You are on page 1of 2

Ang Aking Ugnayan sa Diyos

Pinagaling ni Jesus ang lalaking Ketongin

Lucas 5:12-16

Nang si Jesus ay nasa isang bayan, nakita siya ng isang lalaking ketongin. Nagpatirapa
ito at nakiusap, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako'y inyong mapapagaling at
magagawang malinis.” Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Nais ko. Gumaling ka at
luminis!” At noon di'y nawala ang kanyang ketong. Pinagbilinan siya ni Jesus, “Huwag
mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa kanya.
Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga
tao na ikaw nga'y magaling na.” Ngunit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Jesus,
kaya't dumaragsa ang napakaraming tao upang makinig sa kanya at mapagaling sa
kanilang mga sakit. Ngunit si Jesus naman ay pumupunta sa mga ilang na lugar upang
manalangin.

Pagninilay:

1. Ano ba ang nais ng Diyos sa atin?


Ang nais ng Diyos ay ibalik tayo sa ating natura. Ang natura natin ay ang
pagiging kawangis niya at mabuting tagapamahala ng sa lahat ng nilikha, “So,
God created mankind in his own image, in the image of God he created them;
male and female he created them. God blessed them and said to them, “Be
fruitful and increase in number; fill the earth and subdue it. Rule over the fish in
the sea and the birds in the sky and over every living creature that moves on the
ground” (Gen. 1:27-28).
Kaya hinihimok tayo ni Hesus na mabuhay sa kabanalan. Sinabi nya, “Kaya
dapat kayong maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa langit” (Mateo 5:48).
Ang kaganapan ng buhay na ninanais ng Diyos sa atin ay nagbibigay papuri sa
Diyos. Sinabi ni Sann Ireneo na ang kaluwalhatian ng Diyos ay makita ang tao
na may kaganapan ng buhay.
2. Ano ang epekto sa atin ng kasalanan?
Sinisira ng kasalanan ang disenyo ng Diyos. Sa pagkakasala ng tao, nawawala
tayo sa tunay nating kalikasan – ang pagiging mabuti. May tatlong epekto ang
kasalanan sa atin, ito ay; sinisira ng kasalanan ang ating ugnayan sa ating sarili,
sa ating kapwa, at sa Diyos. Upang hilumin at ibalik tayo sanasirang ugnayang
ito, itinatag ni Hesus ang Sakramento ng Kumpisal, sinabi nya, “Sinabi na naman
ni Jesus, ‘Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama,
isinusugo ko rin kayo.’ Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, ‘Tanggapin
ninyo ang Espiritu Santo. Ang patatawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay
pinatawad na nga, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.’
(Juan 20:21-23). Sinabi rin ni Apostol Santiago na, “Kaya nga ipagtapat ninyo sa
inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa’t-isa,
upang kayo’y gumaling” (Santiago 5:16).
3. Ano ang Sakramento ng Kumpisal?
ang Sakramento ng Kumpisal (minsang tinatawag na Kumpesyon,
Rekonsilasyon, Penitensiya, o Pagsisisi) ay ang paraang ibinigay ni Kristo sa
Simbahan para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng bawat indibidwal na taong
nabinyagang miyembro ng Simbahan.
4. Bakit sa pari kailangang mangumpisal?
Kung titignan, halos lahat ng kasalanang nagagawa natin, ay kasalanan sa ating
sarili at sa ating kapwa. Nagkakasala tayo sa ating kapwa kapag tayo ay
humuhusga, nakikipag away, hindi nagsasabi ng totoo, nagnanakaw, pumapatay,
nagsasalita ng masakit sa ibang tao, at marami pang iba. Nagkakasala tayo sa
ating sarili sa tuwing tayo ay naiingit, nawawalan ng kasiyahan, pagsira sa
sariling pangalan, karumihan, pagsira sa katawan, at marami pang iba. Bagamat
lahat ng ito ay kasalanan sa Diyos, ito ay mga gawaing laban sa ating kapwa at
sa sarili. Ang mga bagay na nabangit ay mga kasalanan na dapat nating
ikumpisal sa pari. Tandan, ang ikinukumpisal natin ay ang mga kasalanang ating
nagawa at hindi ang kasalanan ng ibang tao. Hindi rin ito isang counseling
session o pag hingi ng payo sa pari. Ito ay ang pag amin at pagsisisi sa
kasalanang ating nagawa.

You might also like