyang mga mata, oo, ang punungkahoy ay kanais-nais na tingnan.’ basahin natin ang (Genesis. 3:6.) Ang may-pananabik at pagtakam na pagtingin ni Eva sa punungkahoy ay humantong sa pagsuway niya sa utos ng Diyos. Sumuway rin ang kaniyang asawang si Adan at nagdulot ito ng kapahamakan sa buong sangkatauhan hanggang sa panahon natin sa ngayon.— Ikalawa. Noong panahon ni Noe, may ilang masuwaying mga anghel na naimpluwensiyahan ng kanilang paningin. Imbes na magpukos sa kanilang atas o trabaho sa langit. Ganito ang ginawa nila. Basahin natin, (Genesis 6:2): “Napansin ng mga anak ng tunay na Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng tao. Kaya kinuha nila bilang asawa ang lahat ng magustustuhan nila.” May pagnanasang tiningnan ng mga rebelyosong anghel ang mga anak na babae ng mga tao at nagkaroon sila ng di-likas na paghahangad na sumiping sa mga tao. At ang mga anghel na ito ay nagkaroon ng mararahas na supling na tinatawag na nefilim. Lumaganap ang kasamaan ng tao nang panahong iyon at humantong ito sa pagpuksa sa sangkatauhan sa pamamagitan ng baha, maliban kay Noe at sa kaniyang pamilya.— Ikatlo. makalipas ang ilang siglo, nang “makita” ng Israelitang si Acan ang ilang bagay mula sa nabihag na lunsod ng Jerico, natukso siyang nakawin ang mga ito. Iniutos ng Diyos na sirain ang lahat ng bagay sa lunsod na iyon maliban sa ilang bagay na dapat dalhin sa kabang-yaman ni Jehova. Binabalaan na ang mga Israelita: ‘Lumayo kayo mula sa bagay na nakatalaga sa pagkapuksa, dahil baka magkaroon kayo ng pagnanasa’ at kunin ang ilan sa mga ito. Nang sumuway si Acan, natalo ang bansang Israel sa lunsod ng Ai, at marami sa kanila ang namatay. Inamin lang ni Acan ang kaniyang pagnanakaw nang masukol na siya. Sinabi niya “Nang makita ko” ang magagandang bagay,“ninasa ko nga ang mga iyon, at kinuha ko.” Ang pagnanasa ng mata ay humantong sa kaniyang pagkapuksa, kasama “ang lahat ng bagay na kaniya kasama ang buong pamilya niya.” (Jos. 6:18, 19; 7:1-26) Pinagnasaan ni Acan ang mga bagay na hindi sa kaniya. Kailangan ang Disiplina sa Sarili Ang paraan ng panunukso kay Eva, sa masuwaying mga anghel, at kay Acan, ay ginagamit pa ring ni satanas para tuksuhin ang mga tao sa ngayon. At sa mga paraan na ginagamit ni Satanas para iligaw ang mga tao, “ang pagnanasa ng mga mata” pa rin ang pinakamahirap paglabanan. Alam na alam ng mga advertiser na madaling maakit ang mga tao sa kanilang nakikita. “Sa lahat ng pandamdam, pinakamadaling maakit ang mga mata,” ang sabi ng isang Europeong eksperto sa pagbebenta. “Daig na daig nito ang iba pang pandamdam, at nahihikayat nito ang mga tao na gumawa ng isang bagay na alam nilang mali.” Kaya nga hindi kataka-taka maglitawan ang iba’t ibang larawan na may- katusuhang dinisenyo ng mga advertiser para hikayatin tayong tangkilikin ang kanilang mga produkto at serbisyo! “dinisenyo ito hindi lang para magbigay ng impormasyon, kundi, para pumukaw ng damdamin at mapakilos ang mga nanonood.” At kadalasan ang mahahalay na larawan ay isa sa madalas na ginagamit. Napakahalaga nga, kung gayon, na maging maingat sa ating tinitingnan at ipinapasok sa ating isip at puso! Sundin ang Dios, at huwag tumingin sa mga bagay na walang kabuluhan. Ang mga tunay na Kristiyano ay apektado rin ng pagnanasa ng mga mata at ng laman. Kaya naman hinihimok tayo ng Salita ng Diyos na disiplinahin ang ating sarili may kinalaman sa ating tinitingnan at hinahangad. basahin ang (1 Juan 2:15- 17.) Ang lahat ng pagnanasa sa sanlibutan ay pansamantala at lumilipas. at maging noong panahon ni Job umiwas na siya sa pagnanasa ng mata. Alam ng matuwid na si Job na talagang magkaugnay ang pagtingin at ang paghahangad. Sinabi niya: sa (Job 31:1) “Nakipagtipan ako sa mga mata ko. Kaya paano ko magagawang tumingin nang may pagnanasa sa isang dalaga?” Hindi lang iniwasan ni Job na humawak sa isang babae nang may malisya; hindi rin niya hinayaang maglaro sa isip niya o binulay bulay ang maling bagay na ito. Nakita na natin kanina ang masamang nagyari sa masuwaying mga anghel dahil sa maling pagnanasa. At idiniin ito ng panginoong Jesus, na dapat panatilihing malinis ang isipan mula sa imoral na mga bagay. basahin natin (Mateo. 5:28.). ang ‘patuloy na pagtingin’ ay nagpapahiwatig ng kawalang disiplina sa puso! At ng sarili mismo. Kaya sa (Colosas.3:5-6.) sinasabi sa atin na dapat nating patayin ang bawal na pagnanasa. Walang-Kabuluhang mga Bagay na Dapat Iwasan At sa ngayon, nagiging karaniwan na lang ang ‘patuloy na pagtingin’ sa pornograpya, partikular na sa Internet. Hindi tayo naghahanap ng ganitong mga site—tayo mismo ang hinahanap ng mga ito! Paano? Baka bigla na lang lumitaw sa computer mo ang isang advertisement na may mapang-akit na larawan; o isang e-mail na mukhang okey naman pero nang mabuksan mo ay isa palang napakahalay na larawang dinisenyo para bumihag ng mata. Kahit isang sulyap lang bago ito i-delete ng isa, naiwan na sa isip niya ang larawang iyon. Ang saglit na pagtingin sa pornograpya ay may mapapait na bunga. Uusigin ka ng iyong budhi mo at mahihirapan kang burahin sa isip mo ang imoral na mga eksenang nakita mo. Mas masahol pa, kapag sinasadya na ng isa ang ‘patuloy na pagtingin,’ kailangan na niyang patayin sa kaniyang puso ang mga bawal na pagnanasa.— Basahin ang Efeso 5:3, 4, 12; Col. 3:5, 6. Dahil kapag nangyari iyan, pwedeng magkaroon ng pangmatagalang masamang epekto sa pangmalas sa sekso. Ang ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng pilipit na pamantayan sa moral. “problema sa pagpapanatili ng maligaya at maibiging pakikipag-ugnayan sa iba; maling pangmalas sa kababaihan; at posibleng pagkaadik sa pornograpya, na makasisira sa pag-aaral, pakikipagkaibigan at pakikisama sa pamilya.” At posibleng mas malala pa ang epekto nito kapag may asawa na sila. Sinabi ng isang brother!.“Sa lahat ng bisyo ko bago ako naging Saksi, pornograpya ang pinakamahirap alisin,” “Kung minsan, bigla ko na lang naiisip ang mga larawang iyon—dahil sa isang partikular na amoy, musika, bagay, o kahit wala namang dahilan. Araw-araw ko itong pinaglalabanan.” Kaya isa ngang katalinuhan na huwag tumingin sa walang-kabuluhang mga bagay para hindi magkaroon ng gayong mga dalahin sa dibdib! Paano ito magagawa? Kailangan nating dalhin “sa pagkabihag ang bawat kaisipan upang gawin itong masunurin sa Kristo.” ayon sa —2 Corinto.10:5. Magagawa natin ito kung papakainin natin ang ating isip at puso sa pamamagitan ng pag-aaral ng salita ng Dios, pananalangin, at pagdalo sa mga kristiyanong pagpupulong. Ano pa ang pwede nating gawin?. Tignan natin sa (Colosas 3:9-10.) basahin Hubarin natin ang lumang personalidad. Ang isa pang “walang-kabuluhang” bagay na dapat iwasan ay ang mga libangang nagtataguyod ng materyalismo o okultismo o nagtatampok ng mga eksena ng karahasan, pagdanak ng dugo, at pagpatay. (Basahin ang Awit 101:3.) May pananagutan kay Jehova ang mga kristyanong magulang na maging mapamili sa mga pinahihintulutan nilang panoorin sa kanilang tahanan. Siyempre pa, hindi sasadyain ng isang tunay na Kristiyano na makisangkot sa espiritismo. Pero kailangan pa ring maging alisto ang mga magulang sa mga pelikula, serye sa TV, video game, at maging sa mga komiks at pambatang aklat na nagtatampok ng mahiwagang kapangyarihan o magic.—Kaw. 22:5. Bata man tayo o matanda, ang ating mata ay hindi dapat masiyahan sa mga video game at pelikulang nagtatampok ng karahasan at madudugong patayan na parang totoong-totoo. (Basahin ang Awit 11:5.) Dapat nating ituon ang ating mga mata sa mga bagay na kapaki-pakinabang at nakapagpapatibay at iwasang ituon ang ating isip sa anumang gawaing hinahatulan ni Jehova. Tandaan, pinupuntirya ni Satanas ang ating isipan. (2 Cor. 11:3) Kaya kahit na sa pakipakinabanang libangan. Kung malaking panahon ang ginugugol natin kahit sa malilinis na libangan, maaagaw nito ang panahon na para sana sa ating pampamilyang pagsamba, araw-araw na pagbabasa ng Bibliya, at paghahanda para sa mga pulong.—makita sana natin kung ano ang mas mahahalagang bagay para manatiling taimtim ayon sa (Filipos. 1:9, 10). Mag-ingat tayo palagi! Tularan ang Halimbawa ni Jesus Nakalulungkot, hindi natin maiiwasang makakita ng ilang bagay na walang kabuluhan sa masamang daigdig na ito. Na maging sa panginoong Jesus ay naging hamon ito ng siya ay nasa lupa. tinukso siya ni Satanas sa ikatlong pagkakataon, Ganito ang mababasa natin sa (Mateo. 4:8) “dinala siya ng Diyablo sa isang napakataas na bundok, at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng mundo at ang kaluwalhatian ng mga ito.” Bakit ito ginawa ni Satanas? Tiyak na gusto niyang samantalahin ang malakas na impluwensiya ng mata. Baka nga naman kapag nakita ni Jesus ang mariringal na kaharian ng sanlibutan ay maghangad itong maging tanyag. Paano tumugon si Jesus? Hindi pinansin ni Jesus ang nakatutuksong alok na ito. Hindi niya ipinasok sa kaniyang puso ang mga maling hangarin. At ni hindi niya kinailangang tignan o mag-isip muna bago tanggihan ang alok ng Diyablo. Agad na tumugon si Jesus. iniutos niya “Lumayas ka, Satanas!”. Nakaulat iyan (Mat. 4:10) Nakatuon ang pansin ni Jesus sa kaniyang kaugnayan kay Jehova at tumugon siya ayon sa kaniyang layunin sa buhay—ang paggawa ng kalooban ng Diyos. (Heb. 10:7) Ang resulta? Napagtagumpayan ni Jesus ang tusong pakana ni Satanas. Marami tayong matututuhan sa halimbawa ni Jesus. Una, walang makakaiwas sa mga taktika ni Satanas. (Mat. 24:24) Ikalawa, anumang bagay na pinagtutuunan ng ating mata ay maaaring magpasidhi sa hangarin ng ating puso, mabuti man ito o masama. Ikatlo, madalas na ginagamit ni Satanas “ang pagnanasa ng mga mata” para iligaw tayo. (1 Ped. 5:8) At ikaapat, malalabanan din natin si Satanas, lalo na kung agad tayong kikilos.—Sant. 4:7; 1 Ped. 2:21. Panatilihing “Simple” ang Inyong Mata Kapag nag-alay kay Jehova at nagpapabaustismo, taimtim tayo na nangangako na iiwasan natin ang anumang bagay na walang kabuluhan. Yamang may panata tayong gawin ang kalooban ng Diyos, ganito ang mababasa natin sa (Awit 119:101) “Pinigilan natin ang ating mga paa mula sa lahat ng masamang landas, Oo isang katalinuhan na patiunang pag-isipan ang ating gagawin bago pa man dumating ang tukso. Itinuturo at nililiwanag na sa atin kung ano ang mga bagay na hinahatulan ng Kasulatan. Hindi na masasabing wala tayong alam sa mga silo ni Satanas. Kailan tinukso ang panginoong Jesus na gawing tinapay ang mga bato? Noong ‘nagugutom’ siya matapos ang 40 araw at gabing pag-aayuno. (Mat. 4:1- 4) Alam ni Satanas kung kailan tayo mahina at madaling madaig ng tukso. Kaya ngayon na ang panahon para pag-isipan ang mga bagay na ito. Huwag na itong ipagpabukas pa! Kung araw-araw nating iisipin ang ating panata sa pag-aalay kay Jehova, titibay ang determinasyon nating iwasan ang anumang bagay na walang kabuluhan.—Kaw. 1:5; 19:20. Araw-araw, napapaharap tayo sa napakaraming tukso na lalo pang nagiging kaakit-akit sa mata. Higit kailanman, lalo nang dapat sundin ngayon ang payo ni Jesus na panatilihing “simple” ang ating mata. Na mababasa sa (Mateo. 6:22, 23) Ang ‘simpleng’ mata ay nakapokus sa isang layunin—ang paggawa ng kalooban ng Diyos!. Samantala, ang “balakyot” na mata naman ay tuso, mapag-imbot, at naaakit sa mga bagay na walang kabuluhan. Tandaan, ang nakikita natin ay pumapasok sa ating isip at tumatagos sa ating puso. Kaya nga napakaimportanteng patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na may kabuluhan. (Basahin ang Filipos 4:8.) Oo, patuloy sana tayong makiisa sa panalangin ng salmista: “Ilayo mo ang paningin ko sa mga bagay na walang kabuluhan.Palakarin mo ako sa iyong daan para manatili akong buhay.”—AWIT 119:37.