You are on page 1of 10

SUB TUUM PRAESIDUM

Sagot sa mga pagtutol ukol sa Mahal na Birheng Maria at sa Intecession of saints

By Humphrey A. B.
SUB TUUM PRAESIDUM

Sagot sa mga pagtutol ukol sa Mahal na Birheng Maria at sa Intecession of saints

-Humphrey A. B.

Tanong, naririnig kaya ni Santa Maria at mga Santo ang ating mga panalangin? Paano nila magagawa ito
kung hindi naman sila Diyos na "Omniscient", "Omnipresent" at "Omnipotent"?

Simple lang po ang sagot diyan, basahin po natin ang sinabi mismo ng Anghel ng Diyos ukol sa kung ano
ba ang kayang gawin ng Diyos:

Lucas 1:37

"... sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

Ano naman po ang patotoo ng Mahal na Birheng Maria sa kayang gawin ng Diyos?

Lucas 1:49

"... dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal!"

Ang DIYOS po ay gumagawa ng mga dakila at imposibleng bagay sapagka't kung ano ANG IMPOSIBLE SA
TAO AY POSIBLE SA DIYOS. Ito ang mismong sinabi ng Panginoong Hesukristo:

Lucas 18:27

“Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni Jesus. (cf. Mateo
19:26, Marcos 10:27)

Diyan palang po ay nasagot na natin ang tanong. Pero para mas maunawaan ng mga nagtatanong,
magbibigay po tayo ng paliwanag.

Alam natin na napapakinggan ng Diyos ang panalangin ng mga tao sa lupa, lalo pag hiniling mong
manalangin para sa iyo ang iyong kapwa. Sa simpleng paraan ay kayang ipanalangin din ng iyong kapwa
ang lahat ng taong humingi sa kanya ng tulong upang ipanalangin din sila. How much more ngayong ang
isang taong matuwid ay nasa Langit? Ngayon, kung ang isang tao ay namatay at napunta sa Langit, ano
ang magiging katulad ayon sa Biblia? Basahin natin:

1 Juan 3:2

Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan
natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita
natin kung sino talaga siya.

Magiging gaya natin siya. Ibig sabihin ay makikibahagi tayo sa kanyang kaluwalhatian:

Mga Taga-Roma 8:17

"At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat
kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian."

Mung ganon ang mga Banal sa Langit ay katulad ng Diyos at kabahagi na sila sa kanyang kaluwalhatian.
Anong ibig sabihin nito? Sila ay mga GINAWANG GANAP:

Mga Hebreo 12:23

"Dumalo kayo sa masayang pagtitipon ng mga itinuring na panganay. Ang kanilang mga pangalan ay
nakatala sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong ginawang
ganap."

At dahil sa sila'y ginawang ganap, sila ay "in communion na with God", at sa ganoon ay ginawa sila ng
Diyos na may kakayahang makarinig, makakita at makaunawa ng lahat ng mga pagsamo natin upang
ipanalangin nila tayo, ilan man ang bilang, ano man ang wika.

Eh ang tanong, sila bang mga kaluluwa sa Langit ay buhay at may kamalayan? Pasagutin po natin ang
Biblia:

Pahayag 6:9-11

"Inalis ng Kordero ang panlimang selyo, at nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga
pinatay dahil sa salita ng Diyos at dahil sa matapat na pagsaksi nila rito.
Ubos-lakas silang sumigaw, “O Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat! Huwag na po ninyong
patagalin ang paghatol at pagpaparusa sa mga taong pumatay sa amin.”

Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang kaunti pang
panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kasamahan sa paglilingkod kay
Cristo, na papatayin ding tulad nila."

Mababasa po na ang mga kaluluwa sa Langit ng mga Banal ay buhay at mayroong kamalayan o
consciousness.

Eh sila po ba ay nananalangin para sa atin?

Basahin po natin:

Pahayag 5:8

"Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang
dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng
insenso na siyang mga panalangin ng mga banal."

Pahayag 8:3-4

"Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo naman sa harap ng
dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng
trono, kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos. Mula sa kamay ng anghel ay unti-unting tumaas sa
harapan ng Diyos ang usok ng insenso kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos."

Sa langit po ay nakita ang mga Banal o Santo na nanalangin para sa atin. Eh ano sila? Mga Katoliko po ba
sila? Basahin natin.

Pahayag 7:9-10

"Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat
bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may
hawak na mga palaspas. Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa
ating Diyos na nakaluklok sa trono!”

Sila pala ay hindi na mabilang sa dami, mula sa iba't-ibang wika, bansa, bayan at lahi, at may hawak na
mga palaspas. Isipin mo, kaya mong bilangin ang mga Katolikong namatay na Banal mula pa 33 AD
hanggang ngayong kasalukuyan? At may hawak pa nga silang mga palaspas. Katolikong tunay!
Buhay na buhay po sila, sapagkat ang Diyos ay Diyos ng mga buháy at hindi ng mga patay!

Lucas 20:38

"Kaya't ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buháy, sa kanya'y buháy ang lahat.”

(cf. Marcos 12:27)

Maging ang mga lingkod na sina Elias at Moises ay nagpakita kay Jesus(Lucas 9:30-31).

Pero balik tayo sa ating paksa. Kung sila ay nasa Langit na, bakit pa sila nananalangin?

May mga uri ang panalangin, maaring ito ay supplications, intecessions, praise at iba pa. Alam nating sila
ay nananalangin sa Diyos at sa Diyos ay nagbibigay ng papuri sapagkat sila ay nasa Langit na. Hindi din
sila maaring manalangin para sa kanilang sarili, para saan pa?

Kaya ang 100% na pinapanalangin nila ay walang iba kundi tayong mga narito sa lupa(Militant Church) at
mga nasa Purgatorio(Suffering Church) dahil silang mga nasa Triumphant or Glorious Church ay kaisa
parin natin, sapagkat iisang katawan tayo kay Cristo:

1 Mga Taga-Corinto 12:27

"Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito."(1 Corinto 10:17,
12:20, Colosas 1:18).

Kaya kung sinasabi nilang hindi naririnig ng mga Santo ang panalangin natin ay winawatak nila ang
katawan ni Cristo.

Pero hindi natin sinasabi na sila ay mga Diyos na, sila ay kabahagi ng Diyos at ang Diyos ang dahilan kaya
sila ay may kakayahang imposible para sa tao.

Hindi din porke sila ay nanalangin ay papakinggan na tayo ng Diyos. Ang Diyos parin ang magkakaloob at
magbibigay. Maari silang tanggihan ng Diyos. Kaya maling sabihin nila na hindi tayo sasagutin ni Maria o
mga Santo, hindi talaga sila sasagot, kundi ang Diyos ang sumasagot sa pamamagitan ng pagsamo nila.
Isang halimbawa ng mga panalanging tinanggihan ay ang panalangin o pagsamo ng mayaman sa kwento
ni Jesus sa Lucas 16:20-31.

Bagamat hindi pinagbigyan ang panalangin o pagsamo nito, hindi sinabing bawal ang kanyang ginawa.

Isa pang halimbawa ay ang ginawa ni Saul sa pamamagitan ni Samuel na noon ay isa ng kaluluwa upang
ipakausap ang kanilang kapalaran at suliranin sa kamay ng mga kaaway(1 Samuel 28:8-19).

Natawag at nakiusap siya sa Espiritu ni Samuel upang ipakausap ang problema niya sa Diyos pero siya ay
tinanggihan nito. Pero ito ay isang Necomancy at paggamit ng Medium na bawal sa ating
pananampalataya. Hindi ganito ang tamang pamamaraan.

1 Samuel 28:15-19

Itinanong ni Samuel kay Saul, “Bakit mo ginagambala ang aking pamamahinga?”Sumagot siya, “May
malaki akong suliranin. Sinasalakay kami ng mga Filisteo. Tinalikuran na ako ng Diyos at ayaw na niyang
magpahayag sa akin, maging sa mga propeta o sa mga panaginip. Ipinatawag nga kita upang itanong
kung ano ang dapat kong gawin.”

Sinabi ni Samuel, “Bakit magtatanong ka pa sa akin gayong tinalikuran ka na ni Yahweh at siya'y kaaway
mo na? Iyan na ang katuparan ng ipinasabi niya sa iyo. Inalis na sa iyo ang pagiging hari, at ibinigay na
kay David. Hindi mo sinunod ang kanyang utos na lipulin ang mga Amalekita, kaya ginagawa niya ito sa
iyo. Ikaw at ang buong Israel ay ibibigay ni Yahweh sa kamay ng mga Filisteo. Bukas, ikaw at ang iyong
mga anak ay mamamatay rin sapagkat niloob na ni Yahweh na mahulog kayo sa kamay ng mga Filisteo.”

Take note: Walang sinabing hindi maaring humingi ng Intecession dito, pero tinanggihan na siya ni

Sammuel sapagka't Diyos na mismo ang ayaw makinig. Ibig sabihin nasa Diyos parin ang huling salita sa
bawat panalangin. Sa paggamit niya ng Medium lalo siyang nagkasala. Ipinapakita din dito na may
epekto sa panalangin ang paraan na ginamit.

Ngayon, gusto kong ipapansin sa inyo ang reaksyon naman ng mga Hudyo noong si Cristo na ay
nakapako sa Krus:

Marcos 15:34-36

Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos
ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!”
May tumakbo upang kumuha ng isang espongha; ito'y binasa ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng
isang patpat at ipinasipsip kay Jesus. “Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya,” sabi
niya.

(cf. Mateo 27:46-49)

Ano daw ang sinabi ng mga tao doon na nakarinig sa panaghoy ni Jesus?

“Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!”...“Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya,”

Isipin ninyo, bakit nila iyon sasabihin kung wala palang puwang sa kanila ang mga kaluluwa ng mga
yumao na? Ayon po sa mga dalubhasa sa Kasulatan, kaya ito nasabi ng mga tao sa paligid ni Jesus
sapagka't sa panahong iyon ay naniniwala sila sa intecession of Saints o ang maaring paghingi ng tulong
sa mga yumao nang lingkod ng Diyos.

Isa din sa napansin ko ay ginagamit nila ng 1 Timoteo 2:5 na iisa lamang daw ang Tagapamagitan sa Tao
at sa Diyos, iyon ay si Cristo-Jesus. Tama naman po iyan, pero anong klaseng pamamagitan? Ito po ay
mababasa sa verse 6, ang ipagkasundo tayo sa Diyos.

1 Timoteo 2:5-6

Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos.

Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay
pinatunayan sa takdang panahon.

Pero kung itataas lamang po natin ang basa naroon naman po ang sagot sa kung ang Intecession ba ay
katanggap-tanggap:

1 Timoteo 2:1-3

Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin,
pagsamo(INTECESSIONS), at pasasalamat para sa lahat ng tao. Idalangin rin ninyo ang mga hari at
maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.

Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas.


Kaya malinaw po, huwag lamang puputulin kasi.

Ano naman po ang mga halimbawa ng mga dakila at universal na kakayahan na ipinamalas ng mga
lingkod at alagad ng Diyos sa kanyang kapangyarihan?

Una, kahit na sila ay nabubuhay pa lamang ay nakaya na nilang magsalita at umunawa ng iba't-ibang
wika:

Mga Gawa 2:4

"at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa
ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu."

O buhay pa po sila niyan wala pa sila sa Langit.

Kahit si Juan po:

Pahayag 7:9-10

Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat
bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may
hawak na mga palaspas. Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa
ating Diyos na nakaluklok sa trono!”

Biruin mo, si Juan na buhay ay nakakita, nakarinig ng mga wika ng napakaraming tao mula sa iba't-ibang
wika, lahi bansa at bayan, ay naunawaan niyang lahat ang kanilang sinasabi na:

“Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”

Iyan ay kahit pa ibat-iba ang kanilang wika. At si Juan ay nasa lupa pa noon. How much more ngayon na
sila ay nasa Langit na? Ito ang pahiwatig ni San Pablo sa 1 Corinto 13:12.

Eh si Maria, bakit naman tayo humihingi ng tulong sa kanya?


Sapagka't siya ay ang ina ang ating Panginoon. Kagaya na lamang ng kaganapan sa Kasalan sa Cana kung
saan sila naubusan ng alak. Hindi pa panahon noon ni Jesus pero ginawa niya ito dahil sa pagsamo ng
kanyang ina. Makikita din natin dito na mayroong pagkukusa ang mga Santo sa Langit. Sapagkat nga sila
ay may kamalayan. Diyos si Cristo, bakit niya susundin ang kanyang ina? Pero bilang anak ginawa niya
ito(Juan 2:1-10).

Isa pa, si Maria ay inilarawan bilang isang Rachel, ang Matriarch ng Buong Jerusalem. Sapagka't kahit na
si Rachel ay patay na dahil sa panganganak kay Benjamin ay nananangis parin siya sa kanyang mga Anak
at siya ay pinakinggan ng Diyos higit kina Moises na hindi niya dininig ayon sa Lamentations Rabbah 24
na mula sa Tradisyon ng mga Hudyo (Jeremias 31:15-17). Tandaan matagal nang patay diyan sa tagpong
iyan si Rachel(Genesis 35:16-18) at noon lamang siya na ang namagitan saka lamang nagsalita ay nakinig
ang Diyos.

Si Maria din ang bagong Batsheba o Queen Mother ng Israel. Si Batsheba ang ina ni Solomon at sa
Davidic Kingdom ng Jerusalem ang ina ng hari ang siyang reyna. Ganoon din si Maria sapagkat si Cristo
ang bago at dakilang Hari ng bagong Israel. At katulad ng pamamagitan ni Batsheba sa Anak nito na
mababasa sa 1 Kings 2:19 ay ganoon din po ang ating mahal na Birheng Maria.

Pansinin din ang salita ng mahal na Birheng Maria:

Lucas 1:48

"sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong
mapalad(Blessed)"

Paano niya maaapreciate na tatawagin siyang "Blessed" ng lahat ng salinlahi o henerasyon kung di niya
mapapakinggan?

At maging ang mga unang Cristiano ay naniniwala dito, sa katunayan ay natuklasan noon ang isang
bahagi ng Ancient Papyrus sa Egypt(3rd Century) na naglalaman ng isang panalangin, "Beneath Thy
Protection" (Ancient Greek: Ὑπὸ τὴν σὴν εὐσπλαγχνίαν; Latin: Sub tuum praesidium):

"Beneath your protection,

we seek refuge, O Holy Mother of God;

despise not our petitions in our necessities,

but deliver us always from all dangers,

O Glorious and Blessed Virgin.

Amen."
Tandaan hindi ibig sabihin na nananalangin ka sa isang Banal ay sinasamba mo na siya at siya na ay
diyos. Ang panalangin ay isa lamang "communication" in turn, we ask them to pray for us, sinasabi natin:
"IPANALANGIN MO KAMI". Tandaan we can always pray directly to God pero iba parin pag malakas ka sa
kanya dahil may "backer" ka.

At sa mga katangian naman ni Maria, hindi lang limitado ang ibinigay ng Diyos sa kanya sa pagkaunawa
ng mga iba't-ibang wika, sa kasaysayan ay pinatutunayan ng mga Aparisyon niya na siya ay nakakasakop
din sa mga lahi at kultura, halimbawa siya ay nagpakita sa Guadalupe bilang isang Indian, at sa Portugal
naman ay isang European at marami pang iba.

Kaya mga kapatid, malinaw po ang sinasaad ng Biblia, hindi lang po dapat na ito ay basahin kundi
pagnilayan at unawain sa gabay ng Espiritu Santo na nasa Magisterium ng Catholic Church. WE PRAY
WITH MARY AND THE SAINTS.

This article was written by Humphrey A. B, member, Saint Peter’s Men Society.

No part of this article is to be reproduce or used for any unlawful acts.

You might also like