You are on page 1of 3

What is Really

Important comes to
Focus
SCRIPTURE: PSALMS 34:18

TEXT: The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in
spirit.

-CLOSE- near
- BROKENHEARTED- overwhelmed by grief or disappointment.
-SAVE- keep safe or rescue from harm or danger.

REFLECTION:
Natanong mo narin ba kung bakit na-design ang ‘puso’ na kapag hindi iningatan ay nababasag?

Naranasan mo na ba i-set aside lahat ng gusto mong gawin dahil may kailangan
kang gawing mas importante?

Example: may isang babaeng manganganak na, kapag naramdaman nyang malapit
na syang manganak, maiisip pa ba nya yung mga tungkulin nya sa bahay o mga
babayarin nya for her family sa oras na iyon? Diba hindi na! Ise-set aside nya lahat
ng nasa isip nya hindi lang dahil sa ‘pain’ na nararamdaman nya kundi pati narin
dahil critical ang sitwasyon nya. Another example, yung isang taong may sakit sa
puso. Kapag may nararamdaman yan na konting kirot, madalas isinasawalang
bahala lang nya yan, sasabihin nya na “wala lang to”, pero kapag dumating na sa
point na inatake na sya ng sakit sa puso, doon na nya bibiyang pansin yung sakit na
meron sya. Tama ba?

Parang ganito rin tayo kay Lord, binigyan nya tayo ng puso na maaring mabasag
kapag wala sya, pero madalas isinasawalang bahala lang natin ito, sinasabing “kaya
ko pa naman”, pero kapag dumating sa time na nabasag ka na at nasa critical stage
ka doon ka lang nagiging totoo sa Diyos. Sasabihin mong hindi mo kaya na wala
sya. Sa ganitong moment mo lang mabibigyan ng time kung ano na ang mali sayo,
at ise-set aside mo lahat ng secondary priorities mo dahil nakakaramdam ka na ng
‘pain’ at nasa critical kang sitwasyon.

God designed your heart to be sustainable with Him. If you allow him to water it
with his guidance and love every day, it will live satisfied and be thankfully grow,
pero kapag hindi mo na in-allow si Lord sa puso mo, expect that it will experience
loneliness hanggang sa mabasag muli ito.

God is so close to the brokenhearted simply because it is “true” and “open”. Yung
iiyak kang parang bata sa presensya ng Diyos dahil marerealize mo na sya lang
yung kailangan mo at makakapagpagaling sa ‘pain’ na nararamdaman mo at
makakapag ayos ng sitwasyon mo.

God will not just help you, but he said he will SAVE you, may assurance ka na
maliligtas ka dahil nagging totoo at bukas ka sakanya. I am always being reminded
by my coach that I am not expected to be perfect, but just always be true and open.
Kahit madami ka nang narinig na word of God pero hindi ka naman ‘open and
true’, mahirap kang mabago.

We are protecting our image from other people. Pero yung image natin kay Lord ay
napapabayaan na. Mas importante na yung sasabihin ng iba kaysa sa yung
relationship natin kay Lord. Nakakalimutan natin yung ipriority yung focus natin
kaya tayo nababasag. But in a wider perspective, be thankful to God na nabasag ka,
dahil ganoon ka nalang nya kamahal para maibalik sakanya at iredirect sa perfect
will nya para sayo.

APPLICATION:
The Lord is close to the brokenhearted, it doesn’t mean that you need to be broken
first to be close to God. But you need to have the charactersitics of a people who
have a brokenheart:
1. be true- alam ni Lord kung ano ang nangyayare sayo at kung ano ang motive ng
puso mo, mas alam nya kaysa sayo. Hindi tayo nagiging totoo kapag gusto nating
hind imaging totoo. Meaning may gusto tayong against sa will ni Lord dahil nakikita
natin ito na “mas maganda” kaysa sa will ni Lord.
but it is written is Isaiah 55:9 that “As the heavens are higher than the earth, so are
His ways higher than our ways and His thoughts than our thoughts. Let us pray that
God will give us “faith” na Makita yung plano nya kaysa yung nakikita ng mata natin
sa ngayon.
2. be open- we have to be transparent to the Lord if we are experiencing pain, dahil
sya mismo ang mag-aangat saatin if we humble ourselves to Him. If you are not
open to God, it is like saying and proclaiming that you don’t need him because you
believe that you can handle your life in your own way.
Being open is being humble to God, admitting na nasasaktan ka at nagiging totoo
sakanya. Dapat para tayong bata na lalapit sakanya at magsusumbong ng pain
natin. Because He is our Father. Maiintindihan nya tayo at the same time maiaayos.

You might also like