You are on page 1of 9

Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Text: Esther 7
Theme: God Protects His People from Wicked Plans
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasamang Plano

Sermon Outline

I. Ang Diyos ang Nagtatakda ng mga Pangyayari (vv. 1-2).


II. Ang Diyos ang Naglalantad ng mga Masamang Plano (vv.6-11, cf. 36-38).
III. Ang Diyos ay Gumagamit ng mga Tao Upang Sirain ang Masasamang Plano (vv.12-14).

Pagbati:

Magandang umaga po sa inyong lahat. Isang kagalakan para sa aming mga mag-aaral ng MBC ang
makasama at mapaglingkuran kayo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong malugod na
pagtanggap at pag-aasikaso sa amin. Itinuturing po naming isang karangalan ang makasama kayo
sa pagsamba sa ating Diyos na buhay.

Makibukas po kayo sa Aklat ni Juan, kapitulo 13, mga talatang 1-17. Basahin po natin:

Teksto:
[Basahin sa Biblia]

Tayo po ay manalangin:

“Ama naming Diyos na nasa langit, nagpapasalamat po kami sa pagkakataong muli Ninyong
ibinigay sa amin upang makapag-aral ng Inyong Salita. Hinihiling po namin ang paggabay ng
Inyong Banal na Espiritu. Ituro po Ninyo sa amin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, at kung
paano ito isasabuhay. Sa Pangalan ni Jesus, Amen.”

Sermon Proper

Introduction:

Napakahalaga ang mga sinasabi ng isang taong malapit nang mamatay. Ang mga huling habilin
ng isang taong mamamatay na ay naglalaman ng kanyang damdamin at saloobin, at ito ay
pinakikinggan ng mga taong nagmamahal sa kanya. Katulad ng Panginoong Jesus, ang Kanyang
mga sinabi at ginawang paghuhugas sa paa ng kanyang mga alagad ay lubhang napakahalaga
sapagkat ito’y naghahayag ng nilalaman ng kanyang puso. Sa sandaling ito’y ilang oras na lamang
at Siya’y haharap na sa kamatayan. Kaya napakahalaga na malaman natin ang tunay na kahulugan
ng ginawa Niyang paghuhugas sa paa ng Kanyang mga alagad.

Ester 7 Page 1
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Ano po ang kahalagahan ng paghuhugas ni Jesus sa paa ng Kanyang mga alagad?

1. Ang una ay, pangalawa sa pag-aalay ng Kanyang buhay sa Krus ng Kalbaryo para sa
kaligtasan ng tao, ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kabuuang sukat ng pag-ibig ni
Jesus sa Kanyang mga alagad.
2. Pangalawa, bago ang kamatayan ng Panginoong Jesus, ito ang pinakahuling aral Niya na
nakasentro sa pag-ibig, na kung saan ay ginamit Niya mismong halimbawa ang Kanyang
sarili.
3. Pangatlo, ang kasaysayang ito ay lubhang napakataas ang tensyon. Habang si Satanas ay
ginagawa ang kanyang bahagi para sa kamatayan ng Panginoong Jesus, si Jesus naman ay
nagtuturo sa Kanyang mga alagad ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Samakatuwid, ang kasaysayang ito ay naglalahad maging sa ating panahon ng puso ni Jesus
na puno ng pag-ibig.

Hayaan ninyong ilahad ko ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nakapalibot sa


eksenang ito. Una, ay ang paghahanda para sa Paskwa, na ginanap noong Huwebes ng umaga.
Sinundan ito ng pagsasalo-salo sa Paskwa, noong Huwebes ng hapon. Pagkatapos ay nagkaroon
ng pagtatalo-talo ang mga alagad, sapagkat nais ng bawat isa na maging pinakadakila sa lahat.
Sumunod dito ang paghuhugas ni Jesus sa paa ng Kanyang mga alagad. Pagkatapos ay sinabi ni
Jesus na ipagkakanulo Siya ng isa Niyang alagad. Sinabi rin Niya na iiwan Siya ng Kanyang mga
alagad, pati na ang pagtatatwa sa Kanya ni Pedro. At, ang Huling Hapunan (Lord’s Supper).

Background. Nais kong sabihin sa inyo kung paano nagsalo-salo sa hapag noon ang si Jesus
at ang Kanyang mga alagad. Ang mga Judio noon ay hindi gumagamit ng upuan sa hapag-kainan.
Sila ay naka-upo lamang na naka-krus ang mga binti (cross-legs/Indian seat). Mahaba ang
kanilang mga pananamit na tumatakip sa kanilang mga binti. Mababa lamang ang kanilang
lamesa. Walang sariling mga plato ang bawat kakain, bagkus ang plato lamang ay iyong mga
pinaglalagyan ng pagkain. Wala rin silang kutsara. Lahat sila ay sama-samang dumadakot ng
pagkain gamit ang kamay o mga pinatigas na tinapay na hugis kutsara. Kadalasan ay iisa lamang
ang plato, iyong nasa gitna na pinaglalagyan ng pagkain. Sa ganitong ayos ay makikita ang
kanilang mahigpit na relasyon sa isa’t-isa.

At noong sandaling iyon ay nagsisimula nang pumatak ang ulan sa Jerusalem, at walang
semento o kalsada noon. Kaya, sa kanilang paglalakad ay talagang mapuputikan ang kanilang mga
paa, na abot sa kanilang bukong-bukong.

Ang ating sermon/tatalakayin ngayong umaga ay may pamagat na, ‘Ang Pag-ibig at ang mga
Kapahayagan Nito’. Sa Juan kapitulo 14 at 15 ay iniuutos ng Panginoong Jesus na ibigin natin ang
bawat isa. Subalit sa Juan 13, sa ating binasang mga talata kanina ay itinuturo ng Panginoon ang
kahulugan ng pag-ibig at kung papaano ito isasapamuhay.

Ester 7 Page 2
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Ano-ano ba ang mga katangian ng pag-ibig na makikita natin dito?

Una po,

I. Ang Pag-ibig ay Nahahayag sa Pamamagitan ng Gawa (na makikita natin sa mga talatang
1-5).
‘Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo'y ipakikita niya kung
hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.’ (ang sabi sa talatang 1b)

Ang sabi sa talata, ipakikita Niya kung hanggang saan ang Kanyang pag-ibig sa kanila. Kaya, ang
mga sumusunod na ginawa ng Panginoong Jesus sa kabuuan ng mga talata ay katibayan at
kapahayagan ng Kanyang pag-ibig. Ang pag-ibig ang pinaka-pundasyon ng lahat ng ginawa ng
Panginoong Jesus, sa paghuhugas sa paa ng Kanyang mga alagad.

Hindi nararapat na sila ay kumain ng sama-sama na hindi nahuhugasan ang kanilang mga
paa. Kaya, si Jesus ay nagboluntaryo na hugasan ang kanilang mga paa. Ang paghuhugas Niya ng
kanilang mga paa, ay nagpapatunay na iniibig Niya sila, at handang gawin ang anuman, para sa
kanilang ikabubuti. Nagawang tiisin ng mga alagad na sila ay kumain na marurumi ang kanilang
mga paa. Subalit, ipinakita ni Jesus ang Kanyang pag-ibig sa kanila. Siya na ang nagkusa na
maghugas ng kanilang mga paa. Ang tunay na pag-ibig ay kusang nahahayag sa pamamagitan ng
gawa:

‘Mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita o wika lamang. Ipakita natin ang tunay
na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.’ (ang sinasabi ng 1 Jn. 3:18)

Naaalala ko pa dati, noong ako ay dumalo sa anibersaryo ng Masagana Bible Church.


Kailangang buhatin ang isang malaking pisara/blackboard. Hindi ako nagkusa. Hinayaan kong
buhatin ito ng mga matatandang babae habang ako ay nakatingin lamang sa kanila. Hindi ako
tumugon sa nakita kong pangangailangan, hindi ako nagpakita ng pag-ibig sa mga matatandang
nagbuhat ng pisara.

Paano po natin ito isasabuhay? Narito ang ilang gabay. Ang tunay na pag-ibig ay:
a. Una, hindi naghihintay ng anumang hudyat upang ipakita ito.
b. Pangalawa, hindi rin ito naghihintay ng anumang napakagipit na sitwasyon para lamang
ito ipakita – ito ay kusang naihahayag sa pamamagitan ng mabubuting gawa, sa maliit
man o malaking sitwasyon.
c. Pangatlo, nakikita nito ang pinakamaliit na detalye na pangangailangan ng kapwa, at
kusang tumutugon dito.

Ester 7 Page 3
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Ano pa ang ilang katangian ng pag-ibig na makikita natin sa paghuhugas ni Jesus sa paa ng
Kanyang mga alagad?

Pangalawa po,

II. Ang Pag-ibig ay Nagbubuklod sa Pamamagitan ng Pagpapatawad (na makikita natin sa


mga talatang 6-11, at 36-38).
’ Sinabi sa kanya ni Pedro, "Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa." "Kung

hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin," tugon ni Jesus.’ (ang sabi ng talata 8)

Marumi ang paa ni Jesus at ng Kanyang mga alagad. Ang dumi at putik na nasa paa ng mga alagad
ay sumibimbolo sa espiritwal na karumihan, o kasalanan. Bakit itinuro ng Panginoong Jesus na
maghugasan ng paa ang Kanyang mga alagad? Isang dahilan ay upang mapanatili ang magandang
relasyon o ugnayan nila sa isa’t-isa.

Ang Kasalanan at Hindi Pagpapatawad dito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng pader sa


pagitan ng pagkakaibigan, at ng magkaibigan. Hangga’t walang pagpapatawad, ay nananatili ang
pader. Nagkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan.

Ang tanging solusyon upang ang pader na ito ay mawasak at manumbalik magandang
pagkakaibigan ay ang Pagpapatawad. Sa halimbawa ni Jesus sa tagpong ito, ang pagpapatawad
ay hindi lamang nangangahulugan ng aktwal na pagpapatawad o paglimot sa kasalanan. Bagkus,
nangangahulugan din ito ng pagmamahal sa isang tao at pagtanggap sa kabuuan kung sino man
siya – kasama na ang lahat ng kanyang kahinaan, nang walang mapanghatol na kaisipan, o
anumang mababang pagtingin sa kanyang pagkatao. Nanganghulugan din ito ng pagtitiwala sa
tao kahit na ito ay hindi perpekto. Kung talagang iniibig natin ang isang tao, sa kabila ng mga
kahinaan niya ay hindi magiging mababa ang pagtingin natin sa kanya. Hindi natin siya hahatulan
bagkus ay higit na uunawain, mamahalin, at aabutin.

Ang Malalim at Tunay na Pag-ibig, ay laging handang magpatawad, at, sa ipinakita ni Jesus,
ay nagpapatawad na bago pa man ginawa ang aktwal na kasalanan. Ibig sabihin, ang puso natin
ay nakahanda nang magpatawad bago pa man tayo gawan ng kasalanan. Ang pagkakasalang
tinutukoy dito ay ang pagtatatwa ni Pedro sa Kanya, na sinabi rin kaagad ni Jesus sa mga talatang
36-38:
v36"Saan po kayo pupunta, Panginoon?" tanong ni Simon Pedro. Sumagot si Jesus, "Sa paroroonan
ko'y hindi ka makasusunod ngayon, ngunit susunod ka pagkatapos." v37"Bakit po hindi ako
makasusunod sa inyo ngayon?" tanong ni Pedro. "Buhay ko ma'y iaalay ko dahil sa inyo."
v38Sumagot si Jesus, "Iaalay mo ang iyong buhay dahil sa akin? Tandaan mo: bago tumilaok ang
manok, makaitlo mo akong itatatwa."
Alalahanin natin ang sinabi sa talata 8, na kinakailangan ang pagpapatawad ni Jesus upang
mapanatili ang ugnayan ni Pedro kay Jesus. Kung hindi magpapatawad ni Jesus si Pedro, ay
kanilang ugnayan ay hindi maibabalik sa dati.

Ester 7 Page 4
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Paano po natin ito isasabuhay? Ang pag-ibig ay nagpapatawad at laging handang


magpatawad, kahit na ito ay sa mga pagkakasalang pinakamasakit sa atin. Sa halimbawa ni Pedro,
ang ipagkanulo si Jesus sa panahon na kailangan ni Jesus ang kanilang pagkalinga.

Mayroon akong nakitang ilang halimbawa ng kawalan ng pagpapatwad sa ating mga kapwa
mananampalataya:
a. Una, pagtsismis sa kahinaan ng iba. Sa halip na ipanalangin, ay humahatol at
nagwawasak. Nagpapakita ito ng pusong hindi handang tumanggap sa kahinaan ng
iba at ipagpatawad ito.
b. Pangalawa, walang tunay na malasakit sa mga nadisiplinang mananampalataya.
Walang tunay na pagtanggap, kundi paghatol sa pagkatao ng nadisiplina.
Naaalala ko dati, noong panahon na hindi na ako nakadadalo sa pananambahan ng
Iglesya at ako’y nanlalamig na sa aking pananampalataya. Kapag nakakasalubong ako
ang mga tagapanguna ng aking Iglesya ay iniiwasan nila ako at hindi pinapansin. Sa
panahong naghahanap ako sa kanila ng kalakasan at pagdamay, saka naman sila
lumayo sa akin.

Nais ko ring mag-iwan ng ilang hamon:


a. Una, magpatawad ka sa taong wala ng ginawa kundi ang pasakitan ka.
b. Pangalawa, magpatawad ka sa kasalanang pinakamakasasakit sa iyo, bago pa man ito
gawin sa iyo.
c. Pangatlo, makikita mo ang mga taong ito na kinakailangan ng pagpapatwad mo sa
Kristyanong Komunidad. Ang mga kapwa-mananampalataya ang magdudulot sa iyo
ng pinakamasakit na kalooban, at kinakailangan mo silang patawarin.

Ano pa ang ilang katangian ng pag-ibig na makikita natin sa paghuhugas ni Jesus sa paa ng
Kanyang mga alagad?

Pangatlo po,

III. Ang Pag-ibig ay Nagsasakripisyo sa Pamamagitan ng Paglimot sa Sarili (na makikita natin
sa mga talatang 12-14).
’Kungakong Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong
maghugasan ng paa.’ (ang sabi ng talata 14)

Ang matinding pag-ibig ni Jesus na Kanyang ipinahayag sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa


ng Kanyang mga alagad, ay kakikitaan ng isa pang dakilang katangian ng pag-ibig: Ito ay
nahahandang magsakripisyo, sa pamamagitan ng pagsasantabi ng karangalan at sariling
karapatan, para lamang sa ikabubuti ng iba.

Ester 7 Page 5
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Upang masubok kung ang pag-ibig ay totoo, kailangang ito’y subukin sa pamamagitan ng
matinding sakripisyo. Ang kahirapang idinudulot ng sakripisyo ang siyang wawasak sa maskara
ng huwad na pag-ibig. Sa kalagayan ni Jesus, ang pag-ibig Niya ay sinubok sa pamamagitan ng
pansamantalang pagsasantabi ng Kanyang Karangalan bilang Panginoon at Diyos, para lamang
mahugasan ang paa ng Kanyang mga alagad. Napatunayan Niyang totoo ang Kanyang pag-ibig
sapagkat nagawa Niyang isantabi ang Kanyang karangalan para sa ikabubuti ng Kanyang mga
alagad.

Malaki ang kauganayan ng ginawang paghuhugas ni Jesus sa paa ng mga alagad sa Kanyang
kamatayan sa Krus ng Kalbaryo. Sa mga sandaling ito na hinuhugasan Niya ang paa ng mga alagad,
ay nakatuon ang Kanyang isip sa haharapin Niyang hirap sa Krus. Ang paghuhugas Niya ng paa at
ang Kanyang kamatayan sa Krus ay may dalawang pagkakatulad. Una, ang dalawang ito ay
kapahayagan ng Kanyang pag-ibig. Pangalawa, upang maipahayag ang pag-ibig Niyang ito, pinili
Niyang isantabi ang Kanyang karangalan: Sa paghuhugas ng paa, isinantabi Niya ang pagiging
Guro at Panginoon bilang isang Alipin, at sa pagkamatay sa Krus, pagsasantabi ng karangalan
bilang Diyos na hindi nagkasala bilang isang taong makasalanan.

Background. Ayon sa aklat na aking nabasa [Insights to Bible Times & Customs (ph. 87-88)],
ang paghuhugas ng paa ng mga bisita ang pinaka-aba at nakakahiyang katungkulan na maaaring
ganapin ng isang alipin sa isang tahanang judio. Maraming alipin sa isang tahanang Judio, at ang
bawat isa ay may kanyang katungkulan. Sa panahon na maulan, ang pinakamababang alipin ang
siyang naghuhugas sa paa ng mga bisita. Hinuhugasan niya ang paa ng mga bisita sa may pinto
ng tahanan bago ito pumasok sa loob. Ang tagapaghugas ng paa ang siyang itinuturing na
pinakakahabag-habag at pinakamababang katungkulan para sa isang alipin. Ang aliping
naghuhugas ng paa ay hindi makatingin sa mukha ng kanyang hinuhugasan dahil sa kahihiyan.

Subalit si Jesus na kanilang Panginoon at Guro ay pansamantalang nilimot ang Kanyang


karangalan upang mahugasan ang kanilang mga paa, isang gawain na nararapat lamang para sa
isang pinakamababang alipin.

May isang kwento, tungkol sa dalawang manlalaro/atleta na sumali sa palarong takbuhan.


Ang palarong ito ay ang pagiging kampeon ng bansa. Marami ang kasali sa palarong iyon, subalit
ang dalawang ito ang pinakamagaling, at mahabong panahon ang ginugol nila sa pag-eensayo
para dito. Sa oras ng paligsahan, ang dalawang manlalaro ang nangunguna. Malapit na sila sa
finish line/pagkapanalo. Subalit naaksidente ang isa sa kanila, at kailangan ng kaagad na tulong
upang mailigtas ang buhay. Ang isang manlalaro, bagamat nagnanais na manalo, ay isinantabi
ang pangarap na maging kampeon sa buong bansa. Tumigil siya sa pagtakbo at agad na
tinulungan ang naaksidente. Hindi nga siya nanalo subalit naipadama naman niya ang kanyang
pag-ibig sa kapwa.

Ester 7 Page 6
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Paano po natin ito isasabuhay? Sinasabi nating iniibig natin ang ating kapwa, subalit subukin
natin ito sa ilang pamantayan:
a. Una, ang tunay na pag-ibig sa kapwa ay nangangahulugan ng pag-iisip muna sa
kapakanan ng iba, bago ang kapakanan ng sarili.
b. Pangalawa, ang tunay na pag-ibig ay nahahandang magsakripisyo matugunan lamang
ang pangangailangan ng iba, kahit mawalan ang sarili.

Ano pa ang katangian ng pag-ibig na makikita natin sa paghuhugas ni Jesus sa paa ng


Kanyang mga alagad?

Pang-apat po,

IV. Ang Pag-ibig ay Nagpapakababa/Nagpapakumbaba Upang Maglingkod (na makikita


natin sa mga talatang 15-17).
‘Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito'y dapat ninyong tularan.’ (ang sabi ng talata 15)

Si Jesus ang perpektong halimbawa ng pagpapakumbaba at paglilingkod, dahil hindi lamang Niya
ito itinuro, kundi ay isinabuhay upang maging halimbawa.

Bago pa ang aktwal na ministeryo ng Panginoong Jesus sa lupa, ay sinimulan na Niya ang
pagpapakababa upang makapaglingkod. Ito ay makikita sa Filipos 2: 6,7:
v5Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus:
v6Kahit siya ay Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos.
v7Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao,
Sa mga talatang ito ay makikita ang Ilang napakahalalagang aral ukol sa tunay na diwa ng
paglilingkod: 1.) Una, ang paglilingkod ay hindi kailanman maihihiwalay sa pagpapakababa – sa
katunayan, walang tunay na paglilingkod kung hindi nagpapakababa. 2.) Pangalawa, ang
pagpapapakababa o kapakumbabaan ang siyang nararapat na nauuna sa bawat paglilingkod, 3.)
at pangatlo, ang kapakumbabaan ang puso ng paglilingkod.

Ang isang taong nagmamataas, kailanman, ay hindi maaaring maglingkod ayon sa


pamantayan ni Kristo. Ang taong nagmamataas ay kusang mag-iisip at kikilos ng taliwas sa isang
lingkod:

- Ang taong may mataas na pagtingin sa sarili ay nagnanais na siya’y paglingkuran;


samantalang ang taong nagpapakababa ay nagnanais na maglingkod sa iba.
- Ang taong may mataas na pagtingin sa sarili ay nagnanais ng komportableng pamumuhay;
samantalang ang taong nagpapakababa ay handing yumakap sa pagtitiis at paghihirap.
- Ang taong may mataas na pagtingin sa sarili ay nagiging kabigatan sa iba; samantalang
ang taong nagpapakababa ay nagdudulot ng ginhawa sa iba.

Ester 7 Page 7
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Sa pamamagitan ng paghuhugas sa paa ng Kanyang mga alagad, ay itinuro Niyang muli ang
pagpapakababa na humahantong sa paglilingkod, dahil hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa
rin ito nauunawaan ng Kanyang mga alagad. Bago kasi Niya hugasan ang Kanilang mga paa, ang
Kanyang mga alagad noon ay nagtatalo kung sino sa kanila ang higit na dakila, sa Lukas 22: 24-
27:
v24Nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang kikilanling pinakadakila. v25At sinabi sa
kanila ni Jesus, "Ang mga hari sa mundong ito'y pinapanginoon ng kanilang nasasakupan, at ang
mga maykapangyarihan ay napatatawag na mga tagatangkilik nila. v26Ngunit hindi gayon sa inyo.
Sa halip, ang pinakadakila ang dapat lumagay na siyang pinakabata, at ang namumuno'y
tagapaglingkod. v27Sino ba ang higit na dakila, ang nakadulog sa hapag o ang naglilingkod? Hindi
ba ang nakadulog sa hapag? Ngunit ako'y kasama-sama ninyo bilang isang naglilingkod.

Paano po natin ito isasabuhay? Bumalik tayo sa tunay na diwa ng paglilingkod. Analisahin
natin ang ating paglilingkod sa ating kapwa sa ating pang-araw-araw na pamumuhay:
a. Una, ang akin bang paglilingkod ay walang anuman na paghahangad na maitaas ang sarili?
Ang madakila, makilala, makatanggap ng anumang pagkilala?
b. Pangalawa, ang akin bang paglilingkod sa iba ay nakatuon lamang sa ikabubuti ng
pinaglilingkuran, at hindi ang ikabubuti ng sarili?

Conclusion:

Ang pagpapahayag ni Jesus ng Kanyang pag-ibig sa Kanyang mga alagad ang isa sa mga
pinakamahalagang katuruan na iniwan Niya sa Kanyang mga alagad. Ang katuruang ito ay para
rin sa ating mga mananampalataya ngayon, dahil tayo ay Kanya ring iniibig at ipinanalangin (Jn.
17: 20ff.).

Sa halimbawang iniwan ni Jesus sa Kanyang mga algad, nais Niya na umibig tayo sa bawat isa
na:
- Una, nahahayag sa pamamagitan ng gawa,
- Pangalawa, nagbubuklod sa pamamagitan ng pagpapatawad,
- Pangatlo, nagsasakripisyo sa pamamagitan ng paglimot sa sarili, at,
- Paghuli, nagpapakababa upang maglingkod.

Buo ang aking paniniwala na kung isasabuhay natin ang mga simpleng katotohanang ito, ay
higit na madadakila ang Diyos sa ating mga buhay at malulunasan ang napakaraming problema
sa ating Iglesya. Alalahanin po natin na ang pag-ibig natin sa bawat isa ang magpapatunay ay mga
anak ng Diyos at tagasunod ng Panginoong Jesus katulad ng sinabi ni Jesus sa Juan 13:35:
v35Kung kayo'y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko."
Nawa ang pag-ibig na unang ipinahayag ni Cristo at patuloy na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos
ay maipagkaloob din natin sa ating mga kapatid sa Panginoon.

Ester 7 Page 8
Ang Diyos ay Nag-iingat sa Kanyang mga Anak mula sa Masasama

Tayo po ay manalangin:

“Ama naming Diyos na nasa langit, maraming salamat po sa bagong katotohanan na itinuro
Ninyo sa bawat isa. Tulungan po Ninyo kami na ibigin ng higit ang bawat isa, upang maluwalhati
naming ang Inyong Pangalan. Sa Pangalan ng Panginoong Jesus, Amen.”

Ester 7 Page 9

You might also like