You are on page 1of 16

Ang Muling Pagtuklas sa

Mataas na Layunin ng
Buhay
Exploratory Class
Lesson 1

Rev. Glenzer Fernandez


Breakthrough Christian Fellowship Lead Pastor
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA


LAYUNIN NG BUHAY

Ang malalim na tanong ng mga matatalinong tao na


nabuhay noong unang panahon hanggang sa ngayon ay, “ANO
ANG LAYUNIN NG BUHAY?”Ang kahalagahan ng lahat ay
nakabase sa katuparan ng layunin nito.Ang imbentor ang siyang
nag-disenyo ng kaniyang nilikha ayon sa naiisip niyang
paggagamitan nito. Ang isang bagay na naimbento ay
masasabing bigo kung hindi nito nagagampanan ang layunin
kung bakit ito nilikha.

Tulad din ng Diyos na manlilikha, meron siyang tanging


layunin sa kanyang mga nilikha.Nang likhain ng Dios ang tao
hiningahan niya itosa kanyang ilong ng hininga ng buhay.

“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa,


at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga
ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.”
(Genesis 2:7)

Ang “hininga” na iyon ay ang Espiritu Santo ng Dios. Ang


katotohanan, ang buhay ng tao ay nagsimula sa Dios kung kaya’t
ang taong hiwalay sa Dios ay hungkag at walang kabuluhan.Ang
muling pagtuklas sa mas mataas na layunin ng buhay ay
nangangailangan ng muling pagtingin. Hindi ito dapat tignan
ayon sa karunungang pang-tao lamang, ni sa makasanlibutang
pamantayan, kundi dapat mula mismo sa tanging may akda ng
buhay- Ang Diyos, Siya lamang. Samakatuwid, upang magkaroon
ng makahulugan at makabuluhang buhay, nais kong ibahagi sa
inyo ang:

Page 1 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN


NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

Tatlong (3) Mataas na Layunin ng Dios sa iyong Buhay.

1.Nais ng Dios na makasama ka.

Ang pagsasama-sama o pagkakaisa ay nagaganap kapag


merong pagbabahaginan at pagsasamahang mga bagay o
kaganapan.Sa unang pagkakataon, ibinahagi ng Dios ang
kanyang pamamahala sa tao. Ipinakilala ang kanyang sarili
bilang Hari at ang kanyang pamamahala ay mula sa langit. Sinabi
ng Salmista,

“Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan


mula doo’y sa nilikha’y maghaharing walang
hanggan.”(Awit 103:19)

Gayun man nais ng Dios na ibahagi ang kapamahalaan sa


tao.Kaya nga nilikha ng Diyos ang daigdig upang ang tao ang
siyang mamahala nito.

27 “At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang


sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang;
nilalang niya sila na lalake at babae.28 At sila'y
binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y
magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang
lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng
kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa
himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa
ibabaw ng lupa.”(Genesis 1:27-28)

Ang pagkakaroon ng kapamahalaan ay pagkakaroon ng


kapangyarihan at ito ay ibinahagi ng Dios sa tao nang likhain
niya ito.Dagdag pa dito sabi ng Salmista,

Page 2 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN


NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

“Panginoon ang may-ari ng buong sangkalangitan,


samantalang ang daigdig ay sa tao ibinigay.”(Awit
115:16)

Pangalawa, ibinahagi ng Dios ang kanyang moral na


katangian sa tao. Tayo’y nilikha nakawangis at kalarawan ng
Dios.Sinasabi ng kasaysayan ng paglikha “ngayon lalangin ang
tao, ating gagawin syang kalarawan natin”(Genesis 1:26).Ang
pagiging kalarawan ng Dios sa tao ay hindi sa panlabas na anyo
kundi ito’y sa kanyang moral na katangian. Ang mga katangiang
moral na ito ay tulad ng kakayahan ng tao na magmahal,
magdesisyon, at ang mga ito’y galing sa Dios at
masusumpungang sakdal sa Kanya.Habang ibinabahagi ng Dios
sa atin ang kanyang pamamahala at ang kanyang moral na
katangian, tayo ay nakatalaga na mamuhay na kasama niya at
para sa kanya.

Bilang tugon, nais ng Dios mamuhay kang kasama niya.Hindi


nais ng Dios na harapin mo ang iyong problema na nag-iisa. Nais
ng Dios na makibahagi Siya sa iyong mga tagumpay o maging
kapalpakan at kabiguan.Doon sa presensya ng Dios ang tamang
lugar na kung saan tayo’y naka-disenyo na manirahan.Tulad ng
isda, kapag inialis mo sa tubig kalauna’y mamatay ito.

Gayun din tayo, pwede nating piliin na mamuhay na malayo


sa presensya ng Dios sa pamamagitan ng mga bagay o mga tao
na inilalagay natin na mahigit kesa sa Dios sa ating buhay, dahil
dito ang ating espiritu ay namamatay (Efeso 2:1-2). Makikita
natin ang resulta ng pagkamatay ng espiritu natin sa
pamamagitan ng hungkag(EMPTY) na buhay.Maraming mga tao
na nais punan ang hungkag na bahaging yaon sa pamamagitan
ng pakikipagrelasyon, paghahanap ng bagong trabaho, pamimili
ng kung anu-ano, pagkain ng masasarap, at ang iba’y lumalabis
pa, sila’y gumagamit ng bawal na gamot, panonood ng
malalaswang palabas, paglalasing at marami pang iba. Ngunit

Page 3 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN


NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

ang mga nabanggit ay nagbibigay lamang ng panandaliang lunas


at hindi talaga nakakaresolba ng tunay na
problemangespritwal.Kaya nga ito ang dahilan kung bakit
ninanais ng Dios na tayo’y makipag-isa sa kanya.Sinabi ni
Apostol Pablo,

“Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo, upang kayo’y


makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating
Panginoon.”(1 Corinto 1:9)

Mayroong inaalok ang Dios sa atin upang ang ating buhay ay


makumpleto , may kahulugan, at kabuluhan.Sinabi ni Hesus,

“Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi


sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng
Diyos.”(Mateo 4:4)

Samakatuwid, ang pakikipag-isa sa Dios ay nangyayari kapag


nagsimula kangpahalagahan ang salita ng Diyos.Tayo’y
magsanay na mag-aral ng salita ng Diyos na may panalangin at
may pagsambang puso na nagnanais na matutuhan ang kanyang
mga daan. Kung paano ang pisikal na katawan ay lumulusog sa
pamamagitan ng pagkain; atin din namang palusugin ang ating
espiritwal na buhay sa pamamagitan ng pakikipag-isa sa Diyos
sa paraan ng Kanyang mga salita.Dagdag pa dito, sinabi ni Jesus,

“Ako ang pagkaing nagbibigay buhay, ang lumalapit sa


akin ay hindi na magugutom at ang nanalig sa akin ay
hindi na mauuhaw kailan man”.(John 6:35)

2. Nilikha Ka ng Dios Upang Mahalin

Ang tao ang dahilan ng walang hanggang pag-ibig ng


Diyos sa kanyang pagkalikha ayon sa aklat ng Genesis.Makikita
natin kung paano ang tao ay napaka-tangi kumpara sa ibang
Page 4 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN
NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

nilikha ng Diyos, siya ay paborito ng Dios.Buong pagmamalaki


ang Dios ng likhain niya ang tao.Kung mapapansin natin
magmula sa unang araw hanggang ika-limang araw ng paglikha,
sinabi ng Dios na ito’y mabuti.Makikita natin ito sa mga
sumusunod na talata:

Genesis 1
v.10At tinawag ng Diyos ang katuyuan ng lupa at ang
kapisanan ng tubig tinawag niyang dagat, at nakita ng
Diyos na mabuti.

v.12Ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagbibinhi


ayon sa kanyang pagkapananim at ng punong kahoy na
namumunga na taglay ang kanyang binhi at nakita ng Dios na
mabuti.

v.18At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang


maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na
mabuti.

v.21Kaya't nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat at ang


bawat nilalang na may buhay na gumagalaw na ibinukal ng
tubig ayon sa kanya-kanyang uri at ang lahat ng ibong may
pakpak, ayon sa kanya-kanyang uri. At nakita ng Diyos na ito ay
mabuti.

v.25Nilikha ng Diyos ang maiilap na hayop sa lupa ayon sa kani-


kanilang uri, at maaamong hayop ayon sa kani-kanilang uri,
atang bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa ayon sa kanilang
uri. At nakita ng Diyos na ito ay mabuti.

Hanggang sa dumating ang ika-anim na araw ng paglikha, saka


pa lamang sinabing Diyos ang kanyang likha ay “napakabuti.”

Page 5 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN


NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

“Nakita ng Diyos ang lahat ng kanyang nilikha at ito ay


napakabuti.Nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga
nang ikaanim na araw.” (Genesis 1:31)

Ano pa man ang isipin at sabihin ng iba laban sayo, ang totoo ay
nilikha ka ng Dios na “napakabuti!”

“At sinabi ng Diyos, lalangin natin ang tao sa ating


wangis, sa ating larawan.” (Genesis 1:26)

Ang tao lamang ang nilikha ng Diyos na ibinahagi Niya ang


Kanyang sarili - ang maging kalarawan Niya.Inihanda na ng Dios
ang pangangailangan ng tao bago pa niya likhain ito. Anupa’t
ipinuwesto ng Dios ang tao noon pa man na maging kasama
niyang tagapamahala at hindi bilang isang alipin.

“Ano ang tao upang alalahanin siya,sapagkat iyong


ginawa sa kanyang kaunting mababa lamang kaysa iyo
at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at
karangalan.Iyong pinagtataglay siya ng kapangyarihan
sa mga gawa ng iyong mga kamay.Iyong inilagay ang
lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa.”
(Awit 8:4-6).
Tunay nga na ikaw ang pinatutungkulan ng pag-ibig ng Dios na
sukdulang naihayag noong si Kristo ay namatay sa krus upang
bayaran ang iyong kasalanan. Dahil sa kasalanan, ang tao ay
nalayo sa Dios at nagbunsod sa kanyang kamatayang pisikal at
espiritwal. Ang pisikal na kamatayan ay literal na kamatayan
kung saan ang ating katawang walang buhay ay nabubulok at
nasisira. Sa kabilang bahagi, ang espiritwal na kamatayan ay ang
pagkakaroon ng putol na ugnayan sa Dios. Ang isang tao ay
maaring buhay at malakas sa pisikal na pangangatawan ngunit

Page 6 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN


NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

hindi niya namamalayan o nararanasan ang presensya ng Dios


sa kanyang buhay. Upang maibalik ang tao sa tamang ugnayan
sa Dios, kailangan ang isa na walang bahid ng kasalanan ang
magbayad ng ating mga kasalanan, at iyon ay si HesuKristo.
Hindi mapalalampas ng Dios Ama ang kasalanan pagkat Siya’y
Dios na matuwid. Kaya nga, ibinigay Niya ang Kanyang bugtong
na Anak na si Hesus, sa anyong tao, naghirap at namatay sa krus
upang angating kasalanan ay mabayaran alinsunod sa hinihingi
ng kautusan.

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa


sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak,
upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay
huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan.” (Juan 3:16)

Ngayon, isipin mo kung gaano ka kamahal ng Dios na hinayaan


Niya ang Kanyang minamahal na Anak ay mamatay alang-alang
sa’yo? Ang nagbibigay ng halaga sa pagkatao mo ay hindi ang
sukat ng iyong pera sa bangko, hindi ang magarang sasakyan,
malaking bahay, at iba pang mga ari-arian. Kundi, ang tunay na
halaga ng iyong pagkatao ay natatago sa Banal na Dugo ni
Kristo. Ikaw ay tinubos ng walang katumbas na halaga ng dugo
ni Hesus.

“Sa Kanya'y mayroon tayong katubusan sa


pamamagitan ng Kanyang dugo, na kapatawaran ng
ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng
Kanyang biyaya.” (Efeso 1:7)

Kaya nga, hindi ka dapat panghinaan ng loob kung hindi mo


makuha ang lahat ng gusto mo.Tandaan mo na mayroong isang

Page 7 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN


NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

nasa itaas na nagkaloob ng Kanyang buhay para sa iyo,upang


maligtas ka at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Nais ng
Dios na maranasan mo ang isang pag-ibig na hindi maibibigay
ninuman.

3. Nais ng Diyos na Maging Daluyan Ka ng Kanyang


Pag-ibig.
Nagiging daluyan ka ng Pag-ibig ng Diyos kapag
naglilingkod ka sa iba.Isang napakahalagang utos ng Diyos ay
mahalin natin ang ating kapwa tulad ng ating sarili.Sinabi ni
Jesus, “Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong
sarili.”(Matt.22:39)

Ang paglilingkod ay pagpapakita ng pagmamahal.Maari


kang maglingkod na hindi nagmamahal, tulad sa isang nagtra-
trabaho lamang para sumweldo, kahit hindi niya talaga gusto
yung trabaho niya.Sa kabilang dako, hindi ka pwedeng
magmahal na hindi ka naglilingkod.Ang pag-ibig ay naghahanap
ng paraan upang ito ay maipahayag sa pamamagitan ng
paglilingkod. Sa sandaling pagsilbihan mo ang mga tao dahil sa
awa at pag-ibig, nangyayari ang isang ministeryo. Matatagpuan
natin ang mas malalim na kahulugan ng buhay kung tayo’y
nabubuhay para sa iba.Ang dahilan kung bakit nakakadama tayo
ng malaking kaganapan sa pagtulong natin sa kapwa, ay
sapagkat natutupad natin ang isang bahagi ng layunin ng Diyos
sa ating mga buhay.

Ipinakikilala ng Biblia ang Diyos bilang mapagmahal at


maawaing Diyos.May mga kwento sa Biblia na nagsasabi sa atin
na ang mga tao ay naliligtas kapag tumawag sila sa pangalan ng
Panginoon.Dahil tayoay nilikha sa wangis at larawan ng Dios
Page 8 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN
NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

ayon sa ating unang tinalakay, dala natin ang moral na


katungkulan na ibigin angating kapwa tulad ng pag-ibig ng Dios
sa atin.Tulad halimbawa kungtayo ay mangailangan ng tulong,
nananalangin tayo, tapos ang tulong ay dumadating nga. Pag
nagkagayon, pinasasalamatan natin ang taong tumulong sa atin.
Higit pa dito, pinupuri natin ang Diyos sa kasagutan sa
panalangin.

Naaalala ko noong manganak ang aking asawa sa aming


bunsong babae, kami ay naghanda lamang para sa normal na
panganganak, subalit lumabas na kailangan niyang ma-caesarian
at ito’y mangangailangan ng mas malaking halaga. Nanalanagin
ako para sa katugunan.At bigla na lamang isang dating kaibigan
na nasa malayong bansa ang nangumusta at nagpadala ng
pananalapi na kailangan ko upang mabayaran ang mga gastusin
sa hospital. Talagang naranasan ko ang pag-ibig ng Diyos sa
pamamagitan ng Kristiano kong kaibigan na naging masunurin
sa Diyos na kanyang gawin ang nararapat sa oras na iyon.Kapag
tumutulong tayo at nagliligkod sa iba, tayo’y tunay na magiging
daluyan ng pag-ibig ng Diyos.

Ang Diyos ay may itinakdang dapat mong gawin o


gampanan. Kung anuman ang nais ipagawa ng Dios sa’yo,
ihahanda ka Niya at bibigyan ng kasangkapan,at ng kakayahan
na kakailanganin mo.Ito ang iyong “misyon” at “pagkatawag.”
Ito’y mas higit pa saiyong pangarap na gawin sa buhay at higit
pa sa nais mong makamtan.Ang misyon at pagkatawag ay
mayroong kinalaman sa kung ano ang nais ng Diyos bilang may
akda ng iyong buhay. Ang kakayahan, mga kaloob na spiritual,
pag-aari, kalakasan, pagkakataon, talento, at karanasan ay
sinasadya at ito’y may magandang dahilan.

Page 9 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA LAYUNIN


NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

Pinahintulutan ng Diyos sa Kanyang kapangyarihan, ang


mabuti at masamang kalagayan at pangyayari sa buhay na
dumating sa iyo bilang paraan upang hubugin ang iyong
katangian para sa layunin ng Diyos sa iyong buhay.Ang iba sa
inyo ay hindi magiging matibay at malakas ngayon, kung hindi
mo naranasan ang mga karanasang pinagdaanan mo sa iyong
buhay.Nakilala ko ang mga negosyante at mga may tinapos sa
pag-aaral na nanggaling sa mahirap na pamilya, limitado sa
pagpili at pagkakataon.Ngunit ang pangarap na makaalis sa
kahirapan ang nagtulak sa kanila upang magsikap at
magtagumpay. Kahit nasaan pa man tayo, kung ano man tayo,
at sino man tayo sa ngayon, mayroong mas magandang plano
ang Diyos para sa atin.

Nagiging daluyan ka ng pag-ibig ng Diyos kapag sinabi


mo sa iba kung gaano sila kamahal ng Diyos. Ang pangunahing
dahilan kung bakit isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak na si
Hesus ay iligtas ang mga nawawala.

“Sapagkat ang anak ng tao ay naparito upang hanapin


at iligtas ang nawala.”(Lucas 19:10)

Tayong lahat ay may katungkulan na sabihin sa mga tao


kung paano sila maliligtas.Ang mga tao ay naliligtas kapag
nanalig sila ng buong puso, na namatay si Hesus upang bayaran
ang parusa ng kanilang mga kasalanan.Walang kaligtasan na
hiwalay kay Kristo.Sinabi ni Apostol Pablo,

“Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo,sapagkat ito ang


kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat
sumasampalataya una’y sa Judio gayundin sa
Griego.”(Roma 1:16)

Page 10 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA


LAYUNIN NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

Ang pagiging daluyan ng pag-ibig ng Diyos ay


nangyayari kapag tinutulungan natin ang mga tao na maging
katanggap-tanggap sa Diyos.Ito ang tinatawag nating
“ministeryo ng pakikipagkasundo.”

Sinabi ni Apostol Pablo:

18“Lahat ng ito ay mula sa Diyos, na tayo'y


pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni
Cristo, at ibinigay niya sa amin ang ministeryo ng
pakikipagkasundo.

19Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos


ang sanlibutan at ang kanyang sarili na hindi ibinibilang
sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at
ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.

20Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang


Diyos ay nananawagan sa pamamagitan namin. Kami'y
nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y
makipagkasundo sa Diyos.” (2 Corinthians 5:18-20)

Samakatuwid ang mataas na layunin ng Dios para sa atin ay


hindi lamang makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng
magandang trabaho, makapag-asawa,magkaroon ng matatag na
pamilya, at magkamal ng kayamanan, bagamat importante din
ito. Manapa’y nananabik ang Dios na makipag-isa ka sa Kanya
tulad noon, bago nagkasalasi Eba at Adan sa Hardin ng Eden.
Nais Niya na magkasama kayong naglalakad. Nais Niya na
makilala Siya ng tao sa pamamagitan mo, ng iyong paglilingkod
at pagsasabi sa iba tungkol sa pag-ibig ng Diyos.

Page 11 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA


LAYUNIN NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

Hindi sapat na dumadalo lang sa isang iglesia. Mayroong


nakatakda na dapat gawin. Dapat tayong maging responsable,
maglingkod tayo na naka-base sa abilidad, tinatangkilik, talento,
kakayahan, at espiritwal na kaloob ng Diyos na ipinagkatiwala sa
atin. Anumang uri ng paglilingkod na may kapakinabangan sa
iba at makapagsusulong sa kaharian ng Diyos ay dapat gamitin.
Sa iglesia ay natututo tayo ng mga paraan ng Bibliya kung
paanong maglingkod sa mga tao at sa Dios. Tunay nga na
mararamdaman mo ang iyong halaga kapag nagsimula kang
maglingkod sa iba.

IBAHAGI ANG IYONG KAISIPAN:

1. Kung wala ang Diyos, ano sa palagay mo ang layunin ng


buhay?
2. Sa paanong paraan mo makakasama ang Diyos?
3. Paano ka tutugon sa pag-ibig ng Diyos?
4. Ano ang pakinabang na nakikita mo kung paglilingkuran
mo ang ibang tao?
5. Anong mga hakbang ang dapat gawin upang
maipamuhay mo ang mataas na layunin ng buhay?

PAGSUSULIT: Markahan ang Letra ng Tamang Sagot.

1. Bakit mahalaga na malaman ang tamang layunin ng


buhay?
a. Pinapaging mas matalino nito ang isang tao.
b. Tumutulong ito sa tao na malaman ang kahulugan
at kahalagahan niya.
c. Ito ang magtutulak sa tao na tuklasin niya ang
buhay.

Page 12 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA


LAYUNIN NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

2. Alin ang hindikasama sa mas mataas na layunin ng


buhay?
a. Ang makaisa ang Diyos.
b. Ang maranasan ang pag-ibig ng Diyos.
c. Magka-pamilya at yumaman.
d. Ang maging daluyan ng pag-ibig ng Diyos.

3. Ang pakikipag-isa sa Diyos ay nangangahulugan na…


a. Upang kilalanin ang pamamahala at moral
nakatangian ng Diyos na ibinahagi sa tao. Ang tao ay
nakatalagang mamuhay kasama ng Diyos at para sa
Diyos
b. Lumapit sa Diyos sa oras lamang na may problema.
c. Magkaroon ng mas malapit at maigting na
relasyonsa Diyos.
d. Mapunuan ang bakanteng lugar sa puso ng tao na
ang Diyos lamang ang makapagpupuno.

4. Ang kakulangan ng pakikipag-isa sa Diyos ay magre-resulta ng


espiritwal na kamatayan ng tao at ito’y makikita sa buhay na
hungkag(empty). Alin dito ang pinaka-tamang gawin bilang
pagtugonsa hungkag na buhay?
a. Magbakasyon kung saan magkakaroon ka ng
panahon na saliksikin at suriin ang iyong sarili.
b. Magkaroon ng bagong kaibigan, makipag-relasyon,
mamili, kumain, magsaya sa buhay.
c. Kilalaninna mayroon kang espiritwal na
pangangailangan at ang mapalapit sa Diyos ang
tanging makakukumpleto sayo.
d. Isubsob ang katawan sa trabaho, pagbutihin ang
paghahanap-buhay, mag negosyo at sa pagtagal ng
panahon ay aanihin mo ang bunga ng iyong
pinaghirapan.

Page 13 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA


LAYUNIN NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

5. Sa paanong paraan tayo makikipag-isa sa Diyos?


a. Panalangin
b. Pag-aaral ng salita ng Diyos(Biblia)
c. Pagsamba sa Diyos
d. Lahat ng nasaitaas.

6. Alin ang hindi totoo?


a. Mayroon tayong dahilan upang panghinaan ng loob
kapag hindi natin nakukuha ang gusto natin, dahil
tayo ay mahal at paborito ng Dios.
b. Ikaw ang pinaglalaanan ng pag-ibig ng Diyosna
ipinahayag sa gawaing pagtubos ni Kristo. Si Hesus
ay namatay upang bayaran ang parusa ng kasalanan
mo.
c. Ikaw ang pinaglalaanan ng pag-ibig ng Diyos na
naipahayag sa paglikha ng Diyos. Ikaw ang pinaka-
mabuti sa lahat ng nilikha. At ginawa pa Niyang
kasamang tagapamahala ng daigdig.
d. Ang magkaroon ng malapitna buhay sa Diyos ay
higit na mahalaga kesa makamtan natin ang lahat sa
buhay na ito.

7. Sa mga nilikha, ang tao aynatatangi sapagkat siya ay nilikha


ayon sa wangis at larawan ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ang
moral na katangian ng Diyos ay ibinigay sa tao.
a.Tama
b. Mali

8. Alin ang hindi tamang sagot? “Ang maging daluyan ng pag-


ibig ng Diyos ay…”
a. Upang masunod ang utos ng Dios, “ Mahalin mo ang
iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
b. Matupad angating moral na katungkulan na
tumulong at maglingkod na siya mismong galing sa
Dios.

Page 14 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA


LAYUNIN NG BUHAY
BREAKTHROUGH CHRISTIAN FELLOWSHIP

c. Tayo ay maging kasangkapan ng pag-ibig ng


Dios.Maaaring makilala at maranasan ng mga tao
ang Dios sa pamamagitan ngating kabutihan.
d. Maramdaman na tayo’y dakila dahil sa mabubuting
gawa natin at ito ang nagbibigay sa atin ng kahigitan
upang maging tagapanguna o lider.
e. Makikita natin ang mas malalim na kabuluhan at
kahulugan ng buhay kapag tayo’y nagsimulang
mabuhay para sa iba.

9. Ginagamit ng Dios ang ating mga karanasang mabuti at


masama sa paghubog ng ating buhay ayon sa Kanyang
pagkatawag at misyon sa buhay natin- ito ay ang maglingkod
sa iba.
a. Tama
b. Mali

10.Nagiging daluyan tayo ng pag-ibig ng Diyos kung sinasabi


natin sa iba na mahal sila ng Diyos. Si Hesus ay naparito
upang hanapin at iligtas ang nawala. Ang tungkulin kung
paano makikilala ng tao ang Dios at maligtas ay
ipinagkakaloob lamang sa ilang Kristiano.
a. Tama
b. Mali

Page 15 of 16ANG MULING PAGTUKLAS SA MATAAS NA


LAYUNIN NG BUHAY

You might also like