You are on page 1of 13

Ang Aking Ugnayan sa

Diyos
Eparchial Lenten Recollection
Scriptural Reading
Lucas 5:12-16
Pinagaling ni Jesus ang lalaking Ketongin
Nang si Jesus ay nasa isang bayan, nakita siya ng
isang lalaking ketongin. Nagpatirapa ito at
nakiusap, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako'y
inyong mapapagaling at magagawang malinis.”
Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Nais ko.
Gumaling ka at luminis!” At noon di'y nawala ang
kanyang ketong. Pinagbilinan siya ni Jesus,
“Huwag mong sasabihin ito kaninuman.
Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa
kanya. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon
sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao
na ikaw nga'y magaling na.” Ngunit lalo pang
kumalat ang balita tungkol kay Jesus, kaya't
dumaragsa ang napakaraming tao upang makinig
sa kanya at mapagaling sa kanilang mga sakit.
Ngunit si Jesus naman ay pumupunta sa mga ilang
na lugar upang manalangin.
Pagninilay:
1. Ano ba ang nais ng Diyos sa atin?
Ang nais ng Diyos ay ibalik tayo sa ating natura. Ang
natura natin ay ang pagiging kawangis niya at mabuting
tagapamahala ng sa lahat ng nilikha, “So, God created
mankind in his own image, in the image of God he
created them; male and female he created them. God
blessed them and said to them, “Be fruitful and increase
in number; fill the earth and subdue it. Rule over the fish
in the sea and the birds in the sky and over every living
creature that moves on the ground” (Gen. 1:27-28).
Kaya hinihimok tayo ni Hesus na mabuhay sa
kabanalan. Sinabi nya, “Kaya dapat kayong
maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa
langit” (Mateo 5:48). Ang kaganapan ng buhay na
ninanais ng Diyos sa atin ay nagbibigay papuri sa
Diyos. Sinabi ni Sann Ireneo na ang kaluwalhatian
ng Diyos ay makita ang tao na may kaganapan ng
buhay.
2. Ano ang epekto sa atin ng kasalanan?
Sinisira ng kasalanan ang disenyo ng Diyos.
Sa pagkakasala ng tao, nawawala tayo sa
tunay nating kalikasan – ang pagiging mabuti.
May tatlong epekto ang kasalanan sa atin, ito
ay; sinisira ng kasalanan ang ating ugnayan sa
ating sarili, sa ating kapwa, at sa Diyos.
Upang hilumin at ibalik tayo sanasirang
ugnayang ito, itinatag ni Hesus ang
Sakramento ng Kumpisal.
Isinulat ni San Juan, “Sinabi na naman ni Jesus,
‘Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako
ng Ama, isinusugo ko rin kayo.’ Pagkatapos, sila'y
hiningahan niya at sinabi, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu
Santo. Ang patatawarin ninyo sa kanilang mga
kasalanan ay pinatawad na nga, subalit ang hindi ninyo
patatawarin ay hindi nga pinatawad.’ (Juan 20:21-23).
Sinabi rin ni Apostol Santiago na, “Kaya nga ipagtapat
ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan
at ipanalangin ninyo ang isa’t-isa, upang kayo’y
gumaling” (Santiago 5:16).
3. Ano ang Sakramento ng Kumpisal?
Ang Sakramento ng Kumpisal (minsang tinatawag
na Kumpesyon, Rekonsilasyon, Penitensiya, o
Pagsisisi) ay ang paraang ibinigay ni Kristo sa
Simbahan para sa kapatawaran ng mga kasalanan
ng bawat indibidwal na taong nabinyagang
miyembro ng Simbahan.
4. Bakit sa pari kailangang mangumpisal?
Kung titignan, halos lahat ng kasalanang nagagawa
natin, ay kasalanan sa ating sarili at sa ating kapwa.
Nagkakasala tayo sa ating kapwa kapag tayo ay
humuhusga, nakikipag away, hindi nagsasabi ng
totoo, nagnanakaw, pumapatay, nagsasalita ng
masakit sa ibang tao, at marami pang iba.
Nagkakasala tayo sa ating sarili sa tuwing tayo ay
naiingit, nawawalan ng kasiyahan, pagsira sa sariling
pangalan, karumihan, pagsira sa katawan, at marami
pang iba.
Bagamat lahat ng ito ay kasalanan sa Diyos, ito
ay mga gawaing laban sa ating kapwa at sa
sarili. Ang mga bagay na nabangit ay mga
kasalanan na dapat nating ikumpisal sa pari.
Tandan, ang ikinukumpisal natin ay ang mga
kasalanang ating nagawa at hindi ang
kasalanan ng ibang tao. Hindi rin ito isang
counseling session o pag hingi ng payo sa pari.
Ito ay ang pag amin at pagsisisi sa kasalanang
ating nagawa.
5. Ano ang mga kasalanang dapat ikumpisal?
Pagpapalaglag, pakikiapid, paggamit ing illegal na
droga, pag gamit ng mga agimat, ating-anting,
paniniwala sa manghuhula at pangkukulam, paggamit
ng birth control, paglapastangan sa pangalan ng Diyos,
sadyang hindi pagtupad sa pangako, pagsira sa
pangalan ng pamilya, paaralan at simbahan,
pagsisinungaling, pagkawala ng pag-asa, pagsira sa pag
aari ng iba, paninirang puri, hindi pagsunod sa
magulang, pagkagumon sa alak,
Pagsisisi
Diyos ko,
pinagsisisihan ko nang buong puso
ang aking kasalanan
dahil sa paggawa ko ng masama
at di ko paggawa ng mabuti.
Ito’y pagsuway sa iyo, pinakamabuting Diyos,
na dapat kong mahalin nang higit sa lahat.
Sa iyong tulong ay nagpapasya akong matibay
at nangangakong magbabagong-buhay
at lalo sa udyok ng kasalanan.
Sa pamamagitan ng pagpapalang tinamo
ni Hesus na Manunubos
mula sa bisa ng kanyang mga hirap.
O Diyos ko, kaawaan po ninyo ako.
sa material na bagay, katakawan, pagkamuhi, chismis,
pagnanasa, kawalan ng utang na loob, katamaran,
sadyang pagpili sa masama, hindi pag sisimba tuwing
Linggo at Pistang Pangilingan, pagpatay, hindi
pagdadasal, hindi paglilimos, pakikipagtalik ng hindi
kasal,pagmamataas (pride), prostitusyon, mga gawain
na naglalagay sa kapahamakan, kawalang galang,
pagiging makasarili at madamot, pagnanakaw,
paniniwala sa pamahiin, hindi makatarungang galit,
paggamit sa kapwa tao, panonood at pagbabasa ng
mga malalaswa, at homosexual activity.

You might also like