You are on page 1of 154

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

TELOS
Hango sa Mga Nota ni P. Roque J. Ferriols, S.J.
Pamantasan ng Ateneo de Manila

Ang bawat umiiral ay may panloob na istruktura ng paghahantong. Ang

maliit na tanim nang magpaka-punong-kahoy, ang tuta nang magpaka-
aso, ang mga atomo nang mag-tumba-tumba at, ayon sa kurba ng
probabilidad, magpaka-molekula. Ang pagtungo sa telos ay
mapagmamasdan, hindi lamang bilang isang basta't galaw ng meron,
kundi bilang nasa mismong panloob na istruktura ng mismong meron,
bilang isang panloob na pag-udyok ng kalikasan. Bahagi ng "utos" ng
kalikasan sa bawat meron: "Magpakameron ka."

At hindi mahirap na mapagmasdan na ang udyok patungo sa telos ng

tao ay limulitaw at umiiral sa kanyang pagmamalay bilang isang
palaging nandodoon at palaging tumutulak sa kanya na pagnanais
lumigaya. Sapagkat kilalang kilala ito, kung minsan ay hilig nating
huwag pag-isipan, paalisin na lamang sa isang, "Ayan na naman."

Ngunit, kung maaring paalisin ang tahasang pag-iisip ukol sa

kaligayahan, hindi mapapaalis ang lihim at walang pahingang kilus ng
kalooban na naghahanap. Sa lahat ng pagpili at pagpasiya, sa lahat ng
pag-ayaw pumili at pumasya, nandodoon, kahit na papaano, ang
pagtungo sa inaakala nating kaligayahan. Maaring ayaw natin ang
katagang "kaligayahan". Baka sabihin natin na ang hinahanap natin ay
"pananahimik ng loob na hindi mapalagay", "pag-hantong sa wakas sa
matagal nang inaasahan", "paglimot sa sarili at pagbuhos ng loob sa
kapuwa", "walang hintong pagsikap sa pagpapalaya sa lipunan", o ano
pa. Ngunit, (kahit na ang mga alagad ng huling dalawang halimbawa ay
madalas mag-islogan ng "Wala kaming pakialam sa ligaya,") kaligayahan
pa rin ang hinahanap. Kaya't masasabi natin na sa pagmamalay ng tao,
sa iba't ibang paraan na nagkakasalungatan pa sa isa't isa, tinetelos niya
ang kaligayahan.
Aliw ng laman. Sabi nga ni Aristoteles na kung sabihin mo,
"Kaligayahan!" ang iisipin ng karamihang tao ay aliw ng laman: o
pagkain o inumin o ginhawa ng katawan o seks. Malinaw na lahat nito
ay importanteng bahagi sa kaligayahan ng tumatahak sa buhay-lupa.
Ngunit, kapag gagawin ng taong ligaya niya, telos niya, ang aliw ng
laman, may isang pangyayari na napagmamasdan ng maraming tao. Na
upang makamtan niya ang pinili niyang maging ligaya niya,
kakailanganin niyang ulit-ulitin iyong nagbibigay-aliw sa kanyang laman,
pagkain man o pag-inom (at kasama na rito ang paggamit sa gamot) o
seks. Hindi yata mapapatahimik ang pagnanais sa aliw ng laman kung
hindi uulit-ulitin. . . at sa wakas nakikita ng tao na hindi pa rin
tumatahimik ang kanyang loob kahit na parang walang hanggan na ang
kanyang pag-uulit-ulit.

Kung minsan, kahit hindi na masarap, hindi pa rin mahinto ang pag-
uulit; "nagkabisyo," ika nga, o "naadik".

Sapagkat ang aliw ng laman ay bahagi ng mas malawak at mas malalim

na kabuoan. Ang pagkain at alak ay sangkap ng pagpapalakas sa
katawan, ng pakikisama ng tao sa tao, ng pagmumulat sa pagkakaisa ng
tao sa tao. Lahat niyan ay maaring paunlarin kung nagsisikainan tayo at
nagsisiinuman (ayon sa tamang sukat) ng sama-sama. Sa ating mga
pagsasalu-salo, hindi lamang natin mapapalusog ang ating katawan,
kundi magigisnan pa natin na bahagi pala tayo ng isa't isa. At
mapapatubo pa natin ang ating pagkakaisa. Sa loob ng ganitong
kabuoan, ang pagkain at inumin ay napakasarap nga.

Hawig diyan ang nakikita sa seks. Sa konteksto ng pag-iibigan,

katapatan ng tao sa tao, masipag ng paglikha sa bagong kapwa tao,
pagtatag sa isang "bagong sibilisasyon" sa daigdig ng ina, ama, anak. .
.ang pagtatalik na sekswal ay nagiging matinding sangkap ng sukdulang
ligaya.

Ngunit, kung tinanggal natin sa kabuoan ang pagkain, inumin o/at seks,
upang italaga dito ang buong kaligayahan, ang buong buhay ay iikot sa
pag-uulit-ulit sa damdam-kiliti. Hindi mahirap makita na ang magaganap
ay pagwawasak sa mismong istruktura ng pagmemeron ng tao.
Samakatwid, hindi natin masasabi na pag-ikot sa aliw ng laman ang
katutubong pagtelos ng tao.

At dito tayo matatauhan ukol sa madalas punahin ng mga nakakaalam:

Kapag aliw ang hinahanap mo, hindi mo matutuklasan; kapag
pinagsisikapan mong buoin ang nararapat, halos hindi mo mapapansin
na kusang dumarating ang aliw.

Kwarta at ari-arian. Maari namang ituring ng isang tao na ang pag-

ipon ng kwarta at mga ari-arian ang siyang makapagbibigay-ligaya sa
kanya.

Kapag wasto ang pagsisirkulasyon sa kwarta, ang kwarta ay isang tunay

na sagisag ng trabaho. Batay sa pagtatrabaho ng tao ang kwartang
nararapat sa kanya; kaya't kapag nasa kanya na ang kwartang
katumbas ng kanyang mga pagtatrabaho, ang paggasta sa kwarta ay
tuluyang pag-ani sa karagdagang bunga ng kanyang trabaho.

Sinasagisag ng kwarta ang mga natrabaho ng tao. Mabisa ang

pagsasagisag na ito. Sa bisang ito, madarama ng isang tao na trabaho
niya ang nakapagkakamit sa pagkain, kagamitan, tahanan at iba pang
mga kailangan ng kanyang pamilya.

Maari rin mangyari na, sa pamamag-itan ng kwarta, ang tao'y

nakapagtatatag ng bagong proyekto na mapagtatrabahohan ng
maraming ibang tao. Kapag ganito ang nanyayari, ang trabaho ay
lumilikha ng bagong trabaho, nakapagbibigay ng kakayahan sa
maraming tao na magtrabaho pa at gamitin ang kanilang trabaho sa
pagkamit sa kanilang mga kailangan sa buhay.

Kaya't nakikita natin na ang tunay na halaga at kahulugan ng kwarta ay

nakasalalay at nakikipagtalaban sa pagiging mapaglikha ng taong
nagtatrabaho. Ngayon, kapag pinasya ng tao na kwarta ang kanyang
ligaya, paiikutin niya ang kanyang buong buhay sa lubusang-pag-ipon
ng kwarta. Para sa kanya, ang kwarta'y basta't iniipon sapagkat kwarta.
Nag-iipon siya ng sagisag at wala siyang pakialam sa sinasagisag.
Hinihiwalay niya ng kwarta sa tunay na halaga at kahulugan nito. Mga
sagisag ng pagiging mapaglikha ang iniipon niya, habang walang halaga
sa kanya ang pagiging mapaglikha.

Hawig diyan ang makikita sa mga ari-arian. Ang mga pag-aari ay bunga
at sanhi ng pagtatrabaho. Kaya't ang mga ari-arian ay may tunay na
halaga at kahulugan ayon lamang sa relasyon ng mga ari-arian sa taong
lumilikha, nagtatrabaho. Ngayon, ang taong basta't nag-iipon ng mga
ari-arian upang basta't umapaw sa pag-aari, ay walang paggalang sa
relasyon na ito; gumaganap siya ng isang pag-wasak sa kahulugan. Ang
pag-ipon ng mga ari-arian na walang pagtanaw sa pagiging mapaglikha
ng taong nagtatrabaho ay isang paghiwalay sa tunay na halaga at
kahulugan ng mga ari-arian. Ginagawang baog ang sanhi sana ng
paglikha.

Kaya't kung mismong kwarta at ari-arian ang itinuturing kong ligaya,

winawasak ko ang mismong intruktura ng halaga at kahulugan. At
sapagkat sukdulan ng meron ang halaga at kahulugan, mismong
istruktura ng meron at mismong meron ang winawasak ko. Samakatwid,
ang nagiging base ng aking l igaya ay isang hindi-meron, hindi-totoo,
isang kasinungalingan. Anomang ligayang nakamit habang nakabatay sa
ganyang base ay huwad na ligaya; hindi ligaya; hindi telos.

Puri ng tao. Maari namang isalalay ang ligaya sa puri ng tao. Upang
isipin at sabihin ng karamihan na ako ay tanyag o dakila o mabuti: iyan
ang layunin ng buhay. Sa halip ng aliw ng laman o kayamanang
materyal, ang iipunin ko ngayon ay mga pagtanyag sa aking sarili.

Pagmasdan nating sandali ang puri. Pinupuri ako kung may nagsasabi sa
akin na ako ay. . .ano? Iba-iba ayon sa pagnanais ng iba't ibang tao.
Ngunit, marahil ituturing ng isang taong may kaunting isip man lamang
na totoo siyang pinuri (1) kung may nagtawag ng pansin sa isang
kabutihang talagang ginawa niya at tinanyag siya dahil dito, at (2) kung
ang nagsalita ay taimtim at tapat sa kanyang pagsasabi, at hindi
lamang, ika nga, namimingwit.

Ngunit, maaring mangyari na malimutan ng isang tao kung ano ang

tunay na puri. Maaring basta't malugod siya kung ang sinasabi ng
karamihan ukol sa kanya ay may anyong mabuti. Inaakala niya na sapat
na ito upang lumigaya siya. Hindi na niya kikilatisin pa kung ang pinuri
na ginawa niya na nag-aanyong mabuti ay mabuti nga talaga at kung
ang nagsasalita ay taimtin na nagsasalita. Kaya pagsisikapan niya na
palaging may anyong mabuti ang sasabihin sa kanya, ukol sa kanya;
kaya't pangangatawanan niyang mag-anyo ng ayon sa nakakalugod sa
karamihan, upang maging laganap ang kanilang pagtatanyag sa kanya.
Ang buhay niya ay magiging isang matiyagang pamimingwit sa puri.
Pag-aaralan niyang masusi ang arte ng paggawa ng anyong kaaya-aya
sa marami at, kung kwartahin siya, handa siyang magbayad sa mga
eksperto sa paglikha ng anyo, mga propesyonal na uso ngayong
tawaging image builder. Ganyan ang pamumuhay ng taong hinahanap
ang telos na ligaya sa puri ng tao.

Ang ganyang istilo ng pamumuhay ay gutom sa puri at ni hindi na

magtataka kung ano kaya ang talagang kapuri-puri. Ngunit, sabihin
natin na may ibang tao na nagtataka kung ano ang talagang kapuri-puri.
Baka matuklasan niya na ang tunay na kapuri-puri ay tunay na
pagpapakato. Marahil hindi niya malalaman ang lahat, ni hindi siya
magpapanggap na nalalaman na niya ang lahat. Ngunit, malalaman niya
ng sapat, at ituturing niyang mabigat at maligayang pananagutan, na
ang pagpapakatao ay paglingkod sa kapwa, sa Maykapal. At sapagkat
ito ang tunay na kapuri-puri, pagsisikapan niya na ang kanyang buhay
ay maging isang walang sawang paghahanap at pagkikilatis, upang sa
mga pangyayari'y magawa niya ang nararapat gawin ng tao.

At dito, magtataka siya. Sapagkat makikita niya na ang tunay na kapuri-

puri ay: gawin ang nararapat gawin. Matutuklasan niya na wala na
siyang panahon na pansinin pa kung punupuri nga siya o hindi, ni wala
na siyang panahong naisin ang puri. Makararanas nga siya ng mga
galaw ng kalooban na naghahanap ng puri, ngunit, malaon o maaga'y
lilinaw sa kanya na ang mga galaw na ganito'y pag-aksaya ng panahon.
Kung magkataon na meron ngang magpuri sa kanya sa isang puring
tunay at taimtim, liligaya nga siya at magpapasalamat.. . ngunit, takot
niyang lilisanin kaagad, sapagkat natauhan na siya na ang malabis na
pagpansin sa puri ay pagwasak sa pagtupad sa totoong nararapat. Hindi
iniintindi ng tunay kung may puri siya o wala.

Sa palagay ko, tumitingkad na ngayon na kapag hinanap ng tao ang

telos na kaligayahan sa puri ng tao, kahungkagan ang kanyang
madaratnan. Sapagkat ang puri ay tunay lamang kapag hindi hinahanap.
Kapag hinanap ay nagiging huwad. Hindi ganito ang katutubong
hantungan, katuparan, kabuoan ng tao.
UGAT NA KILUS, UGAT NA PAG-ASAM

Hangga ngayon, medyo ganito ang naging paghahanap natin:

Pansin natin na may katutubong pagnanais ang tao: ang pagnanais

lumigaya. Napapansin natin na ito ay batayan ng lahat ng mga ibang
pagnanais. Ang hinahanap natin ay ligayang buong buo, umaapaw,
walang maliw, walang pagkukulang, walang katapusan, tahasan at
lubusan. Marami tayong mga ibang pagnanais, ngunit, masasabi natin
na lahat ng mga iba ay bahagi ng pagnanais lumigaya, sapagkat ang
pagnanais lumigaya ay nakikipagtalaban sa mga pagnanais na ito,
gumagalaw sa loob ng mga pagnanais na ito. Kaya't ang bawat isa ay
nararanasan bilang isang uri ng pagnanais lumigaya. At kapag may
ganitong pagnanais na natupad, nararanasan natin ang katuparan bilang
isang uring ligaya. . . hindi pa iyong pinakananais na ligaya, ngunit,
parang anino nito.

Sapagkat may isang uring ligaya sa pagtupad sa anomang kilus ng

pagnanais, naisipan natin, baka may ugat ng kilus ng pagnanais
lumigaya, ugat ng pag-asam, na, kapag natupad, ang makakamit ay
hindi na isang uri ng ligaya lamang, kundi ang mismong lubusan at
tahasang ligaya, walang maliw, walang pagkukulong, atbp.

Para bagang sinabi natin: Sana hindi ko na kailangang pag-abalahan

ang lahat ng aking mga pagnanais. Isang ugat ng kilus ng pagnanais
lamang ang gusto ko: katuparan lamang noon ang aking pagtitiyagaan,
at tiyak na akin na ang tahasan at lubusang ligaya.

May pagka-natural na akalain natin na ang ugat ng kilus ng pagnanais

sa ligaya ay ang pagnanais sa aliw ng laman, o sa kayamanan, o sa puri
ng tao. Sapagkat ang bawat isa sa tatlong ito ay parang may kasamang
pabulong na pangako: kapag sinundan mo ako, liligaya ka. . .
Napakadrama yata ng pagkasabi niyan. . . Ibig ko lamang ipaalala na
habang nararamdaman ng isang tao ang matinding paghilig sa aliw ng
laman o sa pag-ipon ng kayamanan o sa paghabol sa puri ng tao, meron
siyang sabay na nadarama na napakatinding damdamin na umaantabay
sa ligaya: at dahil sa damdaming ito ay halus hindi na niya maiwasang
isipin na, sa pagsunod sa kahiligang ito, seguradong seguradong liligaya
siya sa tahasan at lubusang ligaya.

Ngunit, makita na natin na kahit na mahirap, posible pa rin huminto at

mangilatis. At nakayanan nating matuklasan na kapag ginawang ugat ng
kilus tao ang alinman sa tatlong ito, pagkawasak at hindi kaligayahan
ang hahantungan.

Kaya't ano kaya ang ugat ng kilus na tumutungo sa ligaya? Natauhan

tayo na ang ugat na ito ay hindi isa sa nasabing tatlo sapagkat kinilatis
natin ang bawat isa. Ginamit natin ang isang galaw ng ating katauhan
na kayang kilatisin ang mga galaw ng ating katauhan. Kinilatis sa
pamamag-itan ng pagsuri, pagtimbang. . . at habang sinusuri at
tinitimbang, hinahanap kung ano ba ang talagang totoo ukol rito. Ang
talagang totoo ay na pagwawasak ang ginaganap noong tatlong kaaya-
ayang naturang kahiligan.

Madalas nating mapapansin na, sa gitna ng mapupusok at magugulo at

halu-halong galaw ng ating mga hilig at damdamin, meron tayong
kakayahang iutos sa ating sarili: Antay muna, hinto. . .titingnan ko,
kikilatisin ko kung ano ang totoo rito.

Sapagkat, mas ugat kaysa sa mga ibang kahiligan ang kahiligan sa

katotohanan, ang kakayahan at pagnanais sa talagang totoo. Sa
masusing pagkilatis natuklasan natin na nakikipagtalaban sa lahat ng
mga ibang pagnanais ang ugat na pagnanais sa kaligayahan. Ngayon,
natutuklasan natin na nakikipagtalaban sa pagnanais sa kaligayahan ang
pagnanais sa talagang totoo, sapagkat ang katutubong pagnanais natin
ay para sa tunay na kaligayahan.

Lahat ng bagay ay maaring mag-anyong kaligayahan sa atin: ganoon

din, likas na udyok ng ating loob na kilatisin ang bawat bagay na may
anyong ligaya, kung totoo ngang ligaya o hindi. Ang bawat paghilig sa
may anyong ligaya ay may kasamang udyok ng loob: kilatisin mo kung
totoo.

Maari nating tanggihang sumunod sa malalim na mapagkilatis na ugat-

hilig sa katotohanan. Maari nating piliin na tuonan lamang ng pansin ang
"pabulong na pangako" ng aliw ng laman, kayamanan, puri. . .o kung
may iba pang gaya ng mga ito. Ngunit, kapag sinusundan natin ang
ating tunay na katauhan, alam natin na sa katotohanan lamang makikita
ang tunay na ligaya. At ang pagnanais sa katotohanan ay nasa ugat ng
ating katauhan.

Ngunit, hindi natin hinahanap ang katotohanan upang isulat ito at itago
sa isang libro. Ang katotohanan ay hinahanap upang maisagawa. Ang
naisagawa ayon sa katotohanan ay tinatawag na kabutihan. Ang
isinagawa naman laban sa katotohanan ay tinatawag na masama. Ang
masama ay maaring mag-anyong ligaya, ngunit, kasamaan pa rin. Ang
ayon sa totoo, ang mabuti lamang ang tunay na ligaya.

Kaya't kung hinaharap natin ang anoman, ang totoo ang ating kikilatisin,
at sa pagkilatis matutuklasan natin ang mabuting isasagawa natin. Dito,
mulat tayo na nasa atin kung pipiliin nating isagawa ang pinakita sa atin
ng matinong pagkilatis bilang totoo. Ang pagtanggi sa totoo ay alam
natin na masama at pagwasak sa sarili. Ang pagpasya ayon sa totoo ay
pagpili sa mabuti, pagkilus sa panig ng totoo, na panig rin ng tunay na
ligaya.

Kaya't kung ang hilig ng ating kaalaman ay sa totoo, ang tunay na hilig
(na maaring tanggihan, sapagkat malaya tayo-- ngunit pagwasak ang
pagtanggi) ng ating pagpipili ay ang mabuti. Kaya't nakikita natin na
katutubo sa ating isip na humilig sa katotohanan, hanapin at naisin at
galangin ang totoo. At sa
paghabol sa totoo natutuklasan din natin ang mabuti. At likas sa ating
kalooban na hanapin, naisin, isagawa, at kumapit sa mabuti.

Natuklasan natin na ang ugat na kilus natin ay kilus ng isip at kilus ng

kalooban, at ang ugat na inaasam ng isip ay katotohanan at ang ugat na
inaasam ng kalooban ay kabutihan. Hindi magkahiwalay ang totoo at
mabuti. Ang nauunawaan bilang totoo ay iniibig bilang mabuti. At nasa
ating pag-asam sa totoo at sa mabuti ang mga katangian ng ating
pagnanais sa kaligayan. Ang totoo at mabuti na hinahanap natin ay
buong buo, umaapaw, walang maliw, walang pagkukulang, walang
katapusan, tahasan at lubusan. Sa palagay ko, malinaw na ang ating
pag-asam sa totoo at sa mabuti ay iyong iyon din sa ating pagnanais sa
kaligayahan.

Anomang inaakalang kaligayahan, kapag natuklasang hindi totoo o

masama ay mahahalatang hindi tunay, huwad, nagpapaggap na
kaligayahan. Ang totoo at mabuti naman ay palaging kaligayahan,
ngunit, maaring madama at maranasan ng tao bilang mahirap o
masakit, kapag hindi pa buo ang kanyang pagkatao. Maaring akalain
nating huwad ang tunay. Ngunit, kapag nabuo na ang ating katauhan,
madarama natin ang totoo at mabuti bilang ubod ng ligaya. Hindi
pagtutuonan ng pagnanais ang ligaya. Ang hahanapin ay ang totoo at
mabuti. At kapag nakamtan, bukal sa taong lumigaya.

Kaya't masasabi natin na ang ligayang hinahanap natin ay na mabuhay

tayo ng walang katapusan sa katotohanang tahasan at lubusan at sa
kabutihang lubusan at tahasan.

Ngunit, tayo'y mga nilalang na personal. Hindi tayo liligaya sa pagka-

alam sa abstraktong katotohanan, ubod man ito ng kadakilaan; ni sa
pag-ibig sa abstraktong kabutihan, walang b ahid man ito ng
pagkukulang. Ang hinahanap natin ay hindi kaalaman, kundi pakikipag-
alaman; hindi pag-uunawa. Kundi pag-ibig sa mabuti, pakikipag-ibigan,
pakikipag-kaibigan.

Kaya't ang pagsisikap sa totoo at mabuti'y hindi makagagalaw kundi sa

abot tanaw ng pakikipagkapwatao.

Sa pakikipagkapwa, natatauhan ako na ako'y bukod tangi, akong ako,

na walang kagaya ko, kaya't nag-iisa ako. At dahil dito, natatauhan din
ako na ang aking kapwa ay bukod tangi, siyang siya, na walang kagaya
niya, kaya't siya'y nag-iisa.

At sa pakikipagkapwa natatauhan din ang bawat tao na sa kanyang

pagka-nag-iisa'y hindi siya nag-iisa. Ako'y bahagi mo at ikaw bahagi ko.
Nagtatalaban ang pagka-nag-iisa at ang pagka-bahagi-ng-isa't-isa.

Kaya't tumutubo tayo sa isang mas matinding pag-uunawaan at pag-

iibigan kapag ginagalang kita sapagkat ikaw ay taong kagaya ko at
ginagalang din kita sapagkat ikaw ay taong hindi kagaya ko. . .at ang
nakikipagtalaban na sagot dito ay na ginagalang mo ako sapagkat ako'y
taong kagaya mo at ginagalang mo ako sapagkat ako ay taong hindi
kagaya mo.

Kaya't ito'y simula ng pag-uunawa na pinagbabatayan ng etika: na likas,

katutubo, bukal sa bawat tao at sa lahat ng tao na sama-samang
hinahanap ang totoo at mabuti at nararapat na isinasagawa natin ang
ayon sa nahanapan na, habang tayo'y naghahanap pa.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

HALAGANG MORAL
Hango sa mga Nota ni Padre Roque J. Ferriols, S.J.
Pamantasan ng Ateneo de Manila

Mga kategorya ng importansya

Sa kalawakan na ating malaytao hindi natin napapansin ang bawat

bagay o pangyayari. Iilan lamang ang tumatawag sa ating pansin. Itong
katangiang "nakatatawag ng pansin" ay pangangalanan nating
importansya.

Madalas ang importansya ng ating kapaligiran ay ayon sa kalagayan na

ating malaytao. Sa "kalagayan ng malaytao" sinasakop ko ang mga
kombi-kombinasyon ng hilig, damdamin, paninindigan at ang mga
naisisilang na oryentasyon. May mga sari-saring oryentasyon ng ating
malaytao na ginagawang kapansin-pansin o hindi kapansin pansin ang
iba't ibang bagay. Halimbawa, kung nakatuon ang aking pagmamalay sa
paghahanap sa isang kahon sa kwartong ito, malamang hindi ko
mapupuna ang mga papel at libro, o kung ano ang matatanaw sa
bintana. . .pero punang puna ko ang mga kahon at uusisain ko pa ang
bawat isa. Sa oryentasyon na iyon, mga kahon ang may importansya.
Kung ako naman ay nasa oryentasyon na itinuturing kong ako lamang
ang tunay na batayan ng lahat; kung tinatanaw ko ang aking sarili
bilang pinag-iikutan ng buong daigdig, marahil mapapansin ko lamang
ang bawat tao bilang kasangkapan ko, taga-bigay aliw, halimbawa, o
isang makapagpapalaganap sa aking poder sa politika, o utusan na
taga-tupad sa aking bilin nang huwag na akong mapagod. Baka ang
mapapansin ko lamang sa pagkain ay kung masarap o hindi. At baka
ang inuusisa ko lamang sa sinasabi ng mga tao ay kung pinupuri nila
ako o hindi. Sa ganitong oryentasyon, nakakulong ako sa aking sariling
isip at damdamin. Lahat ng hindi-ako ay nakikita ko sa kulay ng ako at
napapansin ko lamang ayon sa kanilang relasyon sa aking mga ninanais
o tinatanggihan. Tatawagin nating purong suhetibo ang importansyang
ito.

Meron naman ibang importansya na tumatawag sa ating pansin kapag

tayo'y nasa oryentasyon na pinapanuod natin ang buhay at kinikilatis
natin ang mga linalang ayon sa kanilang kaugnayan sa pagka-tunay-na-
tao ng isang tao: kung ang pagkaugnay ay nakabubuti o nakasasama sa
kanyang katauhan, kung nakabubuo o nakasisira. Sa ganitong
oryentasyon, makikita ko marahil na kumain ng malabis ay nakasisira,
kumain ng sapat ay nakabubuti. Ituturing kong mabuti sa matang
tumanaw sa malalayong bulubundukin upang makapahinga. Matatauhan
ako na mabuting gumawa ng makatarungan sapagkat sa ganyang
gawain ay lalong mabubuo ang aking katauhan. Ituturing kong
mabuting magmabait sa kapuwa, sapagkat ang magmalupit ay
nakawawasak lamang sa aking sarili. Tatawagin nating obhetibong
mabuti sa tao ang importansyang ito.

Kung nilalampasan naman ng tao ang kanyang mapusok na kahiligang

gawing ikutan ng lahat ang kanyang sarili, at kung lalampasan din niya
iyong atitud ng tagapanuod na tumatayo sa labas ng mga bagay at
inaanalisis palagi ang mga kaugnayan, halimbawa, ng x sa y, ng p sa q .
. . kung lalampasan niya ang mga oryentasyong ito, maaring mangyari
na pumasok siya sa isang pagkabukas ng kalooban na ang iniintindi ay
hindi basta ako, ni hindi pagwalang-bahala sa ako. . .ang tinutukoy ay
isang pagbukas ng loob na lumalampas sa mismong paglampas sa sarili
at nalilimutan ang mismong pagkalimut sa sarili. Ito ang ikatlong
oryentasyon, ang oryentasyon ng pagbubukas-loob. Dito, maaring
mangyari na ibang uri ng pagtawag ng pansin, ibang uri ng
importansya, ang tatalab sa kanya.

Sa oryentasyon ng pagbubukas-loob, makatatawag pa rin ng pansin,

halimbawa, ang pagkain, ngunit, hindi lamang bilang masarap at
nagbibigay kalusugan, kundi bilang isang linalang, isang meron na
maraming nibel sa pagmemeron, na karapatdapat galangin bilang itong
espesyal na meron na ito. At ganyan din ang magiging pagtawag ng
pansin ng anomang meron: itong ito, bukod tangi. . .kahit na itong
maliit na batong ito na ganito ang tigas at kulubot. . .o itong ahas na ito
na ganito ang kulay at ganyan ang pag-usad. At kahit na sinong tao. Sa
oryentasyon na ito, posibleng matawag ang pansin ng tao sa
pagkabukod-tangi pala ng bawat kapuwa. Alam na taong nakakapansin
nito, na hindi kaya ninoman na masusing alamin ang pagka-espesyal ng
bawat kapuwa, ngunit, kikikiling niya ang loob, pinagsisikapan niyang
matauhan. Kay iba pala ng bawat tao! Itong importansyang
nakatatawag ng pansin sa oryentasyon ng pagbubukas-loob ay
papangalanan nating halaga. At kapag ang nakatatawag ng pansin ay
ang mismong meron na tigib sa kayamanan na umiiral sa maraming
nibel, tatawagin nating halagang ontolohiko.

Maari naman na ang tumatawag sa pansin ng pagbubukas-loob ay ang

isang uring pagsinag ng meron. Halimbawa, ang hugis at kulay ng
bulubundukin, ang himig ng tugtugin. . .may mga sandali na kulay at
hugis at huni ay nararanasan bilang pag-apaw ng meron at sasabihin ng
tao na nagagandahan siya. Hindi nawawala ang aliw sa pandinig, ang
pahinga at aliw sa mata, ngunit, lahat ay napapansin bilang kabuoan ng
pagsinag ng meron. Matatawag ang importansyang ito na halagang
estetiko.

Maari naman na ang tumatawag ng pansin ay purong kaisipan.

Halimbawa, isang teorem sa matematika o isang teorya ng mga palaisip
sa istorya o sosyolohya o ekonomya o kung ano. Ang ubod ng galing ng
mga kaisipan na isinisilang, iniipon at pinagagalaw, ay makagigising sa
paggalang at paghanga sa idea. Matatawag itong halagang intelektwal.

Marami ang mga posibleng mararanasan bilang halaga. At hindi pa tayo

nakakaabot ang ating pagtalakay sa halagang moral na siyang talagang
layunin ng pagmumuni-muning ito. Ngunit, makatutulong ang lingunin
sandali at pagmuni-munihan ang mga halagang nakita na. At isang
katagiang lilitaw ay ito: ang halaga ay hindi lamang tumatawag sa
pansin, kundi tumatawag. Ang talagang tinatawag ay ang tao, ang
buong tao, sa lahat ng nibel ng kanyang katauhan.

Paglabas sa sarili, pag-iral sa kaloob-looban ng sarili

Papaano nagaganap ang naturang pagtawag sa tao? Halimbawa, sa

halagang estetiko ng bulubunduking iyan, ang tumatawag sa akin ay
hindi isang halimbawa ng konsepto ng kagandahan, kundi isang itong ito
na, sa kanyang pagmemeron, ay sumisinag sa aking sariling meron.
Hindi ko ito masisilayan kung magkukulong ako sa aking sarili o
magkukubli sa isang analisis ng kagandahan.

Upang madama ko ang tawag ng bulubunduking iyan, kailangan kong

lumabas sa aking sarili. Ang halaga ay tawag ng meron at pinalalabas
ang tao sa kanyang sarili. Isang uring paglabas na hindi napupuna ng
lumalabas, sapagkat ang tinutuonan niya ay ang meron sa kanyang
pagka-halaga. Isang uri ng paglabas sa sarili na, sa isang kabalintunaan,
may isang ring matindi at tumitinding pag-iral sa kaloob-looban ng sarili.
Pati ito'y di pansin sapagkat ang tinutuonan ng pansin ay palagi ang
meron bilang halaga.
Kung ang meron bilang halaga lamang ang tinutuonan, papaanong
mapupuna ng tao na lumbalabas siya sa sarili at sabay umiiral ng mas
matindi sa kaloob-looban ng sarili? Ito'y mapupuna sa analisis
pagkatapos ng aktwal na pagdinig at pagtugon sa halaga.

Ang lugar ng analisis

May isang taong nakinig sa isang analisis ng paglangoy. Sinulat niya sa

kanyang notbuk at umuwing kontento sa kanyang sarili. Mula noon
habang buhay niyang inaakala na alam niya kung ano ang lumangoy,
sapagkat sa kanyang utak ay palaging nag-uugnayan ang mga x, y, p, q
ng paglangoy.

May ibang tao naman na nakinig at habang nakikinig ay inilalagda sa

alaala. Tapus ay lumundag siya sa tubig upang isagawa ang narinig.
Umuwi siyang hindi kontento sapagkat ang daming tubig na nalunok
niya at may pumasok pa sa kanyang ilong. Ngunit, sa mahabang
panahon ng walang awang pagsisikap na isagawa ang nasa analisis,
natuto siyang maglangoy. Naranasan niya na ang analisis ay gabay na
kailangan ng tao, lalo na sa panahon ng kadiliman kapag humihina ang
loob niya. Ngunit, sa wakas, mas buhay ang isip na gumagawa at
paggawang nag-iisip, kaysa sa isip na basta't nanunuod at nag-aanalisis.

Ganyan lilinaw sa gumagawang nag-iisip, ang lugar ng analisis sa etika.

Kusang loob

Nakita na natin na tinatawag ng halaga ang tao na lumabas sa sarili at

sabay matinding umiral sa kaloob-looban ng sarili. Kaya't ang buong
galaw ng buhay halaga ay nagaganap sa kalooban. Ngayon, hindi
maaring umiral ang halaga sa kalooban kung hindi nagkukusang loob
ang tao.

Sa mga linalang sa sansinukob, ang bawat isa ay may sariling pagkusa.

Kusang nahuhulog ang bola kapag nabitiwan. Kusang umaapaw ang ilog
kapag naulanan ng malabis. Ang bubuyog ay kusang gumagawa ng
pulut-pukyutan. Pagkusa ng ibon ang lumipad. At pagtahol sa di kilala
ay pagkusa naman ng aso.

At may pagkusa pati ang tao. May sinabi si x at nainis ka na lamang. At

nagalit ka na lamang noong nakita mo ang ginagawa ni y. Sa mga kilus
at salita ni z ay napatawa ka na lamang. Ang pagkusa ay di alumanang
umapaw sa iyong damdamin at nainis, napagalit, napatawa ka na
lamang. Ngunit, dumating ang kaibigang ginagalang mo at kusang loob
mong pinigilan ang iyong inis, galit, tawa.

Kung ganoon, pagpigil yata sa pagkusa ang pagkusang loob? Oo at

hindi. Ang pagkusang loob ay taos na pag-alisto sa mabuti at totoo; at
malayang paghubog ng mga sariling pasya, ayon sa mabuti at totoo. At
batay dito, maaring mangyari na mapiligilan ang pagkusa, maari
namang mangyari na lalong lalalim at titibay ang pagkusa.

Sabihin natin na naglakbay ang isang tao sa isang landas na malayo at

mahirap upang dalawin ang isang kaibigan. Pagdating niya, baka niya
sabihin: "Hindi sapilitan akong pumarito, kundi kusang loob." Ang ibig
sabihin ay: hindi bilang pakitang tao o dala ng pag-asa na baka
mapakinabangan niya, kundi sa isang malayang pagbukas ng sarili
upang idulot ang sariling loob sa kaibigan at tanggapin naman ang
kalooban ng kaibigan. Kaya't ang pagkusang loob ay hindi isang
pagtanggi, kundi isang taos at malayang pagbigay-pagtanggap na
ibinubukal ng tao mula sa kanyang kagandahang loob.

Ngayon, ang kilus ng halaga ay magaganap lamang sa larangan ng

kusang loob. Ang kaloobang hindi alisto sa halaga ay hindi maririnig ang
tawag nito. At ang taong hindi handang magbigay-tanggap loob ay hindi
makatutugon. Maari tayong magsapilitan o magpanggap o magpakitang
tao na sa halaga tayo kumikilos, ngunit, talagang nabubuhay ang halaga
sa kusang loob lamang.

Meron

Ang halaga ay hindi hiwalay sa meron. Ang mismong meron ay halaga.

Tinatawag na halagang ontolohiko ang mismong pagka-talagang-totoo,
pagka-talagang-nangyayari ng anoman. At ang mga halaga na binigyan
natin ng ibang pangalan ay mismong meron din. . .sa ganito o ganoong
aspekto. Napakasiksik at napakayaman ng meron kaya't hindi natin
kayang mapansin ang lahat ng aspekto ng sabay sabay. Kaya't kung ang
talab sa akin ng meron ay para bagang umaapaw, sumisinag,
nagdudulot ng tuwa, sasabihin kong nagagandahan ako. Halagang
estetiko ang tumatawag at tinutugunan. Ngunit, nararanasan ko ito sa
meron. itong bulubunduking ito, itong araw na ngayo'y lumulubog at
kinukulayan ang papawirin, itong gitarang itong nanginginig sa musika
at pinanginginig ang kahanginan. . .mga meron na ito ang tumatawag at
tinutugunan, hindi isang idea o teorya ng kagandahan.

Ngunit, sa halagang intelektwal, hindi ba't purong idea ang tumatawag

at hinahangaan? Oo. . .ngunit meron pa rin ang hinahangaan. Sapagkat
walang purong idea kung walang taong nag-iisip. Ang hinahangaan
talaga sa halagang intelektwal ay ang kilus ng utak nitong taong ito. Ang
tumatawag sa akin na humanga ay ang pag-uutak nitong taong ito na
nagsulat nitong librong ito sa matematika; at ang pag-uutak pa ng isa
pang taong iyan na naglalahad ngayon sa kanyang inimbentong teorya.
At tinutugunan at hinahangaan ko rin ang buong pumapaligid at
kinabababaran na sangkameronan ng siyang pinaghahangoan ng lahat
ng pag-iidea at pagteteorya.

Halagang moral
Nakaupo sa hukuman ang isang huwes. Sa harapan niya ay isang
mahirap at isang mayaman. Meron silang alitan ukol sa batas. Malamang
may isang nibel ng kanyang kamalayan na ang mga kaisipang
gumagalaw ay ganito: Sa anong hatol kaya lalo akong magkakakwarta?
Anong hatol kaya ang makapagbibigay sa akin g mabuting ngalan at
puri sa madla? Ano kaya ang sasabihin ni a o b kung ang ihahatol ko ay
p o q? Ngunit, sa kalaliman ng kanyang loob, ay baka ginigising niya ang
kanyang katutubong pagkikiling sa katotohanan, at sa nibel ng
pagkukusang loob ay nagpapakaalisto siyang tanggapin sa sarili ang
katotohanan at ibigay ang sarili sa katotohanan. . .upang siya'y
magpasakop sa katarungan. Sa nibel na iyan ang tawag na naririnig niya
ay: ituon mo ang iyong buong katauhan sa pagtimbang sa ebidensya sa
harapan ng batas at, kung ano ang totoo at katarungan, iyon ang
sundin mo.

May isang taong may panghabang panahon na kaibigan. Buong buo ang
tiwala ng kanyang kaibigan sa kanya. Lahat pati kwarta't ari-arian, pati
pamilya, ay itinitiwala sa kanya ng kanyang kaibigan. Marahil may nibel
ng kanyang pagmamalay na kinagagalawan ng mga kaisipang gaya ng:
Kay tanga nitong taong ito. Kung anu-anong pagsasamantala ang
nagawa ko na sana sa kanya. Wala siyang kakayahang maghinala at ang
galing ko namang magbalatkayo. Kung hindi ko pa siya nililinlang
hangga ngayon, ito ay sapagkat ako ay maginoo, mabait at malawak
ang kalooban. Ngunit, sa nibel ng kusang loob, ng kanyang tunay at
tapat na katauhan, naririnig niya ang meron ng kanyang kaibigan bilang
dignidad, bilang biyaya, bilang sagrado. Kaya't ang mismong meron ng
kanyang kaibigan ay tawag sa kanya na kailangang tugunan ng galang,
katapatan, pagmamahal. Hindi bilang pagyuko ng mataas sa mababa,
kundi bilang simpleng pagtupad sa totoo, pagbigkas at pagsagawa sa
meron.

Dalawang halimbawa iyan ng halagang moral, at hindi mahirap kilalanin

na karanasan nga ng tawag ng halaga ang nakasangkot dito. Ang tawag
ng halagang moral ay maaring tanggihan, huwag punahin, ng taong
pumapasyang humiwalay sa kanyang kusang loob. Ngunit, sa
pagbabalik loob mararanasan ang halagang moral bilang tawag na
tanggapin ang halaga sa sarili at ibigay ang sarili sa halaga, sa meron,
sa totoo. At nararanasan din ang halagang moral bilang tawag na
pinalalampas ang tao sa sarili at sabay pinalalalim ang kanyang pagkilus
sa kanyang kaloob-looban. Kaya't parang magkatumbas ang istruktura
ng pagdanas sa mga ibang halagang nakita na natin.

May pagka-pareho nga ang halagang moral sa mga ibang halaga,

ngunit, ibang iba pa rin.

Pagka-seryoso

Unang una, may kakaibang pagka-seryoso ang halagang moral. Sa

mismong paglabag, lumilitaw ang pagkaiba. Ang hindi pagpansin sa
ganda ng lumulubog na araw ay nasa ibang di hamak na larangan sa
hindi paggalang sa karapatan ng inaapi. Ang hindi paghanga sa isang
teorem sa matematika ay hindi paipapantay sa hindi paggalang sa
pagkasagrado ng kapwatao. Mapapalitan ang mga ibang halaga, ngunit
hindi mapapalitan ang halagang mora. Masasabi ng tao: Hindi ko
masakyan ang pintura ni Picasso, pero nagagandahan ako sa pintura ni
Amorsolo. Ngunit, paglapastangan sa sangkatauhan kung may
magsasabi: Hindi ko masakyan ang maging makatarungan sa mahihirap,
pero mabait ako sa mga aso. Tatanggapin ng taong matino kung may
hihiling sa kanya: Ipagpaumanhin po ninyo, hindi ko mahangaan ang
inyong teorya at napakakomplikado po ng mga idea para sa akin.
Ngunit, pagtanggi sa sangkatauhan kung may magssasabi:
Ipagpaumanhin mo ako't sinamantala ko ang aking kaibigan, sapagkat
hindi ko istrok itong pananatiling tapat.

Ang halagang moral, sa kanyang kakaibang pagka-seryoso, ay hindi

maaring palitan o ipagpaumanhin kaninoman. Nararapat sa bawat tao
na buong pagsisikap niyang dinggin at tugonan ang halagang moral.
Maaring bulag at bingi ang tao sa mga ibang halaga. Halimbawa, hindi
pangkalahatan ang talino sa pintura o sa musika o sa matematika.
Ngunit, sa halagang moral, bukal sa taong maging mulat at alisto. Kung
nagbibingi-bingihan.

Bukod-tanging tawag sa taong malaya

Ang tawag ng halagang moral ay tumatalab sa kaloob-looban ng taong

malaya. Ang walang kalayaan ay hindi mapasasagot, sapagkat hindi
makasagot. Ang lahat ng ginagawa niya ay hindi niya maiwasang gawin.
Ngunit, hawak ng malaya ang kanyang sarili; kaya niyang umoo o
humindi; kaya't kailangan niyang sumagot. Ang tawag ng halagang
moral ay nararanasan ng tao bilang pananagutan.

Sa halagang moral, totoong totoo ang nakita na natin sa mga ibang

halaga: na tinatawag ang taong limutin ang sarili at limutin pati ang
pagkalimut sa sarili. Sa ganitong pagka-ibayo masasabi niya: :Ang
bawat tao ay hindi-ako; at ako'y hindi-siya; at sa kanyang pagkahindi-
ako, ako pa rin siya; at sa aking pagkahindi-siya, siya pa rin ako."
Ngunit, hindi niya sinasabi ito sapagkat buhos na buhos siya sa
pagsasagawa nito. Itong pagsasagawang ito ang pinagmumulan ng
pakikisama, ng komunidad. Ito ang abot tanaw na pinagsisilangan ng
pagmumulat na kailangan ng taong sumagot ukol sa kanyang pagtupad
o hindi pagtupad sa tawag ng halagang moral. Ito ang sinaunang
pagtuklas ng tao na ang buhay niya ay pananagutan.

Kahit na ang taong hindi naniniwala sa Diyos ay kayang madama ang

kanyang pananagutan: "Kailangan kong sumagot." At sa kanyang
pagtataka: "Kanino ako sasagot?" Baka isipin niya, "Sa aking kapuwa."
At sa kanyang pagmumuni-muni'y baka matauhan siya: "Ang aking
kapuwa ay kasing buti ko, kasing sama, kasing tibay, kasing dupok.
Hindi sa akin siya sasagot. Hindi sa kanya ako sasagot.: At baka sa
yugtong ito'y matuklasan niya ang Maykapal.

Galing din sa pagkamalaya ng tao na kapag tinanggihan niya ang

halagang moral at ang kanyang pananagutan ukol sa halagang moral,
may pagkawasak sa sarili na nagaganap. Sapagkat ang kalayaan ay
hindi lamang pagka-maaring-piliin-ang-a-o-b. Hindi totoo na, sapagkat
kaya ng taong pagpilian ang a o b, a man o b ang piliin niya, buong buo
pa rin ang katauhan niya. Kung may halagang moral na nasasangkot,
ang pagtanggi sa halaga ay may pinapasok na "pagkawala sa
kondisyon" ng mismong pagkatao. Sumasulpot ang isang hidwaan na
inilalaban ng tao sa kanyang sarili, sapagkat sinubukan niyang
magpakasarili sa pamamag-itan ng pagtanggi sa sarili. Iyan ang maaring
matuklasan ng tao kapag masusi niyang pagmuni-munihan ang kanyang
buhay: na ang pagtanggi sa halagang moral ay pagtanggi sa sarili. Nasa
ating poder kung a o b ang piliin natin; wala sa ating kung ano ang
magiging bunga ng ating ginawang pagpili...lalo na kung halagang moral
ang nakasangkot.

Larangan ng parusa at gantimpala

Delikado ang katagang "parusa" at "gantimpala". Baka ang naaalala ay

isang magulang o titser o pulis na istrikto at galitin at palaging
nagbabanta na pahihirapan niya ang sinumang lumalabag sa batas.
Hindi ganyan ang tinuutukoy dito.

May larangan ng parusa at gantimpala na nasasakot sa halagang moral.

Halimbawa, iyong nabasa natin sa peryodiko itong buwan na ito. Na
may taong may baril na pumasok sa isang eskuwelahan at
pinagpuputukan ang mga bata. At iyong mga taong pumunta sa isang
baryo at may pinagpapatay na mga lalaki at nilapastangan na mga
babae. Dito nakikita natin agad na kung may gumawa ng ganyan, hindi
dapat magpatuloy ang buhay na parang walang nangyari. Sa mismong
meron ng aktong tumanggi sa halagang moral, nakikita natin ang
pagka-dapat-parusahan.

At sa mismong meron din na gawaing tumutupad sa halagang moral,

may nadaramang buhay, kapayapaan, pagtitindi ng pagkatao. At
natatanaw natin sa taong gumagawa, ang pagka-dapat-hangaan,
pagka-dapat-purihin.

Pinapasan sa likod ng gumagawa

Ngunit ang mismong gumagawa ay hindi nakikita ang kanyang pagka-

dapat-hangaan-at-purihin. Kung may isang taong naglalakbay sa
kabundukan at meron siyang natagpuang kapuwa taong sugatan at
hubab sapagkat hinoldap ng mga tulisan; at kung ang taong ito'y
nagmalasakit sa sugatan, iniligtas at inalagaan, ito'y sapagkat naririnig
niya na meron ang meron ng kanyang kapuwa tao bilang sagrado,
bilang, biyaya na pananagutan niyang buhayin. Ang dignidad ng
kanyang kapuwa ang kanyang iniintindi. Tayong mga nakikibalita, tayo
ang nakakapansin, at ang iniintindi, ang kanyang pagka-dapat-hangaan-
at-purihin. Pinapasan niya ito sa kanyang likod. Hindi niya nakikita. Tayo
ang nakakakita. Kung ibig niyang makita na siya'y dapat hangaan at
purihin, kailangan niyang pilipitin ang kanyang liig upang makita niya
ang kanyang pinapasan. Sa pagpipilipit na ito, hindi na niya mapupuna
ang pagkasagrado ng kanyang kapuwa. . .at mawawala ang kanyang
pagka-dapat-hangaan-at-purihin.

Inaapi, umaapi

Kasabihan ni Sokrates na ang pagwawasak sa kanyang sarili na

ginaganap ng taong umaapi ay daig pa ang pagwawasak na ginagawa
niya sa taong inaapi niya. Kaya't mas mabuting maapi kaysa umapi.

Hindi nito ibig sabihin na dapat huwag labanan ang umaapi. Dapat
labanan ang umaapi. Ang itinuturo ng kasabihan ay: na ang lumalaban
sa umaapi ay dapat huwag malimutan na tao ang nilalabanan niya. At
ang tao, mabuti man siya o masama, ay tao pa rin, at sagrado pa rin.
Maaring mangyari na dapat siyang labanan, o baka parusahan pa, sa
buong kabagsikan ng katarungan; ngunit, nasa katarungan rin na dapat
huwag mawala ang pagtanaw sa dignidad ng kanyang katauhan.

Ang kanyang katauhan ay tawag pa rin sa akin na galangin siya. Kaya't

ang paglaban sa kanyang pag-aapi ay hindi dapat gawin sa pamamag-
itan rin ng pag-aapi sa kanya. Kung ganoon ang gagawin ko, tinulad ko
na rin siya't winasak ko na rin ang aking sarili. . .at ni hindi ko
natulungan ang mga inapi niya. . .at ni hindi ko siya natulungan.

Ang tawag na hindi humihinto

At kung hindi tumutugon sa tawag ng halagang moral ang tao?

Nawawasak siya pero hindi nawawasak ang halagang moral. Kung
itinuring kong kasangkapan ang isang tao, winasak ko ang katauhan ko,
pero patuloy pa rin ang tawag sa akin na galangin siya. Hindi niya
kailangang magsalita. Ang mismong meron ng kanyang pagkatao ay
tawag sa akin: galangin mo ako.

Kung hindi ko pinansin ang tawag sa akin ng isang sitwasyong hindi

makatarungan, na gawin ko ang magagawa ko. . .kaya't lalong lumubha
ang sitwasyon. . .may nawasak sa akin, pero hindi nawasak ang
pagtawag ng sitwasyon, patuloy pa rin ang tawag sa akin. Maraming
nasisira sa pagtanggi sa tawag ng halagang moral, pero hindi nasisira
ang mismong pagtawag. At kung patuloy akong hindi nakikinig, maaring
magkaroon ng ibang katangian ang pagtawag. Maaring maririnig ko
ngayon ang tawag, bilang pagbintang sa akin o bilang tawag sa
pagbabalik loob o bilang tawag na muling buoin ang wasak.

Ang tawag bilang pagdanas sa Maykapal

Marahil, sa ating pagmumuni-muni ukol sa tawag ng halaga, sumagi sa
ating alala ang ukol sa tawag ng konsensya.

Ano ba ang konsensya? Sa aking nakikita, may dalawang kalabisan na

kung minsa'y kinahuhulugan natin ukol sa konsensya.

Iyong una ay itinuturing na ang aking konsensya ay isang boses sa

aking kalooban na tiyak na tiyak na tama at wasto at katotohanan.
Impalible. Kung sa bagay, boses talaga ng Diyos. Hindi ko na kailangang
kilatisin, at walang makatutulong sa akin sa pagbasa sa aking konsensya
sapagkat Diyos talaga ang nagpapaalam sa akin sa malinaw na
pagpapaalam. At kung may magtanong sa akin kung batay sa ano ko
dinesisyon ang isang bagay, hindi ko kailangang sagutin sapagkat wala
siyang karapatan magtanong.

Sa palagay ko, ang karamihan sa atin ay may mga naaalalang

pagkakataon na akala natin na sinusundan natin ang isang wastong
konsensya. . .at pagkatapus ay natauhan tayo na nagkamali tayo; at
natauhan tayo na sa konsensya'y kailangan ang matinong pangingilatis;
kaya't kailangan din ang matinong pag-uunawa, matinong damdamin at
kalooban. . .upang ang pagkilatis ay humantong sa matinong
pagdedesisyon.

At dito'y baka tayo mahulog naman sa baliktad na kalabisan. Baka isipin

natin na ang konsensya ay isa lamang proseso ng pag-iisip. Baka
manindigan ako na kung meron akong matinong pag-uunawa at ginamit
ko ito sa isang disiplinadong kalooban at damdamin, tiyak na wasto ang
magiging pagkilatis at desisyon.

Totoo nga na kailangan kong gawin ang lahat nito; kailangan kong
gamitin ang lahat ng mga kakayahang makatao ng disiplina at
katinuhan. Ngunit, kung nagawa na ang lahat. . .o mas ayon sa
katotohanan, habang ginagawa pa natin itong katinuhan na kailangan
nating gawin. . .may ibang presensya na nagpadarama sa tao. Ang
konsensya ay hindi lamang proseso ng isip, o teorya at impormasyon
ukol sa etika. Ang konsensya ay udyok sa liwanag ng isip, pagbigay loob
sa pagsagawa, utos sa kalooban: tupdin mo ang wasto; gawin mo ang
mabuti. Dito yata natatauhan tayo na ang tawag ng halagang moral ay
tawag ng Puon na Siya pala ang mismong Halaga. Dito yata natatauhan
tayo na ang bawat tawag ng halagang moral ay tawag ng Maykapal, na
ang bawat aspekto ng halagang moral na nararanasan natin ay isang
aspekto ng halagang moral na nararanasan natin ay isang aspekto ng
pagtulad sa Halaga na halaga, Meron na meron.

Kaya pala tinatawag tayo sa isang paglabas sa sarili na lumalampas sa

lahat ng paglabas sa sarili. . .sa isang paglimut sa sarili na nalilimutan
ang paglimut sa sarili. . .kaysa sa anomang kaya nating akalain.

TALASANGGUNIAN

Covey, Stephen R. 1994. First Things First. New York:

Simon and Schuster, Inc.
Ferriols S.J., Roque J. 1991. Pambungad sa Metapisika.
Quezon City: Office of Research and Publications.

Gadamer, Hans-Georg. 1984. Truth and Method. 2d

revised ed. Translated by Joel Weinsheimer and Donald
G. Marshall. New York: Continuum Publishing Company.

Jürgen Habermas. 1996. Between facts and norms:

Contribution to a discourse theory of law and
democracy. Translated by William Rehg. Cambridge,
Massachusetts: MIT Press.

Ibana, Rainier R. A. 1996. Pagpapahalagang Moral: Mga

Unang Hakbang. Quezon City: Sublime Paralytic
Publications.

Mercado, Leonardo N. 1979. Elements of Filipino

Ethics. Tacloban City: Divine Word University
Publications.

Reyes, Ramon Castillo. 1989. Ground and Norm of

Morality: Ethics for College Students. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Pilosopo Tasyo: Network of Philosophy

Professors in the Philippines
pilosopotasyo.tripod.com

Ukol sa Persona: Mga Pagninilay

Setyembre 1, 2000

Agnes David
Ateneo de Manila University

[Ang sanaysay na ito ay isang maikling pagmumuni-muni ukol sa Persona, ngunit isa na ring
parangal kay Fr. Ferriols…]

Pambungad
Noong nakaraang linggo, inanyayahan ako ni Dr. Ibana na maging isa sa mga tagapagsalita sa
panayam ni Fr. Ferriols. "Naging guro mo siya, hindi ba?" tanong niya sa akin. "Oo," ang sagot ko.
Sa katunayan, naging guro ko siya sa Philo 101 at 102. Ipinagpilitan kong makapasok sa kanyang
klase bagamat kilala non si Fr. Ferriols sa pagiging mabagsik. Bali-balita na mahirap daw makapasa
sa kanya. Gayunpaman, itinuloy ko pa rin. Sa isip ko, di baleng mahirapan, basta maraming
matutunan. Isa pa, mayroon kaming "tradisyung Ferriols" sa aming pamilya- apat kaming
magkakapatid na dumaan sa kanya … dahil dito, pati tatay ko, may ilusyon na ring maging "Ferriols
baby."

Mga Natutunan

Kung mayroong iisang matingkad na bagay akong natutunan kay Fr. Ferriols, iyon ang pagiging
tapat sa aking pagkatao. Iminulat niya ako sa kagandahan, kabutihan, kabanalan at misteryong
nananahan at likas sa akin. Sa loob ng dalawang semestre, sinabayan ako ni Fr. Ferriols sa aking
"personal na paglalakbay" at doon ko nasimulang paliyabin ang mga mahahalagang tanong ukol sa
aking pagkatao: Sino ako? Bakit ako narito? Saan ako patutungo? Naaalala ko pa na dahil sa labis
kong pagkagiliw sa Pilosopiya, madalas kong mapabayaan ang aking ibang mga klase tulad ng
biolohiya at kimika.

Higit sa sampung taon na ang nakalilipas… patuloy pa rin akong naglalakbay… at hindi pa rin
namamatay ang liyab ng pagtatanong. Bagamat marami na ang mga pagbabago sa akin at sa
mundong ginagalawan, may mga bagay na sadyang hindi kumukupas…mga bagay na natutunan na
patuloy na gumagabay sa akin.

Pagtuturo ng agham

Hindi ko inakalang mapapadpad ako sa pagtuturo… balak ko sana noon na kumuha ng medisina at
maging isang ganap na duktor - ngunit nag-iba ang tinahak kong landas…

Halos pitong taon na akong nagtuturo ng agham. Sa loob ng panahong iyon, nakita ko na maging
ano pa man ang aking bokasyon, ang pinakamahalagang pamantayan ko sa aking paggawa sa araw
araw ay ang maging tapat sa aking sarili, at sikaping pagyamanin ang aking pagkatao.

Mas mahalaga ang pagsasabuhay kaysa sa detalye

Isa sa mga paniniwala ko bilang guro ay ang kapangyarihan ng persona o pagkatao sa pagtuturo.
Mas may kapangyarihang magbigay liwanag at inspirasyon ang persona ng isang guro kaysa sa ano
pa mang diskusyon sa klase. Nakasisiguro akong madaling malimutan ng isang estudyante ang mga
detalye na pinag-uusapan sa silid aralan tulad ng anatomiya ng tao, ang proseso ng photosynthesis
o ang mekanismo ng pagkasira ng ozone sa papawirin… ngunit hindi niya malilimutan ang pagbati
mo sa kanya tuwing nakakasalubong mo siya, ang kaugaliang pagtitipid (mula sa maliliit na bagay
tulad ng papel, tubig o kuryente hanggang sa malalaking mga bagay), o marahil ang likas na
pagkagiliw sa paglubog ng araw.

Paghahanap sa katotohanan

Gayunpaman, paano ko isinasagawa ang pagtuturo ng agham? Ang agham ay isang disiplina na
masasabing nakatuon sa paghahanap sa katotohanan upang higit na maunawaan ang misteryo
hindi lang ng ating sarili kundi ng ating kapaligiran. Halimbawa, may malalim na pagnanasa ang tao
na malaman kung saan siya nanggaling…likas sa tao ang magtanong kung paanong nagkaroon ng
lupa, ng tubig, ng solar system, ng sansinukuban? Saan, kailan at higit sa lahat, bakit nagsimula
ang lahat?

Dahil sa agham at teknolohiya nagkaroon ng mga kasagutan, bagamat hindi ganap, ang mga
pagtatanong na ito. Mas nauunawaan na natin ang simulain ng sansinukuban dahil sa pinagpaguran
ng agham at teknolohiya: ang mga pinagsama-samang kaalaman tungkol sa mga iba't ibang
puwersang umiiral (tulad ng strong force, weak force, electromagnetic at gravitational force), butil
ng materia (tulad ng proton, electron, neutron, bosons, mesons) at teoriya (tulad ng Big Bang) ay
nakapagdulot sa atin ng kagalakan at pagkamangha.

Dahil sa mga bagong kaalamang ito… na ang sansinukuban ay patuloy na lumalaki, na "latak ng
mga bituin" ang mga planeta, na bawat butil ng buhay ay umagos sa loob ng higit na tatlong
bilyong taon upang mabuo ang tao… umaasa ako na higit nating pahahalagahan ang mga kaloob na
ito, at higit nating magagamit ang ating talino at galing para sa ikabubuti hindi lang ng tao, kundi
ng iba pang nilikha.

Sa kasawiang palad, ang disiplina ng agham at ang pamamaraan ng teknolohiya ay maaaring

makapagdulot ng di-kanais-nais na mga bagay. Ang dalisay na adhikain ng agham na hanapin ang
katotohanan at pagyamanin ang buhay ng tao ay maaaring malunod ng iba pang mga puwersa.
Ang paggamit, halimbawa ng mga genetically modified organisms ay nakapagpabuti sa agrikultura
ngunit maituturing na karahasan sa integridad ng halaman, hayop at microorganismo. Ang
paggamit ng langis at mga makinarya ay nakapagpabilis sa industriyalisasyon ngunit
nakapagpadumi ng ating hangin, tubig at lupa. Ang paggamit ng cellphone ay isang epektibong
pamamaraan ng pagtutulay sa mga tao, ngunit tila naglalaho ang diwa ng paghihintay at tunay na
pakikinig.

Makapangyarihan ang agham at teknolohiya sapagkat isinisiwalat niya ang nakapinid na pinto ng
sansinukuban. Nagmistulang diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang baguhin ang landas ng
ebolusyon. Dahil dito malaki rin ang ating pananagutang siguruhin na magamit ito sa wastong
paraan. Ang hamon, marahil, sa aming mga guro, ay ang matulungan ang mga mag-aaral na
sikaping patuloy na magtanong at manimbang… na sa kabila ng lahat ng pagbabago at sa gitna ng
mga puwersang ginagalawan ng siglong ito, maaari pa rin silang tumigil, manahimik at magtanong:
Sino ako? Bakit ako narito? Saan ako patutungo?

Magtatapos ako sa isang tula na isinulat ko noong taong katatapos ko lang ng kolehiyo… ginamit ko
ang simbolismo ng kandila sapagkat itinuturing ko itong isa sa pinaka-angkop na talinghaga sa
buhay ng tao…

Setyembre, 1989

Kawalahan:
Mula rito'y nasindihan ang apoy ng buhay.
Ang pinagmulan:
Walang kamatayang liyab ng Purong Pag-ibig.

Nilalang:
Kandilang nasindihan,
Nabigyan ng kahulugan.

Kandilang nag-init:
Dumama at nagpadama.
Dumanas,
Nalugmok sa sandaling kinaroroonan.

Kandilang nagsabog ng liwanag:

Dahil sa iisa,
Ang lahat ay nag-iba.
Kandilang may hangganan:
Nagbigay, nagbuhos,
Unti-unting naupos.

Nalusaw,
Naglaho na parang usok.
Nagbalik sa wala.

Buhay:
Salamin ng kawalang-hangganan,
Patikim ng Kanyang kaganapan.

Nawa'y maging liwanag at inspirasyon tayo sa isa't isa… maraming salamat po!

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

ANG LANDAS NG MISTISISMO

SA PAGTUKLAS SA KAHULUGAN NG PAG-IISIP
AYON KAY HEIDEGGER
Albert Lagliva
Ateneo de Manila University

Introduksyon

Hindi maipagkakaila na isa sa pinakamaimpluwensya at marahil isa rin

sa pinakamakontrobersya sa larangan ng kanlurang pilosopiya ang mga
pag-iisip ni Martin Heidegger. Mahirap na hindi mapansin ang yaman ng
kanyang pag-iisip sa kasalukuyang panahon sapagkat patuloy niya
tayong hinahamon na maging hindi palagay sa mga nakasanayang mga
batayan at idolo ng ating pag-iisip upang malaya nating ilagay ang ating
sarili sa kahiwagaan at kamanghaan ng lahat-lahat.

Layunin ng papel na ito na unawain ang kabuuang diwa ng mga

pagmumuni ni Heidegger simula sa mga taon noong 1930 kung
kailannaging malinaw na hindi na niya pinagtutuunan ng pansin ang
problematiko ng Dasein (na siyang katangian ng unang
Heidegger), kundi ang usapin na mismo ng Sein. Bibigyang diin sa
papel na ito ang pagnanais ni Heidegger na makamit ang pag-iisip o
Denken na may ganap na pagkakaiba sa tinataguriang
"pamimilosopiya." Bibigyan ng linaw ang intensyon ng papel na ito sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng mga ideya at pagmumuni-muni ni
John D. Caputo sa kanyang librong pinamagatang The Mystical Element
in Heidegger's Thought kung saan ipinakikita niya na may natatanging
impluwensiya kay Heidegger ang pag-iisip ng isang Dominikanong
mystiko na si Meister Eckhart. Ang mga elementong mystikal sa pag-iisip
ni Heidegger ang nagpapanatiling bukas ng pilosopiya sa hindi mabilang
na posibilidad sa pag-uunawa ng pagkanagmemeron ng lahat.

Isang Sulyap Sa Proyektong Metapisikal Ni Heidegger

Marahil ang pinakaakmang paglalarawan na maaaring ibigay sa

proyektong metapisikal ni Heidegger ay isang uri ng pag-iisip na
maituturing na radikal ang pagkakaiba sa nakagawiang uri ng
pamimilosopiya . Ang pag-iisip (Denken) na ito ay isang pagbalik sa
isang higit na sinaunang gawain kung saan ang napapaloob din ang
Dasein. Sa pamamagitan ng pag-iisip na ito, nagigising tayo sa isang uri
ng "pagkalimot" na siyang nagiging batayan at bumubuo sa mismong
kasaysayan ng kanluraning metapisika, mula sa pananaw ni Heidegger .
Kailangang lampasan ang matinding pagbibigay diin sa isang
antroposentrikong uri ng pamimilosopiya (na ang pinag-aaksayahang
problematiko ay ang pagiging awtentiko ng Dasein) upang makarating
tayo sa pagpukaw sa mismong nagbibigay posibilidad sa Sein, sa
panahon, at maging sa kasaysayan.

Malinaw kay Heidegger na ang pinagkakaabalahan ng kanlurang

pilosopiya ay ang pag-uugat ng lahat ng umiiral sa isang partikular na
ideya o eidos na kailangang naririyan upang maging batayan ng kahit
anong posibilidad ng katotohanan at diskurso. Kailangang matatag at
hindi naglalaho ang mga batayan upang magkaroon ng saysay ang kahit
na anong uri ng rason o pag-abot ng pag-uunawa sa mga bagay. Para
kay Heidegger, ang nahuhuli lamang ng kanlurang pilosopiya ay ang
katatagan ng presensiya ng isang Sein bilang responsable sa lahat ng
kahulugan at saysay ng Seindes. Ninanais lampasan ni Heidegger ang
ganitong simplistikong pananatili ng pilosopiya sa mistulang ontolohikal
na pagkakaiba sa gitna ng Sein at Seindes. Layon ni Heidegger na para
bagang iwaksi ang pagtingin sa punto de bista ng Dasein at maging
lublob sa mismong pagpapakita ng

Sein na siyang pinanggagalingang bukal ng lahat ng paglalantad at

pagkukubli sa kasaysayan at panahon .

Ngunit upang maging matagumpay si Heidegger, nakikita niya nga

pangangailangan na iwanan ang usapin ng Sein at mas maging abala sa
ibang bagay. Upang tunay na maabot ang pag-iisip, kailangan nating
tumungo higit sa abot ng ating makakaya…lagpas sa Sein. May lagpas at
higit sa nakasanayang paniniwala na pagkakaiba ng Esse at ens na
siyang tingin ni Heidegger na tanging pinagkaabalahan halimbawa ni
Sto. Tomas de Aquino . Hindi lahat ay kailangang maiugat sa Sein
katulad na rin halimbawa ng paninindigan ni Platon na ang Mabuti ay
lagpas at higit sa ousias . Para kay Heidegger, may mas sinauna siyang
nakikita na nananatiling hindi maiuuwi sa pag-iisip at patuloy na hindi
masasabi sa kabuuan ng pilosopiya. Malinaw na gusto ni Heidegger na
lampasan ang usapin ng Sein, ngunit mulat din siya na maaari lang itong
maabot sa pagtahak din at pagdaan sa landas ng Sein. Isang uring
paghakbang na paatras at pag-uulit ang ninanais niyang gawin kung
saan ang usapin ng ontolohikong pagkakaiba ay hindi na ang
nagsisilbing may pinakamahalagang papel sa pagmumuni ngunit
inaasahan niyang makarating tayo sa isang kalagayan na inilalagay tayo
sa atitud ng simpleng paghihintay at pagbabantay sa
maaaring ipahintulot na magpakita .

Walang pangalan ang kalagayang ito at tinatawag lamang ni Heidegger

ito sa simpleng bansag na Ereignis . Para sa kanya, tinatawag tayong
manatili sa hindi matawag na katotohanang ito. Kinakailangan na
pinahihintulutan natin ang ating sarili na mapaloob sa kalagayan ng
Ereignis, na maging hindi palagay at hindi maging komportable sa kung
anuman ito na hindi kailanman nating kongkretong masasapo hindi tulad
ng Sein ng lahat-lahat na nananatiling naririyan, nasa ating presensiya
at kayang mahuli at maintindihan kaagad.

Ang Ereignis ay nagbibigay posibilidad sa Sein at ang pagpapahayag

nito sa kasaysayan . Ngunit nananatili itong hindi masasabi. Hindi ito
nakikita bilang isang batayan na basta naririyan tulad ng logos o isang
uring ratio. Isa itong pagbubukas at munting pagsusulyap na nakikita ni
Heidegger lagpas sa Sein na kumikilos upang sa wakas ay basta
hayaang dumoon ang Sein sa kalawakan at panahon. Para kay
Heidegger, itong nananatiling hindi masabi ay hindi simpleng presensiya
na nahayag bilang batayan ngunit mas tamang sabihin na isang akto ng
pagpapahayag, isang aktibong kilos ng pagbibigay presensiya .
Lumalabas na ang nagbibigay katalagahan at katuturan sa pagkakaroon
ng posibilidad ng Sein ay isang anuman na walang ngalan ngunit
kumikilos sa paraang palaging nagbibigay at nagbabahagi . Bago ang
Sein, may pagbibigay daan sa Sein at ng posibilidad nito, na para kay
Heidegger na kailanman ay hindi na mahuhuli ng metapisika sa dahilan
na ginugugol lamang nito ang panahon sa simpleng pag-uunawa sa Sein
at Seiendes.

Inaasahan ni Heidegger na ang mahuli niya at kanyang masakyan ay

ang mismong tindi ng akto ng pagbibigay ng Ereignis sa kasaysayan at
panahon. Ang kasaysayan sa ganitong pananaw ay nagiging kilos ng
patuloy na paglalantad at pagkukubli . Ang kasaysayan ay hindi na
nagiging ang matatag na katalagahan ng Sein, bagkus ito na ay nakikita
bilang ang mismong akto ng pagpapahintulot na mapahayag ang
mismong Sein at katotohanan sa daigdig. Sa ganitong konteksto para
kay Heidegger, ang sinaunang kahulugan ng aleitheia sa Griego ay hindi
na isang proseso ng paghahanap sa mga matitibay na batayan na
maaaring tawaging ratio at mapagkakatiwalaang logos. Bagkus ito na
ang mismong proseso kung saan ang mismong Sein, kasaysayan at
katotohanan ay naibubukal at naipapahayag sa katalagahan. Ang Sein
bilang pagiging presensya na pinahihintulutan ng mismong masidhing
akto ng pagbibigay. Ang aleitheia bilang paglalantad ng nakukubli ang
siyang dapat na maging laman ng pag-iisip. Ang aleitheia ang mismong
pagbubukas kung saan ang pagiging-Sein ay ibinibigay .

Sa katapusan, tanging sa pamamagitan ng kilos na ang Dasein ay

pumapayag magpahayag ang Sein at mangibabaw ito sa atin sa isang
absolutong kilos ng pagpapahayag at pagpapaubaya o Gelassenheit lang
natin mararating ang kaisahan ng Sein at pag-iisip. Ang pag-iisip o
Denken ay ang pagbubukas sa pagpapakita ng Sein sa kanyang sarili.

Ang mismong kilos ng pagsuko at pagpapahayang lumantad ang

anuman na wala akong ginagawang pagpataw ng sarili maliban sa
basta paglalagay ng sarili sa kalagayan ng paghihitay ang punto ng pag-
iisip kay Heidegger. Ito ay isang kilos ng paghihiwalay sa pagpapahalaga
sa sarili o isang kilos ng Abgeschiedenheit upang magbigay daan tungo
sa kasarinlan ng pagpapahayag ng Sein . Ang paghahaya ng sarili at
masakop ito ng mismong pangyayari ng lahat-lahat ang tunay na
pagpapakatao. Sa pamamagitan ng mapagkumbabang paghihintay sa
kung anuman ang maaaring pangyayaring darating ay naaabot ng
Dasein ang tunay na kahulugan ng lahat. Doon lamang nagkakaroon ng
tunay na karapatang maging tagakupkop ng pag-iisip ang Dasein sa
daigdig. Ang paghahaya ng sarili at isang kilos ng pagtanggap sa daigdig
at sa pagpapahayag nito sa Dasein.

Paglilinaw ni John Caputo Ipinapakita ni Caputo na sa proyekto ni

Heidegger, tahasan ang pagkakaiba ng gawain ng pilosopiya at pag-
iisip. Mas sinauna ang kilos ng pag-iisip kaysa sa pagtatakda ng disiplina
ng pamimilosopiya at bahagi ng hamon sa pag-uunawa ng tao sa
katalagahang ito ay isang muling pagbabawi o Wiederholung sa
posibilidad na matuklasan muli ang mas malawak na katotohanan ng
pag-iisip . Ang pilosopiya para kay Heidegger ay ang pamamayani ng
makataong pangangatwiran. Posibleng umiral lamang ito sa entablado
ng isang tradisyonal na metapisika kung saan ang nagiging tanging
pakay lamang ng pag-uunawa ay makapagbigay ng rason o mga
argumento na kayang suportahan ng pag-uunawang antroposentriko.
Mukha yatang nagawa na ng pilosopiya ang sukdulan ng mga posibilidad
ng pangangatwiran. Naabot na ng pilosopiya ang kaganapan ng rason at
lohika at kaya anumang landas na ibinubukas ng pamimilosopiya ay
hindi pa rin maipagkakailang gumagalaw lamang ito sa abot-tanaw ng
pagbibigay ng tao ng posibleng rason sa lahat ng mga pangyayari sa
daigdig .

Hindi sapat ang mga pangyayaring ito para kay Heidegger sapagkat
para sa kanya ang pilosopiya ay isang nag-uumapaw na paghahangad
tungo sa paglapit ng pag-iisip sa mismong Sein o Seinsdenken . Wala ito
sa kakayahan ng pilosopiya kaya kailangang lampasan at iwanan ang
nibel ng pagbibigay ng mga makataong argumentasyon upang sa halip
na makarating sa isang kalagayan na ang kilos pilosopikal ay nagiging
isang gawain lamang ng Dasein, ito ay nagiging pagkilos na ng pag-iisip
na sinusukuban at pinaghaharian ng Sein mismo. Sa ganitong konteksto,
ang pag-iisip ay wala ng inalaman sa paradigma ng pangangatwiran,
kung hindi gumagalaw na sa larangan na hindi konseptwal o maka-
rasyonal na paninindigan. Para kay Caputo, tanging si Heidegger lamang
ang tumawag ng pansin sa ganitong makabagong paraan ng pagtingin
na ninanais itakda ang katapusan ng pilosopiya sapagkat ang mga
rebolusyonaryong pag-uunawa na inihain ng mga ibang kilalang pilosopo
ay pawang mga pagtanggilamang sa mga nakagawiang mga metodo at
pamamaraan ng pangangatwiran, upang sa katapusan ay makapagbigay
din ng kanilang alternatibong mga metodo na pilosopikal din ang
kalikasan . Sa wakas, ang mga ito ay nauuwi pa rin sa pilosopikong
rasyonal na pangangatwiran. Hindi na pilosopikal at metapisikal ang
hinahangad ni Heidegger ngunit isang uri ng pag-iisip na matatagpuan
lamang sa katapusan at kaganapan ng pilosopiya.

Para kay Caputo, upang maabot at makilala natin nang husto ang
proyekto ni Heidegger bilang pag-iisip na hindi na maaaring maunawaan
ng kilos ng pilosopiya, kailangang makita natin ang napakalapit na
pagkakatulad nito sa kilos ng mystisismo na malinaw na lumalampas na
sa mga hangganan ng metapisika . Dito mabilis na nililinaw ni Caputo na
hindi niya hangaring bansagan na isang mystiko si Heidegger sapagkat
malinaw na hindi relihiyoso ang layunin ni Heidegger. Ngunit bagaman
ganap ang pagkakaiba ng layunin ni Heidegger bilang pag-iisip at ang
layunin ng mystisismo bilang masasabi nating pakikiisa sa Diyos,
maraming pagbubukas at pagbibigay liwanag ang nagagawa ng usapin
ng mystisismo sa pagmumuni ni Heidegger. Idinaragdag pa ni Caputo na
isang baog na pangangatwiran ang naaabot ng pilosopiya kung hindi ito
bukas at sensitobo sa mga posibleng natutuklasan ng isang mystiko at
isang ganap na kalabuan din na walang malinaw na saysay ang
mystisismo na tumatanggi sa mga ambag na pagmumuni ng pilosopiya .
Para kay Caputo, hindi yata maipagkakaila na may elementong
magkahawig sa kilos ng paglampas ni Heidegger sa metapisika tungo sa
pag-iisip at sa kilos ng isang mystikong lumulundag tungo sa ganap na
pakikiisa sa Diyos. Pinaninindigan ni Caputo na hindi isang marahas na
pagpupumilit ang pagsasagawa ng pagkilala sa impluensiya ng
mystisismo sa buong itineraryo ni Heidegger. Partikular na rito ang mga
pagmumuni ng isang mystikong si Meister Eckhart na naging
kontrobersyal din sa kanyang panahon.

Munting Sulyap Sa Proyektong Mystikal Ni Eckhart

Malaki ang pagtitiwala ni Eckhart sa kakayahan ng tao na magkaroon
ng tunay na pakikiisa sa Diyos dahil na rin sa kanyang pananaw na ang
tao ay hindi maaaring maiuwi lamang sa kanyang mga antropolohikal na
paglalarawan o sa mga metapisikal na pagbibigay klasipikasyon. Sa
katunayan para kay Eckhart, kakaiba ang tao sa lahat ng nilalang
sapagkat sa kanya lamang matatagpuan ang mga posibilidad kung saan
maaaring manirahan at makiisa ang Diyos sa Kanyang nilalang. Ang tao
para kay Eckhart ay ang munting kastilyo na maaaring pagharian ng
Diyos . Ang tao rin ang batayan ng kaluluwa na nakikiisa sa mga
pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang ganap na katalagahan. Bago ang
lahat, malinaw na para kay Eckhart, ang esensya ng tao ay isang dalisay
na pakikiisa at relasyon sa mismong Sein na walang iba kung hindi ang
Diyos. Kaya ang tanging tahanang pahingahan na maaaring manahan
nang may lubos na katiwasayan sa tao ay ang kalooban na hindi hiwalay
sa Diyos, bagkus pinaghaharian Nito.

Ang pakikiisa lamang sa Diyos ang mahalaga kay Eckhart at wala ng iba.
Sa katunayan, isang ganap lamang na pagwawaldas ngpanahon at
kakayahan ang pagtuunan ng pansin ang mga panlabas kong gawain sa
daigdig . Ang kalooban ko ay dapat higit na mas pinagkakaabalahan ang
pakikiisa sa Diyos kaysa sa gawain na may kinalaman sa pagtugon ko
maging sa mga responsibilidad ko sa mga nilalang. Posible na dahil sa
pagiging sangkot at pakikiramay ko sa mga pangangailangan at
kabutihan ng mga nilalang sa daigdig ay ganap na makalimutan ko na
ang mas sinauna kong adhikain na wala ng ibang pakay kung hindi na
ang aking kalooban at kaluluwa ay sukuban ng kapangyarihan ng Diyos.
Mas mahalaga para kay Eckhart na ang kalagayan ko ay isang ganap na
pagkaputol ng aking kalooban sa daigdig at sa lahat ng nilalang upang
maibalik ko muli ang aking kaluluwa sa sinauna nitong tahanan na ang
Diyos mismo.

Idinaragdag ni Eckhart na sa kaluluwa ng tao nagaganap ang

kapanganakan ng Diyos Anak . Ang kaluluwa ko ay aking hinahanda
upang pangyarihan ng kaganapan ng isang natatanging relasyong
posible lamang na maganap sa tao. Ang kaluluwa ay para sa
pagpapahayag ng Diyos Anak na kaisa ng Diyos Ama. Walang hihigit
pang layunin ang tao kung hindi ang pag-aksayahan ng lahat ng aking
lakas at panahon itong relasyong ito. Kaya malinaw na hinihingi sa tao
na lampasan ang nakasanayang pagbibigay halaga sa mga interes at
damdamin para sa mga bagay na nilikha sa mundo. Kailangan akong
gumawa ng isang radikal na paghihiwalay at pagpuputol sa kaisahan ko
sa mga bagay sa daigdig upang magbigay daan sa isang kalagayan na
ang kalooban ko ay ligtas na sa pakikiisa sa mga nilalang nang sa gayon
ay lubos na mapagkumbabang tumatanggap na lamang ng
pagpapahayag ng Diyos ng kanyang sarili ayon sa Kanyang nais .

Para kay Eckhart itong kalagayan ng ganap na pagkaputol

at paghihiwalay ng kalooban ko sa daigdig (Abgeschiedenheit) ay mas
mataas sa lahat ng pagpapahalaga . Sa katunayan para sa kanya ang
Diyos mismo ay ganap ang pagkahiwalay sa lahat-lahat . Hindi
Siya kahit anumang partikular na pag-iral sapagkat Siya mismo ang
purong kaganapan sa pag-iral. Ganap ang pagiging hiwalay ng Diyos sa
kahit anumang bagay at kaya Siya ay isang walang anuman: isang wala
o Das Nichts. Ganap ang kanyang kawalan sa anuman. Dahil dito
walang anuman sa daigdig ang maaaring makatitinag o makakaapekto
sa Kanyang pagiging ganap sa Sarili .

Sa wakas ipinapakita ni Eckhart na sa ganitong kalagayan ang naiiwang

landas na maaaring patunguhan ng kaluluwa upang makiisa sa Diyos ay
ang landas din ng Abgeschiedenheit kung saan ako ay agad bukas sa
pagpapahayag ng Diyos. Walang bagay na nakakabagabag sa akin sa
relasyong ito. Wala akong dalang anuman sa pakikiisa ko sa Diyos. Ang
tanging naiiwan sa akin ay ang kilos ng paghahanda sa aking kaluluwa
sa Kanyang pagdating. Nagiging ganap at tunay na ang aking karukhaan
at kawalan ng kapangyarihan upang hayaang manaig ang kabanalan ng
Diyos . Isang natatanging kilos ng pagpapahaya o Gelassenheit ang
naiiwan sa aming kaisahan. Hayaang maging Diyos ang Diyos at hindi
Siya maiuwi sa kahit anumang konsepto o imahen na kaya kong mabuo
ukol sa Kanya. Ang pagpupuri sa Diyos ay isang mapagkumbabang
paghahaya nating ipahayag Niya ang Kanyang sarili sa tanging paraan
Niya lamang .

Mga Konsepto Ni Eckhart Sa Itineraryo Ni Heidegger

Hindi maipagkakaila na nagkaroon ng matinding interes si Heidegger sa

mystisismong medioebal simula pa noong nag-aaral pa lamang siya sa
Freiburg at partikular sa kanyang pinahalagahan ay galing sa mga
pagmumuni ni Eckhart. Ninanais ni Caputo na bagaman ibang-iba ang
layunin ng mystiko at ng pilosopo ay huwag sana agad salubungin ng
skeptisismo ang naturang paglalahad ng paglalapit nila sa isa't-isa. Sa
katunayan, si Caputo na rin ang nagsabi sa simulang-simula na ang
nailahad lamang ni Heidegger sa kanyang konsepto ng Ereignis ay isang
malagim at hindi matukoy na kalagayan na ibang-iba sa nararating ni
Eckhart sa kanyang pagnanais na palayain tayo sa makataong pagbubuo
at pag-uunawa ng Diyos na higit sa atin upang masilayan ang ganap na
liwanag at kadakilaan ng Diyos.Pinaninindigan lamang ni Caputo na sa
paglalahad ng analohiya ng pag-iisip ni Heidegger at Eckhart ay
maaaring mas maging malinaw ang pag-uunawa natin sa mga
pagmumuni ni Heidegger. Mayroong limang ideya na hayag ang
pagkakatulad na ninanais mailahad ni Caputo.

Una, may pagtutugmang nagaganap sa pag-uunawa ng dalawa sa tao.

Para kay Caputo, malinaw na ang nagbibigay halaga sa tao para kina
Eckhart at Heidegger ay ang kanilang relasyon sa mga katalagahan na
higit pa sa mga antropolohikal na interpretasyon ng tao . Ang Dasein
para kay Heidegger ay isang relasyon sa Sein. Tangi lamang sa Dasein
nauunawaan ang pagpapahayag ng Sein at dahil dito hinahayaan at
hinahanda ng Dasein ang kanyang sarili na maranasan ang pagpapakita
ng Sein . Sa katunayan, sa simula't-simula pa ay malinaw na nagiging
posible lamang ang lahat ng pangyayaring nagaganap sa Dasein dahil
na rin sa Sein. Sinauna rin para kay Eckhart ang relasyon ng tao sa
Diyos. Ang tao ay nakikibahagi sa kabanalan ng Diyos. Tangi lamang sa
tao makikita ang maaaring pangyarihan ng pagpapahayag ng Diyos. Ito
ay magaganap sa sandaling inihahanda ko ang aking kaluluwa at
lalooban bilang lugar na maaaring matuluyan ng Diyos upang matirahan.
Hinahayaan kong manaig sa relasyon na ito ang Diyos na higit at lampas
sa anumang bagay. Kaya ang Dasein bilang ang adhikain ay pag-iisip, ay
patuloy na bukas sa akto ng pagpapahayag ng pangyayari ng Sein
samantalang ang kaluluwa rin ay buong pagbubukas sa kaganapan ng
pagpapakita ng Diyos .

Pangalawa, dahil matindi ang relasyong nagaganap sa gitna ng Dasein

at Sein, at ng kaluluwa at Diyos, nagkakaroon ng pagkalapit sa
istruktura ang pangyayari ng katotohanan na nagaganap sa Dasein at
ang pangyayari ng katotohanan na nagaganap sa kaluluwa . Pawang
nararanasan ng mystiko at pilosopo ang karukhaan ng tao
sa pagpapaganap ng pangyayari ng pagsilang ng Diyos Anak at ng
Ereignis. Nagkakasundo ang dalawa sa pag-uunawa na ang tanging
makataong gawaing posible sa ganitong relasyon kung saan sangkot
ang tao sa katotohanang higit sa kanila ay ang paghahanda at
paghihintay sa maaaring maganap. Hawak ng Sein ang relasyong ito at
inihahatid lamang ng Sein ang Dasein sa kanyang sarili. Samantala ang
pangyayari rin ng pagsilang ng Diyos Anak ay buong kalayaang
pinapaganap ng Diyos Ama sa kaluluwa. Sapagkat wala sa poder ng tao
ang pagpapaganap ng anuman, nagiging malinaw na ang pangyayari ng
Sein ay hindi isang pagtupad sa mga makataong pangangailangan ng
Dasein. Walang iniaalok ang Sein bilang tugon sa mga pagmamangha
ng Dasein sa katalagahan. Ang kilos ng Ereignis bilang pagbibigay
posibilidad sa lahat ng pangyayari kasama ang Sein mismo ay
kailangang tanawin bilang isang simpleng pagbibigay o pagbibiyaya sa
tao sa kanyang pag-iisip. Ganap rin ang pagbibiyayang ginagawa ng
Diyos Ama sa kaluluwa. Ang Diyos Anak ay hindi isang pangyayaring
naganap dahilan sa matinding pagtawag at pagtatangis ng kaluluwa
para sa isang espiritwal na direksyon at pagbubuo. Sa katunayan,
sinasabi ni Eckhart na ganap ang pagkaputol ng Diyos Ama sa daigdig
na walang kahit anong pagkatinag na magaganap sa Diyos sa mga
panahon ng ating masidhing mga panawagan at panalangin.
Nananatiling walang pagbabago ang Diyos, mailalang man tayo o hindi .
Hindi tawag ng makataong pangangailangan ang pagsilang ng Diyos
Anak. Purong pagbibiyaya ito.

Pangatlo, sinasabi ni Caputo na ang pinakahayag na impluwensya ni

Eckhart kay Heidegger ay ang paggamit ni Heidegger ng isang
konseptong nanggagaling kay Eckhart, ang Gelassenheit . Sa puntong
ito pawang niyayanig tayo ng pilosopo at ng mystiko sa ating tigas ulong
paninindigan na ang tao ay ang nagbibigay kaganapan sa daigdig.
Ipinamumukha sa atin ni Heidegger at Eckhart na ang ating intelekto ay
kailangang sumuko at maging mapagkumbaba sa mas sinaunang
pangyayari na lampas sa ating kapangyarihan. Itinuturo nila tayo sa
pag-uunawa na sa wakas nakasalalay lang tayo sa pagbibigay at
pagpapahayag ng Sein para kay Heidegger at pagbibiyaya ng buhay at
katalagahan ng Diyos Ama para kay Eckhart. Pawa nilang nilalabanan
ang matinding pagbibigay halaga at absolutong pagtitiwala sa sariling
pag-uunawa at kakayahan. Sinauna sa pag-uunawa at pag- alam ay ang
mapagkumbabang pagdanas sa mga pangyayari sa katalagahan na
ipinapahayag ng Sein o ng Diyos Ama sa pamamagitan ng Diyos Anak.

Kaya ang Gelassenheit ay ang kilos ng paghahaya at pagpapaubaya

sa pangyayari ng Ereignis para kay Heidegger at ang pagsuko ng sarili
para sa mystikal na pakikipagkaisa ng tao sa Diyos para kay Eckhart .
May pakikisamang ginaganap ang Dasein sa Sein na hinahayaang huwag
panghimasukan ng tao sa pamamagitan ng kanyang sariling pag-
uunawa ang nagpapahayag. Bilang pakikiisa ko at pagtanggap na ako ay
nakasalalay lamang sa kilos ng Ereignis, hinahayaan kong mangyari ang
lahat at huwag subukang isiksik ang mga kaganapan sa mga handang
sumalo sa mga kategoriya ng aking pag-uunawa. Ang proyekto ng
Denken ay makararating sa kalagayan na ang lahat ng aking pagnanais
na umunawa at pagsasadya ng bigyan ang lahat ng makataong
kahulugan at saysay ay isinasantabi ko at kinakalimutan upang ganap ko
lamang itirik ang sarili ko sa karanasan ng katotohanan at Sein.

Sa kabilang dako, may pakikisama ring ginaganap ang kaluluwa ko sa

Diyos na isang pagsuko ng sarili ko at pagpapaubaya na manahan ang
Diyos sa aking kalooban upang Siyang maging bukal ng lakas at buhay
ko. Ang Gelassenheit kay Eckhart ay ang pagwawaksi ng kahit anong
pagnanais na manggaling sa akin ang bunga ng pagpapahalaga at pag-
ibig ko sa aking sarili at maging ng aking kapwa. Bagkus para kanya
dapat pagharian ako ng Diyos sa lahat ng bagay. Para kay Eckhart, wala
ng titindi pa sa ligaya na maranasan at masumpungan ang Diyos sa
Kanyang purong kabanalan . Nakasalalay lamang ako sa biyaya ng
Diyos.

Pang-apat, kabahagi ng Gelassenheit ay ang konsepto ng

Abgeschiedenheit na pawang may malapit din na pagkakaisa si
Heidegger at Eckhart . Ang Abgeschiedenheit ay isang paghihiwalay at
pagpuputol ng aking pagbibigay halaga at pagtutuon ng interes sa
usapin ng Seiendes para kay Heidegger at ng mga ibang nilalang para
kay Eckhart. Magiging ganap ang pagpapaubaya at paghahaya ko sa
mga pagpapahayag ng nakahihigit sa akin kung ako ay bibitiw sa
matinding pagkapit sa mga bagay-bagay sa katalagahan. Para kay
Heidegger, alang- alang sa pagdanas sa Ereignis bilang ang katotohanan
ng Sein, hinihiwalay ko ang sarili ko sa usapin ng ontolohikong
pagkakaiba lamang ng Sein at ng Seie ndes. Hindi ito ang aking dapat
pagkaabalahan sapagkat kinakailangan kong maghanda at maghintay sa
sinaunang kaganapan ng pangyayari ng katotohanan at Sein (Ereignis).

Radikal din ang ginagawang paghahanda at paghihintay ni Eckhart. Para

sa kanya, kinakailangang putulin at linisin ko ang aking kalooban ng
mga relasyong pangnilalang upang ibuhos ko ang lahat ng aking sarili sa
pakikiisa sa Diyos. Wala akong kinakapitang anuman upang tanging ang
pagnanais at gawain lamang ng Diyos ang naghahari sa akin.

At panglima, kapwa kinikilala ni Heidegger at Eckhart na umuugat ang

lahat ng batayang hindi na maaabot ng pag-uunawangpantao. Para kay
Heidegger ang Sein bilang batayan ay nananatiling misteryo at ang
makataong pag-uunawa rito ay hindi nagiging sapat kailanman. Sa
katunayan pinupukaw tayo sa kawalan (Das Nichts) sapagkat nahuhulog
tayo sa isang kawalang anuman na pagbabatayan.

Nawawalan na ako ng awtoridad dito sapagkat dumudoon ang Sein sa

isang Abgrund na hindi ko na makikilala . Ganoon din si Eckhart. Ang
Diyos kung saan nagbubukal ang katalagahan ng lahat ng bagay ay
isang walang pangalang ilang o disyerto. Sinauna sa kahit anong
kakayahang pantao na maaaring makaunawa, makaabot o makadama
ng katotohanan ng Diyos ay ang mismong kasarinlan ng Diyos sa
Kanyang sarili. Sa katunayan, sa pagkakataong nasasabi mo na kilala
mo na ang Diyos, ang talagang nakikita mo ay ang pagkilala mo lamang
sa Diyos na patuloy na nagtatago at nananatiling humaharap ka lamang
sa kawalan ng pag-uunawa. Hindi Diyos ng pag-uunawa o intelekto ang
ganap na Kaiba na hiwalay sa daigdig. Wala Siya sa anuman: isang Das
Nichts sa atin .

Sa paglalahad ng mistulang pagkakapareha sa istruktura ng pag-uunawa

ni Heidegger kay Eckhart, nagiging maliwanag ang buong proyekyo ni
Heidegger. Mahalaga ito sapagkat pinapakita lamang ni Heidegger na
ang landas tungo sa pag-iisip sa katotohanan ay maaaring
masumpungan labas sa usapin ng nakagawiang pamimilosopiya. Hindi
natakot si Heidegger na mangahas pumasok sa mga paksang
masasabing iba sa pagiging rasyonal gaya ng mystisismo. Ngunit
nakakakita si Heidegger ng liwanag sa mga ito bilang posibleng
pagtutuklas din sa katotohanang posibleng makapagpapalawak at
magpapabuo ng pag-uunawa sa lahat-lahat. Sa gitna ng pagiging
kontrobersyal na pigura ni Heidegger at ang mga makataling malalagim
na akusasyon sa kanya ng kasaysayan, hindi maipagkakaila na ginising
niya tayo sa kakitiran ng ating pag-uunawa sa katalagahan at
kayabangan ng ating pagtitiwala sa sariling kakayahan.

Ang Pangangailangan Ng Lundag (Satz)

Dumarating sa punto na kailangan nating kilalanin na humihingi ang

itineraryo ng pag-iisip ni Heidegger ng isang uring lundag mula sa
nakasanayang pamamaraan ng pag-uunawa at pamimilosopiya tungo sa
isang kalagayan na ang istruktura ay mukhang naipakikilala ang katulad
na landas ng mga mystiko at maging para kay Heidegger ng mga
poetiko . Upang makamit ang pag-iisip, hinahamontayong ilagay ang
ating mga sarili sa isang atitud na hindi na tayo ang tagabigay katwiran
at konseptwal na pagkilala sa lahat, bagkus nagsisilbi na lamang tayong
mga "lugar" na pinangyayarihan ng paglalantad at pagkukubli ng
kasaysayan at panahon. Ang katotohanan ng Sein at ang pagdanas nito
ang mahalaga at sinauna pa sa gawain ng intelekto na bigyan ng
espesyal na pagkupkop at pag-iintindi ang mga bagay lamang.

Naging masusi si Heidegger sa pagpuna na kaya nahulog na lamang ang

tao sa pag-iintindi sa mga bagay/ Seiendes na siyang naging daan tungo
sa pagbibigay diin na lamang ng tao sa teknolohiya at sa araw-araw na
pagsusumikap ng pag-iral ng tao sa daigdig ay sapagkat marahas na
ibinibigay ng tao mismo sa kanyang sarili ang kapangyarihan na
palaging maghain ng sapat na dahilan at katwiran ang tao sa lahat ng
pangyayari sa daigdig . Itong batas na ito ang nagbibigay saysay sa
pag-iral: na kailangang malapatan ng kaukulang dahilan ng tao ang
lahat ng bagay. Lahat ay naisapailalim na sa pag-iintindi at paghuhusga
ng tao.
Pinapakita ni Caputo na ang ganitong uri ng batas na matahimik na
gumapi sa pag-uunawa ng tao ay mariing pinuna ni Heidegger. Wala ng
iba pang pagpapahayag ng ideyang ito ang mas aakma pa upang ipakita
ang ganitong atitud ng tao kaysa sa sinabi ni Leibniz na "Walang
anuman na walang dahilan o batayan." . Ito ang para kay Heidegger
ang isang prinsipyo na sumasalamin sa mismong kinahahantungan ng
buong kanlurang pag-uunawa. Ganito ang naging paraan ng
pagpapahayag ng Sein sa kanlurang intelekto. Ngunit sinasabi ni
Heidegger na ang mismong prinsipyong ito ni Leibniz ay walang
maipapakitang konkreto at matibay na batayan (maliban sa ito ang
kapangyarihan na gustong ilapat ng tao sa katalagahan) sapagkat
maaari kong tanungin sa hindi mabibilang na paraan kung ano ang
batayan ng mismong batayan na siyang pinagbatayan ng prinsipyong
ito. Para kay Heidegger, naiipit na ang pag-uunawa ng tao sa ganitong
kalagayan na kailangang magluwal ang tao ng dahilan sa lahat. Naging
malabis na ang tao sa pag-aakalang siya na ang bukal ng lahat ng
dahilan sa daigdig. Hindi na niya nakita ang katalagahan ng kanyang
kawalang kaalaman. Wala na yatang pangyayari na matutuklasan niya
na napakatiting niya lamang para lapatan ng pag-uunawa ang lahat.

Sinasabi ni Caputo na labas ang pag-iisip ni Heidegger sa batayang

pinatitibay ng prinsipyo ni Leibniz. Ang dahilan ay sapagkat para kay
Heidegger, hindi ito ang mas sinaunang paniniwala na nararapat
panghawakan ng tao at kaya nararapat na tumingin sa ibang
katalagahan na maaaring magpamulat sa atin ng tamang direksyon. Sa
puntong ito ay mas inapirma ni Heidegger ang katalasan ng pag-iisip ng
mga mystiko na kung titingnan ay lumalabag na sa mismong lohika at
pangangatwiran ng prinsipyo ni Leibniz . Isang tahasang paglundag
tungo sa isang katalagahan na hindi na masasakop ng prinsipyo ng
pagbibigay dahilan ang itinapat ni Heidegger kay Leibniz. Nagawa niya
ito sa pamamagitan ng paggamit ng pahayag ni Eckhart na "ohne
warum" o "walang bakit" na isinatula ng isang mystikong poetiko na si
Angelus Silesius:

Walang bakit ang rosas; namumukadkad ito dahil sa

kanyang pamumukadkad
Wala itong pag-aabala sa sarili; ni pakialam kung ito ay
nasusumpungan .

May ilang paglilinaw ang nais bigyan diin ni Caputo upang maunawaan
na para kay Heidegger ang Denken ay makakamit lamang sa
pamamagitan ng isang lundag sa kalagayan na tumitigil na ang tao sa
pagtingin sa lahat ng bagay bilang mga obheto ng kanyang pag-
uunawa.

Binibigyan niya ng kalayaan ang lahat ng bagay maging ang kanyang

sarili na sinaunang tumirik sa daigdig sa kanilang sarili bilang mga bagay
na tumutubo sa kanilang sarili . Una, malinaw na maaaring humingi ng
karampatang rason at sagot sa "bakit" para sa rosas, ngunit kailanman
hindi mahihingi ng rosas ito para sa kanyang sarili. Bagaman kinikilala
na may batayan ang rosas, hindi nito inaalala, pinagkakaabalahan o
tinatanong man lamang ito . Kaiba ang tao sa rosas sapagkat hindi siya
mapakali at kailangan niya palaging mahanapan ng katwiran ang lahat
ng bagay at nagiging responsable siya sa hinihinging rason ng sarili at
ng kapwa niya.

Pangalawa, para kay Heidegger maaaring makita na hindi lang ang

rosas o kahit anumang bagay ang tumatayo sa kanilang sarili kung hindi
posible rin na ang tao ay lumabas sa isang makapangyarihan at
arbitraryong posisyon bilang tagapataw ng pag-uunawa at kumilos sa
atitud na gaya ng rosas na basta tumatayo rin at tumutubo sa paraang
ang mga batayan ng pag-iral ay hinahayaan niyang basta mangyari
.Lahat maging ang tao ay hindi nakailangang tumayo sa harap ng isang
suheto, bagkus umiral na lamang sa kanilang sarili.

At panghuli, ipinapakita at inaanyayahan tayo ni Heidegger sa mga

maaaring lundag na tatahakin natin labas sa pilosopiya upang marating
natin ang isang katalagahan na hindi kinikilala ang impluwensiya ng
prinsipyo ng pagbibigay dahilan at batayan, hindi dahil sa pagwawalang
bahala sa mga ito kung hindi gaya ng rosas na hinahayaan itong
manahan at tumayo sa sarili at hindi na isang bagay na dapat
panghawakan ng pag-uunawa. Sa mga pagmumuni na nailahad, hindi
mahirap makita na maging sa pag-iisip o Denken, ganito rin ang
hinihingi ng Sein: ang hayaan ito sa kanyang sarili. Maging ang Sein ay
walang "bakit" at kumakawala sa mga representasyonal na
pagpapahalaga ng intelekto.

Kinikilala ni Heidegger ang Sein bilang ang mismong batayan, ngunit

isang batayan na hindi maikukulong at maiuuwi sa intelekto. Bagkus
patuloy itong nagpapahayag ng sarili sa kasaysayan ng daigdig. Ang
Sein bilang Abgrund: ang hindi mahahawakan na batayan. Isa itong
kawalan ngunit hindi sa punto ng pagkukulang bagkus bilang Abgrund:
ang hindi masakop na batayan at hindi mabigyang ngalan na
pinagbubukalan ng katalagahan ng lahat. Matindi ang paghahayag ng
Sein at tanging sa pamamagitan ng paglundag ko mararanasan ang
kayamanan ng kanyang kawalan.

Pagkakaiba Pa Rin Ng Karanasan ng Pag-iisip At Mystisismo

Sa katapusan ay inilalahad ni Caputo na bagaman kumbinsido siya sa

natatanging pagkakaisa ng istruktura ng pag-uunawa at ng elementong
napapaloob sa pag-iisip nila Heidegger at Eckhart, isang akmang kilos pa
rin ang ginagawa niya na tahasang iniwasan ang patibong na
mapaniwala na iisa lamang ang kanilang ninanais maratnan. Oo nga at
ang mga elementong mystikal sa pag-iisip ni Heidegger ang mga naging
pangunahing laman ng kanyang obra maestra, ngunit hindi awtomatiko
ang pagyakap niya sa proyektong mystikal. Isang malinaw na
pagkakaiba ay para kay Heidegger, ang pag-iisip ay maaaring maganap
lamang sa mismong katalagahan ng panahon at wika . Ang karanasan
ng Sein ay isang karanasan sa kasaysayan at hindi labas dito sapagkat
ang buong pagpapahayag ng Ereignis ay makikilala lamang sa maaaring
maipahintulot nitong ilantad sa katalagahan ng ating pag-iral. Nilalayon
rin ni Heidegger na sa pag-isip, nakakawala tayo sa maninipis at teknikal
na wikang pinapairal ng pilosopiya at agham. Ninanais niya ang
pagpapayaman ng wika at ng mga kahulugan nito upang mas maging
sensitibo ang tao sa pagpapahayag ng Sein sa katalagahan. May
potensyal pa ang wika lampas sa kakitiran at kanipisan ng kanyang
pakakahulugan at ang pagpapayaman nito ay ang mismong kalagayan
ng pagkilala at pagdanas sa pagbubukal ng Sein sa daigdig. .

Ngunit sa landas ng mystisismo, malinaw na ang katalagahan ng

panahon at wika ay nilalampasan upang makarating ako sa pakikiisa sa
Diyos sa kalagayan ng kawagasan at katahimikan. Ang karanasan ko sa
Diyos sa ganitong konteksto ay isang pagkaputol sa mismong panahon
at kasaysayan upang mailagay ako sa isang kalagayang labas sa kahit
anong pagbabago upang masumpungan ang Diyos sa Kanyang purong
kabanalan. Nakikiisa ako sa Diyos sa isang wagas at espesyal na ngayon
na walang kinalaman sa isang kahapon at hinaharap. Dinadala ako ng
Diyos sa kawagasan kung saan nakikiisa ang lahat sa Kanyang
kabanalan. Hindi rin maipagkakaila na sa kawagasan, ang ganap na
pagpupuri sa Diyos ay pinakamalakas na ginaganap sa katahimikan. Ang
mga salita ay pawang mga makataong kasangkapan lamang na hindi
makakaabot sa paglalarawan ng ganap na katalagahan ng Diyos. Sa
katahimikan ko nakikilala ang ganap na paghahari ng Diyos sa aking
kalooban. Walang namamagitan sa aming dalawa sa katahimikan.

Isang Dagdag Na Mukhang Hindi Matatalikuran: Mystisismong Kristiyano

Bagaman malinaw na ang mystisismo ay lumalampas sa wika, panahon

at kasaysayan, hindi yata lubusang tama ang paninindigang ito kung
mystisimong Kristiyano ang pag-uusapan sapagkat malinaw na
nagkaroon ito ng dimensyong historiko… sa katalagahan ng hindi
matatalikuran at hindi malalampasang bigat ng Inkarnasyon ni Hesus.

Malinaw na laging nakaugat sa wika, panahon at kasaysayan (kahit na

nilalampasan ang mga ito) ang pinakamataas na karanasang mystiko:
ang banal na dugo at katawan ni Hesus sa porma ng alak at tinapay na
pinagsasaluhan ng sambayanan ng mga nananampalataya. Marahil sa
nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos Ama sa sangkatauhan, pinaganap
Niya ang mga posibilidad ng pakikiisa ng lahat sa Kanyang sarili sa
pamamagitan ng mga historikal at kongkretong paraan gaya ng mga
sakramento at ang Banal na Kasulatan. Sa ganitong daan tunay na
nagkakaroon ng kasaysayan ang kaligtasan tungo sa pakikiisa sa Diyos.
Gumagalaw ang kilos ng pag-ibig at kaligtasan sa panahon. Ito ang
paninindigang hindi maaaring talikuran.

Konklusyon

Hindi relihiyosong itineraryo ang itinatakda ni Heidegger sa pagkamit sa

pag-iisip. Ngunit isang proyektong siksik din sa kayamanan ng pag-
uunawa ang maaaring matutunan natin. Hindi madaling landas ang
kanyang itinuturo at ito ay nangangailangan ng paghahanda ng
kalooban. Pagtatalima sa pagpapahayag ng Sein sa daigdig at pagiging
tapat sa talagang nangyayari ang ninanais lamang ni Heidegger sa
kanyang proyekto ng pag-iisip.
Nananatiling bukas na tanong pa rin ang landas na ipinapakita sa
sangkatauhan ni Heidegger. Saan ba patungo ang panahon? Mayroon ba
talagang makapagsasabi? Hindi natin ito hawak at wala sa ating
kakayahan ang masagot ang mga ito. Isang natatanging halaga ang
inihain ni Heidegger sa kasaysayan ng pag-iisip. Ipinamumukha sa atin
na hindi tayo ang sukatan ng lahat; ni hindi ang ating pagtitiwala sa
kakayahan nating umunawa nasusukat ang daigdig. Higit sa atin at
lampas sa anumang pagnanais natin ang sukatan ng lahat.

Mapagkumbabang inaamin ito ni Heidegger at inaanyayahan tayong

kilalanin din ang mga pagpapahiwatig nito. Kahiya-hiya kung hindinatin
napapansin ito dahil abala pa rin tayo sa ating sarili.

TALASANGGUNIAN

Baldwin, Robert C. at McPeek, James A.S. An Introduction to Philosophy

Through Literature. New York: The Ronald Press Co., 1950.

Caputo, John D. The Mystical Element In Heidegger's Thought. New

York: Fordham University Press, 1986.

Heidegger and Aquinas. New York: Fordham University Press, 1982.

Ferriols, Roque. Pambungad sa Metapisika. Quezon City: Office of

Research and Publications, 1991.

Heidegger, Martin. Basic Writings. Pinamatnugutan ni David Farrel Krell.

New York:HarperCollins Publishers, 1977.

Being and Time. New York: Harper and Row, 1962.. Identity and
Difference. Isinalin ni Joan Stambaugh. New York: Harper and Row,
1969.

The End of Metaphysics. Isinalin ni Joan Stambaugh. New York: Harper

and Row, 1973.

The Question Concerning Technology and Other Essays. Isinalin ni

William Lovitt. New York: Harper and Row, 1977.

Kockelmans, Joseph J. On the Truth of Being. Bloomington: Indiana

University Press, 1984.

Merton, Thomas. Thoughts in Solitude. New York: Image Books, 1968.

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 08 September 2003
Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

Salaysay, Buhay at Sarili

ni Glenda Callanta Oris

Ateneo de Manila University

Nakagawian na nating banggitin na ang buhay ay isang kuwento. Bilang

isang kuwento, ang buhay ng tao ay nagsisimula sa kapanganakan at
nagtatapos naman sa kamatayan, ngunit, para sa pilosopong si Paul
Ricoeur, hindi dapat maging awtomatiko ang pag-uugnay ng kuwento at
buhay. Ayon sa kanya, kailangang ibitin muna ang paghuhusga na ang
buhay nga ay isang salaysay o kuwento at masusing siyasatin muna ang
mga salik ng dalawang gawaing ito. Sa kanyang sanaysay na
pinamagatang "Life: A Story in Search of a Narrator," binanggit niya na
dahil sa mga kaalamang nakalap nitong mga nakaraang dekada, tila
naging dayuhan ang salaysay at pananalaysay sa daloy at agos ng
buhay mismo. Sa madaling salita, ang mga kaalamang ito ang
nagpapaniwala sa atin na ang kuwento ay isinasalaysay at hindi
isinasabuhay samantalang ang buhay naman ay isinasabuhay, hindi
isinasalaysay. Sa nabanggit na sanaysay, naniniwala si Ricoeur na higit
na nagiging makatao ang buhay sa tulong ng mga bungang-isip na
katha (fiction), kaya't sinikap niyang suriin muli ang kaugnayan ng
buhay at salaysay.

Ilalahad ng papel na ito ang mga salik ng salaysay at buhay at kung

paano nauugnay ang gawain ng pamumuhay at pagsasalaysay mula sa
pananaw ni Ricoeur. Nakatuon ang papel na ito sa sanaysay na
nabanggit at sa dalawa pang akda ng tanyag na pilosopo. Magtatapos
ang papel na ito sa pamamagitan ng paglalagom ng mga ugnayang
natalakay at ilang mga pagmumuni-muni sa mga elemento ng salaysay
at buhay tungo sa higit na pag-uunawa sa at pagbubuo ng sarili.

I. Mga Salik ng Salaysay

Upang muling maitatag ang kaugnayan ng salaysay at buhay,

hinihiram ni Ricoeur ang konsepto ng komposisyon ni Aristoteles sa
kanyang Poetics at itinutuon ang pansin sa konsepto nito ng banghay
(plot). Ayon kay Ricoeur,

For my part, from Aristotle's Poetics I retain his central

concept of 'composition' [mise en intrigue], mythos in
Greek, which means both 'fable' (in the sense of
imaginary story) and 'plot' (in the sense of well-
constructed history). This second aspect of Aristotle's
mythos I will take as guide; and from this concept of
'plot' I will draw all the elements that are able to help us
towards reformulation of the relation between life and
narrative.

Binibigyang-kahulugan ni Ricoeur ang banghay bilang isang sintesis

ng magkakaibang mga elemento. Una, ang banghay ay sintesis ng iba't
ibang mga pangyayari o tagpo na bumubuo ng isa at kumpletong
kasaysayan. Mula sa ganitong pananaw, may kakayahan ang banghay
na tipunin ang mga pangyayari upang makabuo ng isang maayos na
kuwento. Samakatwid, ang bawat pangyayari ay hindi lamang basta
nangyayari, bagkus, ang bawat pangyayari ay may iniaambag at
idinurugtong sa patuloy na pag-usad ng kuwento. Ang bawat pangyayari
ay sabay nagdaragdag sa simula at sa wakas ng kuwento. Sa lenteng
ito, makikita na ang isang salaysay ay hindi lamang simple at/o sunud-
sunod na pag-iisa-isa ng mga pangyayari kundi isang maayos na
paghahabi ng mga pangyayari na humahantong sa isang mauunawaang
kabuuan.

Ikalawa, ang banghay ay sintesis ng mga sangkap ng kuwento na

magkakatunggali: mga inaasahan at di-inaasahang pangyayari, mga
aktibo at pasibong tauhan sa kuwento, mga alitan at pagtutulungan ng
mga tauhan, mga aksidente at pinaghandaang mga tagpo, at mga
pamamaraang akma at di-akma sa inaasam na katapusan. Sa
pamamagitan ng pagbabanghay, natutuhog ang mga
magkakatunggaling sangkap na nabanggit sa isang kabuuang
mailalarawan bilang salu-salungat na pagkakatugma (discordant
concord) at/o pagkakatugmang salu-salungat (concordant discord). Sa
ganitong pananaw, masalimuot na gawain ang pagsunod sa takbo ng
isang kuwento. Ginagabayan ito ng mga inaasahang susunod na mga
tagpo o pangyayari at sabay pag-aayon ng mga ito sa patuloy ngunit
baha-bahagyang paglalahad ng kuwento hanggang makarating sa
katapusan.
Ikatlo, ang banghay ay isang sintesis ng dalawang uri ng panahon na
matatagpuan sa isang kuwento o salaysay. Ang unang panahon na
tinutukoy ay iyong nadarama sa hindi tiyak, palaging bukás at walang
pagkakatakdang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Ito ang
panahong umuusad sa bawat pagtatanong ng, "Ano na ang nangyari
pagkatapos? Kapagkaraka'y ano?" Ang ikalawang panahon ay iyong
nakikita bilang nakatakda at ipinapahayag sa pagbubuo, paghahantong
at pagtatapos ng mga pangyayari kung saan nakasalalay ang buong
balangkas ng kuwento. Sa ganitong pananaw, ang salaysay ay isang
gawain ng pagbibigay ng hugis o anyo (configuration) sa mga sunud-
sunod na pangyayari (succession). Ang salaysay ay kakikitaan ng
pagtatalaban ng panahong dumaraan, umuusad at lumilipas at
panahong nananatili at nananahan. Samakatwid, mailalarawan ang
salaysay bilang panahong nananatili sa gitna ng panahong lumilipas.

Sa pamamagitan ng sumusunod na mga pangungusap, nilalagom ni

Ricoeur ang takdang gawain ng banghay sa kuwento:

From this analysis of a story as a synthesis of the

dissimilar, then, we may retain three traits: the
mediation between multiple incidents and the singular
story accomplished in the plot; the primacy of concord
over discord; finally, the struggle between succession
and configuration.

Para kay Ricoeur, ang banghay ay hindi isang nakatalagang istruktura

ng kuwento kundi isang dinamikong proseso ng pagsasama-sama ng
iba't ibang mga elemento na natutupad lamang sa buhay ng
tumatanggap o nagbabasa ng kuwento. Ang puntong ito ay higit na
tatalakayin sa susunod na seksyon ng papel na ito.

Bukod sa konsepto ng banghay, tinatalakay rin ni Ricoeur ang likas

na katangian at kakayahan ng isang mahusay na kuwento na maghayag
o magpaunawa ng mga unibersal na aspeto ng buhay ng tao. Muli
niyang hinihiram ang konsepto ng phronesis ni Aristoteles. Ayon kay
Ricoeur, sa pamamagitan ng mga salaysay -- trahedya, epiko at
komedya -- mga anyong pampanitikan na kinilala ni Aristoteles,
nalilinang ang isang uri ng talino o kaalaman na matatawag na narrative
intelligence. Ang talinong ito ay higit na malapit sa tinatawag na
practical wisdom at moral judgment kaysa sa agham at teyoretikal na
paggamit ng rason. Sa paanong paraan ito nalilinang ?

Ayon kay Aristoteles, sa isang dako, ang etika ay tumatalakay sa

relasyon ng mga birtud at ang paghangad sa kaligayahan. Sa kabilang
dako, takdang-gawain ng tula (o anumang salaysay) ang maglahad sa
imahinasyon ng mambabasa ng iba't ibang mga sitwasyon at mga
kaakibat na kilos o tugon sa mga sitwasyong ito. Mula rito, natututunan
ng mga mambabasa na pag-ugnayin ang mga sitwasyon, kilos at birtud
at kung alin sa mga kombinasyon ng mga ito ang magdudulot ng
kaligayahan o kalungkutan. Ang ganitong kaalamang nakukuha sa
gawain ng pagtula (o pagsasalaysay) ay bahagi ng mga unibersal na
inihahayag ng panitikan na tinalakay ni Aristoteles. Bagaman ang
kaalaman o talinong ito ay higit na mababa kaysa sa lohikal o teoretikal
na talino (theoretical intelligence), talino pa rin itong maituturing.
Tinatawag itong phronetic intelligence na hindi iba sa kahulugan ng
prudentia (salin ng phronesis sa Latin).

Ayon kay Ricoeur, ang iba pang mga talinong nalilinang ng panitikan,
lalo na iyong nagmumula sa maka-agham na pagsusuri ng mga salaysay
(science of the narrative o narratology) ay sekundaryo at sumususo
lamang sa pangunahing talino (narrative intelligence/phronetic
intelligence) na umuusbong sa malikhaing imahinasyon ng mambabasa.

Bago tuluyang harapin ni Ricoeur ang tanong tungkol sa kaugnayan

ng salaysay at buhay, binibigyang-linaw rin niya ang tradisyon o
kasaysayan ng gawain ng paglikha o pagsasalaysay. Para sa kanya, ang
bawat salaysay ay sabay tunay na bago at orihinal na produkto at hindi
bago o orihinal batay sa mga tuntunin at modelong sinusundan nito.
Ang tradisyon o gawain ng paglikha ay bunga ng pagtatalaban ng
dalawang puwersa: pagbabago (innovation) at pagtitining
(sedimentation). Bagaman ang bawat likha ay tila pag-uulit lamang sa
mga nauna, ito pa rin ay isang pag-igpaw sa mga lumang likha at
limitasyon, at kung baga, nagsasalaysay pa rin ng bagong karanasan.
Dahil dito, nananatiling buháy ang tradisyon ng pagsasalaysay.

II. Pamumuhay sa Salaysay

Sa pamamagitan ng kanyang mga inilahad tungkol sa gawain ng

banghay at pagbabanghay, sa talinong hinuhubog ng salaysay at sa
tradisyong kinauugatan at bumubuhay sa pagsasalaysay, sisikapin ni
Ricoeur na muling pag-ugnayin ang salaysay at buhay.

Ayon sa kanya, ang proseso ng paglikha at pagbibigay-anyo sa mga

pangyayaring nagaganap sa salaysay ay hindi nabubuo at natutupad sa
loob lamang ng teksto o akda kundi nabubuo at natutupad sa
imahinasyon, karanasan at buhay ng mambabasa. Dahil dito, ang akto
ng pagbibigay-anyo ng mambabasa sa salaysay ang nagbibigay rin ng
kakayahan sa kanya upang muling bigyang hugis at anyo ang kanyang
buhay batay sa salaysay. Ang kahulugan at halaga ng isang kuwento ay
nabubuo sa pagsasalikop ng mundo ng teksto at mundo ng mambabasa
na nagaganap sa bawat akto ng pagbabasa. Dahil dito, ang gawain ng
pagbabasa ang kritikal na sandali kung saan nakabatay ang pagsisiyasat
tungkol sa kaugnayan ng salaysay at buhay. Sa sandali ng pagbabasa
nagkakabisa ang kakayahan ng teksto na baguhin ang karanasan ng
mambabasa.
Para kay Ricoeur, mahalagang idiin na may "mundo" ang teksto at
mayroon din namang "mundo" ang mambabasa. May mga implikasyon
ito. May mundo ang teksto dahil ang bawat akda ay may kakayahang
magbukás o maghayag ng malawak na abot-tanaw ng mga maaari o
posibleng karanasan kung saan maaaring manahan ang mambabasa.
Ang akda ay hindi buo sa kanyang pagkakakulong sa sariling istruktura.
Ang bawat akda ay pagtudlâ ng isang bagong uniberso na kakaiba sa
unibersong ginagalawan ng mambabasa. Sa pamamagitan ng
pagbabasa, nabubuksan at lumalantad ang abot-tanaw ng akda na
binubuo ng mga kilos, tauhan at pangyayari ng kuwentong
isinasalaysay. Sa pagbabasa, naiaangkop ng mambabasa ang mundo o
abot-tanaw ng akda sa kanyang sariling mundo o abot-tanaw.
Samakatwid, ang mambabasa ay sabay nananahan sa mundo ng teksto
sa isang malikhaing paraan na tinutupad ng gawain ng imahinasyon, at
nananahan din sa kanyang konkretong mundo. Ayon kay Gadamer
(isang pilosopong hiniraman din ng mga ideya ni Ricoeur), kinakailangan
ang patuloy na pagsasanib ng mga abot-tanaw (fusion of horizons)
upang maunawaan ang anumang akda. Subalit, ang pagsasanib na ito
ay hindi kailanman sinasadya ng mga mambabasa sa pamamaraan ng
matematikal na pagtitimbang o maka-agham na paghahalo o
pagkokombinasyon ng abot-tanaw.

Sa pagtalakay ni Ricoeur sa pagsasanib ng mga abot-tanaw, kumikiling

siya sa pananaw na hermenyutikal. Ayon sa kanya, ang mga pagsusuri o
kritisismong pampanitikan (literary criticism) na nakabatay sa pagsusuri
ng teksto (text analysis) ay naninindigan sa pagpapanatili ng pagkakaiba
at pagkakahiwalay ng "loob" at "labas" ng teksto. Dahil dito, iniiwasan
ng kritiko na lumabas sa hangganan ng teksto. Ngunit, ayon pa rin kay
Ricoeur, hindi ganito ang karanasan ng mambabasa. Ang katotohanang
inilalahad ng akda ay hindi nakapaloob sa balarila, istruktura o
talatinigan ng akda. Ito ang kritisismo ni Ricoeur laban sa mga
linggwistiko na iniuuwi ang halaga at kahulugan ng panitikan sa mga
yunit na masusuri sa loob ng teksto: mga ponema, lexema at salita, at
mga kategoryang naghihiwalay sa loob at labas ng teksto.

Mula sa pananaw-hermenyutikal, ang akda ay namamagitan sa tao at

mundo, sa tao at kapwa-tao, at sa tao at kanyang mismong sarili. Ang
pamamagitan na nagaganap sa tao at sa mundo ay tinatawag na
reference. Ang nagaganap naman sa magkakapwa-tao ay tinatawag na
communication, at iyong sa pagitan ng tao at kanyang sarili ay self-
understanding. Ang anumang akdang pampanitikan ay tumutupad sa
tatlong gawaing nabanggit. Kaya nga't ayon kay Ricoeur, ang gawain ng
hermenyutika ay lumalampas sa hangganan ng gawain ng linggwistika.
Tinatalakay ng hermenyutika ang mahigpit na pagkakakabit ng panloob
na kaayusan o kaanyuan ng akda at ang panlabas na pagsasaayos at
muling pagbibigay-anyo sa buhay.

Kung babalikan ang unang seksyon ng papel na ito kung saan tinalakay
ang iba't ibang salik sa proseso ng paglikha at pagsasalaysay, ang lahat
ng ito ay paghahanda lamang sa pag-unawa sa tunay na tanong o
problema, ayon kay Ricoeur. Ang tanong na ito ay hinggil sa dinamismo
ng pagsasaayos at pagbabagong-anyo (transfiguration) ng akda. Paano
ito nagaganap ?

Ayon kay Ricoeur, ang pagbabanghay ay magkatuwang na gawain ng

akda at ng mambabasa. Kailangang "sundan at sabayan" ng
mambabasa ang akda, gawing ganap ang kakayahan nitong masundan
upang magkaroon ng anyo at kabuluhan ang akda na naaakma sa mga
limitasyon nito. Upang masundan ang isang kuwento, kailangang
isabuhay muli ang pagsasaayos at pagbibigay-anyong nagluwal sa
taglay nitong anyo sa kasalukuyan. Ngunit higit pa rito ang nangyayari
sa akto ng pagbabasa. Dapat alalahanin na ang akto ng pagbabasa ang
sumasabay at bumubuhay sa pagtatalaban ng pagbabago at pagtitining
ng akda. Ang pagbabasa rin ang nagbibigay-bisa sa akda na umigpaw o
lumampas sa mga limitasyon nito bilang akda at magkaroon ng bagong
anyo o porma.

Sa pamamagitan din ng pagbabasa nagiging ganap o kumpleto ang

akda o salaysay na siyang magsisilbing gabay naman sa mga susunod
na pagbabasa. Matapos ang pagbabasa, taglay pa rin ng akda ang
kawalang-katiyakan (sa mga susunod na tagpo), nakakubling yaman ng
mga kahulugan at ang kakayahan nitong mabigyang-kahulugan sa iba't
ibang paraan sa loob ng laging bago at iba't ibang kontekstong
historikal, kung saan nakaugat ang mambabasa.

Batay sa ganitong pag-unawa sa nangyayaring pagpapakahulugan at

pagbibigay-anyo sa akda, masasabing mahigpit ang kaugnayan ng
salaysay sa buhay dahil ang mismong pagbabasa ay paraan ng
pamumuhay sa kathang-isip na mundo ng akda. Masasabing hindi
lamang isinasalaysay ang kuwento, isinasabuhay rin ito sa imahinasyon
ng mambabasa.

III. Pagsasalaysay sa Buhay

Paano naman sasagutin ang paninindigan na ang buhay ay
isinasabuhay ngunit hindi isinasalaysay ? Ayon kay Ricoeur, kailangang
suriin ang kahulugan na ipinapataw natin sa buhay. Para sa kanya, ang
buhay ng tao ay laging potensyal na salaysay. Mananatiling isang
biyolohikal lamang na penomenon ang buhay hangga't hindi ito
binibigyan ng interpretasyon. Sa pananaw na ito, salaysay ang
nagbibigay-daan sa pagbibigay ng interpretasyon sa buhay. Upang
linawin ang pagkakatulad ng buhay at salaysay at ang pangangailangan
ng buhay na magkaroon ng anyong pasalaysay, tinatalakay ni Ricoeur
ang tatlong puntong nag-uugnay sa dalawa.

Una, ang buhay ay tulad ng salaysay sapagkat nauunawaan ng tao

ang kanyang mga aksyon at pagnanasa at pangyayari sa kanyang buhay
at nakakabuo siya ng maayos na kahulugan mula sa mga konsepto at
pahayag na taglay ng wika. Mula sa karanasan ng makataong pagkilos
at pagpapakasakit nauunawaan ng tao ang pagkakaiba ng "aksyon" sa
"kilos," ang kahulugan ng "proyekto," "mithiin," at "pagkakataon." Dahil
dito, nauunawaan niya ang iba't ibang mga tagpo sa kanyang buhay at
bumubuo siya ng mga hakbangin tungo sa patuloy na pamumuhay.
Ayon kay Ricoeur,

All such notions taken together make up the network of

what could be called the semantics of action. Now, in
this network, we rediscover all the components of the
story which above appeared under the heading
'synthesis of the heterogeneous.' In this regard our
familiarity with the conceptual network of human action
is of the same order as the acquaintance we have with
the plots of the stories we know; the same phronetic
intelligence guides the concepts of action (and of
passion) and that of the story.

Ikalawa, ang kilos sa buhay ng tao ay laging ipinapahayag sa

pamamagitan ng mga simbolo na may sari-sariling gamit at kahulugan.
Bago pa man mabigyan ng interpretasyon ang mga tanda at simbolo,
ang mga simbolo at tanda na ang nagbibigay ng interpretasyon sa kilos.
Dahil dito ang bawat kilos ng tao ay isang teksto na may mga simbolong
nagbibigay-saysay sa kilos at nagbubukás sa posibilidad ng iba pang
mga interpretasyon.
Ikatlo, ang buhay at mga karanasan ay laging potensiyal na salaysay
(pre-narrative quality of human experience). Hindi sapat ang pagsusuri
at pagpapakahulugan sa mga simbolong ginagamit sa karanasan. Sa
pag-unawa sa buhay, kinakailangang kilalanin din ang istrukturang-
temporal ng mga karanasan. Ayon kay Ricoeur, ang buhay ay gawain ng
pagsasalaysay at paghahangad na magkaroon ng kuwento ang buhay.
Dahil dito, nakaugalian na natin ang pagsasabing "kuwento ng ating
buhay" o "mga kuwentong kinapapalooban natin" o "kuwentong
nangyayari sa atin."

Sa puntong ito, tila nagkakaroon ng kabalintunaan sa pagsusuri ni

Ricoeur. Ayon na rin sa kanya, tila paikot-ikot lamang ang pagsusuri.
Kung ang bawat kilos ay naipapahayag lamang dahil sa mga simbolong
may kahulugan na, ang bawat kilos ay masasabi rin na may kuwento na.
Subalit, bakit pa sinasabi ni Ricoeur na ang mga karanasan sa buhay o
buhay mismo ay "potensyal" lamang na kuwento o salaysay ?

Upang sagutin ito, ginagamit niyang halimbawa ang isang pasyente na

sumasailalim sa sikoanalisis at ang isang pinaghihinalaang may-sala na
sumasailalim sa imbestigasyon. Sa unang halimbawa, may pag-amin na
may mga pira-pirasong kuwento na ang pasyente bago pa man dumaan
sa pagsusuri. Maaring bahagi ng mga kuwentong ito ang mga hindi
nabibigkas at ibinabaon o kinakalimutang mga kuwento sa kanyang
buhay. Ang gawain ng sikoanalista sa sitwasyong ito ay tulungan ang
pasyente na makapaghabi ng kuwento ng kanyang buhay na may sapat
na kaayusan -- isang kuwentong kaya niyang panagutan at kuwentong
bubuo sa kanyang sariling pagkakakilanlan. Ayon kay Ricoeur, batay sa
halimbawang ito, patuloy na potensyal na naratibo lamang ang buhay at
patuloy na isinusulat natin ang kuwento ng ating buhay dahil nais nating
bigyang-linaw kung sino talaga tayo. Nililinaw natin ang mga pangyayari
at tagpo sa ating buhay at gumagawa ng mga kuwento na nais natin at
maari nating panagutan.

Sa ikalawang halimbawa, ang gawain ng tagapaglitis o huwes ay

gabayan ang nasasakdal na ayusin ang kumplikadong mga tagpo kung
saan nagkabuhul-buhol ang buhay ng nasasakdal. Ayon kay Ricoeur,
bago maisalaysay ng nasasakdal ang isang maayos na kuwento, tila siya
nakabaon sa samu't saring mga kuwento. Ngunit ang mga kuwentong
ito ang magsisilbing lona kung saan niya ipipinta ang maayos na
kuwento ng kanyang buhay na hindi lamang kakikitaan ng mga
pangyayaring nangyari lamang bigla o dumating sa kanyang buhay
kundi pati na ang mga pangyayaring siya ang pangunahing aktor.

Sa pamamagitan ng dalawang halimbawang ito, sinasabi ni Ricoeur na

bagaman may mga kuwento nang nangyayari sa ating buhay, ninanasa
pa rin ng tao na magkaroon ng higit na maayos na kuwento na maari
niyang panindigan, at ang maayos na kuwentong ito ay pagpapatuloy,
pagsusubaybay at pag-unawa lamang sa mga kuwentong naganap na o
nagaganap na hindi pa naisasalaysay.

Samakatwid, para kay Ricoeur, ang buhay ay hindi lamang isinasabuhay.

Ang buhay ng isang tao ay isang patuloy rin na pagsasalaysay o
pagbubuo ng mga kuwento tungo sa higit na pag-unawa sa sarili.

IV. Mga Salik ng Buhay

Batay sa mga naunang talakayan, malinaw na ang gawain ng
pagsasalaysay ay mahalaga sa pagbubuo at pag-uunawa sa sarili. Kung
tunay nga na sa isang dako, ang anumang salaysay o kuwento ay
magkakaroon lamang ng kaganapan sa buhay ng mambabasa, at sa
kabilang dako, mauunawaan lamang ang buhay ng tao sa pamamagitan
ng mga kuwentong isinasalaysay natin tungkol dito, masasabing ang
buhay na sinuri, kung hihiramin ang kasabihang nagmula kay Sokrates,
ay buhay na isinalaysay.

Anu-ano nga ba ang katangian ng buhay na isinasalaysay ? Ayon kay

Ricoeur, ito ang buhay kung saan matatagpuan ang iba't ibang salik ng
salaysay na natalakay na sa unahan. Ito ang pagtatalaban ng
magkakasalungat at magkakatugmang mga pangyayari sa buhay. Ito rin
ay nangangahulugang pamumuhay sa at pag-uugnay ng tatlong aspeto
ng panahon: alaala -- ang ngayon na nakalipas (kahapon), pangarap at
inaasahan -- ngayong darating pa lamang (bukas) at kamulatan --
ngayong narito. Ang buhay na ito ay patuloy na isinusulat at
isinasalaysay sa isang maayos na naratibo upang patuloy na mabigyang-
anyo o hugis ang suheto na walang iba kundi ang sarili.

V. Pag-unawa sa Sarili
Sa lente ng naganap na talakayan lilinawin ni Ricoeur ang proseso ng
pagbuo ng suheto -- ng sariling pagkakakilanlan batay sa mga salaysay
ng buhay. Ayon kay Ricoeur, posibleng ilapat ang konsepto ng
pagbabago at pagtitining sa tradisyon ng paglikha sa buhay mismo.
Mula sa mga kuwentong nagpasalin-salin na mula sa ating mga ninuno
patungo sa iba't ibang mga panahon, nagkakaroon tayo ng pagkilala sa
ating mga pinagmulan na makatutulong sa pag-unawa sa kung sino tayo
ngayon. Kasabay nito, ang pagbabago rin sa mga panahong ating
ginagalawan ang nagbubukas sa posibilidad ng iba't ibang pagtingin at
pag-unawa sa sarili at kulturang ipinamana ng mga naunang
henerasyon. Sa ganitong pananaw, sinasabi ni Ricoeur na kung ilalapat
ang mga salik ng salaysay sa buhay, mapapansin na nagiging
tagapagsalaysay lamang tayo ng ating sariling kuwento ngunit hindi tayo
ang may-akda. Ito ang pagkakaiba ng salaysay ng panitikan at ng
salaysay ng ating buhay o ang pagkakaiba ng tunay na buhay at
kathang-isip. Sa panitikan, ang tagapagsalaysay ang siya ring may-akda
at may "hawak" sa kuwento. Kung sa ganitong paraan uunawain ang
sitwasyon ng buhay at salaysay, maaring tanggapin ang panimulang
paninindigan na ang salaysay ay hindi binubuhay at ang buhay ay hindi
isinasalaysay. Ngunit, lumalabo ang pagkakahiwalay at pagkakaibang ito
dahil sa patuloy na paglinang natin sa ating kakayahan na bigyang-
kahulugan (batay sa kultura at tradisyon) ang mga kuwentong
nagaganap sa ating buhay at bigyan ng karampatang katangian ang
mga ito bilang mga kuwentong nilikha, binigyang-anyo natin at handa
nating panagutan, na hindi iba sa gawain ng pagbubuo ng suheto. Kaya
nga't ang suheto ay hindi isang "nariyan na" sa simula't simula pa
lamang. Ang suheto, ang sarili ay binubuo mula sa mga simbolo ng
partikular na kultura na nakapaloob sa mga kuwentong-bayan ngunit
patuloy pa ring hinuhubog ng mga kuwentong nililikha ng umuusad na
buhay at tradisyon. Sa madaling-salita, palaging naroon ang
pagpupunyagi na maging may-akda ng ating mga kuwentong-buhay at
mahawakan nang lubusan ang sarili.

VI. Sa huli : Salaysay, Buhay at Sarili

Ang buhay ay patuloy na pagsasalin ng ating sarili sa pamamagitan
ng mga kuwentong ating binubuo at isinasalaysay. Nililikha natin ang
mga mito ng ating buhay, tinatagni-tagni ang mga tagpo, mukha at
lunan na waring nakasabog sa ating alaala. Tinatahi natin ang mga
karanasan upang makalikha ng mantel kung saan maaaninagan natin
ang ating buhay at sarili.

Ang buhay mismo ang nagtatakda ng mga elemento ng salaysay --

ang mga tiyak at binigay bilang mga nariyan na ay nariyan na nga at
hindi mababago. Sa salaysay ng buhay, maraming mga tao ang
nagmimistulang may-akda kung kaya masasabing buhay mismo ang
nagbibigay-buhay sa salaysay. Sa kabilang dako, ang salaysay na
hinahabi ng bawat isa sa atin tungkol sa ating kani-kaniyang buhay ang
nagsisilbing tanglaw at gabay rin sa ating buhay. Sa lenteng ito,
masasabing ang mga kuwentong nahabi na (tulad ng mga panimula at
unang kabanata ng isang nobela) ang nagbibigay ng kwadro o
balangkas kung paano natin bubuhayin ang ating buhay at
ipagpapatuloy ang gawain ng pagsasalaysay.

Anu-ano ba ang mga salaysay ng ating buhay at bakit natin

binabalikan ang mga ito ? Ang kuwento ng ating kabataan, paglaki,
pagbibinata at pagdadalaga ay paulit-ulit nating binabalik-balikan upang
kahimanawari ay mabigyang-pag-asa tayo na kung anuman ang pilit
nating nilalampasan ngayon ay malalampasan din natin tulad ng mga
unang hakbang, unang galos, unang alitan, unang kasawian sa pag-ibig
at unang pagkawalay sa mga magulang. Sa mga panahon ng kawalan
ng loob, ang ating mga tinipong mito ang muling magsasalaysay ng
nalimutang katatagan at katapangang ipinamalas natin sa mga unang
pahina ng aklat ng ating kasaysayan.

Tulad ng paulit-ulit nating pagbabasa ng mga naninilaw na liham ng

kasintahan na maaaring ngayo'y limot na, o mga liham ng pag-aarugang
ipinahiwatig sa kasibulan ng isang pagkakaibigan, o muling paghagikgik
o pagluha sa mga litratong masining man o hindi, binubuklat natin ang
mga salaysay nating nauna upang umusad ang buhay. Bukod pa rito,
ang mga pangarap natin na pinipinta sa lona ng ating guniguni, ang
mga ninanasa nating katapusan sa nobela ng ating buhay (o kaya'y mga
susunod na tagpo o mga lilitaw na tauhan o karakter sa dula ng buhay)
ang nagsisilbing inspirasyon sa patuloy nating pagbubuo at paghawak sa
sarili. Ang mga pangarap na nagpapausad sa ating buhay ay hindi
lamang mga lumilipad na larawan at tagpo. Ang mga ito'y nasa anyo rin
ng salaysay.

Kaya't batay sa talakayang hiniram ng may-akda kay Ricoeur at sa

sariling pagmumuni-muni, masasabi na sa pagbubuo ng sarili,
isinasalaysay natin ang ating buhay at binubuhay rin naman tayo ng
ating mga salaysay.

Talasanggunian

Ricoeur, Paul. A Ricoeur Reader: Reflection and Imagination.

Pinatnugutan ni Mario J. Valdés. New York: Harvester Wheatsheaf,
1991.
________. Fallible Man. Isinalin ni Charles A. Kelbley at Pambungad ni
Walter J. Lowe. New York: Fordham University Press, 1986.
________. Freedom and Nature: The Voluntary and The Involuntary.
Isinalin at Pambungad ni Erazim V. Kohák. Evanston, Illinois:
Northwestern University Press, 1966.
________. Freud and Philosophy. Isinalin ni Denis Savage. New Haven:
Yale University Press, 1970.
________. From Text to Action: Essays in Hermeneutics II. Isinalin ni
Kathleen Blamey and John B. Thompson. Evanston, Illinois: New York
University Press, 1991.
________. The Conflict of Interpretations: Essays in Hermeneutics.
Pinamatnugot ni Don Ihde. Evanston, Illinois: Northwestern University
Press, 1974.
________. The Rule of the Metaphor (Multi-disciplinary studies of the
creation of meaning in language). Isinalin nina Robert Czerney, Kathleen
McLaughlin at John Costello, S.J. Toronto: University of Toronto Press,
1977.
________. The Symbolism of Evil. Isinalin ni Emerson Buchanan.
Boston: Beacon Press, 1969.
________. Time and Narrative. Vol. 1 Isinalin nina Kathleen McLaughlin
at David Pellauer. Chicago: The University of Chicago Press, 1984.
________. Time and Narrative. Vol.2 Isinalin nina Kathleen McLaughlin
at David Pellauer. Chicago: The University of Chicago Press, 1985.
Gadamer, Hans-Georg. Truth and Method. Isinalin nina Joel
Weinsheimer at Donald G. Marshall. New York: The Continuum
Publishing Company, 1994.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 08 September 2003
Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

Ekonomiya sa Larangan ng Espiritu

Isang Pagmumunimuni mula sa
Balangkas ng Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa
ni Gabriel Marcel Symposium ng mga Guro ng Pilosopiya sa Mindanao
2nd Ateneo Philosophy Convention
St. Paul Seminar House, Bonbon, Cagayan de Oro City
October 25-27, 1995

Maaring napakadayuhan ang aking pamagat na pinili upang pag-usapan

ang pamimilosopiya ni Gabriel Marcel. Isang pagtaliwas yata sa agos ng
kanyang pag-iisip ang pagsingit ng katagang "ekonomiya" -- sapagkat
halos lahat ng kanyang pinag-uusapan ay ukol sa karanasang relihiyoso,
pag-asa, pasensiya, pag-ibig at Diyos na may matinding pagkiling sa
oryentasyon ng tunay at nararapat sa meron (etrê). Lantaran naman
niyang tinutuligsa ang aba, ako! (avoir) na may kulay ng
pagkamakasarili at pag-aari.
Ngunit hayaan ninyong buksan ko ang posibilidad na pumasok ang
pamimilosopiya ni Marcel sa "ekonomiya" hindi sa larangan ng materyal,
kundi sa larangan ng espiritu. Una kong nakatagpo itong mga kataga sa
librong isinalin ni Padre Roque J. Ferriols, S.J. mula sa Homo Viator,
habang malalimang sinasalin sa wikang Filipino ang Pranses na teksto ni
Marcel.
Bago ko pasukin ang mismong paksa, nais ko munang magbigay ng
kaunting pambungad upang mailagay natin sa tamang konteksto ang
ating pagmumunimuni. Tinatalakay ni Marcel ang espiritu ng tao sa
kanyang pinakabuod na kahulugan -- at ngayon pa lamang kailangan na
nating pagbawalan ang ating sarili na maglagda ng isang tumpak at
malinaw na kahulugan (idea clara et distincta) sa "espiritung" ito. Mas
sasabihin kong isang pagtatangkang kahangalan ang pagsikapang
linawin at isuksok sa isang makitid na konsepto ang mahiwagang
nangyayari sa tao. Itong espiritu ay mahihiwatigan na may kilos na
laging sumasaibayo, laging may kakayahang lumampas sa mga
partikular na bagay na akala noong una ay mga balakid sa
pagsasaibayo. Tinatawag niya itong kilos ng espiritu bilang nisus: " . . .
isang hindi masusupil na galaw ng loob na ang gawi at hilig ay lampasan
ang lahat ng mga partikular na bagay na, noong una, parang siyang
kinakapitan."2 Lalo niyang pinatindi ang pagkadalisay nitong di-masupil
na galaw ng kalooban bilang likas na kilos pag-asa, ng pagtubo, ng hindi
matapos-tapos na pagsasaibayo ng tao. Kaya masasabing isang
pagbaling sa liwanag ang nisus, isang pagharap at pagtanggap sa tunay
na kakayahan at posibilidad ng tao bilang tao.

Itong ubos lakas na pagbaling (nisus) ay nangyayari kapag ang espiritu

ng tao ay nasa kalagayan ng kadiliman, isang kalagayang parang
nabibilanggo ang kalooban. Nararanasan ang sitwasyong ito na parang
binunot sa katutubong ikinabubuhay o tumpak na sabihing ". . . isang
pagka-hindi-maaring-dumating sa isang kasaganahan ng mismong
buhay . . . ."3 Sa katunayan, ang sitwasyon ng kadiliman ay siyang
mismong katangi-tanging pagkakataon upang magpasakop ang tao sa
pag-asa, pagkakataon upang bumaling sa mahiwagang kakayahang
sumaibayo ng mismong buhay ng tao, (mag-ekonomiya, `ika nga) sa
gitna ng kadiliman. Sa pagpapasakop niya sa pag-asa, sa pagbaling niya
sa misteryong bumabalot sa pagmemeron ng tao -- may naaninagan
siyang katutubong kakayahang ng tao na pinanatilling makahulugan at
mahalaga ang kanyang buhay, ang kanyang kalooban sa gitna ng
kadiliman: ang ekonomiya sa larangan ng espiritu.

Gumagalaw ang ekonomiyang tinutukoy ko dito sa malay-tao ng tao.

Ang oryentasyon mismo ng pagmamalay ang may kinalaman rin, o
sasabihin kong matindi ang talab at dating sa "pag-eekonomiyang"
gagawin ng espiritu. Hilig ni Marcel na umayon lagi sa dapat at katutubo
sa tao, sa tawag ng nararapat at makatao -- etrê. At itong oryentasyon
ang kanyang kikilingan sa "pag-eekonomiya". Kaya, habang ang
kalagayan ng espiritu ay nasa sitwasyon ng pagkabihag, ng kadiliman,
ng pagkabilanggo, nanatiling buhay ang espiritu sa katutubong galaw
nito. Ngunit kailangan rin ng pagmumulat na ganito ang katutubong
kilos ng espiritu -- kailangang maging bahagi mismo ng pagmamalay ng
tao, ng kanyang oryentasyon ang nisus. At habang may mga
pagkakataong tinutukso ang loob na bumitiw, umurong at sumuko sa
kalagayan ng pagkabihag, kadiliman, pagkabilanggo, dito ang mas
tumpak na lugar upang patubuin ang binhi ng pag-asa: isang mulat,
pinasya at sadyang pagpapatubo ng sarili sa gitna ng kadiliman sa halip
na maging "baog", huminto, nakabara -- o hihiramin ko ang katagang
pang-ekonomiya sa pinakaluwang na kahulugan nito, "nilugi at dinaya
ko ang aking sarili".

Maaring unti-unting nakikita na natin ang pag-eekonomiya natin sa ating

sarili sa pinakamababaw na antas. Sa pag-eekonomiya, gumagamit tayo
ng kapital, ng puhunan. Itinataya natin ang ating puhunan sa
pagnenegosyo -- ngunit mulat tayong ang negosyo ay laging
kumpetisyon. Lalago at tutubo ang aking puhunan kung marunong
akong magtimbang ng mga pagkakataon, o baka purong tsamba lamang
ang negosyo, o baka nakasalalay ang kikitain ng aking pinuhunan sa
"isang di-nakikitang kamay ng ekonomiya". Tatlo ang kahihinatnan,
malulugi ako, kikita ako, o kaya tabla lamang - walang kinita, walang
nalugi. Ganito yata ang ginagawa ng mga ekonomista: tinitimbang ang
mga antas ng pangangailangan (demand) ng tao, ang antas na kayang
tugunan itong pangangailangan (supply). Pagkatapos ilagay sa isang
kurba ng x,y upang makita ang ugnayan nito sa presyo, sa buwis.
Hahantong sa mga probabilidad kung tiyak bang lalago ang puhunan o
malulugi lamang ang negosyo.

Kauungkat ko lamang ang nangyayari sa ekonomiya, ngunit ang

nakasangkot sa sinasabi ko sa itaas ay pera, halagang kuwarta,
halagang materyal. Sa pagpapalitan ng mga halagang materyal, nasa
malay tao ang intensyon na kumita at gamitin ang lahat upang manalo
sa paligsahang ito. At makikita nating iba ang nangyayari kapag
halagang hindi kuwarta ang nakasangkot; kaya ibang klaseng "negosyo"
rin ang nangyayari na hindi katulad ng pagnenegosyo sa tindahan.
Ngunit minsan, itong oryentasyon na ang halagang materyal lamang ang
tunay at kaisaisang kumikilos at gumagalaw sa malay-tao ang
namamayani. Naging isang batayan ng pagtingin at pagsalo sa lahat ng
pakikitungo ng tao sa daigdig -- at maaring maging isang kulturang
popular, isang "kabihasnang" lumalaganap at unti-unting kinakain ang
tao. Tulad lamang ng paglalaganap ng condom at ng AIDS, ng mga
nagpapabili ng katawan at ang mga sabik bumili. Nagmistulang laruang
materyal ang tao, isang "bagay" na ipinabibili at binibili.

Ganyan ang hilig ng mundo ngayon -- lahat isasalin sa halagang

materyal, lahat pipiliting iuwi sa halaga ng pera. Ganyan raw ang mga
taong sawa na sa mga mas mahahalagang bagay na kadalasan hindi
masusukat, humahantong sa mga bagay na tinitingnan lamang ang
halagang materyal, ang masusukat.

Kung sasabihin mo sa kanila na nakakita ka ng bagong kaibigan, hindi

ka nila tatanungin kung malamig ba ang boses niya, anong gusto niyang
laro, nangungulekta ba siya ng paru-paro. Sa halip, kailangan nilang
malaman: ilang taon na siya, ilan kapatid meron siya, ano ang bigat
niya, magkano ang kinikita ng kanyang tatay? At kapag nalaman nilang
ang mga numerong sinukat na iyan, sigurado na silang nakuha na nila
ang pinakamahalaga na dapat malaman sa iyong bagong kaibigan.4

Tumatakas ang malay-tao, maaring sinadya o hindi sinadya, tungo sa

daigdig na ang larangang materyal ang mahalaga, at nawawala o mas
tumpak na sabihing pinapahina ang kakayahang makita ang lampas pa
sa materyal, sa katawan: pagka-persona ng tao. Maaring ganito ang
mangyayari sa ekonomiya sa larangan ng espiritu, ngunit isang
pagwawalang bahala sa espiritu sapagkat pinipilit ang pagmamalay na
tumingin lamang sa halagang materyal. Nagnenegosyo ang bawat isa,
ngunit ang sa malay-tao (mulat man tayo o hindi mulat) ang
nangyayaring dahilan ay kung kikita ako, kung tutubo ako -- at lalabas
na kasangkapang materyal ang kapuwa sa aking pagnenegosyo.
Maaring humantong sa isang paggamit sa "pakikipagkapuwa" ngunit
walang paggalang sa kapuwa, sapagkat ang pagsalo sa kapuwa ay
kasangkapan lamang, hindi bilang kaibigan, persona, "ikaw".

Iba yata ang nangyayari kapag ang nakasangkot ay halagang nasa

larangan ng espiritu. Kung sa malay-tao, ang pagsalo sa kapuwa ay
hindi kasangkapan ko kundi kasama ko sa pagtubo, umiiba ng buong
karanasan. Maaring ang mga detalye ay may pagkakahawig sa
negosyong materyal na sinabi ko sa itaas, ngunit iba pa rin ang kabuoan
dahil may ibang nangyayari sa pagmamalay ng taong tinatanggap niya
ang kapuwa bilang kapuwa -- pagmamalay na siyang nagbibigay kulay
sa karanasan, at patuloy na tumatalab at nagpapatalab sa karanasan.
Kaya, kapag mulat ang malay-tao na ang kanyang pakikipagkapuwa tao
ay hindi basta bastang negosyo tulad ng pagpapalitan ng halagang
materyal o kuwarta. Ang nakasangkot ay pagbabahagi ng sarili, ng
"kayamanan" ng kalooban. Masasabi nating ang isang taong ibinabahagi
niya ang kanyang sarili sa atin: "nagmamagandang loob siya." O sa
isang taong tinubuan ng pag-ibig: "nahulog ang loob niya kay kuwan." O
sa taong mulat siya sa kanyang pag-ibig sa isang tao, inaalagaan at
pinapatubo niya ito: "kusang loob niyang minanahal si kuwan". O sa
isang taong namulat siyang tinulungan siya ng isang kapuwa: "may
utang na loob ako sa aking matalik na kaibigan."

"Kalooban", isang sinauna at lumang kataga na kapag ginagamit natin,

pinapahiwatig ang nasa "loob" na ". . . na nakikita ng puso . . . na hindi
nakikita ng mata",5 nasa kaibuturan ng tao na laging nagpapaaninag at
nagpapakita sa kanyang kilos-katawan. Gaya ni Marcel, hindi uli natin
bigyan ng isang malinaw at tumpak na kahulugan itong salita sapagkat
ikinukulong lamang natin ang isang dambuhalang mahiwaga sa isang
supot ng konsepto. Ipinapalagay na nararanasan ito ng bawat isa - na
merong kalooban na lampas sa materyal na katawan. Sa karanasan
halimbawa na: "masama ang pakiramdam ko" at "masama ang loob ko
sa iyo." Ang una ay pagpapakitang materyal, ang pangalawa naman ay
nasa larangan ng halagang kalooban. Dito. . . ginagamit ang katagang
'halaga' sa isang kahulugan na espesyal pero kilala pa rin. Iba ang
halagang kuwarta at halagang kalooban ... hawig sa kaibhan ng utang
na kuwarta sa utang na loob. Iba, halimbawa, kapag sinabi: Pitong piso
ang halaga ng bolpen na ito. Kaysa kapag sinabi: Mahalaga ang bolpen
na ito sapagkat ito ang rekuwerdo sa akin ng aking kaibigan.6

Nakikita natin na ang halagang kalooban ay nasa larangan ng

pakikibuklod ng tao sa tao, sa larangan ng pakikipagkapuwa at
pakikipagkaibigan. Ito yata ang ibang klaseng "ekonomiya" na tinutukoy
ni Marcel, meron tayong itinataya -- ang ating kalooban -- at kapag
ating ibinibigay ng lubusan, hindi tayo nawawalan ng sarili kundi mas
"nagkakaroon" pa ng sarili, mas tumutubo pa bilang tao. Tingnan natin
ang katagang "pagtubo", iyan ay katagang materyal, halimbawa sa
tumutubo ang tanim, tumutubo ang interes, tumutubo ang kuko. Maging
alisto sana tayo na gumagamit tayo ng mga salitang madalas
naglalarawan sa kilos materyal, ngunit matalinhaga nating gagamitin
dito sa larangan ng espiritu. Kaya, kapag sinabi nating tumubo ang
isang tao - maaring hindi siya tumangkad, hindi lumapad ang kanyang
katawan, ngunit mulat ang taong ibang iba na siya kaysa noong una.
"Tumubo kami sa aming pakikipagkaibigan. Ano ang ginawa nilang
"pag-eekonomiya"?

Huminto muna tayo sandali sapagkat unti-unting lumiliwanag na ang

materyal na halaga ay talagang salungat sa halagang kalooban. Ito ang
pagkadelikado ng pakikipagkapuwa tao sapagkat tinatahak natin ang
landas na ga-buhok ang pagitan. Kailangang gumalaw at kumilos na ang
igting sa pagitan ng halagang materyal at halagang kalooban ay
napapanatili. Hilig minsan ng malay-tao na kumiling sa isang bahagi na
nakakaligtaang makita o maaninagan man lamang ang kabuoan. Lalo na
sa panahon ng kadiliman, pagkabihag, pagkawasak, unti-unting
nagbibigay hilig ang tao sa kung ano ang tawag ng laman, ng materyal
na halaga.

Maaring makita natin itong igting kapag sisimulan nating talakayin ang
purong instintong ingatan ang sarili.7 Lubhang may pagkaalanganin
kung tatawagin nating ekonomiya sa larangan ng espiritu kung isang
pag-iingat lamang ng aking kalusugan at ng aking katawan ang
nakasangkot. Kung ito ang nangyayari sa malay-tao, nangyayari rin ang
ibang klaseng pagsalo sa karanasan -- ang bawat kalagayang
nakasangkot, ito ay hamon sa akin upang pangalagaan ko ang aking
sarili. At sa buong pag-iingat ng sarili, unti-unting gumagawa ang malay
tao ng moog, mga pader, mga muralya upang ipagtanggol lagi ang
sarili. Nakikita lagi ang ibang nagmemeron bilang isang banta sa aking
katawan, sa aking kalusugan, sa aking sarili. Lumalabas ang kulay ng
pagkamakasarili at paligsahan na nagbabalatkayo bilang
"pakikipagkapuwa."

Isang uring pakikipagkapuwa ang ginagawa, pero hindi talaga tunay na

pakikipagkapuwa sapagkat ang taong nakikipagkapuwa ay alisto na ang
presensya ng kapuwa ay isang banta . . . kaya isang lubusang pag-iingat
lagi ng sarili sa bawat pakikitungo ang pinag-aabalahan. Isang taong
hindi talaga itinataya ang sarili ng lubusan at tahasa sapagkat naroon
ang pagka-hindi-maniwala, ang pagduda sa kapuwa - at siya lamang
ang umiingat ng kanyang sarili, wala nang iba. "Lumalaganap ang
diwang hindi kayang magbigay-tiwala -- hindi lamang sa kapuwa kundi
pati sa buhay mismo."8 May kahiligan rin itong atitud na ito na manuod9
(homo spectans) lamang sa nangyayari. Isang uring tao na ni katiting ay
hindi nakasangkot sa labanan, sa pakikipagkapuwa, sa karerang
kanyang pinapanuod, ngunit kung magsalita'y parang kasali o kakampi
ng ganito o ganoong panig habang ikinasasaya niya ang isang
pagmumulat na talagang ligtas siya sa anumang mangyayari. Tinatanaw
niya ang mga mga pangyayari mula sa sapat na kalayuan10 upang
lumabas na mahina ang talab sa kanya. Isang taong nakikipagkapuwa
ngunit walang pagtataya ng sarili, pinapanuod lamang niya ang proseso
ng pakikipagkapuwa.

Sapat lang na sabihing ang purong instintong pag-iingat ng sarili ay may

bahid ng aba, ako (avoir), isang oryentasyon na tahasan ang paghanga
sa sarili, na sa lahat ng pagkakataon ang sarili lamang ang importante.
Laging may kasangkap itong atitud na ang pagbaling sa kapuwa na
nadarama ay tinutukoy na kalaban o saksi.11 Ito rin yata ang nakikita sa
negosyong nagaganap sa pagtitinda. Laging ang mga taong kasangkot
sa ekonomiyang ito ay mulat na ang bawat kasali ay kalaban sa
kumpetisyon. At kung nasa antas na ako ang suwerte at ang iba ay
naiwanan ko sa larangan pagnenegosyo, nakikita ko sila bilang mga
saksi ng aking kahanga-hangang ginawa. Aba, ako yata ito!

Sa oryentasyong ito, itinuturing na ako lamang ang pinag-iikutan ng

lahat. Nais kong angkinin na ako ang nagmamay-ari sa kapuwa tao, at
nais ko ring angkinin nila na pag-aari ko sila. Pinapakita na ang kapuwa
ay isang uring kasangkapan, isang ari-arian tulad ng mga materyal na
pag-aari ng tao. "Gagamitin ko siya upang makuha ko ang gusto." Kahit
ang kapuwang nagpagamit ay minsan mulat dito, lalo na minsan sa mga
babaeng inaamin nilang "nagpagamit" siya ng kanyang sarili sa isang
lalaking bumibili ng aliw mula sa kanyang katawan.

Kaya't itong klaseng tao na ganito ang oryentasyon sa kanyang malay-

tao ay tinatawag ni Marcel na moi-je na sa hubad na pagsasalin ay
maaring lumabas na "sa akin ako" o "akong ako".12 Isang pampaaliw
lamang ang kapuwa tao sa "ako". Ang pamumuhay ng taong ito ay
isang uring palabas na kailangan may manunuod. Pinapanuod niya ang
kanyang sarili at hinahangaan. Nagpapakitang gilas siya sa iba upang
makabingwit ng paghanga. Ang bawat sinasabi at ginagawa ay laging
isang pagkakataon na humihingi ng palakpakan. "At kailangan [niyang]
marinig ang mga alingawngaw ng paghahanga upang huwag [niyang]
ang talbog ng kanyang kahungkagan."13

Kaya ang buhay ay isang mistulang paligsahan ng mga tao.

Nagpapataasan ng ihi, `ika nga. Kailangan ng isa ang bawat isa
sapagkat sila ay kasangkapan ko sa pagpapatingkad ng "ako!". Kung
wala sila, walang titingkad sa akin. Kasangkapan ko sila sa aking
pagtubo, isang pangangailangang hindi ko maiiwasan. Parang kutsara at
tinidor ang mga kapuwa, gagamitin ko, at kailangan ko upang maging
komportable ang aking buhay. Kung hindi ko sila gagamitin, baka ako pa
ang gagamitin nila. Isang kumpetisyon ng mga "ako" ang buong
pakikipagsapalaran ng tao sa mundong ito. Ang bawat kapuwa ay ribal
na hindi maaring pabayaang manalo kailan man sapagkat ang ribal ay
isang "butas sa labador" na kailangan laging takpan. Kung hahayaan
itong butas na ito, hihigupin lamang nito ang aking sarili hanggang
maging isang katulad ng mga nilalang na walang pangalan, walang
mukha.
Kaya sa isang taong nasa oryentasyon ng "pang-iingat ng sarili", may
pagkahungkag na nangyayari sa kanyang sarili sapagkat sumasablay sa
antas na materyal ang kanyang pakikipagkapuwa at tuluyan nang
nakabara. Unti-unting kumakapal ang mga moog at sementong pader
ng "aba, ako!" upang makipaligsahan sa ibang kalaban sa buhay.
Ang bawat isa ay nagsisikap, na -- sa galang na idinudulot sa kanya, at
sa mga napapakinabangan niya sa buhay -- ay huwag siyang madaig ng
sinomang kapuwa . . . . isa pang pagpipilit na masunod ang sariling
kahiligan kapag may kaharap na kapuwa tao.14
Kaya isang paglabag sa sariling dangal at pagtalikod sa sarili ang
paggawa ". . . ng anoman na walang bayad o gantimpala."15 Ang
nangyayari sa kanyang malay-tao ay isang nakakatuwang takot at
malabis na paghihinayang na baka siya mawalan ng sarili kung
makipagkapuwa siyang ibinibigay niya ang kanyang sarili. Samakatuwid
isang napakahigpit na pagka-alisto at pagiging gising lagi na baka may
sumantala sa kanyang simpleng kalooban.16

Ngayong tahasang sinasabi ni Marcel na ang "ang pag-iingat ng sarili"

ay hindi batayan ng tunay na ekonomiya sa larangan ng espiritu. Sa
anong oryentasyon naman dapat at kailangang kumiling? Inaamin niya
na naroon sa pagmamalay ng tao ang atitud pag-iingat ng sarili, isang
purong instintong ipagtanggol ang sarili sa panganib, sa pagkawasak, sa
sakit, sa pagtitiis. Ngunit kadalasan, itong atitud na ito ang nagiging
sagabal sa pagtubo ng diwa ng tao, ng kanyang kalooban. Kailangan
dapat patibayin ang isang oryentasyon naroon rin sa pagmamalay ng
tao - ang etre, ang tunay na meron.

Sa etre, hindi "pag-iingat ng sarili" ang inaatupag ng pagmamalay

kungdi ang "manatiling tapat sa pagka-sagrado ng sarili."17 Tinutukoy
dito ang pagsulpot ng ibang klaseng ekonomiya na sinabi ko kanina --
isang pagbabahaginan ng sarili na hindi nawawalan ang nagbabahagi.
Isang pagbabahaginan ng sarili na siya rin namang pagtanggap ng sarili
ng ibang namamahagi rin ng "kayamanan" ng kanilang kalooban. Sa
"pagbabahaginang" ito, dito naiisilang ang ekonomiya sa larangan ng
espiritu. Naiisilang ang isang "daigdig" sa loob ng daigdig -- daigdig ng
mga nagtatalabang persona, isang sanglibutan ng taong
nakikipagkapuwa. At itong daigdig na ito ay ang "isang kaayusan na
mapagbabahayan [ng tao] upang mapairal at mapanatili ang kahulugan
at halaga ng aking buhay."18
Kaya itong "pag-eekonomiya" ay laging isang pagsasaalang-alang ng
katutubong pagmemeron ng kalooban ng tao. Sapat ring sabihin na ang
"pag-iingat sa sarili" ay "isang pagtanggal-sa-katutubo na umiiral."19 Sa
pagiging manatiling tapat sa pagka-sagrado ng sarili, lumalabas ang
isang uring oryentasyon na sumasalungat at lumalampas (pag-ooo) sa
kalusugan at katawan. Ang pinag-iikutan ng pagmamalay ang nasa
larangan ng halagang kalooban. Samakatuwid, ang bawat pagpapasya
at pagpapakatao ay nagaganap sa papawirin at liwanag ng
pagpapahalaga sa "loob" ng tao, sa paggalang sa "loob" ng tao, sa
pagpapatubo ng "loob" ng kaibigan. Sa panahon ng kadiliman, ng
kalagayang tinanggal ang tao sa nakasanayang ikinabubuhay niya, iba
ang kanyang pag-uugali kaysa sa isang taong iniingatan lamang niya
ang kanyang sarili. Halimbawa, kung ang nanay ay nanatiling tapat sa
pagkasagrado ng sarili, kapag panahon ng gutom, nanaiisin pa niyang
ibigay sa kanyang musmos na anak ang isang pirasong tinapay.
Iniingatan ba niya ang kanyang sarili? O tapat lamang siya sa tawag ng
pakikipagkapuwa tao na naroon sa katapatan niya sa pagkasagrado ng
sarili? Hindi tinapay na materyal ang kanyang ibinigay sa kanyang anak,
ang kanyang sarili ang kanyang ibinahagi, "ipinagkaloob" bilang
katapatan sa kanyang anak at sa kanyang kalooban.

Hindi nakabara sa "pag-iingat ng sarili" ang taong nasa oryentasyon ng

etre. Isang kakayahan ng kalooban na "pinapaagos" ang likas na galaw
nito tungo sa nararapat. Huwag nating kaligtaan muli na ang
pagpapaagos na ito ay nagpapakita bilang hiwaga at hindi isang
problema.

May isang malalim na pagbabago sa katangian ng pakikibuklod ng tao

sa kanyang sarili -- na nagaganap sa pakikipagkaibigan at
pakikipagkapuwa niya. Masasabi natin, sa salitang makahegel, na ang
aking malalim pakikitungo at pakikibuklod sa aking sarili ay nagaganap
sa pamamagitan ng pakikipagkapuwa-tao. Ang aking pagpapahalaga sa
sarili ay dumadaan sa kung ano siya sa akin at kung ano ako para sa
kanya.20 Nakikita ni Marcel na mas nararanasan ng tao ang kanyang
tunay na kahulugan sa mismong pakikipagkapuwa: esse est co-esse.21

Kapag ibinabahagi ng tao ang kanyang sarili sa kapuwa, isang

pagbubukas ng kalooban sa kapuwa ang ginaganap. Ang kanyang
"kayamanang" tangan-tangan niya ang ibinahagi sa kapuwa:
pagmamalay, mga alaala, karanasan, mga kaibigan, mga pagtubong
naganap, mga biyayang natanggap at tinatanggap. Tahasa niyang
ibinibigay ang kanyang "loob", ang kanyang maliit na "daigdig" sa
kapuwa. At habang ibinabahgi niya ang kanyang maliit ngunit
mahiwagang "daigdig", pumapasok rin siya sa isang maliit at
mahiwagang "daigdig" ng kapuwa, na ibang iba sa kanya. Mapitagang
"umuurong" siya bilang paggalang, hindi isang pag-urong na tumakas
kungdi "pag-urong" bilang pagkamangha at paggalang sa ibang iba na
sarili, "loob" ng kapuwa.

Sa pagbabahaging ito, iniiwanan ng tao ang mabagsik na kumpetisyong

atitud sa kanyang pakikitungo sa kapuwa. Sa pagmamalay, hindi isang
kasangkapan o pag-aari ng ako ang kapuwa, ni isang tagapalakpak at
tagahanga, ni isang ribal o kalaban sa buhay. Isang pagsalo sa kapuwa
bilang kapuwa, bilang persona -- tinatanggap ko siya bilang siya, at
hindi "tinatanggap ko siya kung ...." Ang pamumuhay sa daigdig na ito
ay isang buhay ng pakikiisa at pakikipagkaibigan, hindi isang paligsahan
ng purong "matira ang matibay". May lugar at puwang upang
magtulungan, umibig at magbigay tiwala. May pagkakataon upang
tulungan ang bawat isa na tumubo sa pamamagitan ng
pakikipagkapuwa tao.
Isang uring pagbaling (conversio) sa pakikibahagi at pakikisangkot sa
buhay (homo particeps) na tinatalikuran ng ugaling manuod lamang sa
mga pangyayari. Hindi paghanga sa sarili at hindi rin pagtakwil sa sarili
ang itong pagbubukas ng kalooban, kundi isang katapatan sa katutubo
sa tao.

Ang pinagsisikapang gawin ay buksan ang aking sarili at tanggapin ang

iyong sarili. Kapag binigkas ko ang `ako', binibigkas ko ang pagpasok sa
aking sariling kalaliman at sabay pagtungo sa iyong kalaliman. Pag
binigkas ko ang `ikaw', binibigkas ko ang pagtanggap mo sabay ang
magalang na pag-urong sa hiwaga ng iyong sariling kalaliman. Ang
tunay na meron [etre] ay gumagalaw sa mayaman na larangan ng ako,
ikaw, kita, tayo.22
Kaya sa pagbabahaging ito ng aking "loob" sa iyo, ay may mahiwagang
nangyayaring ekonomiya ". . . ang bawat pagbigay ay pagtanggap din,
at ang bawat pagtanggap ay pagbigay din."23 Kapag binigyan kita ng
isang kuwan o tinulungan kita sa iyong ginagawa, hindi ito tunay na
pagbibigay at pagtulong kung hindi ko sabay maligayang tinatanggap
ang iyong ipinagkakaloob sa akin na pakikipagkaibigan. At kung
tinulungan mo ako o inihandugan ng isang kuwan, hindi tunay ang aking
pagtanggap kung hindi ko sabay na iniaalay sa iyo ang aking taos na
pagmamahal at pasasalamat.24

Kapag inibig ko ang isang linalang, hinihintay ko sa kanya ang isang

hindi ko malaman at hindi ko mahulaan kung ano. Sabay nito, sa isang
paraang `di ko rin malaman, idinudulot ko sa kanya ang kakayahang
tumugon sa aking paghihintay. Oo, kahit na parang kabalintunaan, ang
paghihintay ay isang uring pagbibigay. Ngunit ang kabaligtaran ay totoo
rin.25

Sa antas na ako'y nagbabahagi ng aking sarili, lumalabas dito ang isang

napakahalagang istilo ng tunay na paghihintay na siya rin namang
pagbibigay: pasensya. Ang taong nagpapasensya sa kapuwa ay
sinisigurado niyang hindi niya basta-bastahin at hindi rin niya
tatampalasanin ang kanyang kapuwa. Hindi niya inaagaw ang lugar ng
kapuwa katulad ng taong nasa aba, ako! (avoir) kundi ginagalang niya
ng kumpas at ritmo ng kapuwa o ". . . hindi niya tinatangka na ang
kumpas ng kanyang ritmo ay siyang marahas na aagaw sa lugar ng
ritmo ng kanyang kapuwa."26

Ang taong nagpapasensya sa kapuwa ay hindi nanunuod kungdi

nakikibahagi at nakikisangkot sa kanyang kapuwa sabay may paggalang
na ang kapuwa rin ay may kalayaan. Pinapaligiran niya ang kapuwa ng
isang papawirin na ginagawang posible o maaring lumago ang kanyang
pagkatao. Sa kuwento ni Mencius, may isang magsasaka nais pabilisin
ang pagtubo ng kanyang pananim na palay, hinatak niya ang mga
punla, kaya nangamatay tuloy. Alam nating tutubo ang palay ayon sa
kanyang pagkapalay, ayon sa ritmo ng palay at hindi ayon sa gusto
kong ritmo. Ang taong nagpapasensya ay tapat sa pagkasagrado ng
sarili ng kapuwa at sa kanyang sarili rin bilang nakikipagkapuwa.
Ginagalang, sinasabayan, sinasakyan, nakikibagay siya sa ritmo at
kumpas ng kanyang kapuwa at ng kanyang sarili.

Ang taong nakikibahagi ngunit hindi marunong maghintay, magpasensya

ay isang taong nagmamadali at walang paggalang sa kapuwa. Kung
wala na akong hinihintay sa isang tao, binabaan ko na siya ng
senstensyang "pagkabaog", wala nang mahihintay pa, wala nang
mararatnan diyan. Pinipilit ko sa kanya ang "alam kong ikabubuti mo."
Ganoon rin ang taong naghihintay, ngunit hindi marunong makibahagi,
makisangkot ay isang pagbitiw sa sarili ng kapuwa.27 "Naghihintay na
lang ako, bahala ka diyan, sarili mo iyan."
Ang nagpapasensya ay naniniwala na ang buod ng kanyang pananatiling
tapat sa kalooban ng kapuwa, sa pagkasagrado ng kanyang sarili, at sa
pagtiwala sa posibilidad ng pagtubo ng sarili sa pakikipagkapuwa tao ay
kabutihan. Nakikita niya na ang tunay na kilos ng espiritu ng tao ay ang
udyok lagi na tumubo, at ang gagawin ng isang kaibigan ay
magsubaybay, magbigay, maghintay. Kaya't ang pag-eekonomiya ay
pagpapasensiya ng kaibigan sa kanyang sarili sabay sa pagpapasensya
niya sa kumakaibigan.

Hindi ko alam kung matatawag ba itong ekonomiya sa istriktong

kahulugan. Sapagkat ang ekonomiya ay isinilang sa abot tanaw ng mga
materyal na pagpapalitan ng pangangailangan. Dito, isang
pagbabahaginan hindi ng pangangailangan o dala ng pangangailangan,
kundi ng meron. Ibinabahagi ng tao ang pagiging tao niya. Hindi niya
ipinagbibili ang kanyang sarili o ang sarili ng kapuwa. Kungdi
pinapalawak nila ang abot tanaw ng pakikipagkapuwa, pinapalaganap
nila ang sinag ng pagtubo ng tao tungo sa buong sangkatauhan. At sa
pagpapalaganap na ito, kailangan ang matinding pasensya.

Ayon nga kay Antoine de St.-Exupery sa kanyang librong Ang Munting

Prinsipe:

`Nakakaunawa lamang ang isang nilalang sa kanyang

kapuwang pinaamo niya. Wala nang panahon upang
umunawa ang mga tao. Bumibili na lang sila ng mga
bagay na yari na sa mga tindahan. Ngunit walang
tindahan kahitsaanman na maaring bumili ng
pakikipagkaibigan, ng katapatan, kaya walang mga
kaibigan ang mga tao. Kung nais mong magkaroon ng
kaibigan, paamuin mo ako,' sabi ng lobo.
`Anong gagawin ko para paamuin kita?' tanong ng
munting prinsipe.
`Kailangan mo ang matinding pasensya,' sabi ng
lobo.28

Sa kabuuan, kinikilala ni Marcel na ang manatiling tapat sa

pagkasagrado ng sarili ng tao ay mahirap. Ang bawat isa ay may atitud
at kahiligang pag-ingatan ang sarili. Kaya matalinhagang sinasabi ni
Marcel na ang bawat isa ay parang taong nakabalot ng kasuotang baluti,
makapal na kasuotang bumabalakid sa sarili tungo sa pakikipagkapuwa.
Aniya, parang isang nag-iisang kabibing nagkukulong sa loob ng
kanyang malutong na tahanan. Parang isang malaking syudad na
maraming distrito, maraming ginagawa, pero may mga sagabal na mga
makakapal at matataas na pader at muralya sa pakikipagkapuwa.29
Pero natutuklasan niya na ang mahahalagang sangkap at
pangangailangan ng kanyang mismong buhay at ikinabubuhay ay nasa
mga dumarating sa kanya mula sa mga kapatid na lungsod, sa
pamamagitan ng mga mahihiwagang maliliit na ilog na madalas ay hindi
mabuti at tuwid ang pagdaloy, at marahil ay ni hindi niya alam ang mga
pangalan o ang kung saan man itong mga lungsod na ito nakatirik o ano
ba ang kanilang kalagayan. 30 ". . . [M]eron pa yatang mga puwang,
mga bitak sa baluti na ating pag-aari . . . [na] . . . maaring mangyari na
. . . mapahinga pa ang diwa." 31 Itong mga bitak ang nagiging puwang
upang maging posible ang pakikipagkapuwa tao, makahinga ang diwa
ng tao mula sa "pagkukulong" niya sa sarili.

Karamihan sa atin ay laging nasa kalagayan ng pag-aari (avoir). Inaamin

ni Marcel na halos lahat ay naninirahan sa talukbong ang avoir. Hindi
niya sinasabi na hindi siya kasama sa "karamihan" na ito. At lalong hindi
rin tayo magpapanggap na hindi tayo kasali sa "karamihan" na ito.
Samakatuwid, bakit pa ba nating pinagkaabalahan ang
pagmumunimuning ito? Kahit na nakalugmok at nakasubsob siya sa
pag-aari (avoir), kaya ng bawat tao, ng bawat isa sa atin, kung
pagsikapan lamang niyang buksan ang kanyang kalooban ... kaya
niyang makita at maranasan, kahit na mula sa malayo ang kanyang
tunay na dinamismo tungo sa pakikipagkapuwa ....32

Marahil, mula sa mga pagmumunmuning ito, nais kong pangatawang

ibahagi sa inyo ang aking nakitang halaga sa pag-eekonomiya sa
larangan ng espiritu, sa mismong ginagawa natin ngayong taon muli
dito. Pagbabahaginan, pakikipagkapuwa, pakikipagkaibigan. At
aangkinin ko ang pangwakas ni Marcel na sinipi ko:

masasabi natin
na ang buod ng pag-asa ay
ang pagka-handang-makipagkapuwa
na umiiral sa kalooban ng tao
na tao na nakasangkot
sa isang karanasan ng pakikipagkapuwa kalooban
sa matinding antas
kaya't ginaganap niya
ang kilus na umiigpaw
sa mga pagtutol ng loob at ng pag-uunawa;
kaya't matibay niyang binibigkas
ang buhay na sariwa at walang wakas;
ang karanasang ito ay
sabay simula ng pagkakaloob
at unang bunga
ng buhay na ito.33

Endnotes:
1 Itong sulatin ay ibinahagi sa mga guro ng Pilosopiya sa Mindanao
noong ika-25-27 ng Oktubre, 1995 sa Cagayan de Oro City.
2 Gabriel Marcel, Balangkas ng Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-
asa, isinalin ni Roque J. Ferriols, SJ (Manila: Office of Research and
Publications, ADMU, 1985), p. 10.
3 Ibid., p. 8.
4 Antoine de Saint-Exupery, The Little Prince, isinalin ni Katherine
Woods (London: 1945), p. 20-21.
5 Ibid., p. 84.
6 Roque J. Ferriols, SJ, Pilosopiya ng Relihiyon (Manila: 1995), p. 55.
7 Marcel, Balangkas ng Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa, 27.
8 Ibid., p. 35-36.
9 Ibid., p. 19.
10 Ibid., p. 12.
11 Ibid., p. 10.
12 Ferriols, Pilosopiya ng Relihiyon, 46.
13 Ibid., p. 47.
14 Marcel, Balangkas ng Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa, 35.
15 Ibid.
16 Ibid.
17 Ibid., p. 28.
18 Ibid.
19 Ibid., p. 36.
20 Ibid., p. 28.
21 Kinuha ko ito sa pambngad na nilikha ni Roque J. Ferriols, SJ sa
teksto ni Marcel na ang ibig sabihin "pakikipagkapuwa meron ang tunay
na meron." Ferriols, Pilosopiya ng Relihiyon, 47.
22 Ferriols, Pilosopiya ng Relihiyon, 47.
23 Ibid.
24 Ibid.
25 Marcel, Balangkas ng Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa, 28.
26 Ibid., p. 18.
27 Ferriols, Pilosopiya ng Relihiyon, 51.
28 Saint-Exupery, The Little Prince, 81.
29 Ferriols, Pilosopiya ng Relihiyon, 60.
30 Leovino Ma. Garcia, Readings on Philosophy of Religion (Manila:
1987), p. 26.
31 Marcel, Balangkas ng Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa, 41
32 Ferriols, Pilosopiya ng Relihiyon, 60.
33 Marcel, Balangkas ng Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa, 47.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003
Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

ETIKA AT MORALIDAD
(Ang teksto ay galing sa turo ni Roque J. Ferriols, SJ)

Ang Mga Katagang ethike at ethos

Ang paksa ng kursong ito ay tinatawag na "etika". Ang kataga ay

Griyego, ethike, na nakaugat sa ethos: "ugali" o "nakaugaliang
pamamalakad sa buhay". Natagpuan na ng mga sinaunang tao ang ugali
na nakasanayan sa buhay bilang tao. Kaya masasabi nating may ethos
ang bawat isa, ang bawat komunidad, sapagkat ang ethos ay kaugaliang
tinatanggap ng isang komunidad bilang mabuti, dapat at mahalaga
(Habermas 1996), sa kalinangan, sa tradisyon na ipinapasa sa bawat
salinlahi (Gadamer 1984).

Bilang pambungad o malinaw-na-malabong pagtalakay sa kahulugan ng

katagang ethos, maaring sabihin na ang ethos ng isang tao ay marangal
o di marangal, patakaran ng isang tao na may magandang kalooban o
kaya'y pamamalakad ng isang masamang loob, makahulugan o
kabaliwan.

Ang nakatatawag pansin ay na tinitimbang ng tao ang uri ng

pamumuhay ng kanyang kapuwa at ng kanyang sarili, hindi lamang sa
nibel ng kalusugan (maaring sabihin na ang katawan ni kuwan ay
masasaktin o mahina o malakas o matibay atbp.), sa nibel ng paghawak
sa ari-arian (si kuwan ay mayaman, mahirap, dukha, mariwasa, atbp.),
sa nibel ng kakayahan sa isang linya (magaling o patsamba-tsambang
inhinyero, guro, doktor, kaminero, abogado, atbp.), kundi lalo na sa
nibel ng mismong pagpapakatao.

Kaya't masasabi natin na mabuti o masama ang kondisyon ng katawan

ni Juana (nasa kondisyon, ika nga, o wala sa kondisyon), na mabuti o
masama ang kalagayan ng mga ari-arian ni Juan, na mabuting doktor si
Petra o masamang doktor si kuwan, o mabuting kaminero si Pedro o
masamang kaminero si kuwan . . . ngunit ang importante sa lahat ay
kung mabuting tao o masamang tao ang isang tao. At iyan ang larangan
ng etika.

Makikita rin natin dito na nagtatalaban ang mga nibel (Reyes 1989, 2).
Aalagaan ng mabuting tao ang kanyang kalusugan upang
makapaglingkod siya sa kapywa. Kung patsamba-tsamba lamang ang
kaalaman ng isang mabuting tao ukol sa medisina'y hindi siya
mangangahas na magtrabaho bilang doktor.
Tayong lahat ay merong mga kuro-kuro o atitud ukol sa kung ano ang
mabuting tao o masamang tao. Madaling mapagmasdan iyan. Ngunit,
kung susuriin natin ng mas masusi itong mga kuro-kuro o mga atitud na
ito, marahil mahihirapan tayo. Maari pang mangyari na sa pagtatanong
ng isang tuso ay magulo tayo at isipin pa natin na kalokohan pala ang
buong usapan ukol sa mabuti o masama. Maari namang akayin tayo ng
isang matinong pagtatanong sa mas maliwanag na pag-uunawa.

Hindi natin matatalakay ang lahat ng mga posibleng paninindigan ukol

sa etika, ngunit, baka makatulong tingnan ang ilang mga atitud na kung
minsa'y natatagpuan sa karaniwang pamumuhay.

Madalas ding gamitin ang katagang "moral" o "moralidad", dalawang

kataga na katumbas ng "maka-etika" at "etika". Galing sa Latin, mos,
moris, (=ethos) at morale, moralitas, (=ethike). Makikita natin na samu't
sari ang paggamit ng salitang etika at moralidad. Mababakasan natin ito
sa ating pang-araw-araw na salita: "ito ang karapatdapat", "ito ang
mabuting gawin", "ito ang tamang plano", "ito ang wastong pasya"
(Reyes 1989). Kaya minsan ang etika at moralidad ay gagamitin bilang
magkasing-kahulugan, ngunit alisto tayo na iba ang pinanggalingan ng
bawat isa.

Ukol sa normatibo at heuristiko

Ngunit, isang nota muna ukol sa paggamit sa mga kataga. Tingnan

muna natin ang dalawang pamamalakad sa paggamit sa kataga.

Sa una, kinikilala na ang bawat kataga ay dapat gamitin ayon sa isang

tumpak na kahulugan. At ang kahulugang tumpak na ito ay isang batas
sa paggamit sa kataga. Halimbawa, ang kahulugan ng "pusa" ay "isang
hayup na may balbas, malambot ang balat at balahibo, may matang
nakakita sa dilim, nakakalakad at nakatatakbo na walang ingay, at kahit
na ihulog na baliktad ay palaging lumalapag na nakatayo". Iyang
kahulugang iyan ay isang batas: "Gagamitin mo ang katagang iyan sa
kahulugang ito lamang." Ang ganitong paggamit ay tinatawag na
normatibo mula sa katagang Llatin, "norma", na ang ibig sabihin ay
"pamantayan", "sukatan".

Sa ikalawang pamamalakad naman, iyong gumagamit ay naghahanap;

at kasangkapan sa paghahahanap ang kataga. Kaya't ang kataga ay
palaging panturo sa hinahanap at sabay "tumatanggap ng hudyat" mula
sa hinahanap. Tinatabasan ang kahulugan ng kataga upang maging
angkop sa pagpapatuloy sa paghahanap at angkop sa mga
nahahanapan. Halimbawa, ang katagang abot tanaw ay pantukoy sa
nakikita o sa anomang nararanasan sa buong naabot ng pagtanaw: sa
itaas, ibaba, harapan, likod, kaliwa, kanan, atbp. Sa ganitong paggamit,
ang katagang "abot tanaw" ay sabay nilalaman: "ang natatanaw at
nararanasan sa buong kapaligiran" at utos: "magpakaalisto ka sa hindi
mo inaakala: tingnan! danasin!" At sapagkat ang natatanaw at
nararanasan ay paiba-iba, ganoon din umiiba-iba ang nilalaman ng
kataga; hindi sa patsamba-tsambang pag-iiba-iba, kundi batay sa
istrikto't disiplinadong katapatan sa talagang natatanaw at nararanasan.
Ang ganitong paggamit ay tinatawag na heuristiko mula sa katagang
griyego, "heurisko", na ang ibig sabihin ay "naghahanap ako."

Ngayon, may dalawang pagmamasid:

1. Kailangan ang dalawang uring paggamit: normatibo sabay heuristiko.

Kung walang normatibo, maaring lubusang papalit-palit ang kahulugan

ng mga kataga, kaya't wala talagang magiging kahulugan ang anomang
kataga. Kung tinatanggap ang lahat ng kahulugan, wala talagang
tinatanggap na kahulugan. Hindi magagamit na panturo ang daliri, kung
walang tumpak na hugis ang kamay.

Sa kabilang panig naman, kung walang heuristiko, nakatakda na ang

bawat kahulugan: wala ng posibilidad isipin ang hindi pa naiisip,
unawain ang hindi pa nauunawaan; wala nang posibilidad tingnan at
danasin ang hindi pa natitingnan at nararanasan.

2. May poder ang tao na pasiyahin kung kanyang bibigyan diin ang
normatibo o ang heuristiko. Sa heuristikong paggamit sa "pusa",
halimbawa, babalik ako sa mga sinaunang panahon noong ang pusa'y
isang hindi inaakalang hayup, isang kababalaghan. Dadanasin ko ang
katagang "pusa" bilang hudyat: "tingin! danas! akala mo'y kilala mo na
ang pusa, hindi pa!" O maari namang gamitin ang "abot tanaw" sa
normatibong paraan: "isang kalawakang pumapaligid, mula sa lahat ng
dako, sa taong mulat: iyan at iyan lamang ang kahulugan."

At isang dagdag na pagmamasid:

Sa etika kailangan ang tuso at matinong paggamit sa normatibo upang

maging malinaw ang usapan. Kailangang pairalin na walang sawa ang
heuristiko upang ang pag-iisip ay maging ukol sa meron, sa pamamag-
itan ng isang walang sawang pagtanaw at paghukay at pagtawid sa
totoo, at hindi basta't ukol sa mga purong idea o purong konsepto.

Ehersisyo:

Ggamitin ang ethike, ethos, etika moral, moralidad, sa normatibong

heuristkong paraan.

Gamitin ang ethike, ethos, etika moral, moralidad, sa heuristkong

paraan.

Gumawa ng talaan o listahan ng Pilipinong balangkas at instruktura,

mga kaugalian at tradisyon tulad ng bayanihan, pamamanhikan,
pamahiin, harana, misa de gallo, at iba pa. Ipaliwanag ang mga ito sa
normatibo-sabay-heuristikong paraan, ipaliwanag kung anong nibel ng
pamantayang moral. Maging mulat na ang kaugalian pangkultura,
pagpapahalagang tradisyunal at balangkas panlipunan ay maaring
sinasakop ng iba ibang nibel.

ETIKANG GUMAGALAW SA TOTOO

Sa mga etikang gumagalaw sa oryentasyon ng umaabot-tanaw sa totoo,

dalawa ang pag-aaralan natin sa kursong ito: ang etika ng ley natural at
ang etikang maka-metapisika ng halaga, ang halagang moral

Ang ganitong uring etika ay hindi isang instrumento na may mga

instruksyon kung papaano dapat gamitin. Pag-aralan ang mga
instruksyon at magagamit mo na! Ang pamumuhay ayon sa ganitong
etika ay hindi isang simpleng pag-aplikasyon ng isang listahan ng mga
reglamento. Maingat mong basahin at malinaw na ang lahat! Isa-isahin
mo na lamang at tiyak na wasto ang iyong pamumuhay! Ang ganyang
paningin ay may lihim na paghahambing. Patagong itinutulad ang tao sa
makina. Lahat ay maaring gawing otomatik. Ganoon din daw ang tao.

Ang taong nag-eetika ay taong nagpapakatao. Taong may isip, pag-ibig,

kalayaan, pagpipili. Taong tumatanda at tumutubo sa katauhan,
nagbabago at nahuhubog. ang bawat tao ayon sa kanyang sariling
kompas. Kung kailangan gumamit ng talinhaga, marahil mas matitiis ang
talinhaga ng punong kahoy, na sabay tumutubo sa ibabaw ng lupa at sa
ilalim ng lupa, sabay may buhay panloob at palaging tumatalab at
nagpapatalab sa panlabas, na may sariling kompas ngunit tubo pa rin ng
tubo, tumutubo sa kanyang kabuoan, atbp.

Kaya't ang kailangan ay hindi isang aklat ng mga listahan at instruksyon,

at mga reglamento, kundi ilang pahiwatig at mungkahi nang magising
tayo sa pagtanaw, pagmumulat, pagmamalay sa mga maka-etikang
karunungan at tawag na laganap sa daigdig, sa mismong kalikasan,
natura, sansinukob--kung titingin lamang tayo at makikinig. Oo.
Magkakaroon ng maraming lugar na magpapalabas ako ng isa, dalawa,
tatlo. Ngunit, mahinahon na mambabasa, huwag mo sana ituturing ang
mga iyon na listahan ng mga instruksyon para sa isang makina. Ituring
mong pahiwatig sa iyo at sa akin na gumising. . . at tumanaw at makinig
sa kalikasan, sa mabuti na nasa kalikasan.

PASTORALE

Maaring tanungin, "Maayos ba ang kalikasan?" At magsisimula ang mga

talunan ukol sa kung ano ang "maayos" at kung ang agham ay
nakatutuklas o pinapalagay lamang o ni hindi pinalalagay na maayos
ang kalikasan.

Ngunit, lihim na nalalaman ng bawat tao, na may lihim na pagka-

maayos ang kalikasan. At pagtitiyagaan kong gisingin ang kaalamang
iyan. Sapagkat kailangan na gising iyan upang makita at madama at
marinig ng ating diwa ang ley natural.

Maari kong sabihin na maraming klaseng kaayusan. May kaayusan ng

kwartong malinis, walang kalat, walang dumi, at may lugar sa bawat
bagay, kaya't ang nakatira doon ay makukuha kaagad ang kailangan
niya; alam niyang na ang bawat bagay ay nasa tamang lugar. May
kaayusan naman ng kwarto na maraming kalat, baka maalikabok pa,
ngunit alam ng nakatira roon kung ano ang bawat bagay na nasa
kwarto, at makukuha niya kaagad ang kailangn niya; sapagkat meron
siyang pakiramdam sa bawat isa. At kung ang tao sa unang kwarto ay
hindi alam kung ano ang mga nasa kwarto niya at hindi niya makuha
ang kailangan niya, sasabihin natin: parang maayos, pero magulo ang
kwarto niya. At kung ang tao sa ikalawang kwarto ay hindi alam kung
ano ang nasa kwarto niya at hindi makuha ang kailangan niya, sasabihin
natin: parang magulo, at talagang magulo ang kwarto niya.

Ngayon, lakas-loob kong sasabihin na ang mga mambabasa ay madaling

naunawaan ang mga sinabi ko ukol sa kaayusan. Kahit na wala tayong
pinagkasunduang pormulang depinisyo ng kaayusan. Sapagkat bago
tayo nag-usapan ay nakadanas na tayo ng kaayusan at naunawaan
natin. Bago tayo magtalunan ukol sa depinisyo'y nakakapit na ang ating
isip sa kabuoan na hindi kayang hulihin ng depinisyo. Hindi ko
sinasabing bale wala ang mga pagtatalo. Tinatawag ko lamang sa ating
pansin na sa isang nibel na mas sinauna at mas tunay kaysa sa
pagtatalo, meron na tayong kaalaman ukol sa kaayusan. Nakadanas na
tayo ng kaayusan sa kalikasan. Kaya't inaantabayanan natin na
magpapatuloy ang kaayusan. Nakadanas na tayo ng kaayusan sa
kalikasan. [Kaya't inaantabayanan natin na magpapatuloy ang
kaayusan.] Alam nating maayos ang kalikasan.

Ang hindi natin alam ay ang eksaktong detalye. Kung minsan ang
pinagtatalunan natin ay kung ano ang eksakong detalye. Kung minsan
naman, ang pinagtatalunan ay kung kaya'y may kaayusan. Sa ating
pagmamataas, ayaw nating aminin ang hindi natin lubusang
masasakyan, kaya't pahaba ng pahaba ang diskusyon, at baka
manindigan na lamang tayo na walang kaayusan. Ngunit, sa ating
sinaunang kalooban, tiyak pa tayo na may kaayusan, kaya't tahimik
tayong natutulog at nagigising sa tahimik na katiyakan na ang araw ay
lulubog at sisikat.

Hawig diyan ang masasabi ukol sa mga syentipikong modelo ng daigdig.

Sa walang hintong pagtakbo ng mga dantaon ay palaging paiba-iba ang
mga modelo. Magsisimula sa modelo A. Mamayamaya (ang ibig sabihin,
pagkatapos ng ilang daantaon) maiimbento ang modelo B. Ang
pumapanig sa modelo B ay sasabihin na sa wakas natuklasan na mali
ang modelo A. Mamayamaya (mga daantaon uli) maisisilang ang modelo
C. Sasabihin naman ng mga pumapanig sa C na ang A at B ay hindi
sapat, na hindi gaanong hindi sapat ang C, pero walang teoryang
maiimbento kailanman na talagang sapat, kayat hanap ng hanap.
Sa lahat nito may isang katiyakan, na ang mga tao ay walang hintong
mananaliksik at, base sa natuklasan, ay magsisigawa ng mga modelo ng
kalikasan. Hindi nating iisipin kailanman na bale wala ang pagsasaliksik.
Hindi natin iisipin kailanman na makakaimbento tayo ng modelo na
sakop ang lahat. alam natin na hindi natin matutuklasan ang sapat
kailanman, sapagkat segurado tayo, sa isang lihim at sinaunang pagka-
segurado, na may siksik at hindi-kayang-ubusin-ng-tao na umiiral na
katotohanan.

Merong maayos. Gaano kaayos? Ganito. Kahit na ilang modelo ang

gagawin ng taon, ang mga modelo ay yari sa mga data na galing sa
kalikasan. Ang bawat modelo ay maayos sa kanyang sariling bersyon ng
kaayusan. Ang bawat modelo ay "kapirasong kaayusan" na hinango sa
kalikasan. Talagang nakakagat sa kalikasan, pero hindi kailanman
malulunok ang kalikasan.

At ano ang kinalaman nito sa etika? Sapagkat ang sinaunang pagka-

kagat ng tao sa maayos ay hindi lamang sanhi ng pagtatalunan ukol sa
depinisyo ng kaayusan o ng mga pananaliksik na syentipiko, kundi sanhi
rin ng isang uring pagmumulat sa buong katotohanan ng siyang
sinapupunan ng pag-uunawa ng tao, sa malalalim at mayayaman na
katotohanan.

Halimbawa, sa sinauang pagka-kagat natin sa maayos, makatutuklas

tayo ng landas sa Maykapal. Napagmuni-munihan na natin ito sa
pilosopiya ng relihiyon. Alalahanin natin uli at pagmuni-munihan ang
ating tesis:

1. Bago tayo gumawa ng mga teyoriya o sistema

ukol sa daigdig meron na tayong umaantabay
na intuisyon ukol sa daigdig bilang maayos.
2. Itong umaantabay na intuisyon ay siyang sanhi
na nag-uudyok sa atin upang gumawa tayo ng
mga teyoriya o sistema.
3. Itong umaantabay na intuisyon ay isa nang
pagdanas sa daigdig bilang maayos.
4. sa umaantabay na intuisyon na ito may landas
sa pakikipagtagpo sa Maykapal.

Itong pakikitagpo sa Maykapal na ito ay importante rin sa etika.

Sapagkat ang puwang na pumapagitan sa etika na may Diyos, at sa
etika na walang Diyos o nag-eewan-ko-ba-kung-may-Diyos, ay singlalim
ng bangin. Ngunit, hindi pa ito lahat.

Sa sinaunang pagka-kagat natin sa meron na maayos, maaring

matauhan din tayo ukol sa kalikasan: na ito ay siyang landas at lugar ng
pag-uunawa na may likas na mabuti at likas na masama. At isa sa mga
matiyagang pagsisikap na gabayan ang pagsasabuhay ng pag-
uunawang may likas na mabuti at likas na masama ay ang etika ng ley
natural.
Malaki ang maitutulong ng mga makata upang tayo'y matauhan ukol sa
ating sinaunang pagkakagat sa kaayusan. Sapagkat itong sinaunang
pagsasakaayusan natin ay hindi mabibigkas sa salita. At alam ng mga
makata na hindi mabibigkas. At hindi sila mapagmataas na
nagpapanggap na kunwa'y nabigkas na nila. Ngunit, bukas sila sa
hangin ng kaayusan na madalas patalab na hinihingahan sila. At
madalas naririnig ang isang awit na hindi binibigkas, ngunit, talagang
pinapahiwatig, tinuturo mula sa malayo, pero tinuturo, ang hindi
maaring sabihin.

Halimbawa ang "Tag-lagas" ni Rainer Maria Rilke.

Mga dahon nahuhulog, nahuhulog parang mula sa malayo,

hardin yatang malalayog sa langit nalalanta;
nahuhulog may anyong humihindi.
At gabi-gabi mabigat na lupa nahuhulog,
sa lahat ng bituin hiwalay, walang kapuwa.

Lahat tayo nahuhulog. Kamay na ito doon nahuhulog.

At masdan itong isa: nasa lahat.
At meron pang isa na itong paghulog ay
walang-wakas, malambot, sa kamay sinasalo.

At kung naghahanap tayo ng makata na sa kalikasa'y nakakaaninag sa

Maykapal, at sa pag-aaninag sa Maykapal ay natatauhan sa likas na
mabuti at likas na masama, lalo na sa likas na kabutihang hinihingi ng
pakikipagkapwatao, maari nating pagmuni-munihan ang "Florante at
Laura" ni Balagtas. Ang kalikasan dito ay hindi nakukulong sa isang
teorya, kaya't buhay sa tao ang kagubatan at kahayupan, at
nakikipagsagutan ang tao sa pumapaligid na linalang. Maaring pag-
aralan ito sa isang mas malawak at mas nabubuong pananaliksik.
Ngunit, ang tatanawin natin dito'y iyong eksena lamang ng mga leon at
ng moro.

Marahil alam natin ang tinutukoy ko. Si Florante'y nakagapus at

nanghihina na siya at hindi na siya makatagal. Nilapitan siya ng
dalawang leon na nagugutom. At akala niya sasaktanin na nila siya,
ngunit, naawa ang mga leon sa kanya.

Nanga-aua mandi, t, naualan ng bangis

sa abang sisil-ing, larauan ng saquit,
nanga-cataingala,t, parang naquiquinyig
sa di lumilicat na tingistangis.

Ngunit, mamaya-maya'y bumalik ang mga leon. Nilupig ng gutom ang

kanilang awa, at kakainin na nila ang nakagapus.

Na-acay ng gutom at gauing manila,

ang-uli sa ganid at naualang aua,
handa na ang ngipi,t, cucong bagong hasa
at pagsasabayan ang gapos ng iua.
Sa hina ng katawan at sa takot, nawalan ng malay si Florante. Ngunit,
may isang moro, si Aladin, na tinatahak ang kagubatan. Narinig niya si
Floranteng nananangis bago siya nawalan ng malay at ang mga
umuungol na leon. Siya ang sumagasa sa mga leon. Pagkatapos ay
kinalag niya ang mga gapos ni Florante at kinalong siya. Noong
nagkamalay si Florante, natakot siya at kaaway niya ang kumakalong sa
kanya. Ngunit, sinabi sa kanya ng moro:

Sagot ng guerrero, i, houag na manganib

sumapayapaca, t, mag aliu ng dibdib
ngayo, i, ligtas cana sa lahat ng saquit
may calong sa iyo ang nagtatangquilic

Cung nasusuclam ca sa aquing candungan,

lason sa puso mo nang hindi binyagan,
nacucut-ya acong di ca saclolohan
sa iyong nasapit na napacaraual

Ipina-hahayag ng pananamit mo
taga Albania ca at aco, i, Perciano
icao ay caauay ng baya,t, secta co,
sa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo.

Moro aco,i, lubos na taong may dibdib

ay nasasacalo rin ng utos ng Langit,
dini sa puso co, i, cusang natititic
natural na leyng sa aba, i, mahapis.

Anong gagauin co,i, aquing napaquingan

ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay,
gapus na naquita,t, pamumutiuanan
ng dalawang ganid, ng bangis na tangan.

Dito'y nakikita ang isang uri ng pagdanas sa kalikasan. Lahat ng mga

linalang ay may awa sa isa't isa. Ngunit, sa mga hayup, ang awa ay
nalulupig sa kabagsikan ng gutom. Ang tao lamang ang may pag-
uunawa na manatiling maawain kahit ano ang mangyari. Itong pag-
uunawa na dapat siyang manatiling maawain ay nakatitik na sa puso
niya. Iyan ang ley natural. At dahil rito, sa mismong mga pangyayari,
napapakinggan at nakikita niya kung ano ang kanyang gagawin.

Nakikita niya na may likas na mabuti at likas na masama. Likas na

mabuting tulungan ang nangangailangan; likas na masama ang
pagsamantala at paglinlang sa nangangailangan. Nauunawan niya na
mabuti ang dapat niyang sundin. . . ngunit, lumalabas sa mga
kagagawan ng ibang mga tauhan sa tula na maaring tanggihan ito ng
tao.

Ganyan ang uri ng pagka-bukas sa kalikasan, pagka-alisto sa lalim at

siksik at hiwaga at posibilidad ng kalikasan, na kailangan natin upang
matino nating mapagmuni-munihan ang pag-eetika ng ley natural.

EX CONTINGENTIA AT POTENSYAL
Hango sa Nota sa Klase ni Fr. Roque J. Ferriols, S.J.
Jeremy S. Eliab
Dibisyon ng Pilosopiya
Pamantasan ng Ateneo de Davao

Namumulatan natin na ang ating pagiging tao ay tigib sa kaligayahan, tigib rin sa
pagkadapa. Maraming beses tayong nagtagumpay at magtatagumpay, maraming beses
rin tayong nabigo at mabibigo. Ngunit laging nanatili ang ating potensyal. Laging kasama
ng tao ang kanyang kakayahan na sumaibayo at lampasan ang kanyang sarili, ngunit
isang paglampas na hindi iniiwan ang sarili, kundi laging kasama ang sarili. Potensyal:
isang lumang kataga na nagpapahiwatig ng binhi ng nakatagong kakayahan na minsan
pinapatulog ng tao. Maaaring gisingin, pangatawanan. Kapag pinapatubo, dinidiligan at
patuloy na inaalagaan sa daloy na panahon, maaring maging isang kahanga-hangang
paghakbang tao, ng buong sangkatauhan, sa paglalakbay sa buhay.

Sana wala . . . pero meron1

Habang naglalakad ako minsan sa likod ng seminaryo, may maliit na gubat doon na puno
ng samu't saring klase ng tanim at insekto. Biglang may napagmasdan akong isang
kakaibang kulisap na hindi ko pa nakita sa lahat ng aking paglalakad sa bahaging iyon,
ibang iba sa mga ipis, langaw, kuto, at mga langgam. Parang patpat na mahaba sa
malayo. Ang bagal kung lumakad, berde ang kulay ng buong katawan. Ginising ng
mahiwagang kulisap na ito ang aking pagtataka sapagkat hindi nasanay ang aking mga
mata at pag-uunawa sa ganoong uri ng insekto. Ngayon lang ako nakakita ng insektong
ito. Ginigising ang aking kakayahang magtaka at magtanong. Ano kaya ito?

Posibleng ang dahilan kung bakit nawawala ang pagkamahiwaga at pagkailangang

pagtakhan ng mga nagmemeron sa mundong ito ay dahil nasasanay na ang pag-uunawa
ng tao na kinakasagupa niya araw-araw ang mga bagay, at nagiging pangkaraniwan na
lamang. Nawawala sa iba't ibang antas ang pagtataka at mapagkilatis na pag-uunawa ng
tao at nakaligtaan na niyang damhin ang pagkamahiwaga at pagkabukod-tangi kahit ng
mga pangkaraniwang nagmemeron tulad ng bato, bulaklak, tanim, kapuwa, kaibigan,
pag-ibig. Madalas kung meron nang pangalan at nakasulat na sa diksiyunaryo ay para
bagang alam na ng tao ang lahat.

Itong "patpat" na insekto ang nagpabighani sa aking sarili, ginising ang katutubong
pagtataka sa akin. Nagtatanong ako. Anong hayop ito? Nangangain kayo ito ng ipil-ipil? O
ito ba ang kumain sa aming mga halaman sa likod ng bahay? Nangangagat ba ito kapag
hinawakan? Alam na kaya ito ng mga siyentista? Meron na ba itong siyentipikong
pangalan? Baka. Ngunit merong isang tanong na siyang ugat ng mga tanong: Bakit
meron, sana wala. Hindi ito sumulpot dito sa kanyang sariling poder lamang. Kung siya
lamang, walang wala sana itong insektong ito. Kung siya lamang maiwan sa kanyang
sarili, hindi niya kayang magmeron siya. Hindi niya kayang likhain ang mga komplikadong
galaw ng mga sidhay2 na nasa kanyang katawan, ni hindi siya mulat sa nangyayari sa
kanyang katawan, sa kanyang sarili, sa nakakapaligid sa kanya. Ngunit buhay na buhay,
totoong totoo na merong hayop sa aking harapan na gumagalaw at nagpapabighani sa
akin.

Humantong ang pagmumuni sa isang pag-amin at pagtanggap na merong nagpameron

sa insektong ito, at patuloy na nagpapameron sa kanya sa bawat sandali. At sabay sa
pagmumulat na merong patuloy na nagpapameron, namumulatan rin ang pag-uunawa na
may nakikitang kahulugan, kahit hindi sapat ngunit nakakagat pa rin sa katotohanan.

Bakit kaya meron, sana wala? Para ano pa? Ano ang dahilan kung bakit meron? Ano
ngayon ang kahulugan nito, ang kahulugan ng presensya nito? Maaring may hula ka. At
sabay totoo ring hula, ayon sa matinong pag-uunawa. Abot-kaya ng tao. Ngunit kahit
hula lamang, tunay pa ring may dahilan at may tunay na kahulugan kung bakit meron
ito. Ngayon, nasa antas ako ng pagtatanong na naghahagilap sa kahulugan ng kuwan na
ito. Ngunit isang paghahagilap sa mailap, at hindi basta-basta mahuli-huling kahulugan.
May naaninagan akong kahulugan, tumatalab rin sa aking pag-uunawa ang mismong
kuwan na ito, meron akong nababakasan at natatanggap na kahulugan, pero, sabay hindi
ko rin lubusang maunawaan.

Totoo na tumatalab ang aking pag-uunawa sa aking inuunawa, ngunit isang pagtalab na
sabay alanganin. Ngunit tunay at totoo pa rin ang kahulugan na binababaran ng aking
pag-uunawa, tinatablan, kinikilatis, niyayaman at inaangkin. . Natatauhan ako na pati ang
aking pag-uunawa ay may hangganan rin sa paghahanap ng kahulugan. Mula sa malayo
nararanasan ko na may isang pagkatiyak na merong tunay na kahulugan ito, ang mga
iyon, at lahat lahat sa aking paligid. Kaya patuloy akong nagsisikap na unawain, hanapin
ang kanilang kahulugan . . . maaring lumalayo o lumalapit ako sa tunay na kahulugan.
Meron akong nasusulyapang kahulugan, kahit hindi ito ang buong kahulugan, tunay pa
ring kahulugan, tunay pa ring kaalaman na dapat pagyamanin. Meron nga akong
natuklasan sa meron, ngunit ang aking natuklasan ay tanong pa rin, bukal ng hindi
matapos-tapos na pagtatanong at pagtataka.

Kaya humahantong tayo sa isang metapisikong paninindigan: kailangan na may tunay na

kahulugan, may "dapat" na kahulugan at dahilan kung bakit nagmemeron ito o ang mga
iyon, sa halip na "sana wala". Ang pagkakailangan ay hindi isang pagpipilit kundi isang
mapagkumbabang pag-amin na may tunay na kahulugan, kahit ang nakikita ng tao ay
aninag lamang ng tunay na kahulugan, ng "dapat" dahilan. Na sana walang insektong
"patpat" sa gubat, pero meron. Ngayon, halimbawa, naglalakad ako sa kapaligiran ng
Ateneo at ang karaniwang kong nakikita ay iyong mag-aaral, mga guro, gusali, kaktus,
atbp. Hindi na natin tatanungin kung bakit walang insektong patpat dito. At bakit
kailangang merong insekto? Pero ang pagiging `andodoon ng insekto ay napakahiwaga
na maaring tanungin: bakit nandirito ito, sana wala. Bakit meron ito sa gubat, bakit
merong gubat, bakit merong gubat sa malaking pinapaligiran ng tubig, bakit merong mga
isla na pinapapaligiran ng tubig sa sanglibutan, bakit merong sanglibutan sa loob ng
isang galaksi, bakit may galaksi sa loob ng sangkalawakan. . . . ? May dahilan, at may
sapat na dahilan at kahulugan, ngunit laging nag-aapuhap ang tao sapagkat hindi sapat
lagi ang kanyang pinakamabuting alam.3 At ang pagkakailangang merong nakakaalam
nitong lahat, ang "Kuwan" na iyon ay nararanasan bilang makapangyarihan at nakabitin
sa kanya ang lahat na nagmemeron.

Nakabitin ang ating buong pagmemeron at ang buong kahulugan nito sa Kanya. Kaya
ang mga nagmemerong may hangganan at limitado sa mundong ito, tatawagin nating
contingens (Latin, na ibig sabihin "nakabitin sa"). Sa isang pinakapayak na talinhaga
maaring maaninagan ang ibig sabihin ng salitang contingens sa mga halimbawang ito:
mainit ang bato sa aking bintana, ang init nito ay nakabitin sa araw na sumisinag sa bato.
Kung wala ang init, wala sa poder ng bato ang maging mainit. May hindi-bato, lampas sa
bato, na nagpapainit sa bato. Ngunit itong talinhaga na ito ay hindi pa rin sapat.
O ayon sa salita ng makata: "maghapong umaagos mula sa iyong kamay, parang
alikabok na naaanod sa iyong sinag na makapangyarihan". Nakikita lamang ng ating mga
mata ang alikabok sa pamamagitan ng sinag ng araw, parang nakabitin sa sinag ng araw
ang pagmemeron ng alikabok. Ngunit hindi pa rin sapat ang talinhaga, sapagkat ang
mismong Meron, lampas sa lahat na halimbawa at talinhaga, ngunit maaring
makakatulong sa ating nag-aapuhap na pag-uunawa. Bakit hindi sapat? Sapagkat lahat
na talinhaga, lahat ng bagay na ginagawang panturo ay mga panturo lamang. At kung
tutuusin, nilikha niya ang mga panturo na ito, kaya kulang pa rin upang ihambing sa
kanyang kadakilaan ang kahit na anumang paghahambing. Sa kabilang banda, mahalaga
at kailangan pa ring gumamit ng mga talinhaga at panturo upang kahimanwari ay
tumalab ang pag-uunawa ng tao sa kanyang kadakilaan.

Karupukan: Pagkamaaring hindi Magmeron

Sa ating pagharap sa daigdig na ating ginagalawan, nararanasan natin ang meron. Isang
katipunan ng lahat lahat, na para bagang isang nandiriyan na may pagkakailangang
tanungin at pagtakhan: sana wala, ngunit ang katakataka ay meron. Sana walang
daigdig, ngunit meron, nagmemeron, nagpapaunawa, nagpapatuklas, nagpapakita. Kahit
na ano man ang ating nahahagilap at nararanasan, laging contingens, laging nakabitin,
sapagkat sana wala, wala sa kanyang poder na magmeron siya kung siya lamang.
Nararanasan natin ang karupukan ng bawat isang nagmemeron: sana wala, maaring
wala sana. Wala sa kanyang poder ang magmeron. Pero meron. Kaya may
nagpapameron sa kanya. At sa bawat sandali ng kanyang pagmemeron, naroon pa rin
ang posibilidad na hindi magmeron, naroroon lagi ang posibilidad na maglaho, naroroon
lagi ang kanyang pagkamarupok. Kaya sa bawat sandali may nagbibiyaya sa kanya
upang manatili siyang meron, pinapatatag, binubuo, hinihilom, sa gitna ng kanyang
karupukan.

Sa ating pagtatanong, merong dahilan at sapat na kahulugan kung bakit meron at hindi
wala. Merong nakakaunawa kung bakit ito ito at iyon iyon, meron ito at meron iyon. Hindi
maaring sabihing purong aksidente at purong tsamba lamang ang mga nangyari, at
nangyayari: sumikat ang araw kaninang umaga, bumaha sa amin, nahulog ang buko
mula sa punong niyog, nag-aaral kami ng Pilosopiya ng Relihiyon, nag-aaral ako sa
Ateneo, ipinanganak ako ni Nanay, kaibigan ko si Bedette, nakikipagkapuwa tao ako . . . .
Kahit para bagang tsamba o aksidente minsan ang nararanasan ng tao, meron pa ring
dahilan, kahulugan, alam-di-alam. Nag-aapuhap ang tao, laging naghahanap at may
natutuklasan rin siyang liwanag, may nakikita rin siyang dahilan at kahulugan, sabay
mulat na hindi pa ito lahat, "baka", "hula", ito nga pero bahagi lamang ng kabuoan.

Bumalik tayo sa ating mahiwagang insekto. Nasa isang kalagayan tayo na naghahanap
kung bakit meron insekto dito. Ang hinahanap natin ay hindi kung bakit dito at hindi
doon, kundi bakit meron. At kung maiwan lamang sa kanyang sarili, hindi kaya ng
insekto, na "maging" insekto siya kung siya lamang. At hindi alam ng insekto na meron
siya, at wala sa kanya ang dahilan kung bakit siya "magiging" o "naging" insekto, o
dahilan kung bakit hindi siya "maging" insekto.

Sa atin mismong karanasan, nakakasagupa tayo ng kapuwa tao, pati na rin ang ating
sarili. Meron kapuwa tao, meron sarili. Sana wala. Pero meron. Kung maiwan lamang siya
sa kanyang sarili, sana wala, sapagkat hindi niya kaya na magmeron sa kanyang sarili.
Kung ako lamang maiwan sa aking sarili ay sana wala ako. Meron Siya kaya meron ako,
ikaw, meron tayong lahat. Nakabitin ang ating pamemeron sa kanyang biyaya at
kapangyarihan.

Ang Walang Simula at Katapusang Nagmemeron

Hindi sapat sabihin na ang kahulugan ng isang nagmemeron dito sa mundong ito ay
batay sa haba ng panahon ng kanyang pagmemeron. Hindi sinasabi ng isang geologo na,
kung bakit merong ilog at bundok, matagal na ang mga ito kaya ganoon. O halimbawa
ng isang tao, ang kahulugan ni X ay ito - mula sa panahong ito hanggang sa namatay
siya. O sa isang insekto, bakit meron? sapagkat meron na iyan kahapon pa. O sasabihin
pa natin, meron nang daigdig na hindi na maalaala ng tao kung kailan nagsimula. Ang
tanong dito ay bakit meron at hindi ilang taon o haba ng panahon. Hindi nakabatay
lamang sa daloy ng panahon ang kahulugan, ngunit sa mismong pagiging meron niya.

Kung magtatanong ang isang tao kung bakit merong tubig sa dagat, paano nagkaroon ng
tubig, saan nanggaling ang tubig bago pa ito sumipot sa dagat, iyon ang buod ng
tanong. O `di kaya sa siyentipikong pagmamasid, bakit meron tubig, bakit merong
molekula, bakit meron atomo, o bakit meron elektrons o photons, sana wala. Hindi iyan
tinatanong ng agham. Paano ito sumapit dito? Paano ito sumulpot, sumipot, dumating?
Kailangan ang pagkilala na mapakumbaba na nakabitin ito sa isang lampas pa sa tubig,
molekula o atomo, atbp. Contingentia: ang pagka-basta't-sumapit.

Tanda ng pagkamarupok kung nagsisimula at naglalaho ang isang nagmemeron. Kung

titingnan natin ang mga nilalang na may buhay: kapuwa tao, pusa at aso, kamote at
kalabasa -- lahat may buhay, ngunit sabay namamatay rin. Nalalanta ang mga dahon ng
kamote, nanghihina at tumatanda ang pusa at aso. Lumilipas ang kanilang panahon -- at
lalong lumilitaw ang karupukang tumatalab sa lahat na nagmemeron..

May mga naninindigan na kapag pinagmasdan ng tao ang ibang nagmemeron, tulad ng
bato o tubig, apoy, hangin, mga mineral -- mga walang buhay, may simula at may
katapusan ba sila? Ang buong sanglibutan nating yari sa bato, lava, buhangin, at mineral,
saan galing ito. Kung sila lamang, sana wala. May simula ba ang ating galaksi? Sabi nga
ni San Buenaventura, maaaring ang mundo natin ay walang simula at walang
hangganan. Laging nandodoon, laging nagmemeron, laging gumagalaw. Patuloy ang
pag-ikot nito sa bawat sandali tungo sa kawalang hangganan, tungo sa hindi matapos-
tapos na pag-ikot. Ibig bang sabihin, na hindi contingens ang mundo sapagkat walang
simula at walang hangganan? Hindi ito nakabitin sa kahit na anong kuwan, sapagkat
nandodoon na? Basta nagmemeron lamang sa kanyang sarili?

Kung totoo mang walang simula at walang katapusan, contingens pa rin sapagkat
nakabitin pa rin ang mundong umiikot ng walang hangganan sa lampas pa dito. Kung
ang mundo lamang maiwan sa kanyang sarili, sana wala. Pero bakit merong mundong
umiikot ng walang hanggan? Kailangang merong dahilan at kahulugan kung bakit merong
mundong umiikot ng walang hanggan. Hindi mulat ang mundo kung bakit mundo siya.
Kaya ang tanda rin ng karupukan kapag walang pagmumulat sa kahulugan. Tatalakayin
ito sa mga susunod na bahagi.

Hindi aksidente at purong tsamba lamang na nagkaroon ng isang dambuhalang mundong

maaring matitirhan ng mga may buhay. Kahit sabihin pang ang mundo ay patuloy na
magmeron sa lahat ng panahon, ad infinitum, nanatili pa rin ang kanyang pagka-
contingens sapagkat sana wala . . . . at ang kanyang paggalaw ay laging nasa panahon,
lumilipas rin ang meron ng mundo.

Ang mga Nilikha at ang Maylikha

Tumutungo tayo ngayon sa isang pag-uunawa sa lahat na nilikha sa ating kapaligiran, na

minsan nakakaligtaan nating makita ang katotohanang tumatalab sa bawat isang
nagmemeron sa ating kapaligiran, mula sa katabi nating kapuwa at mga mahihiwagang
mga bagay hanggang sa malayong mga bituin at galaksi. Nakikita ang pagkamarupok sa
lahat na nagmemeron, mula sa napakapayak na mineral, tanim, hayup, hanggang sa
pinakamasalimuot na tao. Ang mga may buhay (tao, tanim, hayup), isinisilang at
namamatay, naglalaho. Ganoon rin sa mga walang buhay, kahit maaring walang simula
at walang katapusan, ay may bahid pa rin ng pagkamarupok; kung sila lamang sana wala
sila; at wala silang pag-uunawa tulad ng tao, walang pagmamalay, walang malay-sarili,
at walang buhay. Mas matindi pa rin ang tao sa lahat na nagmemeron, sa lahat ng
nilikha, sapagkat meron siyang pagmumulat, pag-uunawa na likas sa kanya. Ngunit sa
kabila ng matinding pagmemeron ng tao, umiiral pa rin ang pagkamarupok niya, kung
maiwan lamang siya sa kanyang sarili, sana walang wala siya.

Kaya nararanasan ng tao na ang bawat sandali ng kanyang pagmemeron ay isang

biyaya, na patuloy na paglikha, paghubog, pagsasabuo sa kanyang marupok na
pagmemeron na nasa bingit lagi ng kawalaan, na may pagkamaaring mawala. At
kailangan ang mapakumbabang pag-amin na merong Meron na nagpapameron sa akin,
at sa lahat, naglalang, lumilikha, humuhubog, sa pamamagitan ng kanyang mapagpalang
kamay. Kaya, nakabitin sa Mismong Meron na ito ang lahat na nagmemeron. Ibinabahagi
(participatio) niya ang kanyang meron sa lahat ayon sa nababagay (proportio).4

Magpatulong tayo sa talinhaga ng apoy sa kandila at liwanag mula sa apoy. Nakabitin sa

apoy ang liwanag, palibhasa nagliliwanag ang apoy. Ngunit hindi nakabitin ang apoy sa
liwanag, sabay likas sa apoy na laging nagliliwanag. Samakatuwid, nilikha ng apoy ang
liwanag, nakabitin sa apoy ang liwanag. Ngunit hindi maaring hindi magliwanag ang
apoy. Iba pa rin kung ang Banal ang pinag-uusapan, palibhasa ang kandila ay materyal
at isang limitadong nagmemeron. Ang mismong Meron ay nagliliwanag ngunit hindi
naaubos, hindi nalulusaw, laging buong buo, matatag. Kaya ang mga nilikha ay may
pagkamarupok sapagkat nakabitin ang kanilang pagmemeron sa isang sukdulang Meron,
Meron na Meron, super-Meron.

Saan at Kailan, Lugar at Panahon

Kahit na ang mga nagmemeron na walang simula at walang katapusan ay marupok at

nakabitin pa rin sa Kanya. Halimbawa ng mundo na walang simula at walang katapusan,
nasa loob lagi ng kalawakan at panahon, gumagalaw lagi sa loob ng saan at kailan. At
ang nagmemeron na gumagalaw sa loob ng saan at kailan ay may bahid ng karupukan,
may bahid ng wala.

Kung titingnan natin, gumagalaw lagi tayo sa panahon. Laging ang ating ngayon ay
nagiging kanina, at ang kanina ay wala na. Wala pa ang mamaya, wala pa ang bukas.
Isang pagmumulat na nasa loob ako lagi ng panahon, isang panahon na marupok, may
hangganan, laging natatablan ng wala. Hindi posibleng ang ngayon ko, ito na ang buong
panahon. `Ika nga nga makata: "parang mga tupang pinapastol tungo sa bukas."
Lumilipas ang ating pagmemeron, at patuloy na naglalakbay ang bawat isa tungo sa
bukas, paglalakbay na hindi natin maaring talikuran, bagkus tanggapin bilang biyaya na
binigyan tayo ng pagkakataon higit sa lahat na "lumakbay", "makaranas", maging meron!

Ganoon din sa kalawakan. Laging nasa loob tayo ng ating saan, dito na may halong wala,
kaya marupok. Ang meron ko dito, wala diyan, wala doon, may hangganan. Hindi
maaaring narito ako, sabay doon, sabay diyan, o nandodoon sa lahat ng doon. Kumakalat
ang aking karanasan sa iba’t ibang lugar. Hindi ko nararanasan ang lahat sa "iisang
lugar" lamang. Minsan may pagkakataong iniipon ko ang naranasan ko mula sa iba ibang
lugar upang buoin ko ang aking sarili. Ngunit minsan rin nararanasan ko ang
"pagkakalat" ng aking sarili. "Sumasabog" ako, ngunit nararanasan kong may walang
sawang umiipon rin sa aking pagkasabog. May nagbibiyaya sa akin ng kakayahang ipunin
muli ang aking sarili, at hindi nawawala itong kakayahan at posibilidad na ito kahit sa
gitna ng "pagkakalat", "pagsasabog".

Ang Mismong Meron na pinanggalingan ng lahat na limitadong nagmemeron,

maaninagan nating siya ang sukdulan kaya may pagka-kailangan nasa labas siya ng
karupukang nararanasan na tumatalab sa mga nagmemeron. Kaya kailangan nasa labas
siya at lampas pa ng kalawakan at panahon, walang simula at katapusan, alam na alam
ang lahat na nangyayari. Lampas pa siya sa lahat ng kalawakan at sa lahat ng panahon,
sabay napapadoon sa lahat ng doon, napapanahon sa lahat ng panahon, nagpapasimula
at naglalagay ng hangganan, nagpapatapos, nagpapaalam at di-nagpapaalam, nag-iipon
sa mga kumakalat, nagpapatatag sa mga humihina, at patuloy na nililikha ang kanyang
mga nilikha.

Kapit sa Kahulugan at Tindi ng Pagmemeron

Sa ating pagdanas sa meron bilang paksa, sa meron bilang analogia, nakikita natin ang
iba-ibang nagmemeron, hawig na hawig, sabay ibang-iba. Hawig na hawig lahat sapagkat
nasa mundo ng meron, nagmemeron. "Lumalaban" sa wala ang bawat meron, "itinitirik"
ang sarili sa meron. Ngunit ibang iba sapagkat nauunawaan natin na ibang iba ang
meron dito at ang meron doon. Ang pusa hawig sabay iba sa tanim, ang tanim hawig
sabay iba bato, ang bato hawig sabay iba sa tao.

Sa mismong pagkakaiba doon nagkakahawig, sa mismong pagkakahawig doon

nagkakaiba: analogia. Kaya kitang kita na lahat na nagmemeron, tinatanggap nila ang
kanilang meron mula sa mismong Meron. Samakatuwid magkakawig ang lahat. Ang bato,
kamote, talisay, kaibigan, lahat ay magkakahawig sapagkat ang meron nila ay galing sa
mismogn Meron. Lahat ay nasa mundo ng sangkameronan, lumalaban sa wala,
nagisisikap na mabuhay sa meron, manatili. Samakatuwid, walang hamak na pinagkaiba
ang bato, ang tanim, ang hayup, ang tao … sapagkat lahat ay lumalaban sa wala, hawig
na itinitirik ang kanilang sarili sa meron. Kaya hawig ang pagmemeron ng bato sa
pagmemeron ko bilang tao.

Ngunit ang bawat isang nagmemeron ay iba sa bawat isa. Ang bawat isa, tinatanggap
nila ang kanilang meron mula sa mismong Meron ayon sa nababagay at nararapat sa
kanila o proportio. Kaya ang kanilang pagsasabuhay ng kanilang meron ay ayon na rin sa
nababagay sa kanilang meron. Nagpapakatao ang tao, nagpapakahayup ang hayup,
nagpapatanim ang tanim. May kanya kanyang pagmemeron ang bawat isa ayon sa
nababagay sa kanilang meron. Kaya iba ang pagmemeron ng bato sa pagmemeron ko
bilang tao.
Meron bilang analogia. Ang meron dito at ang meron doon, nagkakahawig. Nagkakaiba
rin. Kailangan ang isang pag-uunawang mapagkilatis upang makita at mamulatan sa
intrinsekong pagkakaiba sabay pagkakahawig ng meron.

Ngayon, sa lahat ng mga nagmemeron, naaninigan natin na ang tao ang pinakamatindi.
Matindi sapagkat nakakaunawa siya, merong pagmumulat, merong pagmamalay, kaya
mas matindi ang kanyang paglaban sa wala, pagtirik ng sarili sa meron kaysa sa mga
hayop, tanim, at mineral. Mulat siyang meron siya, mulat siyang nagmemeron siya, sabay
alam niyang lumalaban siya sa wala. Kaya ang lahat na ginagawa ng tao (kumain,
matulog, maglakad, magtiyaga, mag-aral, manalangin, atbp.), isang patuloy na
pagsisikap na lumaban sa wala, at alam niyang ginagawa niya ito, o kahit man lamang
pinagsisikapang malaman na ginagawa niya ito. Iba lagi ang kalidad ng pamumuhay ng
tao sa ibang nagmemeron. Analogia pa rin.

Kaya para bagang hagdan ang buong sangkameronan. Nasa tuktok ng hagdan ang tao,
at sa ilalim ng hagdan ang mga mineral na walang buhay. Namulatan nating matindi ang
tao sa kabila ng kanyang karupukan sapagkat meron siyang mahiwagang pag-uunawa,
malay-sarili. Tao lamang ang nakapagtatanong ukol sa kahulugan: bakit narito siya, ano
ang buhay, ano ang tao, para sa ano ang maging tao, ano ba ang kahulugan ng pag-asa,
ano ba ang kahulugan ng buhay, pakikipagkapuwa, pakikitungo sa Banal, atbp. Ngunit
minsan, may mga panahon na nasa krisis ang tao, at nasa kadiliman siya, may
pagkabigo, humihina ang kanyang pagmemeron. Tulad ng tanim, humihina rin ang
pagmemeron, nalalanta. At sa panahon na mahina ang pagmemeron, humihina rin ang
kapit sa kahulugan, o malabo ang nakikitang kahulugan. Kaya minsan, sa gitna ng
kadiliman, at nawawalan ng pag-asa ang tao, humihina ang kanyang kapit sa kahulugan,
halimbawa, ng buhay. Kaya nararanasan ng tao ang kahinaan ng kanyang loob, na
minsan lumalabas sa pagsasabing "sabog ako" o "kalat". Humihina ang loob. Hindi
nakikita ang halaga at kahulugan ng buhay, ng pagiging tao. Ngunit likas rin sa taong
ipunin muli ang kanyang sarili, magbalik-loob, maglakas loob. Nararanasan na merong
umuudyok sa taong magpakatatag at magpatuloy pa rin.

Kahit humihina ang kapit sa kahulugan, sabay ng paghina ng pagmemeron, naroroon pa

rin sa tao, kahit katiting, ang pagnanasa sa tunay na kahulugan, ang pagnanais na
makita ang liwanag sa gitna ng dilim. Naroroon pa rin sa tao ang diwang naghahagilap sa
gitna ng agaw-dilim, at panghihina. Likas pa rin sa kanya ang magpatuloy na tumugon sa
tawag ng meron at kahulugan. Naroon pa rin sa tao ang likas na hanapin, kumapit sa
meron at kahulugan. At itong pagnanasa, kakayahan, at potensyal ng tao na hanapin ang
kahulugan ay hindi nawawala kahit sa pinakamatinding kadiliman at pagkakalat ng sarili.
Ang mahalaga lamang ay buhayin ang "pinatutulog" na potensyal. Gawin ang magagawa
ayon sa abot-kaya, at hindi ang kibit-balikat na pagsasabing "hanggang dito lang ang
kaya ko" o "ako’y tao lamang".

May mga sandali na matinding nagmemeron ang tao, buhay na buhay rin ang kanyang
kapit sa kahulugan. Sabay ang pananabik sa buhay, sa tindi ng pagkapit at pagnamnam
ng tunay ng kahulugan. Nararanasan niya na ang pagiging tao ay isang patuloy na
pagsisikap, patuloy na pagtubo, at patuloy na paghahanap. Nararanasan niyang mas
nagiging tao siya, taong tao. Kaya't ang umiiral na may pag-uunawa at pagnanais sa
kahulugan, ngunit mahina ang kapit sa kahulugan, ay umiiral na mahina rin ang meron.
Ang karupukan, samakatuwid, isang landas ng nagpapamulat sa atin sa isang lampas pa
sa ating hindi marupok. Ito ang pagkakataon na aminin na tao, sa isang
mapagkumbabang paraan, na marupok nga siya. Ngunit sabay sa pag-amin ng kanyang
karupukan, natutuklasan rin niya ang kanyang potensyal. Potensyal: lumang salita iyan
na ang ibig sabihin ang pagkamaaari. Ang potensyal ay hindi nawawala, pinapatulog
lamang ng tao, at sa panahon ng matindi ang karupukan, kailangan lamang buhayin niya
ang potensya na nasa kanya. Hinti ito naglalaho. Isang binhi na kailanman hindi
namamatay, laging naroroon sa puso ng bawat isang nagmemeron. Binhing nakatanim sa
bawat nagmemeron na kailangan lamang gisingin, diligan, alagaan at patubuin.

Sinauna Bilang Potensyal5

Nagkataon na nasa tuktok kami ng bundok, sa isang bahay dasalan. Mga kasama ko'y
gumaganap ng banal na pagsasanay bilang paghahanda sa ordenasyon sa pagkapari.
Nagkataon na bumangon ang malakas na bagyo. Pusod ng bagyo ang huminto sa hindi
kalayuan sa amin. Huminto ang pusod; hindi ang malalakas na hangin na iniikot ng
pusod. Dalawang araw, dalawang gabi. Mga puno at bahay nalulunod, naaanod sa
hangin. Nagtataka kami kung kami'y magigiba.

Isa sa pinag-usapan namin ay pamimilosopiya. Noong nag-aaral ng pilosopiya ang aking

mga kasama, kasama sa kanilang mga babasahin ang ilan sa aking mga sinulat. Nagtaka
sila kung may lalabas na pilosopikong pagtalakay sa ilang mga atitud na
mapagmamasdan sa kalinangang Pilipino; mga atitud, na kung tutuusin mo, ay pilosopiko
at karapat-dapat pagmunihan, palalimin sa isang pilosopikong pag-uunawa. Halus hiniling
nila na gumawa ako ng ganoong pagtalakay.

Pagtataka sa maraming nibel ang ginigising ng kanilang mga sinabi, at nakita ko na

kailangan kong isipin ito ng totohanan. Kaya't sinabi ko sa kanila: iisip-isipin ko, at
anuman ang matagpuan ko ay aking ibabahagi sa inyo sa huling yugto ng isang libro na
matagal ko nang sinusulat at hindi pa matapus-tapos.

Ngayon nakarating na ako sa huling yugtong ito at inaalok ko ang hindi isang
pilosopikong pagsususuri, kundi ilang mga ligaw na puna at isang mungkahi ukol sa
potensyal. Kung may interes pa kayo, mga kapuwa, at kung binabasa ninyo ito, heto ang
ipinapangako ko sa inyo.

Pagpili sa Wikang gagamitin

Madalas may nagtatanong: Mag-iimbento ka ba ng pilosopiyang Pilipino? O kaya: Maari

bang magkaroon ng pilosopiyang Pilipino? Ang mga tanong na iyan ay pag-aksaya
lamang ng panahon. Kung talagang nais ng isang taong mamilosopiya, ang hinahanap
niya ay ang totoo na nagpapakita sa kanya. At gagamitin niya ang anumang
makakatulong sa paghanap sa totoo. Kung ang pinag-aabalahan niya ay Pilipino ba ako?
O Intsik? O Indian? O kung ano? Hindi na siya namimilospiya. Lalabas siyang gaya ng
taong tingin ng tingin sa salamin sa walang katapusang pagka-bagabag baka hindi siya
mukhang Pinoy.

Bukal sa lahat ng tao ang hanapin ang katotohanan, at lahat ng wika ay likha ng tao.
Kaya taglay ng bawat wika ang kapaitan at pananabik ng paghabol sa katotohanan:
paghabol na ginaganap ng mga unang naghubog at ng mga sunod na gumamit sa
wikang iyon. Kaya lahat ng wika ay maaring gamitin sa paghahanap sa totoo kung may
kalooban ang gumagamit. At kung ayon sa totoo ang kanyang paggamit.

Madalas akong pagpunahan na kung katotohanan ang hinahanap mo, hindi importante
kung anong wika ang gagamitin mo sa iyong pamimilosopiya. Iyan ay isang delikadong
puna. Kung may tao sa aklatan, at sinubukan niyang mamilosopiya sa isang wika na
ibang di hamak sa sinasalita ng mga nagmamaneho ng dyipni, nagwawalis-tingting sa
mga kalsada, nagsisilbi sa mga turo-turo, masasabi kaya na ang taong iyon ay
gumagalaw sa katotohanan? Sapagkat hindi mapagkakaila na, angkinin man ng tao o
sadyang limutin, palaging mananatiling totoo na lahat ng tao, pati ang mga
namimilosopiya, ay napapaligiran ng mga kapuwa tao na nagsasalita. At kapag nagsisikap
mamilosopiya ay pumipili sa wikang gagamitin niya, ang kanyang pagpili ay bunga ng
kanyang atitud sa salita ng mga pumapaligid sa kanya. At ang kanyang atitud ay maaring
katotohanan, maaring kasinungalingan.

Kakayahang Tumingin

Kung ugali ng taong gamitin ang ngala't konsepto bilang bungang-isip (panturo sa totoo),
mararanasan niya na ang bawat wika ay may kakayahang turuan siyang tumingin.
Mararanasan din niya na ang bawat wika ay may kakayahang yumaman. Para bagang
natututo pati ang wika. At lumalago ang kakayahan ng wikang magbigay ng udyok
tumingin, kapag ang gumagamit ay sabik maturuan at maudyukan tumingin.
Matutuklasan niya na maaring bastusin ang isang wika, at ang kakayang ng wika na
magturo ay hihina at maglalaho. Pero may malalim na buhay ang bawat wika, at maaring
gisingin ito kung maliksi at alisto ang gumagamit. Kaya't ang paggamit ng isang wika, sa
anumang wika, ay pakikisalamuha sa mga gumamit at gumagamit sa wika, pagkilatis sa
kayamanang iniwan nila sa wika, pagtanggap, pang-ingat, pagsisid sa kalaliman,
pagtampisaw sa kababawan … at tuluyang pagpapatubo sa wika. Sapagkat ang matinong
pag-ibig sa wika ay sanhi ng matinding pagmemeron para sa mga gumagamit at para sa
kanilang kasalamuha.

Kuwentuhan

Nangyari na hindi kami magkasundo ng isang kaibigan. Nag-initan kami. Hindi ko

maalaala kung bakit. Sa isang sandali, `ika niya, "Mabigat na sabihin ito sa iyo. Ayaw ko
sanang sabihin at may utang ako sa iyo, pero sasabihin ko pa rin."

"Anong utang ito? Wala kang utang sa akin."

"Ikaw talaga. Kung makarinig ka ng `utang' wala kang maisip kundi kuwarta. Hindi utang
na kuwarta ang sinasabi ko. Utang na loob! Hindi mo ba alam?"

Noong nag-aaral kami sa seminaryo, nagkataon na lumalangoy kami sa isang ilog na

malakas ang agos sa gitna. Natangay ako ng agos at paglingon ko, napuna kong
hinahabol ako ni X. Malakas siya at mabilis. Umabay siya sa akin. Sabi niya, "Magrelaks
ka lang. Paglapit ko ilagay mo ang dalawa mong kamay sa aking balikat. Wala kang ibang
gagawin." Sinundan ko ang sinabi niya, at sa ilang saglit nasa tabing ilog na kami.

Sa daloy na panahon nagtapos kami sa seminaryo at may mga hindi kanais-nais na

ginawa si X. Madalas siyang pintasan kapag nagkukuwentuhan ang mga nakakakilalala sa
kanya. Sa loob ko alam kong totoo ang kanilang mga ipinipintas sa kanya, pero hindi ako
nakikisali sa istoryahan. At kung may pagkakataon ay ikinekwento ko kung papaano niya
akong inaahon sa mabilis na agos ng ilog noong araw pa. Utang ko sa kanya na ingatan
ang alaala ng kanyang kabutihan.

Tingnan natin ang isang bersyon Iloko ng Mga Gawa. Naaalaala mo iyong sundalo na
guwardiya ng mga presong Kristiyano. Nagkaroon ng lindol sa gabi. Nabuksan ang pinto
ng bilangguan at natanggal ang tanikala ng mga preso. Akala ng guwardiyang nakatakas
na ang lahat ng kanyang sakop at sa kanyang takot mapapakamatay na lamang siya.
Nang makita ito ni Pablo, "Huwag mong sasaktanin ang iyong katawan!" sigaw niya.
"Nandito kaming lahat." Naghanap ng sulo iyong guwardiya at patakbong pumasok sa
kanila't lumuhod na nangininig sa takot sa paanan nina Pablo at Silas. Saka inilabas niya
sila at winika, "Mga Ginoo, ano ang utang kong gawin upang ako'y maligtas?"

Natatanaw yata ng mga sinaunang humubog sa ating mga sari-saring wika na ang abot-
tanaw ng totoo ay tigid sa ugnayan at relasyon. Ugnayan ng pangyayari sa pangyayari,
ng angkan sa angkan, ng kalooban sa kalooban. Naunawaan nila na bukal sa mismong
pagka-sarili ng bawat tao na magkaroon, tumanggap, lumikha ng ugnayang ito.
Tinatanaw nilang sagrado ang ugnayan. Mula sa ugnayang ito lumitaw ang salitang
"utang". Utang ng taong manatiling tapat sa tunay na pakikipagkapuwa sa kinapal, sa
kapuwa-taong nilalang, pakikipagkapuwa sa Maykapal. Alam nila na may tunay at
mapaglikhang pagtupad sa ugnayan, at meron namang huwad at nakakawasak na
pagpanggap tupdin.

Palaging nagtutulungan sina Juan at Pedro. Sabi ni Juan, meron siyang utang na loob kay
Pedro. Sabi ni Pedro, meron siyang utang na loob kay Juan. Walang nakakaalaala kung
sino ang unang nagtulong kanino at walang nag-aabalang makaalaala. Isang dangal ang
magkaroon ng utang na loob sa isang kaibigan. Hindi binabayaran, tinatanaw ang utang
na loob. Tanawin. Ingatan. Alagaan. Bigyang halaga. Ibigin.

Nagsustituto ako sa kura paroko sa isang bayang bulubundukin. Mga ilog na nakabaon sa
pagitan ng matataas na pampang. Matatarik na gilid ng bundok. Dudulas sa putik iyong
dyip. Dumidikit sa iyong pilik-mata ang pinong pinong patak ng ulan.

"Ilang linggo ka ba dito?"

"Tatlo"

"Mag-ingles tayo. O kaya managalog. Magpraktis kami para sa Maynila."

"Huwag na. Sa eskwela ang Ingles. At pagdating mo sa Maynila, tatlong linggo lamang at
magaling ka nang managalog. Magbisaya tayo."

"Hindi ka magaling."

"Tatlong linggo lamang at magaling na ako." Kaya't nagbisaya kami.

Tatlong linggo at oras nang magpaalam. Nagprograma kami. Nagkanta ng ingles iyong
isa, at napansin ko na may pagkukulang sa salita at bigkas. At natauhan ako. Kung
tatlong linggo sana kaming nag-iingles o nananagalog, palagi ko sanang winawasto ang
kanilang salita at bigkas. Ang yabang yabang ko na sana. Baka iniisip ko na ngayon : ako
lamang ang edukado, at taga-bundok silang lahat.

Kakaiba talaga ang nangyari. Tatlong linggo nilang winawasto ang aking salita at bigkas,
pero hindi sila yumayabang. Mapasensiya sila. Tatlong linggo nilang ibinabahagi sa akin
ang kanilang wika: isang espesyal na uri ng pagtingin, ng pakiramdam, ng karunungan.
Ibinibahagi nila ang buong sibilisasyon. Sa boses, sa galaw ng kamay, sa kilos ng
katawan, tinuturuan nila akong magsalita. Sapagkat ang nag-aaral ng bagong wila ay
parang batang nagsisimulang magsalita. At kung siya'y matanda na, muli siyang
natututong matuto. Sa oras ng pagpapaalam nadama kong nagpapaalam ako sa aking
mga guro. At noong inikot ng aking tingin ang mga bundok na pumapaligid, nagalak ako
na kay yaman ng mga bundok.

Sabi ng isa, "Salamat sa iyong pakikibagay sa amin." Pakikibagay. Malalim na salita iyan
sa bisaya. Pakig-angay. Salitang nagmumula sa ugnayan. Loob sa loob, puso sa puso, tao
sa tao.

Huwaran

Tinatawag sa ating pansin ni Joseph de Finance, na nararanasan natin ang abot-tanaw

ng meron bilang totalidad ng meron na iba iba ang tindi sa di-masukat na kalawakan.6 At
sapagkat napakayaman nito, ang bawat kalinangan ay gumagamit ng iba't ibang
huwaran sa kanilang pagsisikap na mabuhay sa isang diwang matino at malusog sa gitna
ng nakakabulagang kayamanan nito. Halimbawa, ginigiit ni Heidegger na ang huwaran
ng kanluran ay ang huwaran ng mga sinaunang Griyego. Mababakasan sa kanilang wika
na ang dating ng meron sa kanila ay physis, ang sanlibutan bilang sangtumutubo.

Ang mundong meron ay tumutubo. At katangian ng tumutubo na magtago at

magpakita.7 Kaya't ang totoo ay ang meron na inakit magpakita, at nakita.

Ang huwaran ng ating kalinangan ay tao bilang malalim, sagrado, mapaglikha at

nakikipagkapuwa sa kapuwa tao at sa Maykapal. Kaya't ang dating sa atin ng meron ay
ugnayan. Ang sanlibutan bilang personal na pakikisalamuha sa atin ng Maykapal. Kaya't
ang totoo ay tao na tapat sa tao, tapat sa ugnayan at sa pakikipagbuklod.

Mababakasan ang paggalang sa kalaliman ng tao, sa iba't ibang paraan, sa kayamanan

ng ating sari-saring wika. "Loob", sabi nila sa Pilipino; "Kabubut-on", sa Cebuano;
"Nakem" naman sa Iloko. Tiyak ako na may katumbas ito sa lahat ng ating mga wika;
bakas ng pagkagulat ng mga sinauna sa kalaliman at hiwaga ng bawat tao. May buong
daigdig ang loob. Masiraan ng loob. Palakasin ang loob. Kalamayin ang loob. Buoin ang
loob. … Sapagkat ang tao ay … sarili, ako … nararanasan natin na may kalooban.
Maaring masiraan ng loob, buoin ang loob, gumalaw sa kagandahang loob, maging
masamang loob, magbalik-loob. Kayang magbayad ng utang na kuwarta (pisikal at
kemikal). Kayang alagaan, pairalin, gawing mapaglikha …. Sa madali't sabi .. tanawin ang
utang na loob.

At sapagkat malalim ang hiwaga ng tao, malalim rin ang kanyang pakikibuklod. Tingnan
ang katagang "kapuwa" na palaging ginagamit. Kapuwa tayong naghihintay sa dentista.
Kapuwa kitang nag-aantabay na bumerde ang ilaw ng trapik. Sa ulan ay kapuwa kitang
nakikisilong. At ang "ka" na tanda ng pakikipagkapuwa sa kapatid, kabayan, kaibigan,
kasintahan, katoto, kasama, kababata, katrabaho, kainuman, kaaway…

Mababakasan iyang lahat, at higit pa riyan sa ating samo't saring wika. At lahat niyan ay
potensyal. Maari nating buhayin, likhain muli. Maari nating gawing bahagi ng mga hindi
inaakalang kombinasyon. Halimbawa, baka magawa natin ang hindi pa nagagawa:
maglikha ng kalinangan na personal at makatao, at sabay, teknikal. Teknolohiya dahil sa
tao; at huwag baliktad.

Pero sa buhay pang-araw-araw ngayon ay madalas ituring na makaluma at katawa-tawa

ang mga katagang gaya ng "loob", "pakikipagkapuwa", at iba pa. At ang metodo ng
maraming manunuri ay iuwi ang kalinangan sa makikisig na konseptong nakasara at iuwi
sa mga kasong matatalakay sa metodo ng pagsukat. Ang potensyal, paglipad, paglikha,
ang hindi inaakala ay nawawala.

Mungkahi Ukol sa Potensyal

Sa panahon na gagala-gala sa kadiliman ang mga kalinangan, mabuting alalahanin ang

kasabihang Intsik, "Lalong mabuting magsindi ng isang kandila kaysa sumpain ang dilim."

Ito ang aking kandila: Magpakaalisto sa buhay pang-araw-araw sa potensyal ng kalooban

at ugnayan; buhayin ito, ulitin at sariwain. Mag-imbento ng bagong istilo ng pananatiling
tapat sa halaga at hiwaga ng kalooban at ugnayan. Sapagkat bahagi tayo ng
sangkatauhan. At ang malubhang pangangailangan ng buong sangkatauhan ay gawin
ang hindi pa nagagawa: maglikha ng kalinangang personal at makatao, sabay teknikal.
Teknolohiya dahil sa tao; at huwag baliktad.

Sa Huli

At sa katapusan matatapos na rin ang librong hindi matapos-tapos. Sinusulat ang mga
talatang ito sa isang bahay sa isang baranggay na ang salita ay Iloko. Dito ko sinimulan
ang librong ito …ngayon ang huling araw ng 1990. Ang malaking bahagi ng librong ito ay
dito ko rin isinulat. Sa bolpen at papel muna. Nasa Maynila ang kompyuter.

Maraming salamat sa mababait na kaibigang nakatira dito. May katahimikan dito.

Mayayapakan mo ang lupa at mararamdaman mo ang sinaunang bisa ng planeta.
Matitingala mo ang langit at mararamdaman mo ang bagsak ng enerhiya mula sa buong
sansinukob.

Napapaligiran kami ng palayan. Matagal nang natapos ang paggapas. Nabilang na ang
ani. Lumalapit na ang hating gabi at nagsisimula nang magputukan ang mga babati sa
bagong taon. Maliwanag ang buwan at maaaninagan mo ang mga dahon ng monggo at
mais na nakatanim ngayon sa kabukiran. Ngunit aangkinin ko pa rin ang ilang talatang
isinulat ng isang pari, meron na higit sa isang daang taon:

At wiwikain ko ay mapalad ako

Ang kahalimbawa ko ay nagsabog ng binhi;
Tinamaan ko ay ang mabuting lupa.
At sa kinakamtan kong tuwa
Ang nakakaparis ko
Ay isang magsasakang kumita ng aliw
Uupo sa isang pilapil
Nanood ng kanyang halaman
At sa kanyang palayan na parang inaalon sa hirap ng hangin,
At sa bungang hinog na butil na gintong nagbitin ng uhay
Ay kumita ng saya
Munti ang pagod ko, munti ang puyat ko;
At palibhasa ay kapos sa lakas na sukat pagkunan
Ngunit ang pakinabang ko sa pagod at puyat
Ay naibayuhan.8

At ikaw, mambabasa, naririyan ka pa ba? Sa iyo rin,

salamat.
Urdaneta Bactad Proper
Urdaneta, Pangasinan
31 Disyembre 1990

Endnotes:

1
Hinango ko ang mga paksa sa notang ito mula sa aking mga
personal na nota sa Pilosopiya na pasingit-singit kong sinulat sa daloy ng
mabagsik na pangangailangan, sa libro ni P. Roque J. Ferriols, S.J.
na Pambungad sa Metapisika at Pilosopiya ng Relihiyon, at sa
impluwensiya ni Sto. Tomas de Aquino, at mga gabay-sulatin ni Richard
Taylor sa isang sulatingMetapisika.

Sidhay: isang lumang kataga upang isalin ang salitang cell,

2

isang batayang biolohikal na bahagi o elemento ng buhay. Ang

salitang sidhay ay nagmumula sa dalawang salita na silid at buhay, isang
silid ngunit may buhay sa kanyang sarili.

3 Madalas itong tinatalakay sa pamimilosopiya. Ibig sabihin ng pinakamabuting alam ay ang aking
abot-tanaw, isang kaalaman na patuloy pinapatubo sa buong buhay, isang kaalaman na hindi nakasara kundi
nakabukas sa posibilidad ng mas malawak pa na abot-tanaw ng meron. Kaya hindi isang matigas na konsepto
ang ibig sabihin ng "pinakamabuting alam", kundi parang binhi na kapag patuloy na dinidiligan at inaalagaan,
maaring tumubo at mamunga, humantong sa mga posibilidad na hindi inaakala.

4 Tingnan ang libro ni Roque J. Ferriols, Pambungad sa Metapisika (Quezon City: Ateneo de Manila
University), 152 - 153. Ang pagbabahagi o participatio ay laging ayon sa proportio. Ibig nitong sabihin, ang
pagbabahagi ng meron mula sa Mismong Meron sa mga nagmemeron ay ayon laging sa nararapat. Lahat ng
nagmemeron, galing ang kanilang meron sa Mismong Meron, kaya magkakahawig ang lahat. Lahat ng
nagmemeron, tinatanggap nila ang kanilang meron mula sa Mismong Meron, ayon sa nababagay, kaya ibang iba
rin ang bawat isa. Hawig sabay iba: analogia.

5 Roque J. Ferriols, S.J., Pambungad sa Metapisika (Quezon City: Ateneo de Manila University, 1991), 235
- 241.

6 Joseph de Finance, S.J. Isang pilosopo na maraming librong sinulat. Pero ang tinutukoy ko rito ay
galing sa ilang mga nota sa ontolohiya na nabasa ko noong araw sa microfilm. Balita ko na iyong mga notang
iyon ay unang balangkas pala para sa isang libro.

7 Tingnan ang katagang batayan na Aletheia sa libro ni Fr. Roque J. Ferriols, S.J., Mga Sinaunang
Griyego (Quezon City: Ateneo de Manila University, 1992).

8 Modesto de Castro, Urbana at Felisa (Manila: J. Martinez, 1902), 9.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003
Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

EX ORDINE AT MISMONG MERON

Hango mula sa mga nota sa klase ni Fr. Roque J. Ferriols, SJ
Bong S. Eliab
Dibisyon ng Pilosopiya
Pamantasan ng Ateneo de Davao

Ang Maayos

May mga panahon na nakikita natin ang pagkamaayos sa ating paligid. Mababakasan itong pagmumulat
natin sa maayos sa mga salitang: "Maayos ang ginawa mong papel" o "maayos ang buhok ni Laarni."
Nagpapakita ang maayos bilang kahanga-hanga at maganda. May mga sandali ring nakikita natin ang
pagkamaayos bilang paghanga sa kakayahan ng tao sa pakikipag-ugnayan at pakikibagay: "ayos ka
talaga, pare." Ngunit hindi nito ibig sabihin na "ayos ka talaga" kapag marunong kang makibagay sa
akin, kundi isang malalim na pagkaunawa sa tao na nakikita nilang may kaayusan sa pagitan ng tao sa
tao na dapat galangin.

Kaya ang pagbigkas ng maayos, pagkilala at pag-amin sa maayos. Araw-araw mababakasan natin sa
ating malay-tao ang ating pagkamulat sa kaayusan. Kaya mapanatag ang ating loob na umakyat sa
hagdanan ng ating tahanan sapagkat mulat tayo na may pagkamaayos ang ating tahanan. Hindi
kailangan mabagabag. Mulat tayong mapanatag at mapayapa tayo sapagkat walang sakit ang ating
katawan. Maayos ang ating katawan. Ngunit minsan, nababakasan din natin ang kaayusan na lampas sa
katawan. May maayos na katawan ang taong may maayos na sarili. Kapag maraming problema ang
sarili, unti-unti ring hindi naging maayos ang katawan. Kapag nasisiraan ng loob ang tao, maari ring
masira ang kanyang katawan.
Pagtataka Ukol sa Kaayusan

Noong natuto akong magbasa ng orasan, binigyan ako ng isang relos ng tatay ko. Sabi niya, "bigay ito
ng matalik kong kaibigang Malayhabang nag-aaral kami ng lingwistika sa isang bayan ng Singapore."
Iyon ay naging alaala ng tatay ko sa akin, alaala ng kaibigan niya sa kanya -- may nangyayari ring
kaayusan sa pagitan ng tao-sa-tao, at madalas may mga bagay na nagpapaala-ala sa ibang klaseng
kaayusang nalikha at nililikha sa daloy ng taon.

Noong kuwan, pinagtakhan ko ang relos. Alam kong merong kaayusan na nangyayari sa relos, ngunit
hindi ko alam kung ano at paano. Alam kung meron. Hindi ko alam kung ano. Nararanasan ko sa
musmos kong isip ang sinaunang pagmumulat sa kaayusan. Naaninagan ang pagkamaayos ng relos …
ngunit nagtataka pa rin kung anong klaseng kaayusan, paano umiikot ng maayos: na ang isang ikot ng
maliit na kamay, isang pitik sa mahabang kamay; isang ikot naman ng mahabang kamay ay isang oras.
Dala ng matinding pagnanais malaman ang kaayusan naroroon na, ang kaayusang hindi ko pa rin
masakyan-sakyan, binuksan ko isang araw ang relos. Mula noon, hindi na umandar ang relos. Pinagalitan
ako ng tatay. May nasirang kaayusan.

Kaayusang Nararanasan

Isa pang landas na maaring pagmunihan mula sa pamimilosopiya ni Sto. Tomas de Aquino, ang landas
ng ex ordine.1 Ito ang isang malalim na pagmumuni-muni at pagmumulat sa meron bilang maayos. Mula
dito, maaring mamulat tayo sa liwanag ng matinong pag-uunawang laging kumakagat sa meron, na ang
pag-uunawa at pagkilala ng pagkamaayos na ating nararanasan araw-araw. Na ang mismong pagdanas
sa kaayusan, isang pagdanas sa presensiya ng Maykapal2na taga-ayos ng lahat.

Meron tayong kakayahang matauhan sa kaayusan na nangyayari sa lahat na nagmemeron. Paksa 3 ang
kaayusan na nagpapakita sa iba't ibang paraan, ngunit isa lamang ang pinapahiwatig: merong isang
kaayusan na tumatalab sa lahat, at ang kaayusan na naroroon sa lahat. Mas maganda yatang tawagin
natin sa katagang sangkaayusan: isang kaayusan na naroroon sa lahat. May nababakasang kaayusan na
hindi lubusang nauunawaan. Kahit hindi natin alam o lubusang malaman, alam pa rin nating meron.
Halimbawa sa nagpapakitang kaayusang katutubo ay kaayusang nasa daigdig: taglagas, tag-init,
taglamig, tag-ulan. Ang kaayusang sinusunod ng mga planeta habang umiikot sa araw, atbp.

Maayos na tumutubo ang tanim, maayos na umaalon ang dagat, maayos na pumapatak ang ulan,
maayos na lumilipad ang dahon patungo sa lupa. Mararanasan natin na merong sinaunang kaayusan,
isang kaayusang nakatago sa kalikasan. Minsan itong nakatagong kaayusan ay madalas nararanasan sa
paraan na may anyong nagkakasalungatan, ngunit nandodoon pa rin ang kaayusan. Nakatago, at minsan
nagpapakita at nagpapahiwatig na hindi palaging masinop ngunit hindi kailanman malalaman ng tao ang
buod ng kaayusan ito. Pero, nakukuha at nasasakyan rin minsan ng tao, umaapaw at kanyang
nauunawaan itong pag-apaw ng kaayusan.

Hindi ang matematikong kaayusan o siyentipikong kaayusan ang tinutukoy dito. Bago pa natuklasan ng
matematika o ng agham, nandoroon na ang kaayusan, gagamitin natin ang salitang Latin: ordo4 upang
ipahiwatig ang kaayusang likas na andodoon na, meron na, na hindi inimbento o nilikha ng tao. Bago pa
gumawa ang tao ng maka-tulang larawan, o maka-matematikong teorya, o pilosopikong abot-tanaw ukol
sa sanglibutan, meron nang pagmumulat ang tao sa sanglibutan bilang maayos. Makikita natin itong
pagmumulat na ito sa kanyang pagtataka, sa pagtatanong, at paghahanap ng kaayusan. Alam niyang
merong kaayusan, ngunit sabay hindi niya alam kung ano itong kaayusang ito. Kaya tuluyan siyang
naghahagilap at nagtatanong, walang hanggang pagtatanong. Sa kanyang kaloob-looban, alam niyang
meron kaya hinahanap niya.
Nagmumula ang kaayusang ito sa isang pag-uunawa na: maayos kaya meron, maayos kaya nangyayari.
Alam nating pag wala, walang kaayusan, at walang wala talaga. Hindi ito ang tinutukoy ni John
Wisdom5 na kaayusan na nagmumula sa isang maka-agham at maka-matematikong kaayusan. Ang
ganoong kaayusan ay hindi inaamin ang kaayusang lampas sa instrumento ng agham at sistema ng
matematika na merong malinaw at tumpak na mga konsepto.

Kuwentuhan at iba pa

Halimbawa ng kaayusang hindi nakabatay sa maka-sistemang malinaw at tumpak: ang palengke ng

Bangkerohan. Merong nagtitinda ng bagoong dito, tinapa doon, sibuyas diyan, kamatis sa malayo pa
doon. Nagsisigawan, naghihiyawan, minsan nagkakatuwaan pa kung sino ang malakas. Marami yatang
gustong bumili. Sa isang nag-iisip sa idea clara et distincta,6 makikita niya ito bilang magulo. Ngunit,
maayos na maayos, nangyayari sapagkat maayos. Nagkakaintindihan ang bumibili at nagtitinda,
nagtatawaran, nag-aangkopan, nakikibagay, alisto, atbp. Samakatuwid, nagkakaunawaan, maayos. Kahit
ang "dating" ng palengke ay hindi maayos, may pagkamaayos sa hindi "pagkamaayos" kaya nangyayari.

Kaayusang nagpapakita bilang di-maayos

Minsan, merong sikoanalistang dalubhasa sa Ateneo, si Padre X. Kilala siya sa hipnotismo at mga
karanasang lampas sa makataong larangan (duwende, aswang, tiyanak). Ayon sa kaibigan kong pari,
pag pumasok daw siya sa kuwarto at opisina ni Padre X, magulo, maraming kalat, papel dito, libro doon,
may mga kung anu-anong mga nakakatakot na hindi lubusang maunawaang mga larawan sa dingding.
Noong kuwan, tinanong niya si Padre X kung saan ang ganitong libro na kailangan niyang hiramin.
Tumayo lang daw siya at mula sa isang sulok, kinuha ang libro, pinagpag, at ibinigay sa kanya. Maayos
ang kuwarto ni Padre X, kahit parang "hindi maayos", sapagkat alam niya kung saan ang kanyang mga
gamit sa loob ng kuwarto. Maayos na maayos, sapagkat mulat siya kung saan nakalagay ang bawat
isang kuwan sa opisina niya.

Kaayusang Hindi Masakyan-sakyan: Agaw-dilim

Minsan ang pagsasabing "magulo" at "hindi maayos" ay hindi talaga magulo ang ating tinutukoy. Ang ibig
nating sabihin, hindi ko nauunawaan kaya sinasabi kong magulo, o hindi ko nasasakyan ang kaayusan
kaya sinasabi kong magulo. Sa totoo lamang, hindi magulo, maayos na maayos, kaya nangyayari. Hindi
ko lamang lubusang nauunawaan at nasasabayan ang nagpapakitang kaayusan. Kadalasan, hindi ako
alisto sa kaayusang katutubo na nasa meron. Kaya, hindi batayan ang aking pag-uunawa kung ano ang
kaayusan, sapagkat kadalasan ang kaayusang ito ay lampas sa aking pag-uunawa, at baka lapastanganin
ko pa ang kaayusang nagpapakita sa pagsasabing "magulo, at walang kaayusan sa daigdig" sapagkat
hindi ko kayang maunawaan.

Kahit hindi kayang maunawaan ng tao ang buong sangkaayusan, meron pa rin siyang sinaunang
pagmumulat sa kaayusan na nasa meron. Ang pag-aaninag sa kaayusang ito, ay hindi ayon sa mga kaso
ng istadistika o sa pagkamasinop ng lohika (hal. hardin ni John Wisdom) kundi nasa buod mismo ng
pagsisikap ng taong matauhan sa kaayusang tumatalab at nagpapatalab sa kanyang pag-uunawa.
Panatag ang pagtanggap ng tao sa kaayusang tumatalab sa kanya, na bahagi rin ng kaayusang ito na
kahimanwari unawain ng tao itong nagpapakitang kaayusan. Tao lamang ang mulat at nakakaunawa sa
kaayusang nararanasan ng lahat. Ngunit isang pag-uunawa na mapakumbaba dahil ang kaayusang
kanyang nasasakyan, nakukuha at nauunawaan, kaayusang hindi pa sapat, ngunit alam niyang meron pa
ring kaayusan kahit hindi sapat ang kanyang alam. Alam-di-alam, kaayusan bilang isang tanong pa rin sa
tao. Isang hiwaga itong hiwagang bumabalot sa pagmemeron ng tao, at nasa loob at bahagi ang tao ng
kaayusang ito.
Kaayusang Pisikal at Moral

Maaring ipahiwatig ang kaayusang pisikal sa praseng "may lugar ang bawat isa". May hangganan at
limitado ang kaayusang maka-lupa sapagkat kaayusang nasa loob ng saan at kailan. Ibig sabihin na ang
limitadong kaayusan ay may pagkakailangang ayusin, buoin pa. Tawag sa tao, palibhasa tao ang
nakakaunawa ng karupukang ito, na ayusin, pabutihin pa, ang kaayusang kanyang nararanasan.

Laganap ang kaayusan na nakabatay sa "relos ni Newton" at kay Euklides. Tinitingnan lamang ng
ganitong kaayusan ang nasa larangan ng matematika, ang larangan ng masusukat. Ngunit ang buong
karanasan ay: na may mga masusukat at may hindi masusukat. Kahit na ang mga bagay na hindi
masusukat ay may pagkamaayos pa rin. Kaya dapat manindigan ngayon pa lamang na isang
pagpapakitid sa kahulugan ng kaayusan ang pagsasabing ang kaayusan ay nakabatay sa konsepto ni
Newton at Euklides.

Kaayusang Maka-agham7

Laganap rin ang kaayusan na nakabatay sa agham. Merong kaayusang natutuklasan ng agham sa
pamamagitan ng mga siyentipikong instrumento nito. Maging mulat tayo sapagkat nakabatay pa rin ito
sa matematika, mga sinukat na data na "ibinigay" ng kalikasan, ng meron. ( data, salitang Latin na ang
ibig sabihin: `ang ibinibigay' o `ang ipinapabasa') Sa madali't sabi, "ayon sa napagmasdan". Tandaan
ang mga katagang iyan. Ngunit may pagka-delikado ang paggalaw sa maka-agham na kaayusang ito,
sapagkat hindi nakikita ng instrumento at aparato ng agham ang buong kaayusan, laging ayon lamang
sa "ibinigay" o "ipinapabasa". Laging nanatili ang agham sa kaayusang pisikal na maaring pagmasdan at
basahin ng mga aparato.

Ngunit ang kaayusang pisikal ay bahagi lamang ng kabuoang kaayusan. Kahit na ang kaayusan ng
agham, bahagi at sakop ng kabuoang kaayusang ito na siyang nag-uugnay sa lahat. Kaya humantong
tayo sa isang pagmumulat na merong isang kaayusang sumasakop at sumasaklaw sa lahat na kaayusan
na merong iba ibang sistema, axioma, at sukat. Na sa bawat kilos, kailangan ang pagka-alisto na merong
kaayusang nandodoon na baka makaligtaang aminin at angkinin. Habang ang isang tao na gumagalaw
sa loob ng kaayusang maka-agham, halimbawa ang siyentista, gumagalaw rin siya sa meron, sa
kaayusan ng buong sangkameronan. Kaya kahit nasa loob ng kaayusang agham, kailangan mulat na
sabay gumagalaw rin siya sa larangan ng moralidad. Kailangang may paggamit ng agham na may
responsibilidad sa lahat, sa buong sangkaayusan, bahagi na doon ang kapuwa tao.

Nagtutuklas ang siyestista ng kaayusang atomo, mga kaayusang pisika . . . at nakahantong halimbawa
sa pagtuklas ng kakayahan at malakas na enerhya mula sa atomo (enerhiyang atomiko), na bahagi na ng
kaayusan ng mga atomo ang magkaroon ng enerhya. Ngunit kahit nasa loob ang siyentista ng kaayusan
ng agham, kaya pa rin niyang mamulatan na merong kaayusang lampas pa sa kanyang natuklasang
kaayusan. Samakatuwid kailangan ang pag-iingat sa paggamit ng agham. Hinihingi na tingnan ang
paggamit nito sa maka-etikang pananaw, na merong tawag ng moralidad, tawag ng kabutihan. Kayang
makita ng tao (hindi ng agham) na nakakasira sa kapuwa, sa sarili, sa buhay ang bomba atomika. At
kapag may kasamaang mangyari, sangkot ang lahat, ang buong sangkaayusan. Ang bawat gawaing tao
ay laging gumagalaw sa larangan ng buong sangkaayusan. Kailangang bigyang pansin na habang
gumagalaw ako sa larangan ng pisikal na kaayusan, may nakasangkot na moral na kaayusan: sangkot
lagi ang buong sangkaayusan sa bawat nangyayari, aminin ko man o hindi.

Kaya ang pisikal na kaayusan at kaayusang moral, iba sa bawat isa ngunit hindi mahihiwalay, sapagkat
kasangkot sa bawat pisikal na pagkilos ng tao ang tawag ng moralidad at kabutihan. Moral na kaayusan
ang nasa larangan ng pagkamaayos sa pagitan ng tao sa tao. Samakatuwid ang buong sangkaayusan,
aminin man ng tao o hindi, laging natatablan ng bawat pagpapasya at gawain ng tao sapagkat nasa loob
at bahagi ang tao ng kaayusang ito.

Moralidad: Kaayusan sa Pagitan ng Tao

Kapag pinag-usapan ang mabuti, may nakikita rin ang tao na kaayusan kung ano ang mabuti sa pagitan
ng mga tao, sa ugnayan ng mga tao. Hindi lamang ang mabuti "para sa akin", kaya rin ng bawat isa na
makita ang talagang mabuti kung bukas ang isip sa kabutihan. Ang taong bukas sa meron, laging
nakakaunawa ng mabuti at dapat sa meron. Alam niya. Ngunit laging bigyan ng puwang lagi ang di-pa-
alam. Kaya nga "Hindi ko alam lahat, ngunit alam kong hindi dapat magsinungalin." O "hindi ko alam ang
pamamahala sa gobyerno, ngunit alam kung hindi mabuti ang mangurakot."

Mabuti: alam-di-alam

Mahalagang mamulat ang mambabasa na ang kaayusang moral ay hindi isang malinaw na pormula na
"ito ang mabuti, kaya lahat na mula dito ay mabuti." Iyan ay pagpapataw sa halip na tulungan tayong
makita ang mabuti. Noong makita ako ng isang doktor, sinabi niya na "mabuti ang kumain nang kumain
upang lumaki ka." Ngunit kung gagawin ko itong pormula, hindi na ako mag-iisip pa at tanggapin ang
kanyang sinabi: "Ah, mabuti pala ang kumain nang kumain." At kapag nakapormula, maaring gamitin ito
sa iba't ibang kaso, kahit saan, kahit kailan na "mabuti ang kumain." Ganyan ang otomatik na pag-iisip,
na hindi naman talaga pag-iisip. Sa isang taong alisto makikita niyang ang ganyang pag-iisip ay mahina
sapagkat hindi alisto sa pangyayari, sa meron … "masama ang kumain sa isang kaoopera lamang ang
bituka."

Kaya, oo nga, mabuti ang kumain, ngunit maging alisto. Kaya hinihingi ko sa mambabasa ang ganitong
uring atitud na habang nakikita natin ang mabuti, oo nga, tunay na mabuti, ngunit kailangan mag-isip pa
rin at maging alisto. Hindi ito lugar na kapag nakita na natin ang mabuti, ito na talaga at tiyak na tayong
ito ang mabuti. Kailangan ang isang atitud na alam-sabay-di-alam.

Ang Dapat at Mabuti: Tawag

Ito yata ang misteryo ng kabutihan na gumagalaw sa tao sa bawat kanyang kilos, may kaayusang likas
at katutubo nandodoon na hindi nilikha ng tao. May dapat na naroroon na sa bawat pangyayari,
kailangan lamang maging alisto ang tao na hanapin ito at unawain, galangin.

Ngunit may mga taong hindi nila naaninagan itong ex ordine bilang paksa na naroon sa lahat, halimbawa
sa mga nagsasabing: "walang kaayusan ang mundo dahil masama". Ngunit may kabutihang nangyayari,
pero maaring hindi ko lamang nakikita, o kaya sapagkat meron akong katamarang gumawa ng mabuti, o
kasipagan sa paggawa ng masama. Kahit katiting na kabutihan, may pagka-kailangan pa ring gawin. At
ninanais ng tao ang kabutihan, nababagabag naman siya kapag hindi niya ito natutupad.

Sa bawat sandali ng pagmemeron ng tao, nakikita niya ang mabuti at dapat. Maaring habang nakasakay
sa dyip, nakikita ng tao na dapat at mabuti siyang magbayad ng pamasahe. O na dapat at mabuti siyang
magdahan kung magmamaneho baka may mabangga siyang tumatawid na tao. Samakatuwid, sa bawat
kalagayan, may dapat at mabuti na naroroon -- at tinatawag ang tao na tupdin ito. May iba't ibang antas
rin ng dapat at mabuti, may mga kailangan agad tugunan, gawin at tupdin. Maari ring ipagpaliban muna
ang iba. Kaya para bagang hangin na nilalanghap ng tao ang dapat at mabuti.

May mga sandali rin na hindi nakikita ng tao ang dapat at mabuti. Maaring nagbubulag-bulagan ang tao,
o naging mahina ang pagka-alisto ng tao sa dapat, o nagpakamanhid ang tao. At madalas ang
pagpapakamanhid ay sanhi ng paghina ng kanyang pagmemeron, maaring dala ng sakit at pagod sa
buhay, dala ng krisis o problema. Ngunit nanatili ang dapat at mabuti, ang tawag ay naroroon pa rin
kahit hindi pinapansin ng tao. Hindi nawawasak ang dapat at mabuti kapag hindi tinutugunan ng tao,
sapagkat ang tawag ng dapat ay hindi nakabatay sa tao, kundi sa meron.

Magkape muna tayo sandali ….

Huminto tayo muna sandali upang tingnan na ang ating tinunguhan, at saan na ba tayo tumutungo.
Nagsimula tayo sa isang pagmumulat sa sinaunang kaayusang naaninagan ng tao sa kanyang
kapaligiran. Alam ng tao na merong kaayusan, ngunit hindi niya ito lubusang masakyan, ngunit
nagsisikap pa rin siyang unawain, galangin, at tablan itong katutubong kaayusan ng meron. Ang
mismong kaayusan ay meron. Meron bilang maayos. Kung wala, hindi na natin matatanong at
maunawaan kung maayos, sapagkat walang kaayusan. Wala, at wala talagang kaayusan sa wala.

Ang tunay at totoong kaayusan ay ang kaayusang gumagalaw sa meron. At ang kaayusang hindi
gumagalaw sa meron, walang kahulugan, palibhasa wala, hindi meron. Samakatuwid, alam natin ang
kahulugan sapagkat maayos, maayos kaya may kahulugan, may kahulugan sapagkat meron, at meron
kaya maayos. Walang daigdig kung walang kaayusan. Bakit kaya nangyayari iyon o iyan? Kung walang
nangyayari, wala ring kaayusan. Kaya lumalabas na walang kaayusan sa wala. Hindi talaga ang maayos
ang wala. At ang mismong wala ay wala talagang kaayusan.

Kahit aninag minsan ang kapit natin sa kahulugan at kaayusan, ang ating pag-uunawa at pagharap sa
meron, tunay at mahalaga pa ring pag-aninag - isang makataong pagsisikap mula sa kanyang tapat na
pagsusubaybay sa katotohanan. Ngayon, bakit may mga bagay na hindi maayos? Hindi sila wala. Meron
sila, ngunit hindi maayos. Maaring hindi lamang nasakyan ng pag-uunawa ang kaayusan na nangyayari,
kaya ang dating sa kanyang pag-uunawa ay hindi maayos. Ngunit kapag nagsimula nang mamulat siya
sa unti-unting nagpapakitang kaayusan -- nagsisimula na rin ang pagkilala. Ngunit naroon na sa
sinaunang pagmumulat ng tao ang kaayusan na ito, "nasa pondo na ng kawalang malay."8

Merong kaayusang pisikal at moral. Ngunit sa bawat pisikal na kaayusan, nakasangkot ang moral na
kaayusan: sapagkat ang bawat isa ay bahagi ng sangkaayusang nagpapakita at sumasakop o
"namamahala", umaayos sa lahat ng kaayusan na minsan, nararanasan ng tao bilang hindi maayos at
nagsasalangutan. Pati ang mismong tao, ang kanyang meron, pati ang kapuwa tao, at lahat ng di-tao
gumagalaw sa loob ng kaayusang ito.

Kaayusan at Tindi ng Pagmemeron

Kung ang bawat isang nagmemeron ay meron nang kaayusan na nasa kanyang sarili, ibig nitong sabihin
na kapag meron, laging maayos. Itong pagmumulat sa kaayusan ay isang pagmumulat rin sa kaayusang
sinauna, isang kaayusan na hindi nilikha ng tao, ngunit namumulatang gumagalaw sa meron. Sa buong
sangkameronan, maananinagan ang iba't ibang antas ng pagmemeron. Iba-ibang antas ng paglaban sa
wala. Iba-ibang istilo ng pagtirik ng sarili sa meron. Masasalamin rin ang iba't ibang antas ng
pagkamaayos.

Mula sa ating namulatan sa itaas, kung humihina samakatuwid ang pagmemeron, humihina rin ang
pagkamaayos. Unti-unti pumapasok ang wala, ang pagka-hindi-maayos sa meron, sa kaayusan. Para
bagang apoy na unti-unting kinakain ang meron. At kapag nagtagumpay ang wala, nawawala rin ang
kaayusan.

Makikita natin at nauunawaan na ang pinakamatindi sa lahat na nagmemeron ay ang tao. Siya lamang
ang may pagmumulat. Nakakamulat siya at nauuwaan niya ang kaayusan na nangyayari sa kanyang
paligid. Nararanasan niya at nararamdaman ang kaayusang tumatalab sa bawat isang pagmemeron.
Sabay ng kanyang pag-uunawa at pagdanas sa kaayusan, nasasakyan rin niya ang kaayusan. Kaya ang
pagbigkas ng kaayusan ay isang pag-apirma sa meron, isang pag-amin sa meron. At ang pag-amin na ito
ay isa ring pagtuklas ng tao sa meron.

Sapagkat siya ang nakakaunawa sa kaayusan, kaya rin niyang mag-ayos ayon sa nakikitang niyang
kaayusan. Kaya niyang ayusin ang kanyang bayan at lipunan ayon sa nauunawaan niyang kaayusan. May
nakikita siyang dapat ganito at hindi dapat ganyan. Na dapat gumawa ng mabuti at hindi dapat gumawa
ng masama, na dapat makipagkapuwa tao at hindi baligtad. Madalas nararanasan ng tao na tumatalab
sa kanyang kaloob-looban ang kaayusan. Ang paggalang sa kaayusan ito ay paggalang na rin sa dapat.
Samakatuwid, ang tao ang matinding nagmemeron sa lahat ng nilikha sapagkat siya ang nakakaunawa
sa kaayusan. Kaya rin niyang mag-ayos, ayusin ang kanyang sarili mula sa kanyang pagkadapa sa buhay,
kaya niyang tumayo kung natumba siya sa putikan. Sapagkat may nakikita siyang kaayusan, may
nakikita siyang dapat.

Saan at Kailan

Ang kaayusang nakikita at nararanasan ay kaayusang merong saan at kailan. Gumagalaw ang lahat na
nagmemeron sa loob ng saan at kailan, kaya ang kanilang pagka-maayos ay nasa loob rin ng panahon at
kalawakan. May karupukan tumatalab sa kaayusang nararanasan natin, kaya minsan hindi kaya ng isang
nilalang o nilikha na ayusin ang kanyang sarili. Ang pagmumulat sa ating kaayusang marupok ay pag-
amin sa ating hangganan.

Sa kabilang banda, hindi rin ito ang lugar upang sabihin nating "samakatuwid marupok ang tao, kaya
nabubuhay siya sa kadiliman at lubusang kalungkutan." Ang mismong pagdanas sa kaayusan ay
pagdanas rin sa kaayusang nagpapakita sa iba't ibang paraan, ngunit ang bawat pagdanas ay bahagi
lamang ng tunay na kaayusan. Nasusulyapan pa rin mula sa malayo ang isang kaayusang ganap na
ganap, hindi marupok. Kaya kailangan ang kaayusang ganap na ganap ay nasa labas ng saan at kailan,
siya ang mismong Meron na lampas sa lahat na nagmemeron, lampas sa lahat ng kaayusan.

Pagbigkas ng Kaayusan, Kahulugan, Meron

Sabay sa pagdanas sa kaayusan, nararanasan rin ng tao ang kahulugan. Ang pagkilala sa kaayusan ay
isa ring pagtalab sa kahulugan. Bawat meron, may kaayusan, bawat kaayusan may kahulugan. Ngunit
kagat lagi ang pagtalab ng pag-uunawa, isang bahagi lamang lagi ang nararanasan. Isang pagbigkas
lamang ang kanyang ginagawa lagi. Ngunit kailangan bigkasin na meron, kailangang bigkasin ang meron.

Ukol sa bigkas9

Ang unang paggamit ng "bigkas" ay upang itukoy ang tamang paggalaw ng dila at labi at mga bahagi ng
bibig upang lumabas ang malinaw na huni ng salita. Kaya't masasabi natin na mahirap bigkasin ang
Pranses o na malinaw bumigkas ang isang artista. At masasabi ng isang direktor o ng isang guro sa
pananalumpati: "Buksan mo ang iyong bibig. Galawin mo ang iyong mga panga. Bumigkas ka ng
malinaw."

Mula sa ganyang paggamit, isang maikling hakbang kung gagamitin ang "bigkas" sa pagtukoy sa isang
matunog na pananalumpati o isang pasigaw na pagbibigay alam. "Nagbigkasan sila ng mga saknong
ng Florante at Laura." "Nagsitakbuhan ang mga tao sa lansangan. "Bulkan! Bulkan!', bigkas nila.

Kung minsan naman, ginagamit ang "bigkas" upang itukoy ang pag-ulit ng salita na galing sa ibang tao o
sa isang libro. "Ang lahat ng sinabi mo, binigkas niya sa amin." O "Aba bumibigkas ka pa ng bibliya, ah."
Maari din namang mangyari na ang taong bumibigkas ay nagbibitiw ng salita na may kapangyarihang
gumawa at magbago, o kung minsan naman, manira. "Noong binigkas ni Pedro ang kanyang pag-ibig,
naging buo ang daigdig ni Petra." O "Huwag kang bibigkas ng sumpa, iya'y makakawasak sa ating
angkan."

Bigkasin ang meron

Ugali ng mga namimilosopiya na bumuo ng bagong salita, dala ng pangangailangan ng ugyok ng pag-
iisip. Ngunit madalas, hindi sila nag-iimbento ng bagong huni, kundi kumukuha ng dati at kilalang huni at
ginagamit ito sa bagong paraan.10 At ang bagong paraan ay may kaugnayan sa mga nakaugalian nang
paraan, ngunit iba pa rin. At iba sapagkat iyan ang hinihingi ng pag-uunawa.

…. Pinagmasdan natin ang kagandahan ng mga purong konsepto, mga purong

idea11 [sa categoricus imperativus ni Immanuel Kant] --- mga idea na may nilalaman at napapaligiran ng
mga …. malilinaw na hangganan. Sa ganyang pagmamasid, ang nag-iisip ay may poder sa mga konsepto
[at idea]. Maari niyang limutin ang pinanggalingan ng konsepto; makakaimbento siya ng bago;
mapaglalaruan niya; maayos niya ayon sa anumang hilig niya. Hari siya ng kanyang kaharian.

Sa tanong na "meron ba?"12 nakasalalay ang panganib ng kaharian. Ang tumatanggi sa tanong ay
nagkukulong sa kanyang kaharian;13ginagawa niyang bilangguan. Ngunit kung harapin niya ang tanong
at tutugon sa buo niyang abot kaya, makikita niya na huwad pala ang inaakala niyang kaharian. At
matatauhan siya na may bago palang nangyayari sa kalooban niya …. Ganyan ang bagong nangyayari sa
loob natin noong isinilang natin ang salitang "bigkasin ang meron" bilang bagong salita na kasama at
katumbas at nakikipagtalaban sa kilos ng diwa, kilos na mapaglikha.

Itong kilos na ito ay paggalaw sa loob ng meron at isang kilos na siksik sa katangian at hindi lubusang
masabi-sabi, ngunit maaring isa-isahin sa isip. Alalahanin lamang na ito ng pag-iisa-isa ay
pagkokonsepto14uli, at samakatuwid, makakakulong uli kung hindi natin gagamitin ang maingat na
paghihigit kumulang sa isang paksa na matatalakay lamang sa "pagka-eksakto ng tiyak at alanganin."15

Habang sinusulat ko ito ngayon, may isang tasa ng mainit na kape sa aking harapan. Ang tasa na nasa
aking harapan ay meron. Ang pagbigkas ko sa aking bibig ng "merong tasa" ay hindi lamang mga
salitang mula sa aking lalamunan. Ang pagbigkas ay nagmumula sa kalooban na nakakaranas ng tasa, at
kailangang bigkasin ang pagdanas na ito. Merong tasa! Meron. Hindi wala. Ngunit ano ba talaga ang
nangyayari habang binibigkas ko ang tasa? Binibigkas ko ang alam ko,16 na merong tasa. Ngunit sa aking
pagbigkas, alam kong meron rin akong hindi alam sa tasa. Alam kong meron akong di-alam. Meron pang
lampas sa alam ko, at ang alam ko ngayon ay ang pinakamabuting alam ko sa tasang iyan.

Samakatuwid, sa aking pagbigkas sa tasa, hindi ko lamang binibigkas ang alam ko sa tasa, kundi sabay
ko ring binibigkas sa aking kalooban na meron rin akong di-alam sa tasang iyan. Kaya ang pagbigkas ko
na "merong tasa" ay pag-amin ng mga alam ko sa tasang iyan sabay ang mga hindi-ko-pa-alam sa
tasang iyan. Binibigkas ko ang kahulugan na tasa sabay ang hindi-ko-pa-nakikitang- kahulugan ng tasa.
Binibigkas ko ang kaayusan ng tasa, sabay ang kaayusang hindi-ko-pa-nakikita sa tasa.

Sa huli, hindi lamang tasa ang binibigkas ko at inaamin kong meron. Binibigkas ko rin ang aking sarili.
Sabay sa aking pagbigkas sa tasa, inaamin ko ring meron ako. Meron ako. Ako na bumibigkas ng tasa.
Sa aking pagbigkas na meron ako, nakikita at nauunawaan ko ang aking sarili. Ngunit hindi lamang ang
alam ko sa aking sarili ang aking binibigkas, inaamin ko rin at binibigkas na meron rin akong hindi-alam
sa aking sarili. May mga bahagi ng aking sarili hindi pa ako mulat, mga bahaging nasa aking tagong-
malay, mga potensyal na hindi pa nangyayari sa akin, mga kakayahang hindi pa ako mulat -- isang
napakayamang sarili na laging nakatago. Isang pagkamahiwaga ng aking sarili.
Nararanasan ko ang kalaliman ng aking sarili … at baka mamulat rin ako na hindi lamang ang alam ko at
ang di-alam ko sa aking sarili ang aking binibigkas. Binibigkas ko rin ang mga hindi-ako na bahagi ng
aking sarili -- mga pagkain, ang hangin at tubig, na nagbibigay buhay sa akin. Mga kaibigan at mga
mahal sa buhay, lahat na nagmemeron. Hindi ba napakayaman ng karanasang ito --- sa isang munting
pagbigkas na merong tasa, kasama ako, ang kapuwa tao, lahat na nagmemeron sa aking pagbigkas,
pag-amin, pagkilala, paggalang at pagtanggap. Samakatuwid, ang mismong pagbigkas ay isang
pasasalamat rin na meron ako, meron sila, meron kaming lahat.17 Na kung kami lamang, sana wala kami.
Lahat ng ito ay pagbigkas ng kaayusan na kasama sa aking pagbigkas, ang buong sangkaayusan na nasa
buong sangkameronan, pagbigkas sa mismong Meron na patuloy na nagpapameron sa aming lahat.

Meron na Meron

Kaya humahantong si Sto. Tomas na maari rin natin mapuntahan sa pamamagitan ng isang dahan-dahan
at seryosong pagmumuni-muni, sa isang Kaayusang kinakabitan ng lahat ng kaayusan (maka-agham,
pagkamaayos ng matematika, kaayusang pisikal, moral, atbp.). May kaayusan, kahit hindi ko alam ang
mga posibilidad ng kaayusan ito.

Kaya, ano ba ang kaayusan? Merong sinaunang pagmumulat na maayos ang daigdig. At ang
pagmumulat na ito ay lumalabas sa pagtatanong, sa naghahanap na pangungusap: hindi natin alam ang
buong kaayusan, pero sigurado pa ring meron. Kahit hindi maayos, may kaayusan pa rin. Hindi ko alam
kung kaayusan ba itong hindi pagka-maayos. Hindi ko inimbento pero alam kong meron sabay hindi ko
alam lahat ukol sa kaayusang ito. Maari tayong magpatulong sa salita ni Otto, " isang Absolutong
Kuwan".18 Isang "kuwan" na sigurado akong meron, hindi wala, ngunit hindi ko lubusang maunawaan,
alam-di-alam. May nadarama akong kaayusan, may nararanasan akong may simula itong kaayusang ito
at may patutunguhan, hindi ko alam lahat pero may sapat akong kaalaman na kaayusan pa rin ito. At
ang katiting na alam ko ay tunay pa ring karunungan at kaalaman; sabay na kailangan at dapat
magpatuloy na umalam pa.

Kailangan na itong "kuwan" na ito ay meron na Meron, sukdulan ang kanyang meron, sukdulan rin ang
kanyang pagkamaayos, ganap na ganap sa kasukasuan. Isang kaayusan na nag-aayos sa lahat,
nagpapameron sa lahat na meron, nag-aayos sa aking kaayusang hindi ganap. Siya ang kaayusan ng
mismong kaayusan. Kailangang wala siyang pagkamaayos, hindi galing sa kanya ang hindi-maayos, at
hindi siya ang kawalan-ng-kaayusan.

Sa huli19

Lumalakbay ang tao sa lupa patungo sa sukdulan at tahasang Meron. Bahagi ng kaayusang nakatadhana
sa pagmemeron ng tao ang kanyang paglalakbay. At sa paglalakbay, nararanasan niyang tumatalab sa
kanya ang meron, alam niyang meron siya. Tinatawag siyang bigkasin ito, bigkasin ang kanyang
pagmemeron, makipagkapuwa tao, magpakatao. Ang pagpapakatao ay isang paglalakbay, na bahagi ng
kaayusan.

Habang tinutungo ng tao ang telos20 na siyang hantungan na tigib sa walang hanggang ligaya mula sa
tunay na pagkamaayos, ang walang hanggang katotohanan at kabutihan, may udyok sa kanyang
kalikasang gawin ang nararapat sa tao, sa kanya, sa kapuwa. May isang uring pamumuhay na siyang
karapat-dapat tahakin ng tao upang makamit niya ang ninanais ng kanyang kalooban: walang hanggang
kaligayahan sa katotohanan at kabutihan: ito ay ang magpakatao - ayon sa kaayusan ng tao. Ang walang
hintong pagbigkas sa meron, ang walang hintong pagmamahal sa kapuwa. Ang mamuhay ayon sa
katotohanan at kabutihan, at ang walang hintong pagsasaibayo na bunga ng makataong pagsisikap.

Nararanasan ng tao ang meron bilang may hangganan dito sa lupa, may kamatayan, may pagkawasak,
may pagkabigo. Ngunit ayon sa aabot ng kanyang isip, naaninagan niya mula sa malayo ang mismong
Meron na walang hanggan, ang walang hanggang kaligayahan, katotohanan at kabutihan matatamo
niya, na magbibigay lunas sa kanyang pagka-uhaw ng kalooban at isip na hindi kailanman matutupad sa
buhay lupa. Totoong nararanasan ng tao ang pagkabigo, pagkamarupok, pagakawasak. Ngunit alam
niyang meron pa rin siya. Nagsisikap pa rin siyang itirik at ibalik ang sarili sa meron. Namumulatan
siyang may mas lampas pa sa kanyang patuloy na sumasalo sa bawat paghulog niya. May kamay na
humahawak at nagpapameron sa kanya sa bawat sandali ng kanyang pag-iral bilang tao. Kaya bukal lang
na aminin niyang merong Meron na siyang nagpapameron sa lahat ng ito, nag-aayos sa lahat nitong
hindi-lubusang maayos. Mga nagmemeron na ganap na maayos sa kanyang sarili. Makataong aminin ng
may pagpapakumbaba na nakabatay ang aking pagmemeron bilang nagpapakatao, ang aking
pagkamaayos, sa kanya. Kalooban niyang magmeron ako, bumigkas, magpakatao: lahat bahagi na ng
kanyang kaayusan.

Sa hindi marunong tumawa …

Buhay ay katatawanan. (G.K. Chesterton)

Nota

Isa s 1Isa mga mahalagang tanong ni Sto. Tomas de Aquino sa kanyang obra maestra na Summa
Theologica

2
Maykapal, isang katagang Pilipino, mula sa ating kultura sumulpot itong salita. Ibig sabihin na
nasa loob mismo ng ating kultura, naroon ang pagmumulat sa isang lampas pa sa tao, na siyang
Maykapal. Meron isang taong nag-aaral sa ugat na salitang ito, nakalimutan ko na ang kanyang
pangalan. Ayon sa kanya ang salitang Maykapal ay mula sa katagang palad. Nasa palad na niya tayo, ibig
sabihin na ang ating kapalaran ay nasa kanya, kaya tinatawag siyang Maykapal sapagkat siya ang may
hawak ng ating kapalaran, siya ang nagtatakda na kapalaran ng lahat.

3
Paksa: nagpapakita sa iba't ibang paraan; bawat pagpapakita hawig sabay ibang iba sa bawat
isang pagpapakita. Kaya masasabing ang paksa ay "nagpapakita sa iba't ibang paraan, ngunit iyong iyon
din ang pinapapakita." Tingnan rin ang pagtalakay ni Roque J. Ferriols, SJ sa Pambungad sa
Metapisika (ORP: Ateneo de Manila University, 1991), 120-134, at ni W. Norris Clarke, SJ sa Metaphysical
Analysis of Human Person, Fordham University.

4
Isang Latin na kataga na ang ibig sabihin isang kaayusan, o isang antas ng kaayusan;
kaayusang nagpapakita sa iba't ibang antas, iba't ibang istilo, iba't ibang paraan at pamamagitan.
Maaring ang dating rin sa tao ay isang "hindi-pagka-maayos".

5
May teorya si John Wisdom tungkol sa kaayusan na tumuturo sa Diyos. Ayon daw sa kanya, ang
pagdanas sa kaayusan ay pagdanas sa Diyos. Ngunit maging mulat tayo na nag-iisip si John Wisdom sa
liwanag ng lohika at matematika; ang kaayusang lohikal at matematiko ang kanyang tinutukoy. Kaya
may kahiligan ang kanyang teorya na bumaling lamang sa makataong lohika at sa masusukat ng
matematika.
6
Idea clara et distincta: mga konseptong may malilinaw na hangganan at tumpak na nilalaman.
Ang mga konsepto ay tinitipon, kinabit sa isa't isa, inuugnay sa bawat isa sa isip. Inuugnay at kinakabit-
tinatanggal ayon sa patakaran ng lohika (axioma). Kaya pag natipon ang lahat at inayos ayon sa mga
aksiyoma, tinatawag itong sistema. Ang sistema ay katipunan ng mga ideya o konseptong inaayos sa
isang paraan, inayos ayon sa isang patakaran o aksiyoma.

7
May sinipi akong mga babasahin tungkol sa agham, pero nasa wikang Ingles na may pamagat:
Supplementary to Ex Ordine Discussion. Maari yatang basahin ito ng mambabasa kung nais
niyang matuto pa sa larangan ng agham, pisika at kemika kung paano sinusukat ng agham ang meron.
Ngunti buod ng mga ito -- na hindi kayang malaman ng agham ang tumpak na galaw ng meron.
Tinalakay ko sa mga sinipi ang mga sumusunod na paksa: Thermodynamics, Newton's Laws of Motion,
Atomic Physics and Quantum Mechanics, nuclear and particle physics, Bohr's Theory, Schrodinger
Equation, Heisenberg's Uncertainty Principle and Copenhagen Interpretation, Hidden Variable Theories,
Einstein-Podolsky-Rosen Paradox, Bell's Theorem, Planck's Constant, Compton Effect, Decision Theory.

8
Tingnan ang Pilosopiya ng Relihiyon ni Roque J. Ferriols, SJ.

9
Tingnan ang Pambungad sa Metapisika, 113-114.

10
Isang pag-uulit ng luma, ngunit ginagamit sa bagong paraan. Isang lumang bago, isang
bagong luma. Inuulit ang lumang huni, ngunit sa pag-uulit may nalilikhang bagong kahulugan, bagong
pag-uunawa. Tinatawag ito ni Sðren Kierkegaard na mapaglikhang pag-uulit. Isang pag-uulit na may
nalilikhang bago.

11
Mga konsepto, mga ideyang laging necessarium at universale.

12
Meron ba?: ito ang batayan kung ang konsepto o ideya ay nasa meron. Kung nasa karagatan
ng meron ang konsepto, hindi nawawala kung tinatanong na meron ba?, ngunit kung wala sa meron,
naglalaho naman. Halimbawa: purong ideya na bilog, isa, berde, Garfield, Crisostomo Ibarra at Maria
Clara.

13
Tingnan ang kahiligan ng Neo-Kantiano sa Pilosopiya ng Relihiyon, pahina 17. Makikita ang
pag-iwas sa tanong na "meron ba?", basta ang importante ay "makahulugan ba para sa akin?". Isa itong
pagsara ng isip upang magpakulong sa isang makitid na kaharian na ang ako ang hari.

14
Isang pagkokonsepto ang pag-iisa-isa. Ibig sabihin ang pag-iisa-isa ay nangyayari lamang sa
isip. Isang pangyayaring hiwalay sa katotohan, o abtractio sa salitang Latin. Sa meron laging buo, lahat
na iniisa-isa ng isip ay laging buo sa meron, sa tunay na nangyayari.

15
Ibig sabihin na ang esksakto lamang ay "tiyak sabay alanganin". Halimbawa pag nag-usap ang
dalawang tao na magkita sila eksaktong alas tres. Ibig sabihin talaga niyan ay hindi impunto alas tres,
kundi humigit-kumulang sa alas tres. Maaring nahuli ka ang ilang sandali, o nauna naman ako ng ilang
sandali bago ka dumating. Kaya ang ibig sabihin ng eksakto o tiyak ay hindi talaga isang mahigpit at
malinaw na pagka-eksakto kundi humihigit kumulang, tiyak ngang alas tres, ngunit di-tiyak na talagang
alas tres. Tiyak-sabay-di-tiyak o isang eksaktong alanganin. May kataga sa agham na ginagamit:
asintotiko, lumalapit lamang sa pagka-eksakto ngunit hindi lubusang eksakto. Kaya masasabing ang
agham ay laging asintotiko.

16
Ang alam ko, ang idea ko. Tingnan ang categoricus imperativus ni Immanuel Kant.
17
Tingnan ang mga Nota ko ukol sa Ex Contingentia at Potensyal.

18
"Somewhat Absolute" Rudolf Otto. Das Heilige. Nasa bersyong Ingles The Idea of the Holy.

19
Jeremy Eliab, Pagpapakatao: Landas Patungo sa Meron, Lawig Philosophy Journal (1993): 9-
13.

20
Telos: salitang Griyego. Maaring maaninagan ang ibig nitong sabihin sa: "telos ng tuta na
maging aso", o "telos ng buto ng santol na maging punong santol." Mula diyan, maari rin nating sabihin
na telos ng tao ang magpakatao, telos ng tanim ang magpakatanim.

Talasanggunian

Sa mga nais magbasa pa ng mga sulat at teksto ni Mang Tomas de Aquino, maaring tingnan at
makisangguni ang mga sumusunod sa libro na aking pinaghanguan kahimanwari ng mga kalat-kalat na
pagmumuni-muni sa pag-iisip ni Tomas.

Baird, Forrest E., Kaufmann, Walter. 1997. Medieval Philosophy. 2nd Ed. New Jersey:
Prentice Hall.

Chesterton, G. K. 1956. St. Thomas Aquinas: The "Dumb Ox." New York: Doubleday
Image.

Copleston, Frederick C. 1955. Aquinas. Baltimore, MD: Penguin Books.

Davies, Brian. 1992. The thought of Thomas Aquinas. Oxford: Oxford University Press.

Flew, A.G.N. 1966. God and Philosophy. London: Hutchinson.

Gilson, Etiene. 1956. The Christian Philosophy of St. Thomas Aquinas. New York:
Ramdom House.

Kenny, Athony. 1969. Aquinas: A collection of critical essays. Garden City, NY: Anchor
Doubleday.

_____________. 1969. The five ways: St. Thomas Aquinas' proofs of God's existence.
London: Routledge & Kegan Paul.

_____________. 1980. Aquinas. New York: Hill and Wang.

Kretzmann, Norman and Stump, Eleonore. 1993. The Cambridge companion to Aquinas.
Cambridge: Cambridge University Press.

McInerny, Ralph. 1977. St. Thomas Aquinas. Boston: Twayne.

Pegis, Anton C. 1948. Introduction to St. Thomas. New York: Random House, Inc.
Pieper, Josef. 1962. Guide to St. Thomas Aquinas. New York: Pantheon.

Weisheipl, James A. 1974. Friar Thomas D'Aquino: His life, thought, and works. Garden
City, NY: Doubleday.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

HALAGANG MORAL
Hango sa mga Nota ni Padre Roque J. Ferriols, S.J.
Pamantasan ng Ateneo de Manila

Mga kategorya ng importansya

Sa kalawakan na ating malaytao hindi natin napapansin ang bawat

bagay o pangyayari. Iilan lamang ang tumatawag sa ating pansin. Itong
katangiang "nakatatawag ng pansin" ay pangangalanan nating
importansya.

Madalas ang importansya ng ating kapaligiran ay ayon sa kalagayan na

ating malaytao. Sa "kalagayan ng malaytao" sinasakop ko ang mga
kombi-kombinasyon ng hilig, damdamin, paninindigan at ang mga
naisisilang na oryentasyon. May mga sari-saring oryentasyon ng ating
malaytao na ginagawang kapansin-pansin o hindi kapansin pansin ang
iba't ibang bagay. Halimbawa, kung nakatuon ang aking pagmamalay sa
paghahanap sa isang kahon sa kwartong ito, malamang hindi ko
mapupuna ang mga papel at libro, o kung ano ang matatanaw sa
bintana. . .pero punang puna ko ang mga kahon at uusisain ko pa ang
bawat isa. Sa oryentasyon na iyon, mga kahon ang may importansya.

Kung ako naman ay nasa oryentasyon na itinuturing kong ako lamang

ang tunay na batayan ng lahat; kung tinatanaw ko ang aking sarili
bilang pinag-iikutan ng buong daigdig, marahil mapapansin ko lamang
ang bawat tao bilang kasangkapan ko, taga-bigay aliw, halimbawa, o
isang makapagpapalaganap sa aking poder sa politika, o utusan na
taga-tupad sa aking bilin nang huwag na akong mapagod. Baka ang
mapapansin ko lamang sa pagkain ay kung masarap o hindi. At baka
ang inuusisa ko lamang sa sinasabi ng mga tao ay kung pinupuri nila
ako o hindi. Sa ganitong oryentasyon, nakakulong ako sa aking sariling
isip at damdamin. Lahat ng hindi-ako ay nakikita ko sa kulay ng ako at
napapansin ko lamang ayon sa kanilang relasyon sa aking mga ninanais
o tinatanggihan. Tatawagin nating purong suhetibo ang importansyang
ito.

Meron naman ibang importansya na tumatawag sa ating pansin kapag

tayo'y nasa oryentasyon na pinapanuod natin ang buhay at kinikilatis
natin ang mga linalang ayon sa kanilang kaugnayan sa pagka-tunay-na-
tao ng isang tao: kung ang pagkaugnay ay nakabubuti o nakasasama sa
kanyang katauhan, kung nakabubuo o nakasisira. Sa ganitong
oryentasyon, makikita ko marahil na kumain ng malabis ay nakasisira,
kumain ng sapat ay nakabubuti. Ituturing kong mabuti sa matang
tumanaw sa malalayong bulubundukin upang makapahinga. Matatauhan
ako na mabuting gumawa ng makatarungan sapagkat sa ganyang
gawain ay lalong mabubuo ang aking katauhan. Ituturing kong
mabuting magmabait sa kapuwa, sapagkat ang magmalupit ay
nakawawasak lamang sa aking sarili. Tatawagin nating obhetibong
mabuti sa tao ang importansyang ito.

Kung nilalampasan naman ng tao ang kanyang mapusok na kahiligang

gawing ikutan ng lahat ang kanyang sarili, at kung lalampasan din niya
iyong atitud ng tagapanuod na tumatayo sa labas ng mga bagay at
inaanalisis palagi ang mga kaugnayan, halimbawa, ng x sa y, ng p sa q .
. . kung lalampasan niya ang mga oryentasyong ito, maaring mangyari
na pumasok siya sa isang pagkabukas ng kalooban na ang iniintindi ay
hindi basta ako, ni hindi pagwalang-bahala sa ako. . .ang tinutukoy ay
isang pagbukas ng loob na lumalampas sa mismong paglampas sa sarili
at nalilimutan ang mismong pagkalimut sa sarili. Ito ang ikatlong
oryentasyon, ang oryentasyon ng pagbubukas-loob. Dito, maaring
mangyari na ibang uri ng pagtawag ng pansin, ibang uri ng
importansya, ang tatalab sa kanya.

Sa oryentasyon ng pagbubukas-loob, makatatawag pa rin ng pansin,

halimbawa, ang pagkain, ngunit, hindi lamang bilang masarap at
nagbibigay kalusugan, kundi bilang isang linalang, isang meron na
maraming nibel sa pagmemeron, na karapatdapat galangin bilang itong
espesyal na meron na ito. At ganyan din ang magiging pagtawag ng
pansin ng anomang meron: itong ito, bukod tangi. . .kahit na itong
maliit na batong ito na ganito ang tigas at kulubot. . .o itong ahas na ito
na ganito ang kulay at ganyan ang pag-usad. At kahit na sinong tao. Sa
oryentasyon na ito, posibleng matawag ang pansin ng tao sa
pagkabukod-tangi pala ng bawat kapuwa. Alam na taong nakakapansin
nito, na hindi kaya ninoman na masusing alamin ang pagka-espesyal ng
bawat kapuwa, ngunit, kikikiling niya ang loob, pinagsisikapan niyang
matauhan. Kay iba pala ng bawat tao! Itong importansyang
nakatatawag ng pansin sa oryentasyon ng pagbubukas-loob ay
papangalanan nating halaga. At kapag ang nakatatawag ng pansin ay
ang mismong meron na tigib sa kayamanan na umiiral sa maraming
nibel, tatawagin nating halagang ontolohiko.

Maari naman na ang tumatawag sa pansin ng pagbubukas-loob ay ang

isang uring pagsinag ng meron. Halimbawa, ang hugis at kulay ng
bulubundukin, ang himig ng tugtugin. . .may mga sandali na kulay at
hugis at huni ay nararanasan bilang pag-apaw ng meron at sasabihin ng
tao na nagagandahan siya. Hindi nawawala ang aliw sa pandinig, ang
pahinga at aliw sa mata, ngunit, lahat ay napapansin bilang kabuoan ng
pagsinag ng meron. Matatawag ang importansyang ito na halagang
estetiko.

Maari naman na ang tumatawag ng pansin ay purong kaisipan.

Halimbawa, isang teorem sa matematika o isang teorya ng mga palaisip
sa istorya o sosyolohya o ekonomya o kung ano. Ang ubod ng galing ng
mga kaisipan na isinisilang, iniipon at pinagagalaw, ay makagigising sa
paggalang at paghanga sa idea. Matatawag itong halagang intelektwal.

Marami ang mga posibleng mararanasan bilang halaga. At hindi pa tayo

nakakaabot ang ating pagtalakay sa halagang moral na siyang talagang
layunin ng pagmumuni-muning ito. Ngunit, makatutulong ang lingunin
sandali at pagmuni-munihan ang mga halagang nakita na. At isang
katagiang lilitaw ay ito: ang halaga ay hindi lamang tumatawag sa
pansin, kundi tumatawag. Ang talagang tinatawag ay ang tao, ang
buong tao, sa lahat ng nibel ng kanyang katauhan.

Paglabas sa sarili, pag-iral sa kaloob-looban ng sarili

Papaano nagaganap ang naturang pagtawag sa tao? Halimbawa, sa

halagang estetiko ng bulubunduking iyan, ang tumatawag sa akin ay
hindi isang halimbawa ng konsepto ng kagandahan, kundi isang itong ito
na, sa kanyang pagmemeron, ay sumisinag sa aking sariling meron.
Hindi ko ito masisilayan kung magkukulong ako sa aking sarili o
magkukubli sa isang analisis ng kagandahan.

Upang madama ko ang tawag ng bulubunduking iyan, kailangan kong

lumabas sa aking sarili. Ang halaga ay tawag ng meron at pinalalabas
ang tao sa kanyang sarili. Isang uring paglabas na hindi napupuna ng
lumalabas, sapagkat ang tinutuonan niya ay ang meron sa kanyang
pagka-halaga. Isang uri ng paglabas sa sarili na, sa isang kabalintunaan,
may isang ring matindi at tumitinding pag-iral sa kaloob-looban ng sarili.
Pati ito'y di pansin sapagkat ang tinutuonan ng pansin ay palagi ang
meron bilang halaga.

Kung ang meron bilang halaga lamang ang tinutuonan, papaanong

mapupuna ng tao na lumbalabas siya sa sarili at sabay umiiral ng mas
matindi sa kaloob-looban ng sarili? Ito'y mapupuna sa analisis
pagkatapos ng aktwal na pagdinig at pagtugon sa halaga.

Ang lugar ng analisis

May isang taong nakinig sa isang analisis ng paglangoy. Sinulat niya sa

kanyang notbuk at umuwing kontento sa kanyang sarili. Mula noon
habang buhay niyang inaakala na alam niya kung ano ang lumangoy,
sapagkat sa kanyang utak ay palaging nag-uugnayan ang mga x, y, p, q
ng paglangoy.

May ibang tao naman na nakinig at habang nakikinig ay inilalagda sa

alaala. Tapus ay lumundag siya sa tubig upang isagawa ang narinig.
Umuwi siyang hindi kontento sapagkat ang daming tubig na nalunok
niya at may pumasok pa sa kanyang ilong. Ngunit, sa mahabang
panahon ng walang awang pagsisikap na isagawa ang nasa analisis,
natuto siyang maglangoy. Naranasan niya na ang analisis ay gabay na
kailangan ng tao, lalo na sa panahon ng kadiliman kapag humihina ang
loob niya. Ngunit, sa wakas, mas buhay ang isip na gumagawa at
paggawang nag-iisip, kaysa sa isip na basta't nanunuod at nag-aanalisis.

Ganyan lilinaw sa gumagawang nag-iisip, ang lugar ng analisis sa etika.

Kusang loob

Nakita na natin na tinatawag ng halaga ang tao na lumabas sa sarili at

sabay matinding umiral sa kaloob-looban ng sarili. Kaya't ang buong
galaw ng buhay halaga ay nagaganap sa kalooban. Ngayon, hindi
maaring umiral ang halaga sa kalooban kung hindi nagkukusang loob
ang tao.

Sa mga linalang sa sansinukob, ang bawat isa ay may sariling pagkusa.

Kusang nahuhulog ang bola kapag nabitiwan. Kusang umaapaw ang ilog
kapag naulanan ng malabis. Ang bubuyog ay kusang gumagawa ng
pulut-pukyutan. Pagkusa ng ibon ang lumipad. At pagtahol sa di kilala
ay pagkusa naman ng aso.

At may pagkusa pati ang tao. May sinabi si x at nainis ka na lamang. At

nagalit ka na lamang noong nakita mo ang ginagawa ni y. Sa mga kilus
at salita ni z ay napatawa ka na lamang. Ang pagkusa ay di alumanang
umapaw sa iyong damdamin at nainis, napagalit, napatawa ka na
lamang. Ngunit, dumating ang kaibigang ginagalang mo at kusang loob
mong pinigilan ang iyong inis, galit, tawa.

Kung ganoon, pagpigil yata sa pagkusa ang pagkusang loob? Oo at

hindi. Ang pagkusang loob ay taos na pag-alisto sa mabuti at totoo; at
malayang paghubog ng mga sariling pasya, ayon sa mabuti at totoo. At
batay dito, maaring mangyari na mapiligilan ang pagkusa, maari
namang mangyari na lalong lalalim at titibay ang pagkusa.
Sabihin natin na naglakbay ang isang tao sa isang landas na malayo at
mahirap upang dalawin ang isang kaibigan. Pagdating niya, baka niya
sabihin: "Hindi sapilitan akong pumarito, kundi kusang loob." Ang ibig
sabihin ay: hindi bilang pakitang tao o dala ng pag-asa na baka
mapakinabangan niya, kundi sa isang malayang pagbukas ng sarili
upang idulot ang sariling loob sa kaibigan at tanggapin naman ang
kalooban ng kaibigan. Kaya't ang pagkusang loob ay hindi isang
pagtanggi, kundi isang taos at malayang pagbigay-pagtanggap na
ibinubukal ng tao mula sa kanyang kagandahang loob.

Ngayon, ang kilus ng halaga ay magaganap lamang sa larangan ng

kusang loob. Ang kaloobang hindi alisto sa halaga ay hindi maririnig ang
tawag nito. At ang taong hindi handang magbigay-tanggap loob ay hindi
makatutugon. Maari tayong magsapilitan o magpanggap o magpakitang
tao na sa halaga tayo kumikilos, ngunit, talagang nabubuhay ang halaga
sa kusang loob lamang.

Meron

Ang halaga ay hindi hiwalay sa meron. Ang mismong meron ay halaga.

Tinatawag na halagang ontolohiko ang mismong pagka-talagang-totoo,
pagka-talagang-nangyayari ng anoman. At ang mga halaga na binigyan
natin ng ibang pangalan ay mismong meron din. . .sa ganito o ganoong
aspekto. Napakasiksik at napakayaman ng meron kaya't hindi natin
kayang mapansin ang lahat ng aspekto ng sabay sabay. Kaya't kung ang
talab sa akin ng meron ay para bagang umaapaw, sumisinag,
nagdudulot ng tuwa, sasabihin kong nagagandahan ako. Halagang
estetiko ang tumatawag at tinutugunan. Ngunit, nararanasan ko ito sa
meron. itong bulubunduking ito, itong araw na ngayo'y lumulubog at
kinukulayan ang papawirin, itong gitarang itong nanginginig sa musika
at pinanginginig ang kahanginan. . .mga meron na ito ang tumatawag at
tinutugunan, hindi isang idea o teorya ng kagandahan.

Ngunit, sa halagang intelektwal, hindi ba't purong idea ang tumatawag

at hinahangaan? Oo. . .ngunit meron pa rin ang hinahangaan. Sapagkat
walang purong idea kung walang taong nag-iisip. Ang hinahangaan
talaga sa halagang intelektwal ay ang kilus ng utak nitong taong ito. Ang
tumatawag sa akin na humanga ay ang pag-uutak nitong taong ito na
nagsulat nitong librong ito sa matematika; at ang pag-uutak pa ng isa
pang taong iyan na naglalahad ngayon sa kanyang inimbentong teorya.
At tinutugunan at hinahangaan ko rin ang buong pumapaligid at
kinabababaran na sangkameronan ng siyang pinaghahangoan ng lahat
ng pag-iidea at pagteteorya.

Halagang moral
Nakaupo sa hukuman ang isang huwes. Sa harapan niya ay isang
mahirap at isang mayaman. Meron silang alitan ukol sa batas. Malamang
may isang nibel ng kanyang kamalayan na ang mga kaisipang
gumagalaw ay ganito: Sa anong hatol kaya lalo akong magkakakwarta?
Anong hatol kaya ang makapagbibigay sa akin g mabuting ngalan at
puri sa madla? Ano kaya ang sasabihin ni a o b kung ang ihahatol ko ay
p o q? Ngunit, sa kalaliman ng kanyang loob, ay baka ginigising niya ang
kanyang katutubong pagkikiling sa katotohanan, at sa nibel ng
pagkukusang loob ay nagpapakaalisto siyang tanggapin sa sarili ang
katotohanan at ibigay ang sarili sa katotohanan. . .upang siya'y
magpasakop sa katarungan. Sa nibel na iyan ang tawag na naririnig niya
ay: ituon mo ang iyong buong katauhan sa pagtimbang sa ebidensya sa
harapan ng batas at, kung ano ang totoo at katarungan, iyon ang
sundin mo.

May isang taong may panghabang panahon na kaibigan. Buong buo ang
tiwala ng kanyang kaibigan sa kanya. Lahat pati kwarta't ari-arian, pati
pamilya, ay itinitiwala sa kanya ng kanyang kaibigan. Marahil may nibel
ng kanyang pagmamalay na kinagagalawan ng mga kaisipang gaya ng:
Kay tanga nitong taong ito. Kung anu-anong pagsasamantala ang
nagawa ko na sana sa kanya. Wala siyang kakayahang maghinala at ang
galing ko namang magbalatkayo. Kung hindi ko pa siya nililinlang
hangga ngayon, ito ay sapagkat ako ay maginoo, mabait at malawak
ang kalooban. Ngunit, sa nibel ng kusang loob, ng kanyang tunay at
tapat na katauhan, naririnig niya ang meron ng kanyang kaibigan bilang
dignidad, bilang biyaya, bilang sagrado. Kaya't ang mismong meron ng
kanyang kaibigan ay tawag sa kanya na kailangang tugunan ng galang,
katapatan, pagmamahal. Hindi bilang pagyuko ng mataas sa mababa,
kundi bilang simpleng pagtupad sa totoo, pagbigkas at pagsagawa sa
meron.

Dalawang halimbawa iyan ng halagang moral, at hindi mahirap kilalanin

na karanasan nga ng tawag ng halaga ang nakasangkot dito. Ang tawag
ng halagang moral ay maaring tanggihan, huwag punahin, ng taong
pumapasyang humiwalay sa kanyang kusang loob. Ngunit, sa
pagbabalik loob mararanasan ang halagang moral bilang tawag na
tanggapin ang halaga sa sarili at ibigay ang sarili sa halaga, sa meron,
sa totoo. At nararanasan din ang halagang moral bilang tawag na
pinalalampas ang tao sa sarili at sabay pinalalalim ang kanyang pagkilus
sa kanyang kaloob-looban. Kaya't parang magkatumbas ang istruktura
ng pagdanas sa mga ibang halagang nakita na natin.

May pagka-pareho nga ang halagang moral sa mga ibang halaga,

ngunit, ibang iba pa rin.

Pagka-seryoso

Unang una, may kakaibang pagka-seryoso ang halagang moral. Sa

mismong paglabag, lumilitaw ang pagkaiba. Ang hindi pagpansin sa
ganda ng lumulubog na araw ay nasa ibang di hamak na larangan sa
hindi paggalang sa karapatan ng inaapi. Ang hindi paghanga sa isang
teorem sa matematika ay hindi paipapantay sa hindi paggalang sa
pagkasagrado ng kapwatao. Mapapalitan ang mga ibang halaga, ngunit
hindi mapapalitan ang halagang mora. Masasabi ng tao: Hindi ko
masakyan ang pintura ni Picasso, pero nagagandahan ako sa pintura ni
Amorsolo. Ngunit, paglapastangan sa sangkatauhan kung may
magsasabi: Hindi ko masakyan ang maging makatarungan sa mahihirap,
pero mabait ako sa mga aso. Tatanggapin ng taong matino kung may
hihiling sa kanya: Ipagpaumanhin po ninyo, hindi ko mahangaan ang
inyong teorya at napakakomplikado po ng mga idea para sa akin.
Ngunit, pagtanggi sa sangkatauhan kung may magssasabi:
Ipagpaumanhin mo ako't sinamantala ko ang aking kaibigan, sapagkat
hindi ko istrok itong pananatiling tapat.

Ang halagang moral, sa kanyang kakaibang pagka-seryoso, ay hindi

maaring palitan o ipagpaumanhin kaninoman. Nararapat sa bawat tao
na buong pagsisikap niyang dinggin at tugonan ang halagang moral.
Maaring bulag at bingi ang tao sa mga ibang halaga. Halimbawa, hindi
pangkalahatan ang talino sa pintura o sa musika o sa matematika.
Ngunit, sa halagang moral, bukal sa taong maging mulat at alisto. Kung
nagbibingi-bingihan.

Bukod-tanging tawag sa taong malaya

Ang tawag ng halagang moral ay tumatalab sa kaloob-looban ng taong

malaya. Ang walang kalayaan ay hindi mapasasagot, sapagkat hindi
makasagot. Ang lahat ng ginagawa niya ay hindi niya maiwasang gawin.
Ngunit, hawak ng malaya ang kanyang sarili; kaya niyang umoo o
humindi; kaya't kailangan niyang sumagot. Ang tawag ng halagang
moral ay nararanasan ng tao bilang pananagutan.

Sa halagang moral, totoong totoo ang nakita na natin sa mga ibang

halaga: na tinatawag ang taong limutin ang sarili at limutin pati ang
pagkalimut sa sarili. Sa ganitong pagka-ibayo masasabi niya: :Ang
bawat tao ay hindi-ako; at ako'y hindi-siya; at sa kanyang pagkahindi-
ako, ako pa rin siya; at sa aking pagkahindi-siya, siya pa rin ako."
Ngunit, hindi niya sinasabi ito sapagkat buhos na buhos siya sa
pagsasagawa nito. Itong pagsasagawang ito ang pinagmumulan ng
pakikisama, ng komunidad. Ito ang abot tanaw na pinagsisilangan ng
pagmumulat na kailangan ng taong sumagot ukol sa kanyang pagtupad
o hindi pagtupad sa tawag ng halagang moral. Ito ang sinaunang
pagtuklas ng tao na ang buhay niya ay pananagutan.

Kahit na ang taong hindi naniniwala sa Diyos ay kayang madama ang

kanyang pananagutan: "Kailangan kong sumagot." At sa kanyang
pagtataka: "Kanino ako sasagot?" Baka isipin niya, "Sa aking kapuwa."
At sa kanyang pagmumuni-muni'y baka matauhan siya: "Ang aking
kapuwa ay kasing buti ko, kasing sama, kasing tibay, kasing dupok.
Hindi sa akin siya sasagot. Hindi sa kanya ako sasagot.: At baka sa
yugtong ito'y matuklasan niya ang Maykapal.
Galing din sa pagkamalaya ng tao na kapag tinanggihan niya ang
halagang moral at ang kanyang pananagutan ukol sa halagang moral,
may pagkawasak sa sarili na nagaganap. Sapagkat ang kalayaan ay
hindi lamang pagka-maaring-piliin-ang-a-o-b. Hindi totoo na, sapagkat
kaya ng taong pagpilian ang a o b, a man o b ang piliin niya, buong buo
pa rin ang katauhan niya. Kung may halagang moral na nasasangkot,
ang pagtanggi sa halaga ay may pinapasok na "pagkawala sa
kondisyon" ng mismong pagkatao. Sumasulpot ang isang hidwaan na
inilalaban ng tao sa kanyang sarili, sapagkat sinubukan niyang
magpakasarili sa pamamag-itan ng pagtanggi sa sarili. Iyan ang maaring
matuklasan ng tao kapag masusi niyang pagmuni-munihan ang kanyang
buhay: na ang pagtanggi sa halagang moral ay pagtanggi sa sarili. Nasa
ating poder kung a o b ang piliin natin; wala sa ating kung ano ang
magiging bunga ng ating ginawang pagpili...lalo na kung halagang moral
ang nakasangkot.

Larangan ng parusa at gantimpala

Delikado ang katagang "parusa" at "gantimpala". Baka ang naaalala ay

isang magulang o titser o pulis na istrikto at galitin at palaging
nagbabanta na pahihirapan niya ang sinumang lumalabag sa batas.
Hindi ganyan ang tinuutukoy dito.

May larangan ng parusa at gantimpala na nasasakot sa halagang moral.

Halimbawa, iyong nabasa natin sa peryodiko itong buwan na ito. Na
may taong may baril na pumasok sa isang eskuwelahan at
pinagpuputukan ang mga bata. At iyong mga taong pumunta sa isang
baryo at may pinagpapatay na mga lalaki at nilapastangan na mga
babae. Dito nakikita natin agad na kung may gumawa ng ganyan, hindi
dapat magpatuloy ang buhay na parang walang nangyari. Sa mismong
meron ng aktong tumanggi sa halagang moral, nakikita natin ang
pagka-dapat-parusahan.

At sa mismong meron din na gawaing tumutupad sa halagang moral,

may nadaramang buhay, kapayapaan, pagtitindi ng pagkatao. At
natatanaw natin sa taong gumagawa, ang pagka-dapat-hangaan,
pagka-dapat-purihin.

Pinapasan sa likod ng gumagawa

Ngunit ang mismong gumagawa ay hindi nakikita ang kanyang pagka-

dapat-hangaan-at-purihin. Kung may isang taong naglalakbay sa
kabundukan at meron siyang natagpuang kapuwa taong sugatan at
hubab sapagkat hinoldap ng mga tulisan; at kung ang taong ito'y
nagmalasakit sa sugatan, iniligtas at inalagaan, ito'y sapagkat naririnig
niya na meron ang meron ng kanyang kapuwa tao bilang sagrado,
bilang, biyaya na pananagutan niyang buhayin. Ang dignidad ng
kanyang kapuwa ang kanyang iniintindi. Tayong mga nakikibalita, tayo
ang nakakapansin, at ang iniintindi, ang kanyang pagka-dapat-hangaan-
at-purihin. Pinapasan niya ito sa kanyang likod. Hindi niya nakikita. Tayo
ang nakakakita. Kung ibig niyang makita na siya'y dapat hangaan at
purihin, kailangan niyang pilipitin ang kanyang liig upang makita niya
ang kanyang pinapasan. Sa pagpipilipit na ito, hindi na niya mapupuna
ang pagkasagrado ng kanyang kapuwa. . .at mawawala ang kanyang
pagka-dapat-hangaan-at-purihin.

Inaapi, umaapi

Kasabihan ni Sokrates na ang pagwawasak sa kanyang sarili na

ginaganap ng taong umaapi ay daig pa ang pagwawasak na ginagawa
niya sa taong inaapi niya. Kaya't mas mabuting maapi kaysa umapi.

Hindi nito ibig sabihin na dapat huwag labanan ang umaapi. Dapat
labanan ang umaapi. Ang itinuturo ng kasabihan ay: na ang lumalaban
sa umaapi ay dapat huwag malimutan na tao ang nilalabanan niya. At
ang tao, mabuti man siya o masama, ay tao pa rin, at sagrado pa rin.
Maaring mangyari na dapat siyang labanan, o baka parusahan pa, sa
buong kabagsikan ng katarungan; ngunit, nasa katarungan rin na dapat
huwag mawala ang pagtanaw sa dignidad ng kanyang katauhan.

Ang kanyang katauhan ay tawag pa rin sa akin na galangin siya. Kaya't

ang paglaban sa kanyang pag-aapi ay hindi dapat gawin sa pamamag-
itan rin ng pag-aapi sa kanya. Kung ganoon ang gagawin ko, tinulad ko
na rin siya't winasak ko na rin ang aking sarili. . .at ni hindi ko
natulungan ang mga inapi niya. . .at ni hindi ko siya natulungan.

Ang tawag na hindi humihinto

At kung hindi tumutugon sa tawag ng halagang moral ang tao?

Nawawasak siya pero hindi nawawasak ang halagang moral. Kung
itinuring kong kasangkapan ang isang tao, winasak ko ang katauhan ko,
pero patuloy pa rin ang tawag sa akin na galangin siya. Hindi niya
kailangang magsalita. Ang mismong meron ng kanyang pagkatao ay
tawag sa akin: galangin mo ako.

Kung hindi ko pinansin ang tawag sa akin ng isang sitwasyong hindi

makatarungan, na gawin ko ang magagawa ko. . .kaya't lalong lumubha
ang sitwasyon. . .may nawasak sa akin, pero hindi nawasak ang
pagtawag ng sitwasyon, patuloy pa rin ang tawag sa akin. Maraming
nasisira sa pagtanggi sa tawag ng halagang moral, pero hindi nasisira
ang mismong pagtawag. At kung patuloy akong hindi nakikinig, maaring
magkaroon ng ibang katangian ang pagtawag. Maaring maririnig ko
ngayon ang tawag, bilang pagbintang sa akin o bilang tawag sa
pagbabalik loob o bilang tawag na muling buoin ang wasak.

Ang tawag bilang pagdanas sa Maykapal

Marahil, sa ating pagmumuni-muni ukol sa tawag ng halaga, sumagi sa
ating alala ang ukol sa tawag ng konsensya.

Ano ba ang konsensya? Sa aking nakikita, may dalawang kalabisan na

kung minsa'y kinahuhulugan natin ukol sa konsensya.

Iyong una ay itinuturing na ang aking konsensya ay isang boses sa

aking kalooban na tiyak na tiyak na tama at wasto at katotohanan.
Impalible. Kung sa bagay, boses talaga ng Diyos. Hindi ko na kailangang
kilatisin, at walang makatutulong sa akin sa pagbasa sa aking konsensya
sapagkat Diyos talaga ang nagpapaalam sa akin sa malinaw na
pagpapaalam. At kung may magtanong sa akin kung batay sa ano ko
dinesisyon ang isang bagay, hindi ko kailangang sagutin sapagkat wala
siyang karapatan magtanong.

Sa palagay ko, ang karamihan sa atin ay may mga naaalalang

pagkakataon na akala natin na sinusundan natin ang isang wastong
konsensya. . .at pagkatapus ay natauhan tayo na nagkamali tayo; at
natauhan tayo na sa konsensya'y kailangan ang matinong pangingilatis;
kaya't kailangan din ang matinong pag-uunawa, matinong damdamin at
kalooban. . .upang ang pagkilatis ay humantong sa matinong
pagdedesisyon.

At dito'y baka tayo mahulog naman sa baliktad na kalabisan. Baka isipin

natin na ang konsensya ay isa lamang proseso ng pag-iisip. Baka
manindigan ako na kung meron akong matinong pag-uunawa at ginamit
ko ito sa isang disiplinadong kalooban at damdamin, tiyak na wasto ang
magiging pagkilatis at desisyon.

Totoo nga na kailangan kong gawin ang lahat nito; kailangan kong
gamitin ang lahat ng mga kakayahang makatao ng disiplina at
katinuhan. Ngunit, kung nagawa na ang lahat. . .o mas ayon sa
katotohanan, habang ginagawa pa natin itong katinuhan na kailangan
nating gawin. . .may ibang presensya na nagpadarama sa tao. Ang
konsensya ay hindi lamang proseso ng isip, o teorya at impormasyon
ukol sa etika. Ang konsensya ay udyok sa liwanag ng isip, pagbigay loob
sa pagsagawa, utos sa kalooban: tupdin mo ang wasto; gawin mo ang
mabuti. Dito yata natatauhan tayo na ang tawag ng halagang moral ay
tawag ng Puon na Siya pala ang mismong Halaga. Dito yata natatauhan
tayo na ang bawat tawag ng halagang moral ay tawag ng Maykapal, na
ang bawat aspekto ng halagang moral na nararanasan natin ay isang
aspekto ng halagang moral na nararanasan natin ay isang aspekto ng
pagtulad sa Halaga na halaga, Meron na meron.

Kaya pala tinatawag tayo sa isang paglabas sa sarili na lumalampas sa

lahat ng paglabas sa sarili. . .sa isang paglimut sa sarili na nalilimutan
ang paglimut sa sarili. . .kaysa sa anomang kaya nating akalain.

TALASANGGUNIAN

Covey, Stephen R. 1994. First Things First. New York:

Simon and Schuster, Inc.
Ferriols S.J., Roque J. 1991. Pambungad sa Metapisika.
Quezon City: Office of Research and Publications.

Gadamer, Hans-Georg. 1984. Truth and Method. 2d

revised ed. Translated by Joel Weinsheimer and Donald
G. Marshall. New York: Continuum Publishing Company.

Jürgen Habermas. 1996. Between facts and norms:

Contribution to a discourse theory of law and
democracy. Translated by William Rehg. Cambridge,
Massachusetts: MIT Press.

Ibana, Rainier R. A. 1996. Pagpapahalagang Moral: Mga

Unang Hakbang. Quezon City: Sublime Paralytic
Publications.

Mercado, Leonardo N. 1979. Elements of Filipino

Ethics. Tacloban City: Divine Word University
Publications.

Reyes, Ramon Castillo. 1989. Ground and Norm of

Morality: Ethics for College Students. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

LEY NATURAL: BALANGKAS NG PAGMUMUNI-MUNI

Fr. Roque J. Ferriols, SJ

Tatalakayin ngayon ang ley natural. Eto ang nakaplanong balangkas ng

pagtalakay.

1. Telos - hantungan ng likas na paghihilig

sa malay tao: ninanais, hinahanap
layunin, kabuoan, katuparan

2. Telos ng tao: kaligayahan

hindi aliw ng laman

ni kwarta ni ariarian
ni puri ng tao

3. Ang kahiligan na ugat ng kilos tao

a. paghahanap sa walang hanggang kabutihan at katotohanan

5. sa walang hanggang pag-ibig at pag-uunawa

6. sa kalagayan ng pagka-bukod-tangi, pagka-nag-
7. iisa at pagka-bahagi-ng-kabuoan,
8. pakikipagkapuwa tao.

b. KALIGAYAHAN - pagtupad sa a.

5. paghantong sa Puong Maykapal sa kasamahan ng

6. kapuwa tao
7. nagsisimulang maganap sa kasalukuyan ngunit hindi
8. mabubuo dito
9. sa ibang buhay ang tuluyan-di-tuluyan na walang
10. hanggang pagtupad

k. ETIKA - kaya't ang gawain ng tao sa lupa ay dapat

1. nababagay sa kalagayan ng tao bilang nakatalaga at

humahantong sa b.

d. DAPAT - na sa pangangailangan ng udyok ng kalikasan:

1. udyok na kaibuturan natin: kung wala ito hindi ako ako, hindi
tayo tayo.

4. Nararanasan ang 3, sa konsyensya

1. bilang kaalaman
2. bilang utos
3. bilang katahimikan

SINAUNA

Ang kalikasan ay nararanasan bilang gumagalaw, umiiral, nagiging. . .

Maraming mga pilosopiya ang nakababatid nito; sinusubukan ng iba't
ibang pilosopo na isadetalye ito sa iba't ibang paraan. Ngayon, ang
sinubukan kong gisingin ay iyong sinaunang pagdanas sa daigdig:
sinauna, sapagkat nauuna sa anomang teorya o pagsasadetalye. Hindi
malinaw sa maka-matematikong kalinawan: h indi sapagkat malabo;
hindi sapagkat hindi nalalaman, kundi sapagkat nalalaman bilang siksik
sa meron, bilang tigib sa potensyal (pagka-maaring magbigay kaalaman
at pag-uunawa at paggawa). Kaya't talagang malinaw ang sinaunang
pagdanas; nagpapaunawa sa atin ang daigdig, at nauunawaan natin. . .
kaya't nagiging batayan, sanhi, unang puno, ng pakikipagtagpo,
halimbawa, sa unang Meron-na-meron na doon "tayo ginagalaw, at siya
nama'y hindi gumagalaw". At nagpapaunawa sa atin ang daigdig, at
nauunawaan natin kaya't nagiging batayan, sanhi, unang puno,
halimbawa, ng isang lumilinaw ng lumilinaw na pag-aaninaw, at
pagkikilala, sa ley natural.

Delikadong gawain ito. Ang nagawa ko lamang sa bahaging pastorale ay

mag-ayos ng ilang "pagtuturo ng daliri" sa hindi masabi, magbigay ng
ilang "padaplis" na pahiwatig. . . at ang rumersulta baga ay na hawak
mo na naman ang isa pang papel na kinasusulatan ng isa pang teorya
na ibig ilarawan ang daigdig? Ang nakababalisa baga ay na ang
sinaunang pagdanas sa daigdig, ang nauuna sa anomang teorya at
pagsasadetalye, at samakatwid sanhi rin ng anomang teorya at
pagsasadetalye, ay hindi maaring pag-usapan kundi sa pamamag-itan
ng isa pang teorya at isa pang pagsasadetalye?

Sa palagay ko hindi. Maaring ipahiwatig itong sinaunang ito sa isang

paraan na hindi eksakto sa maka-matematikong pagka-eksakto, ngunit
eksaktong eksakto pa rin sa nibel ng pagbibigay-mulat kaninoman na
handang gumising at manatiling gising at alisto sa sinauna. . . at sakop
diyan lahat ng tao na hindi nagpakulong sa isang desisyon na ituring na
matematika o maka-matematika lamang ang kaisa-isang pag-iisip na
gagamitin nila. Iyan ang aking pinagsikapang gawin sa bahaging
pinamagatan kong Pastorale: matauhan sana tayo ukol sa sinauna,
upang huwag natin malimutan sa mga susunod na pahina ng
pagteteorya at pagsasadetalye, na lahat ng teorya at detalye ay matindi
nating pinagsisikapan na isilang mula sa sinauna at panatilihing
nakatuntung sa sinauna. Upang harinawa'y palaging humahanap ng
tibay at katotohanan mula sa sinauna.

Halimbawa, gagamitin natin ang salitang griyegong telos. Hindi nito ibig
sabihin na gagamitin natin ang katagang telos sa kahulugan na ibinigay
ng isang lumang teoryang biolohiko sa telos at sa mga katagang galing
sa telos. Hindi ibabatay at walang kinalaman sa teoryang biolohiko ng
entelecheia ang ating etikong pagtalakay.

Marahil mapapansin ng tusong mambabasa na matindi at malalim ang

impluensya nina Aristoteles at Sto. Tomas sa mga pahinang ito. Malaki
ang utang na loob na tinatanaw ko sa kanila. Sila'y mga "nagtuturo ng
daliri", mga gimigising at nagbibigay-loob, nagpapamulat sa isip.
Gayunpaman, hindi natin gagamitin ang "telos" sa kanilang kahulugan.
Susubukan nating gamitin ang "telos" sa kahulugan nito bago pa ginamit
ng mga pilosopo. Sinaunang telos: pagtukoy sa naaaninagan na
tinutunguhan ng kalikasan na hantungan, kabuoan, katuparan, pag-
usbong, paglago, atbp. Gagamitin natin ang "telos" bilang pagtawag ng
pansin sa sinauna; pagturo sa mga hindi makonseptong galaw nito;
pagtawag pansin sa mga kaktutubong kilus na tumutungo sa malinaw-
malabong hantungan, kabuoan, katuparan. Sa madali't sabi,
pagagalawin natin ang katagang "telos" sa abot tanaw ng sinauna.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

PILOSOPIKAL AT KULTURAL NA BATAYANG ESPIRITWALIDAD

NG PAMILYANG PILIPINO

ni Manuel B. Dy, Jr.

Pambungad

Hindi karaniwan ang ipinapagawa sa akin sa talumpating ito.

Kadalasan, ang espiritwalidad ang nauuna, ang siyang pinagbabatayan
ng ating pilosopiko at kultural na pananaw sa mga bagay-bagay, sa
katalagahan. Subalit, ayon sa tema ng kombensiyong ito,
"pagsasabuhay ng tunay na espiritwalidad sa pamilyang Pilipino,"
ipinapalagay na meron ngang hindi tunay na espiritwalidad sa pamilyang
Pilipino. Marahil, dala ito ng ebolusyon ng pamilyang Pilipino, pagbabago
mula sa sinaunang pamilya tungo sa modernong pamilyang Pilipino. At
kaya, kasangkot ang kultural na aspeto, "kultural" sa kahulugang ang
kultura ay nagbabago at umuunlad. At pumasok sa lahat ng ito ang
pilosopiya ng pamilya, ang pagmumuni-muni sa kabuoan at kahulugan
ng pamilya.

Samakatwid, layunin ng talumpating ito ang mga sumusunod: 1) ang

paghahanap ng tunay na espiritwalidad sa pamilyang Pilipino; 2) ang
pagtuklas ng mga nananatiling halaga sa pamilyang Pilipino sa gitna ng
mga pagbabago; at 3) ang pagbuo ng pilosopikong batayan mula sa
tunay na espiritwalidad at mga halagang nasa pamilyang Pilipino.

Espiritwalidad

Ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kanyang pagkatao. Naiiba ang

tao sa hayop ayon kay Max Scheler dahil meron siyang espiritu na ang
kinaroroonan ay ang persona. Tatlo ang katangian ng pagka-espiritu o
pagkapersona o pagkatao ng tao: ang kamalayan ng sarili (alam ng tao
na alam niya o hindi niya alam samantalang ang hayop ay kaya lamang
umalam o mag-isip); ang kakayahang kumuha ng mga "ganito"
(thusness) mula sa mga "ito" (thisness) o ang kakayahang mag-
abstraksyon; at ang pagiging ens amans o umiiral na nagmamahal. Para
kay Scheler, ang pagmamahal (at pagkapoot) ang pangunahing kilos ng
tao bilang tao.

Naiiba ang pagmamahal sa pagkapoot, ayon kay Scheler, sa

tinutunguhang mga halaga. Nagsisimula ang pagmamahal sa
pagpapahalaga sa isang halaga ngunit sa pagkilos nito natutuklasan at
pinapahalagahan ang higit na mataas na halaga, patuloy ang pagtubo
hanggang sa makarating sa pinakamataas na halaga, ang halagang
banal. Kabaliktaran naman ang pagkapoot: nagsisimula sa isang halaga,
ngunit patugo sa mas mababang halaga.

Ang pamilya, ayon naman kay Karl Marx sa interpretasyon ni Jurgen

Habermas, ay batay rin sa pagkatao ng tao. Isinilang ang tao mula sa
mga primates nang sa ebolusyon ng paggawa naimbento ang
kasangkapan (tools) at nagkaroon ng pamilya ang tao. Sa katunayan,
walang pamilya ang hayop; nagsimula ang homo sapiens nang
nagkaroon ng ugnayan ng mag-asawa, mag-ama, mag-ina, at ang mga
katumbas na tungkulin.

Ano ngayon ang kahulugan ng espiritwalidad ng tao, ng pamilya?

Masasagot natin ito sa pagsasalarawan muna sa pinakamataas na

halaga, ang halagang banal. Ano ang larawan natin ng Poon? Ang
larawan natin ng Poon ay nagpapahiwatig ng ating ugnayan sa Kanya.
Kung ang larawan natin ng Poon ay isang kaibigan, ganoon din ang
ugnayan natin sa Kanya, isang ugnayan ng pagsasamahan,
pagbabahagian ng kasayahan at kalungkutan. Kung ang larawan natin
ay isang tagahatol, ang ugnayan sa Kanya ay may takot at pangamba,
na may magagawa akong masama at mapaparusahan Niya.

At ang ugnayan natin sa Poon ay may pagkakatulad sa ugnayan natin

sa kapwa. Kung ang Poon ay kaibigan, ang turing ko sa kapwa ay
kaibigan din. Kung ang Poon ay tagahatol, mapaghatol naman ako sa
kapwa o maingat ako sa pakikitungo ko sa kapwa dahil maaari akong
mapaghatulan.

Ang espiritwalidad kung gayon ay walang iba kundi ang

pagsasabuhay natin sa larawan ng Poon, ang pagganap natin sa ating
buhay ng larawan ng Poon. Hindi nangangahulugan ang espiritwalidad
ng pagsimba, pagrorosaryo, o pagnonobena lamang bagaman bahagi ito
ng buhay-espiritwal. Ang tunay na espiritwalidad ay ang pagtugon natin
sa tawag ng Poon sa ating buhay, at ito'y hindi hiwalay sa ugnayan natin
sa ating kapwa.

Ano ngayon ang larawan ng Poon ng pamilyang Pilipino?

Dalawa ang larawan ng Poon sa pamilyang Pilipino: ang Nazareno at

ang Santo Nino. Ano ang isinasagisag ng mga larawang ito?

Ang Nazareno ay si Jesus na nagdurusa sa krus dahil sa kasalanan ng

tao upang mailigtas tayo, dahil mahal Niya tayo. Ang Poon ay
tagapagligtas, nagdurusa dahil sa pagmamahal Niya sa atin. Pansinin
ang pagbigay-diin ng ating kultura sa Jesus na nagmamalasakit kaysa sa
Jesus na nabubuhay muli. Ang espiritwalidad ng ating pamilyang Pilipino
ay ang pagasasabuhay ng nagmamalasakit na Poon sa pamamagitan ng
pagdadalamhati ng kahirapan ng bawat miyembro ng pamilya. Sa
pamilya tayo tumatakbo sa panahon ng kahirapan at kagipitan. Sa
pamilya tayo nakakatagpo ng pag-uunawan at pagtanggap sa isa't isa.

Kasabay naman sa Nazareno ay ang Santo Nino. Kaiba-iba sa

Nazareno ang Santo Nino, ang batang Jesus na kadalasan dala ang bilog
na mundo, at iba't iba ang kasuotan. Ang Sto. Nino ay regalo ng mga
Kastila kay Haring Humabon, at mula noon naging bahagi ng ating
kultura. Pansinin na kahit sa pamilyang Pilipino na nag-iibang bayan ay
dala-dala ang imahen ng Sto. Nino. Ano ang Poon sa imahen ng Sto.
Nino? Hindi kaya sagisag ito ng katangian ng Diyos--na katangian din ng
bata--na bukas sa lahat, bukas sa tao, kahit sino ka man? Hindi ba
ganoon din ang espiritwalidad ng pamilyang Pilipino: ang pagiging
bukas-palad, ang pagiging magiliw sa panauhin?

(Kung babalikan natin ang tradisyon na pinanggalingan ng

Kristiyanismo sa Lumang Tipan, hindi ba itinuturing ng mga Hudyo na
malaking kasalanan sa Diyos ang pagtanggi sa isang estranghero sa
tahanan?)

Subalit, saan nanggagaling ang ganitong espiritwalidad ng pamilyang

Pilipino? Totoo nga ba na iba na ngayon ang pamilyang Pilipino, na ito'y
humihina na ang espiritwalidad?

Ang mga Halaga sa Pamilyang Pilipino

Maraming pangyayari ang nagpabago sa pamilyang Pilipino mula sa

tradisyonal tungo sa moderno: politiko, ekonomiko at media. Sa
larangan ng politika, nandiyan ang mahabang kasaysayan ng
kolonyalismo at ang dalawang dekada ng diktadura. Sa ekonomiya,
naririyan ang pag-usbong ng industriyalisasyon, ang unti-unting
pagreporma ng sistemang pagsasaka, at higit sa lahat ang malaking
agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. At sa media, ang
pagkalat ng radyo, telebisyon , pelikula, pahayagan. Lahat ito at iba pa
ay may epekto sa pamilyang Pilipino.

Mangangailangan tayo ng mahaba at malalim na pananaliksik sa

pampolitiko, pang-ekonomiko, at pangkomunikasyong impluwensiya sa
pamilyang Pilipino. Sapat na siguro sa talumpati na ito na isalarawan ko
ang kaibahan ng tradisyonal at modernong pamilyang Pilipino. Makikita
pa rin natin ito sa kaibahan ng kanayunan at kalunsuran, dahil sa bayan
natin tila naiiwanan sa pag-unlad ang nayon sa lunsod.

Ang tradisyunal na pamilyang Pilipino ay nakaugat sa trabaho ng

tatay, kadalasan sa pagsasaka kundi man sa negosyo. Ang ginagawang
hanapbuhay ng ama ay ipanapasa sa mga anak, kung kaya't nagkahalo-
halo ang ugnayang personal at pungsyonal. Itinuturing na "amo" ang
ama, kaya't mahalaga rito ang pagiging masunurin sa lahat ng
kagustuhan ng ama, pati na rin ang mapangasawa ng anak, na madalas
isinaalang-alang ang kayamanan ng mapangasawa. Inaayon na rin ang
uri at nibel ng edukasyon sa pangkabuhayan ng pamilya.

Ano ang papel na ginagampanan ng ina sa tradisyunal na pamilyang

Pilipino? Siya ang maybahay: siya ang nagluluto, naglilinis, nag-aalaga
ng sanggol--gawaing pambahay, mahalaga ngunit suporta lamang sa
hanapbuhay ng lalaki.

Nakaugat sa isang lugar ang tradisyunal na pamilyang Pilipino, sa

lugar na mismong pinagtatrabahuan o malapit dito, kaya't may
pagkapermanente ang tinitirahan. Sa gabi, nagkakasama-sama ang
lahat sa hapunan at pagrorosaryo o pagdarasal ng angelus.

Sa modernong pamilyang Pilipino nahihiwalay ang trabaho sa

pamilya. Namamasukan ngayon ang ama sa isang pabrika o kompanua
na maaring may kalayuan sa tahanan. Ang mga anak ay hindi
kailangang sumunod sa trabaho o propesyon ng magulang. Ang trabaho
ay nagiging pungsyonal, hindi hinahaluan ng personal, at naiwan ang
personal sa ugnayan ng pamilya. Subalit, madalas wala sa tahanan ang
mga miyembro ng pamilya dahil sa kani-kanilang mga pinapasukan na
trabaho na malayo sa tinitirhan.

Ang edukasyon ng mga anak ay hindi kailangang iayon sa

hanapbuhay ng mga magulang. Maaring pumili ng sariling karera ang
mga anak ayon sa hilig at talino nila upang makapagsarili sila at
makabuo na rin ng pamilya.
Ang maybahay naman ay hindi rin kailangan maiwan sa bahay dahil
may katulong o yaya na makakagawa ng trabaho rito. Ang ina ngayon
ay maari na ring maghanap ng kanyang trabaho, pandagdag ng kita o di
kaya'y dahil sa interesado siya sa kanyang propesyon.

Makikita natin ang modernong pamilya ng Pilipino sa lungsod ng

Maynila o Cebu, dahil nasa lungsod ang mga oportunidad ng trabaho,
ang pag-unlad sa propesyon, at ang iba't-ibang libangan. At dito
pumapasok sa pamilyang Pilipino ang diwang kompetisyon, pagnanasa
sa mga materyal na bagay at aliw ng katawan.

Nawawasak na nga ba ang pagkakakaisa ng pamilyang Pilipino sa

modernong panahon? Nawawala na nga ba ang paggalang at pagiging
masunurin na anak sa magulang? Nasisira na nga ba ang
pagkarelihiyoso ng pamilyang Pilipino?

Sa ganang akin, hindi. May nananatiling mga halaga sa pamilyang

Pilipino sa gitna ng mga pagbabago, bagaman naiiba ngayon ang
kanilang pagsasakatawan. Apat ang nakikita kong mga halaga sa
pamilyang Pilipino: ang pagkakaisa at harmoniya, paggalang sa
nakakatanda, utang-na-loob, at relihiyon.

Ang pagkakaisa at harmoniya sa pamilyang Pilipino ay nakikita sa

pagtutulungan ng mga miyembro ng pamilya, sa pagbibigayan ng
suporta sa isa't-isa, materyal o higit pa sa materyal na bagay. Sa
pagtutulungan at pagbibigayang ito natatagpuan ng Pilipino ang
kanyang seguridad. Sa pamilya siya't tinatanggap sa kanyang pagkatao.
Kung may away o di-pagkakaunawaan man, ito'y inaayos sa
mahinahong paraan, sa pakikiramdaman. Sa kasalukuyang panahon,
maaring madalang ang samahan ng pamilya dahil sa abala sa kanya-
kanyang gawain. Subalit, ang kakulangan ng panahon ay natutumbasan
sa kalidad ng mga ritwal sa Linggo, sa mga pagdiriwang ng kaarawan,
binyag, kasal, atbp.

Hindi pa rin nawawala ang halagang paggalang sa nakatatanda sa

pamilyang Pilipino. Kahit na may titulo na ang mga anak, sinasangguni
at hinihingi pa rin ang kamay ng mga magulang sa pagpapakasal.
Bagaman hindi nakapag-aral ang mga magulang, ang kanilang
katandaan ang sumasakatawan ng marami at mayamang karanasan at
karunungan.

At ang utang-na-loob ay nababatid ng anak dahil utang niya sa

kanyang mga magulang ang kanyang buhay. Kung kaya't kahit naririyan
ang institusyon para sa mga nakakatanda, ikinahihiya ng anak ang
iwanan ang matandang magulang sa pag-alaga nito. At ang magulang
naman, dahil a siya'y naging anak rin, binabayaran niya ang utang-na-
loob niya sa kanyang mga magulang sa pagbibigay ng magandang
kinabukasan sa kanyang mga anak kung kaya't siya'y nagtatrabaho.
At ang relihiyon hindi pa rin nawawala sa modernong pamilyang
Pilipino. Nakikita natin ang pagkamakadiyos ng pamilyang Pilipino sa
paglapit nito sa Diyos tuwing may problema o may mag-ibang bayan, at
ang pag-alay ng Misa o anuman bilang pasasalamat sa Kanya sa
ipinagkaloob na biyaya. Bagaman madalang na lang ang mga pamilyang
sabay na nagrorosaryo o nag-o-orasyon, dumadami naman ang mga
samahang pamilya tulad ng Marriage Encounter, Couples for Christ,
atbp.

Maaaring may iba pang mga halagang nananatili sa pamilyang

Pilipino sa daloy ng panahon, ngunit sa tingin ko ang apat na ito ang
mahalaga at nararapat alagaan sa harap ng maraming pagsubok sa
kasalukuyang panahon, sapagkat ang apat na halagang ito ang kultural
na batayan ng ating espiritwalidad.

Subalit hindi natin maipagkakailang napapanganib ang mga halagang

ito sa kasalukuyang panahon.

Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson Philippines,

"Portrait of the Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500 kabataan
mula sa lahat ng kategorya (ABCD) ng mga pamilya sa Metro Manila na
nakapanayam ay wala ang isa (nanay o tatay) o dalawang magulang
(nanay at tatay) sa tahanan. At sa 58% ng mga kabataan may nanay at
tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay na may trabaho sa labas ng
baay. Marahil marami sa mga magulang ay overseas workers. Ngunit
maari ding marami sa ating mga kabataan ay may hiwalay na mga
magulang. Kung kaya't ang ating kabataan ay bumabaling sa kanilang
barkada upang hanapin hindi lamang ang samahan at pakikipagkaibigan
kundi ang aruga, katapatang-loob, seguridad, gabay-sa madaling salita
ang pagmamahal-na hindi nila nararamdaman sa kanilang magulang.

"Friends…barkada…kasi sila ang nakakaintindi sa iyo."

"Mahirap nang mabuo 'yung family namin kasi may lakad-lakad din."

At kung hindi na buo ang pamilya, hindi na rin nalalayo ang

pagkawasak ng halagang paggalang sa nakatatanda, utang-na-loob at
relihiyon. Bagaman sinasabi ng pananaliksik na humahanga pa rin ang
atin kabataan ngayon sa kanilang mga magulang (na hindi maliwanag
kung bakit), sinasabi ring kulang sila ng mga bayani at modelo. Sila rin
ay mga anak ng media: ang media ang kanilang surrogate parent. Dahil
sa impluwensiya ng media, ang moral/imoral para sa ating kabataan
ngayon ay nakabatay sa social acceptance kaysa prinsipyo o relihiyon.
Napapanganib ang mga halagang paggalang sa nakatatanda, utang-na-
loob at relihiyon dahl hindi iginagalang ang media, hindi tayo
nagkakautang-na-loob sa media, at higit sa lahat, hindi sinasasamba ang
media.

Kung kaya't sa harap ng krisis na ito ng modernong pamilyang

Pilipino, kailangan natin ang pilosopikong batayan ng espiritwalidad ng
pamilyang Pilipino.

Ang Pilosopikong Batayan

Ayon kay Gabriel Marcel, hindi isang problema ang pamilya kundi
isang hiwaga. Ang problema ay isang bagay na labas sa ating pagkatao,
hiwalay sa ating kalooban. Ang hiwaga naman ay higit sa problema dahil
tumatalab ito sa aking kalooban, sa aking pagkatao.

Matagal na nating itinuturing bilang isang problema ang pamilya.

Tinuturing natin iton isang cell o basic unit ng lipunan-isang biolohikong
pananaw-na may pungsyon para sa lipunan o estado. Sinasabi natin, sa
panananaw na ito, na may dalawang layunin ang pamilya. Ang
pangunahin ay ang pagpaparami ng uri, ang pagkakaroon ng anak, at
ang ikalawa ay ang pagmamahalan ng asawa. Batay sa kalikasan ang
mga layuning ito, naiiba lamang ang tao sa hayop dahil sa rasyonal ang
tao, at lumilikha siya ng mga batas para maging pormal ang pamilya,
maging isang institusyon.

May kalabuan ang ganitong pananaw sa pamilya. Nagiging sobrang

pungsyonal ang pamilya. Pangunahin ang layuning paramihan ang uri at
pangalawa lamang ang pag-iibigan. Ginagawang kasangkapan ang anak
para sa pagpapatuloy ng angkan at sa pangangailangang sekswal ng
mag-asawa. Bagaman hindi mahihiwalay ang pangunahin at ikalawang
layunin, sa katunayan maari silang magkakatunggali dahil sa dami ng
mga anak at kahirapang pinansiyal sa buhay. Alin sa kanila ngayon ang
pairalin? Kung ang pangunahing layuning ang bibigyang-diin,
mangyayari ang pagsuko sa tuksong umibig sa iba. Kung ang ikalawa
naman ang bibigyang-diin, mangyayari ang free love, ang pag-iibigang
walang pananagutan, kasama ang pagpapalaglag.

Hiwaga ang pamilya. Hindi mga layuning panlabas ang pagkakaroon

ng pamilya kundi isang panloob na kahulugan-ang makatao at
makadiyos na pag-iibigan. Hindi tulad ng isang problema, ang halaga ng
pamilya ay nasa loob nito mismo, sa pag-iibigan ng mag-asawa. Ang
pag-iibigang ito ay isang uring pagmamahalang may tatlong katangian:
ito ay walang-hanggan at walang kondisyon, natatangi (exclusive), at
sumasakatawan. Walang hanggan at walang kondisyon ang pag-iibigan
ng magasawa: minamahal nila ang isa't-isa sa kanilang pagkabukod-
tangi, hindi dahil sa anupamang dahil: kayamanan, kagandahan o
pagkakaroon ng anak. Natatangi ang kanilang pagsasama dahil sila'y
sumasakatawang-diwa. Hindi maaaring magmahal ng dalawang asawa
sabay maging tapat sa dalawing ito. At sumasakatawan ang kanilang
pag-iibigan dahil sa sumasakatawang-diwa sila, binubuo ang mga
halagang materyal at espiritwal.

Lumilikha ang pag-iibigan nila ng anak. Ang kanilang pagkakaisa ay

hindi maaring manatiling mag-isa: sumasakatawan at lumalawak ito sa
ikatlo, at kaya nagbubunga ng anak. Nakararananas ng katapatang-loob
ang pinagkaisang "tayo" ng mag-asawa kapag nagiging isang sanggol
ito. At dahil iniibig nila ang isa't-isa bilang mga persona at hindi bilang
mga hayop, hindi lamang nila ginugusto ang isang anak kundi itong
anak. Bawat pagsilang ng sanggol ay bukod-tanging pangyayari sa
buhay ng mag-asawa.

Ang pagiging magulang sa hiwaga ng pamilya ay mapaglikhang

pananagutan. Malaya nga ang pag-ibig nila sa isa't isa, ngunit ang
kalayaang ito ay may pananagutan, may pagtataya. Sinasagot nila ang
bawat pagsilang ng anak: isinasaalang-alang ang mga materyal at
sikolohikong pangangailangan ng pagpapalaki at pagbibigay ng
edukasyon ng anak. Mapaglikha rin sila sa kanilang pagtataya dahil
iniiwasan nila ang sobrang pagbibigay-tuon sa mga materyal na bagay:
kahit papaano, makararaos din, makahahanap ng paraan.

Tunay na mahiwaga ang pamilya dahil hindi mabibigyang katwiran

ang walang-hanggan at walang kundisyong pag-iibigan ng mag-asawa
at ang pagmamahalan ng magulang at anak. Sa gitna ng kahirapan sa
buhay at kawalang-katiyakan sa hinaharap, walang katututuran ang
umibig at magmahal. Naririyan lagi ang posibilidad ng kataksilan, ang
pagbabago ng damdamin, ang kahirapan ng buhay, at sa pagpapalaki
ng anak, na hindi mahubog ng magulang ayon sa kanilang kagustuhan,
at kung gayon ay maari silang mawalan ng landas. Ang
pananampalataya lamang sa Diyos ang maaring makapagpatibay sa
pagmamahalan ng pamilya. Sa paniniwala sa Diyos nabubuo ang
komunidad ng pamilya. Sa pananalig sa Diyos ang bawat anak ay
biyayang ipinagkaloob sa mga magulang, at ang mga magulan ay regalo
ng Diyos sa anak.

Balikan natin ngayon ang mga larawan ng Poon sa pamilyang Pilipino

na binanggit natin sa simula: ang Nazareno at ang Sto. Nino. Ang mga
ito ang sagisag ng espiritwalidad ng pamilyang Pilipino. Mula sa mga ito,
mahihinuna natin ang pilosopikong pananaw ng Pilipino sa pamilya.

Ipinapakita ng Nazareno ang pagmamahalang nagbubuklod at

namamalasakit sa pamilya. Napakadakila ng pagmamahal ng Panginoon
sa sangkatauhan at sa bawat isa sa atin na inalay Niya ang sariling
buhay sa krus upang maibalik ang pagkakaisa ng Diyos sa tao. Ang
tunay na pagmamahal ay ang walang kondisyong pag-aalay ng sarili sa
minamahal bilang siya. Ang pamilya ay isang komunidad ng binubuhay
ang tunay na pagmamahalan. Binubuklod ng pagmamahal na ito ang
bawat isa sa kaniyang pagka-siya. Tinatanggap ang bawat isa sa
kanyang pagkasiya, kahit ano o sino pa man siya, at kung nagkakasala,
nagpapatawaran. Sa pamilya tayo malayang maging ako, walang
pakundangan, walang pagkukunwari, ika nga sa Ingles, "at home."
Nagmamalasakit ang pagmamahal na ito. Nagtutulungan ang mga
miyembro ng pamilya, nagbibigayan, pinapasan ang hapis at hirap ng
bawat isa. Sa pagbibigayang ito nagkakaroon ng pagkakaisa at
harmoniya sa pamilya.

Pinapakita ng Sto. Nino ang pagmamahalang mapagkumbaba at

nagpapasalamat. Itinuturo rin nito ang pagiging bukas ng kalooban sa
kanino mang ibig pumasok nito. Ang batang Hesus ay masunurin kay
Maria at Jose. Kahit Diyos siya, hindi niya ipinagmalaki ang kanyang
pagkadiyos, bagkus nagpakumbaba siya, naging magalang at
masunuring anak. Maari rin nating sabihing marunong siyang tumanaw
ng utang-na-loob na sa paglaki niya at sa simula ng kanyang misyon,
pinagbigyan niya ang kahilingan ng Inang Maria na gawing alak ang
tubig sa kasal sa Cana. Bukas din siya sa ibang tao, tulad ng
pakikisalimuha niya sa mga marurunong sa templo. Ang tunay na
pagmamahalan ay may paggalang, pagtanaw na utang-na-loob at
pagbubukas-palad. Sa pamilya, mahalaga ang paggalang, lalo na sa
nakatatanda, ngunit mahalaga rin ang paggalang ng magulang sa anak
sa pagkabukod-tangi niya. At kahit inutil ang magulang, ginagalang pa
rin siya at personal na inaalagaan. Sa pamilya, mahalaga ang pagtanaw
ng utang-na-loob, dahil ang pagmamahalan ay nagbibigay-buhay, at
ang buhay ay isang pakikipagsapalaran dahil ang pagmamahalan sa
buod nito ay isang pagtataya sa hinaharap, sa sinumang
makakasalamuha. Ika nga ng isang pelikula, "relaks lang, sagot kita."

Ang Nazareno at ang Sto. Nino. Kapwa sila naglalarawan ng halagang

relihiyoso sa pamilyang Pilipino: ang pag-ibig sa Diyos na sinasaktawan
sa pagmamahal sa kapwa. Ang tunay na espiritwalidad ng pamilyang
Pilipino ay ang pagsasabuhay ng pag-ibig ng Diyos sa pag-iibigan ng
mag-asawa at pagmamahalan ng magulang at anak at magkakapatid.
Dito nagsisimula ang kapatiran ng sangkatauhan sa pagmamahal ng
Diyos Ama.

Pamantasang Ateneo de Manila

Marso 13, 1994

Para sa kombensyon ng Pambansang Samahan Para sa Pagpapalahaga,

Inc.
Baguio City
Abril 11-12, 1994.

REFLEKSIBONG PAGTINGIN
Rainier R. A. Ibana, Ph.D.
Pamantasan ng Ateneo de Manila

Isang panayam na binigkas sa Ikalawang Pambansang Kumperensiya si

Pilosopiyang Filipino: "Ang Pilosopiya sa Iba’t ibang Larangn ng
Kaalaman" na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas noong ika 28-29 ng
Oktubre, l999 sa Diliman, Lunsod ng Quezon.

Pahintulutan po ninyong magsimula ako mula sa isang sipi sa buhay ni

Gautama Buddha dahil may sinasabi ang kanyang pangunahing aral sa
ating paksa. Ayon kay Buddha, natutulog ang buong daigdig sa
kamangmangan dahil naghahabol sila sa mga bagay-bagay na lumilipas.
Tanging yaong nakatuklas sa katotohanan ang gising na. Tinataguriang
Buddha ang gising na; mangmang naman ang natutulog pa (SB 91).
Nananatiling mangmang ang tao habang wala siyang matinding
pagmamalay sa mga bagay-bagay. Naghahabol naman ang mga
mangmang sa mga bagay dahil sa kalabuan ng liwanag sa kanilang
kamalayan.

Nakatutulong ang iba’t ibang mga disiplina upang sindihan ang

kamalayan ng tao. Subalit higit na pinatitindi ng pamimilosopiya ang
liwanag na ito sa pamamagitan ng pagmumunimuni. May tatlong uri ng
pagpapatindi sa kaliwanagan ng pagmamalay-tao: tawagin nating
pagkagulat ang una, pagkamulat ang ikalawa, at pagkagising ang
ikatatlo.

Pagkagulat sa Nagmemeron

Nauuna ang antas ng pagkagulat dahil mayroon itong kaugnayan sa

pagmamalay ng tao sa buong larangan ng buhay. Pangunahing
karanasan ang pagkagulat sa mismong pagkanaririto ng daigdig na hindi
maihihiwalay sa pagmamalay ng tao sa kanyang mismong pagkanaririto.
Namamalayan ang pagkanaririto nito, ang pagkanaririto niyan, at ang
pagkanaririto niya, mula sa abot tanaw ng pagkanaririto mismo, ang
pagkanagmemeron o ang hindi pagkawala ng lahat. Itong
pagkanagmemeron at pagkahindi wala ang nagbubunsod ng lubusang
pagkagulat: "Bakit nagmemeron ang lahat at hindi sila wala?" Kasabay
nito ang hindi maiiwasang pagkakasangkot ng katanungang sa
pagmemeron, at hindi pagkawala, ng taong bumibigkas ng tanong: bakit
nagmemeron ako at hindi ako wala? (BT 32-33)

May kaugnayan sa ibang mga disiplina ang orihinal na pagkagulat sa

katanungang ito sapagkat nakaugat ang mga datos ng anumang aralin
sa loob ng abot tanaw ng pagmemeron. Nakataya ang eksperimento at
mga instrumento ng agham sa pagpapatunay sa pagkanagmemeron ng
mga datos. Kung wala sa larangan ng pagmemeron ang datos ng
agham, wala ring maaaring tumutol o sumang-ayon sa mga pahayag
nito; hindi mapabubulaanan at hindi mapatutunayan ang mga
haypotesis kung wala itong kaugnayan sa pagmemeron. Ni wala silang
maipahahayag maliban sa pambobola na madali namang
mapabubulaanan ng pagkameron o pagkawalang-nilalaman ng kanilang
sinasabi. Dahil mahigpit ang pagkapit ng mga agham sa ebidensyang
empirikal, hindi maiiwasang ituro ng kanilang pananaliksik ang landas
patungo sa orihinal na pagkagulat sa larangan ng pagmemeron.

Pagkagulat sa mga Balangkas ng Pananaw

Subalit dahil nagpapakita ang pagmemeron sa kamalayan ng tao, hindi

maiiwasang mamulat din ang tao sa kanyang sariling pananaw sa
pagmemeron. Hindi matatanggihan na may mga balangkas ng kaisipan
na humuhubog sa pag-uunawa ng tao. Hindi basta maiuutos ng
siyentista na basta dumilat sa mga ebidensya. Kaugnay ng pagdilat ang
tanong na kung ano nga ba ang pandidilatan? (CR 46)

Oras na sikaping sagutin ang tanong ukol sa kaanuhan ng nagmemeron,

lilitaw ang pagkakaroon ng iba-ibang anyo ng kaanuhan: kayamanan,
kapangyarihan, kasarian, kalipunan, katauhan, kagandahan, kahayupan,
atbpa.. Nagpapakita ng iba-ibang mukha ang nagmemeron dahil na rin
sa iba’t ibang pananaw ng tao. Mayroon itong iba ibang anggulo, antas,
nibel, lalim, lawak at panahon. Higit na nagiging masalimuot ang
pagsusuri sa mga paksa ng mga agham pantao at agham panlipunan
dahil sa matinding kamulatan sa iba’t ibang balangkas ng pagtanaw.
Dumagdagsa rin ang sari-saring uri ng agham dahil sa pangangailangan
ng iba’t ibang pananaw.

Subalit kailangan nating mag-ingat sa puntong ito dahil isang malakas

na tukso para sa taong mulat sa iba’t ibang pananaw ang iuwi ang
kasaganaan ng nag-uumapaw na karanasan patungo sa makitid na
kasalatan ng isang punto-de-bista lamang. Ito ang suliranin, halimbawa,
ng ekonomistang walang pakialam sa pulitika at kultura, ng biyologong
hindi siniryoso ang pag-aaral sa kimika at pisika, ng historyador na
walang alam sa sikolohiya at sosyolohiya.

Pagkagising sa Hangganan ng mga Disiplina

Tungkulin ng sinumang namimilosopo na manggising sa mga hangganan

ng iba’t ibang mga disiplina upang maipagpatuloy ang pagdiriwang sa
walang katapusang piyesta ng iba’t ibang pananaw sa buhay. Sa
ganitong paraan lamang natin mapalilitaw at maiwawagayway ang iba’t
ibang kulay at hugis ng pagmemeron. Kailangan nga lamang nating
maging maingat sa mga tagataguyod at tagagiit sa pagkamulat ng iisang
punto de bista lamang dahil maaari silang mapeste sa ating
pamimiyesta. Alalahanin natin ang naging kapalaran ni Mang Sokrates
na tiniris ng mga taga-Atena dahil sa kanyang pambabangaw.

Sa gitna ng iba-ibang mga balangkas ng isipan at punto de bista,

nagigising tayo sa "refleksibong pagtingin" sa kasaganaan ng buhay (PE
33). Refleksibo ang pagtinging ito dahil isinasaalang-alang nito ang
posibilidad ng iba pang mga pananaw. Alisto rin ito sa makagugulat na
sorpresa ng panibago at hindi inaasahang mga hudyat ng pagmemeron.
Kaya nga nakahanda itong bitawan ang sariling pananaw kung may
magmumungkahi ng higit na malalim na punto-de-bista na
makapagpapaliwanag sa higit na kalawakan ng buhay.

Nagiging posible ang pagpapalitan ng mga kurokurong (katulad ng

ginagawa natin ngayon) dahil sa samasamang pamamahay natin sa
refleksibong larangan ng buhay. Nakaaalpas tayo mula sa makikitid na
balangkas ng isipan patungo sa isang paniniwala na makararating rin
tayo sa isang higit na malawakang pag-uunawa na kinabibilangan ng
iba’t ibang punto de bista.

Refleksibong Pagtingin

Bukas ang pag-uunawang ito kaninuman: sa siyentista, artista,

antropolohista, feminista, kwentista, aktibista, manikurista, kolonyalista,
lasalista, atenista, pilipinista, sosyalista, komunista, karatista. Subalit
nakikiusap lamang tayo na manatili nawa sa mga hangganan ng
argumento, at hindi umabot sa armamento, ang ating usapan. Sa tulong
lamang ng pasubaling ito -- na isang pasubaling walang pasubali ayon
nga kay Kant – mapaiiral natin ang isang refleksibong pagtingin na may
pagkabukas sa sinumang maaaring tumutol. Ipinagpapasalamat pa nga
ang anumang pagtutol dahil ipinahihiwatig nito ang pakikisangkot sa
samasamang paghahanap sa kinauugatan nating lahat.

Ipinapalagay ng pakikisangkot na ito na may mundo tayong kinauugatan

na palagi nang naririyan sa simula’t simula pa; subalit natabunan nga
lamang ng mga hindi kinilatis na palapalagay na hinubog at pinatigas ng
mga balangkas ng isipan at ng lipunan (TCA 119ff). Sa pamamagitan ng
refleksibong pagtingin, nauunawaan ang karanasan na para bagang
nakikita ito sa unang pagkakataon, nang may pagkasariwa, nang may
pagkamangha, nang may sabay na pagkagulat at pagkamulat.

Bilang mga halimbawa, ginagamit natin sa nakababatong pang-araw

araw na buhay ang mga wikang Ingles at Filipino. Sa refleksibong
pagtingin, namamangha at napapatanong tayo: "Ano nga ba ang ibig
sabihin ng wika? Paano nakararating sa ibang tao ang ating mga
pinapaksa sa pamamagitan ng wika?" Gayundin ang karanasan natin sa
anumang aralin: bago natin alalahanin at suriin ang mga datos ng
kasaysayan, ininatanong ng refleksibong pagtingin: "Ano nga ba ang
saysay ng kasaysayan?" May katulad na karanasan din ito sa mga
agham-pangkalikasan dahil bago natin saliksikin ang mga balangkas ng
buhay, itinatanong din natin: "Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?"

Hindi pagkapanganay na binibilang sa panahon ang dahilan ng

pagkapanibago ng mga katanungang ganito. Madalas na naitatanong rin
ito sa gitna o sa katapusan ng pag-aaral. Nagmimistulang bago ang mga
katanungang ganito dahil nagmumula ito sa kaibuturan ng karanasan
mismo: ang buto na pinagmumulan ng ugat, ng puno, ng sanga, ng
dahon, ng mga bulaklak. Subalit sa kaibuturan pa ng kabutuhan, na
lumalampas pa sa lupa at sa ugat, pumapaimbulong ang mga
katanungang ito sa mahiwagang kilos ng malay-tao na sumasaibayo sa
anumang biyolohikong talinghaga. Gaano man katindi ang pumapaypay
na pagsulong ng biyolohikong ebolusyon, nababaliktad ang lahat na ito
sa pagsibol ng malay-tao. Isinalin ng aming guro ang refleksibong kilos
na ito bilang "pagbabalik-tiklop" dahil nakarating ang antas ng
pagmamalay ng mundo sa isang may kakayanang "tumiklop sa sarili at
umangkin sa mismong sarili" (PSM 224-225).

Pagkadukha at Pakikipagkapwa

Subalit hindi makasarili ang gawaing ito. Sa katunayan, dukha ito sa

kaibuturan kung kaya nakapagbibigay at nakatatanggap ito ng lahat.
May walang hanggang kababaang loob ito na walang kapunuan gayong
hindi naman ito butas sa kailaliman. Maihahalintulad muli muli ang
bugtong nito kay Gautama Buddha na namamalimos sa lahat. Sa harap
ng kanyang amang hari, winika ni Buddha:

Nanggaling ako mula sa isang mahabang binhi ng mga

guro,

ng mga Buddha noong nakalipas. Palagi nang

mapagkumbaba

ang mga gurong ito (SB 108).

Itong pagpapakumbaba ang birtud na nagbibigay-lakas sa kakayanan ng

refleksibong pagtingin na matanggap ang iba’t ibang punto de bista na
siyang nagpapakilala sa samot-saring mukha ng reyalidad. Bumabalik
tayong muli rito sa orihinal na pagkagulat sa lahat na nagmemeron dahil
maaaring tanggapin ang lahat ng sinumang gising sa refleksibong
pagtingin. Subalit kakaiba itong pagbabalik na ito dahil dumaan at
lumampas na ito sa sandali ng pagkamulat sa sariling balangkas ng
isipan. Wala itong kakayanang mamilit ng sariling balangkas laban sa
katotohanan at sa katotong may kakaibang balangkas ng isipan. Sa
halip, natatanggap nito ang lahat dahil na nga sa abang pagmamalay sa
sariling karukhaan (PBE 54ff.).

Para sa sinumang nananahan sa refleksibong pagtingin, masasabi nilang

nanggaling rin sila sa mahabang binhi ng mga guro: sina Amang Thales,
Lao-Tze, Kung Fu-tze, Platon, Aristoteles, Sto. Tomas, Kant, Hegel, at
iba pa. Kung tutuusin, wala rin silang ginawa kundi tumingin nang
parefleksibo sa iba’t ibang disiplina ng kanilang lugar at panahon. Nais
kong imungkahi na ganito rin ang hamon sa atin dito sa Pilipinas
ngayon. Subalit hindi lamang ang dakilang mga pantas ang ating
kasama. Kasangkot din natin ang mga aktibista at manikurista, karatista
at artista, feminista at antropolohista, lasalista at atenista, kolonyalista
at komunista, sosyalista at pilipinista.

Maraming salamat po.

Talaan ng mga Sinipi:

BT: Martin Heidegger, Being and Time ((New York: Harper and Row,
1962).
CR: Karl Popper, Conjectures and Refutations (New York: Harper and
Row, 1965).
PBE: Norris Clarke, S.J., Person, Being, and Ecology (Quezon City:
Ateneo Office of Research and Publications, 1996).
PE: Edith Stein, On the Problem of Empathy (The Hague: Martinus
Nijhoff, l964).
PSM: Roque Ferriols, Pambungad sa Metapisika (Quezon City: Ateneo
Office or Research and Publications, 1991)
SB: The Story of Buddha (New Delhi: Hemkunt Press, l978).
TCA: Juergen Habermas, The Theory of Communicative Action Vol. II
(Boston: Beacon Press, 1987).

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

TELOS
Hango sa Mga Nota ni P. Roque J. Ferriols, S.J.
Pamantasan ng Ateneo de Manila

Ang bawat umiiral ay may panloob na istruktura ng paghahantong. Ang

maliit na tanim nang magpaka-punong-kahoy, ang tuta nang magpaka-
aso, ang mga atomo nang mag-tumba-tumba at, ayon sa kurba ng
probabilidad, magpaka-molekula. Ang pagtungo sa telos ay
mapagmamasdan, hindi lamang bilang isang basta't galaw ng meron,
kundi bilang nasa mismong panloob na istruktura ng mismong meron,
bilang isang panloob na pag-udyok ng kalikasan. Bahagi ng "utos" ng
kalikasan sa bawat meron: "Magpakameron ka."

At hindi mahirap na mapagmasdan na ang udyok patungo sa telos ng

tao ay limulitaw at umiiral sa kanyang pagmamalay bilang isang
palaging nandodoon at palaging tumutulak sa kanya na pagnanais
lumigaya. Sapagkat kilalang kilala ito, kung minsan ay hilig nating
huwag pag-isipan, paalisin na lamang sa isang, "Ayan na naman."
Ngunit, kung maaring paalisin ang tahasang pag-iisip ukol sa
kaligayahan, hindi mapapaalis ang lihim at walang pahingang kilus ng
kalooban na naghahanap. Sa lahat ng pagpili at pagpasiya, sa lahat ng
pag-ayaw pumili at pumasya, nandodoon, kahit na papaano, ang
pagtungo sa inaakala nating kaligayahan. Maaring ayaw natin ang
katagang "kaligayahan". Baka sabihin natin na ang hinahanap natin ay
"pananahimik ng loob na hindi mapalagay", "pag-hantong sa wakas sa
matagal nang inaasahan", "paglimot sa sarili at pagbuhos ng loob sa
kapuwa", "walang hintong pagsikap sa pagpapalaya sa lipunan", o ano
pa. Ngunit, (kahit na ang mga alagad ng huling dalawang halimbawa ay
madalas mag-islogan ng "Wala kaming pakialam sa ligaya,") kaligayahan
pa rin ang hinahanap. Kaya't masasabi natin na sa pagmamalay ng tao,
sa iba't ibang paraan na nagkakasalungatan pa sa isa't isa, tinetelos niya
ang kaligayahan.

Aliw ng laman. Sabi nga ni Aristoteles na kung sabihin mo,

"Kaligayahan!" ang iisipin ng karamihang tao ay aliw ng laman: o
pagkain o inumin o ginhawa ng katawan o seks. Malinaw na lahat nito
ay importanteng bahagi sa kaligayahan ng tumatahak sa buhay-lupa.
Ngunit, kapag gagawin ng taong ligaya niya, telos niya, ang aliw ng
laman, may isang pangyayari na napagmamasdan ng maraming tao. Na
upang makamtan niya ang pinili niyang maging ligaya niya,
kakailanganin niyang ulit-ulitin iyong nagbibigay-aliw sa kanyang laman,
pagkain man o pag-inom (at kasama na rito ang paggamit sa gamot) o
seks. Hindi yata mapapatahimik ang pagnanais sa aliw ng laman kung
hindi uulit-ulitin. . . at sa wakas nakikita ng tao na hindi pa rin
tumatahimik ang kanyang loob kahit na parang walang hanggan na ang
kanyang pag-uulit-ulit.

Kung minsan, kahit hindi na masarap, hindi pa rin mahinto ang pag-
uulit; "nagkabisyo," ika nga, o "naadik".

Sapagkat ang aliw ng laman ay bahagi ng mas malawak at mas malalim

na kabuoan. Ang pagkain at alak ay sangkap ng pagpapalakas sa
katawan, ng pakikisama ng tao sa tao, ng pagmumulat sa pagkakaisa ng
tao sa tao. Lahat niyan ay maaring paunlarin kung nagsisikainan tayo at
nagsisiinuman (ayon sa tamang sukat) ng sama-sama. Sa ating mga
pagsasalu-salo, hindi lamang natin mapapalusog ang ating katawan,
kundi magigisnan pa natin na bahagi pala tayo ng isa't isa. At
mapapatubo pa natin ang ating pagkakaisa. Sa loob ng ganitong
kabuoan, ang pagkain at inumin ay napakasarap nga.

Hawig diyan ang nakikita sa seks. Sa konteksto ng pag-iibigan,

katapatan ng tao sa tao, masipag ng paglikha sa bagong kapwa tao,
pagtatag sa isang "bagong sibilisasyon" sa daigdig ng ina, ama, anak. .
.ang pagtatalik na sekswal ay nagiging matinding sangkap ng sukdulang
ligaya.

Ngunit, kung tinanggal natin sa kabuoan ang pagkain, inumin o/at seks,
upang italaga dito ang buong kaligayahan, ang buong buhay ay iikot sa
pag-uulit-ulit sa damdam-kiliti. Hindi mahirap makita na ang magaganap
ay pagwawasak sa mismong istruktura ng pagmemeron ng tao.
Samakatwid, hindi natin masasabi na pag-ikot sa aliw ng laman ang
katutubong pagtelos ng tao.

At dito tayo matatauhan ukol sa madalas punahin ng mga nakakaalam:

Kapag aliw ang hinahanap mo, hindi mo matutuklasan; kapag
pinagsisikapan mong buoin ang nararapat, halos hindi mo mapapansin
na kusang dumarating ang aliw.

Kwarta at ari-arian. Maari namang ituring ng isang tao na ang pag-

ipon ng kwarta at mga ari-arian ang siyang makapagbibigay-ligaya sa
kanya.

Kapag wasto ang pagsisirkulasyon sa kwarta, ang kwarta ay isang tunay

na sagisag ng trabaho. Batay sa pagtatrabaho ng tao ang kwartang
nararapat sa kanya; kaya't kapag nasa kanya na ang kwartang
katumbas ng kanyang mga pagtatrabaho, ang paggasta sa kwarta ay
tuluyang pag-ani sa karagdagang bunga ng kanyang trabaho.

Sinasagisag ng kwarta ang mga natrabaho ng tao. Mabisa ang

pagsasagisag na ito. Sa bisang ito, madarama ng isang tao na trabaho
niya ang nakapagkakamit sa pagkain, kagamitan, tahanan at iba pang
mga kailangan ng kanyang pamilya.

Maari rin mangyari na, sa pamamag-itan ng kwarta, ang tao'y

nakapagtatatag ng bagong proyekto na mapagtatrabahohan ng
maraming ibang tao. Kapag ganito ang nanyayari, ang trabaho ay
lumilikha ng bagong trabaho, nakapagbibigay ng kakayahan sa
maraming tao na magtrabaho pa at gamitin ang kanilang trabaho sa
pagkamit sa kanilang mga kailangan sa buhay.

Kaya't nakikita natin na ang tunay na halaga at kahulugan ng kwarta ay

nakasalalay at nakikipagtalaban sa pagiging mapaglikha ng taong
nagtatrabaho. Ngayon, kapag pinasya ng tao na kwarta ang kanyang
ligaya, paiikutin niya ang kanyang buong buhay sa lubusang-pag-ipon
ng kwarta. Para sa kanya, ang kwarta'y basta't iniipon sapagkat kwarta.
Nag-iipon siya ng sagisag at wala siyang pakialam sa sinasagisag.
Hinihiwalay niya ng kwarta sa tunay na halaga at kahulugan nito. Mga
sagisag ng pagiging mapaglikha ang iniipon niya, habang walang halaga
sa kanya ang pagiging mapaglikha.

Hawig diyan ang makikita sa mga ari-arian. Ang mga pag-aari ay bunga
at sanhi ng pagtatrabaho. Kaya't ang mga ari-arian ay may tunay na
halaga at kahulugan ayon lamang sa relasyon ng mga ari-arian sa taong
lumilikha, nagtatrabaho. Ngayon, ang taong basta't nag-iipon ng mga
ari-arian upang basta't umapaw sa pag-aari, ay walang paggalang sa
relasyon na ito; gumaganap siya ng isang pag-wasak sa kahulugan. Ang
pag-ipon ng mga ari-arian na walang pagtanaw sa pagiging mapaglikha
ng taong nagtatrabaho ay isang paghiwalay sa tunay na halaga at
kahulugan ng mga ari-arian. Ginagawang baog ang sanhi sana ng
paglikha.
Kaya't kung mismong kwarta at ari-arian ang itinuturing kong ligaya,
winawasak ko ang mismong intruktura ng halaga at kahulugan. At
sapagkat sukdulan ng meron ang halaga at kahulugan, mismong
istruktura ng meron at mismong meron ang winawasak ko. Samakatwid,
ang nagiging base ng aking l igaya ay isang hindi-meron, hindi-totoo,
isang kasinungalingan. Anomang ligayang nakamit habang nakabatay sa
ganyang base ay huwad na ligaya; hindi ligaya; hindi telos.

Puri ng tao. Maari namang isalalay ang ligaya sa puri ng tao. Upang
isipin at sabihin ng karamihan na ako ay tanyag o dakila o mabuti: iyan
ang layunin ng buhay. Sa halip ng aliw ng laman o kayamanang
materyal, ang iipunin ko ngayon ay mga pagtanyag sa aking sarili.

Pagmasdan nating sandali ang puri. Pinupuri ako kung may nagsasabi sa
akin na ako ay. . .ano? Iba-iba ayon sa pagnanais ng iba't ibang tao.
Ngunit, marahil ituturing ng isang taong may kaunting isip man lamang
na totoo siyang pinuri (1) kung may nagtawag ng pansin sa isang
kabutihang talagang ginawa niya at tinanyag siya dahil dito, at (2) kung
ang nagsalita ay taimtim at tapat sa kanyang pagsasabi, at hindi
lamang, ika nga, namimingwit.

Ngunit, maaring mangyari na malimutan ng isang tao kung ano ang

tunay na puri. Maaring basta't malugod siya kung ang sinasabi ng
karamihan ukol sa kanya ay may anyong mabuti. Inaakala niya na sapat
na ito upang lumigaya siya. Hindi na niya kikilatisin pa kung ang pinuri
na ginawa niya na nag-aanyong mabuti ay mabuti nga talaga at kung
ang nagsasalita ay taimtin na nagsasalita. Kaya pagsisikapan niya na
palaging may anyong mabuti ang sasabihin sa kanya, ukol sa kanya;
kaya't pangangatawanan niyang mag-anyo ng ayon sa nakakalugod sa
karamihan, upang maging laganap ang kanilang pagtatanyag sa kanya.
Ang buhay niya ay magiging isang matiyagang pamimingwit sa puri.
Pag-aaralan niyang masusi ang arte ng paggawa ng anyong kaaya-aya
sa marami at, kung kwartahin siya, handa siyang magbayad sa mga
eksperto sa paglikha ng anyo, mga propesyonal na uso ngayong
tawaging image builder. Ganyan ang pamumuhay ng taong hinahanap
ang telos na ligaya sa puri ng tao.

Ang ganyang istilo ng pamumuhay ay gutom sa puri at ni hindi na

magtataka kung ano kaya ang talagang kapuri-puri. Ngunit, sabihin
natin na may ibang tao na nagtataka kung ano ang talagang kapuri-puri.
Baka matuklasan niya na ang tunay na kapuri-puri ay tunay na
pagpapakato. Marahil hindi niya malalaman ang lahat, ni hindi siya
magpapanggap na nalalaman na niya ang lahat. Ngunit, malalaman niya
ng sapat, at ituturing niyang mabigat at maligayang pananagutan, na
ang pagpapakatao ay paglingkod sa kapwa, sa Maykapal. At sapagkat
ito ang tunay na kapuri-puri, pagsisikapan niya na ang kanyang buhay
ay maging isang walang sawang paghahanap at pagkikilatis, upang sa
mga pangyayari'y magawa niya ang nararapat gawin ng tao.

At dito, magtataka siya. Sapagkat makikita niya na ang tunay na kapuri-

puri ay: gawin ang nararapat gawin. Matutuklasan niya na wala na
siyang panahon na pansinin pa kung punupuri nga siya o hindi, ni wala
na siyang panahong naisin ang puri. Makararanas nga siya ng mga
galaw ng kalooban na naghahanap ng puri, ngunit, malaon o maaga'y
lilinaw sa kanya na ang mga galaw na ganito'y pag-aksaya ng panahon.
Kung magkataon na meron ngang magpuri sa kanya sa isang puring
tunay at taimtim, liligaya nga siya at magpapasalamat.. . ngunit, takot
niyang lilisanin kaagad, sapagkat natauhan na siya na ang malabis na
pagpansin sa puri ay pagwasak sa pagtupad sa totoong nararapat. Hindi
iniintindi ng tunay kung may puri siya o wala.

Sa palagay ko, tumitingkad na ngayon na kapag hinanap ng tao ang

telos na kaligayahan sa puri ng tao, kahungkagan ang kanyang
madaratnan. Sapagkat ang puri ay tunay lamang kapag hindi hinahanap.
Kapag hinanap ay nagiging huwad. Hindi ganito ang katutubong
hantungan, katuparan, kabuoan ng tao.

UGAT NA KILUS, UGAT NA PAG-ASAM

Hangga ngayon, medyo ganito ang naging paghahanap natin:

Pansin natin na may katutubong pagnanais ang tao: ang pagnanais

lumigaya. Napapansin natin na ito ay batayan ng lahat ng mga ibang
pagnanais. Ang hinahanap natin ay ligayang buong buo, umaapaw,
walang maliw, walang pagkukulang, walang katapusan, tahasan at
lubusan. Marami tayong mga ibang pagnanais, ngunit, masasabi natin
na lahat ng mga iba ay bahagi ng pagnanais lumigaya, sapagkat ang
pagnanais lumigaya ay nakikipagtalaban sa mga pagnanais na ito,
gumagalaw sa loob ng mga pagnanais na ito. Kaya't ang bawat isa ay
nararanasan bilang isang uri ng pagnanais lumigaya. At kapag may
ganitong pagnanais na natupad, nararanasan natin ang katuparan bilang
isang uring ligaya. . . hindi pa iyong pinakananais na ligaya, ngunit,
parang anino nito.

Sapagkat may isang uring ligaya sa pagtupad sa anomang kilus ng

pagnanais, naisipan natin, baka may ugat ng kilus ng pagnanais
lumigaya, ugat ng pag-asam, na, kapag natupad, ang makakamit ay
hindi na isang uri ng ligaya lamang, kundi ang mismong lubusan at
tahasang ligaya, walang maliw, walang pagkukulong, atbp.

Para bagang sinabi natin: Sana hindi ko na kailangang pag-abalahan

ang lahat ng aking mga pagnanais. Isang ugat ng kilus ng pagnanais
lamang ang gusto ko: katuparan lamang noon ang aking pagtitiyagaan,
at tiyak na akin na ang tahasan at lubusang ligaya.

May pagka-natural na akalain natin na ang ugat ng kilus ng pagnanais

sa ligaya ay ang pagnanais sa aliw ng laman, o sa kayamanan, o sa puri
ng tao. Sapagkat ang bawat isa sa tatlong ito ay parang may kasamang
pabulong na pangako: kapag sinundan mo ako, liligaya ka. . .
Napakadrama yata ng pagkasabi niyan. . . Ibig ko lamang ipaalala na
habang nararamdaman ng isang tao ang matinding paghilig sa aliw ng
laman o sa pag-ipon ng kayamanan o sa paghabol sa puri ng tao, meron
siyang sabay na nadarama na napakatinding damdamin na umaantabay
sa ligaya: at dahil sa damdaming ito ay halus hindi na niya maiwasang
isipin na, sa pagsunod sa kahiligang ito, seguradong seguradong liligaya
siya sa tahasan at lubusang ligaya.

Ngunit, makita na natin na kahit na mahirap, posible pa rin huminto at

mangilatis. At nakayanan nating matuklasan na kapag ginawang ugat ng
kilus tao ang alinman sa tatlong ito, pagkawasak at hindi kaligayahan
ang hahantungan.

Kaya't ano kaya ang ugat ng kilus na tumutungo sa ligaya? Natauhan

tayo na ang ugat na ito ay hindi isa sa nasabing tatlo sapagkat kinilatis
natin ang bawat isa. Ginamit natin ang isang galaw ng ating katauhan
na kayang kilatisin ang mga galaw ng ating katauhan. Kinilatis sa
pamamag-itan ng pagsuri, pagtimbang. . . at habang sinusuri at
tinitimbang, hinahanap kung ano ba ang talagang totoo ukol rito. Ang
talagang totoo ay na pagwawasak ang ginaganap noong tatlong kaaya-
ayang naturang kahiligan.

Madalas nating mapapansin na, sa gitna ng mapupusok at magugulo at

halu-halong galaw ng ating mga hilig at damdamin, meron tayong
kakayahang iutos sa ating sarili: Antay muna, hinto. . .titingnan ko,
kikilatisin ko kung ano ang totoo rito.

Sapagkat, mas ugat kaysa sa mga ibang kahiligan ang kahiligan sa

katotohanan, ang kakayahan at pagnanais sa talagang totoo. Sa
masusing pagkilatis natuklasan natin na nakikipagtalaban sa lahat ng
mga ibang pagnanais ang ugat na pagnanais sa kaligayahan. Ngayon,
natutuklasan natin na nakikipagtalaban sa pagnanais sa kaligayahan ang
pagnanais sa talagang totoo, sapagkat ang katutubong pagnanais natin
ay para sa tunay na kaligayahan.

Lahat ng bagay ay maaring mag-anyong kaligayahan sa atin: ganoon

din, likas na udyok ng ating loob na kilatisin ang bawat bagay na may
anyong ligaya, kung totoo ngang ligaya o hindi. Ang bawat paghilig sa
may anyong ligaya ay may kasamang udyok ng loob: kilatisin mo kung
totoo.

Maari nating tanggihang sumunod sa malalim na mapagkilatis na ugat-

hilig sa katotohanan. Maari nating piliin na tuonan lamang ng pansin ang
"pabulong na pangako" ng aliw ng laman, kayamanan, puri. . .o kung
may iba pang gaya ng mga ito. Ngunit, kapag sinusundan natin ang
ating tunay na katauhan, alam natin na sa katotohanan lamang makikita
ang tunay na ligaya. At ang pagnanais sa katotohanan ay nasa ugat ng
ating katauhan.

Ngunit, hindi natin hinahanap ang katotohanan upang isulat ito at itago
sa isang libro. Ang katotohanan ay hinahanap upang maisagawa. Ang
naisagawa ayon sa katotohanan ay tinatawag na kabutihan. Ang
isinagawa naman laban sa katotohanan ay tinatawag na masama. Ang
masama ay maaring mag-anyong ligaya, ngunit, kasamaan pa rin. Ang
ayon sa totoo, ang mabuti lamang ang tunay na ligaya.
Kaya't kung hinaharap natin ang anoman, ang totoo ang ating kikilatisin,
at sa pagkilatis matutuklasan natin ang mabuting isasagawa natin. Dito,
mulat tayo na nasa atin kung pipiliin nating isagawa ang pinakita sa atin
ng matinong pagkilatis bilang totoo. Ang pagtanggi sa totoo ay alam
natin na masama at pagwasak sa sarili. Ang pagpasya ayon sa totoo ay
pagpili sa mabuti, pagkilus sa panig ng totoo, na panig rin ng tunay na
ligaya.

Kaya't kung ang hilig ng ating kaalaman ay sa totoo, ang tunay na hilig
(na maaring tanggihan, sapagkat malaya tayo-- ngunit pagwasak ang
pagtanggi) ng ating pagpipili ay ang mabuti. Kaya't nakikita natin na
katutubo sa ating isip na humilig sa katotohanan, hanapin at naisin at
galangin ang totoo. At sa

paghabol sa totoo natutuklasan din natin ang mabuti. At likas sa ating

kalooban na hanapin, naisin, isagawa, at kumapit sa mabuti.

Natuklasan natin na ang ugat na kilus natin ay kilus ng isip at kilus ng

kalooban, at ang ugat na inaasam ng isip ay katotohanan at ang ugat na
inaasam ng kalooban ay kabutihan. Hindi magkahiwalay ang totoo at
mabuti. Ang nauunawaan bilang totoo ay iniibig bilang mabuti. At nasa
ating pag-asam sa totoo at sa mabuti ang mga katangian ng ating
pagnanais sa kaligayan. Ang totoo at mabuti na hinahanap natin ay
buong buo, umaapaw, walang maliw, walang pagkukulang, walang
katapusan, tahasan at lubusan. Sa palagay ko, malinaw na ang ating
pag-asam sa totoo at sa mabuti ay iyong iyon din sa ating pagnanais sa
kaligayahan.

Anomang inaakalang kaligayahan, kapag natuklasang hindi totoo o

masama ay mahahalatang hindi tunay, huwad, nagpapaggap na
kaligayahan. Ang totoo at mabuti naman ay palaging kaligayahan,
ngunit, maaring madama at maranasan ng tao bilang mahirap o
masakit, kapag hindi pa buo ang kanyang pagkatao. Maaring akalain
nating huwad ang tunay. Ngunit, kapag nabuo na ang ating katauhan,
madarama natin ang totoo at mabuti bilang ubod ng ligaya. Hindi
pagtutuonan ng pagnanais ang ligaya. Ang hahanapin ay ang totoo at
mabuti. At kapag nakamtan, bukal sa taong lumigaya.

Kaya't masasabi natin na ang ligayang hinahanap natin ay na mabuhay

tayo ng walang katapusan sa katotohanang tahasan at lubusan at sa
kabutihang lubusan at tahasan.

Ngunit, tayo'y mga nilalang na personal. Hindi tayo liligaya sa pagka-

alam sa abstraktong katotohanan, ubod man ito ng kadakilaan; ni sa
pag-ibig sa abstraktong kabutihan, walang b ahid man ito ng
pagkukulang. Ang hinahanap natin ay hindi kaalaman, kundi pakikipag-
alaman; hindi pag-uunawa. Kundi pag-ibig sa mabuti, pakikipag-ibigan,
pakikipag-kaibigan.
Kaya't ang pagsisikap sa totoo at mabuti'y hindi makagagalaw kundi sa
abot tanaw ng pakikipagkapwatao.

Sa pakikipagkapwa, natatauhan ako na ako'y bukod tangi, akong ako,

na walang kagaya ko, kaya't nag-iisa ako. At dahil dito, natatauhan din
ako na ang aking kapwa ay bukod tangi, siyang siya, na walang kagaya
niya, kaya't siya'y nag-iisa.

At sa pakikipagkapwa natatauhan din ang bawat tao na sa kanyang

pagka-nag-iisa'y hindi siya nag-iisa. Ako'y bahagi mo at ikaw bahagi ko.
Nagtatalaban ang pagka-nag-iisa at ang pagka-bahagi-ng-isa't-isa.

Kaya't tumutubo tayo sa isang mas matinding pag-uunawaan at pag-

iibigan kapag ginagalang kita sapagkat ikaw ay taong kagaya ko at
ginagalang din kita sapagkat ikaw ay taong hindi kagaya ko. . .at ang
nakikipagtalaban na sagot dito ay na ginagalang mo ako sapagkat ako'y
taong kagaya mo at ginagalang mo ako sapagkat ako ay taong hindi
kagaya mo.

Kaya't ito'y simula ng pag-uunawa na pinagbabatayan ng etika: na likas,

katutubo, bukal sa bawat tao at sa lahat ng tao na sama-samang
hinahanap ang totoo at mabuti at nararapat na isinasagawa natin ang
ayon sa nahanapan na, habang tayo'y naghahanap pa.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

ANG TOTOO, MABUTI AT DAPAT

Hango sa mga Nota ni Padre Roque J. Ferriols, S.J.
Pamantasan ng Ateneo de Manila

Ang Totoo at Mabuti

At sapagkat ang hinahanap natin na totoo at mabuti ay buong buo, umaapaw, walang maliw, walang
pagkukulang, walang katapusan, tahasan at lubusan, hindi maiiwasang kilalanin na ang mabuti at totoo
na sama-sama nating hinahanap ay ang Puong Maykapal. Ang landas na nararapat nating tahakin ay
hindi lamang isang personal na pakikipagkapuwa sa isa't isa kundi isa ring personal na pakikipagkapuwa
sa Maykapal. Ganyan ang landas ng nagsisikap na humantong sa isang matindi at walang maliw at buhay
na buhay na pakikiisa sa ubod ng tunay at mabuti, sa Puon.

Kaya't natutuklasan natin na ang kalagayang angkop sa sangkatauhan. . .ang kalagayan na talagang
nagpapaka-ako ako, nagpapaka-ikaw ka, nagpapaka-tayo tayo. . .ay ang kalagayan ng pagsusumikap
humantong sa dinamiko at buhay na pakikisama sa Puong Maykapal. At hindi yata mahirap makita at
matauhan na sa pagtupad sa mga gawain at sa paglikha ng uri ng pamumuhay na nababagay at
naaayon sa ganitong kalagayan ay nakasalalay ang ating kapayapaan at ligaya.

Ang ganyang uring pamumuhay ay angkop nga sa ating katutubong pagnanais sa kaligayahan, tinutupad
nga ang istrukturang natuklasan na natin sa pagnanais na ito; ngunit, simula pa lamang ito ng ligayang
inaasam ng ating likas na katauhan. Hindi pa ito ang pakikiisa sa totoo at mabuti na buong buo,
umaapaw, walang maliw, walang pagkukulang, walang katapusan, tahasan at lubusan.

Malinaw rin na bago sumapit ang kilalang kilalang kamatayan, wala tayong matutuklasan sa lupa na
makapagdudulot ng ganyang pakikiisa sa mabuti at totoo. Sa buhay na alam natin ngayon, posible
lamang ang isang simula, pakikipagkapwa ng tao sa tao, ng pakikipagkapwa ng bawat tao at ng
sangkatauhan sa totoo at mabuti na likas nating ninanais.

Ito bang katutubong pagnanais na ito'y nasa atin lamang upang huwag matupad? Kung ganoon ay
lalabas na walang kaayusan at walang kahulugan ang sanglibutan. Lalabas na ang daigdig ay tahanan ng
isang linalang na ang tadhana'y naisin ang tiyan na hindi matatamo. Kaya't sa linalang na iyon, ang
sanglibutan ay lalabas na sangkabigoan.

Ngunit, naunawaan na natin sa sinauna at sa pagmumuni-muni ukol sa sinauna na ang daigdig ay

maayos. . .sa isang kahulugang hindi natin kayang buong unawain. . .ngunit, kaya pa rin nating unawain
sa isang tunay na katiyakan. Sa loob ng abot tanaw ng katiyakan na ito ay nakikita natin na sapagkat
maayos at may kahulugan ang daigdig, tiyak na meron katuparan ang ating likas na pagnanais. At
sapagkat hindi matutupad bago sumapit ang kamatayan, tiyak na sa kabila ng kamatayan may
malwalhating pagdating ng tao at pakikiisa sa totoo at mabuti na matindi, siksik sa kayamanan, hindi
hihina o durupok, hindi mamamatay. . .

Dapat

Nakikita natin ang abot tanaw na kailangang kinagagalawan ng buhay-tao. Dapat mabuhay ang taong
tumutungo sa totoo at mabuti, sa pakikipagkapwatao, sa pakikipagkapwa sa Maykapal. Ang tinutuonan
niya ay ang totoo at mabuti, at sa h alus hindi niya napapansin, lumiligaya siya.

Bahagi ng sinaunang nauunawaan natin ang pagmumulat natin na kailangan, dapat nating pagtiyagaang
magpakabait; na ang ibig sabihin ay tuonan at pagsikapang isagawa ang totoo at mabuti.

Sa isang pilosopikong pagsusuri, lilinaw ng kaunti man lamang ang istruktura ng dapat na ito.

Ang dapat na ito'y "nakasulat" sa ating kalikasan bilang tao. Sapagkat ang ating kalikasan ay isang
pagnanais sa tahasan at lubusang ligaya, at likas sa atin na ang tunay lamang na ligaya ang
makapatatahimik sa pagnanais na ito, nakita natin na sa mas malalim na pagtingin, lilitaw ang ating
kalikasan bilang isang pagnanais sa totoo at mabuti. Kaya't kung hindi tayo nagsisikap na mabuhay ayon
sa totoo at mabuti, linalabanan natin ang ating mismong kalikasan, nakikihidwaan tayo sa ating
katauhan, sa ating sarili.

Ang katotohanan na ako'y tao ay isang utos sa akin: magpaka-ikaw ka. Iyan ang udyok sa loob ko ng
aking mismong kalikasan, mismong katauhan. At ang aking pagsikap sa pakikipagkapwatao at
pakikipagkapwa sa Maykapal ay siyang pagsisikap kong magpaka-ako. At kapag hindi ako nagsisikap ng
ganito, hindi ko isinasagawa ang kung-sino-ako. Hindi ako nagpapaka-ako. Pagwasak sa sarili ang aking
ginaganap sa aking tagilid na pamumuhay.

Samakatwid, ang dapat ay udyok sa atin ng mismo nating pagkatao.

Nasa kalooban din ng Maykapal ang dapat. Ang kalooban na malayang pinasyang likhain ako at sa bawat
sandali'y pinananatili ako sa meron. . .ang kaloobang iya'y siyang naglagda sa aking katauhan ng
"magpaka-ikaw ka" at sa sari-saring mga pahiwatig ay patuloy na pinaaalaala ang :magpaka-ikaw ka".
Kalooban niya: magpaka-ako ako, magpaka-ikaw ka, magpaka-tayo tayo.

Samakatwid, loob ng Maykapal ang dapat ng etika.

IYAN ANG ATING PAGMUMUNI-MUNI ukol sa "ley natural," sa batas na bukal sa ating mismong
pagkatao. Malinaw na ang pagmumuni-muning ito'y hindi makapagbibigay ng mga tumpak solusyon sa
ating mga problema. Ngunit, ang pagmumulat sa ley natural ay pagmumulat sa gabay na kailangan at
hindi maiiwasang gamitin sa ating pagkikilatis sa mga sari-saring solusyon na inaalok sa atin ng ating
talino o ng mga pananabik ng ating kapuwa.

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

Unang Pahatid
Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa
Roque J. Ferriols, S.J.
Ateneo de Manila University

Pagtanong at Paggawa

Sapagkat nagsisimula tayo ng kurso ng pilosopiya, marahil gusto mong

tanungin: ano kaya ang pilosopiya? Lalong mabuting gawin muna bago
pag-usapan kung ano. Sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa. Natututo
tayong lumakad sa paglakad, magbisikleta sa pamimisikleta, lumangoy sa
paglalangoy, magmaneho ng kotse sa pagmamaneho ng kotse. Ganyan
din sa pamimilosopiya. Sa lahat nito ay maari tayong tulungan ng isang
kaibigan na mamilosopiya, magmaneho, lumangoy, magbisikleta, at pati
lumakad. At marahil sasabihin natin na tinuruan niya tayong magbisikleta,
atbp.

At ano kay ang iniisip ko kapag aking sinasabi na tinuruan akong

magbisikleta ng isang kaibigan? Sa palagay ko’y aking naaalala kung
papaanong pinangatawanan niyang paligiran ako ng isang kalagayan
upang ako’y matauhan na ako ri’y maaring magbisikleta. At pinamumulat
niya sa akin na, upang maisagawa ko itong pagka-maaring ito ay
kailangan kong magsipag at magtiyaga… at kaya kong magsipag at
magtiyaga. Tinuruan akong magbisikleta ng isang kaibigan. Ang ibig
sabihin: Sa kanyang pagpapakita, pagtawag ng pansin, pagsusubaybay,
pagbibigay-loob, pagmamakulit… nagisnan ko na nasa aking sariling
pagpasya kung isasagawa ko itong pagka-maaring ito o hindi. Pinasya
kong isagawa. At niloob kong tupdin ng buong sipag at tiyaga. At sa
wakas nagbibisikleta na ako.

At hawig diyan ang masasabi ukol sa maneho, langoy, lakad, at

pati sa pilosopiya.

Instrumento sa Paggawa ang Kataga

Habang tinuturuan ako ng aking kaibigan, paminsan-minsan siyang

nagsasalita. Nagbibitiw siya ng mga kataga. Hindi siya nagkakabit-kabit
ng mga kataga upang bumuo, halimbawa, ng isang matunog na diskurso
uko sa: Ano ba ang magbisikleta? Kung ganyan ang ginawa niya, hindi pa
sana ako makabisikleta ngayon. Pero marunong sana akong magdiskurso
ukol sa pamimiskleta. Ang mga salita ng nagtuturo ay mga instrumento
sa paggawa. Nakikilalang wasto ang mga salita kapag ang tinuturuan ay
nakapagbibisikleta na.

Ayaw Nilang Lumundag pero, para sa Kanila, Marunong na Sila

May mga taong gusto raw matutong lumangoy. Nakasuot panlangoy na

sila at sama-sama silang nakatayo sa tabi ng swimingpul. May notbuk at
bolpen ang bawat isa. Nagsasalita ang guro.
“Una sa lahat,” aniya, “magsanay ka munang magtampisaw sa
tubig. Tapus, huwag huminga pero idilat ang mata at pagpasailalim ng
tubig. Tapus bastat’t dumapa. Huwag matakot. Lulutang ka. Tapus,
matutong gumalaw ng paa. Matutong gumalaw ng kamay. Matutong
huminga. At paulit-ulit na pagsikapan at pagtiyagaan ang praktis.”

Habang siya’y nagsasalita, masipag nilang sinusulat ang lahat ng

sinasabi niya.

“At ngayon,” patuloy niya, “eto ang swimingpul. Oras nang

magsimula. Lundagin mo beybe!”

Walang lumundag, pero sulat ng sulat pa rin sila.

“Hoy, sa tubig na kayo! Walang kabuluhan ang sulat-sulat ninyo

kung hindi ninyo ginagawa!”

Wala pa rin lumundag. Sulat pa rin sila ng sulat.

“Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo

ng panahon?”

Dito, may bumaling sa guro: “Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba

nakikita na mahalaga sa amin ang lahat ng sinasabi mo? Eto.” At pinakita
niya ang kanyang notbuk. Naroroon ang buong talumpati ng guro mula
sa unang salitang hanggan sa huli... hanggan sa “Hoy! Gising! Hindi ba
ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon?”

Nagsimula silang lahat na magsiuwi. Yamot at galit. “Biruin mo,

pinagalitan pa tayo!”

Pero natutuwa pa rin sila. Masasabi ng bawat isa na kompleto ang

kanyang notbuk. Naisulat nila ang bawat sinabi ng guro. Kaya’t inaakala
nilang natuto na sila. Ayaw nilang lumundag pero, para sa kanila, e
marunong na sila!

E Kasi Bata
Nagkataon na nagsusulat ako sa bahay ng isang kaibigan na
marami ang anak. May maliliit na batang naglalaro sa
kapaligiran. Guguhit-guhit sila ng krayola sa papel.

“Marunong ba kayong kumopya ng bulaklak?” tanong ko.

“Oo,” tugon nila. Pumitas ako ng isang bulaklak sa hardin.

“Tingnan ninyo kung madodrowing ninyo ito.”

Iyong bulaklak ay may kumpol na mali-liit na ga-palito sa gitna,

kulay lila, matindi, naaabayan ng dalawang dahon, lunti sa kaliwa, lunti
sa kanan. Masipag na yumuko ang mga bata sa kanilang papel. Mamaya’y
tumuwid sila at nagmalaking itinaas ang mga drowing. Maraming bulaklak
ang kanilang iginuhit. Bawat bulaklak ay may gintnag mabilog na matindi
ang kulay, bawat gitnang mabilog ay napapligiran ng malalaking talutot
na matindi rin ang kulay. Sari-sari ang mga kulay. Maganda! Pero hindi
nila kinopya ang pinitas sa hardin.

“Hindi ninyo kinopya ito,” sabi ko.

“Bulaklak ang mga ito,” anila.

Nangyari yata na sa klase ng drowing ay natutunan na nila ang

isang patakaran sa pagguhit sa bulaklak. Kapag narirnig nilang “drowing”
at “bulaklak”, otomatik nang kikilus ang kamay. Gitnang mabilog,
malalaking talutot. Hindi na sila titingin sa bulaklak na iniaalok sa kanila.
Hindi na sila gagawa ayon sa nakikita.

Iba naman ang nangyari isang umaga. Naglalakad akong

nagbabasa ng brebyaryo. Iyong daan ay tumatawid sa kabukiran.
Kaaararo lamang ng masaganang putik ng tag-ulan. Sariwa ang sikat ng
araw sa likod ko at nakikita kong umuuna sa akin ang aking mahabang
anino. Nakarinig ako ng maliksing takbo, at sumipot ang isang maikling
aninong umaabay sa anino ko. May kumalabit sa akin.

“Ano iyon?” tinuturo ng bata ang kanyang anino.

“Ewan,” wika ko.

Itinaas niya at kinaway ang kanang kamay. “Tingnan mo.

Gumagalaw!” aniya

“Oo.”

“Bakit?”

“Ewan.”

Masusi siyang titingin-tingin noong biglang lumiko ang daan at

nahulog sa putik ang aming anino. Nagsimula siyang tumakbo ng sulong-
balik-sulong-balik-sulong-balik habang palingon-lingon niyang
pinagmamasdan ang kanyang anino.

“O. Sumusunod.” Noong kuwan napagmasdan niyang na sa putik

ang anino. “Napuputikan ba?”

“Ewan.”

“Bumaba ka. Tingnan mo.”

“Ikaw na lang.”

Kapag hindi nababara sa otomatik na patakaran ang bata, buhay

na buhay ang kanyang katutubong pananabik matuto. At tingin siya nang
tingin. Tanong nang tanong. At ang tanong ay nagiging bukal ng
pagtingin – masusing pagtingin.
Pagtingin
Tingin tayo nang tingin. Kailangan lamang nating dumilat at marami
tayong makikita. At ang pagtingin ay isang gawain na ako lamang ang
makagagawa, kung ako nga ang makakakita. Kahit na napanuod na ng
aking matalik na kaibigan ang isang sine, kailangan ko pa rin panuorin…
kung ako nga ang gustong makakita. Kahit na gaano kadikit ang aming
pagkabuklod, hindi siya maaring tumingin sa isang paraan na ako ang
nakakakita. Kung ako ang makakakita, ako lamang ang makatitingin.

Oo. Maari mo akong tulungan tumingin. Maari mong sabihin,

“Tingnan mo, plat ang goma ng Pajero.” Hindi ko nakita kanina. Pero
ngayon, salamat sa iyo’y nakikita ko na. O baka meron akong nakitang
hindi mo napansin.

“Tumingin ka sa pagitan ng dalawang sanga ng mangga; may

kumpl na tatlo ang bunga.” Hindi mo nakita kanina. Ngayo’y tumingin
ka. Pero sa lahat nito, ikaw lamang ang maaring tumingin kung ikaw nga
ang makakakita. Ako lamang ang maaring tumingin kung ako nga ang
makakakita.

At tumingin nga tayo palibhasa’y tigib ang daigdig sa mga

nagpapakita, nagpapamasid. Parang sinasabi ng bawat nilalang,
“Tingnan mo, pagmasdan mo ako.” At sabik tayong tumutugon sa
kanilang tawag.

At kung may magtatanong, “Ano ba ang tumingin, ang

makakita?” Hindi natin masasabi talaga kung ano. Ang buod ng karansan
ay alam lamang ng taong dumilat at tumingin at nakakita. Hindi niya
masasabi, pero talaga niyang nalalaman at talaga niyang nagagawa. At
kung may magtatanong, “Papaano mong mapapatunay na kaya mong
makakita’t tumingin?” Ang masasagot lamang natin (kung hindi bulag ang
nagtatanong) ay, “Dumilat ka!”

Pag-Uunawa
May uring pag-uunawa na maihahambing sa pagtingin. Halimbawa,
sinasabi natin na 2 + 2 = 4 sapagkat nakikita natin na ganyan nga ang
angkop na pag-iisip. Nakikita natin, sa umuunawang pagtingin, ang
pagka-dalawa ng dalawa at ang pagka-apat ng dalawang dalawa. Kung
may tatanggi diyan, wala tayo talagang masasabi. Pero hindi rin natin
maipakakaila (kung mananatiling tayong tapat sa katotohanan) na hindi
siya talagang nag-iisip. Sapagkat sa isang kilus ng ating pag-uunawa na
hawig sa kilus ng matang tumitingin, kitang-kita natin na 2 + 2 = 4.

May nagsasalita. Bigla siyang nagbiro. May kislap na lumiwanag

sa ating pag-uunawa at tumawa tayong lahat. Sa biro, meron tayong
talagang nakikita, talagang nauunawaan. Sa tawa, kusang nanginginig
ang katawan, sapagkat pinasabog ng kislap ang pag-uunawa. At kung
mag nagbiro at hindi ko nahuli iyong kislap, wala akong nakitang
katatawanan at hindi tunay na tawa ang aking ibinubuga.
2 + 2 at kislap ng biro. Dalawang halimbawa na hindi gaanong
mahirap makita at maunawaan. Marami ang mga ibang posibleng
halimbawa. At ang kapansin-pansin sa mga tinutukoy na halimbawa ay:
Na kaya kong umunawa. Na kung titingin lamang ako, ako’y
makakaunawa. Maaring makaunawa ako sa isang sandali ng pagtingin. O
maaring mangyari na makakaunawa lamang ako pagkatapos ng
mahabang panahon ng pagsikap makakita, at makakita ng malalim at
buo. Pero sa lahat, may kilus ang pag-uunawa. Tinatablan ng pag-
uunawa ang inuunawa. Kailangang tumingin ng isip.

Isa pang kapansin-pansin sa mga tinutukoy na halimbawa ay na

kaya ko ngang umunawa. Pero ako lamang ang maaring umunawa kung
ako nga ang makakaunawa. Kahit na mahigpit na magkadikit kita sa
pagkakaibigan, hindi mo kayang umunawa sa isang paraan na
pagkatapos, ako ang nakaunawa. Ako lamang ang makapagpapairal sa
aking pag-uunawa kung nais kong umunawa. Ikaw lamang maaring
umunawa kung ikaw nga ang uunawa.

Ang maaring mangyari ay na makipagtulungan tayo upang

makaunawa ang bawat isa. Maari tayong maging guro sa isa’t-isa. Ang
guro mong tunay ang lumikha ng kapaligiran upang maging posible na
ikaw ang makakita sa totoo. Ang marunong magturo ay nagbibigay ng
inspirasyon. Inuudyukan kang patalasin ang paningin ng iyong isip, kung
kaya’t tatablan ng iyong tingin ang tinuturo ng kanyang daliri.

Pag-Uunawa: Inihambing sa Pagtingin

Mababakasan natin sa paggamit ng wika, na bukal sa taong
ihambing ang pag-uunawa sa pagtingin. Madalas, ni hindi natin pansin
na gumagamit tayo ng ganitong paghahambing. “Hindi ko makita kung
bakit sila tawa nang tawa.” “Ang labo ng kanyang sinasabi.” “Walang
nakakakita sa katuturan ng iyong mga pag-aargumento.” “Magpakita ka
nga ng dahilan kung bakit tama ang ginagawa niya.” O maaring mangyari
na biglang nagkablakawt habang may nagbibigay ng talumpati. At kung
itinuloy pa rin niya, at kung malinaw siyang maglahad, sasabihin natin,
“Maliwanag ang kanyang talumpati,” kahit na ang dilim-dilim habang
siya’y nagsasalita.

Tingin ng Mata at ng Isip

Pinagmuni-munihan natin kung papaanong timitingin ang mata

at umuunawa ang isip. Ating pinagmasdan kung papaanong magkahawig
ang galaw ng dalawa; kaya’t hindi natin maiwasang ihambing ang isa sa
isa; ihambing, halimbawa ang tingin ng mata sa unawa ng isip; o
ihambing ang liwanag na naggagaling sa araw, sa liwanang ng isip na
tumatalab sa nadarama. Hiwalay nating tinalakay ang isip at ang
mata. Isang patakaran ito ng isip-tao. Hinihiwalay ang nagkakaisa at
iniisa-isa ang hiniwalay upang kahimanawari’y luminaw ang pag-
uunawa. Tamang patakaran ito, sapagkat ganyan ang kailangan ng isip-
tao. Madalas makasusuri lamang tayo sa pamamagitan ng pag-iisa-
isa. Ngunit, kapag nagawa na ito, kailangang alalahanin uli, at muling
pagmasdan, na ang hiniwalay ay nagkakaisa. Kung minsan, nalilimutan
natin gawin ito. Ang dapat sanang pansamantala ay ginagawa nating
palagian. Nalilimutan natin, halimbawa, na hindi mata ang
tumitingin. Ikaw ang tumitingin at ako. Baka hindi na natin mapansin na
hindi isip ang umuunawa, kundi ikawang nag-iisip at umuunawa, at ako.

Kung minsan, maaring gumalaw na lamang ang ating

pagmumuni-muni sa idea ng pagtingin ng mata at sa idea ng pagtingin
ng isip. Kaya maaring may magsabi na nakikita ng kanyang mata na nag-
iiskeyting si Petra, pero nakikita naman ng kanyang isip na magaling ang
iskeyting ni Petra. Para bagang ang importante ay tapatan ang hiwalay
na idea ng hiwalay ding idea. Nalilimutan na ang idea ay labi lamang ng
pakikisalamuha sa talagang nangyayari. At na ang importante ay hindi
paglahad ng magagandang pagtatapatan ng mga idea. Ang ganyang
paglalahad ay madalas nagiging otomatik na patakaran na nakakabara sa
wastong pag-uunawa. Ang importante ay pairalin ang pakikisalamuha sa
talagang nangyayari.

Kung palulundagin ko ang aking malay tao sa buong nararanasan,

makikita ko, bilang isang buong nagpapamasid, na nag-iiskeyting si
Petra. Na alam ko na iskeyting ang nakikita kong ginagawa niya, ay
kaalaman at pag-uunawa. Kung sakaling ngayong lamang ako nakakita
ng iskeyting, baka ako malito, at tatanungin ko, “Ano iyon?” Tanong ng
pag-uunawang gustong makaunawa. At kung sakaling pumikit ako, hindi
ko malalaman na magaling ang iskeyting ni Petra. Pero sa dilat na
pagtanaw, mauunawaan ko ang kanyang galing. Ang liwanag ng pag-
uunawa ay tumatalab sa nakikita ng mata. Liwanag ng pag-uunawa ang
pagmumuni-muni sa “ano” at “papaano” at “meron ba”. Ang kumikulus
ay hindi dalawang bagay (mata at isip) na sabay gumagawa ng dalawang
bagay (tingin at unawa). Ang gumaganap ay isang buong tao (ikaw o/at
ako o/at kung sino pa) na may maraming komplikadong kilus, ngunit lahat
ay nagkakaisa at bumubuo sa isang simpleng gawain: saluhin ang
nagpapamasid na talagang totoo.

Nagigisnan ng Buong Tao ang Buong Daigdig

Hindi lamang pagtingin ang nakasangkot. Halimbawa, ang
nangingilatis kung tunay na alahas ang isang bato, ay hindi lamang sinsilip
ang liwanag na tumatalab sa batong iyon, kundi kinakagat rin ang bato
upang matikman at madama sa dulo ng dila kung ano ang katotohanan
ukol sa batong iyon. Natitikman sa mismong alak, ng nangingilatis sa
alak, ang lugar at taon na pinanggalingan ng alak. Natitikman at
naaamoy ng namumulot-pukyutan sa mismong pulot, ang mga bulaklak
na pinagkunan ng mga bubuyog. Kapag hinihipo ng bulag ang pisngi ng
kakilalang kaharap niya, nadarama niya kung sino iyon. Ang buong pag-
uunawa ng tao ay sumasa-pandama; ang buong katipunan ng pandama
ay sumasa-pag-uunawa. Kaya’t nagigisnan ng buong tao ang buong
daigdig.

Nagigisnan ng buong tao ang buong daigdig. Hindi sapat na

sabihin ito. Kailangan matauhan ka. Danasin mo.

Pati ang hindi nakakakita ay nakakaunawa sa isang paraan na

maihahambing rin sa pagtingin. Mababasa natin sa talambuhay ni Helen
Keller na noong tatlong taon pa lamang siya’y nagkasakit siya nang
malubha, nabulag at naging bingi. Bata siyang malungkot at
masungit. Madalas nagluluko at nagdadadabog. Noong kuwan pumasok
si Miss Sullivan sa kanyang buhay. Ginawang posible ng gurong ito, na
matauhan si Helen na meron siyang kakayahan na dumama at umunawa
sa daigdig.

Isa sa mga itinuro kay Helen ay magsalita sa pamamagitan ng

mga hudyat na “sinusulat” ng daliri sa palad ng kamay. Isang araw, ibig
ituro sa kanya ng guro ang palad ng katagang “tubig”. Inilapit sa kanya
ang isang tasang may tubig. Tapus isinulat sa kanyang palad: “tasa”…
pinahipo ang tasa… “tubig”… pinahipo ang tubig. Nagluluko si Helen
noong araw na iyon at palagi niyang binabaliktad ang dalawa. Sa wakas
sumuko na ang guro para sa araw na iyon, at pinasyang mamamasyal
sila. Noong nakalabas na sila ng bahay, nalanghap ni Helen ang kakaibang
hangin. Narinig niyang may nagdidilig sa hardin. Biglang hinila ng guro
ang palad ni Helen, sinulat ang “tubig”, at saka itinapat sa umaagos na
tubig. Sabi ni Helen na nadama niya ang tubig, malmig at lumulundag;
sariwa, masaya, malaya. Sa sandaling iyon, tumalab sa kanya kung ano
ang tubig, at nadama niya paghalina ng daigdig. Sa palagay ko, ito ay
isang pag-uunawa na maihahambing sa pagtingin. Ginulat siya ng guro
at natauhan siya na siya ang maaring umunawa. Kaya rin ng bulag na
makita ang kayamanan ng daigdig. Nagisnan ni Helen, sa kanyang buong
katauhan, ang buong daigdig.

Sinipi mula sa Papel ng Isang Estudyante

Sa pagsusulit na ginanap noong 1 Hulyo 1996, may mahalagang
sinulat sa kanyang papel si Michael Ali Domingo Figueroa. Minabuting
loob niyang pahintulutan na sipiin ko sa ating pagmumuni-muni:

“Anim na taong gulang si Jep Jep at tinanggal ang kanyang mata

dahil sa kanser. Nakilala namin siya nang dumalo ang pamilya nila sa
konsiyerto namin (Bukas Palad Music Ministry) sa Mary the Queen Church.

“Matamlay raw si Jep Jep at nagsusuka buong araw dahil sa

chemotherapy niya, ngunit dumalo pa rin dahil para sa kapakanan ng mga
batang may kanser ang konsiyerto. Halus patay raw ang hitsura niya.

“Ngunit noon nagsimula ang musika, tila may nagising na kislap

sa malay ni Jep Jep. Umupo siya ng tuwid sa kanyang upuan, ngumiti,
tumawa, pumalakpak. Lalong lalo na nang awitin ang ‘Song of Creation’.
“Bagaman bulag, ginising ng tunog ng musika ang malay tao ni
Jep Jep. Naunawaan niya ang musika, at natuwa siya.

“Magmula noong hanggang namatay siya ilang buwan nang

nakalipas, bumabalik ang sigla sa madilim na mundo ni Jep Jep tuwing
tutugtugin ang mga awit ng Bukas Palad.”

Kailangan ang Paniniwala at Kailangang Kilatisin

Pero hindi natin maaring makita, madama o maranasan ang lahat-
lahat. Malaking bahagi ng ating pagharap sa mundo ay nababatay sa
mga hindi natin nakita o naranasan. Ibang tao ang nakakita o nakadanas
at naniwala tayo sa kanila. Alam kong may syudad ng Paris kahit na hindi
ako yumapak doon kailanman. Naniniwala ako sa mga bidahan ng mga
taong sanay tumawid sa mga lansangan ng syudad na iyon. Kinukuha ko
ang gamot na itinalaga ng doktor kahit na hindi ko nakikita kung angkop
nga o hindi. Basta’t naniniwala ako. Ganoon rin, naniniwala ako kagabi
noong sinabi nila sa telebisyon na, sa larawang satelayt na pinakita, iyong
parteng minarkahan ng bilog ay pinapatunay na may mangkok na laba na
nabubuo sa Pinatubo. Hindi ako marunong magbasa ng larawang-
satelayt. Naniniwala ako sa marurunong. Ganoon din, hindi ko
masakyan ang eksrey, pero naniniwala ako sa mga marunong gumawa
ng interpretasyon.

Hindi natin maiwasang magtiwala sa ating kapuwa, palibhasa’y

malawak ang daigdig at makitid ang naaabot ng ating karanasan. Ngunit,
kailangan bang maging bulag sa paniniwala? Ang kabaligtaran ang
kailangan: magmatino sa paniniwala. May ilang mga pagmumuni-muni
na maaring makatulong tungo sa isang matinong pagkakatiwala.

Ang taong mapapaniwalaan ay itinuturing natin na tunay na bukal

ng kaalaman at karunungan. Kailangan na siya ay:

1) Marunong magmasid at umunawa: Halimbawa, masusi

niyang pinupuna ang mga nangyayari sa harapan ng kanyang
mata; at gumagawa lamang siya ng interpretasyon kung
talaga siyang may kakayahan, halimbawa, na bumasa sa
eksrey o sa larawang-satelayt o sa kung ano makakagaling
sa isang sakit.

2) Marunong magbunyag sa kanyang nalalaman at

nauunawaan: Meron siyang arte ng pagbunyag, kaya’t
naibabahagi niya ang kanyang karanasan sa mga hindi
nakadanas ng ganoon; o naibabahagi niya ang kanyang
pagka-eksperto sa mga hindi eksperto… sa antas na ito’y
posible.

3) Makatotohanan: Hindi nagsisinungaling.

Itong tatlong ito ang kailangan natin kilatisin kung ibig natin
malaman kung kapani-paniwala ang isang tao.
Hindi ko naranasan at hindi kayang unawain ang ukol sa larawang
satelayt, eksrey, gamot, Paris, atbp. Pero kaya kong danasin at unawain
kung ang nagsasalita sa akin ay mapapaniwalaan. Maari at dapat
kong tingnan, unawain, suriin kung ang taong iyon ay talagan bukal ng
kaalaman at karunungan. Talaga ba siyang marunong; makatotohanan
ba siyang nagbubunyag? Pananagutan ko ang pagkilatis.

Kaya’t ganito ang katangian ng taong matino sa kanyang

pagbibigay tiwala sa kanyang kapuwa:

1) Marunong kumilatis – sa mga bukal ng kaalaman at

karunungan.

2) Marunong umunawa – sa mga ibinubunyag.

Ang hindi marunong umunawa ay hindi marunong makinabang

sa mga ibinubunyag sa kanya. At hindi rin siya maaring sumang-ayon o
tumutol sa mga ibinubunyag. Sapagkat hindi maaring sumang-ayon o
tumutol ang tao, kung hindi niya nauunawaan ang kanyang sinasang-
ayonan o tinututulan.

Mga Komplikasyong: Isang Simpleng Prinsipyo

Hindi palaging simple ang pagrerelasyon ng mga bukal sa mga
naniniwala. Kung minsan parang lambat ng mga nagkandabuhul-buhol na
lubid ang mga relasyon. Halimbawa, papaano kong nalalaman na pulo
ang Luzon? Hindi ko pa nalilibot ang buong isla. May mga bahaging
nakita ko ang tabing-dagat. May mga detalyeng naririnig, nabasa at
pinaniwalaan. May mga mapa na naniwala akong wasto. Sa kasong ito,
ang pagkaugnay ng mga nakita sa mga pinaniwalaan ay angkop na
angkop at hindi mapagdududahan.

Ngunit hindi palaging kasing linaw ng kasong ito ang mga

pagrerelasyon ng mga bukal ng katotohanan. Kung minsan palaging
nagbabago ang mga relasyon at nalulula tayo. Maaring manyari,
halimbawa, na maging bukal ng katotohanan ang isang taong
sinungaling. Kung tuso tayo, baka mabakasan natin ang katotohanan
kapag binaligtad natin ang kanyang mga pinagsasasabi. Ngunit, hindi
iyan makukuha sa isang otomatik na pagbabaliktad. Kailangan laging
subaybayan ng masusing pangingilatis.

Madalas ay nakakalito ang mga laging nagbabagong

komplikasyon, ngunit may gabay. Matino itong simpleng prinsipyong
ito: Na dalawa ang palaging kailangan: 1) Na ang mga bukal na
pinaniniwalaan ay nakakabit sa totoo at kinakabit ako sa totoo. 2) Na
kinikilatis ko at inuunawa itong mga pagkakabit na ito.
Abstraksyo
Nakita natin na, kung minsan, sa ating pagnanais na makaunawa
sa mga detalye ng isang pangyayari, hinihiwalay natin sa ating isip ang
nagkakaisa sa talagang totoo. Ganyan ang ginawa nating noong
tinalakay natin ng isa-isa ang pagtingin ng mata at ng isip. Nakita rin
natin na importanteng bumalik palagi sa pagkakaisa at kabuoan na umiiral
sa talagang totoo. Palibhasa’y madalas gamitin itong patakaran ng
paghihiwalay sa isip, ng isa at buo sa talagang totoo, mabuting bigyan ng
pangalan. Ang nakaugaliang pangalan ay abstractio. Katagan Latin:
paghihiwalay. Isusulat kong abstraksyo. Nag-aabstraksyo tayo kapag
nalilimutan natin na bukod tangi at iba ang bawat tao, at tinutuonan
lamang natin ng pansin ang pagkahawig ng lahat ng tao. Abstraksyo rin
kapag gumagawa ako ng plano at hindi ko pinupuna kung may kinalaman
ang plano sa mga bagay na pinagpaplanohan. Inaasahan ko na sa mga
susunod na pagmumuni-muni’y magiging alisto ang mambabasa upang
mahalata niya kung may nagaganap na abstraksyo, at kung ano ang
patakaran ng bawat abstraksyo. Sa ganoon, sana maging alisto siya at
sana isagawa niya, ang palaging pagbalik sa kabuoan ng talagang totoo.

Pambungad sa Metapisika
Ang bungad ng isang bahay ay pinto… binubuksan sa mga
dumadaan ang mga sekretong nakatago sa bahay. Hindi sekereto ng
tahanan ang metapisika, bagkus malalim at malawak na katotohanan na
umaanyaya sa lahat. Ang pambungad sa metapisika ay pintuan na
bumubukas sa kalaliman at kalawakan, sa kaparangan, kabundukan,
kalangitan.

Noong nakapasok na siya sa pintuan

Yumapak siya
Sa malawak na lupain
Na palayo ng palayo ang mga hangganan
Sinusukuban ng langit
Na pataas ng pataas ang tuktok
Ang mga laylaya’y palayo ng palayo
Sinisikatan ng sariwang araw ang kabuoan
Home | Articles | Links | Mailing List | Contact

All Rights Reserved 2003 © Pilosopo Tasyo

Updated last 04 October 2003

You might also like