You are on page 1of 10

Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

Text: Matthew 5: 13-16


Theme: Christian Influence

Sermon Outline

Proposition: Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang


Mundo para sa Kaluwalhatian ng Diyos
P.Q.: Paano tayo tinatawag upang impluwensyahan ang mundo/iba?

Intro: Ang mundo ay wasak at lubhang nangangailangan ng impluwensya natin.

I. Nakaiimpluwensya Tayo sa Mundo sa Pamamagitan ng Pagpigil sa Kanilang


Espiritwal na Pagkabulok at Pagkapahamak (tl. 13).
II. Nakaiimpluwensya Tayo sa Mundo sa Pamamagitan ng ating Mabuting
Halimbawa na Lubhang Kakaiba sa Gawi ng Tao (tl. 14, 15).
III. Nakaiimpluwensya Tayo sa Mundo sa Pamamagitan ng ating Kristyanong
Pamumuhay na Inilalapit Silas a Diyos (tl.16).

Conclusion: Kung magkakaroon tayo ng tamang pamumuhay ay makaiimpluwensya


tayo ng positibo sa mga tao sa ating paligid.

Sermon Proper

v13"Kayo'y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito?
Wala na itong kabuluhan, kaya't itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

v14"Kayo'y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol.
v15Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang
patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. v16Gayon din naman, dapat ninyong
paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at
luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit."

First Move [engage the listeners towards the reality that the world needs their influence]:

Ang mundo ay sagana sa mga halimbawa ng mga tao na nagdulot ng malaking impluwensya:

The World Book Encyclopedia


Adolf Hitler – dictator of Germany, 1933-1945, considered as one of the cruelest men in
world history. Has defeated and invaded most of Europe before his defat on 1945.
Spread death as no man had ever done before. He commanded, “Close your eyes to
pity! Act brutally!” Killed 6 million Jews. ‘Hail Hitler!’ His vision: He promised to rebuild
Germany into a mighty empire that would last a thousand years.

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 1


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

Charles Darwin – British naturalist, caused a revolution in Biological Science. Promoted


the evolution theory. Origin of Species, 1859; The Descent of Man, 1871.

Jesus Christ – founded the Christian faith. The prevailing faith in the Western
Hemisphere, the largest religious group. For 2000 years has influenced government,
thought, and art.

[Ang bawat isa ay nagnanais na maka-impluwensya] Nais ng bawat isa na magkaroon


ng kakayanan at pagkakataon upang makaimpluwensya sa iba. We desire others to follow us,
and not to resist. Masaya tayo na makita na ang iba ay napapa-ayon sa ating kagustuhan at
paniniwala.

[Ang bawat isa ay nakaranas na maging impluwensya sa iba]. Bawat sandali ay naka-
iimpluwensya tayo sa ating paligid. Maaaring ito ay positibo, para sa kabutihan ng iba, o
negatibo, nakasasama sa iba.

Bilang mga mananampalataya, ay nararapat na nais nating maging impluwensya sa iba,


para sa kanilang kabutihan. Ang iniisip natin ay ang kanilang kapakanan.

[Ang mundo ay wasak at nangangailangan ng iyong impluwensya]. Kailangan ka ng


mundo. Ang iyong impluwensya ay lubhang kailangan ng mga tao sa paligid mo. Ang mundo na
ginagalawan mo ay wasak, nasasaktan, at walang pag-asa:

Mga balita
Pamilya
Kabataan

Nasa atin, nasa iyo ang kasagutan sa mga problemang ito ng mundo. Higit kang
malakas at makapangyarihan sa iyong inaasahan. Anuman ang pagtingin mo ngayon sa iyong
sarili, napakaliit man, binigyan ka ng Diyos ng kakayanan at pagkakataon na baguhin ang buhay
ng mga tao sa iyong paligid.

Binibigyan ka ng Diyos ng kapangyarihan na maapektuhan at mabago ang kalagayan ng


mga tao sa kasalukuyan at sa darating nilang buhay. Bilang isang mananampalataya, ikaw ang
sagot sa mga pinakamalalim na problema na dinaranas ngayon ng mga tao sa paligid mo. Ang
iyong impluwensya ang siyang makapagdudulot ng kagalingan at pag-asa sa wasak na
mundong ito.

Second Move [inform the listeners on how they could influence the world]:

Bawat isa ay may napakalaking responsibilidad.

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 2


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo para sa


Kaluwalhatian ng Diyos.

Ano ang ibig sabihin ng impluwensya (influence)?

Collins Concise Thesaurus


• Control – sa isang tiyak na antas ay maaari mong pigilan ang isang napipintong
pangyayari, o kaya’y papangyarihin ang hindi sana mangyayari.
• Authority – pagiging kapani-paniwala, pagkakaroon ng kakayanan na magpasunod.
• Direction – pagbibigay ng direksyon sa iba

[Little background of Matthew] Isang natatanging katangian sa Gospel of Matthew ay


ang pagbibigay-diin nito na si Jesus bilang ang pangakong Mesiyas – si Jesus ang katuparan ng
mga hula sa Lumang Tipan. Isang kilalang tema ay ang Paghahari ng Diyos.

Ang pinaka-kilalang katuruan ni Jesus, ang Sermon sa Bundok (Sermon on the Mount),
na matatagpuan sa Mateo 5-7 ay mga tagubilin kung papaano mabuhay na nasa ilalim ng
paghahari ng Diyos.

[Relating Matthew to our present time] Ang kalagayan ng mundo natin ngayon ay
walang ipinagkaiba sa kalagayan ng mga tao sa panahon ni Jesus noon – wasak, walang pag-
asa, pagka-alipin, at ang inaasahan nilang magdudulot ng kaligtasan, pagpapalaya, at
panibagong-buhay ay ang pagdating ng ipinangakong Mesias.

The biblical time of Matthew = Christ brought hope and new life.
Our time today = Christian influence brings Christ for hope and new life.

Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo para sa


Kaluwalhatian ng Diyos.

Paano tayo tinatawag upang impluwensyahan ang mundo/iba?

I. Nakaiimpluwensya Tayo sa Mundo sa Pamamagitan ng Pagpigil sa Kanilang Espiritwal


na Pagkabulok at Pagkapahamak (tl. 13).

Salt. (Lexicon Universal Encyclopedia)


Isang napakahalagang sangkap. Sa lahat ng mineral, ito ang pinakamadalas na gamitin at
ginagamit sa pinaka-maraming bahagi.
NT Salt. (Bible Background Commentary)
Salt was so valuable in NT times that Roman soldiers were often paid their wages in salt.
It was used as flavoring, as a preservative, as a fertilizer, and even as medicine.

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 3


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

Mga halimbawa ng mga taong naging asin sa kanilang mundong kinagalawan nagdulot
ng mabuting impluwensya:
Abraham – namagitan para sa Sodom at Gomora, nailigtas si Lot (Gen. 18: 23-32)
Moses – namagitan para sa Israel, nahadlangan ang pagpuksa rito (Exo. 32: 31-34)
Jonah – nangaral sa Nineveh, na nagdulot ng pagsisisi nito
[Salt versus Leaven:]
Lev. 2: 13 – Lahat ng pagkaing ihahandog kay Yahweh ay nararapat na may asin. Sa atin,
ang asin ay sumisimbolo sa Mabuting Balita, o katotohanan mula sa Salita ng Diyos ayon kay
Matthew Henry. All things that we do should be acceptable to God: brings life and hope.

Lev. 2: 11 – used by Jesus (Lk. 12: 1; Mt. 10: 26) to illustrate hypocrisy. Hypocrisy is the
exact opposite of true inward righteousness or holiness. Leaven only damages.

[the Christians as Salt, having the Bible] As Christians, we are the salt of this world –
we have the power to prevent moral collapse. As salt, we have Christ and the Good News.

Why the Bible is thick. It is sufficient enough to answer all the real problems of the
world, which nothing and no one else could. Kung may sapat tayong koneksyon sa mga tao at
tapang na ibahagi ang Bibliya, many lives will be changed.

v12Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, higit na matalas kaysa alinmang
tabak na magkabila'y talim. Ito'y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at
espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak sa buto, at nakatataho ng mga iniisip at
binabalak ng tao. (Heb. 4: 12)

v37Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang
mga apostol, "Mga kapatid, ano ang gagawin namin?" (Acts 2: 37)

[Christians may choose not to be salty]


Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? (tl. 13)

NT Salt Leaching Out. (Bible Background Commentary)


Here Jesus speaks of mined rock salt, which detoriated under high heat, and from which
minerals were leached by moisture. (The salt is not pure and mized with other
elements.)

You can choose to be salty or not. You can choose to function as salt or not. A Christian
that has lost a healthy relationship with Christ also lost his power, and can never do good to
others. We should always be connected with Christ. (Jn. 15: 5)

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 4


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

The Valley of Salt. (Adam Clarke Commentary)


Sa lambak doon ay may buong asin na dalawang dipa ang haba, na unti-unting nalalagas.
The part that is exposed to elements has lost its saltiness, yet still sparkling. The part
that is connected to the rock stays salty.

We could still have the sparkle of heavenly wisdom, but apart from Christ is powerless.

[Christians who are not salty are useless]


Wala na itong kabuluhan, kaya't itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao. (tl. 13)

If we choose not to function as Christians, then we do not live out our purpose of being
likened to the image of Christ (Rom. 8: 29).

“The wicked Christian is the worst of men.


The wicked minister is the worst of wicked Christians.” Matthew Henry

Two examples:
King Saul – his disobedience resulted to his removal from kingship.
Demas – his love for the world caused him to leave the ministry.

Paano po natin ito isasabuhay?


1. Patuloy na kilalanin si Cristo at ang Katotohanan sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bible.
2. Sa mga pagkakataong maaaring magpayo, sikaping mula sa Bibliya ang pagpapayo.
3. Sagutin ang mga katanungan ng tao ukol sa buhay at Biblya.

Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo para sa


Kaluwalhatian ng Diyos.

Paano tayo tinatawag upang impluwensyahan ang mundo/iba?

II. Nakaiimpluwensya Tayo sa Mundo sa Pamamagitan ng ating Mabuting Halimbawa na


Lubhang Kakaiba sa Gawi ng Tao (tl. 14, 15).
v14"Kayo'y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol.
v15Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang
patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.

NT Light. (Bible Background Commentary)


Ancient cities were built of white limestone, and thus glistened brightly in the sun.

[Christ is Light, we are His Light] Christ – the Light of the world (Jn. 8: 12; 1: 4-9; 9: 5)
Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 5
Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

Kung mananatili sa ating puso at isipan ang Salita ng Diyos, at nasa ating pamumuhay
ang ganap na pagkilos ng Banal na Espiritu, ang ating buhay ay magiging lubos na kakaiba sa
ating paligid.

BLACK versus WHITE difference.

[Without our light, this world can never see any goodness]. This world is truly
CORRUPT, slave to sin, and God puts us here to be its light.

Without your light, your influence, the world could never have a glimpse of any real
goodness. Hindi nila makikita ang ibig sabihin ng tunay na pag-ibig, at hindi makikilala si Cristo.

[The world observes us: bright or dim?]


Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. (tl. 14b)

You have the testimony of Christ in you. Satan observes you in every way possible to destroy
that testimony and your credebility. Your Good Words are NOTHING as Satan uses your BAD
CONDUCT against you.

D. L. Moody on Spiritual Leadership. (D.L. Moody, Steve Miller)


“The eyes of the world are upon us. They don’t read the Bible, but they read you and
me, and we talk more by our walk than in any other way. When one man reads the
Bible, a hundred read you and me. We are ‘living epistles, known and read of all men’
…I said to someone the other day, ‘That man must have been in the army or in a military
school. I know it by the way he walks.’ There are some people that you can tell have
been with Jesus Christ by their walk.
Some little act of kindness will perhaps do more to influence them than any number of
long sermons.”

(2Cor 3:2) Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at
nababasa ng lahat ng mga tao;

[We should expose our light]


Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang
patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. (tl. 15)

NT Light. (Bible Background Commentary)


Lamps were kept burning in the home all night long, placed on raised lampstands. This
reminds us that ‘light’ is not to be hidden. The righteous acts of heaven’s citizens are
lights which make that kingdom visible to all.

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 6


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

The Christian Paradox. Christians live as ascetics – humihiwalay sa karamihan. As we grow


older, the fewer unbeliever friends we have. Then, how could our light be spread? Since the
beginning, God wants us to spread out to spread forth His Kingdom.

Many Christians:
- Ikinahihiya ang pagiging mananampalataya
- Choose the easier ways to cover up their identity
- Makianod sa sanlibutan kesa sumalungat.

Ang ilaw na walang sindi ay kasing-itim din ng paligid nito. If we live like others, we are
an offense. If we live differently, we make big contrast by being a light.

Malamlam ba ang liwanag mo? Ang sukatan ay ang pagkakaroon ng buhay na puspos
ng Bunga ng Banal na Espiritu:
v22…ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan,
kabutihan, katapatan, v23kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. (Gal. 5: 22, 23a)

Paano po natin ito isasabuhay?


1. Makipag-usap sa mga pinagkakatiwalaang mananampalatayang kaibigan. Gumawa ng
accountaility group at magtulungan sa pagdadalisay ng mga ugali.
2. Huwag mahiyang aminin ang mga kahinaan, at tumanggap din ng pagtutuwid.
3. Magpanalanginan sa isa’t-isa.

Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo para sa


Kaluwalhatian ng Diyos.

Paano tayo tinatawag upang impluwensyahan ang mundo/iba?

III. Nakaiimpluwensya Tayo sa Mundo sa Pamamagitan ng ating Kristyanong Pamumuhay


na Inilalapit Silas a Diyos (tl.16).
Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila
ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.

[Holiness grabs the attention of others towards God]


Ito ang pinaka-layunin ng lahat, ang pinaka-conlusion ng pagiging asin at ilaw:

Upang mailapit ang mga tao sa Diyos para sa Kanyang Kaluwalhatian.

We are to live holy and influence others for the Glory of God. You are not your own!
You live for God!

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 7


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

Not only on easy circumstances, but especially during hard times. The more hardships
we are in, the more we can be brighter:
12Kaya nga, mga minamahal, higit na kailangang maging masunurin kayo ngayon kaysa
noong kasama ninyo ako. May takot at panginginig na magpatuloy kayo sa paggawa
hanggang sa malubos ang inyong kaligtasan, v13sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa
inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban.
v14Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo, v15upang kayo'y
maging ulirang mga anak ng Diyos, malinis at walang kapintasan sa gitna ng mga taong
liko at masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng talang
nagniningning sa kalangitan, v16samantalang inihahatid ninyo sa kanila ang balita ng
kaligtasan. (Fil. 2: 12-15a)
You show who you really are during the hard times!

D. L. Moody on Spiritual Leadership. (D.L. Moody, Steve Miller)


A holy life grabs people attention. Both believers and unbelievers cannot help but
notice it. “A holy life will produce the deepest impression. Lighthouses blow no horns;
they only shine.” A holy life is like a piercing light that shines brilliantly to those on the
dark and stormy seas of life. But when there’s no light, there’s no reference point. The
unlit lighthouse blends into the darkness and the mist – rendering it useless and without
impact.

[Challenges toward application of theology]


• Ang ating mabubuting gawa (reflections of light) ay hindi kailanman lalampas sa
kundisyon ng ating puso at kaalaman sa Bibliya.
• Ang ating kabanalan ay laging papantay lamang sa antas ng pag-ibig sa ating puso at ng
ating kaalaman sa katotohanan sa Bibliya.

Matthew 5: 16 is never easy. It forces us to consider all our theology to application in


our daily life – from the day of conversion until today. A Christian should practice what he
believes. So application is getting harder each day. Every situation challenges us to live out our
doctrine or to put them aside. Our every word or action, either reflect the Glory of Christ, or
add some darkness to this broken world.

Kung minsan, ang kulang na lamang ay ang ating mabuting patotoo upang ang iba ay
maligtas. We should live our talk.

Paano po natin ito isasabuhay?


1. Focus on Christ to have more holiness: the shining face of Moses (Exo. 34); the more we
see the Glory of Christ, the more we are transformed to His Image (2 Cor. 3: 18).
2. Prayer-Bible-Obedience

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 8


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo para sa


Kaluwalhatian ng Diyos.

Third Move [convince the resistant listeners towards influencing the world]:

I will give you two options to end up this sermon:

[First Option: Don’t act as light and salt and let the world suffer]
Maaari kang maging mananampalataya na walang gasinong pakialam sa paligid. Mamuhay na
hindi aktibong kumikilos para sa kabanalan at maytuwid na pamumuhay.

Bilang resulta, ang mga tao sa paligid ay mananatiling walang pakialam sa Diyos. Patuloy
na may stismisan, nakawan, panlalamang sa kapwa, wasak na tahanan, kawalan ng pag-asa,
pagbagsak ng moral, at higit na pagsama ng mundo.

Hindi tayo uunlad sa kabanalan, walang Cristianong impluwensya, ang Diyos ay hindi
maluluwalhati sa buhay natin. Walang pagbabago sa mundo.

Fourth Move [inspire listeners towards influencing the world]:

[Second Option: Act as light and salt and the world will be transformed]
Maaari kang magpursige upang mabuhay na matuwid sa inyong tahanan, paaralan,
trabaho, komunidad, at kung saan pa. At mapapansin mo, maraming magkakaroon ng interes
sa kung sino, at kung ano ang mayroon ka, dahil ikaw ay naiiba.

Magkakaroon ka ng higit na pagkakataong ibahagi sa kanila ang Mabuting Balita, o


kaya’y magbahagi ukol sa Bibliya at ipakilala si Cristo sa kanila. Unti-unti, makikita mo ang
pagbabago.

D. L. Moody on Spiritual Leadership. (D.L. Moody, Steve Miller)


On farms that use irrigation ditches, one never-ending chore is to make sure that debris
has not fallen into the ditches, thereby blocking the life-nourishing water from getting
to the plants. Similarly, we who are spirtual leaders need to examine our hearts for any
debris that would restrict God’s ability to work through us.

v21Suriin ninyo ang lahat ng bagay at pulutin ang mabuti. v22Lumayo kayo sa lahat ng
uri ng kasamaan. (2 Thes. 5: 21, 22)
v13Huwag ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng
inyong katawan bilang kasangkapan ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang
mga taong namatay at muling binuhay at ihandog sa kanya ang buo ninyong pagkatao
bilang kasangkapan ng katuwiran. (Rom. 6: 13)

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 9


Ang mga Mananampalataya ay Tinawag Upang Impluwensyahan ang Mundo…

[Concluding Story: The power of Christian Influence, as Light and Salt]

Sa aklat ni Oswald Sanders, ay sinabi niya ang kasaysayang ito:


“Si Billy Graham ay nagdaos ng isnag crusade sa Amsterdam noong 1990. Isang
lalaki ang tumayo, na nagpakilalang Joseph, isang Muzzai Warrior. Ikinuwento ni Joseph
kung paano siya nakakilala sa Panginoon at humayo para sa kaligtasan ng iba.
Paglabas niya sa kanyang bayan, ay may nakasalubong siyang misyonero na
nagbahagi sa kanya ng Mabuting Balita. Tumanggap siya sa Panginoon, at dahil sa labis
na kasiyahan, ay agad siyang bumalik sa kanyang tribo upang ibahagi si Jesus sa
kanilang buhay. Nagbahay-bahay siya at ipinakilala si Jesus sa kanyang mga katribo. Sa
kanyang pagkagulat, ay bigla na lamang nagalit ang mga tao. Kinaladkad siya ng mga
lalaki palabas ng pamayanan, habang ang mga babae nama’y pinaghahampas siya ng
barbed wire. Nagkaroon siya ng malay sa talahiban at nagpalipas doon ng ilang araw,
na pinagagaling ang mga sugat.
Inisip niya kung ano ang maaaring mali sa kanyang mensahe. Muli siyang
bumalik sa kanyang tribo at agad na sinabing, ‘Si Jesus ay namatay para sa inyong mga
kasalanan.’ Muling nagalit ang mga tao at naulit na siya’y sinaktan. Nanariwa ang mga
sugat na bago pa lamang gumagaling. Sinasabi na ang pananatili niyang buhay
pagkatapos nito ay himala na ng Diyos.
Hindi siya sumuko. Muli siyang bumalik, at ang mga tao’y muling nagalit. Bago
siya panawan ng malay, ay nakita niya ang mga babaeng humampas sa kanya ng
barbed wire ay lumuluha. Sa kanyang paggising, nakita niyang ang mga taong higit
na nakasakit sa kanya ang mga tao rin na nagsikap na siya’y mabuhay; siya’y nasa
ospital.
Ang buong tribo nila ay nanampalataya sa Panginoong Jesus.”

Layunin po ng mensaheng ito na kumbinsihin ang bawat isa na kaya nating impluwensyahan
ang mundo sa pamamagitan ng kabanalan para sa kaluwalhatian ng Diyos, na magdudulot ng
kaligtasan sa tao.

“Pagluwalhati sa Diyos, Pagpapala’y Lubos”

Mateo 5: 13-16 ...para sa Kaluwalhatian ng Diyos Page 10

You might also like