You are on page 1of 52

Victory Churches of Asia Bagong Silang

Caloocan

The Lord would speak to Moses FACE to FACE,


as a man speaks with his friend.
Exodus 33:11a
MGA NILALAMAN

Sesyons Pahina

I. Ang engkwentro ni Zaqueo kay Hesus ………………….

II. Pag-unawa sa Espiritual na Pakikipaglaban …………...

III. Mula sa Kadiliman tungo sa Kaliwanagan …………….

IV. Pagtanggap at Pag-Ministeryo ng Kagalingan ………

V. Mula sa Pagkaalipin tungo sa Kalayaan ……………….

VI. Mula sa Karumihan tungo sa Kalinisan ………………….

VII. Mula sa Pagkadurog tungo sa pagiging Ganap ………

VIII. Mula sa Pagrerebelde tungo sa Pagpapasakop ………

IX. Mula sa Isinumpa tungo sa Pinagpala ……………………

X. Ang Krus ni Cristo Jesus ………………………………………

XI. Ano ang Bautismo sa Espiritu Santo ……………………….

XII. Ang Disenyo ng Diyos sa Pamilya ………………………….

XIII. Ang Layunin at Pangitain ng Diyos …………………………

XIV. Pamumuhay sa Katagumpayan …………………………….

Ang Bahagdan ng Pagpapagaling………………………………….

Ack2nowledgement …………………………………………………….
(1) ANG ENKUWENTRO NI ZAQUEO KAY HESUS
(Lucas 19:1-10)

I. Ang Buhay ni Zaqueo

“At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo, at siya’y isang


puno ng mga maniningil ng buwis, at siya’y mayaman.” (Lucas 19:2)

A. Siya ay puno ng mga maniningil ng buwis (Tulad ng BIR Regional Director)

1. Galit ang mga Judio sa mga ito dahil sa kasakiman.


2. Hindi tinatanggap sa pamayanan ng mga Judio.

B. Siya ay lubhang mayaman.

Ang kayamanan niya’y di makapagbibigay sa kanya ng:

• Kasapatan
• Pagiging kuntento

Siya ay miserable pa rin at may kulang sa buhay.

Samakatuwid, WALANG HALAGA and impluwensiya, kayamanan, posisyon o


ari-arian na maaaring pumuno ng kakulangan sa iyong puso.

K. Nais niyang makita si Jesus!

Subalit mayroong mga pangunahing hadlang bago siya nagkaroon ng


enkuwentro kay Jesus.

II. Ano ang mga Pangunahing Hadlang?

“At siya’y pumasok at nagdaan sa Jerico.” (Lucas 19:1)

A. JERICO – ‘mga pader” – mataas at matibay na moog.

Ito ang mga pader ng:

• Pagtanggi
• Alinlangan / Di-paniniwala
3
• Takot
• Di-pagpapatawad
• Kapaitan
• Pagsamba sa diyos-diyosan
• Materyalismo
• Insikyuridad
• Kataasan
• At iba pa

Kahit ngayon, maaaring wasakin ng Diyos ang mga pader na ito sa iyong
buhay. Kung ikaw ay nakahanda!

B. Sapagkat siya’y pandak (maliit)

“At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi
mangyari, dahil sa maraming tao, sapagkat siya’y pandak.” (Lucas 19:3)

1.“Pandak” (Short) – maaari nating ipalagay na ang “short” ay kasalanan


ayon sa Roma 3:23 – “For all have sinned and fall short of the glory of
God” (KJV). Ito ang pangalawa sa mga pangunahing hadlang, ang iyong
nakagawiang kasalanan sa iyong buhay. Iyong pinakakain siya araw-araw
kaya pinipigil at ginagamit ka niya. Ikaw ay ginagawa niyang “guilty” at
ipinadaramang ikaw ay nahatulan. Kaya nga wala kang kapangyarihan,
paralisado at hindi mabungang Cristiano. Ito ang dahilan kaya hindi mo ma-
ranasan ang pananagumpay sa iyong buhay. Ito ang nagpapalayo sa iyo
kaya hindi mo ma-engkuwentro ang Diyos.

2. Ngayon, kung iyong isusuko ang nakagawiang kasalanan sa iyong buhay,


ito ay mawawasak at tutupukin ng kapangyarihan ng Diyos.
“Ang kapangyarihan ang siyang sisira sa pasanin.” (Isaias 10:27)

K. Dahil sa maraming tao (Lucas 19:3)

1. Pagpapasaya sa tao ay isa sa mga hadlang sa pag-engkuwentro sa


Diyos. Kung pipilitin mong pasayahin ang tao, wawasakin mo ang iyong
buhay.
Tinatawag tayo na pasayahin ang Diyos at hindi ang tao. Hindi mo
maaaring mapasaya ang bawat tao!

4
2. Ngayon, kung nais mong maingkuwentro ang Diyos, pasayahin ang
Diyos sa halip na ang tao at hayaan mong alisin ng Diyos ang mga balakid
na ito sa iyong buhay.

D. Bulung-bulungan

“At ang makita nila ito, ay nangagbulung-bulongan silang lahat, na


nangagsasabi, “Siya’y pumasok at nanuluyan sa isang taong
makasalanan.” (Lucas 19:7)

1. Ang nakaraan mong buhay ay isa sa mga pangunahing hadlang


upang maingkuwentro ang Diyos. Pinapaalala ni Satanas ang iyong
nakaraan, laging inaakusahan araw at gabi upang maramdaman ang pagi-
ging makasalanan at kondenahin ka upang mamuhay ka na miserable at
talunan. Ikaw ay talunan, isang bigo at hindi magtatagumpay sa iyong
buhay kailanman.

2. Ngayon, palalayain ka ng Diyos sa pagkabagabag at pagkahatol.


Ikaw ay palalayain niya mula sa pagkabihag ng iyong nakaraan at bibigyan
ka Niya ng matagumpay at maunlad na buhay. Siya lamang ang maaaring
magpalaya sa iyo!

III. Paano Natin Maingkuwentro ang Diyos sa Araw na Ito?

A. “Nais niyang makita kung sino nga si Jesus…” (Lucas 19:3)

B. “Siya ay tumatakbong nagpauna at umakyat sa isang puno na


sikomoro upang makita siya.” (Lucas 19:4)

C. At siya’y nagmamadaling bumaba at tinanggap si Jesus… (Lucas


19:6)

1. “Mapapalad ang mga nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran:


sapagkat sila’y bubusugin.” (Mateo 5:6)

2. Tulad ni Zaqueo, dapat nasain na makita ang Diyos ng higit sa alin-


mang bagay. Tumakbo at hanapin ang Diyos at huwag pansinin ang sasabi-
hin ng tao at maging handang gawin ang anuman upang maengkuwentro
ang Diyos. Kung may sinabi ang Diyos, dagliang gawin, huwag mag-atubili
at lunukin ang iyong kataasan at ikaw ay magpakumbaba sa harapan ng
Diyos.

5
IV. Mga Resulta Kung Maengkuwentro Mo Ang Diyos!

A. Mapupuno ka ng kagalakan. Nag-uumapaw na kagalakan, na


hindi mo pa naranasan noon. (Lucas 19:6)

B. Hindi mo papansinin ang sasabihin ng mga tao, ang mahalaga ay


ang pagtatalaga mo na mapaligaya ang Diyos. (Lucas 19:7)

C. Isang Buhay ng Pagtutuwid – Pagbabago! Pagbibigay ay isang


istilong – buhay na binago! Maranasan mo ang masaganang buhay!

V. Pagtatapos/Hamon

• “Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas!” Sabi ni Jesus. Sa


araw na ito ay patutunayan at tutuparin ni Jesus ang kaniyang sinabi sa
iyong buhay! Ikaw ay palalayaing lubos!

• Buksan mo ng maluwag ang iyong puso at magpakumbaba sa harapan


ng Diyos. Hingin sa Diyos na ikaw ay palayain!

• At hayaan na puspusin ka Niya ng kanyang pag-big at presensya!

• Humanda ka, ngayon na ang oras na maingkuwentro mo ang Diyos sa


isang natatangi ngunit makapangyarihang paraan!

(2) PAG-UNAWA SA ESPIRITUWAL NA PAKIKIPAGLABAN

“Sapagkat ang ating pakikipagbaka ay hindi laban sa laman at dugo,


kundi laban sa pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga
namamahala ng kadilimang ito sa sanlibutan, laban sa mga ukol sa espiritu
ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” (Efeso 6:12)

May digmaang nagaganap! Ikaw ba’y lumalaban upang magtagumpay?

Mayroong Digmaan!

1. Madalas, hindi ito mauunawaan ng mga Cristiano.


6
“Ang kalaban nati’y hindi laman at dugo.” (Efeso 6:12)

“At nagkaroon ng pagbabaka sa langit… At inihagis ang malaking dragon


ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang dumadaya
sa buong sanlibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kanyang mga anghel ay
inihagis na kasama niya… Kaya’t mangagalak kayo, oh mga langit at
kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagkat ang
diyablo’y bumaba sa inyo.” (Pahayag 12:7-12)

2. Ang digmaan ni Satanas at ng Diyos ay nagaganap mula Genesis


3:15 at Pahayag 20.

3. Dahil sa kasalanan, ang sangkatauhan at ang mundo ay


napasailalim sa kasamaan.

Ano ang Kutang-tanggulan?

1. Ang kutang-tanggulan ay isang lubhang matibay na lugar.

Ang salitang ito ay ginagamit sa positibo at negatibo sa Kasulatan.

A. Ang Diyos ang ating kutang-tanggulan!

“Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,


matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan.” (Awit 9:9)

“Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta at aking


tagapagligtas; aking Diyos, aking malaking bato na sa kaniya’y
manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking
kaligtasan, aking matayog na moog.” (Awit 18:2)

B. Mga di-makadiyos na kutang-tanggulan

“Sapagkat bagaman kami ay nagsisilakad sa laman ay hindi kami


nangakikipagbakang ayon sa laman. Sapagka’t ang mga sandata ng
aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Diyos ay
may kapangyarihang gumiba ng mga kuta.” (2 Corinto 10:3-4)

Naangkin ng mga Israelita ang lupain ngunit ang ibang bahagi nito ay wala
sa kanilang kontrol.

7
Sa gayon ding paraan, bagama’t ibinigay na natin kay Cristo ang ating
buhay, may mga bahagi sa ating buhay na “wala sa ating kontrol.”

Halimbawa: galit, nasa ng laman, takot at sama ng loob.

2. Ang kutang-tanggulan ay batayang nakamit ng Diyablo sa pamamagi-


tan ng mga lagusan o daraanan.

“Kayo’y mangagalit at huwag mangagakasala; huwag lumubog ang araw


sa inyong galit; ni bigyan daan man ang Diyablo.” (Efeso 4:26-27)

“Na pakaingatan na baka ang sinoma’y di makaabot sa biyaya ng Diyos;


baka kayo’y bagabagin ng anumang ugat ng kapaitan na sumisibol, at
dahil dito’y mahawa ang marami.” (Hebreo 12:15)

3. Ang mga kutang-tanggulan ay nagmumula sa:

• Kasalanan
• Di-pagpapatawad
• Pagkakaugnay sa okultismo
• Pagkaaliping mula sa ninuno o angkan
• Mga di-magandang karanasan sa buhay

4. Ano ang kutang-tanggulan? Ito ay isang matibay na moog o kuta.


Kadalasan, walang saysay ang pag-aalis ng espirituwal na pahirap kung hin-
di titingnan ang ugat nito.

Si Jesus ay namatay upang palayain tayo sa LAHAT ng pagkagapos o


pagkaalipin. Wala nang halagang maidaragdag pa para sa kabayarang
ito.

Kay Cristo, Mayroon Tayong Kapangyarihan!

Ang kapangyarihan ng isang pulis ay hindi nagmumula sa kanyang kara-


nasan, ranggo o pagsasanay.

Bawat mananampalataya ay may lubos na kapangyarihan ni Cristo, laban


sa mga pwersang masama.

Tayo ay nalagay na sa posisyong itaas at nasa ibabaw ng mga puwersang


masasama. Tayo ay may higit na kapangyarihan dahil kay Cristo.

8
Sa aklat na pinamagatang “Resolving Spiritual Conflicts and Cross-Cultural
Ministry,” napapaloob dito ang tatlong pananaw na ipinaliwanag ni Dr.
Timothy Warner.

1. Sa “Dominant World View,” Ang Diyos ay hiwalay sa daigdig. Ang mga


tao ang nagmamanipula sa puwersang espirituwal sa pamamagitan ng
mga “mediums” o banal na mga tao.

2. Sa “Scientific World View,” ang Diyos ay hiwalay sa daigdig. Ang


tanging riyalidad ay ang material na daigdig. Ang mga tao ay
namumuhay sa kanilang sarili.

3. Ngunit sa “Biblical World View,” ang Diyos ay aktibo at interesado sa


daigdig. Mayroong mga mabubuti at masasamang espirituwal na
nilalang. (Mga anghel)

A. Ang Diyos ang kumikilos sa pamamagitan ng kanyang mga anghel at


ng Kanyang Espiritu. Ang Banal na Espiritu ang pumapatnubay sa mga
mananampalataya at humahatol sa mga di-mananampalataya.

B. Ang mga makasalanang anghel ay may dalawang pangunahing pama-


maraan sa pag-impluwensya sa mga tao: Panunukso at
panlilinlang.

K. Tayo ay kasamang pinaupo kay Cristo: “At tayo’y ibinangong kalakip niya,
at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo-Jesus. (Efeso
2:6)

D. Kung ating titingnan ang buhay sa Cristianong pananaw, makikita


nating tayo ay nakaupong kasama ni Cristo. Tayo’y may
kapangyarihan at kapamahalaan laban sa mga masasamang mga
puwersa!

Pag-unawa sa Kasalanan at Espirituwal na Pakikipaglaban

1. Ang puso ng tao ay magdaraya at walang katulad. Wala nang lunas ang
kanyang kabulukan. (Jeremias 17:9)

2. Ang panlilinlang ay isang makapangyarihang kasangkapan sapagkat hin-


di alam ng taong linlang na siya ay nalinlang.

9
2. Ang ating bodegang sandatahan.

• Kapangyarihan ng Diyos na nakasira ng mga maling pangangatwiran at


nakabibihag ng lahat ng isipan upang tumalima kay Cristo.
• Ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihang nakapagpapaguho ng mga
kutang-tanggulan.

3. Ang kasalanan ay…

• Pagkaluklok ng sarili sa trono ng ating buhay.


• Anumang paglabag sa Salita ng Diyos (Genesis 3:1-8)

4. Hindi natin kailangang malaman ang tungkol sa masama.

… datapwa’t ibig ko na kayo’y maging marunong sa kabutihan, at musmos


sa kasamaan.” (Roma 16:19)

5. Mag-ingat sa mga diyos-diyusan: Libangan, Materyalismo, Kaginhawaan,


Personal na Kalayaan – ito ay sinasamba sa ating kultura.

Ang Riyalidad (Katotohanan)

1. Nais ni Jesus ang pinakamabuti para sa atin. Nais ni Satanas ang pinaka-
masama para sa atin.

“Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw, ay upang magnakaw, puma-


tay, at pumuksa: naparito ako upang ang tupa’y magkaroon ng buhay na
ganap ay kasiyahan. Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabujting pastol
ang kanyang buhay para sa mga tupa.” (Juan 10:10-11)

2. Ang puso ng Diyos.

“At pakabanalin kayong lubos ng Diyos na nagbibigay ng kapayapaan; at


ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang
kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat yaong sa
inyo’y tumatawag na gagawa rin naman nito.” (1 Tesalonica 5:23-24)

Ano ang Ninanais mo?

Kailangan mo ba ang lubos na kalayaan kay Cristo?

10
(3) MULA SA KADILIMAN TUNGO SA KALIWANAGAN

“Datapwat kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng Hari, isang


bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili kayo ng Diyos upang maging kanya at
maipahayag ang mga kahanga-hangang gawa niya. Siya rin ang tumawag
sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kanyang kagilagilalas na kaliwanagan.”
(I Pedro 2:9)

• Ikaw ba’y lumalakad sa kaliwanagan?

Ang Magnanakaw!

Si Satanas ay naparito upang ikaw ay kanyang pagnakawan. Ginagawa


niya ito sa pamamagitan ng panunukso at panlilinlang.

• Sa panunukso, ginagawa niyang kaakit-akit ang isang bagay na mali, at


mapanganib na magbubulid sa kapahamakan.
• Nais niyang tayo’y malinlang sa mga bagay…

 Tungkol sa ating sarili


 Tungkol sa diyos
 Tungkol sa tama, mali at paghatol

Ang Ating Makapangyarihang Sandata

“Ang sandata ko’y may kapangyarihan ng Diyos at nakapagpapaguho ng


mga kuta, at hindi sandatang makasanlibutan. Sinisira ko ang mga maling
pangangatwiran. Sinusugpo ko ang lahat ng pagmamataas laban sa Diyos
at binibihag ang lahat ng isipan upang tumalima kay Cristo.” (2 Cor. 10:4-5)

Ang ating mga sandata:

• Ang dugo ni Cristo na nabubo – ang tagumpay na nakamtan sa


Kalbaryo.
• Ang katotohanan ng Salita ng Diyos – upang mapagtagumpayan ang
tukso at durugin ang kasinungalingan ng Diyablo.
• Ang mga kaloob ng Espiritu Santo – mga salita ng karunungan, pagpuna
at pang-unawa sa mga espiritu, pananampalataya, pagpapagaling,
himala. (I Cor. 12:8ss)

11
Ang Kapangyarihan ng Pagpapahayag

• Ang ibig sabihin ng “confess” o “pahayag” sa Bagong Tipan ay


“sumang-ayon”.
• Ang ipahayag si Jesus bilang Panginoon (Roma 10:9-10) ang ibig
sabihin ay “sumuko” sa kanyang pagka-Panginoon.
• Ang pagpapahayag ng ating kasalanan ay nangangahulugang
“sumasang-ayon” tayo o inaamin nating ginawa natin ito.

1. Ang pagpapahayag ay nagdudulot ng kapatawaran.

“Kung ipapahayag mo ang iyong kasalana, siya ay tapat upang patawarin


tayo sa lahat ng ating kasalanan at linisin tayo sa lahat ng karumihan.”
(1 Juan 1:9)

2. Ang pagpapahayag ay nagbibigay ng kagalingan.

“Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at
ipanalangin ang isa’t isa upang kayo’y gumaling.” (Santiago 5:16a)

 “Napagaling” (iaomai): nagamot, naging ganap.


 Likas sa kasalanan na itago ang ating ginagawa. Ang pagpapahayag ay
pinahihina ang kasalanan, sa pamamagitan ng pagdadala nito sa
liwanag.
 Ang pagpapahayag ay nagdudulot ng alalay, panalangin, pagpapa-
laya, at pagpapatawad.

“Ang patawarin ninyo sa kanilang kasalanan ay pinatawad na nga.”


(Juan 20:23)

Maari Nating Maranasan ang Kalayaan Kay Cristo

• Mula sa Kadiliman Tungo sa Liwanag: Kalayaan Mula sa mga huwad


na Relihiyon at Okultismo.
• Mula sa Pagka-alipin Tungo sa Kalayaan: Pagkakalag ng mga
Nakagawiang Kasalanan at Pagkasugapa.
• Mula sa Karumihan Tungo sa kalinisan: Sekswal na Kalayaan

12
• Mula sa Pagkadurog Tungo sa Pagkabuo: Pagkakalag sa Sama ng
Loob at Galit.
• Mula sa Rebelyon Tungo sa Pagpapasakop
• Mula sa Sumpa Tungo sa Pagpapala

Mula sa Kadiliman Tungo sa Liwanag

Kalayaan mula sa huwad na relihiyon at pagkakaugnay sa okultismo

1. Plano ni Satanas na pagnakawan ka sa pamamagitan ng …

 Panlilinlang sa relihiyon
 Espirituwal na pagkakaalipin
 Hindi lubos na katapatan sa Panginoong Jesu-Cristo

2. Lahat ng espirituwal na kapangyarihang hindi mula sa Pangalan ni Jesus


ay masama.

 Maaaring maranasan ng mga tao ang kagalingan, subalit mayroon


itong kasamang pagkaalipin.
 Sapagkat si Satanas man ay maaring magkunwaring anghel ng
kaliwanagan. (2 Corinto 11:14)

3.Nais ng Diyos ang pinakamabuti para sa’yo!

 Hindi niya ibig na ikaw ay pagnakawan ni Satanas.


 Ang Diyos ay mapanibughuing Diyos para sa isang debosyon.
 Inuutos niya ang lubos na pag-iwas sa LAHAT ng impluwensyang
espirituwal.

“Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos liban sa akin. Huwag kayong


magkakaroon ng diyus-diyosan o larawan o rebulto ng anumang nilalang na
nasa himpapawid, nasa lupa, o nasa tubig. Huwag kayong yuyukod o mag-
lilingkod sa mga diyos-diyosang yan sapagkat akong si Yahweh ay
mapanibughuin. Parurusahan ko lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang
mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi. Ngunit ang lahat ng umiibig sa
akin ay pagpapalain kio hanggang sa kaapu-apuhan.” (Exodo 20:3-6)

“Ang diyos-diyosa’y huwag mong paglingkuran. Diyos ng ibang bansa’y di


dapat luhuran.” (Awit 81:9)

13
“Sinuman sa inyo’y huwag magsunog ng kanyang anak bilang handog,
huwag manghuhula, huwag gagawin ang ginawa ng mga mananawas, ng
mga mangkukulam, ng mga mangangaway, ng mga espiritista, at ng mga
salamangkero. Huwag din kayong makipag-usap sa mga espiritista.”
(Deuteronomio 18:10-12)

4. Ibig ni Satanas na hatiin ang iyong debosyon at pagtitiwala.

“Silang may takot kay Yahweh, ngunit naglilingkod pa rin sa kanilang diyus-
diyusan.” (2 Hari 17:41)

A. Itinuturing ng Diyos na espiritual na pakikiapid kung siya ay may kahati.

• Nais mo ba (kung ikaw ay mayroong asawa) na magkaroon ng kahati


sa panahon at atensyon ng iyong asawa?
• Ang “pakikipaglaro” ay malubha sa tingin ng Diyos at mapanganib
para sa atin.

B. Ang kasalukuyang pagkahalina sa mga anghel ay isang lumang taktika ni


Satanas upang malihis ang ating pansin kay Jesus. (Colosas 2:18-19)

5. Nag-aalok si Jesus ng lubos na kalayaan mula sa espirituwal na pakaalipin.

“Kayo’y… muling binuhay ng Diyos kasama ni Kristo… nilupig ang mga


pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag
na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang
pagtatagumpay.” (Colosas 2:13-17)

Espirituwal na Pagkaalipin

• Kailangan nating ipahayag ang lahat ng kaugnayan natin sa huwad


na relihiyon at pilosopiya.
• Kailangan nating ipahayag ang pagkaugnay ng ating mga ninuno.
• Kahit maliit na mga bagay na nagawa bunga ng “katuwaan” ay
nagpapakita ng hindi lubos na pagtitiwala kay Cristo. (Horoscope,
8 Balls, at iba pa.)

14
(4) PAGTANGGAP AT PAG-MINISTERYO NG KAGALINGAN

“Kaya nga ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at
ipanalangin ang isa’t-isa upang kayo’y gumaling.” (Santiago 5:16a)

Nais mo bang gumaling?

Paano Natin Matatanggap ang Kagalingan?

Nagbigay ang Diyos ng dalawang utos sa Santiago 5:16

• Ipagtapat sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan.


• Ipanalangin ang isa’t-isa.

Mga Hakbangin sa Paggaling

Ang iyong bahagi sa kagalingan:

• Magpasakop sa Diyos
• Ipahayag ang kasalanan
• Iwaksi ang kasalanan

Ang bahagi ng iyong kapareha: (5 P’s)

• Pagbibigay katiyakan sa iyong kapatawaran.


• Putulin ang mga pagkakagapos.
• Pagpapalayas ng nagpapahirap
• Pagwasak ng mga larawan sa isipan
• Pagpapahayag ng pagpapagaling ng Diyos.

Ang Iyong Bahagi – Magpasakop

“Kaya nga pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang Diyablo at lalayuan
niya kayo.” (Santiago 4:7-8)

• Maaari tayong manalangin ng pagpapasakop bilang isang grupo.


• Kung mayroon kayong maramdamang pagharang o balakid, mana-
langin at magpasakop sa Diyos.
• Ito ay magbibigay ng agarang espirituwal na kalayaan.

15
Ang Iyong Bahagi - Magpahayag

1. Ang pagpapahayag ay pag-amin na ikaw ay nagkasala sa


pamamagitan ng tapat na panalangin.

• Hindi mo na kailangang banggitin pa ang mga detalye.


• Hindi mo kailangang magmakaawa sa Diyos.

2. Hayaan ang Espiritu Santo na ipaisip ang mga bagay sa iyo.

3. Ipahayag ang mga bahagi ng buhay na maaaring naipanalangin mo


na, subalit maaari pang magministeryo ng mas malalim na kaparaanan.

Ang Iyong Bahagi – Magwaksi (Magsisi)

1. Gumawa ng isang desisyon na magbago ang direksiyon ng buhay.

2. Ito ay hindi emosyonal na usapin kundi isang desisyon na kasunod ay


may ugaling pagbabago.

3. Tumalikod… “Kung ikaw ay nagmamaneho sa isang daan at nalaman


mong ikaw ay na sa maling daan, magdesisyon ka na lumikong – pabalik.

4. Ang tunay na pagsisi ay maaaring makita sapagkat mayroong mga


bunga, pagbabago sa pamamagitan ng pag-iisip at kilos.

Pitong Hakbangin sa Pagmiministeryo ng Paggaling

1. Isang simpleng panalangin ng pagpapahayag

Amang nasa Langit, aking ipinapahayag _________ bilang aking kasalanan.


Pinagsisisihan ko ang mga ito at hinihingi na patawarin mo ako.

2. Pagwaksi sa lahat ng kasalanan:

Sa Pangalan ni Jesus, iwinawaksi ko ang lahat ng aking kasalanan at


kasalanan ng aking mga magulang at ninuno bilang aking kasalanan na
ginawa at ginagawa. Amen!

16
Ministeryo mula sa iyo/para sa iba

3. Pagbibigay katiyakan ng kapatawaran ayon sa Salita ng Diyos.

4. Putulin ang Pagkagapos sa sinuman:

• Tao
• Lugar
• Bagay
• Damdamin

5. Pagpapalayas

• Maghintay nang tamang tiyempo mula sa Diyos. (Maaring tanungin


ang iyong kapareha kung may nararamdaman siya).
• Maaring tingnan ang mga posibleng gapos sa bahagi ng inyong
Imbertaryo ng Espirituwal na Kalayaan.
• Huwag ubusin ang oras sa bahaging ito.

6. Pagwasak ng mga larawan sa isipan.

7. Pagpapahayag ng Pagpapagaling ng Diyos para manumbalik.

(5) MULA SA PAGKAALIPIN TUNGO SA KALAYAAN

“Ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at huwag


ninyong sundin ang pita ng laman.” (Galacia 5:16)

Nais mo bang bigyang-kasiyahan ang iyong laman o ang Banal na Espiritu?

Sa seryeng ito, ating tatalakayin ang…

• Mga Nakasisirang Ugali


• Mga Nakasisirang Gawi at Kilos
• Pagsamba sa si Diyos-diyusan
• Pagkagumon o Pagkasugapa

17
Mga Nakakasirang Ugali

“Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karimarimarim


na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam,
pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi,
pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya,
at iba pang tulad nito.” (Galacia 5:19-21)

Mayroon ba nito sa iyong buhay?

• Paninibugho
• Pagkaawa sa sarili
• Pagpapasaya sa tao (mas mahalaga sa iyo ang sasabihin ng mga tao)
• Pagkainggit
• Pagkamuhi
• Kawalan ng pagpapatawad/pagkimkim ng sama ng loob
• Paghihiganti
• Galit
• Pakikipagtalo
• Pag-iimbot (pagnanasa sa pag-aari ng iba)
• Kasakiman
“Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at kayamanan.” (Mateo
6:24)
• Paghahangad ng perpeksyon o kawalang kapintasan ng iba
• Kawalan ng pananampalataya

Mga Nakasisirang Gawi at Kilos:

• Pagiging matabil
• Masasakit na pananalita (Efeso 4:29)
• Maruming Lengwahe
• Pagmumura
• Pagnanakaw
• Pagsisinungaling
• Pagwasak sa pangako (di-pagtupad sa pangako)
• Pagpatay
• Paghahangad ng kamatayan (sa ibang tao o sa sarili)

18
Pagsamba sa Diyos-diyosan:

Nabulagan o labis-labis na debosyon o katapatan sa isang bagay o sa isang


tao.”

Ang “pagsamba sa diyus-diyusan” ay paghalili sa lugar ng Diyos – pagtingin


sa bagay na ito bilang tanda ng katuparan, kaganapan, o kahulugan ng
buhay.

Maaari mong gawing idolo ang isang tao, libangan o bagay.

Pagkagumon o pagkasugapa

• Kasibaan/Katakawan
• Paninigarilyo
• Droga/Ipinagbabawal na gamot
• Alcohol/Inuming nakalalasing
• Pagsusugal
• Credit cards/Pangungutang
• Sobrang paggamit ng computer
• Telebisyon
• Cell Phones
• At iba pa

Kung ikaw ay may malalang pagkasugapa, baka kailangan mong gawin ang
iba pang bagay bilang dagdag bukod sa pananalangin ngayong araw.

• Maghanap ka ng tagapatnubay
• Iwasan ang mga bagay na magbibigay ng pagkaalipin (ibasura ang
basura)
• Kusang-loob mo bang gagawin ito?
• Kasuklaman ang kasalanan at iwasan ang tukso.
• Maghanap ng grupong aalalay sa iyo.

Mga Hakbangin sa Paggaling

Ang iyong bahagi:

• Magpasakop sa Diyos
• Ipahayag ang kasalanan
• Iwaksi ang kasalanan

19
Ang bahagi ng iyong kapareha: Panalangin

• Pagbibigay katiyakan ng kapatawaran


• Putulin ang pagkagapos
• Pagpapalayas ng mga nagpapahirap
• Pagwasak ng mga larawan sa isipan
• Pagpapahayag ng pagpapagaling ng Diyos.

Mga Mahalagang Patakaran:

• Iwasan ang magbigay ng pagpapayo


• Sundin ang bahagdan ng pagpapagaling
• Makinig sa tinig ng Banal na Espiritu

Sama-samang Panalangin ng Pagpapasakop

“Ama naming nasa langit, tinawag mo ako upang maging kagaya ng


Panginoong Hesu-Cristo, at hindi upang bigyan kasiyahan ang masamang
pita ng laman.”

O, Diyos, pinipili ko ngayon na talikdan ang lahat ng aking nakasisirang gawi,


kilos, at ugali at nais kong manangan lamang sa inyo. Pinipili kong lumakad
nang may pagsunod sa iyong Salita at sa iyong Espiritu.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng dugo ni Cristo ay aking inaangkin ang


iyong lubusan na kalayaan. Amen!

Mga posibleng bahaging nagpapahirap na may kaugnayan sa mga paulit-


ulit na kasalanan, pagsamba sa diyos-diyosan at pagkasugapa:

• Kuryusidad o pagkamausisa
• Huwad na relihiyon
• Panlilinlang
• Pagsamba sa diyos-diyosan
• Kontrol
• Takot

20
(6) MULA SA KARUMIHAN TUNGO SA KALINISAN

“Nawa’y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang magbibigay ng


kapayapaan. At nawa’y panatilihin ninyong walang kapintasan ang buo
ninyong katauhan - ang espiritu, kaluluwa at katawan – hanggang sa
pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” ( 1 Tesalonica 5:23)

Kay Cristo, maari tayong maging malinis sa espirituwal, emosyonal, at pisikal!

Ang Mabuting Regalo ng Diyos

1. Ang ating sekswalidad ay isang magandang regalo mula sa Diyos, na


dapat na panatilihing dalisay at banal.

• Sapagkat ang ating sekswalidad ay makapangyarihang bahagi ng


pagkalalang ng Diyos sa atin, ito ay kadalasang namamali ng direksiyon.
• Ang ating sekswalidad ay gaya ng isang magandang ilog, maganda
habang ito’y umaagos sa kanyang pampang, subalit nagiging kagaya
ng bahang nakakasira kung ito’y lalampas sa kanyang nasasakupan.

2. Tinatawag tayo ng Diyos na maging malinis sa katauhan, sa puso, at


kaisipan.

“Magpakabanal kayo sapagkat akong si Yahweh ay banal.” (Levitico 20:7)

“Sa buhay kong ito ang gawang masama’y di ko tutulutan.” (Awit 101:3)

“Sa wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay
na karapat-dapat at kapuri-puri; mga bagay na totoo, marangal, matuwid,
malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang… kung magkagayo’y sasainyo ang
Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.” (Filipos 4:8-9b)

May Kapayapaan sa Kalinisan!

3. Ang kasinungalingan ni Satanas

Sinasabi ni Satanas na tayo’y dapat maalam at nasa “uso”.


Minsan, naniniwala tayo sa kasinungalingan ni Satanas at hinahayaan nating
wasakin niya ang ating pag-iisip.
Subalit, tinatawag tayo ng Diyos sa pagiging walang malay.

21
“Mga kapatid, huwag kayong mga isip bata. Maging tulad kayo ng mga
batang walang malay sa kasamaan, ngunit maging ganap ang inyong
pag-iisip.” (2 Corinto 14:20)

“…Ngunit ang ibig ko’y maging matalino kayo sa mga bagay na mabuti, at
walang malay sa mga bagay na masama.” (Roma 16:19)

“Kayo’y mga hinirang ng Diyos, kaya’t hindi dapat mabanggit man lamang
sa inyong usapan ang anumang uri ng pakikiapid, karumihan o pag-
iimbot.” (Efeso 5:3)

Mga Pagkakabigkis ng Kaluluwa

1. Ang sekswal na pakikipagtalik ay nakalilikha ng pakikipag-isa.


(1 Corinto 6:16)

• Ito ay mabuti para sa mag-asawa lamang.


• Subalit kung ito’y ginagawa ng hindi mag-asawa, ito’y nakakalikha ng
“pagkaalipin,” at ito’y nagiging lagusan ng mga demonyo.

2. Ang pagputol sa “soul ties” o pagkakabigkis ng kaluluwa (sa tao o sa


bagay) ay lubos na mahalaga sa araling ito.

3. Nag-aalok si Jesus ng lubos na kalayaan kung itatakwil at puputulin


ang lahat ng pakikipagbigkis.

4. Nag-aalok ang Diyos ng lubos na kalinisan.

“Nawa’y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang magbibigay ng


kapayapaan. At nawa’y panatilihin ninyong walang kapintasan ang buo
ninyong katauhan - ang espiritu, kaluluwa at katawan – hanggang sa
pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” ( 1 Tesalonica 5:23)

Posibleng Bahagi ng pahirap na may Kaugnayan sa Sekswal na Karumihan

* Kuryosidad * Pagbibigay kasiyahan sa laman


* Pagpapaligaya sa sarili * Senswalidad
* Mababang pagtingin sa sarili * Pangangatwiran
* Kabalakyutan * False guilt

22
(7) MULA SA PAGKADUROG TUNGO SA PAGIGING GANAP

“Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; Siya ay binugbog dahil
sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya.”
(Isaias 53:5)

• Namatay si Jesus sa lahat ng kasalanang ating ginawa at sa lahat ng


mga kasalanang ginawa laban sa atin.

Ang Buhay sa Isang Nagkasalang Daigdig

1. Tulad ni Jose sa Lumang Tipan, tayo ay nabubuhay sa isang nagkasala at


di-makatarungang daigdig.

• Sakit ng damdamin
• Pag-iwan o paglisan
• Pagmamalabis
• Panlilibak at panunuri
• Pananakit sa iba at pagdamay ng pananakit mula sa pamilya,
trabaho, kaibigan, at asawa.

2. Ang pagdanas ng pananakit ay nakalilikha ng:

• Kalungkutan
• Pagkaramdaman ng pagtanggi
• Hinanakit
• Takot
• Galit

3. Ang katagumpayan ni Cristo ay nag-aalok ng:

• Pagkahulagpos sa sama ng loob


• Pagiging ganap
• Aliwin ang nangungulila
• Paligayahin ang tumatangis
• Pagpupuri sa halip na lungkot (Isaias 61:3)

23
Ang Ating Bahagi: Magpatawad!

1. Magpatawad ….

Ang ibig sabihin ng pagpapatawad ay “pagpapalaya”.

• Ito ay kusang-loob
• Tanggapin ang sakit sa sarili

Ang pagpapatawad at pagtitiwala ay hindi magkatulad.

• Ang pagtitiwala ay kailangang “itayong muli” subalit kinakailangang


tayo’y laging magpatawad.

Nagpapatawad tayo para sa ating sariling kapakanan.

Nakahanda ang Diyos upang tulungan tayong magpatawad.

2. Ang pagpapatawad ay hindi isang opsyon.

“Kapag kayo’y nananalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo


upang ipatawad din naman sa inyo ng Amang nasa langit ang inyong
pagkakasala.” (Marcos 11:25)

“At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad


namin ang bawat nagkasala sa amin.” (Lucas 11:4)

“Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa’t isa, at magpatawaran,


tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.”
(Efeso 4:32)

Ehersisyong Pagpapatawad

Sa inyong Imbentaryo Para sa Espirituwal na Kalayaan:

• Sa kaliwang hanay, isulat ang mga PANGALAN ng mga taong


kailangan mong patawarin.
• Sa gitnang hanay, isulat ang mga KASALANANG ginawa laban sa iyo.
• Sa kanang hanay, isulat ang DAMDAMING iyong naranasan.

24
Gawin ng Magkapareha

• Makabubuti, pag-usapan ninyo ng inyong kapareha ang mga


naisulat n’yo sa inyong listahan.

Panalangin ng Pagpapatawad

Amang nasa langit, pinipili kong patawarin si (pangalan ng tao) sa


(kasalanang), nararamdaman ko ang (damdaming naranasan).

• Bago o pagkatapos nito, ipahayag ang anumang kasalanang


nagawa sa relasyong ito.
• Dumako sa mga hakbangin sa paggaling.
• Maaaring wala kang sapat na panahon na patawarin ang lahat sa
ngayon. Kapag ipinaisip ng Diyos sa iyo ang mga ito sa sumusunod na
araw, bigyang panahon ang pagpapatawad.

Mga Posibleng Bahagi ng Pagpapahirap na may Kaugnayan sa


Sakit at Hindi Pagpapatawad.

• Sama ng loob
• Galit
• Paghihiganti
• Damdamin ng pagtangi
• Kabiguan
• Kalungkutan
• Mababang pagtingin sa sarili
• Kawalan ng desisyon
• Takot
• Alinlangan
• Paghihimagsik
• Masamang pita ng laman
• Pagkabalakyot

25
(8) MULA SA PAGREREBELDE TUNGO SA PAGPAPASAKOP

“ Hindi na miminsan, marami nang beses, iniligtas sila, naghimagsik pa rin,


kaya naman sila’y lalong nagkasala.” (Awit 106:43)

• Kusang loob mo bang isinusuko ang iyong mga karapatan?

Pagrerebelde

“Isang gawain o pagpapakita ng paghamon, katigasan ng ulo, pagwawa-


lang-halaga, paglaban o pagtutol laban sa awtoridad o nakakataas.”

1. Ang paghihimagsik ay ugat ng lahat ng kasalanan. “Gagawin ko ang


kahit na anong gusto ko, sa sarili kong kaparaanan!”

• Tayo’y namumuhay sa isang mapaghimagsik na kapanahunan, sa


isang mapaghimagsik na kultura at bansa.
• Ang paghihimagsik ay nagbubukas ng atake at panlilinlang ng diyablo
sa ating buhay.

2. Tayo’y naghihimagsik laban sa …

• Diyos
• Mga Magulang
• Mga Guro
• Simbahan
• Pamahalaan
• Amo o panginoon sa lupa
• Asawang lalaki, at iba pa.

3. Tinatawag tayo ng Diyos na magpasakop sa mga maykapangyarihan

“Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng maykapangyarihan


sa bayan, sa emperador, ang pinakamataas na kapangyarihan, at sa mga
gobernador na sugo niya.” (1 Pedro 2:13-14)

“Pasakop kayo sa isa’t isa bilang tanda ng inyong paggalang kay


Cristo.” (Efeso 5:12)

Maari lamang tayong maghimagsik kung ang pagpapasakop natin sa


maykapangyarihan ay nangangahulugang tayo ay sumusuway sa Diyos.

26
4. Ang di pagpapatawad ay kadalasang pinagmumulan ng paghihimagsik
at pagtanggi.

• Kung mahirapan kang magpasakop, itigil ito at magpatawad.

Nasasaktan tayo at nakararamdam ng pagtanggi, tayo ay nagrerebelde.

Ang Pagrerebelde ay may iba’t-ibang anyo:

• Pagrereklamo o Pagdaing

“Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo upang
kayo’y maging ulirang mga anak ng Diyos, malinis at walang kapintasan sa
gitna ng mga taong liko at masama…” (Filipos 2:14)

“…Ang totoo, anumang reklamo ninyo ay laban sa kanya (Diyos), hindi sa


amin, sapagkat sino ba kami para pagreklamuhan ninyo.” (Exodus 16:8)

• Paghusga sa ibang tao


• Pagiging matuwid sa sariling paningin
• Negatibong pag-uugali
• Kataasan o kayabangan
• Pagmamaliit sa ibang lahi o lipi (bilang indibidwal o bilang isang bansa)
• Bandalismo (pagsira ng gamit ng iba)
• Karahasan

“Sapagkat ang pagsuway sa Kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang


katigasan ng ulo’y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan. Pagkat sinuway
mo si Yahweh, aalisin ka sa pagiging hari ng kanyang bayan.” (1 Samuel
15:23)

Panalangin ng Pagpapasakop sa Diyos

Ama naming nasa langit, sinabi ninyo sa inyong Salita na ang


paghihimagsik ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan
ng ulo’y tulad ng pagsamba sa diyos-diyosan. Ako po ay naghi-
magsik laban sa inyo sa aking gawi at kilos. Pinipili ko, sa oras na
ito, na magpasakop sa Iyo at sa mga maykapangyarihang
inilagay mo sa aking buhay. Tumatalikod ako sa paghihimagsik,
kataasan, at pagtutol o pagrereklamo. Sa Pangalan ni Jesus na
aking Panginoon.

27
Mga Posibleng Espiritu ng Pagpapahirap na may Kaugnayan sa
Paghihimagsik at Kapalaluan.

• Pagkaawa sa sarili
• Pagsunod sa sariling kalooban
• Kataasan
• Mapagtunggaling espiritu
• Pagtanggi
• Paghihimagsik
• Espiritu ng paghihiganti
• Kontrol
• Pangkukulam
• Hindi pagpapatawad (posibleng pinakalider)

(9) MULA SA ISINUMPA TUNGO SA PINAGPALA

“Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng kautusan nang siya’y magdusa na parang


isang isinumpa. Sapagkat nasaad sa kasulatan. “Sinumpa ang bawat ibinibitin
sa punongkahoy.” Tinubos niya tayo upang ang mga pagpapalang
ipinangako ng Diyos kay Abraham ay kamtan ng mga Hentil sa pamamagi-
tan ni Cristo Jesus, at sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay suma atin
ang Espiritung ipinangako ng Diyos.” (Galacia 3:13-14)

Winasak na ni Cristo ang kapangyarihan ng mga sumpa at pagkaalipin mula


pa sa ating kanunu-nunuan!

Ang Kapangyarihan ng Pagpapala

1. Naghahangad ang ating puso ng pagpapala.

Ang kwento ni Isaac, Jacob, at Esau sa Genesis 27 ay nagpapakita ng


kapangyarihan ng pagpapala at ang trahedya kapag ang pagpapala ay
napigil o naantala.

• Lahat tayo ay nagnanais ng pagmamahal, pagsang-ayon at lubos na


pagtanggap.
• Mayroong kakulangan ang ating buhay kung hindi natin makamtan ang
mga ito.

28
• May kapangyarihan ang dila na magpala o magsumpa. (Kawikaan
18:21)
• Ngayon, ang pagpapala ng Diyos ay inaalok para sa lahat sa
pamamagitan ni Cristo Jesus (Galacia 3:14)

Ano ang pagpapalang nagbibigay-buhay?

Ang limang elemento ay mula sa Kabanatang 2 ng aklat ni Gary Smalley at


John Trent na pinamagatang “The Blessing”. Ang pagpapala ay may kalakip
na:

• Makahulugang tapik
• Naipahayag na mga salita
• Paglakip ng mataas na halaga sa taong pinagpapala
• Pagbibigay – larawan para sa isang espesyal na hinaharap
• Isang aktibong pagtatalaga na ganapin ang mga pagpapala

Ano ang Sumpa?

• Pagkondena o mga salitang nagpapababa sa pagkatao ng iba o


maging sa sarili.
• Pagpigil sa pagmamahal, tapik o pangako.
• Espirituwal na pagkagapos na likha ng kasalanan. (Exodus 20:5)
• Inihayag na pagkagapos at mga konsekwensiya ng panata

Mula sa Isinumpa Tungo sa Pinagpala

1. Tinatawagan tayo ng Biblia na baligtarin ang pagdaloy ng sumpa sa


pagpapala sa mga taong sumumpa sa atin.

“Ngunit sinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga
kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain
ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa
inyo.” (Lucas 6:27-28)

“Idalangin ninyo ang mga umusig sa inyo – idalanging pagpalain at huwag


sumpain. Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang
masama.” (Roma 12:14, 21)

29
“Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama.
Huwag ninyong alipustahin ang umaalipusta sa inyo. Sa halip sila’y
pagpalain yamang hinirang kayo upang tumanggap ng pagpapala ng
Diyos.” (1 Pedro 3:9)

2. Sa Krus, inako ng Panginoong Jesus ang bawat sumpang ibinigay natin sa


ating sarili o ibinigay ng iba sa atin.

“Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng kautusan nang siya’y magdusa na pa-


rang isang isinumpa. Sapagkat nasaad sa kasulatan. “Sinumpa ang bawat
ibinibitin sa punongkahoy.” Tinubos niya tayo upang ang mga pagpapalang
Ipinangako ng Diyos kay Abraham ay kamtan ng mga Hentil sa pamamagi-
tan ni Cristo Jesus, at sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay suma atin
ang Espiritung ipinangako ng Diyos.” (Galacia 3:13-14)

“Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng sakit at hirap. Wala
man lang nagtapon ng sulyap sa kanya. Hindi natin siya pinansin, para
siyang walang kabuluhan. Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata.
Gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; Akala natin ang dinanas
niya’y parusa sa kanya ng Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya
nasugatan; Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling
dahil sa pahirap na tinamo niya. At sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng
lakad. Ngunit inibig ni Yahweh na sa kanya ipataw ang parusang tayo ang
dapat tumanggap.” (Isaias 53:3-6)

“Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya’y binilang na makasa-


lanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos
sa pamamagitan niya.” (2 Corinto 5:21)

Upang Iyong Makamtan ang Kalayaan:

1. Punuin/Kumpletuhin ang “Isinumpa sa Pinagpala” ng inyong Imbentaryo.


Pag-usapan ninyo ito ng inyong kapareha.

2. Ipahayag ang kasalanan mo at ng iyong mga ninuno. (Ang mga tauhan


sa Biblia ay nagpahayag ng kasalanan ng kanilang mga ninuno upang wa-
sakin nila ang pagkaalipin at palitan ng pagpapala. Halimbawa, Jeremias
14:20; Daniel 9:8 at Nehemias 1:6). Tiyaking ipahayag bilang kasalanan ang
anumang di-makadiyos na mga panata na nagawa mo o ng iyong mga
ninuno.

30
3. Isa-isa mong patawarin ang bawat taong nakasakit sa iyo, sumumpa sa
iyo o mga taong nang-api sa iyo.

4. Itakwil o palayasin ang bawat sumpang binitawan laban sa ‘yo. Minsan


mong idalangin ang panalangin sa ibaba o katulad nito.

Panalangin upang Mapalaya sa Sumpa

Amang nasa Langit, ako’y nananampalataya na sa Krus ay


pinawi ni Jesus ang bawat sumpang nabitiwan at naipahayag
laban sa akin at sa aking pamilya. Kaya’t sa oras na ito, hinihiling
kong palayain mo ako mula sa mga sumpa na nasa aking buhay.
Inaangkin ko ang lubos na kalayaan ng aking pamilya sa lahat
ng mga sumpang ito. Sa Pangalan ni Jesus, aking winawasak ang
mga sumpa ng ___________________________.
Sa pamamagitan ng panananampalataya, tinatanggap ko ang
lubos na kalayaan at ako’y nagpapasalamat para dito.

Sa Pagmiministeryo sa Iyong Kapareha:

Pagkatapos na makumpleto ng tao ang mga hakbangin sa itaas, sa


Pangalan ni Jesus:

A. Bigyan sila ng katiyakan ng kapatawaran sa kanilang kasalanan.

B. Putulin ang lahat ng pagkagapos na may kaugnayan sa mga tao, mga


organisasyon, at mga karanasan.

C. Palayasin ang anumang espirituwal na nagpapahirap sa Pangalan ni


Jesus.

D. Wasakin ang anumang mga salita o mga larawan.

E. Ibahagi ang kapangyarihang pagpapagaling ng Diyos sa panalangin.


Sabihin ang anumang salita, katotohanan o mga Kasulatan na iyong
maisip.

31
(10) ANG KRUS NI CRISTO JESUS

Panimula: Napakahalaga na maunawaan ng isang tao ang kahalagahan


kung ano ang ginagawa ni Jesus sa Krus sa pamamagitan ng Kanyang
kamatayan. Minsan narinig natin ang kuwento ng pagkapako sa krus ngunit
madalas di natin maunawaan kung ano talaga ang nangyari. Ngunit kung
ipapahayag sa atin ng Espiritu Santo ang lalim ng hirap ni Jesus sa krus at
ang espirituwal na kahalagahan ng Kanyang kamatayan, mararanasan
natin ang kalayaan sa isang bagong paraan sa ating mga buhay.

1. Ang salaysay ni Marcos tungkol sa Krus ay maingat na nagbibigay diin sa


matinding kahirapan ni Cristo (Marcos 15:1-40).

A. Ang Krus ang siyang katugunan ni Cristo para sa pangangailangan ng


tao sa manunubos na Tagapagligtas. Dahil sa kasalanan kaya Siya na
matay para sa lahat.

B. Ang Krus ay isang paraan ng pagpatay ng mga Romano na sumasa


gisag na kung ang tao ay namatay sa pamamagitan nito, ay isinumpa.
Kasama dito ang matinding paghihirap na pisikal at emosyonal, bago
tuluyang malagutan ng hininga ang tao.

2. Ang paghihirap ni Jesus ay nagpapahayag ng Kanyang pag-ibig at pag-


tatalaga para sa lahat ng tao, anuman ang kanyang kulay, kasarian, lahi, o
kalagayan sa buhay. (Juan 3:16; 1 Timoteo 2:4; 1 Juan 4:9-10)

“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya


ang kanyang bugtong na Anak upang ang sumasampalataya sa kanya ay
hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan
3:16)

“Na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan.” (1


Timoteo 2:4)

“Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang suguin niya ang
kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagi-
tan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang
inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ika-
pagpapatawad ng ating mga kasalanan.” ( 1Juan 4:9-10)

32
A. Isaalang-alang ang Kanyang paghihirap. Bawat hagupit na tinanggap
Niya sa Kanyang likod ay naghahayag ng Kanyang dakilang pag-ibig sa
lahat ng maaaring mabuhay sa mundong ito.

B. Maglaan ng ilang sandali at hingin sa Diyos na ipaunawang tunay sa


iyong buhay ang nangyari sa Krus. Gagawin Niya ito!

C. Tingnan mo si Jesus na siyang nagdala ng iyong kasalanan sa Krus. Iwaksi


at talikuran ang lahat na kasalanang alam mo sa iyong buhay. Ngayon,
tanggapin mo ang patawad Niya sa bawat maling nagawa. Tanggapin
ang pagpapatawad ng Diyos bilang regalo. Hindi mo kayang bayaran
ang pagpapatawad; binayaran nya ng buo ito. (1 Juan 1:9, 2:2; Tito 2:14)

“Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating


ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat nating kasa-
maan sapagkat siya’y matuwid.” (1 Juan 1:9

“Sapagkat si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan


natin, at kasalanan din ng lahat ng tao.” (1 Juan 2:2)

“Ibinigay niya ang Kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng kalikuan at
linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng
mabuti.” (Tito 2:4)

Ito ang isa sa pinaka-dakilang pribilehiyo ng isang mananampalataya; ang


walang hanggang pagnanasa ng Diyos upang patawarin at linisin ang puso
ng tunay na nagsisising mananampalataya.

33
(11) ANO ANG BAUTISMO SA ESPIRITU SANTO

I. Ito ay Isang Kaganapan ng Propesiya

1. Kaganapan ng hula ni Propeta Juan

“Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi; data-


puwat ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kaysa
akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kanyang pangyapak: siya ang
sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy. Hawak niya ang
kanyang kalakay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang tri-
go, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di mamamatay kailan-
man.” (Mateo 3:11-12)

“Kaya’t sinabi ni Juan sa kanila, ‘Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit


ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at
sa apoy. Siya ay makapangyarihan kaysa sa akin, at ni hindi ako karapat-
dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak.” (Lucas 3:16)

2. Kaganapan ng Salita ni Jesus

“Tandaan ninyo; susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya’t


huwag kayong aalis sa lungsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng
kapangyarihan mula sa taas.” (Lucas 24:49)

“At palibhasay nakikipagpulong sa kanila, ay ipinag-utos niya sa kanila na


huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama,
na sinasabi niyang narinig ninyo sa akin: Sapagkat tunay na si Juan ay
nagbautismo ng tubig; datapuwat kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo
na di na malalaman pa.” (Mga Gawa 1:4-5)

II. Mga Bagay na Dapat Tandaan Patungkol sa Bautismo sa Espiritu Santo

Kung ikaw ay ligtas na, nasa buhay mo na ang Espiritu Santo.

“Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Diyos. At ang Espiritu ng


Diyos ay nanahan sa inyo.” (1 Corinto 3:16)

“Kung ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo, kayo ay nasa


pangunguna ng Espiritu at hindi sa laman.” (Roma 8:9)
34
2. Ang kaloob ng Espiritu Santo ay isang pangako sa lahat ng humihingi.

“Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong mga anak kung
humingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humingi ng
itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting
bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit!
Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya! (Lucas 11:11-13)

3. Sinomang mananampalataya ay maaaring tumanggap ng kalooban ng


Espiritu Santo.

“Pagkatapos nito, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; isasaysay


ng inyong mga anak ang aking mga salita; sari-sari ang mapapanaginip ng
matatandang lalaki at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga
kabataang lalaki. Sa panahong iyan, ibubuhos ko ang aking Espiritu pati sa
mga alipin, lalaki’t babae.” (Joel 2:28-29)

4. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng kapangyarihan sa pagsaksi.

“Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng


Espiritu Santo; at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong
Judea, at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lu-
pa.” (Mga Gawa 1:8)

5. Ang isang mananampalataya ay maaaring nabautismuhan na sa tubig,


subalit hindi pa nabautismuhan sa Espiritu Santo.

“Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap


ng Samaria ang Salita ng Diyos, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at Juan. Na
nang sila’y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tangga-
pin ang Espiritu Santo. Sapagkat ito’y hindi pa bumababa sa kanino man sa
kanila: kundi sila’y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong
Jesus. Nang magkagayo’y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at
kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.” (Mga Gawa 8:14-17)

Ang pagtira ng Espiritu Santo at bautismo sa Espiritu Santo ay magkaiba.


Pagkatapos na tanggapin ang bautismo sa Espiritu Santo, binigyan tayo ng
kapangyarihan:

35
• Upang maging mga saksi
• Upang managumpay at managana
• Upang magpagaling ng may sakit at magpalayas ng mga demonyo
• Upang mangibabaw at labanan ang Diyablo
• Upang magawa ang kalooban at layunin ng Diyos sa ating mga
buhay!

III. Mga Hakbang sa Pagtanggap ng Bautismo sa Espiritu Santo

1. Alisin ang lahat ng mga hadlang tulad ng:

• Takot (kailangan bang magsalita ako sa ibang wika? Kailangan bang


ako ay matumba?)
• Di-paniniwala
• Naiilang, at iba pa.

2. Humingi – (Lucas 11:11-13)

3. Tanggapin – Abutin ng may pananampalataya

4. Kalagin – Ganap na pagpapasakop at pagsuko

“Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo


at sumigaw, na nagsasabi, ‘Kung sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito sa
akin at uminom. Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng nasabi ng
Kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.
Ngunit ito’y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga mag-
sisisampalataya sa kaniya; sapagkat hindi pa ipinagkaloob ang Espiritu;
sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.” (Juan 7:37-39)

Mga Tatlong (3) Kondisyon:

1. Nauuhaw – Lumapit kay Jesus at uminom.

2. Manampalataya – Mga bukal… aagos mula sa loob.

• Ang Ama ang Siyang Tagapagkaloob…


• Ang Espiritu Santo ang Siyang Kaloob…
• Si Hesus ang Siyang Tagapagbautismo…

3. Tanggapin ang Espiritu Santo ng may pananampalataya!

36
(12)ANG DISENYO NG DIYOS SA PAMILYA

Panimula: Dapat pagtuunan ng pansin ng isang lingkod ng Diyos at ng mga


magulang na magkaroon ng maayos at kagalang-galang na sambahayan.
Ang isang masigasig na iglesya ay bunga ng maayos na pamilya ng mga
namumuno at mga mananampalataya dito. Magiging isang malaking
palaisipan kung aasamin ng isang manggagawa at ng mga magulang na
magkaroon ng isang matagumpay at matatag na iglesya samantalang ang
kanilang sariling sambahayan ay naghihingalong naglalakad sa landas ng
pagkawasak. Maliwanag na itinuturo ng Biblia na ang pag-ibig ay ang
pundasyon ng pamilya.

Ayon sa Efeso 5:25, “Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng
pag-ibig ni Cristo sa iglesya…” Ayon naman sa Colosas 3:19, “Mga lalaki,
ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, at huwag silang pagmalupitan.” At sa 1
Timoteo 5:8, “Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-
anak, lalo na sa mga kasambahay, ay tumatalikod sa pananampalataya at
masahol pa sa mga walang pananampalataya.” Samakatuwid, ang pagka-
karoon ng isang matatag, nagmamahalan, at maka-Diyos na pamilya ay
hindi isang opsyon ng mga manggagawa at mga mananampalataya kundi
isang natatanging responsibilidad na dapat nating gampanan ng buong-
puso upang tayo ay hindi katitisuran. Paano nga ba mapapanatiling
matatag, nagmamahalan, at maka-Diyos ang sambahayan ng mga mang-
gagawa at mga mananampalataya?

Ipamuhay ang Isang Maka-Cristong Pagsasama

Paano tayo magkakaroon ng isang maka-Cristong pagsasama? Kailangan


tayo ay mayroong:

1. Pagtatalaga ng Buhay sa Panginoong Jesus

• Parang isang tatsulok ang maka-Cristong pagsasama.


• Ang Panginoong Jesus ang nasa itaas.
• Ang mag-asawa ay nasa magkabilang gilid sa ibaba.

2. Pagtatalaga sa Pagtukoy at Pagtustos sa mga Pangangailangan ng


Pamilya

Iba’t-iba ang pangangailangan ng pamilya:


37
• Respeto ay mahalaga sa mga lalaki.
• Pag-ibig naman sa mga babae.
• Kalinga ang kailangan ng mga bata.

Anu-ano ang mga palatandaan ng isang nagkakaisang pamilya?

• Sama-samang pag-alam at pagtugon sa mga pangangailangan ng


bawat isa.
• Pagkawala ng tuon sa mga sariling naisin.
• Pantay na tiwala at respeto.
• Sama-samang pasiya sa pagsasaayos ng problemang pampamilya.
• Pagiging bukas at tapat sa bawat isa.
• Pag-uunawaan at pagpapatawaran.

Tandaan: Ang isang iglesya na hitik sa mga matatag at matagumpay na


pamilya ay nakasisiguro ng mabisang paglago at pag-abot sa isang komuni-
dad, bayan, o bansa para sa kapurihan ng Diyos.

3. Pagtatalaga na Maisaayos ang Pagsasamang Mag-asawa

Upang magkaroon ng malusog na pamilya:

• Isang malalim na pang-unawa sa relasyon


• Kapayapaan sa bawat araw sa relasyon

Upang magkaroon ng pagtatalaga sa pagsasama:

• Maging matapat sa pagpapalago ng relasyon


• Maging tapat sa pagpapatibay ng isang matatag at masayang
relasyon

4. Igalang ang Kani-kaniyang Papel sa Buhay

Kailangan maging maliwanag ang papel na ginagampanan ng bawat


miyembro ng sambahayan ng mga sumusunod:

Lalaki – “Ang Haligi ng Tahanan”

• Mangingibig (Efeso 5:25, 28)

38
“Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo
sa Iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito. Dapat mahalin ng
mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang la-
laking nagmamahal sa kanilang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.”

• Tagapagtustos (1 Timoteo 5:8)

“Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa


mga kasambahay, ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa
di mananampalataya.”

• Maunawain (1 Pedro 3:7)

“Kayo namang mga lalaki, pakitunguhan ninyong mabuti ang inyu-inyong


asawa, sapagkat sila’y mahina, at tulad ninyo’y may karapatan din sa buhay
na walang hanggang kaloob sa inyo ng Diyos. Sa gayon, walang magiging
sagabal sa inyong panalangin.”

• Pamumuno (Efeso 5:23)

“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang
ulo ng iglesya, na kanyang katawan at siyang Tagapagligtas nito.”

Babae – “Ang Ilaw ng Tahanan”

• Kasama at katuwang (Genesis 2:18)

“Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ni Yahweh, “Hindi mainam na mag-
isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.”

• Nagpapasakop (Efeso 5:22)

“Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa tulad ng pagpapasakop


ninyo sa Panginoon.”

• Tagapagbigay ng respeto (Efeso 5:33)

“… mga babae, igalang ninyo ang inyo-inyong asawa.”

39
• Simbolo ng kagandahan (1 Pedro 3:2-4)

“Sapat ng makita nila ang inyong mapitagang kilos at mahusay na pa-


mumuhay. Ang inyong ganda’y huwag sa kagayakang panlabas lamang,
paris ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng gintong hiyas at mamahaling
damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang gandang natatago sa kaibuturan ng
puso, ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing diwa, at
lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.”

• Tagapangalaga sa mga anak (1 Timoteo 5:10)

“At kilala sa paggawa ng mabuti, napalaki ng maayos ang kanyang mga


anak…”

Anak – “Ang Kayamanan ng Tahanan”

• Kayamanan ng mag-asawa
• Masunurin sa magulang (Efeso 6:1-3)

“Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, alang-alang sa


Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. ‘Igalang mo ang iyong ama at ina.’
Ito ang unang utos na may kalakip na pangako; ganito ang pangako: ‘ikaw
ay giginhawa at lalawig ang iyong buhay dito sa lupa.’”

Ang pagkakaroon ng kani-kaniyang mga kinaluluguran sa pamilya ay tulad


ng pagkakaroon ng job description ng mga empleyado sa isang kumpanya.
Mas madaling magkaroon ng pagkakaisa at mas mabisa ang pakikipag-
talastasan; kung umiiral ang respeto at kaayusan, kung marunong lumugar
ang bawat isa.

5. Magbigay ng Tamang Oras

Bilang mga lingkod ng Diyos, ito ang mga dapat nating pag-alayan ng oras:

• Diyos (Mateo 6:33)

“Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng


Diyos at mamuhay kayo ng ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob ni-
ya ang lahat ng kailangan ninyo.”

40
• Pamilya (1 Timoteo 5:8)

“Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa


mga kasambahay, ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa
di mananampalataya.”

• Trabaho o Gawain (2 Tesalonica 3:10)

“Nang kasama pa ninyo kami ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo:
‘Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.’”

Paano nating bibigyan ng tamang oras ang ating mga kapamilya?

• Huwag magdadala ng anumang trabaho sa bahay.


• Maglaan ng isang araw bawat lingo upang gugulin kasama ang
pamilya.
• Sikaping mag-uwi ng munting pasalubong para sa asawa at anak.
• Tulungan ang mga anak sa kanilang mga project o assignment sa
paaralan.
• Paminsan-minsan ay ilabas ang asawa sa isang pasyalan o kainan.
• Ugaliing bago matulog ay makipag-usap sa asawa patungkol sa
inyong pamilya.

Isang Napakahalagang Paalala

Ang mag-asawa ay may pananagutang moral, pinansiyal, material, at


espirituwal sa bawat isa. Subalit dapat ding tandaan na ang mag-asawa ay
may pananagutang sekswal sa bawat isa. Isang banal na tungkulin ng
manggagawa at mananampalataya na mabigyan ng kasiyahang sekswal
ang kanyang asawa. Hindi naayon sa kalooban ng Diyos na tikisin at itanggi
ang pangangailangang sekswal ng asawa upang maging “banal” at
“kalugud-lugod” na lingkod ng Diyos. Yamang likas na kalakip ng pag-
aasawa ang pagtatalik, dapat sikapin ng manggagawa at mananam-
palataya na hindi niya sinusupil ang pagnanasa ng kanyang asawa para sa
isang makabuluhan at mapagmahal na pagtatalik. Laanan ng sapat na
lakas at panahon ang tungkuling ito. Malaki rin ang maitutulong nito upang
maiwasan ng sinuman ang mahulog sa tukso ng laman.

41
(13) ANG LAYUNIN AT PANGITAIN NG DIYOS

Panimula

“At ito ang tugon ni Yahweh: ‘Isulat mo ang pangitain; isulat mong malinaw sa
mga tapyas na bato, upang madaling mabasa at ibalita sa lahat. Sapagkat
hindi pa dumarating ang takdang panahon upang maganap ang pangitain;
mabilis na dumarating ang wakas – hindi ito maliliban. Ngunit tiyak na maga-
ganap, kung ito ma’y magtatagal.’” (Habacuc 2:2-3)

Si propeta Habacuc ay nakaranas ng matinding pakikipagbaka sa pana-


langin. Siya ay nagreklamo sa Diyos na sinasabi: “Ginagawa mo ang mga tao
na parang isda sa dagat, gaya ng mga nilikhang gumagapang sa walang
namamahala sa kanila.” (Habacuc 1:14)

Tinugon ng Diyos ang kanyang tanong sa pamamagitan ng pagpapahayag


sa kanya na may pamamahalang pangitain na kung saan ang mga
mananampalataya ay hindi magiging tulad ng mga isda sa dagat o mata-
tapang na ganid, na walang namumuno sa kanila. Ako’y naniniwala na ang
pinakamagandang modelo na makita ang propesiya sa liderato na ma-
ganap, lumago ang iglesya, ay Pamahalaan ng Labindalawa. Mararanasan
ninyo ang paglago ng inyong gawain ng higit sa inyong iniisip.

Responsibilidad ninyo na tiyakin na ang inyong samahan ay gagawin ang


buong makakaya na isagawa ang pangitain na walang pagpapabaya,
sapagkat ito ang panahon ng biyaya. (Cesar Castellanos)

I. Ang Layunin

A. Ibigin ang Diyos!

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kalulu-
wa, nang buong pag-iisip, at ng buong lakas.” (Marcos 12:30)

B. Ibigin ang Kapwa!

“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” (Marcos 12:31)

42
II. Ang Pangitain

A. Pangunahing Pundasyon sa Biblia (Genesis 12:2)

“Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking
bansa, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa
marami.”

B. Ano ang Maka-Diyos na Pangitain?

“Ito ang kaisipan ng Diyos na nahayag sa kaisipan ng tao bilang isang


tunguhin na dapat maabot.”

K. Mga Katangian ng Pangitain ng Diyos

Malalaman mo kung ang isang pangitain ay galing sa Diyos dahil sa


katangian nito:

• Ang pag-udyok nito ay malinis at hindi pansarili.


• Ito ay makakatulong sa kalagayang sosyal at espirituwal na
kapakanan ng isang komunidad.

Ang tunay na pangitain ay hindi itinataas ang sarili, kundi napupurihan ang
Diyos ang nagdadala ng luwalhati kay Cristo Jesus.

D. Maging Bahagi sa Pangitain

Kailangan nating maunawaan kung ano ang pangitain:

Humikayat ng mga kaluluwa at gumawa ng mga alagad.

Ang tunguhin ay: Gawing mga lider ang bawat mananampalataya.

Ang bawat isa ay inaasahan na maabot na maging lider sa maiksing


panahon sa pamamagitan ng Paaralan sa mga Lider. Ang kabuuang
prosesong ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga hakbang na tinatawag
nating Hagdan ng Tagumpay, na binubuo ng paghihikayat, pagsusubaybay,
pagiging alagad, at pagsugo. Ang modelo ay nasasalig sa prinsipyo ng Biblia
na “Ang Labindalawa.”

43
“Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.
Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo,
turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y
laging kasama ninyo hanggang katapusan ng sanlibutan.” (Mateo 28:19-20)

III. Ang Saligang Gusali ng Pangitain

A. Panimula: ang apat na saligang gusali ng pangitain

1. Mga Ugnayan – Paghikayat


2. Mag Enkuwentro – Pagsubaybay
3. Paaralan ng mga Lider – Pagiging Alagad
4. Prinsipyo ng Labindalawa – Pagsugo

B. Mga Ugnayan: parehong kasariang pangingisda

1. Mga Lalaki
2. Mga Babae
3. 220 (Kabataan)
4. Mga Bata

K. Mga Engkuwentro: pagsubaybay sa mga mananampalataya

1. Bago-Engkuwentro (4-6 na araling paghahanda)


2. Engkuwentro sa Diyos (2-3 araw)
3. Pagtatapos ng Engkuwentro: panimula sa Paaralan ng mga Lider
(10 linggo)

D. Paaralan ng mga Lider: panimula sa Paaralan ng mga Lider (10


linggo)

E. Prinsipyo ng Labindalawa: henerasyon ng mga selula

1. Bumuo ng matatag na labindalawa sa iyong ilalim.


2. Magbuo ng EGR kasama ang iyong labindalawa, na may 25 cells.
3. Buksan ang inyong sariling Paaralan ng mga Lider kung kayo ay mayroon
nang 144 cells.
4. Ganapin ang pangitain ng maayos bilang isang henerasyon.

44
(14) PAMUMUHAY SA KATAGUMPAYAN

“Pinalaya tayo ni Cristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo


at huwag nang paalipin uli!” (Galacia 5:1)

Nag-aalok ang Salita ng Diyos ng mga makapangyarihang prinsipyo para sa


araw-araw na katagumpayan at kalayaan!

Ang sabi ni Jesus:

Sa lumpong pinagaling:

“Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang magkakasala at baka may


mangyari sa iyo na lalo pang masama.” (Juan 5:14)

Sa babaing nahuli ng pangangalunya:

“Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkakasala.”


(Juan 8:11)

Pamumuhay sa Katagumpayan

• Madali ang mapalaya.


• Mas mahirap ang pananatiling maging malaya!
• Ngunit ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng makapangyarihang
prinsipyo upang manatili tayo na malaya.

“Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag kinaibigan ninyo ang sanlibutan ay
kinaaway naman ninyo ang Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais na maging
kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos… kaya nga, pasakop kayo sa
Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. Lumapit kayo sa
Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong
mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang
isip.” (Santiago 4:4, 7-8)

Una, Unawain Mong May Kaaway Kang Namumuhi sa Iyo!

1. Nais ni Satanas na nakawin ang iyong kagalakan at wasakin ang iyong


buhay, ang iyong pakikitungo at mga mahal sa buhay!

45
“Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw,
pumatay at mangwasak. Naparito ako upangkayo’y magkaroon ng buhay –
isang buhay na masagana.” (Juan 10:10)

2. Piliin mong kamuhian ang masama.

• Ang takot kay Yahweh ay pagkamuhi sa masama. (Kawikaan 8:13)


• Kamuhian mo ang masama; ibigin ang mabuti. (Amos 5:15)
• Masuklam sa masama; pagkaibigin ang mabuti. (Roma 12:9)
• Kamuhian ang masama (kasakiman, pita ng laman, at iba pa) dahil
ginagamit ito ng Diyablo upang wasakin ka at ang iyong mga mahal
sa buhay.

Mayroon kang dalawang pagpipilian!

“Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag kinaibigan ninyo ang sanlibutan
ay kinaaway naman ninyo ang Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais na maging
kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos!” (Santiago 4:4)

“Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay sa sanlibutan. Ang
umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.” (1 Juan 2:15)

Mamili ka!

“Ngunit ako at ang aking angkan ay kay Yahweh lamang maglilingkod!


(Josue 24:15)

Ano ang Kailangan Mong Kamuhian?

Saan ka madaling matukso o malihis?


Ano ang kailangan mong kamuhian upang maiwasan mo ang mga bitag ng
tukso?

Ikalawa, Magpasakop sa Diyos!

3. Isuko ang buhay kay Cristo.

• Buo ba sa iyong loob na pagharian ka ni Cristo sa bawat bahagi ng


iyong buhay? (Pinansiyal, pamilya, trabaho, isipan at kilos)? Kung hindi,
gawin mo ito ngayon!

46
• Panginoon, pinipili ko pong sumusunod sa inyo sa bawat bahagi ng
aking buhay at sa bawat desisyon na aking gagawin sa aking buhay.

a. Magpakaligaya kang lagi sa presensiya ng Diyos.

• Humanap ng isang tahimik na oras at lugar.


• Maglaan ng isang panatilihan at sapat na oras para dito.
• Gawain ang magpapasaya sa iyo (pagbabasa ng Bibliya, panalangin,
pagsusulat ng talarawan o talaan at pagsamba).
• Maglaan ng panahong makinig sa Kanya.

b. Kung ikaw ay nahihirapan…

• Manalangin patungkol dito.


• Tukuyin kung bakit di-makapaglaan ng panahon.
• Anu-ano ang mga hadlang?
• Tukuyin ang mga kutang-tanggulan at ilapit ito sa Diyos.
• Kausapin ang mga malapit sa iyo at humingi ng tulong upang
matulungan ka na magkaroon ng panahon sa Diyos.

Ano ang kailangan MONG gawin?

Ano ang kailangan mong gawin upang maisulong mo ang iyong relasyon sa
Panginoong Jesu-Cristo?

Anu-ano ang mga sagabal o balakid sa daraanan?

Ikatlo, Labanan nyo ang diyablo!

1. Tanggapin ang pag-iingat at pagpapala ng Diyos, sa pamamagitan ng


panalangin.

• Ipanalangin ang kapayapaan ng Diyos at ang katotohanan ang


maghari sa inyong tahanan. (Lucas 10:5; Juan 16:13)

• Ipanalangin ang pagliligtas ng Diyos mula sa tukso (Mateo 16:11;


Lucas 22:40)

47
2. Isuot ang Buong Kagayakan ng Diyos sa bawat araw. (Efeso 6:14-18)

• Helmet ng kaligtasan
• Baluti ng Pagkamatuwid
• Bigkis ng Katotohanan
• Panyapak para sa Mabuting Balita ng Pakikipagsundo
• Kalasag ng Pananalig at Tabak ng Espiritu

3. Wasakin ang lahat ng di-makadiyos na bagay o iyong pag-aari.

Kung mayroong mga bagay sa iyong tahanan na pagmamay-ari ng iba na


hindi ninyo mawasak, tatakan mo ito ng dugo ng Panginoong Jesu-Cristo,
upang di-makakilos ang gawain ng masama sa mga bagay na ito.

4. Umiwas sa tukso.

Higit na tinatawag tayo ng Diyos na maging matalino kaysa maging malakas.

• Inuutusan tayo ng Panginoong Jesus na manalangin ng kaligtasan mula


sa tukso. (Mateo 6:11; Lucas 22:40)
• Ang hinala na tayo ay madaling bumigay sa kaaway!

Iwasan ang mga mapanuksong sitwasyon, lugar o kaugnayan.

Agapan at putulin ang mga taktika ng Kaaway!

“Magpasakop kayo sa Diyos, labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya


kayo.” (Santiago 4:7)

Paano mo Maiiwasan ang Tukso?

Ano ang kailangan mo alisin at wasakin?

Anu-ano ang mga sitwasyon o kaugnayan/relasyon na dapat mong iwasan,


o mga kilos na dapat mong gawin upang huwag kang matukso?

48
NOTES:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

49
NOTES:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

50
NOTES:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

51
ACKNOWLEDGEMENTS

I. Encounter God Retreat by Jim Egli

Sessions:

1. Understanding Spiritual Warfare


2. From Darkness to Light
3. Receiving and Ministering Healing
4. From Bondage to Freedom
5. From Impure to Pure
6. From Broken to Whole
7. From Rebellion to Submission
8. From Cursed to Blessed
9. Living in Victory

II. The Ladder of Success by Cesar Castellanos

1. God’s Purpose and Vision

III. Between the Bases Retreats by Larry Stockstill

1. The Cross of Jesus Christ


2. The Baptism with the Holy Spirit

IV. G12 Harvest: International Cell Conference Manual


By Bethany Cell Church Network

1. The Encounter of Zacchaeus

V. MBB POIMEN: Ang Biblia ng mga Pastor

1. God’s Blueprint for the Family

You might also like