You are on page 1of 3

NOURISHING OUR HEARTS

LUKE 12:33-34, ”33 Sell your possessions and give to the poor. Provide purses for yourselves
that will not wear out, a treasure in heaven that will never fail, where no thief comes near and no
moth destroys. 34 For where your treasure is, there your heart will be also.”
Gaano kahalaga ang puso? Well, alam natin na ang ating physical heart ang siyang
nagpupump ng ating dugo sa ating katawan continously throughout our lives na hindi na natin
kailangan pang utusan o paalalahanan. Hindi tayo maaring mabuhay kahit ilang sandali kung
wala ang ating puso. Kung gaano ka-importante ang ating physical heart, which is visible, the
same way na ganun din kaimportante ang ating spirtual heart which is invisible.
Kung titingnan natin ang anatomy, ang ating puso ay maraming parte. Nariyan ang ating right
ventricle, left ventricel, right atrium, left atrium at marami pang iba. Hindi maaring magfunction
ang ating buong puso kung wala ang isa sa parte nito. Hindi katulad ng ating kidney o ng ating
lungs na pwede mong alising ang isang parte nito, at ang natira ay maari pa ring magfunction.
Ang puso, hindi. Hindi maaring tanggalin ang isang part nito at iexpect mo na gagana pa rin
siya. Kung ang isa sa part nito ay nadamaged or hindi gumagana properly, ang part na yun ay
kailangang ayusin upang itoy muling magwork. O mismo ang buong puso ang papalitan. Ganun
kahalaga ang puso. Na tila baga ang Panginoon ay ipinapakita sa atin ang ugnayan ng ating
physical heart sa ating spiritual heart.
Although ang mga surgeons o ang mga doctor sa puso ay gumagawa ng masusi at
madetalyong trabaho upang magkaroon ng kakayanan na kanilang makita ang nasirang tissues
o mga nabarang vessels sa puso… pero hindi pa rin nila maaring mapinpoint ang lugar sa ating
puso kung saang part tayo inlove, kung anong bagay ang ating kinatatakutan, kung anu ang
mga kasalanan na ating kinocommit. At hindi nila malolocoate ang lugar na anong mga bagay
sa ating buhay ang ating pinahahalagahan.Pero ang Panginoon, alam niya kung saan ito
nakalagay sa ating mga puso. Spagakat ang mga bagay na ito ay hindi nakatago sa kanya.
Alam niya ang eksaktong lugar sa ating mga puso.
We know naman po na ang heart disease ang number one killer. Pinapatay nito ang milyong
milyong tao kada taon. Ang spiritual heart disease naman ay maaring pumatay sa inyong
marriage, families and even churches.
So paano natin palalakasin ang ating spiritual heart? Posible ba ito? Oo naman. Sa katunayan
sabi sa Biblia na si David ay, “A man after God’s own heart. Siya ay lumalakad sa kagustuhan
ng Panginoon with a perfect heart. Although hindi naman tayo perfect, at nasa proseso pa lang
tayo ng perfection by the Lord day by day.
How can we direct our hearts?

1. PROTECT YOUR HEART'S AFFECTION


Proverbs 4:23, NASB: Watch over your heart with all diligence, for the springs of life flow from it.
Kung is-search po natin sa internet ang Country most secured places in the world. According to
the latest Global Peace Index data, Iceland is the safest country in the world. New Zealand,
Ireland, Denmark, Austria, Portugal, Slovenia, Czech Republic, Singapore, Japan
Kung paano ang mga lugar na ito ay hinihigpitan ang bantay at security ay dapat ganon din ang
ating mga puso. Kung ang ating bahay ay nilalagyan natin ng screen ang mga bintana upang
ang mga lamok at mga insekto ay hindi pumasok sa inyo. Kaya rapat lang na secured ang mga
puso natin pag dating sa mga bagay na dinedesire natin
Gaano ba kahalaga ang ating spiritual heart?*Importante ang spiritual heart because it is
considered by God…
Proverbs 23:7, “For as he [a person] thinks in his heart, so is he.”*Importante ang spiritual heart
because it conceives life
2. SET ETERNAL PRINCIPLES
19 “Do not store up for yourselves treasures on earth, where moths and vermin destroy, and
where thieves break in and steal. 20 But store up for yourselves treasures in heaven, where
moths and vermin do not destroy, and where thieves do not break in and steal. 21 For where
your treasure is, there your heart will be also.
Ini-encourage tayo ng Panginoon na mag-impok ng kayamanan sa langit by establishing eternal
values na kailan man ay hindi masisira. Ang mga kayamanan na ito na dapat natingh
pahalagahan at iimpok ay ang moral purity, honesty, integrity, ang ating family, ang paggalang
sa magulang. Lahat ng mga bagay na ito ay dinefine sa atin ng Biblia, so begin to value what
God values. Kapag naestablish natin ang God’s values as our own, kahit anung mangyari sa
paligid natin, we will still feel valuable.Sa pamamagitan nito you will keep your identity in your
heart at hindi ito mawawala sayo. Value what God values.
Sa mundong ito palaging may dumarating na mga distractions and temptations habang
nilalakad natin ang buhay na ito, pero ang sabi sa Bible, Kawikaan 1:10-11, 5, Anak ko, kung
ikaw ay akitin ng mga makasalanan, huwag kang pumayag. Kung kanilang sabihin, "Sumama
ka sa amin, tayo’y mag-abang upang magpadanak ng dugo, ating tambangan nang walang
dahilan ang walang sala; Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang
iyong paa sa kanilang landas. Sa mga distractions at mga temptations, ang sabi ng iba, gawin
na rin natin ang ginagawa ng iba. Let us be careful, dahil ang ating puso ay hindi niya alam na
ang bagay na ating vinavalue o pinahahalagahan ay kung tama ba o mali. Wala siyang
kapasidad na mag-identify if it is right or wrong. Basta kapag ang puso natin maatach sa kahit
sino o kahit anung bagay, take note, either right or wrong, ang ating emotions will follow and set
in dun sa na-attach natin.
At kapag dumating na marealize mo na ang iyung values o yung bagay na iyung pinahalagahan
ay mali pala o hindi nakakabuti sau, na hindi pala ito ang values ng Panginoon, mahirap na
sayo na madisconnect sa bagay na iyun dahil ang iyung heart and emotions are already
attached.Our hearts will attach itself to what we place value on.
So bago tingnan ang bagay na dapat pahalagahan, tanungin ang sarili, ito ba ang gustong
pahalagahan ng Panginoon? Kung hindi, itapon mo na at huwag mo ng hawakan pa.
3. TURN YOUR HEART TO GOD'S PATH Huwag ating hayaan na ang puso natin ang
magdidirect sa atin. Kinakailangan na ang puso ang idirect ninyo.
Kapag ang ating psuo ay magsimulang maligaw, sabihin ninyo sa inyong sarili, “Hindi pwede” at
agarang idirect ang inyong puso sa daan ng Panginoon. Dahil kung hindi, darating kayo na
makikita ninyo na ang inyong sarili ay nasa bangin na.
Kapag naramdaman natin ang paghahangad sa mga wrongful desires, bawalin at patayin
kaagad. Bakit? Because sooner or later it takes control. At ang ating puso ay magiging bukas sa
pag-atake sapagkat pinagbigyan mo ang kanyang daing
for example po sacillustration tungkol sa dalawang aso? Sabi duon sa Indian Tale na yun, ang
ating mga buhay daw ay parang may dalawang aso sa loob natin. Ang isa ay mabuting aso at
ang isa naman ay masamang aso. Palaging nag-aaway ang dalawang aso na ito. Kung minsan,
nananalo ang mabuting aso laban sa masamang aso. Pero kung minsan din nananalo naman
ang masamang aso laban sa mabuting aso. Ang tanong sino ang magwawagi sa huli? Sino nga
ba? Kung sinong aso ang madalas mong pinapakain.
So hindi pupwede na kapag tumahol ang masamang aso at naghangad ay bibigyan mo kaagad
ng pagkain. Discipline it. Have self-control. Huwag mong papakainin dahil once na pinakain mo
ng husto yan, ito ay lalaki sa ating mga sarili na ang ating buong pagkatao ay kaya niya ng
lamunin. Direct your heart to God’s way.
Prayer ni David dito sa Proverbs139:23-24, “23 Search me, O God, and know my heart! Try me
and know my thoughts! 24 And see if there be any grievous way in me, and lead me in the way
everlasting!
CONCLUSION
Now we’ve seen the three things we should consider in order for our hearts to be directed.
1. Guard your heart’s affection
2. Establish Eternal values
3. Direct your heart to God
Nais ng Panginoon na magkaroon tayo ng perfect heart. Katulad ng puso ni David. Puso na
palaging sumusunod sa kanyang lakad.Ang sabi ng Panginoon Sapagkat kung saan naroroon
ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.”

You might also like