You are on page 1of 5

Si Hesus- ang ATTORNEY natin

(Jesus our Advocate)



Mga Layunin:
Malaman ng mga bata na si Hesus ang dakilang tagapagtanggol natin mula
sa hatol ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan.
Ituro sa mga bata na lumapit lang kay Hesus sa tuwing nagkakasala at
humingi ng kapatawaran.

Salita ng Diyos:
1 Juan 2:1-2; 1 Juan 1:9

Panguna:
Review ng nakaraang lesson.
o Anong pangalan na no. 1 ayon sa bibliya?
o Ano na nga ba ang ibig sabhin ng pangalang Hesus?
o Sinong tumawag sa inyo sa pangalan ni Hesus noong natatakot siya o
noong nasa panganib siya ngayong mga nakaraang araw? Ibahagi sa
iba.
Transition:
o Ang galing ni Jesus diba? Napakapalad din natin na mahal niya tayo.
At dahil mahal natin siya, every Sunday Siya na ang pag-uusapan natin.
Gusto niyo ba un? Na makikilala natin ang ating savior?
o Gagamitin natin ang mga letra sa alphabet para makilala natin siya.
Alam niyo ba yung mga letra sa alphabet? Tama, A.. B C
hanggang Z. Ngayong araw na ito gagamitin natin ang
letrang.
Anong letra to(ipapakita ang letrang A)? Tama! Letter A.
o Si Jesus ang ating Attorney! Sinong nakakaalam dito kung ang ibig
sabihin ng attorney? Tama! Ang attorney ay yung nagtatanggol sayo
kapag may kasalanan. Kasama mo siya na haharap sa judge at
ipagtatanggol ka niya. Ganoon din si Jesus s atin, siya ang ating
tagapagtanggol sa harap ng Diyos Ama para tayo ay mapawalang sala.

Pag-aaral sa SALITA ng DIYOS:
1 J uan 2:1 Ngunit kung nagkasala ang sinuman, may Tagapamagitan
(tagapagtanggol) tayo sa ama. At iyay si Hesukristo, ang walang sala.
- Ang sabi ng verse na ito kapag tayo ay may nagagawang kasalanan, kaya
tayong ipagtanggol ni Hesukristo sa harap ng Diyos Ama para mapawalang
sala.Kasi ang Diyos Ama ay judge natin, siya ang magsasabi kung tayo ay
nagkasala (guilty) o hindi nagkasala (not guilty)
- Bakit dapat tayong mapawalang sala? Kasi kung hindi tayo mapapawalang
sala sa impyerno tayo pupunta. At si Hesukristo ang kayang magtanggol sa
atin para mapawalang sala tayo. Wala ng iba
- Sino na dito ang may nagawang kasalanan? Lahat naman tayo diba? Kaya
lahat tayo kailangan natin si Hesus bilang attorney natin para tayo ay
mapawalang sala.
- Sa tingin niyo, anong mayroon kay Hesukristo na tanging Siya lamang ang
may kakayahan na ipagtanggol tayo?

1 J uan 2:2-Sapagkat si Kristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
natin, at kasalanan din ng lahat.
- Hayan! Ang sabi dito, hinandog kasi ni Hesukristo ang kanyang sarili para
akuhin ang kaparusuhan ng ating mga kasalanan.
- Ayon sa verse, ilang kasalanan lang ang mapapatawad? Lahat?! Tama!
Lahat? Kasalanan nating lahat kasalanan ng lahat ng tao pati na din ang
mfa kasalanan mo noong nakaraan, ngayong araw na ito at pati na ang mga
kasalanan sa kinabukasan..
- Sabihin mo sa katabi mo, pinatawad ka na sa lahat ng kasalanan mo!
- Sabihin mo pa, magbago ka na

So tuwing nagkakasala tayo ano ang dapat nating gawin?
1 J uan 1:9- Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, maasahan nating
ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating
kasamaan sapagkat siyay matuwid.
- Ayon dito, tuwing tayo ay magkakasala, ipahayag o aminin natin sa harap
ng Diyos kasi may Hesukristo naman na magtatanggol sa atin.

Paglalagom:
May iba pa bang kayang magtanggol sa atin? Wala na dib a? Si Hesukristo lang ang
the and only na attorney natin.

Mga tanong:
1. Anong ginagawa ulit ng isang attorney?
2. Sino ang the one and only na attorney natin?
3. Mayroon pa bang kayang magtanggol sa atin maliban sa kanya?
4. Bakit na nga ulit kaya tayong ipagtanggol ni Hesukristo?
5. Anong dapat nating gawin kapag nagkakasala tayo?

Pagsasabuhay:
1. Turuan ang mga bata na tuwing nagkakasala dapat lumapit kay Jesus Christ sa
panalangin. Turuan silang manalangin.
Panginoon, nakagawa po ako ng kasalanan. Inaamin ko pong ako ay
___(halimbawa: nangupit)____. Inaangkin ko ang kapatawaran. Salamat Hesukristo
sa iyong sakripisyo. Turuan mo ako mula ngayon na hindi na __(mangupit)___.
2. Ibahagi sa 3 kaibigan o kakilala ang bagong natutunan kay Hesus.

Panalangin: Sabay-sabay manalangin. Aminin ang mga kasalanan sa harap ng
Diyos. Ipagpanalangin din sila pagkatapos.

Pangalan: ____________________________________________________
Kaarawan: _______________________________
Pangalan: ____________________________________________________
Kaarawan: _______________________________






























Ngunit kung nagkasala ang
sinuman, may Tagapamagitan
(tagapagtanggol) tayo sa ama.
At iyay si Hesukristo, ang
walang sala.
(1 Juan 2:1)

















Kung ipapahayag natin ang ating
mga kasalanan, maasahan nating
ipatatawad sa atin ng Diyos ang
mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng
ating kasamaan sapagkat siyay
matuwid. (1 Juan 1:9)







Sapagkat si Kristo ang handog
sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan natin, at kasalanan
din ng lahat. (1 Juan 2:2)

You might also like